CHAPTER 17 : Tao and Kai♥
Tao’s POV
Nakausap ko na si Xyla at kilala na niya ako. It’s a miracle. Ang bait niya talaga kahit minsang napakaweird niya at nakakatakot siya. Nanuod lang kami ulit sa kwarto niya at kumain. Ang sarap nung cookies. Hindi gaanong matamis, pero sobrang sarap. Di ko alam pero tuwing siya ang magluluto, nakakagood vibes lang.
Kai’s POV
Kilala na ako ng prinsesa pero ang problema, mukhang galit siya. At dahil sa nagasgasan ko ang magandang mukha niya at makinis niyang braso ay pinarusahan niya ako.
“Kai, di ka pa tapos maghugas?” Tanong niya sakin. Halos mabasag ko na nga yung mga plato dito. Paano, di naman ako marunong maghugas ng plato.
“Sandali nalang ‘to.”
“Talagang sandali nalang at mauubos mo na lahat ng yan. Gusto mo, basagin mo na lahat eh.”
“Xy, hindi ka nakakatulong.” Nakakastress pala siya. Kanina pa siya nakabantay sakin at hindi ako pwedeng umalis ng bahay hanggat di ko natatapos ‘to. Nakaalis na nga sina Lay eh. Malelate na ako sa trabaho ko. Patay ako sa boss ko nito.
“Dalian mo kung gusto mo pang pumasok.” Sabi niya at iniwan na ako. Maya-maya konti ay natapos ko rin ang paghuhugas. Sa labing tatlong plato, pito nalang ang natira. Nabasag yung iba eh. Agad kong kinuha yung bag at jacket ko sa sala at tatakbo na sana palabas.
“Sandali!” Humarap ako kay Xy. Bakit Xy ang tawag ko sa kanya? Xy, pronounced as Sigh and rhymes with, Kai. Haha.
“Ihahatid kita para hindi ka na mahuli sa trabaho mo.” Halos mapangiti ako sa sinabi niya. Ihahatid niya daw ako? Kaya pala naka salamin siya ngayon at hoody.
“Sama ako!” Nilingon namin yung mga nasa sala.
“Si Biik, este Baekhyun at Xiumin muna ang isasama ko. Maiwan muna yung iba dito.” Nalungkot naman yung iba pero halos magdiwang yung dalawa. Lumabas na kaming apat at sumakay sa kotse niya. Tumabi ako sa kanya habang sa likod naman sina Xiumin at Baekhyun.
“Woah… astig pala ng kotse mo ha?” Sabi ko at sinipat yung kotse niya. Di niya ako sinagot at pinaandar agad yung kotse. Itinuro ko nalang sa kanya yung direksyon papunta sa trabaho ko. Nadaanan namin yung ospital kung saan nagtatrabaho si Lay at tinuro ko rin sa kanya yon. Tatango-tango lang siya. Tinuro ko rin yung pinagtatrabahuhan ni Kris.
“San nagtatrabaho si Suho?”
“Sa--ihinto mo.” Huminto naman siya agad.
“Dito ako nagtatrabaho, at dito rin nagtatrabaho si Suho. Siya yung Architect at ako yung Engineer.”
“Talaga? Engineer ka pala? Hindi halata ah?” Tumawa naman sina Baekhyun. Nagpaalam na ako sa kanila at masaya akong pumasok sa loob na may mga ngiti sa labi.
Xyla’s POV
Hinatid namin si Kai sa pinagtatrabahuhan niya at nagulat ako na Engineer pala siya. Akala ko kasi kung ano lang ang trabaho niya.
“Xy-Xy, nagugutom ako.” Tiningnan ko si Xiumin sa salamin.
“Kumain na tayo ng almusal, gutom ka na naman?” Ang takaw talaga. Di ko alam kung bulate ang nasa tiyan niya o anaconda.
“Matanong ko lang ha? Nag-aaral pa yung iba, tapos nagtatrabaho naman yung iba. Bakit kayong dalawa sa bahay lang? Anong ginagawa niyo?” Nagkatinginan pa sila.
“Graduate na kami parehas ng Architecture at nagpapahinga lang kami.”
“Naks naman, ang haba ng pahinga niyo ha? Ilang years na kayong tambay?”
“Dalawang taon.” Halos masubsub sila ng ihinto ko yung kotse. Hinarap ko sila at halos manlaki ang mga mata ko.
“Dalawang taon?! Seryoso kayo? Nagpahinga kayo ng dalawang taon?” Tumango-tango naman sila. Pinaandar ko ulit yung kotse.
“Eh bakit kayo nagrent sa bahay ni Auntie?”
“Wala lang. Mahal kasi kung bibili kami ng condo eh babalik rin naman kami agad sa Korea.”
“Koreans kayo?”
“KoPino, eh ikaw?”
“Filipino-British ako.”
“Talaga? Ang galing naman.” Anong magaling don?
“Lahat ba kayo na nakatira sa bahay ni Auntie eh Korean?”
“Hindi. Sina Kris, Lay, Luhan, at Tao, mga Chinoy sila. Kaming dalawa, sina Sehun, Chen, Suho, Kai, Chanyeol at D.O, KoPino kaming lahat.”
“Eh anong ginagawa niyo sa Pilipinas?”
“Nag-aaral, nagtatrabaho, at nagbabakasyon.”
“Magkapatid ba kayo?”
“Magkaibigan kami.”
“Mayaman ba kayo?”
“Medyo. Lahat naman ng nakatira sa bahay ni Auntie, mayaman. Si D.O, anak siya ng sikat na chef sa Korea. Si Lay, dito nag-aral yan at anak siya ng isa ring kilalang doctor. Si Kris, Suho at Kai, may mga business ang mga magulang nila at malaki ang puhunan. Si Luhan at Sehun, mga tagapagmana. Si Chanyeol, mukhang mahirap pero ang totoo, sikat ang pamilya nila sa Korea at siya ang bunsong anak.”
“Si Tao at Chen, ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng karamihan sa mga hotel at restaurant sa China at Korea. Ito namang si Baekhyun, tagapagmana rin kaya hindi siya namomroblema. At ako naman, ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng ilang restaurant sa Korea. Eh, ikaw Xy-Xy?” Tanong ni Xiumin. Sasabihin ko bang tagapagmana rin ako at ako ang anak ng may pinakamataas na share sa Academy’ng pinapasukan nila Chanyeol at ako rin ang anak ng may-ari ng isang malaking kumpanya dito sa Pilipinas at isa sa mga sikat na modelo?
“Uhhh… mayaman ang Papa ko.”
“Oh, edi mayaman karin.” Singit ni Biik.
“Hindi, ang Papa ko lang ang mayaman. Naaambagan lang kami ng yaman niya.”
“Anong trabaho ng Papa mo?”
“Uhh…” Anong isasagot ko? Nakakita ako ng isang restaurant kaya agad kong inihinto yung kotse at nasubsob ulit sila.
“Xiumin, nagugutom ka di ba? May restaurant don, kain tayo.” Sabi ko at tuwang-tuwa naman yung dalawa. Nagpark ako sa labas ng restaurant at bumaba kami. Pumasok kami at nakatingin samin yung mga tao. Anong problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng totoong tao? Umupo kami sa table at binigyan kami ng menu nung waiter. Nag-order na ako at inorder din nung dalawa kung anong inorder ko. Kumuha pa ng menu, tapos yung order ko lang din pala yung gagayahin nila.
“Xy-Xy, mukhang mahal dito.” Sabi sakin ni Xiumin.
“Mayaman naman kayo di ba? Afford niyo yan.”
“Eh wala kaming dalang pera.” Napafacepalm nalang ako.
“Oo na. Ako nalang magbabayad.” Kumain na kami at enjoy na enjoy naman sila. Nagtake-out pa ako para sa lunch namin. Nakakatamad ng magluto eh. Agad din kaming umuwi. Buti nalang at nakalimutan nila yung tanong kanina. Akala ko, kailangan ko pang magpalusot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro