
Part 3
Pagising ko. Tanghali na. Agad akong naligo at kumain na. Maghahanda papala kami ng bbq para ibenta. Tanghali pa ako nagising badtrip.
"Oh. andrea. bakit di ka muna magpahinga kahit mga isang araw lang? "
"Hindi na ma. Dapat magsikap para yumaman tayo."
"Pasensya na kayo anak ah? Wala akong trabaho. Edi sana nagpapaginga nalang kayo"
"Pa. Ano kaba. Kaya natin to. Strong tayo. Atsaka okay lang yun."
"Ang swerte swerte ko talaga dito sa bunsong anak ko"
"Swerte talaga no pa, Sa ganda kong ito. Di ka masuwerte."
"Hay nako, Si drea talaga ang kapal."
"Kuya kung ako makapal ano ka pa?"
"Oh tigil niyo na yan mamaya magkapikunan pa kayo eh."
Nagihaw kami ng bbq, Isaw,dugo. Pagkatapos ko tumuhog nagtinda na ako. Nang mag gagabi na Nagbibilang naman ako nang pack ng crinckles kung ilan pa yung hindi nabebenta.
Biglang nagring yung phone ko Unknown number is calling you
"Hello?"
"Mam!"
"Sino po sila?"
"Ako po yung driver ni sir loueh."
"Bakit manong? Oorder na kayo ng crinckles? "
"Hindi si sir, Nakikipagaway dito sa bar. Eh wala pa naman siyang body guard ngayon kasi pinagdayoff niya lahat."
"Saan yan?! Bakit nakikipagaway?"
"Lasing po to mam."
"Saan yan manong?"
"Sa greenli..gh.ts bar nakakagay dito"
"Ah. sa paranaque. sige manong bantayan mo. Susunod ako."
Kinuha ko yung wallet ko at dali dali akong bumaba para umalis
"Ma pa aalis muna ako."
"Saan ka pupunta anak? Gabi na delikado na"
"Dyaan dyaan lang po."
"Anak. Magtetext ka ha."
"Opo."
Agad akong nakasakay ng taxi at pumunta ako sa bar na yun. Pababa nako nang makita ko si loueh na nahulog sa sahig at Tinatadyakan.
"Hoy! Hoy!" Tumakbo ako palapit at hinarang ko yung sarili ko para wag nang tadyakan.
"Miss ikaw ba girlfriend niyang unggoy na yan?!"
"Wala ka nang pake. bakit mo ba siya pinagtatadyakan?! "
"Umayos ayos yan ha. Kung di ka lang dumating. Wala na sa mundo yang shota mo!"
Umalis na yung lalaki. Nakahiga parin sa kalsada si loueh. May dugo sa bandang gilid ng labi niya. Naamoy ko din yung hiniga niya. Lasing.
"Manong.. tulungan mo na ako. wala na yung bumubugbog.."
"Wala na ba mam? Sige po."
"Ipasok na natin sa kotse niya."
Nang maipasok namin. Halatang halata ko kay manong yung takot niya habang nagdridrive. nasa tabi ko lang si loueh nakahilata na parang bata. Nakakaawa
"Manong ano po ba nangyari?"
"Kasi si si..sir mam.. Ano.. Nagwala dun."
"Bakit ba kasi lasing to?"
"Lagi naman po yang lasing eh."
"Ilang months na ba siya dito? "
"Wala pa pong months weeks palang po 3 weeks na ho.."
"Bakit ba napadpad to dito?"
"Kasi po ang alam ko.. nagmomoveon po yan. kasi Hiniwalayan ng shota niya. eh 4 years sila nun."
"4 years? Tibay ah. "
"Kaya nga po nagkakaganyan yan si sir eh.."
"Ah. kaya.. "
"Kahapon nga lang po hindi uminom yan dahil nagkagulo kayo sa mall.."
"Seryoso? Dapat pala maiuntog to sa pader ng matauhan."
"Kung pwede nga lang ho mam eh.."
"Love kasi.."
"Ikaw ba mam? May boyfriend ka na?"
"Oo ka bre-break lang din namin. Pero one year lang kami nun. Pero Hindi naman ako ganito katulad sa amo mo"
"Iba po talaga magmahal yan si sir eh"
"Driver ka din ba niya sa london?"
"Oho. Napakabait din po niyan ni sir.. Nung sila nung girlfriend niya nga, Nagluluto pa yan ng masasarap na pagkain eh"
"Seryoso? Wala sa muka ah."
"Mam talaga."
"De joke lang. Manong saan ba bahay neto?"
"Naka condo po si sir"
"Mayaman talaga tong amo mo no? "
"Oo naman. kung di niyo naitatanong sobrang yaman niyan sa london."
" Hay nako. tas sinasayang niya lang buhay niya noh? "
"Wala tayong magagawa dyan mam. Andito na po tayo"
Umakyat nakami sa unit ni louis at agad ko siyang ibinagsak sa kama
"Mam.. sa baba lang po ako.."
"Sige sige. kuya... Ako na bahala dito."
"Sige mam"
Tinatanggal ko yung sapatos ni louis nang magsalita siya
"Eleanor..Hey.."
"Wala si eleanor."
"Eleanoor.."sabay yakap sakin.
"Bitiwan mo nga ako..wala si eleanor. di ako yun.."
Bigla siyang bumagsak at natulog. Nang makatulog na siya umalis na ako sa unit niya at umuwi na.
Pagkauwi ko sarado na lahat ng ilaw at gate. Mukang tulog na ata sila mama. Pagbukas ko nang ilaw sa sala nakita ko si mama nasa sofa tulog mukang nagaantay.
"Maa..."
"ohh. Andrea. Salamat sa diyos ayos ka.."
"Ma.. sige na matulog na kayo sa taas."
"Kumain ka na ba?"
"Ma.. Sige na.. kaya ko na to"
Nang umakyat si mama nanood nalang ako nang tv di ko namalayan na nakatulog na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro