4
"Miss, wake up! Wake up, miss!"
Naalimpungatan si Gabrielle dahil sa malakas na yugyog at tapik sa kaniyang mga balikat at braso.
"Gising na ba siya?" ani ng isang tinig ng lalaki na hindi pamilyar.
"Yata. Sige, yugyugin pa natin," sagot ng isang babae.
Noon natauhan si Gabrielle. Nakiramdam siya. Sa kaniyang palagay ay nasa isa siyang hindi pamilyar na lugar. Semento kasi ang kinahihigaan niya. Ang huli niyang pagkakatanda ay nasa tumba-tumba siya. Kung mahuhulog man siya ay sa kahoy na sahig magla-landing at hindi sa semento.
Sunod na kaniyang napansin ang ingay sa paligid. Tila ba napakaraming tao. Sumasaliw ang mga ito sa kantang pinatutugtog niya sa cassette player.
Hindi. Nagkakamali siya. Tila ba hindi lang iyon nagmumula sa munting cassette tape. Para bang kinakanta iyon mismo sa lugar kung nasaan siya ngayon.
So, I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue
To see you once again, my love
Overseas, from coast to coast
To find a place I love the most
Where the fields are green
To see you once again
My love
Walang pinalipas na sandali si Gabrielle. Iminulat niya ang mga mata at agad siyang bumangon. Pagtataka ang nasa mukha niya dahil noon niya nakumpirma na wala nga talaga siya sa bahay ng lola niya.
"Hay salamat, nagising ka rin." Napatingin si Gabrielle sa babaeng nagsalita. Isang blonde na babae na sa wari niya ay isang foreigner. "Sa'yo yata ito. Nabitiwan mo nang mahimatay ka."
"Oh, thank you." DSLR niya ito. Natatandaan pa niya na ipinatong niya ito sa kandungan bago siya makatulog.
Hindi na siya pinansin ng babae dahil muling nagpatuloy ito sa pagkanta. Saka lang nabigyan ng pagkakataon si Gabrielle na i-absorb ang lahat. Nasa isang hindi pamilyar na lugar siya.
Bahagya siyang kinilabutan. Napaisip siya na baka may kung anong mahika ang cassette tape o player dahilan kaya siya nag-sleepwalking kaya siya napadpad doon.
Inilibot niya ang kaniyang tingin. Napakaraming tao ang sumasaliw sa pagkanta. Muli niyang iginala ang tingin at napatigil iyon sa stage na hindi kalayuan sa kaniya. Sa ibabaw noon ay mayroong limang pigura na may tig-iisang mikropono.
Biglang bumilis ang puso ni Gabrielle sa kaba nang magkaroon siya ng hinuha kung sino ang mga iyon. Iniliit niya ang mga mata para makasiguro.
"W-Westlife!" Tumagaktak ang malalamig na pawis ni Gabrielle sa kaniyang noo habang nakatingin pa rin sa limang lalaking nagpe-perform.
"Hindi ito totoo." Napatawa si Gabrielle. Paano nga namang magiging totoo iyon, eh, ang Westlife na nasa entablado ngayon ay mga binata pa. They seem to be on their twenties.
"I'm sure I'm dreaming," kumbinsidong saad ni Gabrielle. "Lucid dreaming to be specific.
"That's cool. Parang totoong-totoo na nasa concert nga ako. What makes it cooler is, parang ibinalik ako sa year 2000s. Lahat ng tao ay naka-focus lang sa nagpe-perform. Walang may hawak ng phones. Puro banners lang."
Napahagalpak ang dalaga kaya nakuha niya ang atensiyon ng mga katabi. Binigyan siya ng mga ito ng tingin na nanghuhusga. Sa hiya ay naisip ni Gabrielle na umalis na lang sa puwesto. Ang plano niya ay makalapit pa lalo sa stage tutal panaginip naman niya iyon. Kung gugustuhin niyang umakyat mismo sa stage ay magagawa niya.
~°~
"Sa'n ka papunta, miss?"
Hindi pinansin ni Gabrielle ang bouncer na sumusubok humarang sa kaniya. Tuloy-tuloy siya sa tangkang paglakad pag-akyat sa gilid ng stage.
"Bawal diyan. Hanggang dito lang kayo."
Napadaing ang dalaga nang hawakan siya ng bouncer sa may braso. "Ouch, kuya. Masakit ha?"
Didiretso pa sana si Gabrielle pero napatigil siya nang magsalita ang bouncer. "Isa pang subok, e-escort-an ko na kayo palabas ng venue, ma'am."
Napaismid si Gabrielle. Nagdesisyon siyang manatili na lang sa kung nasaan siya. Sa row 1 front seat. "Kakaiba ang panaginip na 'to, ha? Why can't I control how the extra characters would think or act?" Nagpakawala siya ng maluwag na paghinga at nagpasyang manood na lang.
Tutal ay aware naman siya na dala niya ang DSLR sa panaginip niya ay naisip niyang kuhanan ng larawan ang Westlife. Alam naman niyang mawawala rin ang mga iyon sa oras na magising siya, tulad ng nangyari sa mga nakaraan niyang panaginip kung saan dala rin niya ang camera. Yung mga panahon na akala niya naka-jackpot siya sa na-picturan pero panaginip lang pala ang lahat.
Nakakailang click na siya ng camera. Ilang group pictures na rin ng Westlife ang nakuhanan niya. Ngayon ay solo pictures naman ang balak niyang kuhanin.
Una niyang kinuhanan si Shane, tapos si Nicky naman at si Brian.
"In fairness, detalyadong-detalyado 'yong mukha ng mga tao sa panaginip na 'to, ha? Most of the time kasi blurry, eh," sabi niya habang ipinopokus ang lente kay Mark.
"Okay, isa na lang ang 'di ko nakukuhanan. Si Alaska boy." Napatawa si Gabrielle sa naisip.
Hinanap ng mga mata niya ang binatang tinutukoy. Si Kian.
"There you g—" Tila nagyelo ang mga daliri ni Gabrielle nang matagpuan ng lente ng camera niya ang binata. Napakalapit nito sa puwesto niya at nakatingin sa kinaroroonan niya. . . He was looking at her with his blue sparkling eyes while grinning from ear to ear. Tila ba aware ang binata na kinukuhanan siya ng dalaga.
A moment froze for a while as Gabrielle's heart thumped louder. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon siya, eh, panaginip lang naman iyon.
Kahit tila pinanawan ng lakas ay pinilit ni Gabrielle na makuhanan ng larawan ang pambihirang pagkakataong iyon. A smiling Kian Egan was captured by her lens... even if it is only just a dream.
~°~
Nag-uumpisa nang umalis ang mga tao sa venue pero naroon pa rin sa puwesto niya si Gabrielle. Kanina pa niya tinatampal-tampal ang sarili para subukang gumising sa inaakala niyang panaginip.
"Wake up, Gabrielle! Wake up!" Mangiyak-ngiyak na siya kasi kahit anong gawin niya ay naroon pa rin siya. May parte sa utak niya na nagsasabing hindi siya nananaginip pero nananaig pa rin na walang rasyonal na eksplinasyon na kung ano ang nararanasan niya ay isang reyalidad at hindi lamang isang panaginip.
Imposibleng makita niya ang batang bersiyon ng Westlife. Forty years old mahigit na ang mga ito sa kasalukuyan!
Wala sa isip na naglakad-lakad ang dalaga. Kung saan siya patungo ay hindi niya alam.
Hindi siya pamilyar sa lugar lalo pa nang makita niya ang isang malaking signage sa nadaanan niya kanina. May nakasulat doong Dublin, Ireland.
Lumalalim na ang gabi. Nag-uumpisa na ring kumulo ang tiyan niya. Wala naman siyang magawa dahil nang sipatin niya ang bulsa ay walang kalaman-laman iyon. Tanging DSLR lang ang bitbit niya at supot na may ilang piraso ng lithium-iron batteries at SD cards para sa camera niya.
Sandali siyang nagpalingon-lingon. Nang matantong wala namang parating na sasakyan ay tiningnan niya ang mga larawang kinuhanan niya kanina sa konsiyerto. Napasinghap siya nang makitang naroon pa ang mga iyon. Kung paano niyang kinuhanan ang Westlife kanina ay ganoon pa rin ang itsura ng mga iyon sa larawan.
Isa-isa niyang tiningnan ang pictures. Hindi niya maiwasang humanga sa mga iyon. Kung tutuusin, puwede niyang ibenta iyon sa stock photo sites para kumita siya kaso nananaginip lamang siya.
Nananaginip?
Napahawak si Gabrielle sa may dibdib. Dinama niya ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya. Unti-unting pumapasok ang ideyang hindi siya nananaginip. Na nag-time travel siya ayaw man niyang paniwalaan iyon. Paanong hindi? Nakalalakad siya nang maayos ngayon. Sa mga panaginip niya ay hirap siyang iangat ang paa pero ngayon ay nakatatakbo pa siya nang normal. Hindi rin siya nagugutom kapag nananaginip siya pero sa kasalukuyan ay kanina pa nagrereklamo ang sikmura niya sa sobrang gutom.
Sa puntong iyon ay isa-isa niyang ginugunita ang movies and series na may kaugnayan sa time travel na napanood na niya.
Pumasok sa isip niya ang huling alaala bago siya panawan ng ulirat— ang pagpapatugtog niya ng cassette tape ng Westlife. Bigla siyang kinutuban.
"Did I really—"
Hindi natapos ng dalaga ang sasabihin nang isang nakasisilaw na ilaw ng tila ba paparating na sasakyan ang nagpatuod sa kaniyang kinatatayuan.
"Miss, tabi!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro