Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10 : Caring Boys

Xyla’s POV

Two weeks. Two weeks ko ng nakakasama ang mga lalaking ‘to. Hindi ko alam bakit ginabi-gabi nila ang pagpunta sa kwarto ko. Nag-enjoy silang manuod dito. Nahiya naman ako sa TV sa sala dahil mas pinili nilang manuod dito kesa sa baba. Wala naman akong magawa dahil may mga dala silang pagkain tuwing pupunta sila. Hindi man lang nahiya sakin. Mga walang hiya talaga.

Naramdaman kong sumasakit ang tiyan ko pero hindi naman ako napapapoopoo. Yung sakit na hindi masakit. Napatingin ako sa calendar. Malapit na matapos ang month pero hindi pa ako dinadatingan. I think malapit ng dumating. Ramdam ko na yung pagsakit ng tiyan eh. Ganito kasi ako. Hindi ko lang alam kung tulad ko yung ibang babae na kapag parating ang red flag ay may mga senyales silang nararamdaman.

 

 

Kinuha ko yung remote at pinatay bigla yung TV. Napa ‘Uhhhh~’ naman sila.

 

“Matulog na kayo. Inaantok na ako. Labas na.” Sabi ko saka humiga’t nagkumot at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Ayoko rin namang ginagabi sila dito. Ayoko ng maulit na makatulog si Sehun dito sa kwarto ko kaya pag nanonood kami, hindi na horror. Narinig ko nalang na nagsara yung pinto. Paglingon ko, nakalabas na nga sila. Natulog nalang ako.

 

 

----

Ang sakit ng puson ko. Namimilipit na nga ako sa sobrang sakit. Inipit ko pa ng unan pero wala parin. Nagpagulong-gulong nako’t lahat lahat pero wala talaga. Halos magfetus style na ako sa sobrang sakit. Ayokong bumangon. Masakit.

Kriiiiiinnggggg… Kriiiiiiiiingggggg…

 

 

The word with a capitalize letter F! Ang ingay! Hinayaan ko yon dahil masakit talaga.

 

 

Kriiiiiinnggggg… Kriiiiiiiiingggggg…

 

 

Letcheflan! I cover my ears with my pillow but I can still hear the noise. Kinapa ko yung alarm clock ko sa side table atsaka mabilis na itinapon kung saan. At sa wakas ay natahimik ito. Pumikit ako at kinalma ang sarili ko para hindi ko maramdaman ang sakit hanggang sa makatulog ako ulit.

 

 

Nagising ako ulit dahil sa ingay. Same noise tulad ng narinig ko kanina. Nakakunot noo kong minulat ang mga mata ko at nakita ko yung alarm clock malapit sa pinto. 10:00AM na pala. Matigas talaga ‘tong alarm clock na ‘to. Hindi man lang natinag. Bumangon ako pero hindi parin umaalis sa kama ko. Namimilipit parin ako sa sakit. Lumuhod ako habang nakabaon ang mukha ko sa unan at hawak ang puson ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ng mga babae? Bakit ba lahat ng sakit, sinakop naming lahat?

Tumayo na ako at kukuba-kubang pumasok sa banyo. Chineck ko kung may red flag at meron nga. Sabi ko na nga ba’t yung naramdaman ko kagabi ay simbolo. Simbolo ng pulang bandera. Naligo nako agad at nagbihis. Kinalkal ko yung medicine kit ko. Peste! Bumili nga ako ng sangkaterbang liner at napkin, nakalimutan ko namang bumili ng gamot para sa dysmenorrhea. Napakacareless ko talaga!

Bumalik nalang ako sa pagkakahiga. Sumubsob ako sa kama ko. Ang gulo-gulo pa nga ng buhok ko tapos, basa pa. Hindi ko na naisipang suklayin at patuyuin. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Istorbo! Bakit ba ang hilig nilang mang-istorbo?! Naramdaman kong nagbukas yung pinto. Agad kong kinuha yung isang unan at asar na asar na binato dun sa papasok sana.

“LABAS!” Sigaw ko. Di ko alam kung sino yon. Wala akong pakealam. Ang sakit talaga. May kumatok ulit. Ano bang problema nila?! Hindi na naman ba nagluto si Kyungsoo at ako ang inaasahan nilang magluto? Anong tingin nila sakin? Tagaluto? Utusan? Yaya?

“Xyla… hindi ka pa kumakain…” Kanino bang boses yon? Bwisit talaga! Nang-iirita ba sila?!

“AYOKONG KUMAIN! SO PLEASE! LEAVE ME ALONE!” Sigaw ko. Ayokong naiistorbo pag ganito ang nararamdaman ko. I like shutting people away.

 

 

“Pero…”

 

 

“ANO BANG DI NIYO MAINTINDIHAN SA SINASABI KO?! GO AWAY! I DON’T WANT TO EAT!!” Bwisit! Mas lalo lang nadadagdagan yung sakit. Wala na akong narinig na ingay pagkatapos non. Buti naman. Napapikit nalang ako na nakakunot ang noo dahil sa kirot pero may naalala ako… May doctor nga pala dito. Si Lay… tama. Bumangon akong sapo ang puson ko. Kulang nalang icross ko ang binti ko sa sakit. Pero mukha akong naiihi pag ganon. Mukha na akong kuba sa itsura ko. Tapos yung buhok ko basang basa pa at magulo.

Lumabas ako ng kwarto ko at wala akong naabutan ni isa dito sa taas. Baka nasa baba silang lahat. Dahan-dahan akong bumaba hanggang maabutan ko silang lahat sa sala na nanonood. Di nila ako nakita. Kailan ba may nakita ang mga taong ‘to kapag nanonood sila? Hinanap ko si Lay at nakita ko siyang nakahiga sa lapag at nakapikit. Trip niya talagang humiga doon ano? Nakahawak ako sa rails ng hagdan habang nakakunot ang mga kilay.

 

 

“Lay…” Sambit ko pero mahina lang. Ba’t ba kasi ang lakas magvolume ng mga ‘to? Bingi ba sila? Eh halos marinig sa kusina yung volume ng TV.

 

 

“Lay.” Sambit ko ulit pero wala talaga. Naasar na ako.

 

“LAAAAAYYYYYYY!!” Sigaw ko kaya nagising siya at napaharap silang lahat sakin. Bumangon agad si Lay at tumakbong lumapit sakin.

 

“Ayos ka lang?” Tanong niya.

 

 

“TATAWAGIN BA KITA KUNG MAAYOS AKO?! PATAYIN NIYO NGA YANG TV KUNG AYAW NIYONG KAYO ANG PATAYIN KO!” Sigaw ko. Natataranta naman nilang pinatay yon. Takot yata silang lumapit sakin. Tiningnan ko ng masama si Lay. Parang takot din siya.

 

 

“Masakit ang puson ko.” Sabi ko ng mahina sa kanya at parang nagmamakaawa. Di siya natinag. Bingi ba siya o nagbibingi-bingihan?

 

 

“H-ha?” Tanong niya pa. Kung wala lang akong nararamdaman kanina ko pa nasuntok sa mukha ‘to.

 

 

“Sabi ko, MASAKIT ANG PUSON KO.” Pinagdiinan ko talaga yung nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak. Kung nasa palasyo ako ngayon, malamang dinala na ako ni Butler Saff sa hospital. Pag ganito kasi, sobrang sakit talaga kaya OA lahat ng tao samin. Prinsesa ako eh kaya di nila pwedeng hayaang masaktan ang Prinsesa. Mukha akong ewan na hindi makatayo ng maayos. Lumapit ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Rinig ko pa nga yung tibok ng puso niya na sobrang bilis.

 

 

“Masakit…”Hinawakan ko yung damit niya at nilamukos. Bubugbugin ko ‘to kapag di pa niya maintindihan. Nakatayo lang siya ng ilang minuto tapos bigla niya nalang akong binuhat. Narealize na siguro niya ang ibig kong sabihin.

“Tumabi muna kayo.” Sabi niya. Nakapikit lang ako habang nakahawak sa damit niya. Panigurado, gusot na gusot na ang damit niya. Nilapag niya ako sa sofa. Namaluktot ako kaagad.

“Ayos lang ba siya?” Sigurado akong boses ni Sehun yon.

“May sakit ba siya? Anong nangyari?” Si Luhan yon…

 

“Dysmenorrhea…”

 

 

“Dysmeno… Ano?” Taka pang tanong ng ilan. Di na ako magtataka kung bakit di nila alam yun. Lalaki sila at hindi nila nararanasan ‘tong nararanasan ko.

 

“Menstrual Cramps…” Sabi pa ni Lay. Sige, explain mo pa sa kanila.Ano na? hihiga nalang ako dito? Pag ako naasar, tatawagan ko na ang Butler ko.

 

 

“Ano yun?”

 

 

“MENS! PERIOD! RED FLAG! TULDOK! ANO?! MASAKIT ANG PUSON KO! BULLSH*T! PAG DI KAYO UMALIS DIYAN, TATADYAKAN KO KAYO!” Sinigawan ko sila. Ang sakit kaya, tapos di pa sila gumagalaw. Ano? Pakamatay ako dito para maintindihan nila? Kung pwede lang ilipat sa kanila yung sakit, kanina ko pa ginawa.

 

“Bantayan niyo siya sandali. Kukuha lang akong gamot sa kwarto ko.” Sabi ni Lay atsaka ko narinig ang pagkalabog ng hagdan.

 

 

“Basa pa yung buhok niya.” Rinig kong sabi ni Kyungsoo.

 

 “Xy-Xy, ayos ka lang?” Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Xiumin.

 

 “Mukha ba akong ayos? Papatayin kita ngayon kung maayos ako.” Sabi ko sa kanya. Napalayo naman siya ng konti.

 

 

“Lala~” Nilapitan ako ni Sehun tapos pinaupo. Di ko alam bakit di natatakot sakin ‘to ngayon. Sumandal ako sa kanya habang namimilipit. Nakita ko nalang na nasa paanan ko si Kris. At nag-aalalang nakatingin sakin.

 

 

“Xyla, basa pa yung buhok mo… patuyuin natin.” Sabi naman ni Chen. Tumango nalang ako dahil napagod na ako kakasigaw at naramdaman ko nalang na pinupunasan yung buhok ko. Maya-maya, may sumusuklay na.

 

 

“Ito na yung gamot… pero teka… di ka pa kumakain. Di ka pwedeng uminom ng gamot ng hindi kumakain.” Si Lay na yung nagsasalita habang may patuloy na sumusuklay ng buhok ko.

 

 

“Kukuha akong pagkain.” Tumakbo naman sa kusina si Kyungsoo. Pagbalik niya, may dala siyang pan, hotdog at bacon saka gatas. Parang ayokong kumain. Wala akong gana. Parang pinandidirian kong kumain. Hindi yung luto ni Kyungsoo pero… ayaw talagang tumanggap ng pagkain ng tiyan ko. Pero gusto kong kumain… pero ayaw ko…

 

 

“Subuan nalang kita.” Sabi naman ni Biik. Nilapit niya sakin yung pagkain pero tiningnan ko lang.

 

 

“Kailangan mo munang kumain Xyla.” Tiningnan ko si Lay tapos yung pagkain, tapos si Biik. Ano pa bang magagawa ko? Sinubo ko nalang at nginuya. Nakakatatlong subo palang ako pero ayoko na talaga. Umiling na ako saka ininom yung gatas. Pinainom sakin ni Lay yung gamot. Mamaya palang tatalab ‘to kaya tiis-tiis muna…

Pinahiga ako ni Sehun sa throw pillow na nakapatong sa lap niya. Namaluktot naman ako. Itutulog ko nalang ‘to. I felt someone brushing my hair… and in an instance… I fell asleep.

 

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro