CHAPTER 13 : Sudden beat
Xyla's POV
“Xyla! Pahiram na ako!”
“Wag kang makulit. Hindi nga pwede!” Sigawan lang kami ni Chen. Buong maghapon na niya akong kinukulit na gusto daw niyang hiramin si Snoe. Tinanong ko siya kung marunong siyang magdrive pero hindi naman pala. Baka magasgasan pa ang Snoe ko pag pinahiram ko sa kanya.
“Chen, tumigil ka na nga. Ang sakit mo sa tenga.” Saway sa kanya ni Chanyeol. I stick my tongue out and he just furrowed his brows towards Chanyeol. Haha… may kakampi ako. Andito kami sa sofa at katabi ko si Chanyeol. Paano, nagbubluetooth kami nung mga pictures namin kagabi. Sinong mag-aakalang naka 87 shots kami? Nakakatuwa nga yung mga kuha namin eh. Parang close na close talaga kami eh kagabi lang naman kami nagkakilala.
“Ayan, tapos narin sa wakas.” Sabi ko at inoff yung Bluetooth ng tablet ko. At dahil hindi ako makapagmove on sa kakapicture, kumuha ako ulit ng letrato. I’m grinning while Chanyeol is looking at his phone. Di niya alam na kinukuhanan ko siya. Nagulat nalang siya ng tumunog yung flash ng camera. Wahaha, ang cute niya dito oh. Nakahawak pa siya sa isa niyang tenga.
“Ang daya mo! Di mo man lang sinabi, edi sana nakapagprepare ako.” At talagang gusto niya rin ano? Tinutok ko ulit yung camera sa aming dalawa at ngumiti kaming parehas na magkadikit ang mga mukha.
“Haha… Ang pangit mo Chan-Chan.” Asar ko sa kanya.
“Ikaw nga oh. Tingnan mo, ang laki ng eyebags mo.” Sinamaan ko siya ng tingin. Kinuha ko yung big glasses ko at sinuot. Nakakahiya naman kasi sa kanya kung nadidistract siya sa eyebags ko.
“Hoy! Ang daya niyo! Lala~ Sali ako.” Singit ni Sehun. Bigla siyang tumabi sakin. Inilayo ko yung tablet para magkasya ang mga mukha namin at ngumiti kaming tatlo. Picture lang kami ng picture hanggang sumali si Chenen, Xiu-Xiu, Biik at si Luhan.
“Waaahh! Ang taba ng mukha ko! Delete!” Reklamo ni Xiu-Xiu. Di ko lang siya pinansin at patuloy kaming nagkuhanan ng letrato. Napahinto lang ako ng Makita kong nakatingin lang samin yung payat na kung fu panda.
“Anong ginagawa mo diyan? Ba’t di ka sumali dito?” Bigla nalang siyang namula. Anong mali sa sinabi ko? At dahil mukhang ayaw niyang sumali ay lumapit ako sa kanya at tinutok sa aming dalawa yung camera. Nahihiya naman siyang ngumiti. Nagsilapitan din yung iba. Ang tatakaw talaga sa picture. Mga SelcAdics. No. Mga groufie adics pala… Hahaha. Hindi na nga nahiya si Tiny kung fu panda eh. Inenjoy na yata niya.
“Nasan si Kyungsoo?” Tanong ko sa kanila. Walang sumagot at ngumiti lang sa camera. Hininto ko ang pagpipicture at tiningnan sila.
“Nasa kusina yata siya, nagluluto ng hapunan.” Sagot ni Biik. Tumayo ako at sumunod sila. Naabutan ko nga si Kyungsoo na naglulutong mag-isa. Kawawa porebs ang assistant chef ko.
“Kyunggie~” Tawag ko sa kanya. Nagulat yata siya sa tinawag ko at pag kaharap niya, pinicturan ko kaagad siya. Wahaha. Nanlalaki pa yung mga mata niya dito. At dahil dala ng katripan, habang nagluluto siya, ay kuha lang kami ng kuha ng letrato. Para kaming mga baliw kakapose at nagsisiksikan pa kami para magkasya lang sa tablet. Ang saya lang. Sana ganito nalang lagi.
“Anong ginagawa niyo?” Di namin pinansin si Lay na nakatayo sa pinto ng kusina at patuloy lang kami na ngumiti sa camera. Lumapit siya samin at nakipagsiksikan.
“Di na kasya!” Hirit ng lahat. Kinuha ni Chanyeol yung tablet at dahil mahaba ang braso niya, nailayo niya yung camera at nagkasya kami. Nahinto ako nung may maamoy ako.
“Hala! Yung niluluto mo Kyungsoo! Nasusunog na!” Sigaw ko. Nagpanic naman sila. Gosh! Yung menudo niya naging menudonog (menudong sunog).
“Kayo kasi! Lumabas muna kayo.” Inis niyang sabi samin. Tatawa-tawa naman kaming lumabas ng kusina at naabutan ko sa sala sina Kris at si Mr. Snow white at yung kabaliktaran ni Mr. Snow white. Nagkatinginan kami ni Kris pero inisnab ko siya. Sinigawan niya ako kagabi. Hayaan mo muna, baka galit pa siya sakin. Di naman ako galit. Ayoko lang talagang may nag-aalala sakin. Lumapit kami sa kanila at umupo ako katabi ni Sehun at Chanyeol.
“Ang dami nating kuha. Nakakatawa yung mga itsura natin dito oh.” Sabi niya. Nakitingin naman lahat.
“Ang daya niyo naman. Kanina pa pala kayo nagpipicturan. Iilan lang yung picture ko oh.” Reklamo ni Lay.
“Uhhh… iyak ka na niyan?” Pang-aasar ko at tumawa naman yung iba habang siya, namumula.
Umalis ako sa lugar ko at tumabi kay Lay. Katabi ko rin si Kris. Nagpicture kami at tulad kanina, sumali ulit yung iba. Napansin kong hindi sumasali si Kris at yung dalawa pa. Tinutok ko sa kanila yung kamera.
“Smile” Nabigla yata sila at hindi na nakuhang ngumiti.
“Wahaha. Mukha mo Kris, nakabusangot. Mukha kang ewan.” Pang-aasar ko. Di ko alam pero bigla nalang siyang ngumiti. Di naman kasi ako galit talaga sa kanya. Akala niya lang siguro. Ako nga yung nagdadalawang isip dahil baka siya ang galit sakin. At dahil mukhang ayos na naman kami, nagpicture-picture na kaming lahat kasama si Kyungsoo na mukhang naayos na ang niluluto niya. Sinet ko yung timer at pinatong ko sa harap ng center table yung tablet. Di na kasi kami magkasya eh. Umupo ako sa gitna nila. Katabi ko si Sehun, tapos si Lay sa kabila, si Luhan at Chanyeol sa likod ko at tabi tabi na yung iba.
“Say, Xyla!” Sigaw ni Xiu-Xiu kaya naman yun ang isinigaw naming lahat. Nasa kwarto na ako ngayon at nagpapahinga. Tapos na kaming kumain at mukhang napagod din yung iba. Nakakapagod palang magpapicture. Tiningnan ko yung mga kuha namin. Ang gaganda. First time kong magkaroon ng letrato kasama ng ibang tao. Naalala kong may computer lab nga pala dito. Bumangon ako agad at pumunta sa library.
“Ang laki rin pala nitong library ni Yaya.” Tinungo ko yung isang room na may 5 computer. Buti nalang din at may printer at mga photopaper. Kinonek ko yung tablet ko sa computer at pinrint yung kahuli-hulihan naming kuha na kaming lahat na. Gusto kong ilagay sa picture frame ‘to at idisplay sa baba. Tapos yung isa, sa kwarto ko. Oh di ba? Agad akong bumalik sa kwarto ko at nilagay yung dalawang kopya ng letrato. Pabibili nalang ako kina Kris ng picture frame bukas para maidisplay ko na yan.
*yawnnn
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil naisipan kong ipaghanda ng babaunin yung apat na nagtatrabaho. Siguro naman ayos na sa kanila yung sepo egg. Atleast, masustansiya di ba? Pinakacreamy ko pa yon para naman masarap. Nagbake din ako ng brownies para may dessert sila. Naghalungkat pa ako ng lunchbox at buti nalang may mga stock ng lunchbox dito si Yaya na malalaki. Nagsalin ako ng kanin sa bawat lunchbox at kumuha ako ng isa pa para sa lalagyan ng ulam nila, at isa pa ulit para sa brownies. Bale tigtatatlo silang apat ng lunchbox. Binalot ko pa yon at nilagay sa mesa.
Nagtimpla narin ako ng mga kape nila but this time, white coffee naman dahil baka magsawa sila sa brown. Saka na rin ako naghanda ng almusal naming lahat. Umakyat na ako sa kwarto at kinatok ang mga pinto nila isa-isa. Buti naman at mabubuting mga bata ang mga ‘to. Alas-singko pa ngalang eh. Pero ayos na yon para di malate yung mga may trabaho.
“Breakfast is ready. Kakain na tayo.” Sabi ko sa kanila pero napansin kong may kulang. Asan si Sehun? Pumunta ako sa kwarto niya at letche! Agad kong sinara yung pinto. Biglang kumabog yung dibdib ko at halos manlamig ang katawan ko.
“You okay?” Tanong ni Luhan. Tiningnan ko siya pero pakiramdam ko, uminit ang mukha ko.
“Why you’re red?” Tinakpan ko kaagad ang pisngi ko at umiling-iling.
“Su-sumunod nalang kayo. Tawagin niyo nalang si… Se-Sehun. Sige, una nako.” Sabi ko atsaka nagmadaling bumaba. Letche! Dapat kasi kumatok muna ako di ba? Eh kumatok naman ako nung una eh. Sana kasi sumigaw siya na may ginagawa siya. Nakita ko tuloy yung sexy body niya. The Effin F, Xandria Laurene? Pinagnanasaan mo ba siya? Waaaahhh!!! HINDI! My beautiful and innocent eyes… Nakita ko lang naman yung likod niya eh. Pero kasi naman. Topless siya at nakatowel lang sa pang-ibaba! Ramdam kong mas lalong uminit ang mga pisngi ko at mas lalong kumakabog ang dibdib ko.
Nagmadali akong pumunta sa kusina at uminom ng ilang galong tubig. Pero joke lang yon. I gulped three glasses of water. Sinampal-sampal ko pa ng mahina yung pisngi ko. Forget about what you’ve seen Xandria. Forget it! Hindi mo sinasadya. Act natural act like you didn’t see anything. Pero kasi… yung maputing likod niya. WAAAAHHH! I WANNA GO HOME! Uuwi na ako ng palasyo. Nagkasala ang mga mata ko. Sehun! What have you done?! Halos ipasok ko yung ulo ko sa ref. Baka kung sakaling malamigan, hindi na mag-init ang pisngi ko.
“What are you doing Xyla?” Napalingon ako sa likod at nakita ko si Kris na palapit sakin.
“Nagpapalamig. Ang init kasi.” Sabi ko sa kanya at muling ipinasok at itinutok ang buo kong katawan sa nakabukas na ref. Naramdaman ko nalang na may humila sakin at isinara yung ref.
“Ang lamig mo na. Wag ka nang magpalamig dahil baka magyelo ka.” Tiningnan ko si Kris at ngumiti lang siya. Nanginginig nga ako eh. Masyado palang malamig sa ref. Hinatak niya ako palabas ng kusina at nakita ko silang nakaupo na at mukhang ako nalang ang hinihintay. Napatingin ako kay Sehun at nakangiti lang siya sakin. Naramdaman kong uminit ulit ang mukha ko kaya naman yumuko nalang ako. Pinaghila pa ako ni Kris ng upuan bago siya umupo. Don’t look at Sehun. Don’t look. Hinawakan ko ng mahigpit yung kubyertos at nakayukong kumain.
“Uhh… Xyla… thanks for packing us some lunch.” Tiningnan ko si Mr. Snow white na katabi ni Lay. Yung ngiti niya, parang nakakafreeze. Dagdagan mo pa nung ngiti ni Lay na litaw yung dimple. Mas lalo ako namula ng Makita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Sehun. Bakit ba ako nagkakaganito? Magpapacheck up talaga ako kay Lay pagkatapos kumain.
“Uhh… Lay…” Tawag ko sa kanya pero di ako nakatingin.
“Hmmm?”
“Pwede bang tignan mo muna ako bago ka pumunta ng hospital?” Tanong ko sa kanya.
“Bakit? May nararamdaman ka ba?” Parang nag-aalala yung boses niya.
“Oo… I mean… I check mo lang kung normal ang puso ko.”
“Anong ibig mong sabihin?” Nagiging abnormal kasi ‘to dahil kay Sehun! Parang gusto kong ipagsigawan.
“Alam mo na… baka ano… Ano kasi…” Ano bang idadahilan ko? Napakamot ako ng ulo. Now I know why Kyungsoo always rub his head. Hindi siya sumagot. Pinaglalaruan ko lang yung kutsara ko habang nakayuko.
“Matagal na akong di nakakapagpacheck up sa doctor ko. Kaya papatingin lang ako, kung kailangan ako operahan… este, tignan sa puso. Baka may sakit pala ako na hindi ko nalalaman.” I bit my lower lip. Bad Xandria. What happened to the frank me? Marunong na akong magdahilan ngayon.
“Okay.” He said. Di na ako lumingon pa at kumain nalang hanggang sa matapos na akong kumain at nauna na ako sa sala. Pumikit ako at nagulat ako ng may tumabi sakin. Pagtingin ko, si Chanyeol pala.
“Are you okay?”
“Wow. Improving ka ngayon ah? Dati ang tanong mo ‘ayos ka lang?’ ngayon english na a?” Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nabigla ako nang ilapit niya ang mukha niya sakin. Inilayo ko naman ang mukha ko.
“May kakaiba sayo.” Sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
“A-ano naman?”
“Bakit parang brown ata ang mga mata mo ngayon?” Ano?! Hala! Hindi ko nasuot yung contact lens ko! Nagmamadali kasi akong gumising at nalimutan kong isuot.
“Ha?”
“Nakacontacts ka ba?”
“Uhh… O-oo… medyo ano kasi eh… trip ko.” Sabi ko nalang. Maniwala ka please. Maniwala ka.
“Uhhh… Bagay mo pala yang ganyang kulay ng mata.” Sabi niya at mas lalong ngumiti. Kung alam mo lang… ganito talaga ang kulay ng mga mata ko at hindi contacts ‘to. Bago umalis si Lay ng bahay ay chineck up niya muna ako. Sabi ko sa puso lang pero pati BP ko, tiningnan niya. Buti nalang at hindi niya pinagpilitang tingnan ang mga mata ko. Kung hindi, mabibisto niyang hindi ako nakacontact lens.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro