CHAPTER 12.1 : Chanyeol♥
Chanyeol’s POV
Nag-aalala lahat sa kanya dahil hanggang ngayon ay di parin siya dumadating. San ba kasi nagpunta yon? Natigilan nalang ako nang Makita kong pumasok siya at yakap na siya ni Lay. Nagkasagutan pa sila ni Kris bago siya umakyat.
“Uy… pizza.”
“Xiumin! Ganito na nangyayari, pagkain parin?” Sabi ni Kai.
“Oy, may mga pangalan ‘tong paper bag oh.” Napatingin ako kay Chen na hawak-hawak yung mga paper bag. Lumapit kaming lahat at binigay niya yung mga paper bag nung iba.
“Tao, sayo siguro ‘to. ‘Lalaking-mukhang-payat-na-kung-fu-panda’ Hahaha. Di pa nga pala niya alam ang pangalan mo.” Kakamot-kamot nalang ng noo si Tao at kinuha yung paper bag.
“‘Lalaking-mukhang-snow-white’, Suho! Sayo ‘to.” Natawa naman kami ng kaunti.
“Kai, ‘Lalaking-kabaliktaran-ni-Mr.-Snow-white’” Tuwang-tuwa naman si Kai na kinuha yung kanya.
“Kanino naman ‘to? ‘Lalaking-sinabihan-akong-maganda-sana-pero-masungit-naman’” Napatingin ako. Ang ganda naman ng ipinangalan niya sakin.
“Akin yan.” Sabi ko saka kinuha kay Chen.
“Sinabihan mo siyang maganda pero masungit?” Tanong nilang lahat.
“Oh, bakit? Di ba totoo?” Di nalang sila nagsalita.
“Bagay ba?” Tanong ni Kai. Sinuot niya na kasi agad eh.
“Wow naman, buti’t alam niya ang size mo. Pero teka…” Tiningnan ni Chen yung tag price tapos agad niyang tiningnan yung kanya.
“Patingin nung mga tag price ng inyo.” Kinalkal naman namin yung mga nasa loob ng paper bag at sumilay sakin ang kulay royal blue na damit. Sakto rin ang sukat sakin. Tiningnan ko yung presyo at halos manlaki ang mga mata ko nang tulad ng kay D.O. Php 4, 985.95. Isang damit lang tapos, ganito ang presyo? Tapos, binilhan niya pa kaming lahat? Tiningnan ni Chen yung akin at nanlalaki yung mga mata niya.
“Bakit?” Tanong ko.
“Sinabihan mo na siya nang masungit pero yung damit mo pa yung pinakamahal?!” Halos isigaw niya sa mukha ko yon. Tiningnan naman ako ng lahat.
“Anong magagawa ko? Ito yung binigay niya eh.”
“Unfair! 3k+ lang yung akin, samantalang yung sayo, 4k+” Reklamo ni Chen.
“Wag ka nalang magreklamo. Pasalamat nga tayo at naalala niya tayo at binilhan pa ng pasalubong kahit hindi naman tayo humingi.” Sabi ko atsaka umakyat. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang maalala kong baka hindi pa siya kumakain. Kumatok ako sa pinto niya pero di siya sumagot.
“Kumain ka na ba?” Tanong ko. Akala ko di siya sasagot.
“Kumain na ako.”
“Pwede bang pumasok?”
“Pasok.” Pumasok ako at nakita ko siyang nakahiga. Ni hindi man lang ako tiningnan.
“Salamat pala sa bigay mo.” Sabi ko tapos tiningnan niya ako.
“May bayad yan.” Kumunot bigla ang noo ko. So, hindi pala libre ‘to? Tapos yung akin pa yung pinakamahal? Magkakautang pa ako sa kanya? Eh hindi ko pa nga nababayaran yung upa ko dito. Buti nalang at mabait si Auntie at naiintindihan niya na nag-aaral pa ako.
“Pwede bang kumuha ka ng maligamgam na tubig, ilagay mo sa palanggana at dalhin dito?”
“Anong gagawin mo doon?”
“Baka maglalaga ako ng itlog.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Ang tino niya talagang kausap.
“Malamang, ibababad ko ang paa ko. Pakibilisan lang.” Tiningnan ko lang siya. Masakit ba ang paa niya?
“Pakitawag nalang si Lay. Sa kanya nalang ako papa---” Si Lay na naman?
“Hintayin mo ako diyan.” Sabi ko at lumabas ng kwarto niya. Nilagay ko muna yung paper bag sa kwarto ko. Agad akong bumaba at naabutan ko yung ilan na kumakain nung pizza habang si Kris ay tahimik lang. Baka napag-isip-isip niya yung ginawa niya kanina. Pumunta agad ako sa kusina at kumuha ng palanggana. Inubos ko lahat nung laman nung thermos at nilagyan ko ng malamig na tubig. Ayan… maligamgam na ‘to. Mabilis akong umakyat at binuksan yung kwarto niya. Naabutan ko siyang nagpipicture taking. Di niya yata ako napansin kaya naman tumikhim ako.
“Andito na yung maligamgam mong tubig.” Binabad niya yung paa niya at inasikaso ko siya. May sugat pa yung paa niya at mamula-mula. Tinanong ko pa siya kung saan ba siya pumunta at kung anong ginawa niya. Kilala na rin niya ako. Nalaman kong kasama pala niya yung pamilya niya. Feeling ko nga close na kami. Inutusan pa niya akong kumuha ng pizza at gatas kaya bumaba pa ako para ikuha siya. Inuna ko yung gatas at kukuha na sana ako ng isang box ng pizza pero pinigilan ako ni Xiumin.
“Share-share tayo dito Chanyeol. Bakit isang box talaga yung kukunin mo?”
“Pinapakuha lang sakin ni Xandria.”
“Xandria?” Tanong nilang lahat maliban kay Luhan. Syempre alam niya narin yon.
“Si Xyla si Xandria.” Sagot niya. Di ko nalang sila pinansin at kumuha ng isang box at umakyat. Nagkakwentuhan pa kami ni Xandria at naubos namin yung pizza. Nakakatawa pala siya at masaya siyang kasama. Ang dami nga naming picture sa tablet niya. Sabi niya ginagaya niya lang daw si Sehun na mahilig magselca. Pero this time, kasama ako. Mabait naman pala siya… masungit lang talaga minsan. Pagkatapos naming kumain at magselca ay lumabas na ako sa kwarto niya. Pagod na yata siya. Pero paglabas ko, naabutan ko silang nakaupo sa sahig at nakasandal habang kumakain ng pizza.
“Anong ginagawa niyo diyan?”
“Bakit ang tagal mo sa loob?” Asik ni Kai.
“Kumain lang kami at nagpicture-picture.”
“Picture-picture?!” Gulat nilang tanong. Masama ba yon? For sure, inggit ‘tong mga ‘to. Di ko nalang sila pinansin at bumaba na ako. Basta ngayon… masaya ako. Di ko alam kung bakit pero… masaya ako.
Xyla’s POV
Late na akong nagising dahil sa sobrang pagod. Naalala kong hindi pa pala ako nagbibihis. I remove all my jewelries and my make up. Saka ako naligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng kwarto ko na hihikab-hikab. Sakto naman lumabas din si Chanyeol.
“Good morning.” Mukhang good nga ang morning niya. Tinanguan ko lang siya at dumiretso baba pero alam kong nakasunod siya sakin.
“Xandria, pwede bang makahingi ng kopya ng mga picture natin?” Tanong niya sakin. Huminto ako at humarap sa kanya.
“Mamaya, pag pumunta akong kwarto.” Sabi ko at tuluyan na kaming bumaba. Nakita kong nakabukas yung pinto at halos nasa labas silang lahat.
“Anong ginagawa nila sa labas?” Nagkibit balikat lang siya. Baka kakagising niya lang din. Lumabas kaming parehas at lumapit sa kanila.
“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko. Napatingin naman sila sakin.
“Tinitingnan lang namin kung kaninong kotse ‘tong nakapark. Mukhang bago eh.” Sabi ni Biik. Kumunot ang noo ko at tiningnan yung kotseng tinuro nila. Napatango nalang ako. Kotse ko pala yung tinutukoy nila. Pinasok ko yung kamay ko sa bulsa ng suot kong jacket.
“Ang ganda ano? Di niyo ba alam, kotse ko ‘to?” Halos yakapin ni Chen si Snoe nang bigla itong gumalaw patalikod at halos masubsob siya sa semento.
“Hala! May tao yata sa loob. Pero sinilip ko na at wala naman akong nakita. Di kaya, may multo sa loob nito?” Sabi niya at tumabi. Gumalaw ulit si Snoe kaya mas lumayo si Chen. Ang totoo, dahil high tech ang kotse ko, may pinipindot akong button para gumalaw ito. Nasa bulsa ng jacket ko yung controller at susi ni Snoe kaya, kaya ko siyang kontrolin. Para silang batang manghang mangha at natatakot ng bahagya dahil kusang gumagalaw yung kotse.
“Hi… I’m Snoe. My owner is Xandria.” Sabi nung kotse sa boses na robot. Nagkamali yata ako ng pagkakapindot dahil bigla itong nagsalita. Naalala kong nirecord ko nga pala yan kagabi sa tulong nung staff na pinagbilhan namin. Napatingin sakin si Chanyeol na nasa tabi ko at si Luhan.
“Sayo ang kotseng yan?!” Sabay nilang tanong.
“Ano?! Sayo ‘tong magarang kotse ko?!” Gulat na tanong naman ni Chen. Lumapit lang ako at pinindot ko yung button sa controller para maalis ang bubong nito. Sumakay ako atsaka ko sila tiningnan.
“Want a ride?” I ask. Tulala pa yata sila pero nag-unahan silang sumakay. Sumakay sa tabi ko sina Chanyeol at Luhan. Tapos sa likod, sina Sehun, Chen, Baekhyun, Xiumin, yung mukhang panda, at si Kyungsoo. Hindi ko alam paano sila nagkasya pero nakasakay silang lahat. Wala yung iba dahil may mga trabaho sila. Sinuot ko yung shades ko na nakalagay sa loob at pinaandar na.
“WoooooohhHH!! Astiiiiiiiiggggg!” Sigaw ni Chen mula sa likod. Nag-ikot-ikot kami sa loob ng subdivision. Ang iingay lang nila. Tapos nagsoundtrip pa kami. Buti nalang at di kami binato ng kahit ano nung mga kasubdivision namin. Isang ikot lang ang ginawa ko at bumalik na kami. Nagsibabaan na sila at binalik ko na yung bubong at nilock.
“Woah… I want that car.” Kumikinang pa yung mga mata ni Chen. Gustong-gusto niya talaga si Snoe pero sorry siya, pag mamay-ari ko ang kotseng gusto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro