CHAPTER 38 : Court me? Court me not?
Kai’s POV
“Khaki, come here.” Tawag ko kay Khaki pagkababa ko ng hagda kaya napatingin si Xyla sakin at lumapit naman sakin si Khaki. Hinimas-himas ko siya at kinawag-kawag niya lang ang buntot niya. Umupo ako sa tabi niya pero may gap samin. Hindi na kasi tulad ng dati na pwede siyang yakap-yakapin. Iba na ngayon. Kung dati, nasa aming lahat ang atensyon niya, ngayon, nasa isa nalang.
“Kamusta kayo ni Luhan?” Tanong ko habang hinihimas lang si Khaki.
“Steady.”
“Paano naging kayo?” Tanong ko pero di siya sumagot kaya tiningnan ko siya.
“I… we… us… e-ewan.” Huh? Pwede ba yon?
“Di ka ba niya niligawan?” Tiningnan niya ako tapos umiling. What the heck? SIla pero hindi nanligaw si Luhan? So sinagot niya agad? Dapat pala nung birthday niya palang nagtanong na ako agad para sinagot niya na ako. Wala ng ligaw-ligaw, kami na agad. Jongina! Author! Iplayback mo naman o! [A/N : Sorry Jongin pero Jongina mo talaga. Kung makapag-utos ka a?]
“A-anong… anong feeling ng nililigawan?” Bigla niyang tanong kaya napaharap ako sa kanya. Nakayuko lang siya’t hinihimas si Bisque.
“Wala pa bang may nanligaw sayo?”
“Me-*sigh* wala… ewan.” Seryoso? Sa ganda niyang yan, walang nanligaw?
“Si Kyle siguro pero di naman natuloy yon.” Ah, oo nga pala. Mukhang ayaw niya naman atang nagpapaligaw eh. Pero bakit niya tinatanong kung anong feeling?
“Di ko alam anong pakiramdam ng nililigawan. Pero siguro, masaya, nakakaexcite, nakakakilig, nakakabuhay at nakakapagbigay ng inspirasyon.”
“Bakit ba kailangang manligaw?”
“That’s one of the step para makilala niyo yung isa’t isa. Doon din nabebase at tumutubo yung feelings niyo. Nadedevelop kayo kumbaga saka… doon din malalaman kung seryoso sayo yung lalaki.”
“Ta-talaga?” Tumango lang ako.
“Tinanong ka ba ni Luhan kung pwede ka niyang maging girlfriend?” Tiningnan niya ako ng matagal pero umiwas lang din siya ng tingin.
“There are lots of reasons and a lot of things na hindi pwedeng sabihin. Let’s just say that, we… that we’re trying.” Trying? Nageexperiment ba ang ibig niyang sabihin?
“Mahal mo ba siya?”
“Confusing.” Tama nga si Lay. Confusing din ang sinabi niya saming sagot ni Xy. Pero hindi naman siya magrereact towards Sienna ng ganon kung hindi niya mahal di ba? Ang swerte nga ni Luhan eh. Napakapossessive ni Xy sa kanya. Kung ako lang yon, naku! Di ko na hihiwalayan ‘to. Mas gusto ko yung pagiging possessive niya eh… talagang pinapakita niyang kanya lang.
“Bakit pala Milo yung tawagan niyo?” Ang weird kasi eh.
“Siya lang tumatawag non pero ayoko.”
“Bakit naman?”
“Nahihiya akong tawagin siyang… My… My Love.” Napatingin ako sa kanya and I saw her blushing. Napangiti nalang ako ng bahagya. So hindi pala Milo, Mylo pala. Kung kami kaya? Hmmm… ano bang magandang endearment? Mil. My Innocent Love. Hahaha… napakainosente niya kasing tignan. Ang daming alam pero pagdating sa pag-ibig, mukhang kailangan niya ng diksyunaryo.
“Mylo.” Napatingin ako sa hagdan at nakita ko si Luhan na parang ang sama ng tingin kaya naman sumama rin ang tingin ko. Sa totoo lang, hindi na namin nakakausap si Luhan ngayon pati si Xy. May sarili kasi silang mga mundo at pakiramdam ko, di kami belong don. Lumapit siya samin pero tinitigan niya lang si Xy. Nawala yung asar sa mukha niya’t napalitan ng ngiti. So ganon? Pag sa amin, masama pag kay Xy, kalma lang?
“Get dress… pinapapunta tayo ni Tito sa bahay niyo.” So close narin siya ngayon sa family ni Xy?
“Bakit daw?”
“Di ko alam.” Bigla nalang nagring yung telepono ko kaya sinagot ko kaagad yon.
“Hello? … Oh, bakit? … Ha?” Napatingin ako kay Xy.
“O-o sige. Nasan na kayo? … Agad-agad? Salamat sa hindi pagsama sakin ha? Napakabuti niyo talaga. … Paano si Sienna? … O sige. Sasabihin ko.” Binaba ko na yung tawag saka tiningnan si Xy.
“Sabay na ako sa inyo papunta sa mansion niyo.” Kumunot yung noo niya.
“Bakit? Ba’t pupunta ka rin don?” Nagkibit balikat lang ako.
“Tinawagan lang ako ni Kris. Nandon na sila at mukhang tayo nalang ang hinihintay.” Sabi ko saka tumayo.
“Wag na kayo magbihis. Tara na. Yaya! Alis po muna kami!” Sigaw niya sabay bitbit kay Blitz at nagmadaling lumabas.Sumunod nalang kami. Bakit andon silang lahat? Anong meron?
Xyla’s POV
Di ko alam kung anong meron pero kinakabahan ako. Mabilis akong nagmaneho at narating agad namin ang palasyo. Sinalubong lang kami ng mga kasambahay at ibang butler saka lang ako nagtuloy-tuloy sa loob. Nadatnan ko silang lahat sa sala at bakit andito sina Treshia at Creature? Kumunot lang ang noo ko.
“Anong ginagawa niyong lahat dito?” Tanong ko pero walang sumasagot.
“Sit first Xandria.” Napatingin ako kay Papa na nakaupo sa single sofa. Umupo ako sa tabi ni Nerdy. Seryoso ba ‘tong pag-uusapan at kailangan, andito silang lahat?
“Pa, ano ‘to?”
“I just want to be fair. One of these boys insists to court you.”
“COURT ME?!” Just what the hell? May boyfriend na ako di ba?
“But Pa… you know that Luhan and me…”
“If that’s the problem, then I decline your relationship. Let’s make it fair for all of them.” Decline?! Ganon nalang? Ipapasok kami tapos decline? Ano ‘to? Business? You can decline anytime you want?
“Just for the knowledge of everyone, Luhan and Xandria were forced to have a relationship together. I don’t want to tell you the reason but starting today, I remove the rights between their relationship. Let’s make it fair for all of you. Now tell me, is Khier the only one who wants to court my daughter?” What the hell?! Si Creature? Liligawan ako? Napatingin ako sa kanya pero seryoso lang ang mukha niya.
“I do Sir.” Tiningnan ko si Sehun at napakaseryoso rin ng mukha niya.
“Ako rin po.” Sabi naman nung iba pang natitira. So that’s it? Lahat sila liligawan ako? Now I have 13 suitors? Walistambo nga naman oo oh! I stood up and looked at Papa seriously. Naiinis ako!
“Pa, anong kalokohan ‘to? Pa, di naman ganon kadali e. You oblige Luhan and I to have a relationship tapos ngayon babawiin mo kung kelan nagsisimula na kami? Saka, anong ligaw? Para naman akong trophy Pa na kailangang mapagtagumpayan.” The heck is this life? Bakit lagi nalang kinokontrol ni Papa lahat?
“Bahala kayo. Magligawan kayong lahat kung gusto niyo. Basta ako, I’m back to being single, Period. Khaki, Bisque, let’s go.” Sabi ko saka ko binuhat si Blitz at humakbang paalis doon at paakyat na sana sa kwarto ko pero napahinto ako.
“Choose Xandria Laurene.” Ayan na naman yang choose na yan eh.
“Go back to upper class and cut all your accounts and kick you out of this house and won’t give you even a single coin or let them?” Tiningnan ko lang si Blitz at parang naiintindihan niya yung nararamdaman ko dahil parang ang lungkot ng mukha niya.
“Do I have a choice Pa? Simula pagkabata, ikaw na ang nagpatakbo ng buhay ko. Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi sumunod? Because you always left me no choice. Fvck this freaking machine life of mine!” Patakbo lang akong umakyat at nagkulong sa kwarto. I lay down on my bed and started crying. I thought he changed but he doesn’t. Di nga issue ang fixed marriage pero ano ‘to? Fixed relationship and fixed courtship. Ano ako? Robot na susunod nalang lagi sa utos?
Kung babalik lang ng upper class, tatanggapin ko but cut all my accounts? That’s bullsh’t! Kung papayag naman ako, san ako titira? Paniguradong ipagbabawal ni Papa ang pagtulong ng ibang tao sakin. Mamumuhay akong mag-isa at magbabanat ng buto. Don’t want too but… Ayoko rin ng gusto niyang mangyari. 13 boys? Courting? Paano si Luhan? May rason na ngayon ang fiancée niya para kunin siya. Oh my Lulu… sorry pero mukhang Malabo ng matulungan kita. Ayoko na. I’ll let them court me but sorry pero wala akong pipiliin sa kanila. Kung alam ko lang na lahat pala sila may motibo, sana hindi nalang ako napalapit sa kanila. I don’t want anyone to get hurt. I don’t want too.
~~~
A/N : *BLAST!*Ang lakas ng loob ni Khier a? Kaya siguro nanahimik dahil may plano palang kausapin si Papá ni Xyla~
Paano na ang XyHan if may umentrang labindalawang kalaban? May makakaangkin ba sa puso ng prinsesa kung ang isip niya’y, walang pipiliin sa kanila?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro