Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 57 : I

Yna’s POV

“Please Na-na. Please?”

“Ugh! Stop clinging Lirex. Nakakairita.”

“Sige na kasi. Isama mo na ako.”

“Ano namang gagawin mo don aber?”

“Uhh… panonoorin ka.”

 

I look at him blankly and he puppy eyed. I rolled my eyes and remove his hands on my arms.

 

“Fine.”

 

“Yes! Sabi ko na di mo ako matitiis! Pakiss nga!” Akma niya akong hahalikan pero tinapal ko sa bibig niya ang bag ko.

 

“Bitbitin mo’t baka matuwa ako sayo.”

 

“Hehe~ ang sweet mo talaga Na-na.” Iniwan ko na siya’t naunang maglakad.

 

“Na-na! Teka! Hintay la—Waaaaah!” Huminto ako’t lumingon at tignan mo nga.

 

 

“Kung gusto mong magswimming, doon ka sa pool hindi diyan.” Ang tanga kasi. Magplanking ba sa daan? Tumayo naman siya agad at pinagpag ang uniform niya’t naglakad papunta sakin.

 

 

“Sorry~ nadapa lang.” I hissed. Bakit ba napakalampa niya? Naglakad nalang ako ulit habang kasabay siya.

 

“Bakit ba pupunta ka pa sa middle class? Susunduin ba natin si Laurene?”

“I’ll pick up my model.”

“So hindi si Laurene?”

 

 

“Tanga ka ba? Tapos na ngang imodel ni Grayson ang mga women’s design ko noong isang araw. Nanood ka di ba?” Nagkamot siya ng ulo’t ngumiti uli. Dapat nga ngayon finalizing nalang ang gagawin ko pero dahil may event sa UC kahapon ay naudlot ang photoshoot nung nirecommend ni Laurence.

 

 

“Ahehehe~ So sinong susunduin natin?” Di ko siya sinagot hanggang marating namin ang classroom ni Grayson. Wala ng sabi-sabi’t pumasok ako kasunod si Lirex.

 

 

“Uhh… Ms. Peterson, may kai---”

 

 

“Hoy DERPark.” Tawag ko dun sa lalaking nakaupo sa kaliwa ni Grayson at hindi pinansin ang sasabihin ng Prof. Tinuro niya ang sarili niya’t tinaasan ko siya ng kilay. I walk towards him and look down on him. I pulled his tie and walk.

 

“Excuse this student of yours. I need him.” I said to their Prof and walk out.

 

“Na-na, gusto mo ako nang gumawa niyan?” I didn’t bother to look at Lirex until we reached the parking. I let go of him.

 

“Sakay.” Utos ko’t nakatingin lang siya.

 

 

“Sasakay ka o ipakakaladkad kita sa kotse ko?” I glared at him at mabilis siyang pumasok at sumakay. Sumakay narin ako’t ganon rin si Lirex na nakaupo sa backseat leaning on my seat.

 

 

“Na-na, kung sana ako nalang ginawa mong model. Di hamak namang mas gwapo ako sa isang ‘to.”

 

 

“Shut up Lirex. Nakakasawa na yang pagmumukha mo. For two years, mukha mo nalang ang laman ng magazine ko. I need new face. I need fresh hindi tulad mong bulok na.”

 

 

“Aww~ kahit asin, lalanggamin sa mga sinasabi mo Na-na.” Hindi ko siya sinagot. Kung bakit ba sinama ko pa yung bugok na ‘to?

 

Diretso akong bumaba at hinagis ang susi ng kotse doon sa butler kong naghihintay. Ang galing ano? I have butler pero hindi bumubuntot sakin? Yung kina Grayson kasi, parang mga asong buntot sa kanila. Buti nga ngayon, hindi na. I can see Butler Saff pero hindi na niya sinasamahan ang alagain niya. Nakatunghay nalang ito sa malayo’t handang sumaklolo kung kailangan.

 

Sumakay kami ng elevator at huminto sa 14th floor. Sinalubong ako agad ng assistant ko.

 

 

“Is everything ready?”

“Yes Ms.”

I stopped and look back. Tinignan ko yung higanteng ‘to’t mukha siyang takot. I smirk and pull his tie again.

 

 

“Lirex, don’t follow. Wait me at the lounge.” I said and tug this dog with me. Pumasok kami sa isang kwarto’t bahagya ko siyang itinulak papunta sa limang babae.

 

 

“Pagmukhain niyong tao yan.” Saad ko’t pabagsak na umupo sa sofa. I cross my legs and get my portfolio full of newly designs. After how many months of working in Paris, ito na. Kailangan ko nalang ng mga magaling na modelo na magsusuot ng mga gawa ko.

Naningkit ang mga mata ko’t napatingin sa kumpulan nung mga make-up artists ko noong makarinig ako ng hagikgikan.

 

 

“Ang gwapo mo. San mo nakilala si Ms. Yna?”

“Grabe, swerte ni Ms. Yna sayo.”

“Boyfriend ka ba niya?”

 

At ang mga chismosa. Nawala ba sa isip nila na nandito ako’t rinig na rinig ko ang mga pag-uusap nila? I stood up with my arms cross and walk towards them.

 

 

“First of all, binabayaran ko kayo para magtrabaho hindi para magchismisan. Second, kung tapos na kayo, lumayas na kayo.” Napayuko silang lahat at humingi ng paumanhin bago mag-unahang lumabas. Sinundan ko lang sila ng tingin. I sighed. Kahit kailan napaka ng mga babaeng yon. Humarap na ako’t medyo nagulat ako. Medyo lang. I look at him. Hinawakan ko ang mukha niya’t tinignan sa magkabilaang side.

 

 

“Ayos. Kahit papano nagmukha ka ng tao.” Iniwan ko siya’t pumasok sa isang kwarto. I get the ladder and step on it and open the sliding closet namili ako ng mga damit at itinabi. Asan na ba yung isang yon? Hinawi ko ang ilang nakahanger at nakita ko rin ang hinahanap ko. Pilit kong inabot yon. Konti nalang. Naabot ko naman yon ngunit pag-alis ko’y gumalaw ang hagdan at mukhang mahuhulog ako. Oh no. Humawak ako’t nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang.

 

 

“Anong meron dito?” I stumbled due to surprise at nadulas ang kamay ko.

 

“AAAA!” Narinig ko nalang na bumagsak ang hagdan. I open my eyes and to my surprise…

 

 

“Ayos ka lang?” I blink and look at him. Pero napako ang atensyon ko sa hagdan na natumba sa likod niya. Tinignan ko siya ulit. Nahulog ako. Nahulog talaga pero… humarang siya’t imbis na sa akin bumagsak yon ay siya ang nabagsakan.

 

“Na—Na-Na?!” Parehas kaming napatingin sa pinto at nakita ko si Lirex na gulat na nakatingin samin.

 

 

“What are you two doing?! Are you making something miraculous here?!” My cheeks heatened and I realized na hindi pala maganda ang posisyon namin. Tinulak ko siya agad at inalis ni Lirex yung hagdan at tinulungan akong tumayo. I hit his head.

 

 

“I told you not to follow us.” He rubbed his nape.

 

“E ang tagal niyo e~ Saka, may bisita ka.” Tumaas ang kilay ko.

 

“Sino?”

 

“Ateeeee!” Bigla nalang akong sinalubong ng yakap ni Yva.

 

“Hey… done with school?” Tumingala siya’t tinignan ako saka nagpout.

 

“What’s wrong?” Inihilig niya ang ulo niya sa dibdib ko.

 

“Ate~ Next week will be our family day event. I think I can’t attend. Mom and Dad were out for business.”

 

“Then? How ‘bout me? I’m still here right?”

 

“But it was just you. If only I could also have a Kuya that will go with you…”

 

“Andito naman ako Yva ah?” I look at Lirex furiously.

 

“But Kuya Ly~ you’re brother Liro needs you too.”

 

“Oo nga no? Kailangan ko rin palang maghanap ng Ate for Liro because Mom and Dad were out together with Tito and Tita. How about… we’ll go together?”

 

“That’s a bad suggestion Lirex. Liro doesn’t want me remember?” He pouts. D^mn that absurd pouts of his. Tinignan ako ulit ni Yva at kumalas sa yakap.

 

 

“Hindi nalang ako aattend Ate. Buti pa si Cristine at Celene, they have their Kuya and Ate.” Malungkot niyang sabi’t tinalikuran ako’t napaharap dito sa isang mukhang OP na OP.

 

 

“OMG” Tinignan ako ni Yva’t ibinalik ang mga tingin sa lalaking kaharap niya.

 

“OMG! As in OMG! Waaaah! You’re here!” She hugs him in an instance and he looks surprised. I hissed.

 

 

“Waaaah~ Kuya Chanyeol! Ako yung nakachat mo dati gamit ko ang account ni Ate. Remember?” Yeah. I was on Paris that time at pag bukas ko ng account ko, yun agad ang sumalubong sakin. I think I left my account open in my computer at home at binuksan ni Yva. He looked at me and I raise one of my brows. Tinignan niya si Yva and smiled awkwardly.

 

 

“Uhh… yeah. Uhh…”

 

“Yva, that’s enough. I still need to work on him.” Bumitaw na siya’t niyakap ako.

 

“Ateeee! May naisip na akong paraan! Makakapunta na ako sa family day!” Nangunot ang noo ko.

 

“How?”

 

“Siya.” At tinuro niya ang higanteng lalaking ‘to. Seriously?

 

 

Khier’s POV

Di ko ata naintindihan ang sinabi niya. I hold my right ear.

 

“W-what is it again?” She stared at me.

 

“I said, I want you to come with me on Monday, next week. I need a brother for my sister.”

 

“B-bakit ako?”

 

 

“I don’t have a choice. You’re my group mate in Thesis right? Nerdy would be Laurence’s partner and you would be my partner. After that event, I want to tackle something for the both of you regarding our thesis. That will be at Friday next week right?” Hindi ako makasagot. Of all the people… why me?

 

 

“Hey, stupid. Are you even listening?” Nabalik ako sa huwisyo nang tawagin niya akong istupido.

 

“I’ll say yes if you’ll call me Creature rather than stupid.” Tumaas lang ang isa niyang kilay.

 

“What’s the difference between the two? A creature is still stupid.” I put my hands on my pockets and turn my back at her and walk away.

 

“Hey! Don’t you ever turn your back at me!” She yelled. I raise my left hand as a sign of goodbye.

 

“Come back here Creature!” Huminto ako’t napangisi. Humarap ako’t naglakad pabalik sa kanya. Her face was so irritable.

 

“Okay. I’ll be your sister’s Kuya.” She gave me a stern face again and walked away.

 

“Xandria!” I called. Humarap siya.

 

“See you next week, Hoodlum.” I smirk at her and walk away.

 

“I’ll make you remember me, Hoodlum.”

 

~~~

A/N : Waaaah! Khieeeer! Ikaw na! Ikaw na talaga! XD

 

And oh! Let’s all welcome, V of BTS as Lirex ~ Aweeee~ Ang cute di ba? Hindi malaki ang role niya dito. Sadyang panggulo lang siya I mean, singit lang ajejejejeje XD.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: