Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalawa (School)


SIN'S POV

"Seryoso ka ba talaga Nix?"

Napairap ako dahil sa paulit-ulit na tanong na yun ni Dyke. Hindi na ko nagtaka ng batukan ito ni Gilder dahil sa kakulitan.

"Aray ko naman!" Daing ni Dyke.

"Pajulit-julit ka kasi! Mula sa pag fill up natin ng registration form hanggang ngayong first day of class tinatanong mo pa din yan?" Nauurat na tanong niya dito.

We're in front of the freshmen building of Stan's University. Ngayon araw ang unang araw namin sa eskwelahang ito. Haist. Hindi lingid sa kaalaman ko ang kagustuhan nilang mag aral kaya kahit wala sa plano ko ang mag aral muli ay heto ako nasa tabi nila nakapamulsang naglalakad habang wala sa sariling nililibot ang tingin.

Tatlong taon na rin mag mula nung makapagtapos ako ng sekundarya at ang pag tungtong sa kolehiyo ay hindi ko na ninais pa lalo't magulo ang mundo ko, literal na magulo at madugo.

Pero nagbago ang desisyon ko dahil sa mga gunggong na ito. Pinamukha nila saking mas maganda ang mundong malayo sa nakasanayan ko. May tinatawag pa silang mga pangarap na para sakin ay kahibangan lang pagka't buhay at pera lamang ang mahalaga para sakin. Aanhin mo ang pinapangarap mong propesyon kung mamatay ka naman ng brutal?

"Ano na naman yang nasa isip mo Nix?" Pabulong na tanong ni Xique na inakbayan pa ko kaya nabuntong hininga lang ako. Malakas ko syang siniko dahilan para halos maubo nya lahat ng hangin nya sa katawan. Nginisihan ko lang. Akbay ka pa ah.

"Napaka sadista mo talaga!" Bulyaw niya kinantyawan naman sya ng mga kasamahan namin pero hindi ko na magawang ituon ang buo kong atensyon sa kanila. Kanina ko pa kasi batid na may mga matang nakamasid samin pero hindi ko iyon mahuli napakaraming tao sa hallway.

"Grabe, Hindi ko alam na ganito pala kadami ang Students ng SU?" Humahangang tanong ni Gilder.

"Anong kataka taka dun? Maganda ang kalidad ng pagtuturo dito." Tugon naman ni Xique. Napatango ako kaya nga dito ko napiling eenrol ang mga 'to para magkalaman naman yung utak.

"Katakataka yun kasi hindi convenient ang tuition." Nakangiwing sagot pabalik nito. Totoo iyon mahal ang tuition dito. Haist, Nakakapanglumo.

"Hindi naman ikaw ang nagbayad ah?" Sabat ni Xique dahilan para mapatingin silang lahat sakin kaya't napasimangot na lamang ako.

"Huwag na ninyong tangkaing ipaalala pa sakin kung magkano ang nawaldas ko para dito! Mga bwiset!" Pabirong bulyaw ko sa kanila. Tinawanan lang ako ng mga ito. Daig ko pa ang nascam.

"Hoy! Magy, kanina ka pa tahimik a" Puna ni Dyke.

"I feel anxious with those

"Pansin ko din." Segunda ni Gilder. Napatingin ako sa kanya nag aabang ng kanyang sagot nagtama ang tingin namin pero gaya nang inaasahan nagbaba agad ito ng tingin.

"Something's weird here." Napakunot ang noo ko kahit may hint na ko sa bagay na maari nyang tinutuloy.

"Ah! Yung nga matang nagmamasid ba sa'tin mula pa kanina?" Parang wala lang na pahayag ni Dyke.

May matalas na pakiramdam ang mga myembro ng pangkat ko kaya hindi na ko nagtataka ng nararamdaman din nila yun.

"Gusto mo ba turuan ko sila ng paunang leksyon?" Birong tanong ni Gilder kaya't agad akong sumiksik sa gitna nila at sabay silang inakbayan.

"Naghahanap lang ng kalaro ang mga yun, chaka isa pa wag kayo papatol basta basta , o masasangkot sa gulo, Naiintindihan nyo? Ayokong masayang ang binayad ko dito!" Nakangiting pagbabanta ko sa kanila na agad naman nilang tinanguan.

Nakarating kami sa isang silid kung saan gaganapin ang pang unang klase. Naupo kami sa bandang dulo, puwesto ako sa may tabi ng bintana mula doon ay kitang kita mo ang malawak na soccer field.

Nang dumating ang guro ay nag umpisa ang walang katapusang pagpapakilanlan. Kaya't napatingin na lang ako sa field at nagpalunod sa lalim ng iniisip.

Napabalik na lamang ako sa reyalidad ng may malilikot na daliri ang pasimpleng kumakalabit sakin. Inis ko itong nilingon.

Sinenyasan nya ko na itinuturo ang harapan kaya agad kong nilibot ang tingin. Fuck it lahat sila nakatingin sakin.

"Turn mo na para magpakilala." Bulong Xique sa tabi ko. 

Napabuntong hininga ako dahil dun. "I am Zandria Irish Nix, 19 years old." Pagpapakilala ko pero parang hindi nakuntento ang gurong nasa harapan.

"Your Surname is?" nag aabang na tanong nito. Nanlaki ang mata ko dahil dun, napaatras pa ng bahagya ang paa ko sa gulat.

Nabalot ako ng hindi maipaliwanag na emosyon,

"M-my Surname?" Utal na tanong ko, matagal na di simula nung may nagtanong sakin nun. Yung huli, nakalibing na. Haist,

Masyadong mabigat ang dala nang apelyedo ko na maski pagbigkas dun eh hindi ko magawa.

"I can't." Walang emosyon na sabi ko na para bang pagsinabi ko yun katapusan ko na.

Kumunot ang noo ng guro, "Hanggat hindi mo sinasabi ang apelyedo mo hindi ka maaaring umupo hanggang matapos ang klase ko." Maawtoridad na sabi nya.

Kaya wala akong nagawa kundi makipagmatigasan sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at nagcrossed arm. Ito ang ayoko sa iskwelahan, nagbabayad ako pero ako pa ang pinahihiya ng mga taong nakikinabang sa binabayad ko.

"Kung hindi sya makauupo, mananatili din kaming nakatayo." Napalingon ako sa mga kasamahan ko nang marinig ko ang boses na yun ni Magy.

Lahat sila ay nakatayo na, "anong eksena 'to?" Bulong na tanong ko sa kanila pero walang sumagot sakin.

"You can choose a Friend even an enemy Madam, but you can never choose your family, her surname is like cursed to her. You will never know her pain cause you never know her story." Emosyonal na pahayag ni Xique. "At ngayon, kahit sa pinaka simpleng paraan hindi namin hahayaan na parusahan pa sya ng kahit na sino dahil lamang sa apelyedo nya."

Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis dahil ginagawa nilang big deal 'to. Okay lang naman sakin tumayo ng higit sa dalawang oras.

Namilog ang mata ko nang mapansing isa-isang nagsitayuan ang mga istudyanteng nandirito sa loob ng silid. Ang iba ay mapupungay ang mga mata, nangingilid ang mga luha, mayroon ding nakangiti at ang iba ay nakisali lang.

Haist, nadala sa drama ni Xique. Paano gwapo kasi at may paiyak iyak pang nalalaman.

"Lahat kami ay mananatiling nakatayo hanggat hindi ninyo hinahayaang maupo ni isa man saamin." Seryosong turan ng babaeng nasa harapan.

Halos lahat kami ay napatingin sa harap ng tumawa ng pagkalakas lakas ang guro. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa pagkakaisa nyo o maiinis dahil hindi ko alam kung paanong humantong sa ganito, para akong may inapi samantalang gusto ko lamang malaman ang apelyedo nya." Kakamot kamot sya sa kaliwang pisngi nya ng sabihin yun. "Hayy, kung iyan ang gusto nyo mag dediscuss ako ng introduction ng aking asignatura nang nakatayo kayong lahat." Tatawa tawang sabi nito nanilibot ang paningin.

Sabay sabay na nag bagsakan ang balikat ng lahat liban sakin. May narinig pa kong bulungan na parang nagsisisi sila na tumayo.

Nakonsensya ako bagaman hindi ko naman iyong hiniling na gawin nila.

"Sayang pagdadrama ah, hindi epektibo." Nakigiwing turan ni Xique sa tabi ko.

Gaya ng sabi nung guro ay nag turo sya na nakatayo kaming lahat hanggang matapos ang klase.

"Kakatuwang may kakaibang pagkakaisa ang seksyon na ito sana ay hindi lamang ito ngayon araw." Huling pahayag ng guro bago kami nilisan.

Halos mag diwang ang ilan ng muli nang makaupo.

"Ah! Nangawit ang binti ko dun ah."

"May pagkademonyita din ang gurong yun ah!"

"Grabe! Ang sakit sa legs."

"Ang akala ko ay pauupuin din tayo agad. Kainis!"

Dinig kong reklamo ng iilan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro