Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3 : Pancakes

Chanyeol’s POV

May bago kaming kasamahan. Akala ko lalaki pero babae pala at pamangkin pa siya ni Auntie. First impression, mukhang mabait, but first impression never last. Mukha lang pala pero ang sungit niya. Matutulog na sana ako pero bigla akong nauhaw kaya naisipan kong bumaba muna. Pagkabukas ko ng kwarto ko ay nakita ko siyang paika-ikang naglalakad. Anong nangyari sa kanya?

 

 

“Ayos ka lang?” Tanong ko sa kanya.

 

 

“Wala naman akong sira kaya tingin ko, ayos lang ako.” Sagot niya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.

 

 

“Maganda sana, ang sungit naman.”I mumbled and walk downstairs. Hindi ko alam kung paano namin siya pakikisamahan kung siya mismo ay mukhang hindi marunong makisama.

 

 

Xyla’s POV

“Wushu!”

 

 

“Chen! Akin na yan!”

 

 

“Tao! Tigilan mo nga yang pagwuwushu dito! Nakakairita!”

 

Napatakip ako ng unan. Bakit ang ingay?

 

“Butler Saff… Ang ingay.”I mumble pero patuloy lang ang ingay sa labas. Napaupo ako habang kakamot-kamot ng ulo at nanatiling nakapikit.

 

 

“Butler Saff… Ano ba yan?” Malakas kong sabi pero walang sumasagot. Tumayo ako nang walang gana at binuksan ang pinto. Nakapikit parin ako at kukusot-kusot ng mata.

 

 

“Bakit ba ang ingay niyo? Hindi ba kayo nakakaintindi na may natutulog pa? Di ba sabi ko naman sa inyong wag niyo akong iistorbohin kapag natutulog ako? Ano bang hindi niyo maintindihan don? Tawagin niyo nga si Madam Felestija!” Tumaas ang boses ko sa bandang dulo at iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko yung 4 na lalaki na nakatayo sa labas ng kanya-kanya nilang pinto at kung anu-ano ang ginagawa.

Oh, nakalimutan kong wala pala ako sa palasyo.

“Sorry.” Paghingi nilang lahat ng paumanhin. Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong lumabas narin yung 8 pang lalaki at tiningnan ako.

“Next time, try to control your voice. Ang aga-aga, nangiistorbo kayo nang tulog.” Huli kong sabi at binagsak nang malakas ang pinto. Pabagsak akong humiga sa kama ko at inabot ang cellphone ko. 5am. Bakit ba ang aga nilang gumising? At dahil sa maaga akong naistorbo ay hindi ko na naipagpatuloy ang pagtulog ko. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko bago pumunta ng banyo. Buti nalang at hindi magulo ang buhok ko ng labasin ko sila.

 

Naligo na ako’t nag-ayos atsaka bumaba. Nakita ko yung iba na nanunuod. Ang aga-aga naman nilang manood. Di nila ako napansin kaya dumiretso ako sa kusina. Nakita ko si Kyungsoo doon na nagluluto. Kilala ko na siya dahil nagpakilala siya di ba?

 

 

“Good morning. Gising ka na pala.” Sabi niya habang busy sa niluluto niya.

 

 

“Sinong hindi magigising sa ingay ng mga kasama mo?” Tanong ko sa kanya sabay bukas ng ref at kumuha ako ng tubig at ininom.

 

“Pasensya ka na sa kanila. Nakalimutan lang nilang hindi na lang pala sila ang nakatira dito.” Sabi niya pero hindi na ako sumagot. Pasensya. Hindi lahat madadaan sa pasensya. Nakita kong nakadivide yung parts ng ref at may mga pangalan ang bawat dividers. Nakita ko yung akin kaya binuksan ko. Puro gatas, keso, cream,prutas at kung ano-ano pa na hindi bawal sakin at mahilig kong kainin. Alam na alam talaga ni Yaya lahat ng gusto ko. Kumuha ako ng mansanas, kiwi, cherry, peras at ubas. Hinugasan ko ang mga yon at kumuha ako ng maliit na bowl.

Hiniwa ko ng bite size ang mga prutas at kumuha ako ng keso at cream. Hiniwa ko yung keso at inilagay sa bowl kasama ng mga hiniwa kong prutas atsaka ko binuhusan ng cream at minix hanggang kumalat yung cream. Now, it’s ready. Ito na ang breakfast ko. Binalik ko ito sa ref at palalamigin ko muna. Mamaya ko nalang kukunin. Niligpit ko yung kalat ko at hinugasan ang mga ginamit ko. Naghugas narin ako ng kamay. Now what? Anong gagawin ko?

 

Tiningnan ko si Kyungsoo na nagluluto. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang niluluto niya.

 

 

“Ano yan?” Tanong ko. Alam kong pagkain ang niluluto niya kaya wag niyang subukang pilosopohin ako dahil baka iprito ko siya ng buo.

 

 

“Fried rice.”

 

 

“Itlog, ham, bacon, hotdog at fried rice ang agahan niyo?” Tanong ko. Bakit puro fried? Bukod sa napakafatty, nakakasuya pa.

 

 

“Oo… araw-araw ng ganito ang kinakain namin.” Araw-araw? Di ba sila nagsasawa? Tinalikuran ko siya at binuksan ang cabinet sa taas. Nanghalungkat ako at swerte naman na may nakita akong pancake recipe. Kumuha ako ng 3 box at kumuha narin ako ng malaking bowl.

 

Minix ko na yung dapat imix at sakto namang natapos na sa pagluluto si Kyungsoo. Buti at hindi niya tinatanong ang ginagawa ko. Kapag kasi ako ang nasa kusina, kahit ang mga maid namin ay hindi ako pinakekealaman.

 

 

“Pakiheaten yung pan.” Pakiusap ko sa kanya. Marunong naman akong makiusap. Hindi naman ako ganon kabastos. Ginawa naman niya ang sinabi ko at pumunta na ako sa harap ng kalan. Ipinatong ko yung medyo malaking bilog na pang mold sa gitna ng pan. I melted some butter at ibinuhos ko yung pancake mixture doon. Hindi naman lahat. Yung tamang sukat lang ng isang normal na pancake. Kung hindi ko lalagyan ng pang hulma, hindi magiging bilog yung pancake.

 

 

Itinuloy-tuloy ko lang ang pagluluto hanggang sa matapos na ako. Nakatingin lang si Kyungsoo sa ginagawa ko. Kumuha ako ng 13 plates at naglagay ako ng tigtatlong pancake sa labing isang plato. Yung isang plato, ginawa kong apat at yung isa, dalawa. Akin yung dalawa, dahil hanggang ganon lang karami ang mauubos ko. Yung apat, kay Kyungsoo dahil nagpakahirap siyang magluto dito habang ang mga kasama niya ay nanunuod lang sa sala.

 

 

“Umalis na ba si Auntie?” Tanong ko. Nakita kong tumango siya kaya hindi na ako nagtanong pa. Binuhusan ko ng maple syrup yung limang pancake at chocolate syrup naman sa anim na natira.

 

 

“Anong gusto mo? Maple or chocolate?” Tanong ko sa kanya habang siya eh nagtitimpla ng gatas. Siya siguro ang nagtimpla ng gatas ko kagabi.

 

 

“Kung ano yung sayo.” Tiningnan ko siya. Kinuha ko yung cheddar cheese sa ref at kumuha ako ng cherry. Binuhusan ko ng Honey yung kanya at yung akin. Tapos, nilagyan ko ng cheese sa taas na dahan-dahang nagmemelt dahil mainit-init pa yung pancake. Saka ko pinatungan ng cherry sa taas.

“Pakuha ng tray.” Kinuha niya naman yon habang ako ay nililinis yung bawat gilid nung plato.

“Nag-aaral ka pa di ba?” Tanong niya sakin.

“Yes.”

 

 

“College ka na? Anong course mo?”

 

 

“Graduate na ako ng Culinary and still taking up Business Management” Maikli kong sagot. Dalawa ang course ko. Ang totoo, main course ko ang Business Management. Pero dahil passion ko ang pagluluto, nagtake ako ng culinary. Hindi sa school pero sa bahay lang. And successfully, hindi ko na kailangan ng taon para makagraduate doon. Bago magbakasyon, graduate na ako agad sa culinary. Naghire kasi ako ng pinakamagaling na chef para magturo sa akin.

 

“Talaga? Kaya pala…” Nilagay ko na sa tray yung mga plates. At pinadala sa kanya ang iba. Kinuha ko yung salad ko sa ref at buti nalang malamig na. Pinatong ko ito sa tray kasama ng pancake ko at pancake ni Kyungsoo. Binitbit ko ito palabas at naabutan ko sa dining na nakaupo na silang lahat.

Nilapag ko yung tray at isinerve ko ang pancake ni Kyungsoo at yung pancake ko katabi ng salad ko at itinabi ko yung tray. Umupo na ako sa tabi ni Luhan at nakita kong may gatas na sa tabi ko. Kakain na sana ako ng mapansin kong tahimik sila. Tiningnan ko sila at nakatingin silang lahat sa akin.

 

“Dig in.” I said and start eating. Inuna ko yung pancake na ubusin. Ang sarap talaga.

 

“D.O, anong nakain mo at may bago yata sa niluto mo ngayon.” Rinig kong tanong ng isa. Hindi ako nakatingin kaya hindi ko siya kilala.

 

“Hindi ako ang nagluto niyan.”

 

 

“Sino?”

“Si Xyla.” He said. Nanahimik ulit at naramdaman kong may mga matang nakatingin sakin. Hindi ko pinansin yon at inubos ang pancake ko. Sinunod ko naman yung salad. Medyo madami yon kaya bago ko kainin nagtanong muna ako.

“Luhan, Kyungsoo, gusto niyo?” Tanong ko sa kanila habang tiningnan ko sila. Napatigil sila sa pagkain at tiningnan ako. Hindi ko naman maalok yung iba dahil hindi ko sila kilala.

“Uh… yes.” Sabay nilang sambit. Inilapit ko yung plato ni Luhan at nilagyan ng salad. Tapos, tumayo naman ako at lumapit kay Kyungsoo. Nilagyan ko rin yung plato niya at bumalik ako pagkatapos sa upuan ko at sinimulang kumain.

 

 

“Ang sarap…” Sambit ni Luhan. Tiningnan ko siya atsaka siya ngumiti sakin.

 

 

“Walang pagkaing hindi masarap. Kahit ang mapait na ampalaya, nagiging matamis kung sinasamahan ng pagmamahal ng nagluluto.” Sabi ko at sinimot yung bowl. Inubos ko yung gatas ko at uminom ng tubig atsaka tumayo.

“Excuse me.” I said and walk away. Pupunta nalang ako sa kwarto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro