CHAPTER 11.1 : Family time
Xyla’s POV
After going to church, pumunta kami sa Mall at kumain sa restaurant. Kasama namin ang apat na butler ng pamilya. Si Butler Saff, butler ko. Si Butler Teal, butler ni Xytee. Si Butler Violet, butler ni Mama. At si Butler Slate, butler ni Papa. Napatunayan ko ng mapagkakatiwalaan sila. Minsan ko na kasi silang sinubukang lahat at nakapasa sila.
“What do you want to eat?” Tanong ng Mahal na hari. Ano pa bang gustong kainin ng tao? Hindi ba’t pagkain?
“Anything.” I said. Siya naman lagi nagdedesisyon, magtatanong pa siya. Napakaliteral naman kasi. Nag-order na siya ng kung anu-ano at tahimik lang kaming kumakain.
“How’s your stay at your Yaya Paz’s house?” Nagsisimula ng mag-interrogate ang hari.
“Fine.”
“Your Yaya said there are twelve boys staying there together with you, are they okay?”
“Yes.”
“Di ka ba nila pinababayaan doon?”
“No.”
“What’s with the short answer Xandria Laurene?” Wow! So he is mad now? Everytime he call me Xandria Laurene, it means he want me to answer him in details.
“What do you want me to say? I’m answering your questions straight to the point and I’m not dilly dallying.” Sabi ko nga kasi sa inyo, ayoko yung papatay-patay litanya kaya sinasagot ko siya ng diretso. Yes or No lang naman ang sagot, bakit pahahabain ko pa di ba?
“What I am telling is, you can even answer it by telling or sharing your experience with them.”
“Fine. As I got there the first day, one of them didn’t mean to cover my face with icing. I sit and eat with them in front of the table. I cook for them because their cooking is no-good. I met and know some of them. They are talking to me. They worried about me. We watch TV together and we sleep---”
“You sleep together with them?” He reacted with irritable face.
“No! I was telling that, we go to bed at the same time. I have my own room and it was big compare to them. Some of them are students like me and some of them are working. One of them is a doctor so I don’t have to worry about my health and I enjoy their company. Now, is that okay for you to hear?” Tumango-tango naman siya. I just rolled my eyes.
“Do you need to buy something for the house?”
“I already did buy some appliances and we’re using it.”
“How about food?”
“We have one month supply and our ref is still full.”
“How about your transport?”
“There are jeepneys.”
“You take a ride on a jeepney Ate?” I nod to Xytee’s question.
“You took a ride on a jeepney? Bakit di ka nagtaxi? Paano kung may nangyaring masama sayo?”
“Pa, buhay pa naman ako at kaharap niyo di ba? May nangyari bang masama sakin?” Ang OA kasing mag-alala. Halos di ko na nga makain ang pagkain dahil nababadtrip ako.
“I’ll buy you a car today.” What the? Eh ang dami ko ng kotse sa bahay ah?
“Pa, kung nag-aalala rin lang naman kayo sa kaligtasan ko, edi pabalikin niyo na ako sa mansion. Atleast doon, makikita niyong safe ako.”
“You can’t. You still have to live there for 3 months and two weeks.” Wow lang talaga! Bilang na bilang niya ah? Pwede bang makipagkaibigan sa kalendaryo? Pakisabi madaliin ang araw at mga buwan?
“Do whatever you want. Tutal lagi naman kayo ang nasusunod.” I whispered the last. Ayokong magkagulo na naman sila ni Mama pag-uwi nila sa palasyo.
Pagkatapos naming kumain ay nagshopping na nga kami. Namili lang ako ng kaunting damit. At dahil bibili rin ng damit si Papa, ay naisipan kong bilhan nalang din yung labindalawa. Namimili lang ako ng lapitan ako nila Mama at Xytee.
“Para kanino yan Ate? Sa boyfriend mo ba?” Tanong ni Xytee.
“I don’t have a boyfriend Xytee, never thinking about that.”
“Eh para kanino yang mga pinipili mo anak?”
“Para po doon sa mga kasama ko sa bahay.” I said still looking to the clothes that will fit with them.
“Napapalapit ka na talaga sa kanila ano? I wouldn’t wonder if one of them will catch your heart.” I eyed my mother. What is she talking about? Pakiexplain nga?
“You’ll know it soon Xandria… For now, let me help you with those.” Tinulungan akong maghanap ni Mama. Ibinili ko sila ng magkakaibang kulay at style ng damit pero same brand. Namili pa kami ng kung anu-ano. Binilhan pa ako ni Papa ng tablet. Ano naman kayang gagawin ko dito eh meron naman sa palasyo? Napakamoney wasted talaga ng mahal na hari. Pwede ko naman kasing kunin nalang sa bahay yung iba kong gamit kung gusto ko di ba? Ayaw niya talaga akong pauwiin.
“Ayos na ba ‘to?” Tanong niya sakin. Tiningnan ko lang yung kotse. Kahit ayaw ko naman kukunin niya. Umiling ako. Ayoko naman talaga eh.
“Kanina pa tayo dito, wala ka paring napipili?” Nilibot ko ang tingin ko ng may Makita akong puting kotse. Nilapitan ko yon at sinipat ng mabuti. Tinted yung salamin niya.
“You can remove its ridge Ms. and it is very high tech.” High tech? Wala akong pakealam kung gano pa ka high tech ‘to. Gusto ko lang ang kulay niya.
“I’ll take this.” I said and Papa talks to him.
“It’s beautiful Ate.” Xytee said. Binuksan ko yon at sumakay. I push the button and it really can flip its roof. I’ll name this as Snoe. Kumain na kami’t lahat-lahat hanggang sa kailangan ko ng umuwi at kailangan narin nilang umuwi.
“Butler Saff, ihatid mo nalang si Xandria sa bahay na tinutuluyan niya.”
“Pa, what’s the sense of buying a car if I’ll take a ride with my butler?”
“No. You’ll drive it but your butler will follow you so I can secure your safety.” Aish! Bakit kasi nagpakayaman siya kung inaalala niya ang kaligtasan ko di ba? E kung naging normal nalang ang buhay namin? Edi kaya kong humarap sa lahat ng tao na hindi nagtatago o nagpapalit ng katauhan. Humiwalay na ako sa kanila at kasama ko ngayon si Butler Saff.
“May bibilhin lang ako sandali.” Sabi ko at sumunod naman siya. Pumunta ako sa Pizza parlor at bumili ng 5 box of American size pizza at isang large pineapple juice. Siguro naman mabubusog na si Xiumin sa laki nito.
“Ako na po ang magbibitbit niyan.”
“Wag na po. Ako nalang. May bitbit na kayo at mukhang nahihirapan na kayo.” Nagulat yata si Butler Saff. Minsan lang kasi akong mag ‘po’ sa kanya. Paano, mukha pa siyang bata kaya naman nagdadalawang isip ako. Hindi bagay sa kanyang tawaging matanda although he’s 45 years old. Hinatid niya ako sa labas kung saan nakapark ang kotse ko. May plate number na agad ito. Paano, pagkabili palang, pinaasikaso na ni Papa ang lahat. Buti nalang at may license ako. Pinalagay ko na kay Butler Saff lahat ng pinamili ko sa likod ng kotse. Nilapag ko nalang yung pizza sa shotgun seat.
“Butler… here.” Inabot ko sa kanya yung binili kong inumin.
“Itatapon ko po ba?”
“No. Drink it. I bought it for you. Alam kong pagod ka na kaya uminom ka muna.” Nagulat siya. Minsan lang akong maging mabait butler kaya kunin mo na bago magbago ang isip ko. Kinuha niya naman yon at nagpasalamat. Sumakay na ako sa kotse ko ganon rin siya. Tiningnan ko ang oras at 10pm na pala. Nananakit narin ang mga paa ko kakalakad kanina. Feel ni Papa eh. Porket hindi siya nakatakong. Sinuot ko na kanina sa banyo yung contact lens ko para hindi na ako magkandaugagang wag tumingin sa kanila mamaya.
Mga 11 na ako nakarating ng bahay. Huminto ako sa tapat at lumabas ng kotse ko. Di na ako nagbusina para di sila maistorbo.
“Umuwi na po kayo Butler Saff. Pakisabi kay Mama, mag-iingat sila lagi at pakisabi nalang din kay Xytee na galingan niya.” Sabi ko. Tumango-tango naman si Butler Saff at umalis na. Bumuntong hininga ako at kinuha lahat ng shopping bags ko sa likod. Dapat pala di ko muna pinaalis ang butler ko. Ang dami-dami nito. Pinasok ko yung braso ko sa mga handle at hinawakan ko yung iba. Kinuha ko yung pouch ko sa loob at yung pizza saka ko na nilock at tumungo sa pinto. Tinry kong itwist yung doorknob at buti naman at di ko na kailangan ng susi. Pumasok ako sa loob at nagulat nalang ako nang may yumakap sakin. Di ko alam kung sino ‘to. Tapos nakita ko silang nakakunot ang mga noo at parang nag-aalala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro