Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14

Playing House

On days that Valerie don't have work, although it's almost next to impossible now since she started showbiz, nakakasama pa rin naman namin siya ng mga bata.

Sinama namin sina Yaya Florida at Yaya Monika para may makatulong din sa amin ni Valerie sa mga bata. Our family went on a trip. It was also my birthday and I decided to spend it with my family. We went to a beach resort in Batangas. Si Valerie pa ang nagplano nitong weekend getaway namin.

Inside the car while on the road Valerie played some music to which us two and the kids also sang to. Habang nagmamaneho at sumasabay sa kanta ay bumaling ako kay Valerie at ngumiti. Nakatingin na ngumiti rin siya sa akin as she sang, too. Malakas din na kumakanta ang mga bata sa pamilyar na kanta.

Ngumingiti na lang din sa amin sina Yaya Flor at Monik na nakaupo rin sa likod kasama ng mga bata.

And when we arrived at the resort the kids have been already too excited to go on swimming.

"Let's check in our villa first." I told them.

"Awww." At halos magreklamo pa ang mga bata sa sinabi ko.

Bahagya na lang akong ngumisi sa kanila.

We rented a big family villa for two nights and three days stay here. May dalawang kwarto at sa isa ay ang dalawang yayas. Kami naman ni Valerie at ang tatlong bata ay napagdesisyunan na mag-stay sa isang malaking kwarto na may dalawa rin malalaki na kama. Supposedly this room should be for the children. And then the other one was for the couple. Pero s'yempre pinili namin ni Valerie rito at makakasama naman namin ang mga bata.

"This villa is so big! And the rooms also!" said Achi.

"I love the bed! It's so soft and bouncy!" si Ashi naman na tumalon-talon na nga sa kama na sumunod pa si Shin.

Ngumiti lang naman ako sa mga bata. I should give this resort a 5-star review. Since my kids seem to enjoy it.

"Mag-lunch muna siguro tayo. Hindi lang nararamdaman ng mga bata ang gutom dahil excited pa sila mag-swimming. Pero mamaya gugutumin ang mga 'yan." sabi ni Valerie.

Tumango naman ako sa kaniya at pumunta sa telephone ng villa para um-order na lang ng pagkain at may malaking balcony rin naman kami rito where we could probably eat with the beautiful view of the sea in front. At may kitchen nga rin itong villa and dining area.

"We'll just wait for our food and then we'll eat first before going out to the beach or pool, okay?" sabi ko na rin sa mga bata pagkatapos.

Tumango naman sila at pumayag na. Nakikinig naman ang mga bata sa amin ni Valerie kapag pinagsabihan namin sila.

Later ay dumating na rin ang lunch namin.

"How's the food, Achi?" I asked.

"Hmm. Delicious!" He answered and smiled with his teeth.

Ngumiti lang din ako at nagpatuloy sa pagkain.

At nang pagmasdan ko muli ang mga bata ngayon, I have realized that they're different now from they were before. Halos hindi sila nagsasalita noon. Pero dahil kay Valerie na tumulong din sa pag-aalaga sa kanila, somehow they recovered. Hindi rin naging maganda ang experience nila sa orphanage na pinanggalingan. And they also have adjusted to the life they have now with us. Pero nang kausapin ko rin ang teachers nila sa school to ask about the children, sinabi naman sa akin na maganda raw ang ginagawa ng mga bata sa school. I'm just glad that they have become friendly towards other children, their classmates at school as well. At na nakakasabay lang din naman sila sa buhay na mayroon kami ngayon.

"Mommy, I want this." Tinuro ni Shin kay Valerie ang pagkain sa mesa na gusto pa niyang kainin.

I think among our three boys Shin has become the most spoiled... Siguro kasi bunso. At siya rin ang naging sobrang English speaking na. He probably learnt it in daycare o sa mga tinuturo rin sa kaniya ni Valerie noon pa. Or even in YouTube kids. Marami na rin talagang natututunan ang mga bata sa internet ngayon. Kailangan lang din talaga ng guidance ng magulang sa paggamit nito.

"Let's go swimming na!" Ashi excitedly called us just after we had lunch.

Nagkatinginan pa muna kami ni Valerie at pinagbigyan na nga namin ang mga bata. Nang madaanan namin ang pool ay naengganyo rin silang maligo roon pero gusto rin muna nilang makita ang dagat.

Naligo na ang mga bata sa dagat at pinasamahan na lang muna namin sa yaya nila. Busog pa kasi ako at mukhang pagod pa si Valerie sa biyahe namin kanina. Kaya napili naming magpahinga na muna sa may sun lounger habang nakikita pa rin naman namin ang mga bata na nasa tabi lang din naman ng shore nagtatampisaw na binabantayan din ng dalawang yaya nila.

"I kinda feel refreshed..." I said.

"Hmm. It's relaxing here." sabi rin naman ni Valerie.

Ngumiti ako. At pinikit sandali ang mga mata. I thought of taking a nap, pero sayang din naman ang maikling bakasyon namin na ito if only be spend on sleeping. Pagkamulat ko naman ng mga mata ko ay nakita ko na si Valerie na naghuhubad na ng suot niya lang na maxi dress kanina... I think she's now ready to swim...

It revealed her sexy two-piece swimsuit. Umawang pa ang labi ko at hindi ko na maalis sa kaniya ang tingin ko. When we went to Maldives for our honeymoon she didn't really swim. Ako lang ang naligo noon. O kung naligo din man siya noon doon ay hindi ko na masyadong nakita. So this can be like my first time to really see her very hot in her swimsuit...

Valerie's half Russian. I don't know it it's her Russian blood plus the Filipina blood that's making her this oozing hot especially now in her bikini... Damn, girl.

"Hindi ka pa ba mag-s-swimming?" She asked me.

"Y-Yeah. Mag-swimming na rin." I even stuttered. Damn. Damn it.

"Tara na!" And then she beautifully smiled at me before she ran off to where the kids where at the sea.

Mabilis na rin naman akong bumangon at umalis sa lounger para sumunod kay Valerie...

It was a wonderful trip even if it's short. And I hoped that we can have longer vacation next time...

"Your family is in the news, hijo!" si Mommy na nag-aalala na talaga para sa pamilya ko.

Just right after we had that small stay in Batangas, sa mga sumunod na araw news about I and Valerie's family broke out to the public. May mga pictures kami na nagkalat na sa TV at internet. Mga kuha iyon noong nasa resort kami sa Batangas. Valerie probably already has some paparazzi... It can be possible now that she's in showbiz.

"Gus Lozano and rising star Valerie Lavrov, really?"

"We can't say that they're just probably playing house? It's clear in those photographs that they were with children!"

"Anak nila?"

"Probably!"

Kami na nga ang naging laman ng mga balita sa mga celebrity news. At mabilis pang naging engaged ang mga tao.

Pagkatapos ay sinegundahan pa iyon ng ilang media na nandoon din noon sa kasal namin ni Valerie noong wala pa siya sa showbiz. Mga kakilala rin ni Ate Alia sa industriya na naimbitahan na rin noon sa kasal namin when we didn't really know that this would happen.

Kaya lalo pang napatunayan na kasal na nga kami ni Valerie at may tatlong lalaking mga anak...

May pictures na pa nina Achi, Ashi, at Shin na pinakita rin.

I sighed heavily. Nag-aalala ako para sa mga bata at kay Valerie na probably ay hinahabol na ng mga reporters ngayon.

I don't wish to ruin her career.

At ayaw ko rin na sa bata pa nilang edad ay ma expose na ang mga bata sa ganito.

As if I didn't know what to do. "What should I do, Mom... I messed up." I said.

"What? It's not your fault, Augustus. Where's your wife? Si Valerie naman talaga ang pumasok pa sa showbiz at ngayon ay pinapakialaman na ng lahat ang buhay ninyo." Mommy said.

I looked at my Mom. Umiling ako. "Please don't blame it on Valerie, Mom." Kasi hindi niya rin naman kasalanan ito.

Nakikita ko pang hindrance lalo ngayon ang sarili ko sa pag-abot ni Valerie sa pangarap niya.

"Hindi pwede ang ganito, hijo." Mommy said.

At alam kong hindi lang si Mommy. But I don't want my family blaming Valerie. At ayaw ko rin na magbago pa ang tingin nila sa kaniya. My family has accepted Valerie already. Hindi naman matapobre ang pamilya ko. At mabilis nilang tinanggap ang babaeng pinakilala ko at ang tatlong bata. Alam kong nababahiran lang ngayon ang opinyon nila dahil sa nangyayari...

Author's note: hi! Until Chapter 27 was already posted and ready to read in Patreon and my Facebook VIP group! To join VIP kindly message me on Facebook Rej Martinez—my account is temporarily private/locked but anyone can send me a message and I have the same profile picture as the one I use here in my Wattpad profile. Thank you so much for your support!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro