CHAPTER 18 : She who she hates
Xyla’s POV
Two months na akong nakatira dito sa bahay ni Yaya at ngayon ang balik niya kaya naghahanda kami ng pagkain.
“Ano, di pa ba nagtetext si Auntie?” Tanong ko habang naghahanda ng pagkain.
“Malapit na daw sila.”
“Sila?” Tanong ko ulit. Sinong sila? Nagkibit balikat lang si Kris nang biglang may magdoorbell. Nagtakbuhan naman sila sa pinto habang patuloy lang ako sa paghahanda.
“Nasan si Xyla?” Rinig ko yung boses ni Yaya mula sa sala.
“I’m here!” Sigaw ko para marinig niya. Nag-aayos lang ako ng bigla nalang akong makarinig ng mga yabag kaya humarap ako at nakita ko si Yaya na nakangiti. Sinalubong niya ako agad ng yakap.
“Welcome home Auntie.” I said and she smiled.
“Kamusta ang stay mo dito? Di ka ba nahirapan sa mga batang ‘to?”
“Matakaw po sila, makulit, antukin at maingay.” Sabi ko at natawa lang si Yaya.
“Oo nga pala, may ipapakilala ako sayo.” Sino naman kaya yon?
“Belinda!” Sigaw ni Yaya. Belinda? What the effin F? BELINDA?! Sumungaw yung mukha nung babae sa harap ko na nakangiti. Biglang kumulo yung dugo ko at mawala yung maaliwalas kong mukha kanina.
“Anong ginagawa niya dito?!” Asar kong tanong. Nakangiti parin si Belinda at nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ng lahat.
“Hi, Xyla.” Bati niya sakin.
“Alam kong mataas ako at pandak ka kaya hindi mo na kailangang sabihin pa sakin.” Pamimilosopo ko sa kanya.
“Nakakatawa ka parin hanggang ngayon.” She said and giggled.
“At hanggang ngayon, nakakairita ka parin.”
“Hindi mo ba ako namiss?”
“Kung pwede nga lang, ipapatali kita ngayon sa rocket at ipapadala sa outer space, para mas lalo mo akong mamiss.”
“Ikaw naman. Ganon mo ba ako kamahal?”
“Ganon kita kinasusuklaman.”
“Ang sakit mo naman magsalita Xyla.”
“Masakit talaga akong magsalita pero mas masakit akong manakit.”
“Xyla, Belinda. Hanggang ngayon ba, issue parin ang pag-aaway niyong yan?” Tanong samin ni Yaya. Nabwibwisit talaga ako sa babaeng ‘to. Nabwibwisit ako at gusto ko siyang tusukin ng tinidor na hawak ko. Nakakairita siya to death. Bakit ako naiirita sa kanya?
Siya lang naman ang dahilan kung bakit muntik na akong mamatay noon. Siya ang dahilan kung bakit pinagbawalan akong maglaro sa labas at kinulong ako sa kwarto ko. Siya ang dahilan bakit bigla akong nagbago. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako agad nagtitiwala sa ibang tao. Siya ang dahilan kung bakit wala akong mga naging kaibigan. Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit masama ang loob ko kay Papa. Imbis na ako ang paniwalaan niya, mas pinili niyang paniwalaan si Belinda. Ikinatuwa ko nga nung mawala na siya sa Palasyo. At ngayon, bumalik na naman siya. Para ano? Ipaalala sakin yung mga pangyayaring yon? Na ang nag-iisa kong kaibigan, iniwan ako sa tiyak na kapahamakan.
“Xyla, past is past. Mga bata pa tayo noon kaya kalimutan na natin ang lahat.”
“Kalimutan? Huh! Para sayo, madaling kalimutan. Pero para sakin, walang magbabago. Nang dahil sayo, kalahati ng buhay ko nagbago.”
“Tigilan niyo na nga yan. Tigilan niyo na. Magbati na kayo. Ang tagal ng panahong hindi kayo nagkita pero hanggang ngayon nag-aaway parin kayo.”
“Pasensya na Auntie. Tulad nga ng sinabi ko, walang magbabago. Nawalan na ako ng gana. Matutulog na ako Auntie.” Ibinaba ko yung mga tinidor na hawak ko sa mesa at agad umakyat ng kwarto. Bakit ba nandito siya? Manggugulo na naman ba siya? Agad akong humiga sa kama ko at pumikit. Bwisit! Bwisit talaga! Maya-maya konti, narinig kong may kumatok sa pinto pero hindi ako sumagot.
“Papasok ako Xyla.” Di parin ako nagsalita pero narinig kong bumukas ang pinto at may mga yabag na palapit sakin at naramdaman ko nalang na may umupo sa kama ko.
“Di ko alam kung anong problema between you and that Belinda but… I’m here. Kung kailangan mo ng makakausap, andito lang ako para makinig.” Sa tinagal tagal ng pamamalagi ko dito, alam ko na kung kaninong boses ‘to. Bumangon ako without looking at him. Parang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sa sobrang bigat, parang bumabalik yung dating mahinang ako. Nayakap ko nalang bigla si Suho at tuloy tuloy nang dumaloy yung mga luha ko. Wala akong sinasabi pero umiiyak lang ako at yakap niya din ako.
“Looks like you need a handkerchief more than an ear.” Sabi niya sakin. Mas lalo lang akong umiyak. Noon, kama ko lang, unan, kumot at si Mocca ang karamay ko sa pag-iyak, pero ngayon, ramdam kong may panyo na akong magpupunas ng mga luha ko.
Suho’s POV
Di ko alam kung anong problema sa pagitan nina Belinda at Xyla pero ramdam kong masama ang loob ni Xyla kay Belinda. Umakyat agad siya sa kwarto niya kaya naman madali ko siyang sinundan. Akala ko di niya ako kakausapin pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin at umiyak siya. Parang ngayon ko lang nakita yung pinkaweakest side niya.
I’ve seen tears from her before. Una yung inatake siya ng asthma niya and second one is noong nagheadbump sila ni Lay. Masakit siyang makitang umiyak pero mas masakit ang malamang umiiyak siya hindi dahil sa sakit o sugat, kundi dahil sa nararamdaman niya. Huminto na siya sa pag-iyak at sniffs nalang ang naririnig ko. I brush her hair.
“If crying can ease the pain you feel within, don’t hesitate to cry on my shoulders. I would let myself to be your handkerchief.” I said but she didn’t reply. Nalaman ko nalang na nakatulog na pala siya kaya naman hiniga ko na siya at kinumutan. Namumula pa ang ilong niya sa kakaiyak at sisinghot-singhot pa siya. Sobrang sakit talaga siguro para umiyak siya ng ganito.
“Good night princess…” I whispered and kiss her forehead before locking her room. Bumaba na ako at naabutan ko silang nakaupo sa dining at tahimik na naghihintay.
“Nasan siya?” Tanong ni Auntie.
“Tulog na po.” Sabi ko at umupo sa pwesto ko.
“Bakit basa yang damit sa balikat mo?” Tanong sakin ni Kris.
“Uhh… may butas yata yung kisame sa kwarto niya at may tumulong tubig sa balikat ko. Kain na tayo.” Sabi ko nalang. Siguro naman naintindihan nila ang ibig kong sabihin.Tiningnan ko yung Belinda na nakaupo katabi ni Sehun at nginitian niya lang ako pero di ko siya pinansin. Sa lahat ng ayaw ko ay yung mga nananakit sa mga taong minamahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro