I: Felize Sienna Andrada
"Yes Devon, nakauwi na ako," naiinip na sagot ni Felize sa kausap niya sa telepono.
"'Di ba sabi ko sayo tawagan mo ako pagkauwi na pagkauwi mo pa lang," sita sa kanya ng matalik na kaibigan.
"Eh kakarating ko pa nga lang. 'Di ko pa nga nalapag ang mga gamit ko. You worry too much! I'll be fine," she whined.
"Ok but are you sure you don't want me to drop by. Matagal ka na ring hindi nakauwi sa unit mo baka manibago ka," bakas sa boses ng kaibigan ang pag-aalala.
"Nope! I got this. Salamat sa concern beks pero kaya ko na 'to. I need to hang-up now. I have get some rest," sagot ng dalaga.
"Sige sige. You don't have to come to the shop tomorrow baka may jet lag ka pa. Magpahinga ka na lang muna," paalala ni Devon.
"I'll try to be there tomorrow. Bye!"
"Bye!" pagtatapos ng tawag.
Napahiga na lang si Felize sa kama at malalim na humugit ng hangin.
"Haaaay! I missed you bed," she uttered.
Ilang buwan din kasi siyang hindi pumirmi sa sariling tahanan dahil sa sunod-sunod na tour, guestings, at book signings na dinaluhan niya.
Alas diyes na nang gabi at kakauwi niya pa lang sa condo niya. Na-delay kasi ang flight nila mula sa Cebu pauwing Maynila dahil sa hindi magandang panahon. They took a cab from the airport and dropped off Devon on his family home in Taguig.
Si Devon ang pinakamalapit na kaibigan niya. He works as a manager, stylist and PR person to the famous Freya Amour but for Felize he is her best friend in the world and a trusted business partner. Si Devon lang din ang nakakaalam ng lihim sa likod ng pagkatao ni Freya.
Binuksan ni Felize ang maleta at isa-isang nilabas ang mga damit at sapatos para mailigpit at mailagay sa labahan. Pinakahuling bagay na nakuha niya mula sa maleta ay ang itim na colombina mask na siyang suot-suot niya nitong mga nakaraang buwan.
She held it in her arms and her eyes scanned the her whole unit. It was empty and cold with no sign of life but her own. Just like this night and every other night in Felize's life.
It's the biggest paradox. Out there she is this revered Goddess but by the end of the day she is just a girl alone in a big city staring at the mask of the identity she will always envy.
She gently put the mask on top of her bedside table before tucking herself to bed.
"Good night Freya," she said to herself as she closed her eyes.
●●●●
Hinihingal na pinunasan ng dalaga ang pawis pagkababa niya pa lang ng treadmill. It was a pretty great run for her. Ito ang routine niya bawat umaga. Pagkatapos gumising at maghilamos ay diretso siya sa stretching at sasampa na sa treadmill. Para sa kanya ito ang nagsi-set ng mood niya sa buong araw. Light work-out habang nakatingin sa abalang lungsod mula sa floor to ceiling window ng condo unit niya.
Likas na maalaga sa kalusugan ang dalaga dahil minsan na siyang nabansagang mataba, baboy, balyena ng mga kaklase niya noong kabataan na naging isa sa mga pinakamalaking insecurity niya at naging factor para sa kanyang social anxiety. Kaya naman nang bumaba na ang timbang ay ginawa na niyang kaugalian ang maging health conscious. Para na rin itong confidence boost niya at isa na rin sa paraan namakaiwas sa iba't-ibang sakit.
Pagkatapos niya mag-work-out ay dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng tsaa at maghanda ng almusal.
Her condominium unit is quite big for a single person. It has three rooms, two bathrooms, a spacious living area, fully functional modern kitchen, and a balcony space. Her unit is themed with the colors, teal, white and grey with industrial and contemporary inspired furnitures. Ang isang kwarto ay ginawa niyang study at mini library at ang isa naman ay guest room na tinutuloyan ng kaibigan niya paminsan-minsan.
Simple ngunit elegante ang tahanan niya. Wala gaanong dekorasyon maliban na lang iilang potted tropical plants at abstarct painting na nakasabit sa pader ng sala niya. Ang unit na ito ang unang naipundar ng dalaga mula sa pagiging manunulat niya. She likes everything to be simple. Hindi rin naman kasi niya ugaling mag-invest sa magagarang bagay.
The only things that she considers her priceless treasures in her home are the limited edition books and rare copies of original manuscripts from classic writers. Para sa kanya kahit walang love life ay walang problema. Her heart is fully devoted to literature.
Pagkatapos ng almusal ay mabilis na naligo at naghanda ang dalaga para pumunta sa trabaho. Yes, she has a day job besides being a well known writer.
It is not a bizarre thing to still keep a job even if someone is pursuing writing as a profession. Hindi habang buhay ay nasa tuktok ang isang manunulat. Madalas ay underpaid at delay pa ang pay check lalo na kapag nag-uumpisa ka pa lang sa industriya. Napakahirap din kasi ng kalakalan lalo na at hindi na bago ang mga rejections.
One of Felize's goals is to be financially stable even after her persona as Freya has left the limelight.
They opened up a boutique that features couture works from local designer's and clothing line. Isa rin sa mga focus ng negosyo nila ay ang pag-introduce ng quality garments na yari sa mga indigenous fabrics para ma suportahan ang lokal na manufacturers.
The boutique was Devon's idea mainly because he is a fashion stylist by profession. Felize herself studied Business Administration Major in Finance back in college so their partnership was well established.
Nang nakapagbihis na ang dalag ay humarap siya sa vanity mirror. She applied light make-up just to make herself look fresh and conceal some signs of sleepless nights. She pulled her hair back and styled it to a simple updo and finished her look with a nude lipstick.
●●●●
"Good morning Ma'am!" pinagbuksa siya ng guard sa shop nila.
"Good morning kuya!" bati pabalik ng dalaga.
May iilan pang empleyado ang bumati sa kanya bago siya dumiretsong pumasok sa shared office space nila ng kaibigan.
Naabutan niya si Devon na may nire-review na mga papales. He's wearing a pale pink polo shirt with a patterned pocket together with dark blue fitted pants and a pair of stylish loafers. Devon always likes to look pretty and neat at the same time.
Hindi na lihim sa mga tao ang sexual orientation ng kaibigan. Marami nga ang nagsasabing isang malaking sayang daw ang kaibigan. Noong college kasi nila ay closet queen pa siya dahil sa panggamba na baka hindi matanggap ng ama niya na ang unico hijo nila ay hija pala. Ngunit nang makatapos si Devon at naging independent ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para mag come out. It wasn't an easy pill to swallow for his folks but by the end of the day, they still accepted him for who he is.
Nang maglaladlad ang kaibigan ay para ba itong nakawala sa hawla. He still managed to act and look respected while being true to himself. Hindi naman kasi talaga ugali ni Devon ang magdamit pambabae, magsalita ng gay linggo o maglagay ng kulorete sa mukha. He just likes pretty things and dressing up people, making them look and feel pretty too.
"Good morning!" pukaw ni Felize sa atensyon ng kaibigan.
"Oh! I thought you'd like to take some time off?" tila hindi niya inasahan na makita ang dalaga.
"It's fine D! I had a decent sleep last night and besides I'm here to check on that proposal to feature Kenny Laurel's works for our fall collection," paliwanag ng dalaga.
"Everything is ironed out okay. Pero maganda nga kapag ma review mo muna siya. Are you sure you're not over working yourself?" tanong ni Devon.
"Ako kaya dapat ang magtanong sayo niyan! Ikaw nga 'tong ang daming raket!" biro niya.
"It's nothing major. I can handle it. Ikaw ang inaalala ko. I thought you want to take some time off to focus on a new novel?"
Napabuntong hininga na lang ang dalaga.
"I don't know yet. Wala pang pumapasok sa isip ko. The last installment milked my mind dry. Halos hindi ko mairaos 'yon. I'm having second thoughts on writing a third book," she confessed.
Isa ito sa mga bumabagabag sa dalaga. Ilang nobela na rin ang natapos niya pero ngayon ay isa siyang exclusive writer para sa UNO Publishing ang pinakamalaking publishing company sa bansa. Her early works were either self published or under minor publishing houses that later gained fame.
Sa kontrata kasi niya ay hindi siya pwedeng magpasa ng akda sa ibang kumpanya hanggat hindi natatapos ang three-book-installment niya. The first book was a blast. Isa ito sa may pinakamalaking kinita sa lahat ng mga nobelang nasulat niya. The second one was an entirely different thing though. Felize knows deep inside that she could've done a better job writing it. Hindi ito naging kasing successful ng una. The only thing keeping the series alive is her brand as Freya Amour.
Masyado kasi siyang nadala ng pressure at public demand kaya naman hindi niya nabigyang hustisya ang pangalawang installment. Mabuti na lang at matatag ang fanbase niya kaya kumikita pa rin ang nobela. Hindi lang kasing taas ng inaasahan pero kahit papaano ay kumikita.
Ngayon, hindi siya sigurado kung kakayanin pa niyang isulat at pangatlong installment. She knows that she has to but she's not so sure if she can. It can either make or break the prosperous run of Freya Amour.
Ramdam ng kaibigan niya ang kanyang pangamba kahit hindi man niya ito maisatinig. It will be a big problem if they can't hold their end of the contract.
"Ano ba 'yan? Bawal bumusangot ah! Ang aga-aga pa!" sinubukan ni Devon na aluin ang kaibigan. "I think you need a massive wave of inspiration to get you back on track. It's about time to find your muse!"
Umiiling na ngumiti naman ang dalaga. She knows exactly what Devon is trying to say. Her answer is no.
"C'mon! Don't you think that it's ironic that you're a romance writer tapos kahit kailan ay hindi ka man lang nagka-romance?" ani ni Devon.
"Wala namang masama do'n. I don't need to throw myself to a man just to write about love," katwiran ni Felize.
"Liz it's like applying to be a bus driver without having a driver's license. Isa pa don't you think na masyado ka nang engrossed sa romatantic fantasies mo kaya naman walang kahit sino ang pumasa sa standards mo," pagpapranka ng kaibingan niya na may matching pilantik pa ng mga daliri.
"Hindi ah! Nagkagusto naman ako sa lalaki. Pero alam mo naman masyado akong socially awkward no'n. Isa pa after college I focused on my craft and our business at masaya naman ako dahil do'n."
"I know. And I'm proud of the decisions you made. It worked out for you. Pero ngayon mukhang kailangan mo na talaga kahit soft core action lang beks!" patuloy na kulit ni Devon.
Tama rin naman ang kaibigan. Hindi habang buhay ay kaya niyang pekein ang mga emosyong sinusulat niya. Hindi habang buhay ay ayos na ang mga natutunan niya sa iba't ibang libro. She knows that she can't endure a lot more cold nights.
"Ewan ko. Alam mo naman hindi ako mahilig magkipag-meet sa iba. Kaya nga nagtitiis na lang ako sayo," tukso niya.
"Ay! Pinagtitisan lang ako? Don't worry Liz nandito na ang paranggal mo sa pagtitiis mo," he said and handed Felize an invitation.
"What's this?"
"Invitation nga! Gaga basahin mo kasi!"
It was a masquerade party hosted by Vega Group of Companies.
Based on the details and the venue, it's expected to be a soiree full of elite of the elites. She was invited to come. Freya Amour is invited to come rather.
"Kakatapos lang ng tour ah. Akala ko ba papayagan ako mag-break muna. 'Bat kailangan kong pumunta riyan?"
"Well it's not for work. They are hosting it to support chosen charitable institutions. Isa na sa mga napiling beneficiaries ang Magiliw. Your presence is expected there," paliwanag ni Devon.
Aside from being a writer, Freya is also an ambassador for Magiliw. It is a nonprofit organization that seeks to help and rehabilitate abused women and children. Kasama na sa programa ng Magiliw ang matulungan ang mga biktima para makabangon muli at maging matagumpay sa buhay sa kabila ng mga karahasang dinanas nila.
"Oh 'di sana sinabi mo agad," tango ni Liz.
"That's not the best part," Devon dragged.
"May pa suspense ka pa. Ano na?"
"Joseph will be there!"
Namilog ang mata ng dalaga sa narinig.
Joseph.
Joseph Dela Torre. Ang lalaking laman ng lahat ng pantasya niya. Ang Adan na hinangaan niya sa loob ng apat na taon niya sa kolehiyo. Ang dahilan para sa lagpas langit na standards niya para sa mga lalaki ay walang iba kundi ang mala-Adonis na si Joseph Dela Torre.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro