Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36 : Girlfriend vs Fiancee

A/N : Umaatikabong labanan na ba itu?Title palang ng Chapter o, parang nagsasabing, sa pula sa puti ang peg~ Hahahaha~ Read. Read. Read.

 

~~~

Xyla’s POV

Kumunot ang noo ko. Si… Sehun ba ‘to? Ba’t parang nanlalabo yung paningin ko? Umiling-iling lang ako’t unti-unting lumilinaw yon at si Sehun nga. These boys have their new looks huh?

 

 

“Sehunnie… where’s your room?” Napalingon ako sa likod niya’t may nakita akong babae. BABAE? At ano daw? Sehunnie? Napatingin sakin yung babae at blanko lang akong tinignan at blanko lang din akong nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa likuran ko.

 

 

“O, kayo po ba si Auntie Paz? Sehun always tell good things about you.” I saw Yaya smiled.

 

“Sino siya Sehun?” Rinig kong tanong ni Bel.

 

“She’s my cousin, Sienna.” Pinsan niya lang naman pala.

 

“Nice meeting you everyone.” Bati niya ng walang kalatoy-latoy. Naramdaman kong tumayo si Luhan.

 

“Mylo, hatid na kita sa kwarto mo.” Tiningnan ko siya’t tumango nalang ako.

 

“Lu… han?” Napatingin ako kay Sienna tapos kay Luhan. I saw Luhan got his eyes widen. Magkakilala ba sila?

 

“What the F! LU HAN!” At sa isang iglap, sinagi niya ako’t bigla niya nalang niyakap si Luhan. Napaharap ako sa kanila.

EXCUSE ME? BOYFRIEND KO ang niyayakap niya. I look at Luhan and he was just shocked. I clench my fist. Ang kapal ng mukha.

 

“Gosh! Luhan, ang tagal kitang hinanap at hinintay, nandito ka lang pala!” What the heck is happening? She suddenly touched Luhan’s face and caressed it.

 

 

“Walang duda, ikaw nga.” Saka niya ulit niyakap. Bumubukal ang dugo ko sa totoo lang. Ito namang pobre kong nobyo ay parang walang magawa’t bakas sa mukha niya ang gulat. Just WTF right?

 

 

“Excuse me? But… who the hell are you to touch MY boyfriend?” Asar kong tanong sa kanya. Napaharap siya sakin na parang naguguluhan.

 

 

“Boyfriend?” She looked at Luhan then to me. Nag-iba yung expression niya. Biglang kumunot ang noo niya’t tinaasan ako ng kilay so I did. Aba! Kung maldita siya then, same here.

 

 

“Excuse me too. Baka nagkakamali ka nang inaangkin. I AM his FIANCÉE.” Napatingin tuloy ako kay Luhan tapos sa babaeng ‘to. So, siya pala ang fiancée niya at ang masama, pinsan siya ni Sehun and worst of all, AKO ang girlfriend ni Luhan. I smirk.

Well, pasensya siya. One thing I don’t like, ay ang makihati sa iba kung alam kong ang bagay na yon ay AKIN. Fiancée siya na inayawan at tinakbuhan pero, Girlfriend ako na mahal at nagmamay-ari ng lalaking sinasabi niyang ‘kanya’ na supposedly ay ‘akin’.

 

“I don’t give a d^mn care. Can’t you see? He’s MY property. Gusto mong pruweba? May nakalagay ng tag sa kanya.” Tiningnan niya si Luhan tapos yung kwintas. Ngumisi lang ako lalo. Ano siya ngayon?

 

 

“NO! You might be his girlfriend but I am his future wife!” Hinigpitan niya lang ang kapit kay Luhan.

 

 

“Just to remind you, ikaw ang naghahabol pero ang hinahabol mo, pagmamay-ari KO’t kapag sinabi kong AKIN siya, AKIN SIYA. And future wife you say? Then to tell you, you’re not yet in the future so whether you like it or not, Luhan’s mine so you better get off or I’ll freaking punch your d^mn face until I saw bloods flowing to your freaking body!” Hinila ko palapit sakin si Luhan at parang gusto niya pa sanang agawin pero pinanlisikan ko siya ng mga mata’t ganon rin siya sakin.

 

 

“Don’t you dare touch him because, HE. Is. MINE. Better not show your face or I’ll freaking knock you down.” I said and gave her a watch out look before tugging Luhan with me and we walked upstairs. Napahawak lang ako sa ulo ko. Sobrang sakit talaga. Feeling ko binabarena yung ulo ko’t parang nagroroller coaster ako’t nahihilo ak---

 

 

“XYLA!”

 

 

Bel’s POV

Anong nangyayari? Nag New Year lang tapos malalaman kong sina Luhan at Xyl na at alam ng lahat maliban sakin at kay Auntie? Seryoso? Tapos may umepal pa na pinsan ni Sehun na fiancée ‘kuno’ ni Luhan. Freaking stupid cycle! Sumasakit ang ulo ko, grabe!  I can feel strong grounds and electricity revolving around Xyl’s room. Andito kaming lahat sa kwarto niya maliban kay Auntie na may sariling mundo. Luhan was just sitting beside her bed and holding her hand while we’re sitting on the couch.

 

 

“Luhan, pwede ka bang makausap?” Tanong ko’t lumingon naman siya. Tumayo siya saka lumapit sa pinto pero nilingon niya muna si Xyl bago tuluyang lumabas.

 

“Bantayan niyo muna si Xyl. Kakausapin ko lang ang nobyo niya.” Sabi ko sa kanila saka lumabas.

 

“Dun tayo sa rooftop.” Sumunod naman siya sakin at pagdating namin sa rooftop, binigyan ko kaagad siya ng malutong na sampal. Halata namang gulat siya.

 

 

“Hindi ko alam kung para saan yan. Gusto ko lang gawin. I don’t understand what’s happening pero Lu, may fiancée ka tapos, girlfriend mo si Xyl? Anong nangyayari sa mundo? Nabubuang ka na ba? Alam ba ni Xyl na may fiancée ka?” Bumuntong hininga lang siya’t tumango.

 

 

“I don’t want to tell you the reason. Si Xyla nalang ang tanungin mo sa mga katanungang yan.” Iniwas ko lang ang tingin ko’t binalik ko rin sa kanya.

 

 

“So anong balak mo ngayon? Like duh? May girlfriend ka at kilala ko si Xyl. Kung alam niyang kanya, ipagdadamot niya at hindi niya hahayaang makuha ng iba. And worst, andito ang fiancée mo at pinsan pa siya ni Sehun. Do you think magkakaroon ng peace and love sa bahay na ‘to kung may dalawang babaeng nag-aagawan sayo? Ang swerte mo, grabe! Pinag-aagawan ka ng dalawang babae.” Lakas makapogi points ni Luhan kanina alam niyo yon? Ano, prinsipe siya ganon? Wow lang, pvt^ngn^!

 

 

“Ipapaalala ko lang sayo Luhan, wag mong hahayaang magalit si Xyl dahil yung Nakikita niyong siya? I don’t think yun na ang kabuuang pagiging monster niya. Xylo just told me that Xyl is being a tremendous monster kapag sagad na sagad na siya kaya kung ako sayo, mag-iingat ako’t hindi ako lalayo sa tabi niya kung ayaw mong makapatay siya.” Huli kong sabi bago tuluyang bumaba.

 

 

Xiumin’s POV

Tanggap ko ng walang chance pero… ang sakit din pala kahit papaano. I saw how mad she is when Sienna hugs Luhan. Kung paano niya tignan si Sienna, parang pinagsisigawan niya talagang kanyang-kanya si Luhan. Nakakainggit. Nakakainggit, sobra.

 

 

“Luhan’s so d^mn lucky. Kung alam ko lang, sana hindi nalang ako umalis at nanatili nalang ako dito.” Tiningnan ko lang si Baekhyun at pinat ko nalang ang balikat niya. Kami lang ang nagbabantay kay Xy-Xy dahil nagpahinga na ang lahat. May jet lag pa ako pero kailangan kong bantayan si Xy-Xy. Mukhang hindi ko na siya mayayakap tulad ng dati at mahahalikan sa pisngi dahil may nagmamay-ari na sa kanya.

 

 

“Ano sa tingin mo mangyayari?” Tanong ni Baekhyun.Naiimagine ko palang… baka magkaroon ng gyera dito sa bahay. Kanina palang, ramdam na ramdam ko na ang umaapoy na tension sa pagitan nila ni Sienna.

 

 

“Kailangan lang nating paglayuin sina Xy-Xy at Sienna. Mukhang si Sienna lang ang kailangan nating bantayan dahil may tagapagbantay na si Xy-Xy. Wag nalang nating hayaang lumapit si Sienna sa kanya at kay Luhan para hindi magfreak out si Xy-Xy.” Tumango-tango nalang si Baekhyun. Alam kong may mag-aalaga na kay Xy-Xy pero aalagaan ko parin siya kahit na… pag mamay-ari na siya ng iba.

 

~~~

A/N : Awtsu~ Xiu, don’t worry… makakahanap ka pa ng iba. Tingin-tingin lang. Malay mo, nakilala mo na pala~

 

Now that the fiancée meet the girlfriend, what will happen inside the house? Patayan na ba ito? Gyera kung gyera? O... may gyera nga bang magaganap? Xyla vs Sienna? vs… Author? Hahaha~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: