Kabanata 17
Glimpse
The plan to spy on him brought something new to me. I daydream about him, have illusions, and my memory is lost in space.
Minsan nawawala na ako sa sarili ko at blanko akong nakatitig sa kanya. Kung hindi man sa kanya ay sa kawalan. Nakakalito na nga at hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya noong nakaraang linggo.
"I am your only knight, love. You gave me that title. Mahirap paniwalaan, pero totoo. I am your Lorenzo. I am your lover. Mahal mo ako. Pero mas mahal kita ng buo."
That word came like a whisper in my ears. Paulit-ulit ito sa isip ko sa tuwing nag-iisa ako at nakatingala sa mga bitiun ng langit.
And here I am again, in the same old routine, staring at the dark sky, trying to find a star on this gloomy night. Wala akong makita ni isa kaya panay ang buntong hininga ko ngayon. Ang sikip ng dibdib ko at na miss ko siya.
It's been three days that I haven't seen him. Dapat nga mag saya ako at magwala dahil wala siya rito. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Parang may kulang sa loob ko.
According to Kakay it was an emergency. Him and Carmella went away. Hindi siya nakapagpaalam ng personal dahil wala ako ng araw na iyon. Nasa kabilang resort ako kasama ang dalawang Engineer, sina Ivan Furtunato at Glenn Mondragon. He only called me, and I admit it. I was jumping out of joy when he said that he would be away for a week.
Pero baliktad 'ata ang nangyayari sa akin. Dahil na miss ko ang kabaliwan niya. Hay naku, Viola!
Pumasok na ako at sinarado na ang sliding door ng balkonahe. Alas nuebe na at hindi pa ako inaantok. It might sound crazy but I waited for his call. Gusto kong tawagan siya pero kinakain ako ng pride ko ngayon.
He never even called me for three days. Heck! Fiancé ko ba siya? Di ba dapat tatawag siya at mangungumusta? E, ba't wala!
Nakasimangot ang mukha ko habang nakatitig sa cellphone. Tinapon ko lang din ito sa kama. Mama and Papa rang earlier, telling me that everything was okay with them. Baka raw mas matatagalan pa sila, dahil gusto nilang pumunta ng Barcelona. Napako agad ang paningin ko sa maleta ni Kakay sa gilid. Hindi ko pa kasi binuksan ito. Noong nakaraang linggo pa ito rito.
I was busy spying Lorenzo like a lunatic. But the heck! I got attached to him, at mas naging interesado na tuloy ako sa pagkatao niya. Carmella and him grows up in the same ground. Best friend ni Lorenzo si Drake na kapatid ni Carmella. Magkasama ang mga pamilya nila sa iisang negosyo, kaya raw magkalapit sila talaga.
I even asked Kakay to ask Carmella if they have been intimate before. Masyado kasi silang magkalapit sa isa't-isa. Imposible naman kung walang nangyari sa kanila? Pero tinawanan lang daw ni Carmella ang tanong niya. Hindi niya raw type si Lorenzo at iba ang gusto niya.
Naupo na ako sa gilid ng kama at kinuha ko na ang maleta ni Kakay. Mababaliw ako kung mag-iisip ako magdamag kay Lorenzo at Carmella.
I can't believe that there's nothing between them. It's hard to believe.
Babae ako, at kapag ang isang Lorenzo ay naghubad sa harap ko ay iba na ang nasa isip ko. Si Carmella pa kaya? E, parang baliw ang utak ng babaeng iyon!
Dalawang magkaparehong old vintage box nga naman ang nandito sa loob. Alam kong akin ang isa, pero hindi ko alam kong akin rin ba ang isa pa. I grabbed both of them and put them on top of the bed. Una ko nang binuksan ang isa at napangiti agad ako. It's my stuff way back when I was high school. Ang dami nga namang alaala sa maliit na kahon na ito.
Ang sabi nila ay may kailangan pa akong malaman sa pagkatao ko. I have to dig my past in order to understand Papa, Mama and Lorenzo. Pero ang lahat ng nasa harapan ko ngayon ay alam ko, ito ako at naalala ko. I shut it and put it aside. Wala naman masyado laman ito dahil puro litrato at mga lumang maliit na bagay lang noong kabataan ko.
Then I opened the second box, which looked exactly like mine.
To my best friend, Viola,
Thank you for all the memories and love. I wish you all the best and luck in life. Be happy, okay, and don't worry about me. I will be fine. Masaya ako para sa 'yo, para sa inyong dalawa ni Lorenzo. Please look after my one crazy bother because he's one hell of a crazy man for you. Congratulations, bestfriend!
Bff,
Violet
Bumagsak ang balikat ko sa sahig na parang hinid ako makapaniwala sa nabasa ko ngayon.
Violet? That name rings the bell. Who is she?
Kinabahan na ako at isa-isa ko nang tiningnan ang laman ng kahon. Parang binuhusan ang malamig na tubig ang buong katawan ko dahil sa mga litrato na nakikita ko ngayon.
It's a picture of me, her, and Lorenzo, with the sunset, the sunrise, the beach, and even the mountains.
Ang daming litrato at puro magagandang mga tanawin ito. Pero ang mas nakuha ang atensyon ko ay ang litrato naming tatlo. Ako, si Lorenzo at si Violet. When I turn it over it has a date on the back and the place. It was taken three years ago in Sicily.
Napalunok na ako at mas lumakas ang pintig ng puso ko.
Sicily? Sicily... Have I been to Sicily? I can't remember. Wala akong maalala at wala ako ni isang alaala sa mga ito. This gutsy feeling that I felt like I can't breath and something is missing is squishing inside me. Napahawak agad ako sa ulo ko. Masakit ito, masakit na masakit at pilit na hinahabol ko ang hininga ko ngayon.
"Ms, Vi!" ang boses ni Kakay. "Ms, Vi? O-Okay ka lang ba? May masakit ba? Dios ko santisima!"
Hinawakan niya agad ang kamay ko at pinisil-pisil ito. Pero una niyang niligpit ang dalawang kahon sa kama at nakita ko siya na nilagay ito pabalik sa maleta niya. Saka bumalik sa akin at pinisil ang kamay ko.
"Gamot! T-Teka lang, Miss Vi!"
Nataranta na siya at binuksan ang drawer sa gilid ng kama. May natira pa akong konting gamot dito para sa sakit ng ulo. Kinuha niya ito at ang tubig sa mesa. Ininom ko agad ito at nahiga na.
I ran out of energy, and I felt drained. The pain is still killing me.
***
"Ma'am, tulog pa po siya. Oo, sumakit ang ulo niya kagabi. Mabuti na lang at naabutan ko."
Ang boses ni Kakay ang naririnig ko ngayon. May kausap siya sa telepono at ang likod niya ang nakikita ko. It's blurry but then after a few seconds my vision came clear. Maliwanag na ang buong paligid at nakabukas ang malaking sliding door ng kwarto. Ang preskong hangin agad ang naamoy ko.
"K-Kakay."
Ang bigat ng katawan ko at ang hirap bumangon sa kama ngayon. Pinagalaw ko lang ang kamay ko at tinawag ko ulit ang pangalan niya.
"K-Kakay."
Napalingon agad siya at binaba na ang tawag niya.
"Miss Vi!" Agad na lapit niya at inilapat ang kamay niya sa noo ko. Nanginig agad ako dahil ang lamig ng kamay niya nang maramdaman ko ito.
"Ang init mo pa rin, Ms Vi."
Binalot niya ang kumot sa katawan ko at parang hindi siya mapakali. Nagsasalita siya, pero hindi ko marinig ito at wala akong naiintindihan dito. Parang nabingi ang tainga ko ngayon, at ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Panay ang ikot niya at may nilagay pa siya sa noo ko. Pero ang lamig nito at parang natutusok ako. Gusto ko sanang magreklamo at alisin ito sa noo ko. Pero hindi ko kaya, dahil hindi ko kayang igalaw ang kamay ko. Hanggang sa may nakita akong mukha sa harapan ko, at ang ganda niya.
"Penelope...Viola..." Lahad kamay niya.
Para siyang angel na lumulutang sa hangin. Maputi ang damit at mahaba ang buhok.
Her hair danced in the air, and her smile was so bright. Nagbibigay gaan ito sa pakiramdam ko. Gusto kong abutin ang kamay niya at gusto kong maramdaman ito. Pero ang hirap, ang hirap hawakan ng kamay niya at hindi ko maabot ito.
Tinitigan ko ulit siya at napapikit-mata ako dahil sa sinag ng araw sa likod niya. Hanggang sa maalala ko kung sino siya.
"Violet... V-Violet..." Mahinang tugon ko at pilit na inaabot ang kamay niya.
Deep inside me was crying, but I had no tears. My heart is pounding so hard and so tight. It seems like I ran out of breath, and there's no air in my lungs. This glimpse of memory is killing me.
Masakit, masakit na masakit ang dibdib ko at pati na ang ang buong katawan ko. Pumikit na ako at ang madilim na alaala ang dumalaw sa isip ko.
"Violet!"
Ang duguang mukha niya ang nakikita ko at ang kinang ng ilaw sa mukha nito. Gusto kong gumalaw at gusto ko siyang lapitan pero kagaya niya ay duguan at namanhid na ang katawan ko sa sakit ngayon.
V-Violet!Sigaw ng isip ko habang pinagmamasdan siya. Ngumiti siya sa huling pagkakataon at tinitigan ako ng husto.
"V-Viola..." Pikit ng mga mata niya.
No! Violet. No! Sigaw ito ng isip ko habang pinagmamasdan siya.
"Violet..." mahinang tugon ko at pilit na inaabot ang kamay niya.
"Penelope, love!" baritonong boses niya. Ang nag-aalalang mukha ni Lorenzo ngayon ang nakikita ko. Napangiti ako at kasabay na pumikit ang mga mata ko.
From being cold I feel warm again. Ang dating malamig na dampi at haplos ay naging mainit na ngayon.
Lorenzo... my Lorenzo Ferrero...
NAMULAT ako sa ikalawang pagkakataon at mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ang kisame ng kwarto agad ang natanaw nang mga mata ko. Pinagalaw ko ang kamay pero parang may kahawak ako ngayon. Kaya napatingin ako rito. Ang mukha niya agad ang nakita ko, at himbing ang tulog niya sa gilid, sa tabi ko.
His hands were holding mine while his head was leaning on the side of the bed.
Iilang segundong tinitigan ko ang kamay niya sa kamay ko. Our hands locked tight with each other and my hand fits perfectly with him. Gumapang ang init na naramdaman ko sa loob at napangiti ako sa sarili. Hanggang sa tinitigan ko na ang kabuuan ng mukha niya.
The heck, si Lorenzo nga naman siya! Magaling na nga ako, dahil kumunot na ang noo ko habang pinagmamasdan ang himbing ng tulog niya.
Lorenzo's image is like a baby to me. Ang sarap niyang titigan habang tulog at ang ganda ng pilik mata niya. Matangos ang ilong at ang sarap titigan ng labi niya. Napako ang paningin ko sa braso niya at isa-isa kong tinitigan ang tattoo nito. Marami nga naman ito, pero maganda.
I smiled again when I remember our kissess in the Island. Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ang galaw ng kamay niya ngayon. Kaya pumikit ulit ako at nagkunwaring tulog pa.
I can hear him groaned and slowly, he let go of my hand. I can feel him stretching his body and groaned again. Bumuntonghininga siya at naramdaman ko na lang ang mainit na haplos niya sa mukha ko. Napakagat ako sa dila ko ngayon, at pilit na pinigilan ang paghinga ko. Pakiramdam ko kasi mauubusan ako nito.
"I'll cook something nice, love. I love you," he sensually whispered while letting go.
Nakiramdam lang ako. Kahit na gusto kong buksan ang mga mata ay natatakot pa ako. Baka kasi nakatitig lang siya at baka malaman niya na gising na ako. Hanggang sa marinig ko na ang pagbukas sarado ng pinto rito. Napamulat agad ako sabay bawi sa hininga ko. Nilingon ko na ang pinto at wala na siya rito.
—❤️❤️❤️—-
Salamat sa paghihintay 😘❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro