Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9.1 : Feeling appreciated

Luhan’s POV
Dahil hindi kami gaanong nakatulog kagabi ay nagsibabaan kaming lahat sa sala. Si Sehun, naabutan nalang namin sa kwarto niya na masarap ang tulog. Hindi naman siguro siya binuhat ni Xyla di ba? Buti nalang din at umalis na siya sa kwarto ni Xyla.

“Inaantok ako. Matutulog muna ako. Mamaya na ako magluluto. Mamaya na tayo kumain.” Matamlay na sabi D.O at bumagsak sa sofa. Nagsisunuran narin yung iba at nagsihiga kung saan-saan. At dahil hindi ko narin mapigilan ang antok ay tumabi ako kay Lay hanggang sa makatulog na ako.

Nakakarinig ako ng bulungan pero parang lamok lang na maingay yung tunog. Di ko nalang pinansin yon.

“AHHHH!! SI SADAKO LUMABAS SA TV!” Napamulat ako sa narinig kong sigaw at nakita kong nagising din lahat. Pagtingin ko sa gilid ko, nakita kong may babaeng mahaba ang buhok na kulay itim ang nakahawak kay Lay. Bigla akong kinabahan kaya halos talunin ko na yung sofa at makipagsiksikan sa iba.

“SADAKO~ WAAAAAAHHHH!!” Napasigaw din ako tulad ng iba. Paanong nakalabas yan sa TV? At talagang pinili niyang magpajama huh? Si Lay naman hindi makagalaw sa pwesto niya dahil hawak siya ni Sadako.

“LAAAAYYY~ Mamamatay ka na!” Sigaw ni Xiumin. Kailangan kong iligtas si Lay. Umalis ako sa umpukan at pupunta sana ng kusina ng pigilan niya ako at bulungan.

“Lulu, that’s Lala… ang galing niya ano?” Lala? Magaling? Di ba niya nakikita? Si Sadako yan hindi si Lala.

“Sehun, sinong Lala? Di bale na nga lang, kailangan nating kumuha ng pamalo para iligtas si Lay.” Aalis na sana ako pero pinigilan niya ulit ako.

“No. Don’t do that. That girl is Xyla.” He said. Napatingin ako dun sa babae na ngayon ay nasa baba ni Lay. Ang pangit tignan ng posisyon nila. Inalis ni Lay yung mga strands ng buhok sa mukha niya at nakita kong si Xyla nga.

“See? I told you.” Dagdag pa ni Sehun. Bigla nalang kaming nakarinig ng malutong na tawa… mula sa kanya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Tama ba ang Nakikita ko? She’s laughing because of happiness. I felt my heart skipped a bit. Ang saya-saya niya. Nagkatinginan kami nung iba at napangiti.

“Don’t ruin her happiness.” Suho said while we’re still smiling.

“If only hahahaha you could hahaha see your face right now hahahaha! It was PRICELESS, Lay. Hahahaha!” I don’t want to stop her from laughing. Pero nawala yung ngiti ko nang Makita kong bumagsak sa kanya si Lay at halos yakap na siya nito pero sige lang ang pagtawa niya. Akala ko yayakapin din niya si Lay ng ilagay niya yung kamay niya sa likod ni Lay pero nakita kong nilamukos niya yung damit ni Lay at nahinto siya sa pagtawa. Bigla nalang umayos sa pagkakaupo si Lay. Nahalata niya sigurong awkward yung position nila.

“Kunin niyo yung inhaler niya sa kwarto! Dalian niyo!” Sigaw ni Lay atsaka siya binuhat at inihiga sa sofa. Inhaler? Anong gagawin niya don?

“DALIAN NIYO! KUNIN NIYO NA KUNG AYAW NIYO SIYANG MAMATAY!” Nang Makita ko yung mga mata ni Lay na seryoso ay agad kaming tumakbo pataas. Inhaler? Pang may asthma lang yun ah?

‘…asthmatic kasi ang batang yan at napakahina ng resistensya niya noong bata siya…’ Ngayon lang nagsink in sa utak ko yung sinabi ni Auntie. May asthma nga pala siya. Halos liparin ko yung kwarto niya sa pagmamadali.

“Anong itsura nung inhaler?!” Natataranta kaming lahat. Saan ba nilalagay ang inhaler? Aish! Saan ba yon? Binuksan namin yung cabinet niya at wala kaming Makita. Pumunta na ng banyo yung iba pero wala parin.
 
“Inhaler… NAKITA KO NA! NAKITA KO NA YUNG INHALER NI XY-XY!” Sigaw ni Xiumin. Agad namang kinuha ni Kris yon at mabilis na tumakbo. At dahil siya ang pinakamatangkad sa amin, ang isang hakbang niya, ilang hakbang pa sa amin. Nagmamadali kaming lahat na bumaba.

“HERE’S THE INHALER!” Sigaw ni Kris pero parang huli na… maayos na siya. Pinapanuod nalang namin kung paano siya yakapin ni Lay habang pinapat niya naman ang likod nito. I somehow felt happy because she’s okay but… some part of my heart aches a little.

 

Xyla’s POV
I thought I’m gonna die. Grabe, huli ko ng pagtawa yon, Di na ako tatawa kahit anong mangyari. Kahit mamula pa ako kakapigil, pipigilan ko parin. Ayoko pang mamatay. Napakabata ko pa. Ni hindi ko pa nga napapatunayan sa mahal na hari na hindi ko kailangang magbago para tanggapin ng tao.

“Ayos ka na?” Halos tanungin nila ako bawat minuto. Mukha ba akong hindi pa ayos? Yung totoo? OA ha? Ni hindi pa nga kami nakakapagalmusal dahil sa nangyari kanina. OO NGA PALA! SPEAKING OF ALMUSAL! NAKALIMUTAN KO! HALA! BAKA MALAMIG NA YON!

“WAAAAHHH!” Napasigaw ako kaya lahat sila nagmadaling lumapit sakin.

“Lala~ are you okay? Can’t you breathe again?” Pag-aalala ni Sehun

“Gusto mo, bigyan kitang oxygen?” Halos samain ko ng tingin si Chen

“Don’t worry about me. Ayos na ako. Ayos na ayos. Worry about the food! Omo~ it’s cold for sure!” I said and run to the dining. Sumunod naman sila agad. At hindi nga ako nagkamali. Yung mga kape nila, ni hindi na nakakapaso. Yung waffle, malamig na pati yung toasted bread. Buti pa yung corned beef medyo mainit pa.

“I-ikaw naghanda ng lahat ng ito?” Tanong nila.

“Oo… tulog pa kasi kayo nung nagising ako. Kala ko nga kumain na kayo pero wala akong nakitang bakas ng kahit anong pagkain sa kusina kaya nagluto ako. Ano ba? Umupo na kayo. Kainin na natin ‘to. Sayang.” Sabi ko sa kanila.

“Uhh… Lala~ here’s your pencil and glasses.” Mahinang sabi ni Sehun at inabot sakin yung mga yun. Agad kong tinali yung buhok ko tulad ng pagtali ko kanina at isinuot yung glasses ko. Grabe, parang wala lang nangyari. Umupo narin ako tutal nakaupo na sila pero… nakatitig lang sila sakin at hindi ginagalaw yung pagkain. Nilapit ko yung mukha ko kay Luhan. Namula naman siya bigla.

“Ayaw niyo bang kumain ng malamig?” Tanong ko sa kanya. Natawa naman siya ng kaunti. Anong nakakatawa sa tinanong ko? Minsan, hindi ko maintindihan si Luhan. Ilang araw ko palang siyang kilala pero may sira ata ang utak niya. Tumatawa ng wala namang nakakatawa. Inumpisahan ko ng kumain. Masarap naman kahit malamig ah? Ako kayang naghanda nito.

Kumakain na ako pero di parin sila kumakain at nakatingin lang lahat sakin. Bahala sila. Ang aarte nila. Inubos ko na yung almusal ko sa abot ng aking makakaya. Pati yung malamig kong gatas, inubos ko rin. Simot. Pero ni hindi nila ginalaw yung almusal nila. Nakakatampo. Pag malamig pala ang pagkain, ayaw na nilang kainin. Tumayo ako bigla without saying anything at umakyat. Bahala sila kung ayaw nilang kumain. Di pa ako nakakatatlong hakbang sa hagdan, narinig ko na yung maingay na tunog ng mga kubyertos.

“Hoy! Akin yan!”

“Meron ka diyan! Akin ‘to! Niluto ni Xyla ‘to para sakin!”

“Akin nalang yung kape kung ayaw niyo.”

“Hindi! Pagtiyatiyagaan ko kahit malamig na ‘to. Masarap parin ‘to kahit di na mainit!” Napangiti ako. Akala ko ayaw na nilang kainin. Nakita ko bigla yung cellphone ni Sehun sa sofa. Kinuha ko yun at inunlock. Bumalik ako papuntang dining at dahan-dahan sa paghakbang. Baka kasi marinig nila ako. Kitang-kita ko kung papaano nila isubo ng buo yung pagkain at sumubo ulit kahit may laman pa ang mga bibig nila. Ang tatakaw talaga. Walang makakalagpas ngayon. Tumakbo ako bigla sa pwesto ni Yaya, kung saan siya umuupo pag kumakain.

“SMILE!” I yelled and hit the caption. Tiningnan ko yung kuha nila. Wahaha… mukhang mamamatay na naman ako dahil sa kakatawa. Paano, gulat na gulat silang lahat na nakatingin sa camera habang lumolobo yung mga bibig dahil sa dami ng laman. Buti nalang si Kyungsoo at hindi pinalakihan lalo ang mga mata.

“Nakakatuwa kayo. Sehun, pahiram saglit ha? Ibluebluetooth ko lang.” Sabi ko sabay takbo papuntang kwarto ko. Kinuha ko yung phone ko at binluetooth agad. Nagonline din ako at sinave ko sa Dropbox ko at sa iba ko pang account para kung sakaling mabura yung isa, marami pa akong kopya. Oha! Talino ko talaga. Ginawa kong wallpaper yung picture nila. Napatingin ako sa Mocca ko.

“Mr. Mocca… tingin ko naman mag-eenjoy ako dito. Ang babait nila at tanggap nila ako kung ano ako. Dito… ramdam kong minamahal ako kahit na sandaling panahon palang… Sana, marealize din ng mahal na hari na… kahit anong mangyari… ako ay magiging ako parin. Walang magbabago…”

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro