Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PANIMULA (The Deal)


Sin's POV


Nilagok ko ang natitirang alak sa basong hawak ko. Nang masiguro kong wala na itong laman ay nahiga ako sa mahabang sofa na kinauupoan ko. Bahagyang nakaangat ang kanang paa ko na nakasandal sa sandalan ng sofa at kanang braso ko naman ay nakapatong sa noo ko. Naipikit ko ang mga mata ko.

I am Sandra Irish Nix also known as Sin. The Leader of Bloody Gems.

Marahas kong naimulat ang mata ko ng may kumatok sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko.

"Come in!" Malamig na turan ko. Narinig ko ang pagpihit ng siradura at ang dahan dahang pagbukas ng pinto.

"Leader, tumawag na si Mr. M" nakayuko at magalang na sabi ni Magy isa sa mga membro ng Gang ko. "Gusto nya kayong makausap" saad nya na di ako magawang tignan. Napatingin naman ako sa hawak nyang phone. Nang akmang ibibigay nya ang iyon sakin ay sinenyasan ko sya na iloud speaker iyon. Ginawa nya naman. Hawak nya parin ang phone.

Tumikhim muna ako bago nagsalita."Spill it. Mr. M, nagawa na namin ang aming trabaho. We need the payment. " i said flatly narinig kong bumuntong hininga sya ng makailang beses. Bago mahinang natawa.

"Whoa! Ganyan na lamang ba ang panangailangan mo sa pera? Naghihikahos ka na ba?" Batid kong nakangisi sya ng sabihin nya yun. Pinaiinit nya ang ulo ko. Tinignan ko ng masama ang Cellphone nahawak parin ni Magy. Nakita ko kung paanong nanginig ang kamay na may hawak sa cellphone. Tsk pasmado!

"Di mo gugustuhing magalit ako Mr. M dahil pagnagkataon ikaw ang tatrabahuhin ko. Pumunta ka na rito, dapat ay dala mo na ang perang pag-aari ko na. Sa loob ng trenta minutos at wala ka pa magbubukas ang panibagong deal, at buhay mo na ang sisingilin ko." Malumanay na pagbabanta ko.

"W-wag m-mo kong pinagbaban-" senyasahan ko si Magy na putulin na ang tawag.

"Leader , Gising na yung matanda" halos pumiyok sya sa panginginig ng boses nya. Tsk problema ng taong to?

Napatango na lang ako. Tumayo na ko at naglakad palabas agad kong narating ang kabilang silid . Nasa isang abandonadong building kami pero ang silid kinaroroonan ko kanina ay bagong bago pa. Dito namin madalas dalhin ang mga taong pinapatrabaho samin.

Nang tuluyan kong mapasok ang kabilang silid ay bumungad agad sakin ang mga ka gang ko. Si Gilder at Dyke ang nasa magkabilang gilid ng matanda habang si Xique naman ang nasa harap nun.

"L, masyadong madaldal ang matandang to"  usal ni Xique Sya ang pumapangalawa at nagsisilbing kanang kamay ko.  Nakaturo sya sa matandang lalakeng nakaupo sa silya. Base sa suit na suot nya ay masasabi kong mapera ang isang to.

"Lady boss, sabi nya dodoblehin nya ang bayad ni Mr. M" kumikinang ang mga matang sabi ni Dyke. Sya ang pinakaisip bata sa mga kagang ko. Pero sa oras ng trabaho never syang naging tatanga tanga.

"Shit ka D, the one who's open the deal is the only person who will close it. Buploks!" Bulyaw ni Gilder kay Dyke na may kasamang batok. That was the number 1 rule ng Gang namin. Initial lang namin ang ginagamit namin sa tuwing nasa trabaho kami gaya ngayon. Nakamask din kami. Para sa proteksyon ng kanya kanya naming pamilya at sarili. Illegal ang ginagawa namin at hindi yun lingid sa aming kaalaman.

Tumingin ako sa matanda. Nakita ko kung paanong nabalot ng takot ang mukha niya "anong kailangan nyo sakin? Bakit ako nandito? Anong kasalanan ko sainyo?" Sunod sunod na tanong nya na di matago ang takot na nakatingin sakin.

Napangisi ako ilang beses ko na nga bang narinig mga tanong na yun?

Nakapamulsa akong naglakad palapit sa kanya.

"Wag kang mag-alala tanda. Wala sa deal naming saktan ka. " nakangising sabi ko pero nawala ang ngising yun nang makita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi nya. Kaya agad kong nabalingan ang mga kaGang ko. Nang mapansin nila ang panlilisik ng mata kong nakatingin sakanila ay takot silang nag-iwas ng tingin.

Nang-akmang hahakbang ako palapit sa mga gongong ay may pumalakpak mula sa likod ko kaya agad akong napalingon.

Mr. M

"Mahusay! Lady L, akala ko'y puro ka lang dada meron din pala ako sayo'y mapapala" mayabang na wika nya na nakatingin sa akin at lumapit sa lalakeng pinadukot nya samin. Hindi man lang ako nagulat ng bigla nyang sampalin ng todo sa lakas ang matandang lalake. Tss parurusahan ko pa sana yung mga gonggong dahil sinaktan nila ang matanda gayong ang deal lang naman ay dukutin pero mukhang useless na rin yun ngayon. Hayy.

"Isa iyong pagbati mula sakin, Mr. CEO." Gigil na gigil na sabi nya. Namumula na rin ang mga mata nya sa galit. Tsk, kala mo kung sinong matino adik rin pala. Nakailang sachet kaya ng druga to? Tsk tsk tsk

Nakita ko naman ang kakaibang pagkabigla ,pagkadismaya at takot sa mukha nung dinukot namin.

Agad kong pinigilan ang malaking kamay nyang sasampal muli sa matanda. Napangisi ako ng matuon na sakin ang paningin nya. "Pay first," nakangisi pa rin akong nakatingin deretsyo sa mga mata nya.

Itinaas nya ang kaliwang kamay nya na sinenyasan ang mga tauhan nyang lumapit. Higit sa lima ang mga black in men na yun. Naglabas ng kanya kanyang baril ang mga uto uto at tinutok sa kin. Oh! Takot ako. Kunot ang noo kong nilingon si Mr. M na ngayon ay nakangisi na. Napalingon din ako sa gawi ng mga kasamahan ko. At nakita kong nakikipagbuno na sila sa mga men in black na yun. Higit ang bilang nila kumpara samin. Isang babae laban sa pitong naglalakihan lalake? Tsk tsk tsk ungentle man

Napangiwi ako ng humarap akong muli sa mga lalakeng nakatutok pa rin ang baril sa kin.

"Surprise!, napaisip kasi ako malaking kabawasan ang kalahating milyon sa bank account ko." Nakangisi sya habang sinasabi yun na nagyayabang.

"Ganyan na lamang ba ang pangangailan mo sa pera? Naghihikahos ka na ba? BWAHAHAHA" Malakas na tawa ko di alintana ang mga baril na nakatutok sa kin.

Ang pag-uulit ko sa linya nyang yun. Ang nagbigay ng matinding galit sa loob loob nya. Nabumalantay sa buong mukha nya.

"How could you" Nanggigil na sya sa galit habang nakaduro sa kin. Mabilis kong nakita ang naging galaw nya para maagaw ang baril ng katabi nyang man in black. Pwersahan kong kinuha ang baril na sanang kukuhain ni Mr M mabilis kong sinakal palikod si Mr. M at tinutok bumanganga ng baril sa sentido nya.

"One wrong move Idiots! And this Guy will going to meet Lucifer!" Nakita ko kung paanong natigil ang lahat sa pakikipaglaban. Walang emosyon ko silang pinasadahan ng tingin. Naramdaman ko ang panginginig ng hawak kong Adik. Nilapit ko ang bibig ko sa tainga nya. "Give me MY money, Or I will take your... LIFE!" Bulong ko sa kanya na may diin.

"Hayop ka!" Sigaw nya na takot gumawa ng kahit na anong galaw na maaaring maghatid sa kanya kay kamatayan

"ADIK KA!" Sigaw ko sa tainga nya kinangiwi nya. Narinig ko ang mahinang bungisngisan ng mga kasama ko.

"Gerald!" Nanginginig sa takot na sigaw nya agad naman nakuha ang atensyon ko ng lalakeng papasok na may hawak na attache case. Napangiti ako. Money...

Sinenyasan ko si Xique na kuhain yun. Agad naman iyong sumunod at chineck nun ang laman. Nakangiti ako nitong nilingon bago tatango tangong nagtumbs up!

Isa isa kong pinaputukan ang lahat ng mga men in black na may hawak na baril. Tsk deretso sa puso ...deretso kay kamatayan!

Rule number 2, if they pointed the gun against you,  KILL THEM.

Sinipa ko yung Adik na sakal sakal ko at tinutukan ng baril "Masyado kang tuso, Mr. M at hindi ko nagustuhan yun. Pero dahil mabait ako, Bibigyan kita ng pagkakataon pagbilang ko ng tatlo dapat wala ka na sa paningin ko. Isa... " nanginginig nyang pinilit na tumayo. "dalawa.."

agad na nilisan ang lugar na iyon.

Nang marating namin ang hideout ng BLOODY GEMS ay agad kung tinungo ang silid ko. Hinubad ko ang maskara at deretsong humiga sa kama. Di ko na inalala yung perang kinita namin dahil may tiwala naman ako sa mga gonggong na yun. Nakatulog ako ng di ko namamalayan.

Paggising ko ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili bago pumunta sa dining area. Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang tawanan nila. Nasa kalagitnaan na ko ng hagdan. At natatanaw ko na sila mula dito nakatalikod sila sa gawi ko. Napatingin ako sa TV ng tumugtog ang pamilyar na kanta.

Sponge bob?

"Uy, matagal ko na tong tanong eh bakit ba si Sponge Bob nasa ilalim ng dagat? Diba dapat nasa gilid lang sya ng lababo kasi panghugas sya ng plato?" Saad ni Dyke na animo'y gulong gulo.. Tsk seriously?

"Oo nga eh, biruin mo ke'yaman pala nang sponge na may hepa na yun naka suit eh. Takte! May neck tie pa!" Gatong ni Gilder yung dalawa naman nagpipigil lang ng tawa.

"Tapos ito pa, nakatira sya sa isang pinya! Jusme, favorite ko pa naman yun" dagdag ni Gilder sa sinabi nya.

"Anu ba yan wala kang sense kausap! " sigaw ni Dyke sa mukha ni Gilder

"Hoy, hinayupak ka! Mas wala kang sense"

"Tologo ba?!"

"Sapak gusto mo?"

"Tadyak you want?"

"Hoy!" Sigaw ng dalawa ng pinatay ni Xique ang TV

"Ingay nyo!" Usal nya bago tumayo bahagyang nanlaki ang mata nya nag nagtama ang paningin namin "Leader" natitigilang sabi nya. Tumango lang ako at nag umpisa na muling bumababa ng hagdan at dumiretso sa kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila.

Kumuha ako ng fresh milk sa ref. Isinalin ko yun sa malinis na baso. Nakita ko sila sa peripheral vision ko na muntangang pinanonood ang bawat galaw ko. Naupo ako stool at ganun din ang ginawa nila habang si Xique ay nakatayong nakasandal sa digdig malapit sa kinaroroonan namin.

"Madame Lewis called earlier, she want to see you ASAP" nasabi ni Maggy habang hindi tumitingin sakin. Tsk he always like that hindi sya tumitingin sa mata ko o kung may pagkakataon mang maglapat ang paningin namin bigla nya rin iyong iiwas.

May time pa nga na pinagdudahan ko ang loyalty nya bilang Bloody Gems' member pero he prove to me that I am wrong. And I must say di ako nagsisising pinagkatiwalaan ko sya. Every member of my gang deserve to be trusted.

"Okay then. Fixed yourselves. Pupuntahan natin sya." Malumanay na sabi ko ngunit walang mababakas na emosyon.

"Pero, ikaw lang daw ang kailangan nya" tutol ni Xique

"Ikaw lang at wala nang iba." Nakangiting aso na saad ni Dyke

"Di na nya kami kailangan" dugtong ni Gilder na umarte pang umiiyak.

Napatingin ako kay Magy dahil baka may dudugtong pa sya pero nag-iwas lang ito ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri nya.

Kaya bumuntong hininga na lang ako. Nilagok ang natitirang gatas sa basong hawak ko.

"You have 15 minutes to prepare yourselves. No exemptions" malamig na turan ko. Pero parang wala silang narinig. Nagtatakang nakatingin lang sakin. Tss.

"That's not a request, not even a deal to close. That's my command! Against with it and you're dead" pagbabantang usal ko kaya agad silang nabalisa. Animo'y di alam ang gagawin hayyy hirap nila pakisamahan!

"14 minutes Left." Walang buhay na usal ko. Agad silang nagtakbuhan sa kanikanilang kwarto tsk.

Nang matapos silang mag-ayos ay agad naming tinungo ang kuta ng mga tusong assassin. Ang kinaroroonan ni Madame Lewis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro