Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18.1 : Dramabels

Xyla’s POV

Two days I was stuck in this hell like hospital. Sa kasamaang palad, si Lay lang lagi kong kasama at umaasikaso sakin dahil sa kanya ako hinabilin ng mahal kong ama. Bumibisita yung iba pero di kami nag-uusap.

 

“Kumain ka na.”

 

“Ayokong kumain.”

 

“You need to eat to drink your medicine.”

 

“The food in this hospital sucks.”

 

“What do you want?”

 

“I want to go home.”

 

“You know you can’t.”

 

 

“Yes I know and I don’t want to eat. Mas hindi ako gagaling sa mga kinakain ko dito. Mabuti pang pakainin mo nalang ako ng damo kesa sa mga pagkaing yan.” Tinalikuran ko siya’t nakarinig ako ng buntong hininga. Wala pa kaming matinong pag-uusap ni Lay. Para kaming back to zero. Parang yung una lang.

 

 

“Laurene, pwede ba, kumain ka na?” And he even calls me Laurene and not Xyla. Kabanas di ba?

 

“I said I don’t want. Eat it if you want.” Nagtalukbong nalang ako ng kumot at di siya pinansin.

 

“Ang tigas ng ulo mo. Tingin mo makakadalo ka ng party mo sa ganyang kalagayan?”

 

“I don’t care. Hindi ako dadalo kung ganon. Di naman ako mag-eenjoy.”

 

 

“No! You need to come!” Napakunot ang noo ko. Ba’t ganyan siya magreact? Para namang napakabig deal ng hindi ko pagdalo di ba? Oh… dadalo nga pala kasi sila. Don’t care. Edi magparty silang lahat. Magpapahinga ako. Pinikit ko na ang mga mata ko pero may humila ng kumot ko.

 

 

“Aish! Pwede ba? Wag kang makulit! I don’t want to eat!” Inalis niya yon leaving me without any blanket. Nakahospital dress pa ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas masama ang tingin niya.

 

 

“Eat.” Inuutusan niya ba ako? So feeling niya madadala niya ako sa ganyan? Pwes, patigasan kami ng ulo. Di ko siya pinansin at sumandal lang sa headboard. Napasabunot nalang siya sa ulo niya kaya napangisi ako. Naglaro nalang ako sa tablet ko pero hinila niya palayo sakin yon.

 

 

“Kakain ka muna bago maglaro.”

 

“A-YO-KO-SA-BI!” Halos malukot na yung mukha niya sa sobrang inis. Bigla niya nalang akong binuhat at di ko alam san niya ako dadalhin.

 

“Where do you think you’ll bring your patient?”

 

“Itatali kita at lalagyan ko ng pantukod yang bibig mo para kumain ka.” Seryoso niyang sabi. I was just looking at him furiously.

 

“Ibaba mo ako.” Tuloy-tuloy lang siya palabas ng kwarto.

 

“I said put me down!” Ayaw mo akong ibaba ha? Hinawakan ko yung buhok niya’t sinabunutan siya.

 

“AHH! Aish! Tigilan mo yan!” Nakatingin lang samin yung ibang tao. Wala akong pakealam.

 

“Ibaba mo nga kasi ako! Ayokong kumain okay? Ano bang mahirap intindihin don?!”

 

 

“IKAW! ANG HIRAP MONG INITINDIHIN!” Napahinto ako sa sinabi niya. Binitawan ko kaagad yung buhok niya’t tinitigan siya pero ang sama lang ng tingin niya sakin. I felt exhausted these past few days because of thinking if they were all mad at me. Di nila ako kinakausap. Hindi na Xyla ang tawag nila sakin. They even changed. They keep giving me the coldest treatment I could ever had. Masakit yun kung alam lang nila.

 

“Doc, ibaba mo na ako. Let the nurses take care of me. Walang mangyayari kung ikaw ang mag-aalaga sakin.” Seryoso kong sabi sa kanya.

 

“No. You’re Papa give me the rights to take care of you.”

 

 

“Papa ko ba ang nasa hospital? Pwede ba? Wag na tayong magbangayan dito dahil wala ring mangyayari kaya ibaba mo ako’t hayaang ibang nurse ang mag-alaga sakin. Kakain ako kapag hindi ikaw ang makikita ko.” Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya. Bumalik ulit kami sa kwarto ko’t binaba niya ako sa kama saka siya lumabas ng walang pasabi.

 

 

“Stupid Lay.”I murmured. May isang nurse na babaeng pumasok at ngumiti sakin pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya napawi yung ngiti niya.

 

“Throw that food away. I don’t want to eat.”

 

“But Ms…”

 

 

“I said I don’t want to eat! Wag kang makulit. Ang kulit na nga ng doctor niyo, pati ba naman kayo?!” Aish! My stubbornness aroused again. Tumango nalang siya’t kinuha ang pagkain sa side table atsaka lumabas. I hug my knees and put my head on it and tears start streams down.

 

 

“You’re all stupid.”

 

 

---

I came back to school after 2 more days. It’s Thursday at sa Saturday na ang birthday namin ni Xylo. Imbis na matuwa o maexcite, I feel so much sadness. Di ko alam bakit. Pumasok ako na ako lang mag-isa. Nakatira ako sa bahay ni Yaya at marami akong kasama pero parang tatlong tao lang kaming nakatira doon. Hanggang ngayon wala parin akong nakakausap kahit isa sa kanila. Till now I still have braces on my back at bukas palang tatanggalin kaya pakiramdam ko, pasan ko ang daigdig sa bigat ng nararamdaman ko. I have my nurse beside me at para akong may nakakahawang sakit at nilalayuan ng lahat.

“Ate Caren.” I called my private nurse. Lumapit naman siya sakin.

“Wag mo na akong sundan hanggang sa loob pwede? Hintayin mo nalang ako sa labas. If you want to eat or drink, go to the cafeteria. Tatawagan nalang kita pag kailangan kita.” Ngumiti lang siya’t tumango. Pumasok na ako sa room ko’t nakatingin sakin lahat. Problema nila? Di ko lang sila pinansin at tuloy-tuloy na tumungo sa likuran. Dahan-dahan lang akong umupo.

“So… anong nangyari sa prinsesa?” Salubong agad sakin ng mga Frog Princesses.

 

“Anong nangyari sa inyo?” Tanong ko’t kumunot lang ang mga noo nila.

 

“Tinatanong ka namin kung anong nangyari sayo.”

 

“Oh… akala ko kayo ang tinutukoy niyo. Prinsesa kayo di ba?” Napangiti naman si Klarisse.

 

“Good to know that you know who to be called Princess.”

 

 

“Of course I do. Ipangalandakan niyo ba naman sa buong middle class, hindi ko malalaman?” Ngumisi lang siya at di ko na siya pinansin. Nerdy was sitting in front of me but she didn’t bother to look at me. Same as Creature na nakatingin lang ng diretso. Si Chen at Kyungsoo, parang mga walang Nakikita. Sina Mey at Treshia parang hindi ako kilala. Bahala sila.

Nagsimula na yung klase at nakikinig lang ako sa boring class ng finance Professor ko hanggang sa matapos na siya’t labasan na. Dahan-dahan lang din akong tumayo at dahan-dahang naglakad. Bakit ba kailangang maging mabigat ‘tong dala ko di ba? Bigla nalang may tumulak sakin mula sa likod kaya muntik na akong matumba buti’t may humapit sa bewang ko. Pagtingin ko, si Creature pala.

 

“Look at your steps.”

 

“Look at my steps? Look at my back you say. Bitaw nga.” Inalis ko yung kamay niya’t lumabas saka ako sinalubong ni Ate Caren.

 

“Kamusta ang first subject? Mukhang focus ka ah?”

 

“It sucks.” Kinuha niya lang yung bag ko sa likod at ngumiti. Nakaalalay lang siya sa likod ko.

 

 

“Sandali, mag-oorder ako ng pagkain mo.” Tumango lang ako’t tumayo na siya. Iniwan niya akong nakaupo dito sa harap ng mesa sa cafeteria. Nilibot ko ang paningin ko’t nakita ko yung anim na kumakain hindi kalayuan sa pwesto ko. Dati sinasabay nila ako ngayon kanya-kanya na. Ganon nalang yon? Pati sina Creature at Nerdy, hiwalay ring kumakain. Sina Treshia, Mey at Nerdy lang ang magkakasama ngayon. Bigla nalang may umupo kaharapan ko.

“Ayos ka na ba Xandria?” I smiled half.

 

“Hmm. Medyo masakit ng konti.”

 

“Nabalitaan ko ang nangyari.” Tinignan ko siya.

 

“You were friends with Tresh and Mey right?” Tumango naman siya. Kinuha ko yung envelope sa bag ko’t inabot sa kanya. Tinignan niya naman yon.

“Punta ka sa birthday ko.” I save that invitation for her. Ngumiti naman siya.

 

“Sure. I’ll come. Invited rin kasi si Kuya.” Nangunot ang noo ko. Bahagya siyang tumawa.

 

“I forgot to tell. I’m Karren Natividad. I’m Khier Natividad’s sister.” The hell?

 

“Seryoso ka?” Tumango siya’t ngumiti.

 

“Hindi halata. Mukha ka namang tao pero bakit mukhang monstrous Creature ang Kuya mo?” Humalakhak siya bigla.

 

 

“Alam mo, magkakasundo tayo.” Bahagya lang akong ngumiti. Another friend? Pero may narealize ako. If Karren was Khier’s sister, then… it was Creature who saved me back then? Wow. Coincidence.

 

 

“Xyla!” Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Xylo. I smiled a little.

 

“Sabay na tayong kumain.” Tumango lang ako’t nilapag niya ang pagkain niya sa harap ko.

“Oh, Hi.” Bati niya kay Karren.

“Uhh… sige Xandria, kita nalang tayo sa party mo.” Tumango nalang ako’t umalis siya.

 

“Sino yun?”

 

“Kaibigan.”

 

“Wow. Parang dumarami ata ang kaibigan mo ngayon a?”


“Unti-unti na nga yatang nababawasan at nawawala Laurence.”
Nakangiti kong sabi.

 

“Excited ka na ba?” Pag-iiba niya sa topic habangnakangiti. Nawala yung ngiti ko.

 

“Ikaw lang ang excited. Paano ako maeexcite? Wala namang dahilan para maexcite.” Ngumiti lang siya ng bahagya.

 

“Kinakausap ka na ba nila?” Dumating naman si Ate Caren at nilapag yung pagkain ko.

 

“Do you think they’ll talk to me? Tingnan mo oh, iniiwasan nga nila ako. Pag nagpatuloy pa yan, mapipilitan nalang akong bumalik sa palasyo.”

 

“But Tito wouldn’t agree with that.”

 

 

“Edi maghohotel nalang ako o kaya, bibili ng ibang bahay at titirang mag-isa. Mas masaya yon, at least doon, alam kong wala akong kasama. Kesa naman sa alam kong may mga kasama ako sa bahay pero parang wala rin di ba?” Napalakas yung pagkakasabi ko’t nahuli kong napatingin sakin yung anim. Inisnab ko lang sila’t kumain.

 

“So anong balak mo?” Nakapagdecide na ako diyan. Mas mahihirapan ako kung patuloy ko silang makakasama. Iniiwasan nila ako di ba? Pwes, sasagarin ko na ang pag-tulong para di na rin sila mahirapang iwasan ako.

 

 

“Aalis na ako mamaya. Wala narin namang silbi ang pagtira ko sa bahay na yon. Babayaran ko nalang si Yaya. Help me find a house and lot. Yung malapit sa city at hindi bahain.” Natahimik lang si Xylo. That’s my final decision. It’s better to live alone than to live with someone else yet you feel alone.

 

~~~

A/N : Uhh… Aalis na naman si Xy-Xy? Pano nalang sila? Gusto niyo bang umalis si Xyla?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: