Chapter 3
Chapter 3
Not One, But Three
Apparently, Valerie's dad is Russian. And her Filipina mom lives in the province with her younger siblings. Bata pa siya when her dad left them. And since then she never saw him again. Her mother had five partners after her dad, and has five children as well from these men... And same with Valerie's dad...these guys left her mom, too...
Tiningnan ko ang mukha niya. She has a pretty face, but she looked irritated at napilitan lang magsabi sa akin ng tungkol sa sarili niya... Well, I told her na kailangan namin ang information ng isa't isa at baka mahuli pa kami ni lola kapag hindi pareho ang mga sagot namin...'di ba?
It's our second meeting. Pinabalik ko siya to discuss our contract furthermore. Hindi pa rin naman talaga final iyong draft pa lang din ng contract namin last time. And I realized na kailangan pa pala talaga naming mag-usap. Wala lang talaga ako sa sarili the last time when we first met.
"Well, I'm..." I was just starting to talk about myself as well and I was cut off by this pretty girl in front of me...
"Augustus Lozano. Grandchild and heir of one of the wealthiest families in the country. Son of a multimillionaire businessman... At walang trabaho." Umismid pa siya.
Kung hindi lang talaga maganda 'to... No. Just kidding. Totoo rin naman ang sinasabi niya...
Pero kumunot pa rin ang noo ko. "What..." All right. I'm not really working right now, well, since I graduated college. "I'll be working now for the family..." Nagkatinginan kami. Yes, I mean our family. S'yempre, ano papakain ko sa kanila kung wala akong trabaho... I smiled to her which I think she find creepy because of her facial reaction na parang nandidiri... Sobrang kinunutan ko naman siya ng noo. May period ba ang babaeng 'to? I know because my sister's like a monster when she's on her period, too...
"So...well? Deal?" Naglahad na ako ng kamay sa harapan niya. To mark our contract with a handshake... S'yempre may totoong pipirmahan kami after this. Pinagawa ko pa kay Ben at sa lawyer niya.
Hindi na lang din ako nagkuwento pa ng tungkol sa akin at mukhang kilala na rin naman pala niya ako...or my name's everywhere these days because of the girls, you know... Bukod pa sa nakikilala rin ang pamilya namin. Kaya hindi nakapagtatakang may nalaman na rin si Valerie tungkol sa akin. She can search my name on this internet, or baka nakita rin niya sa news... At mukhang hindi rin naman siya talagang interesado sa akin... Ouch. Ngumisi na lang ako para sa sarili.
Tinanggap din naman niya ang kamay ko. We shook hands. And then after that she left. Okay, I have a woman now...or the mother of the supposed child. My child. Ngayon ang bata naman ang hahanapin. Sabi nina Ben marami naman daw sa orphanage...
And then we, like the three idiots, went to this suspicious orphanage... I mean, parang pinamimigay na lang ang mga bata rito... "Do we sign a document...?" My forehead creased at the man who just looked bored when he's supposed to be the head of this orphanage... He's not even in appropriate clothing, I think...
Bumaling ako sa pinsan ko. "I asked a private investigator. Okay na dito. Hindi madali mag-adopt ng bata, Gus." Ben said this to me a while ago.
"Kunin n'yo na lang 'yan. Dalhin n'yo na."
Nagulat pa ako sa sinabi ng lalaki. Tumingin ako sa isang batang lalaki na nakita ko na. May nakita na agad ako. Well, to be honest it's my cousins. Nakuha pa akong lokohin na kamukha ko raw ang batang 'to noong mga bata pa kami. Naalala raw nila. Ako naman nagpapaniwala rin sa mga gago kong pinsan. Tsk.
Ilang sandali pa kaming nagkatinginan ng bata. Kanina ay tinuro ko lang siya na nandoon sa isang tabi at tahimik. Agad naman siya kinuha nitong staff at hawak sa dalawang balikat nito ang bata galing sa likod ay hinarap niya ito sa akin. But now the boy looked scared? Or doesn't want to go... He looks like crying...
Napaluhod na lang ako ng isang tuhod ko doon sa harap ng bata para maglebel ang paningin namin ng konti. He's a little boy maybe around the age of 4-6. Payat din kasi siya... At mukhang hindi pa yata sila napapakain nang maayos dito... Matalim akong nag-angat ng tingin sa staff na mukhang wala lang namang pakialam. I sighed.
"Hey... Are you all right?" I asked the little boy.
Tumingin lang sa akin ang bata. With tears shining in his deep eyes. Now that I noticed him more, I just realized that he looked malnourished... What is this place, really? Can we report this? Pero baka malaman pa nina lola ang ginagawa ko... I'm sorry already to the kids here... I sighed. Maybe I'll do something about it someday.
"You will come with me. I'll take care of you..." I just found myself making a promise to the child...
He's really about to cry now. "Ayaw ko po..." Natigilan din siya nang pagalitan ng mukhang nag-iisang staff dito... Mukhang tago nga rin ang lugar na ito...
I was about to stand up and face the staff. Mukhang takot kasi talaga sa kaniya ang bata. What was he doing here all this time? Pero natigilan din ako at nabalik ang atensyon sa bata when he gently tugged on my clothes.
"Sasama lang po ako kung kasama rin ang mga kapatid ko..." He blinked and his tears fell one after another...
And there was this something in my heart... It's like a feeling... A feeling that made me angry, and pity... I held his thin arms, at inurong ko rin siya palapit sa akin at palayo sa staff. Binitiwan din naman nito ang bata. And I wasn't really thinking. Ibebenta ko na siguro ang utak ko at papalitan kung pwede lang... Kasi parang hindi ko na rin pala nagagamit these days at wala nang kwenta. Dahil basta na lang akong nagdesisyon. I just decided on the things that came out of my mouth next without really thinking further with my words... "All right. Where are your siblings? We will bring them with you." At nakuha ko pang ngumiti sa bata. Stupid, stupid Gus...
I looked for Valerie's cell number on my phone and called her. Buti sinagot naman niya agad. I really hope she's not busy. "Valerie!" Halos mapasigaw pa ako nang sagutin niya ang tawag ko. Hirap na hirap na ako rito. And I feel like konti na lang ang buhay ko dahil sa mga bata. Until I realized that I'm just their dad, supposedly. At 'di ba nanay naman talaga ang nag-aalaga sa mga anak? And here's Valerie, their supposed mom. Kaya naisip ko na dapat nandito din siya. We're already done with the contract signing.
"Ano?"
"Pumunta ka na rito ngayon din."
"Ha? Saan? Bakit?"
"Please, I'll answer your questions later when you're already here. Just please come here right now, ASAP. I'm gonna die here—" And then the baby started crying again. I wanna cry, too!
"Bakit parang may bata na umiiyak d'yan? Nasa'n ka ba?"
"I'll give you the address. Pumunta ka na agad dito."
Valerie almost dropped her bag sa nadatnan niya sa condo ko. After the orphanage dinala ko na sa condo ko ang tatlong bata. Yes, I planned to adopt just one kid for this, but look at what happened now... Not just one, but I brought home three little boys! The eldest was 7 years old. I just thought he's five or six dahil payat nga at walang nutrisyon sa katawan. And then followed by his younger brother age four, and a two year old baby... Oh my god.
How did this happen to these boys?
"Help me..." pagod ko nang salubong sa kakarating lang na si Valerie. Nonoy, the eldest was okay and behaved beside me. While I was carrying the youngest with the second na gusto rin pabuhat sa akin... I really wanna cry now...
Good thing Valerie's good with kids. Napatahan na niya ang baby at napatulog pa niya ang isa. Wala naman kaming problema kay Nonoy na binigyan ko lang ng pagkain at tahimik lang din itong kumain. "May mga kapatid ako na maliliit. Kaya sanay na ako." Valerie said.
I sighed and rested my back behind me. "Thank goodness..." Napagod talaga ako na hindi ko alam ang gagawin kanina at iyak pa ng iyak ang mga kapatid ni Nonoy. Kanina galing sa orphanage ay iniwan lang kami rito ng magaling kong mga pinsan kasama ko ang mga bata. Masusuntok ko na talaga ang mga gagong 'yon. When this all started with them.
"Wala ka talagang alam sa mga bata, 'no?"
Tumingin ako kay Valerie. Well, what do you expect? I'm the youngest child. Kaya wala akong experience sa pag-aalaga ng kahit nakababatang kapatid. Or any kid at that. Wala nga akong alam sa mga bata. Kaya nga parang masisiraan din ako ng bait kanina rito kung hindi pa dumating si Valerie.
"Akala ko ba isang bata lang... Bakit tatlo ang inampon mo?"
I sighed an exasperated sigh. "I don't know..."
Kumunot naman ang noo niya sa akin. "Anong hindi mo alam? Eh, ikaw ang nagdala sa mga bata rito?" Nilibot niya ang paningin sa condo ko. Well, it's actually a penthouse na binigay lang sa 'kin ng grandparents ko. Pang ilan na rin 'to sa mga apartments ko rin dati. I like living alone—or a place where I can bring girls... Hindi kasi pwede sa bahay namin dahil magiging dragon ang ate ko at magagalit din si mommy. Kahit mahirap din because I don't know how to cook or clean. Nagpapapunta na lang ako rito ng kasambahay galing sa amin.
I sighed weakly. At sinandal na lang ang ulo ko roon habang nakatingin sa kawalan sa harap ko. I feel like I was squeezed out of energy... "I was gonna take only Nonoy..." Tumingin din si Valerie sa bata na mukhang gutom na gutom pang kumakain. Mabuti nga dumating naman agad ang in-order ko lang din na pagkain. Hindi ko pa agad sila napakain. Although bumili na rin kanina sina Ben ng milk. Pero hindi naman ako marunong magtimpla ng gatas ng bata... Mabuti nandito na si Valerie at ginawa na niya lahat. "But he wouldn't go with me without his two younger brothers." I closed my eyes. I was tired.
"Ang ibig mong sabihin..." I heard Valerie talking beside me.
"Yeah. Sabihin na lang natin kanila lola na may tatlo tayong anak..." Halos wala pa sa sarili kong sabi sa kaniya. I was already sleepy...
"Ano?"
"Let's just do it..."I said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro