Chapter 4
Hello, readers! You can now read till Chapter 8 of A Family of Convenience in Patreon or my Facebook VIP group. Just kindly message my Facebook account Rej Martinez to join Facebook VIP. Thank you so much for your support!
Chapter 4
Talk About Marriage
I think I drifted to sleep while talking to Valerie... I was so stressed... Nakumpirma ko nga nang magising ako na nasa living room pa rin ng condo ko. But Valerie wasn't beside me anymore. While the kids were still sleeping right beside me. They looked peaceful in their sleep. Parang nagpapahinga rin talaga sila... Nagtagal ang tingin ko sa mga bata na natutulog lang sa isang mat doon. Until I heard Valerie's voice.
"Gising ka na pala." Her voice said.
Bumaling ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. I fell asleep with my head was just resting on the sofa behind me. Medyo sumakit tuloy ang leeg ko kaya hinilot ko nang konti. "Yeah, what time is it?" I asked her in a hoarse voice and touched the back of my head or my nape.
"Maggagabi na. Magluluto ka ba ng dinner?" she asked me.
I shook my head. "I don't cook." Nagkatinginan kami at mukha pa siyang nagulat. "I don't know how." I said.
She sighed. "Ano pala ang ipapakain mo sa mga bata? Wala ka rin grocery o laman ang ref mo, wala."
"We'll just order food for now. Magpapabili na lang sa grocery bukas." sabi kong bagong gising pa lang na medyo natutulala pa ako at parang sandali ko rin nakalimutan ang mga nangyari sa araw na 'to na nagpunta ako kanina sa orphanage, at ang mga nangyari pa these days. "Do you have to go home? You can stay here." I simply said. Paano ang mga bata kung uuwi pa siya? I'm gonna die and probably the kids too if we're left together alone here in my condo now.
Umawang ang labi niya pero kalaunan o pagkatapos sigurong mag-isip ay tumango naman siya. "Kailangan ba nating tumira sa isang bahay?" She asked.
Nga pala, ang sabi ko ay may anak lang kami. Hindi naman talaga kailangan magsama... But what will I do with these three boys? I need her here for the kids. Mas may alam siya sa pag-aalaga ng mga bata kaysa sa 'kin. "Yeah..." Nagkatinginan kami. "Well, you have to help me take care of the kids... And...well, uh, we'll just create a few more stories about this to my grandparents." I said.
"Hindi ko alam kung bakit umabot ka sa ganito sa pagsisinungaling sa lolo at lola mo... Pero," She shrugged her shoulders. "Importante nga naman sa 'yo ang manang makukuha mo sa kanila. Kaya gagagwin mo ang lahat..." she said before she turned her back at me and went to the boys.
I don't know why... But I feel like explaining myself to her... I want to tell her that it's not really just about what I'll inherit from my grandparents... It's more on I didn't want to hurt their feelings...or things like that... Pero dumating na lang ang pagkain at napakain na lang niya ang mga bata at napaliguan din, papatulugin na naman ulit ay hindi na kami nakapag-usap pa.
"Wala kang kasamang nakatira rito?" She asked after putting the kids in bed in one of my guest rooms here in my condo.
I nodded. "Yeah. This is my condo. You can also sleep in the guest room..." I said.
"Ayos lang. Dito na lang din ako matutulog kasama ang mga bata. Para may bantay din sila." she said.
"All right." I nodded. "Thanks..." I said. I'm really thanking her for being here. Dahil mababaliw ako sa mga bata kung hindi siya dumating kanina.
And then I saw her smile... And it was like a slow motion moment... Napakurap-kurap ako. "Si Nonoy ang kuya nila, hindi ba? Iyon ba talaga ang pangalan niya? How about his two brothers? Ano ang mga pangalan nila?"
I shook my head. "I don't know... Wala nga akong nakuha na birth certificates... And Nonoy said that they don't really have names... O maybe he doesn't remember or the likes..."
"Ano'ng ibig sabihin..." Nagsimulang kumunot ang noo niya.
"The orphanage was a mess... Anyway, my cousins told me to just name them, and then we'll just process some papers... Like that..." I sighed.
Nakatingin lang siya sa akin before shaking her head a little and then she just nodded at me. "Ano'ng pangalan..."
Valerie and I weren't very good with names... Kalokohan lang din ang naiisip na mga pangalan ng mga pinsan ko. Alangan naman bigla na lang akong magtatanong ng mga pangalan sa mga kapatid ko... So I called my other cousin, Lexie, instead.
"Ano pala ang nangyari sa parents ng mga bata?" Valerie asked.
"Namatay daw sa sunog. No relatives." I answered shortly because Lexie already picked up her phone and answered my call.
"Names, kuya? Why?" My cousin asked from the other line.
"Well, uh," Napakamot pa ako sa batok ko at natawa pa na parang tanga. "Ah! My friends from college are thinking about names that they could name their...triplets! Yeah, triplets! They're having three boys..." sinamahan ko pa ng pilit na tawa sa dulo. Parang tanga talaga. Mababaliw na yata ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Ganoon ba... Bakit ako, kuya? Wala naman akong alam... I don't feel like the right person to..." mahiyaing sagot ng pinsan ko.
"Suggestion lang naman, Lex." I smiled even if we don't really see each other's faces or reactions.
"Okay... Hmm..." And then Lexie started talking about unfamiliar names, at may explanations pa siya or nagbibigay ng meanings sa mga pangalan na binabanggit niya.
I put the phone on loud speaker para marinig din ni Valerie as she started listing the names quietly beside me...
"Thanks, Lex!"
"You're welcome, kuya. Sana may magustuhan ang friends mo sa mga names na binigay ko..."
"Sure!" And then we finished the call.
The day came when I already have to introduce Valerie and the three boys—Itachi, Kakashi, Shinya, to my grandparents. Nandoon din halos ang buong pamilya. Ininvite pa pala sila ni lola... At halos mapasapo na lang ako sa noo ko nang masulyapan ang kunot noo ni Lexie sa akin... Fuck. I remember she gave me the names...
"Magpanggap ka na lang mamaya na mahilig ka rin sa anime." I secretly told Valerie thinking about my cousin. Baka tuluyang magtaka dahil sa mga pangalan ng mga anak ko daw. At least may alibi kami na mahilig din ang nanay ng mga bata sa anime kaya ganoon ang mga pangalan nila pang-Japanese kahit nasa Pilipinas naman kami.
"Ano?" bulong din niya pabalik sa akin. "Ano'ng ibig sabihin? Bakit? Dadagdagan mo pa ang trabaho ko—"
"Just do it. Ask your questions later. I'll pay you extra." I whispered back.
"Lola!"
My eyes widened when I just saw my grandmother fainting... After seeing me brought home three children...
Kinausap din ako ng parents ko habang nagpapahinga pa si lola at busy rin ang pamilya sa kaniya.
"Augustus, mag-usap nga muna tayo." Nakakatakot pa na tawag sa akin ni mommy. She was dead serious at walang kangiti-ngiti sa halatang may lipstick niyang mga labi. She's obviously not happy...
"Mamaya na lang po, Mom... Si Lola—"
"Ngayon na tayo mag-usap kasama ang Daddy mo." mariin niyang sinabi.
At wala na akong nagawa kung 'di ang sumunod. Okay lang naman si dad. Parang si Kuya Austin lang din. Si Ate Alia naman ang nagmana kay mommy. They're like dragons when angry, or even when not. Depends on their mood. I can only sigh.
"Is this serious?" Mommy confronted me.
Hindi naman ako agad nakapagsalita habang nasa harapan ng parents ko.
"Tatlo na talaga ang anak mo sa babaeng...ni hindi pa nga namin nakikilala? Are you bluffing, Augustus?" Mommy confronted me.
Napataas pa ako ng mga kamay sa harapan ng parents ko na parang hinuhuli ako ng mga pulis. "Of course not, Mom! Dad..." I said rather much defensive.
Pinaningkitan ako ng mga mata ni Mommy. "Is the girl really their mother? Ang bata pa niya tingnan..." sabi ni Mommy.
I nodded right away. "Yes, Mom." Hindi kumukurap na sagot ko sa nanay ko. You're such a liar, Gus. But I was nervous, too. As I answered their questions.
Mommy looked like she'd faint just like my grandmother... Kaya naghanda pa akong saluhin din siya kung sakali. "You're..." Tinuro ako ni mommy. "I don't know anymore, Augustus... Hon," tinawag niya si daddy na agad din naman umalalay sa kaniya.
"Paano nangyari ito?" si lola nang mabalik na sa ayos... "We expected that you already have a child, hijo. Pero bakit tatlo? I mean, ayos lang naman." bawi rin kaagad niya.
"How old are you, hija?"
"24, po..."
"Twenty-four..." Parang mawawala na sa sarili si mommy... "And It...Ita...Itachi is...? How old is he now, hija?"
"Seven..." sagot naman ni Valerie.
Mommy gasped and her palm went to her lips. "So...you were only 17 when you gave birth to Achi?!" Halos mapatayo na si mommy sa kinauupuan niya. Nasa hapag na kami ngayon. Mukha na siyang galit talaga na bumaling sa akin. "Were you out of your mind, Augustus?!"
Let's do some math here. If Valerie's 24 now and I'm 26, that means we have a two years age gap. If she was supposedly 17 when she gave birth to Achi, supposedly... Meaning I was 19 back then. I was still in college. Pero dati na rin naman akong palaging nakikita ng pamilya ko na may kasamang iba't ibang babae...
"Calm down, Geneva." saway naman ni lola kay mommy.
"Paanong hindi namin ito alam..."
Inalalayan na ni daddy sa tabi ni mom si mommy.
"Maybe Kuya Gus didn't know na may anak na pala siya those times?" Biglang nakapagsalita si Alexie na napatakip din naman agad sa bibig at tumigil sa pagsasalita.
Pero nakuha na niya ang atensyon nina lola. "Hija?" Now they turned back their attention to Valerie.
She looked a little nervous... Pero parang hindi rin naman. Or she acted really well with my family at the dinner at my grandparents' house.
"Ganoon na nga po ang nangyari... I'm sorry, po." She said like she just agreed to what Alexie said. We did not talk about this. Pero bahala na nga. At mukhang umaayon pa rin naman ang mga kwento...
Pareho nang tumango-tango sina mommy at lola... They looked convinced...
"And then now you have Ashi...and Shin..." si mommy ulit.
Nagkatinginan muna kami ni Valerie bago pareho at sabay na tumango sa kay mommy na mukha namang problemado...sa akin. At sa sitwasyon ko.
"Just let them be, Geneva. They're old enough now. Alam na nila ang ginagawa nila..."
I nodded to what lola said. And I even smiled at my grandmother a bit.
Hanggang sa gumaan na lang ang mga sumunod na topics or tanong sa amin.
"Are you Japanese, hija...? Or either your father or mother..." Mommy curiously asked.
"Ah, hindi po... Kung sa pangalan po ng mga bata... 'Yon ay dahil nahilig din po ako sa anime..." Valerie looked at me and smiled.
Ngumiti na lang din ako. And turned to my cousin, Alexie, and saw her reaction. She looked interested and excited as she watched Valerie beside me. Parang bata na nakakita ng makakalaro...
All right. It's good. Baka hindi ko na kailangan pang mag-explain sa pinsan ko tungkol sa pangalan ng mga pamangkin niya.
"And your parents, hija?" Mommy looked worried.
Pakiramdam ko naman ay kanina pa hindi maayos ang paghinga ko rito. We already talked about Valerie's family. Pero hindi pa namin talagang napag-uusapan...
"Wala po ang Papa ko... Uh, matagal na po silang hiwalay ni Mama." She smiled to my mom and lola. "Nasa probinsya po ang Mama ko."
"Alam ba niya ito?" Mommy asked, still looking worried.
Tumango at ngumiti si Valerie kay mommy. "Opo, alam naman po."
Mommy then sighed.
"Paano pala kayo nagkakilala ng anak ko?" Ang daming tanong ni Mommy. I bet if she did not become a businesswoman she would also be a reporter or TV host just like Ate Alia. Ang hilig nilang mang-interview. Although Ate Alia has been quiet the whole dinner dahil hinahayaan niya pa sina mommy at lola ang kumausap sa amin ni Valerie.
"Ah. Through our common friends po, tita..." Nagsalita na rin sina Bray. Ngumiti pa kay mommy. Mga sinungaling din gaya ko. Sabay-sabay na kami nitong masusunog ang mga kaluluwa sa impyerno...
"We introduced them before." Ben added.
"And you two also kept this from us?" si mommy sa dalawa kong pinsan.
Sabay lang na nagyuko ng mga ulo nila sina Ben at Bray. "I'm sorry, tita..." the two said in chorus even.
And then the rest of the evening my family just went busy with our three boys. Kaya hindi na rin kami gaanong kinausap pa. Kahit sina ate busy'ng busy sa mga pamangkin nila...
And then we also have a good reason to go home early because of the kids.
Pero ayaw pa rin talaga paawat ni mommy. "How about we talk about your marriage, hijo? Napapag-usapan n'yo na rin ba ni Valerie? Tatlo na 'yan. Nakakatatlo na kayo, goodness gracious! Ano pa ba ang hinihintay n'yo? Susundan n'yo pa ba si Shin? Have you proposed to her already? Maayos na ba kayong dalawa? She's living in with you and the kids, right?"
"We'll talk about this next time, Mom. Kailangan na po namin iuwi ang mga bata. They're already tired from playing kanila ate..." I sighed. And smiled at my mom.
Unti-unti na rin ngumiti sa akin si mommy at hinayaan na nila kaming makaalis.
"Mag-ingat kayo pauwi, hijo. Ingat sa pag-d-drive. Dahan-dahan lang may kasama kayong mga bata."
"Yes, Mom. Thanks. Talk to you and dad again next time." I kissed her cheek. Before I went in the car with Valerie and the boys...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro