Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9 : Sadako

Lay’s POV
Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkaalis namin ng kwarto niya, hindi na ako makatulog. Buti nalang at Linggo bukas at wala akong pasok.

“Aish!! Stop thinking Lay! Ano ba?! Walang mangyayari kaya matulog ka na!” Sigaw ko habang nakatakip ng unan ang mukha ko. Hindi ko alam ba’t nagkakaganito ako.

Ano naman kung doon natulog si Sehun sa kwarto niya di ba? Wala namang mangyayari. Aish! Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman. Agad akong tumayo at dahan-dahang binuksan ang pintuan.

Lumabas ako at dahan-dahan kong binuksan ang kwarto niya. Titingnan ko lang. Pumasok ako at nakahinga ako ng maluwag ng makitang may unan sa gitna nila at may gap pang nakapagitan sa kanya at doon sa unan.

I took a last glance at her and smiled before living her room. Pagkalabas ko, nakita ko si Chanyeol na palabas sana ng kwarto niya.

“San ka pupunta?” Tanong ko.

“Uhhh… i-inom sana ng tubig.” Sabay kamot niya ng ulo. Halatang hindi naman natulog. Inaalala din kaya niya ang inaalala ko?

“Ikaw? Anong ginawa mo sa loob ng kwarto niya?” Nagtataka niyang tanong sakin.

“Chineck ko lang si Sehun. Baka kasi nabalian na siya ng leeg, pero okay naman siya.” Paninigurado ko sa kanya.

“Uhhh… ganon ba? Ah--sige, matutulog na ako.”

“Oh, kala ko ba iinom ka?”

 “Huh? Uh… hi-hindi na… tinatamad na ako. Sige, tulog na ako.” Sabi niya’t sinara yung pinto. I chuckled a little. Sabi ko na nga ba’t nag-aalala rin siya. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng mapansin kong nakabukas ng konti yung mga pintuan.

“Wag na kayong magtago. Ayos naman sila. May unan naman sa gitna nila at malaki ang gap nila kaya wag na kayong mag-isip ng kung anu-ano.” Sabi ko saka pumasok sa kwarto. Now, I can sleep without thinking anything…

 

Xyla’s POV
I blink several times wondering what time it is. Kinapa ko yung phone ko at kumurap ulit. Ang labo ng nakikita ko. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko at nag-unat-unat. 9am na pala. *yawn* 9AM?!

Tiningnan ko yung labas, tirik na tirik na yung araw. Aish! Napuyat kasi ako kagabi. Sila kasi eh. Ang balak ko lang kagabi, manood ng movie hanggang makatulog, hindi manood kasama sila at hintaying matulog si Sehun. Omo~ speaking of him. Nakatulog nga kaya yon? Yaan mo na nga.

Pumunta akong banyo at naghilamos at nagtoothbrush. Mamaya nalang ako maliligo. Nakapajama pa ako’t lahat lahat. Kumuha nalang ako ng lapis para ipang ipit sa buhok ko at hinayaan ang buhok kong nakamessy bun.

Kung bakit may lapis ako? Hindi ko rin alam. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at halos manlaki ang mga mata ko tulad ng kay Kyungsoo. EYEBAGS. Kaya ayokong napupuyat eh. Kinalkal ko yung cabinet ko at nakita kong nakapatong ang big glasses ko kasama ng mga alahas at kung anu-ano pa.

“Ayan, that suits me well. At least di pansin ang eyebags.” Kinuha ko yung cellphone ni Sehun at ibinulsa para ibalik sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Nag-almusal na kaya sila? Tingin ko oo.

Nakita ko sila sa sala. Himala at hindi nanunuod. Tulog lang po silang lahat. At mas pinili pa nilang matulog sa sofa at sa lapag kesa sa mga kama nila. Iiling-iling nalang ako. Kumain na kaya ang mga ‘to? Dumiretso ako sa kusina. Aba, malinis. Yung sink, walang bahid ng pagkabasa. Isa lang ang ibig sabihin niyan, tuyo siya… hahahahaha… tawa kayo, nagpapatawa ako.

Binuksan ko yung rice cooker. Malinis din. Ang galing naman nilang magsimot. Hindi talaga nag-iwan ng bakas kahit mumo lang ng kanin, wala. Aish! Walang nagluto. Kawawa naman sila, mukhang puyat pa sila sa akin, eh sila ‘tong halos tulugan na ako kagabi. Ako nalang yung nag-eenjoy dun sa panonood.

Ano bang magandang lutuin ngayon? Nakakasawa na ang pancake. Ano kaya? Hmmm… magluluto nalang ako ng waffle. Oo, tama, waffle nalang ang lulutuin ko. Buti nalang may waffle maker si Yaya dito.

Kumuha na ako ng sangkap sa paggawa ng waffle. Ano kayang palaman? Lagyan ko kaya ng gulay para naman sumigla sila. Pero meron bang ganon? Wag na nga, magpiprito nalang akong hotdog saka nalang ako magtotoast ng bread, magtitimpla ng kape at gatas, at uubusin ko lahat. Tama. Hindi ko sila pakakainin. Wahahaha… pero syempre, joke lang yon.

Nagluto na ako ng 25 waffles. Tigdadalawa sila, isa lang yung akin. Nagtoast din ako ng bread at nagluto ng corned beef at hotdog. Nagtimpla ng kape at dahil may fresh milk ako, di na ako magtitimpla. Hinanda ko na lahat at nilapag sa mesa. Pumunta akong sala. Wala si Sehun doon. Tulog pa yata. Umakyat muna ako para gisingin siya. Kumatok ako bago pumasok at naabutan ko siyang hihikab hikab at pababa ng kama niya.

“Sehunnie~ kakain na tayo.” Sabi ko sa kanya. Napaharap siya sakin at medyo gulat pero bumawi ng ngiti.

“Good morning Lala~” Ba’t ba Lala tawag sakin nito? Aish. Namimiss ko lang si Xytee sa kanya. Tumango lang ako at inabot sa kanya yung phone niya.

“Naiwan mo sa kwarto ko. Tara na, nagugutom na ako.” Sabi ko sa kanya at lumabas ng kwarto niya. Sumunod naman siya. Pagkababa ko, tulog parin lahat. Ano bang magandang gawin sa mga tutulog-tulog na ‘to? Tapunan ng tubig? Wag naman, mababasa yung sofa. Aha! Alam ko na! Sinenyasan ko si Sehun na tumahimik.

“Pagnagthumbs up ako sayo, sumigaw ka ng ‘AHHHH!! Si SADAKO lumabas sa TV!’ kuha mo ba?” Bulong ko sa kanya. Natawa siya ng kaunti at tumango. Inalis ko yung lapis ko sa buhok at yung salamin at ibinigay sa kanya.

“Hold it for a while.” I said. Inayos ko yung itim kong buhok at tinakpan ang mukha ko. Nagtiptoe ako palapit sa TV habang si Sehun, nasa baba ng hagdan at pinapanood ako. Lumuhod ako at unti-unting gumapang. Alam kong kabaliwan ito, but I want to try it.

I want to try being Sadako even just for a while. Ngayon ko lang gagawin to sa tanang buhay ko at maswerte silang, sila ang sasampolan ko. Malapit na ako kay Lay. Wahaha. Siya kasi yung malapit dito. Sinenyasan ko kaagad si Sehun.

“AHHHH!! SI SADAKO LUMABAS SA TV!” Sa tindi ng sigaw niya, hindi na ako magtataka kung bakit nagulat sila. Nakita kong napamulat si Lay at agad ko siyang hinawakan. Nagsigawan naman yung iba at napatalon sa sofa.

“SADAKO~ WAAAAAAHHHH!” Hindi magkamayaw ang sigaw nila. Samantalang si Lay, hindi ko alam kung tatakbo ba o magpapatay-patayan lang. As in hindi siya kumukurap tapos nanlalaki lang ang mga mata niya.

“LAAAAYYY~ Mamamatay ka na!” Sigaw nila lalo na si Xiumin. Ramdam ko yung lamig ng katawan niya dahil hawak ko yung braso niya. Gusto ko ng matawa pero pinipigil-pigilan ko lang.

Dapat pala hiniram ko muna yung cellphone ni Sehun para picturan siya. Aalis na sana ako kasi hindi siya kumukurap pero nagulat nalang ako ng hapitin niya ang bewang ko at parang nakayakap siya sakin. Kanina, siya yung nakahiga, ngayon ako na.

Natatakpan parin ng buhok ko yung mukha ko. Gusto ko na talagang matawa, paano, nanginginig yung mga kamay niya habang nakahawak sa magkabilaan kong wrist. He just pinned me on the floor. Tapos, yung mukha niya, ang epic. Naaaninag ko parin kasi siya. Parang ang bilis ng paghinga niya. Masyado yata siyang natakot. At dahil di ko na napigilan, I giggled a little kaya parang natauhan siya. Natahimik narin yung iba. Hindi ko alam kung bakit.

Binitawan niya yung isang wrist ko na hinahawakan niya pero nakahawak parin ng mahigpit yung isa. Unti-unti niyang inalis yung strands ng buhok ko until I can clearly see him. I bit my lower lip trying not to laugh by his scared face but I failed.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Humagalpak ako ng tawa. Napapikit pa ako sa kakatawa. Grabe. Ang sakit sa tiyan. Ganito pala tumawa pag masaya? Nakakamatay. Naluluha na ako sa sobrang tawa. Habang si Lay, hindi ko alam kung maiiyak ba o magagalit.

“If only hahahaha you could hahaha see your face right now hahahaha! It was PRICELESS, Lay. Hahahaha!” Ako na ang masaya. Pake ba nila? Ngayon lang ako naging masaya. Alam ko na ngayon ang feeling ni Sadako. Naaawa ako sa kanya dahil kinokontrol niya ang pagtawa niya tuwing Nakikita niya ang mga biktima niyang takot na takot at halos sipain siya sa mukha.

Bigla nalang nanghina si Lay at nahulog sakin, para niya akong yakap pero hindi. I can feel his heavy breathing. Tapos ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso niya pero tawa parin ako ng tawa. Hindi ko alam kung papaano ko pipigilan pero hindi ko talaga mapigilan. Naiyak na talaga ako. Ito ba ang sinasabi nilang, tears of joy? Wow ha? Inenjoy ko lang ang pagtawa ng maramdaman kong halos kapusin ako sa paghinga. Napahinto ako at napahawak sa likod ni Lay. Nilamukos ko yung damit niya. Ang sakit.

“Haaaah.” I’m breathing heavily. Yung inhaler ko. Naramdaman niya yatang huminto ako at napatingin siya sakin.

“La-laaay… Y-yung in-haler ko sa kwar-tooo…” Sabi ko habang naghahabol ng hininga. Ang sakit. Napabitaw ako sa damit niya at halos lamukusin ko yung damit ko sa sobrang sakit. Natauhan yata siya at agad na umayos.

“Kunin niyo yung inhaler niya sa kwarto! Dalian niyo!” Sigaw niya pero gulung-gulo lang ang lahat. Mabilis niya akong binuhat at inihiga sa sofa.

“DALIAN NIYO! KUNIN NIYO NA KUNG AYAW NIYO SIYANG MAMATAY!” Natauhan din yata yung iba at agad silang lahat na tumakbo pataas. Naiiyak na ako sa sakit. Bakit ba ganito? Kaya ba hindi ako pwedeng maging masaya dahil magiging ganito yung resulta? Halos suntukin ko yung dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Nahihirapan akong huminga. Sabayan pa ng pag-iyak ko. Pinigilan ni Lay yung kamay ko at pinunasan yung mga luha ko, pero wala, patuloy parin sa pag-agos.

“Sandali lang ‘to Xyla, kinukuha na nila yung inhaler mo. Sh*t! Bakit ang tagal nila?!” Natataranta siya. Natataranta siya at hindi alam ang gagawin. Kung susunod ba sa taas o babantayan ako. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

“Don’t feel it Xyla. Calm yourself. Calm yourself and breathe slowly.” I can see his eyes forming tears. Ganito ba yung mga doctor? Naiiyak pag may nangyayari sa pasyente niya? I tried to calm myself. Calm myself then I start breathing slowly.

“Slowly Xyla, don’t hurry.” I saw a tear fell from his eyes but he suddenly wipe it away. I slowly breathe. slowly… slowly… until I can catch my normal breathing. Huminga akong malalim at naramdaman kong hindi na masakit ang paghinga ko.

“Thank God you’re okay.” He said and smiled showing his lovable dimples. I smiled a little at nabigla ako ng yakapin niya ako. Naramdaman ko yung mabilis na pagtibok ng puso niya. Oo… alam kong kanya yon dahil hindi ko naririnig yung akin.

“I thought you’ll be gone.” At mas hinigpitan niya yung yakap sakin. Bakit ganito siya kaconcerned sa pasyente niya? Bakit yung doctor ko hindi naman ganito nung muntik na akong mamatay? Seryoso nga lang ang mukha non at parang walang pakealam, pero itong si Lay, halos maiyak. Ay hindi, umiyak na nga siya. Pinat ko nalang yung likod niya.

“HERE’S THE INHALER!” Rinig kong sigaw mula sa taas. I saw them on my peripheral view. They stop and wearing one emotion, anxiety.

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro