UNO (Pag-tanggi)
Dyke ( The Childish )
SIN'S POV
Hindi ito ang unang beses na pinapunta kami ni Madame Lewis pero ito ang unang beses na hinayaan nya kaming pumasok sa kuta nya. Kadalasan kasi ay sa labas nya lang kami itinitingga.
Sa paningin nya ay isa lamang kaming mahihinang feeling gangster.
Yung mga batang pasaway na nagrerebelde kaya't naghahanap ng gulo. Aaminin ko sa una, iyon ang tingin ng lahat samin. That we have nothing but words to spill. Pero nung una yun.
Napatunayan na namin sa mundong ginagalawan namin ang tunay nakakayahan ng bawat isa samin. Nakakatuwa nga eh. Halos lahat ng kilala naming gangster nun ay hinuhusgahan kaming mahihina but now they bending their heads and giving a way for us.
I smirk.
Nang marating namin ang opisina ni Madame Lewis ay agad naman kaming pinapasok doon na animo'y hinihintay talaga ang aming pag dating.
Yumuko kami ng bahagya bilang pagbibigay galang. "Nakarating saamin ang inyong imbitasyon." Pahayag ko na hindi mababakasan na kahit na anong emosyon.
"Mukha nga, subalit mukhang maling impormasyon ata ang nakarating pagkat ikaw lamang ang inimbitahan ko." Saad na nakataas pa ang kilay nang magtama ang paningin namin. Naka salamin ito at nakaladlad ang buhok,
Napangiwi ako dahil sa narinig. "Tamang impormasyon ang nakarating samin sadyang hindi lang talaga ako panatag nang hindi sila kasama, ipagpaumanhin mo." Paliwanag ko na nakatingin na deretsyo sa mga mata nito.
"Maupo kayo." Utos nito at binaliwala lamang ang sinabi ko. Agad kaming tumalima, "hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, nais nang nakatataas sa unang distrito na maging parte kayo nito."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi na ako nagulat sa narinig dahil hindi naman ito ang unang beses na alokin kami ng unang distrito. "Hindi na lingid sa inyo ang aming mga patakaraan, kaya't hindi ko na iyon iisa-isahin pa."
Ngunit alam kong ang mga kasama ko ay nagtataka at nangangamba, pagka't ito ang unang beses na isinama ko sila sa walang sawang imbitasyon ni Madame Lewis, "Ano't parang lubos ang pagnanais nilang maging parte kami ng distrito nyo?" Deretsyang tanong ko.
"Dahil sa kakayahan nyo." Maikling sagot nito, hindi ko tuloy malaman kung seryoso ito sa mga sinasabi nya..
Tinignan ko ang mga kasama ko pero hindi man lang ako nagulat ng makitang nakatingin din sakin ang mga ito wala akong nagawa kundi ikuyom ang kamao. Maraming kaakibat na gulo ang pagsali sa unang distrito, ngunit sa pagsali mo rin doon ay matatamo mo ang kapangyarihan ninanais ng marami sa underworld..
"Aling kakayahan? Masyado kasing marami iyon at hindi ko alam alin dun ang tinutukoy mo." Malumanay ngunit may kayabangan na sabi ko.
Napangisi ito. "Lahat pwera na lang dyan sa kayabangang taglay mo," maliit ang naging ngiti nito matapos sabihin iyon.
"Batid ninyo na hindi namin ninais maging parte nang distrito nyo, o nang kahit anong distrito pa." Sabi ko na mahihimigan ang pag aalangan at pag iingat sa maaaring masabi. "Paulit-ulit na namin iyong pinaliliwanag ano't parang hindi ninyo kami sineseryoso?" Nasa tono ko na ang pagkairita sa kanya.
Natawa ito na para bang nagsabi ako ng isang malaking biro para sa kanya. "Ninanais ninoman ang maging parte nang aming distrito."
"Ngunit kami ay hindi," matigas kong sabi. Kaya napaangat ang kaliwang kilay nya.
"Iyon nga din ang pinagtataka ko, anyway, Batid namin ang katigasan ng ulo nyo, ngunit sa pagkakataong ito ang pagtanggi ay sya ring magdeklara na hindi namin kayo kakampi.." Nakangiti nitong sabi ngunit walang bahid ng pagbibiro.
Kilala ang unang distrito sa pagiging sakim at takaw gulo, masyado din silang marumi kung magtrabaho sa underworld business ngunit sila ang higit na makapangyarihan sa lahat.
"Kung gayon, ituring na ninyo kaming kaaway. Kung iyon ang nais niyo." May pagkabagot nang pahayag ko.
"L," may pagbabantang mahihimigan nang sambitin nya ang letrang yung nakakabit na sa katauhan ko.
"Halos lahat ng distrito ay tinanggihan namin kaya't hindi ko maaaring paunlakan ang imbitasyon nyo, dahil sa nag iisang kadahilanan namin iyon ay walang pinapaningan ang pangkat namin at batid mo yun. Walang maaaring makinabang sa kakayahan ng bawat isa sa saamin kundi kami... Kaya't ipagpaumanhin mo ang muli kong pag tanggi sa inaalok mo, Madame Lewis. Ngunit maaari mo pa din namang mapakinabangan ang kakayahan namin sa pamamagitan ng kakarampot na halaga lamang." Ngumiti ako bago tumayo at yumuko upang mag bigay galang dahil na rin sa relasyon nag-uugnay samin, at chaka walang salita pang binitawan na nilisan ang lugar na yun, naramdaman ko namang sumusunod lang sakin ang mga kasamahan ko.
"Talaga bang hahayaan mong maging kalaban tayo ng unang distrito? Manganganib tayo." Agad na lintanya ni Xique na puno nang pangamba. Napatingin naman ako sa kanya.
Nasa bahay na kami, na nasa isang liblib na lugar. Nakaupo silang lahat liban sakin at kay Xique na nasa harap ko.
Napabuntong hininga ako. Maski ako ay nag aalala. "Marami na tayong natanggap na pagbabanta kaya't wag kang mag-aalala kilala ko ang mga iyon batid kong hanggat hindi tayo nakakasagabal sa kanila ay hindi nila tototohanin ang kanilang banta. Hindi tayo maaaring pumanig kanino man sapagka't alam mo ring mas manganganib tayo pag naging parte tayo ng kahit na anong distrito, Xique. Hinihingi ko ang pang unawa nyo."
"Yun na nga Nix, hindi tayo nakakasiguro na magiging ligtas tayo oras na makita nilang sagabal ang pagiging malayang pangkat natin." Sabi nya na mahihimigan ang takot.
"Nakakapangilabot isipin na kahit saang sulok ng mundo ay hindi tayo magiging ligtas pag dumating ang oras na yun." Nangangambang sabi ni Gilder.
"Maski ako ay natatakot na rin, Nix." Dagdag ni Dyke.
"Maging ako din." Walang ano'y paggatong ni Maggy.
Muli akong napatingin sa tatlo bagsak ang balikat nila na nakaupo sa sofa malalim ang iniisip pero ang mga mata ay nasa akin.
Ngumiti ako sa kanila yung abot hanggang mata nakinagulat nila.
"Magtiwala kayo, magagawa natin ang mga plano natin at mananatili tayong ligtas sa mundong 'to." puno ng kumpyansang sabi ko na syang naging dahilan upang lingunin nila ako nang mabuti. "At isa pa, kailan pa kayo naging duwag dahil lamang sa banta. Chaka na kayo manginig sa takot pag dumating ang oras na may nakatutok na nabaril sa sentido nyo habang nakagapos ang parehong kamay at paa nyo. Kabahan kayo kung sa mga oras na yun eh wala ako sa silid na kinaroroonan nyo dahil tiyak na ang kamatayan nyo." Napangiwi sila sa kayabangan ng linyang yun.
Sila na lang ang meron ako kaya't gagawin ko ang lahat para protektahan sila. "Magsitulog na kayo. Wag kayo mangamba babantayan ko kayo." Nakangising usal ko na.
"Ano! Hindi ko kailangan ng bantay, I can use. My senses perfectly even at sleep." Taas ang noong sabi ni Xique. "Aray." Agad na singhal nya matapos syang hampasin ni Dyke.
"Mukhang nagdududa na ko sa senses mo pagka't gising ka pa pero nasaktan na agad kita pano pa kaya pagtulog ka na?" Nakangising pang aasara ni Dyke.
Natawa ko dahilan para matuon ang atensyon ni Xique sakin agad ako nitong binato huli na para maiwasan ko kaya't tumama ito sa mukha ko.
"Fuck." Agad akong kumuha ng unan at nakipag pillow fight sa kanya. Nakisali na ang iba pa samin. Tumatama ang unan sa ibat ibang parte ng katawan ko. Asaaaar hindi ako napupuruhan sa mga gulong napapasok namin pero dito mukhang napupuruhan ako ang lalakas ng hampas ng mga gunggong!
"King'na! Dyke! Walang damayan ng ano, mawawala kinabukasan ko dahil sayo eh!" Bulyaw ni Gilder ng hampasin ni Dyke ang pagkalalaki nya.
"Ul*l," tugon lang nito.
"Tang'na! Yung ilong ko ang sakit, humanda ka sakin Xiq!" Pagbabanta ni Maggy, natatawa na lang ako habang patuloy lang sa pag hampas sa mga nagtatakang hampasin ako at sa mga nahampas na ko.
"Gag* Nix, biruan lang 'to! Bigay todo sa paghampas ang hayop!" Asar at daing ni Xique.
Napuno ng mura at sakitan ang sala namin ng mga oras na yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro