Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: New Life


Isang malakas at nakakatakot na alulong ang bigla na lamang bumasag sa katahimikan ng gabi. Lahat ng mga hayop na nakarinig ay agad na nagsipagtaguan dahil sa matinding takot na nararamdaman. Maging ang buwan at mga bituin ay nagtago na rin sa makakapal na ulap. Malakas din ang ihip ng malamig na hangin na wari'y may nakaabang na panganib.

Sa isang masikip at madilim na eskinita ay may tatlong kabataan na nag-iinuman. Halata rin sa mga namumulang mata na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot. Idagdag pa na medyo nawawala na sila sa katinuan kaya naman ay hindi na nila alintana ang malamig na klima pati na rin ang nangyayari sa paligid.

Nagtatawanan sila ng biglang masagi ng kanilang paningin ang isang babae na marahang naglalakad palayo.

Dala ng malakas na epekto ng droga ay mabilis nilang binagtas ang anumang distansiya na namamagitan sa kanila.

Nang makalapit ay walang pag-aalinlangan nila itong sinunggaban, ngunit hindi pa man nila nahahawakan ay bigla na lamang silang tumalsik palayo.

Halos mawasak ang isang malaking puno nang malakas na humampas ang ulo ng unang lalaki dito dahilan ng pagputok ng mga ugat niya sa utak na agad nitong  ikinamatay. Ang pangalawa naman ay bumagsak sa sementadong daan. Rinig na rinig pa niya ang paglagutok ng lahat ng mga buto nito sa katawan. Sumuka muna ito ng dugo pero bago bawian ng buhay ay nagawa pa nitong tumingin sa babae na nakatalikod pa rin sa kanila. Pati ang semento ay hindi nakaligtas sa lakas ng impact. Nagkaroon ito ng malaking bitak kung nasaan ngayon ang katawan ng lalaking naliligo sa sarili niyang dugo.

Sa may di kalayuan ay makikita ang katawan ng pangatlong lalaki na nakalawit sa nakausling bakal. Gumagalaw pa ito pero makalipas ng ilang minuto ay tuluyan din itong binawian ng buhay.

Muling naghari ang katahimikan sa paligid. Tanging ihip lang ng hangin ang maririnig.

Sa gitna ng daan ay nakatayo pa rin ang babae. Walang pinagbago sa postura niya, maliban sa kamay na ngayo'y nakataas na.

Ilang saglit pa ay walang lingon-lingon itong naglakad paalis na parang walang nangyari.

oooOOooo

Kinabukasan, maaga pa lang ay dinagsa na ng mga tao ang tatlong bangkay. Kaniya-kaniya silang usisa kung paano at bakit nangyari ang karumal-dumal na insidente. Walang nagtangkang lumapit paggkat sila'y natatakot hanggang sa dumating ang mga pulis at isa-isang pinasok ang mga ito sa ambulansiya.

Sa kabilang daan ay naglalakad palayo ang isang babae. Matangkad ito. Balingkinitan ang katawan at mahaba ang itim na buhok na malayang nilalaro ng malamig na hangin. Suot nito'y kulay abong t-shirt na pinatungan ng itim na leather jacket. Maluwang na cargo pants at combat boots.

Binabagtas nito ang daan patungo sa isang bar and restaurant na kasalukuyang napupuno na ng mga taong gustong magpainit at magpalaman ng tiyan.

Inabot lang siya ng ilang minutong lakad bago makarating sa lugar. May ilang mga bata ang naglalaro sa labas. Naghahabulan ang mga ito habang ang kanilang mga magulang ay masayang nagkuwekuwentuhan sa harapan ng ristorante. Nakaupo ang mga ito sa table at umiinom ng tsaa.

Tumingala ang babae. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita nito ang malaking sign. Shibuya Bar and Restaurant.

Hindi ito pinansin ng babae at agad na nagtungo sa pintuan. Pagkabukas  ay bumungad agad sa kaniyang paningin ang isang matandang nakaupo sa pinakamalapit na upuan. Sa kaniyang harapan ay isang tasa ng kape na nangangalahati na habang hawak-hawak nito ang isang diyaryo.

Medyo maputi na rin ang kaniyang buhok pero halata sa postura at pananamit ang karangyaan sa buhay. Pormal itong kumilos. Magara ang suot na damit.

Inilibot ng babae ang paningin. Sa kaniyang kaliwa ay may dalawang babaeng nakaupo. May mga edad na rin ang mga ito. Pormal ang kasuotan at may mga brilyantes na suot-suot. Nag-uusap ang mga ito habang umiinom ng maiinit na tsaa.

May ilan ding mga estudiyante na nagmamadaling kumain ng kani-kanilang almusal.

Sa pinakadulong bahagi ay nakapuwesto ang isang grupo ng kabataan. Ang iba sa kanila'y tahimik lang na umiinom ng Kirin habang nakikinig sa mga kasamahan. Ang iba nama'y tinutungga ang Sapporo habang malakas na nagtatawanan.

Ang mga babae ay nakasuot ng mga palda at shorts. Naka boots na may heels. Halos sumabog na rin ang kanilang mga suot na damit dahil hapit na hapit ito sa kanila. Makakapal din ang kanilang mga make-up na animo'y clown sa sirko.

Ang mga lalaki naman ay may nakasuot pa ng kanilang mga uniporme. Nakataas ang mga buhok gawa ng gel at halos maligo na sa pabango.

Natigil lang mga ito sa ginagawa nang lumapit ang babae sa kahera. Napatingin ang buong grupo sa kaniya. Ang mga mukha'y hindi maipinta. Halos masuka na rin ang mga babae sa nakikita. Pati ang mga lalaki ay titig na titig lang sa kaniya. Wari ba'y ngayon lang sila nakakita ng tao. Hindi pa sila nakuntento'y nagbulungan pa sila habang tumatawa.

"What the fuck! What's that on her face? It's disgusting!" Turan ng pinakamatangkad na babae sa grupo. Malalaki ang hikaw nito at halos labas ang kuyukot sa suot na shorts.

"Look at her hair! It's very oily!" Nakataas ang kilay na sabi naman ng babaeng may pula at mahabang buhok. Tumaas pa ang kilay nito habang tinitignan ang nakatayong babae mula ulo hanggang paa.

"Don't look at her, or you will share her ugliness." Bumaling ang may pulang buhok na babae sa kaniyang nobyo bago ngumiti ng mapang-akit.

"Yes, babe." Naghalikan ang dalawa. Kulang na lang ay maghubuan na sa ginagawa. Naghiyawan naman ang iba. Saglit na nakalimutan ang tungkol sa maitim na babaeng pinag-uusapan.

Samantala, imbes na mahiya ay parang walang narinig ang babae. Diretso lang ang tingin nito sa lalaking kahero na ngayo'y hindi mapakali. Sinubukan ding makipagtitigan ng lalaki, ngunit sa huli ay ito pa rin ang unang nag-iwas ng tingin.

"What do you want?" Medyo pumipiyok ang boses na tanong ng lalaki, pero imbes na sumagot ay nanatili lang na nakatingin sa kaniya ang babae.

"Do you understand what I'm saying?" Halata sa gumagaralgal niyang boses na hindi siya komportable. Kinakain na rin siya ng nerbiyos. Pakiramdam niya'y tagos sa kaniyang kaluluwa ang mga titig ng babae.

Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla na lamang gumalaw ang babae. Para lang siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makitang lumingon ito sa bandang kaliwa. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago ito sundan ng tingin.

"Coffee?" Wala sa sarili niyang tanong habang nakatingin sa kapehan. Noon lang din niya napagtanto ang gusto ng babae.

"You want a black coffee?"

Hindi na muling gumalaw ang babae pero mabilis nang tumalikod ang lalaki para gawin ang trabaho.

Interesting.

Ngisi ng isang lalaki habang matamang na nakatingin sa babaeng ngayo'y umiinom na ng kape. Agad nitong tinanggal ang kamay ng babaeng nakapulupot sa kaniya bago tinungga ang beer na hawak.

"Very interesting." May pilyong ngising bulong nito habang sinusundan ng tingin ang misteryosong babaeng naglalakad na palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro