Chapter 11
Chapter 11
Family Day
Gaya nga ng pinlano na namin ni Valerie ay lumabas kami kasama ng mga bata. We brought them to the mall dahil nagpapabili din ng bagong laruan. At pinagbigyan na namin dahil hindi na rin naman kami palaging nakakalabas.
Hawak ko sa magkabilang kamay ko sina Achi at Ashi while Valerie pushes Shin's stroller. Bumitiw lang sa akin ang dalawang bata at agad na tumakbo sa loob ng isang toy store nang makita na nandoon na kami. Nagkatinginan na lang kami ni Valerie at ngumiti sa isa't isa.
We indulged the kids to shopping. Binilhan na rin namin sila ng mga bagong damit at sapatos. And while doing it I realized that I like spending my money like this more. Than how I used to spend it with just parties, alcohol and girls before.
"Ito na, kasya kay Shin." Valerie said while holding a pair of new shoes for Shinya.
Tumango naman ako at nagsabi na rin sa staff na kukunin na namin ang mga sapatos para sa mga bata. And the sales staff politely smiled as she was attending to us.
And then I thought of something. Kaya kinausap ko na rin si Valerie. "I think we're done with the kids. After here let's go and buy you some new things as well." I told her.
Bumaling naman siya sa akin at nagkatinginan kami. "Bibili rin kasi ako ng mga bago ko ring gamit..." idinagdag ko na lang din. So that Valerie won't worry so much...
And she just nodded her head after. I smiled.
So we also went to buy some things for both ourselves. Valerie chose a new pair of her sandals, and then got a couple of new clothes as well. Pero nang magbabayad na ay ayaw niyang ako ang magbayad ng bibilhin niya. "Ayos lang, Gus. Gamit ko naman ito at sumuweldo na rin ako sa modeling job na ginawa ko last time." She said it with a smile.
And although I felt proud of her, I still felt conflicted at the same time. "Uh, that's great. But you live with me, Val... And I feel responsible for all your needs—ng kailangan n'yo ng mga bata." I said and tried to explain, too.
Umiling naman sa akin si Valerie. "Okay lang. At gusto ko rin talagang bilhan ang sarili ko." She smiled like she's proud of herself.
Sa huli ay napangiti na lang din ako sa kaniya.
Pagkatapos ay muling bumaling sa akin si Valerie. "At salamat din nga pala sa 'yo. Kung dati ay nahihirapan talaga akong gawin ito dahil mas uunahin kong magpadala ng pera sa pamilya ko sa probinsya. Pero dahil sa 'yo, nakakapag-provide ako sa pamilya ko... at mabibilhan ko na rin ng konti ang sarili ko ngayon..." She smiled a bit shyly.
Ngumiti naman ako sa kaniya. I'd gladly help her with whatever I can.
Pumili rin ng ilang damit para sa akin si Valerie maybe after she noticed that I only chose a pair of new shoes for myself. "It's all right, I'm all right. Marami pa naman akong mga damit sa bahay." I said. At wala rin talaga sa isip ko ang pamimili para sa sarili. Masaya na ako na nabilhan ko ng mga bagong gamit ang pamilya ko. Bumili nga lang ako nitong sapatos para hindi na sana mag-alala si Valerie na bibilhan niya rin ang sarili niya.
Nakita kong natigilan siya sa hawak pa niyang shirt para sa akin. "Uh... sorry. Naisip ko lang din kasi na gusto rin sana kitang bilhan kahit itong shirt lang..." Parang nahihiya pang aniya.
Bahagyang umawang ang labi ko habang nakatingin ako kay Valerie. Pagkatapos ay nagmamadali rin akong umiling at pumayag na bilhan niya ako ng napili niyang shirt. As if I automatically felt happy as well that she'll buy me something. And it's not because it's her treat. But because I feel like I'm receiving a special gift from her, too...
Sa huli ay binili na nga ni Valerie iyong dalawang T-shirts para sa akin. And I was smiling happily. "Thank you." I told her and I felt really grateful for it.
Tumango naman siya at parang nahihiya pa ring ngumiti rin sa akin. "Simpleng shirts nga lang ito, pasensya ka na."
I strongly shook my head at what she said. "No. It's more than enough, Val. I know that you work hard for this. I am more than grateful. Thank you." I said.
And I saw her cheeks turned more pink. I just smiled. At ginulo na rin kami ng mga bata na mukhang nagugutom na rin sila.
Pagkatapos ay kumain na rin kami sa labas. And it's just in the usual fast food that kids love. I would want them to eat a healthier meal, pero kung dito rin naman gusto ng mga bata at minsan lang din naman tingin ko ay ayos lang din iyon.
"Spaghetti!" Shinya said at sinubuan na siya ni Valerie ng gusto niyang pagkain.
And I watched as Valerie smiled as she wiped off some Spaghetti sauce on Shin's lips.
Magana ring kumakain ng fried chicken naman sina Achi at Ashi. At kumain na lang din ako ng pagkain ko habang may ngiti sa mga labi. I just felt happy to spend this day with my family.
"What will you say to your Dad?"
Nagulat pa ako nang magsalita si Valerie nang araw ding iyon na namasyal kami ng mga bata. Bumaling naman sa akin ang talong bata. "Thank you for today, Daddy!" Halos magkakasabay din na sinabi nila sa akin.
My lips parted. But then I just smiled and I felt really happy in my chest.
"Oo nga pala, Gus. Nakausap ko ang teacher nina Achi nang sunduin ko sila sa school noong isang araw. Nagsabi pala si Teacher Grace na may Family Day raw sila next week." Valerie told me.
Tumango agad ako sa kaniya. "All right. I'll take an absent from work that day." I immediately said. "How about you?" I asked because she might have work by then...
Pero mabuti naman ay umiling si Valerie. "Hindi pa ako busy next week kaya may time ako para sa mga bata at school nila." She smiled.
Ngumiti na rin ako.
And then the Family Day to the kids' school came. Nakapagpaalam na ako kanila Dad at Kuya Austin na hindi muna makakapasok ngayon sa trabaho because I'll be with my kids to their activity at school. At pinayagan lang din naman agad ako nina Daddy. Si Valerie naman ay wala rin trabaho kaya maayos ang lahat nang araw na 'yon.
And over breakfast while we're still preparing to go to their school, I heard from Manang that Valerie even woke up very early to make and prepare snacks na babaunin namin mamaya sa school ng mga bata.
"Really?" I smiled when I looked at Valerie.
Bumaling din siya sa akin at ngumiti.
"Kids, what will you say to Mommy?" I asked the three boys.
At sabay-sabay naman silang bumaling kay Valerie and said, "Thank you, Mommy!" They said in unison.
Ngumiti naman si Valerie sa mga bata. "You're welcome." She said and then she looked at me too with a smile on her beautiful face.
Pagkatapos ay umalis na rin kami ng bahay para pumunta na sa school ng mga bata.
"Careful, kids." I said because they were running again as soon as we arrived.
Napailing na lang ako at napangiti rin habang pinagmamasdan sila. Ang kukulit din talaga ng mga bata. But then my Mom said that it's normal especially for kids their age kaya kailangan din talaga naming magpasensya ni Valerie. And I remember seeing Valerie nodding to my Mom that day and she looked really determined. And her determination has always motivated me to do well with raising the kids as well...
I saw that the kids ran to their teacher. Nakasunod din kami ni Valerie at kinausap din muna si Teacher Grace, Achi's teacher. "Welcome to our school, Mr. and Mrs. Lozano. I hope you will enjoy our Family Day." She politely and smilingly said to us.
Ngumiti naman kami ni Valerie sa teacher at tumango. Pagkatapos ay giniya na rin kami nito sa paggaganapan ng activity.
Sinama rin namin ni Valerie si Shin. She's busy with the kids kaya kinuha ko na rin muna ang bunso namin sa kaniya. Kasi inaasikaso pa rin niya sina Achi at Ashi. Inaayos niya ang mga t-shirt na suot ng mga bata. And by the way the five of us all wore a matching T-shirts for this family day. And I don't know why... but it just made me happy as well. Nang mapansin ko ang pagkakapareho lang naman ng mga suot naming shirts ay natuwa na agad ako nang maisip na parang isang pamilya na talaga kami...
"Gus, ako na kay Shin. Samahan mo na muna sina Achi at Ashi sa isang laro."
Bumaling ako kay Valerie na kinukuha na sa akin si Shinya.
"Tingin ko rin ay ikaw ang mas bagay na sumama sa mga bata sa laro nilang 'to." She smiled at me.
Tiningnan ko ang mangyayari at nakuhang mukhang tama nga si Valerie. And besides it's announced that it's a game to be played by the kids and their Dad... Ngumiti na lang ako at hinihila na rin ako nina Achi at Ashi who were already very excited with the game. And I smiled at my kids' excitement.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro