Kabanata 25
Hostage
The days are not the same without Lorenzo. Carmella is easy to be with. Like Kakay she's a one hell lunatic too. But the worst thing about Carmella is she's a flirty one.
She loves to flirt with every man around and even the bodyguards. One night, I caught her kissing Rodolfo, the head security guard, and on that same night she kissed Fredo, the head chief in the resort.
She's crazy!
"Love, ganito ba talaga si Carmella? Lahat ng lalaki ay hinahalikan niya?"
Kausap ko si Lorenzo sa kabilang linya. Kahit na wala siya sa tabi ko ay palagi niya akong tinatawagan sa ganitong oras.
"Don't worry about her, love. That's her way of getting information. She's a sly spy," he chuckled.
"A sly spy? Ano siya kohol?" Ikot nang mga mata ko at rinig ko ang bahagyang tawa niya.
"I miss you, love. I miss everyone. Wala sina Mama at Papa, at ngayon ikaw wala rin dito. I've been thinking to go there. Pinapaayos ko pa ang mga papelis ko kay James."
"Oh? Really? T-That would be lovely but I won't be long, love. Babalik din ako. I will call you everyday."
I grimaced when I heard it. I thought he will be happy to see me if I go to where he is, but it sounded like the opposite.
"Bakit, ayaw mo? I know I had my accident there, Lorenzo. E, mas makakatulong sa alaala ko kung babalikan ko ang lugar ng insidente. Dr. Pascual told me that it will be a big help, at kahit takot ako na balikan ito ay gusto ko rin naman na malaman ang totoo. Mama and Papa agreed. I have told them."
He went quiet and I heard his deep breath. Same with him I have this uneasy and gutsy feeling. Ang totoo ayaw kong balikan na ang nakaraan ko. Pero sa tuwing naalala ko ang litrato at mga bagay ay gusto kong malaman ang totoo.
"Penelope!" tawag ni Carmella sa akin. Nilingon ko agad siya.
"Okay, love. I have to go. Nandito na ang baliw na si Carmella," mahinang tugon ko at rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Pinatay ko na ang cellphone at ngumiting humarap kay Carmella ngayon.
"Si Lorenzo ba ang kausap mo?"
"Oo. Sinabi ko na pupuntahan ko siya. Sasamahan mo ako," plastik na ngiti ko sa kanya.
"Oh, really? Pumayag ba siya? As far as I know he won't let you," she pouted and sat down beside me.
"Why not? I want to see him and besides, I will follow Mama ang Papa in Paris," I lied. I better be off lying and bringing my parents name.
"S-Sigurado ka?" seryosong titig niya at tumango na ako.
"Oo naman, Carmella. Panahon na para harapin ko ang mga alaalang ayaw ko. Di ba sinabi mo naman sa akin 'to noong nakaraan linggo? It's better for me to know the truth. Kahit na masakit ay kailangan kong harapan, 'di ba?"
"Well, if this is your fate then face it with a smile and courage. If you can do that, then, that's the only way you can live," arteng tugon niya at taas kilay pa.
Napatitig na ako sa mukhang ni Carmella. Hindi siya nakatitig sa akin, bagkos nasa baba ang mga mata niya. Nasa balkonahe kasi kami ng kwarto ko. Tumayo na ako at tiningnan ang baba. Ang iilang gwardya ang nandito, kasama na si Alesandro.
"Carmella, may tanong lang ako, isa lang..."
Lumawak agad ang ngiti niya. Carmella's got a beautiful smile and lovely face. Maganda siya, sobra.
Her smile alone is captivating and I bet, boys fall in line wanted to be kiss by her. But when I stare at her eyes deeply a cold shiver travels so fast like a danger inside me.
Kinabahan ako at ilang ulit pa ang pagkurap ko. Carmella is somehow not the sweet Carmella after all.
"Oh, bakit? What's wrong? Chiedimi ora prima che cambi idea. You better ask while I'm happy to answer it," she seriously stare while plastering her sweet smile.
"Ahm, Um, d-do you like, Lorenzo?" wala sa sariling tanong ko.
Ang totoo hindi naman talaga ito ang tanong ko. Itatanong ko sana kung anong pinagkakaabalahan niya sa buhay? E, biglang nagbago ang utak ko dahil sa nakikita ko sa mga mata niya.
"What?!" lakas na tawa niya. "My god, hindi ano! You know Violet and I are the same, Penelope. Violet loves Lorenzo and I was once in-love with Drake. I like Lorenzo as a bother. I care about him, Penelope. Kaya sana mahalin mo ng totoo ang baliw na iyon!"
"I will," direktang tugon ko.
Nawala ang ngiti sa mukha niya at tinitigan na ako ng seryoso.
"I hope you will. Or else, I will be your worst enemy nightmare," she seriously said and I swallowed hard.
The way she stared at me is like a threat. My heart pounded in a different tango like I'm scared of something.
"Ikaw naman oh! Di na mabiro!" Agad na yakap niya sa akin at halos hindi na ako makahinga.
"I believe that you love him, Penelope. Don't be stress with everything, okay? When do you want to go to Sicily? Sasamahan kita," kindat niya.
"S-Soon. Pinapagawa ko pa ang passport ko kay James. B-Baka sa susunod na linggo, okay na," sabay lunok ko at titig sa kanya. Bumitaw rin agad siya.
"Lorenzo will be back by then. Hintayin mo na lang kaya."
Tumango na ako para wala na siyang itatanong pa.
"Anyway, I will be late tonight and I can't join you for dinner. My mission impossible akong sisirain," kindat niya at pilyang natawa.
"Ha? At sino?"
"Psst, secret. Huwag mong sabihin kay, Lorenzo okay. Sige na babosh!"
Tumalikod na agad siya at itinaas ang kamay sa ere. Napailing na ako. Kahit kailan ang baliw nga naman ni Carmella. Hinayaan ko na siya. She knows what she's up to. I have other priorities as of the moment and I want to do it ahead of time.
A WEEK has passed and all my papers are ready including my passport. Hindi pa ako nagpakuha ng ticket dahil hinihintay ko lang si Lorenzo. He was off and out of town for the past two days. He told me this already, and so I expect that he will call me today. Dalawang araw rin na hindi siya tumawag dahil wala raw signal sa pupuntahan niya.
Dahil excited ako sa tawag niya mamaya, ay sumama ako ngayon kay Nanay sa palengke.
Noon ko pa gustong gumawa ng sariling bracelet na panglalaki at ibigay sa kanya. Hindi lang ako nagkaroon ng panahon noon dahil naging abala ako sa ibang bagay. Lorenzo will be back next week and I am excited.
The resort project on the other side is nearly done. Alam kong kinukulit ni Carmella si Glenn at madalas ko silang nagkikita na nagtatalo. Ivan is out of town. Iniwan niya muna ang lahat kay Glenn. Wala rin si Kakay ngayon, kasama niya siya Carmella sa kabaliwan niya.
"Gusto mo bang mauna sa tindahan na pupuntahan mo, Penelope?" si Nanay sa akin.
"Sige, Nay. Okay lang po kahit ano."
"Alesandro sa Baler muna tayo, anak. May bibilhin lang si Penelope."
Tumango lang si Alesandro at tahimik sa pagmaneho. I find Alesandro weird at times. Ganito rin naman noon ang tingin ko kay Lorenzo, kaya hindi nakapagtataka na ganito rin ang nararamdaman ko sa kanya. Inihinto niya ang sasakyan sa bandang gilid at lumabas na ako. Nagpaiwan si Nanay at ako na ang pumasok sa loob mag-isa. Nakatayo lang din si Alesandro sa gilid na binabantayan ako.
Ang nakangiting mukha ng tindera agad ang sumalubong sa akin. This shop is like a jewellery shop inside a crowded market. Dalawang customer lang ang nasa loob at pangatlo na ako.
"May gusto ba kayong ipagawa, Ma'am?" tanong niya.
"Oo, gusto ko sana ng katulad nito."
Ipinakita ko ang suot kong bracelet na bigay ni Lorenzo noon. I would like get the same copy but more like a men style. Gusto ko rin na palagyan ito nang pangalan niya. Iginiya ako nang babae sa bandang gilid. Napansin ko rin na may lagusan ang tindahang ito sa likurang bahagi. So ang bawat customer na papasok ay malayang nakakalabas pasok sa bawat banda.
Ipinakita niya sa akin ang mga desenyo at agad may nagustuhan na ako. Kinuha ko ito. Alam kong babagay ito kay Lorenzo. It has a bad boy look. Naalala ko lang din ang tattoo niya. Medyo may hawig kasi ang ukit nito.
"Kukunin ko 'to, Miss. Papalagyan ko ng pangalan." Isinulat ko sa papel ang pangalan ni Lorenzo at binigay ito sa kanya.
"Five to ten minutes, Ma'am. Hihintayin niyo lang ba?"
"Oo, Miss. Salamat," ngiti ko at nagbayad na.
Tumingin pa ako sa kabilang banda. Hanggang sa napansin ko ang tatlong lalaki na pumasok. Hindi ko sila pinansin at inabala ang mga mata ko sa mga alahas na naka-display rito. Nilingon ko ang labas at wala rito ni Alesandro. Kung kanina ay nakatayo siya, ngayon ay wala na. Naisip ko baka may binili lang din sa gilid.
Hangang sa pumwesto na ang isang lalaki sa kabilang pinto at pumasok pa ang dalawan na galing likod. Lumingon na ako at hinanap ang mga babaeng tindira. Nasa loob pa siya at inalalayan ang kasama niya sa loob. Ang kasama niya ang nag-uukit sa pangalan sa alahas na binili ko.
Ngumiti ako nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Pero sa dalawang lalaki siya nakatingin na ngayon ay nasa likod ko. When I lay my eyes on the person beside me, straight away he hold my hand and push my body against the wall. Nataranta ako at rinig ko pa ang pagpindot ng babae sa security alarm nila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang iilang baril na dala ng mga lalaki rito.
"Walang gagalaw!" sigaw ng isa.
"Lahat na, bilis!" tugon ng isa sa kanila.
Nakatutuk ang baril ng isang lalaki sa akin. Sa sobrang kaba ng puso ko ay nanigas ang buong katawan ko at habol ang bawat hinga ko. Si Alesandro agad ang nakita ko sa labas na pilit pumapasok at halos gibain na niya ang security bar na nakababa na.
Nang pinindot kasi ng babae ang security alarm ay bumaba ang security door na riles, para hindi makalabas ang mga magnanakaw sa loob.
But that leaves me here alone, because the two staff went out on the back exit. Nawala na kasi sila at ako na lang din ang naiwan mag-isa na kasama ang mga magnanakaw sa loob.
"Trap na tayo, boss!" tugon ng isa.
"May daanan sa itaas akyat na!"
Tinakpan ko na ang tainga ko at nanginig ang buong sistema ko ngayon. Pakiramdam ko katapusan na ng mundo ko. Pinikit ko na ang mga mata at tanging inggay nang mga basag na bagay lang din ang naririnig ko. Hanggang sa narinig ko ang putukan ng baril at napaupo na ako.
Pero hindi pa tapos ito dahil hinila ako nang lalaki at higpit na hinawakan ang braso ko.
"Isama na natin 'to, boss. Hostage natin!" tigas na tugon ng isa at agad na kinaladkad ako.
"P-Please... Ayaw ko!"
Pero walang silbe ang sigaw ko dahil marahas na hinablot ang katawan ko ng isang malaking lalaki. Pakaladkad at pwersahan akong pinaakyat sa hagdanan.
The tilt image and scary emotions are playing inside me. Iyong pakiramdam na ito na 'ata ang katapusan ko at bahala na ang panginoon sa akin ngayon.
Gusto ko sanang umiyak pero walang luha ni boses man lang ang lumabas sa bibig ko. Nang makita ko ang pagtutuk ng baril ng lalaki sa akin ay parang nahinto ang mundo ko.
"Papatayin namin 'to! Kaya huwag kayong magpapaputok!" saad ng lalaki na nakahawak sa akin.
Nasa bandang roof top na kami at delikado na ang pagbaba. May iilang pulis na sa paligid at nabingi na ako sa bawat inggay ngayon.
When I heard two gun shots, blood splattered all over the joints. I hold my breath when I saw one of the culprit lay lifeless on the ground, on his own blood. I trembled in fear, and as I looked at my hands it's covered in blood too.
Nang tumingala ako ibang mukha na ang nakikita ko ngayon. Naging madilim ang buong paligid at ang silaw ng ilaw ay nagpapahirap sa pangingin ko. Bumaba ang tingin ko sa katabi ko at ang duguang mukha ni Violet ang nakikita ko. I covered my mouth and cried. Gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. Nang maalala ko ang mukha ni Violet ay tumayo na ako. Pakiramdam ko kailangan ko siyang protektahan kahit na ikamatay ko pa ito.
"Violet!!" sigaw na tayo ko at titig sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bagay na tumama sa gilid ng ulo ko.
I wiped my face using my bare hand. The liquid that flow from my forehead is bothering my vision to see Violetta's face. But when I stare at my hands it's red, it's blood.
Nanginig ang buong katawan ko sa takot at nanghina ang tuhod ko. Bumagsak na ang katawan ko at kasunod na nagdilim ang paningin ko... Violetta, isip ko bago pinikit ang mga mata.
—❤️❤️❤️—-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro