Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Our Home

"What's your plan with your condo then?" Kuya Austin asked me.

Napaisip naman ako sa tanong ng kapatid ko. Oo nga pala if I'll buy a new property to be our new home, sino pa ang titira sa condo ko? It's huge and a gift from my grandparents as well. Maybe I should ask them first. "I'll ask Lolo and Lola first, kuya." I told Kuya Austin.

And he nodded at me. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa pag-uusap tungkol nga sa bahay at lupa na bibilhin ko.

Actually hindi pa talaga ako nakakapag-ipon galing sa pagtatrabaho ko. But I talked with my grandparents and asked them, at pumayag naman sila na ibigay na sa akin ang mamanahin ko. Para rin daw makapagsimula na ako for my family. To be honest I already forgot about that. I just remembered na ang mamanahin ko nga rin pala ang dahilan kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon ngayon...

"Hey, are you listening?"

I spaced out a bit. Tumango ako kay Kuya Austin. "Yes, kuya."

"As I was saying..." Kuya Austin explained na wala pang may-ari ang lupa sa tabi ng magiging bahay din nila ni Ate Beverly sa isang subdivision.

I nodded to Kuya Austin. "Okay, I'll take it, kuya."

"Are you sure? Hindi mo pa nga nakikita." Mataman akong tiningnan ni Kuya Austin.

Muli lang akong tumango sa kaniya. "Yes, kuya. I've seen your house with Ate Beverly, remember? Noong hindi pa tapos. Tapos na ngayon ang bahay n'yo, right? And I think I've seen the lot next to it." I said.

Tumango rin si Kuya. "All right. Yes, tapos na ang bahay."

"Are you two sure? Kayo ni Ate Beverly, na kami na ni Valerie ang maunang magpakasal sa inyo?"

He nodded again. "Yes, it's all right, Gus. Busy pa rin naman kami ngayon. And you should marry now while the kids are still young..."

Pagkatapos ay nagkatinginan kami ni Kuya Austin. "I still can't believe you, Augustus. Na hinintay mo pa talagang tatlo na ang mga anak mo bago mo pa naisipan ito..." He said.

And I looked away in embarrassment. Nakaramdam na ako ng hiya kay Kuya Austin. Kung iisipin mo nga naman na totoo ito, it's really embarrassing, too...

We only explained it to my family that Valerie actually hid about Achi from me at first. At halos ganoon din ang nangyari kay Ashi. Then we also have Shin now. We just told them that we had a kind of an on and off relationship despite already having the three kids...

I sighed to myself.

Kuya Austin also sighed. "Well, whatever. Nand'yan na 'yan. I'm just glad that I can see that you're doing your best now, anyway... So I think it's okay." Bahagyang tinapik ni kuya ang balikat ko.

Ngumiti na lang ako kay kuya. And then we're back to work again after that little break.

And after a long day at work I went home to the boys and Valerie...

"Daddy!" Achi, Ashi and Shin were quick to welcome me home as soon as I entered the door of our condo.

And I automatically smiled seeing them. Lumuhod pa ako so that I can hug them. The three boys ran to me and into my open arms and hugged me.

"Dahandahan lang. Baka maipit n'yo si Shin." Valerie reminded and worried for our youngest.

I looked up at her who followed the kids and now standing in front of us. Tumayo ako pagkatapos kong yakapin ang mga bata. And I carried Shin. Lumapit naman sa akin si Valerie at kinuha rin sa akin si Shin na gusto namang pumunta na sa kaniya pagkatapos. I just smiled as I handed Shin to her.

Shin was two years old so he's still a baby. Kaya madalas si Valerie talaga ang may mas alam sa pag-aalaga sa kaniya. While I also do my best with his two older brothers. Kung wala akong trabaho ay ako rin ang nag-aalalaga sa kanila kahit pa nand'yan din ang yaya. And I also bring them to school. Chi and Ashi started going to school, too. Kaya pagdating ko galing sa trabaho ay may dalawang bata na rin akong tinuturuan sa mga homeworks nila sa school. But usually it's just Achi because Shi was still in daycare and Valerie teaches him here at home as well. Habang inaalagaan din niya si Shin kasama ng mga yaya.

"I'm sorry for giving you a hard time dealing with the kids and being their Mom." I said to Valerie.

We already finished eating our dinner and I'm now helping Valerie with the dishes. While the nannies were taking care of the boys. Tinulungan din daw kanina si Valerie nina Yaya Florida sa pagluluto. And Valerie said that she's thankful to them.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Ayos lang. Hindi naman na mabigat ang trabaho ko sa pagbabantay sa mga bata. Nand'yan na rin naman sina Yaya Flor. Kaya lang namin tatlo ni Yaya Monik dito sa bahay. Huwag ka nang mag-alala." She said.

Muli lang akong napangiti kay Valerie.

"Nga pala, nakapag-usap kami kanina ni Ate Beverly sa phone. Tumawag siya at sinabi sa akin na bumili ka raw ng lupa at papatayuan mo ng bahay para sa atin?" She asked me.

"Oh. Yeah... Nabanggit siguro ni Kuya Austin sa fiancée niya. Nagpatulong kasi ako kay kuya na maghanap ng property."

Valerie nodded. "Bakit?" Umiling siya pagkatapos ng tanong. "I mean, kasi malaki na rin itong condo mo at okay na rin naman tayo rito..."

"Yes. But I just thought that we might need a bigger house..." I said.

Nagkatinginan kami ni Valerie. Pagkatapos ay tumango rin naman siya. "Okay, ikaw ang bahala." she just said.

"Why? Mas gusto mo ba rito sa condo? Hindi rin naman malayo iyong subdivision na lilipatan natin."

Umiling naman siya. "No. Ayos lang. Ikaw na ang bahala. Kung ano ang gusto mo... At sa tingin mo makakabuti rin naman para sa mga bata..."

Tumango ako sa kaniya. "Yes. And it will be our home..."

Tumango rin sa akin si Valerie. "Sinimulan na ang bahay?" She asked.

"Sisimulan pa lang. I actually planned to tell you. Naunahan lang ako ni Ate Beverly." I said and we both just smiled. "Of course I would want your help with our home, kung gusto mo lang din...o kung papayag ka..."

"Ayos lang naman. Wala rin naman akong ginagawa ngayon. Pero sasabihin ko na sa 'yo na wala akong mas'yadong alam sa pagpapatayo ng bahay..." She smiled a bit.

Tumango naman ako at ngumiti rin sa kaniya. "It's all right. We can do our research... and then we'll just tell the construction team, and the architect and engineer what we want for our house..." I said.

And Valerie nodded. "Okay, sige." She smiled.

And I smiled, too, at her.

And after washing all the dishes, which I also enjoyed because I get to talk with Valerie like this, nagpasya na rin kami na magpapahinga na. "Lalo na ikaw kasi may trabaho ka pa uli bukas sa company ninyo." She told me.

Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. "Yeah."

Pagkatapos ay napatingin siya sa damit ko. Suot ko pa rin ang white dress shirt ko na tinupi ko lang muna hanggang siko so I could help Valerie with the dishes a while ago. Kanina nang dumating ako ay hindi pa muna nakapagbihis galing trabaho dahil pinili ko na lang to just remove my necktie and suit blazer first so that I could play already with the boys. Gusto pa kasi makipaglaro before we had our dinner so.

"I'll take a bath now and get changed before I go to bed..." I said.

Nagkatinginan kami ni Valerie.

Tumango naman siya sa akin. "Sige... Uh, oo para makapagpahinga ka na rin agad. I'll just check the kids and then pupunta na rin ako sa kwarto..."

I nodded. At huling tinginan bago nauna na rin sa akin si Valerie para tingnan ang mga bata.

We still sleep in separate bedrooms... But how I wish we could sleep together... But before that Valerie would kill me first. After all it's just my imagination and a man's fantasy. I sighed thinking, but I smiled as well.

Valerie's just so damn attractive also. That I can't help it. But I just let myself. Sa isip ko lang din naman. I smirked to my stupid self. And just get in my cold and lonely room...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro