Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Hi! You can now read up to Chapter 20 of this story in Patreon and Facebook VIP group. To join VIP kindly message my Facebook profile Rej Martinez (it's private/locked temporarily but anyone can send me a message and I have the same profile picture as the one I have here in Wattpad). Thank you for your support!

Chapter 10

Children and Responsibility

"Stupid asshole." Binatukan ni Ben ang kapatid niya pagkatapos marinig ang mga sinasabi nito.

"Aw!" Nagreklamo agad si Bray sa pambabatok ng kapatid niya.

Tumingin sa akin si Bently. "You're still legally married. And do not be reckless. Mabilis ang balita lalo na sa 'yo. Sige lumabas ka ngayon at sumama sa gagong 'to." baling niya sa kapatid. "Bukas nasa news ka na at may issues na naman."

That's true. Kahit dati pa ay nababalita na nga rin ako. I'm not even some kind of a celebrity. Kilala lang din ang pamilya namin. Kaya nga may mga nalaman na rin tungkol sa akin si Valerie noon pa dahil laman din ako ng mga issues sa balita. I sighed.

"Natahimik na ang buhay mo for the past many months, Gus. Ayaw mo ba nang ganito?" Ben asked me.

"Come on, kuya. Is this your sign of aging? Anong tahimik na buhay?" reklamo muli ni Bray sa kapatid niya.

Muli lang siyang binatukan na naman ni Ben and Bray just almost cried like a girl. Ngumisi lang naman ako habang tinitingnan ang pinsan ko.

And then Ben looked at me again. "Think about all your decisions now, Gus."

Tumango na lang din ako kay Ben. He's right...

Shin started going to school as well. Mukhang naiinggit na kasi sa mga kuya niya na palaging pumapasok sa school at naiiwan siyang mag-isa sa bahay kasama lang ang yaya. Valerie's busy with work now, so I was the one who first brought Shin to the daycare.

And Shin cried on his first day. He was looking for Valerie.

"Mommy can't be here, Shin. She's working." I told him.

He still cried.

I sighed as I looked at him. Nagkatinginan kaming dalawa. In the end I just brought him back home pagkatapos ko rin siyang dinaan din muna sa mall para patahanin sa pag-iyak.

Hindi na rin ako nakapasok pa sa trabaho at nagpaalam na lang kay Kuya Austin na hindi ko maiwan si Shin ngayon. His big brothers were already at school. Wala rin si Valerie rito sa bahay at hindi ko naman siya maiwan sa yaya dahil umiyak na naman pagdating namin sa bahay.

He was actually okay earlier nang papunta pa lang kami sa daycare. Kaya nga akala ko ay okay na. Pero pagdating doon ay ayaw niyang sumama sa teacher niya na pinapapasok na siya sa classroom nila. We thought he wanted so much to go to school already. Pero mukhang nagbago ang isip.

"What do we do now, Shin?" I asked him.

Okay lang naman kung ayaw na niyang bumalik sa daycare. He's still three kaya tingin ko ay ayos lang naman siguro kung hindi pa muna siya mag-aral. We only tried to bring him to daycare dahil sinabi naman niyang gusto niya na rin mag-school kagaya sa mga kuya niya.

"Ice cream." He said after a while and he also already stopped crying this time. Pero kung umalis ako kanina at pumunta sa trabaho ay baka hindi pa rin ito tumahan. Ayaw din kasi niya akong paalisin kanina kaya hindi na rin ako umalis.

I smiled. At bahagya kong ginulo ang buhok niya. And then I pinched his chubby cheek softly. The kids grew big with proper nutrition since I got them from the orphanage. Kung saan naman mukha talagang hindi sila nakakakain nang maayos doon. "All right." I smiled to him.

So I brought Shin out again for ice cream. I bought him new toys earlier at the mall so he'd stop crying. Pero gusto rin pala niya ng ice cream.

Pagbalik namin ng bahay ay nandoon na rin si Valerie. Nakapag-usap din kasi kami kanina sa phone call dahil kay Shin na umiyak sa first day ng daycare niya.

"Mommy!" Shin ran to her.

Ngumiti na lang ako habang tinitingnan si Valerie na nag-s-sorry sa bata dahil hindi niya ito nasamahan ngayon sa daycare.

"Nakita niya kasi na noong first time din ni Ashi sa daycare ay hinatid namin siya at sinamahan." Valerie said.

I nodded. "Kaya siguro. Maybe he thought that you'd also be with him..."

Now the other two boys are already okay with just their nannies na kasama nila sa school. Because I and Valerie can't anymore since we're working.

Tumango rin si Valerie. "Kaya nga..." At tiningnan niya si Shin na ngayon ay nakatulog na rin. "Try ko siyang samahan bukas sa daycare. Baka gusto pa rin naman niyang pumasok doon."

"Are you sure? Aren't you busy?"

She shook her head. "Hindi naman. I have a free time tomorrow. Wala rin akong gagawin talaga bukas. Kaya masasamahan ko pa si Shin."

Tumango na lang ako. "All right."

Pagkatapos ay mula kay Shin bumaling sa akin si Valerie. "Hindi ka na nakapasok sa trabaho mo ngayon?" she asked me.

Umiling ako. "Hindi na. Hindi ko maiwan kanina si Shin."

"Pasensya ka na. Dapat ay ako ang nag-aalaga sa kanila..."

Umiling naman ako sa sinabi niya. "It's all right. Hindi mo naman responsibility ang lahat. I'm also here..." I told her.

"I mean, you're still paying me to do these things for you..." Nagkatinginan kami. Umiling siya. "Pero napapabayaan ko na rin pala ang trabaho ko sa 'yo. Alam kong hindi pa tapos ang contract natin."

Napatango na lang ako. "It's all right..." I just said. And then I didn't know what to say next.

"We have nannies. So you don't really have to deal so much with the kids..." sabi ko na lang pagkatapos pa ng ilang sandali.

Umiling naman si Valerie habang tinitingnan muli si Shin bago bumaling uli sa akin. "Responsibilidad ko pa rin sila bilang ina nila, Gus... Kahit pa hindi naman talaga ako ang nanay nila..." She said as her eyes went back to the sleeping Shin.

Napaisip din ako sa sinabi ni Valerie. Ako rin ang kinikilalang ama ng mga bata ngayon. And I realized that Valerie's right. These three boys were our children and responsibility...

Noong una ay hindi ko pa siguro talagang naramdaman ang bigat ng responsibilidad ko sa mga bata. Lalo pa at ako ang kumuha sa kanila sa orphanage. Then I should really take care of them and protect them since I took them in. It's my responsibility as the person who brought them here, and in this situation...

"Gus?" Valerie called me.

"Yes?" I spaced out a bit.

"Bukas ihahatid at sasamahan ko si Shin sa daycare niya. Ikaw naman ay pumasok ka na sa work mo. Pagkatapos ay pwede ba nating ipasyal ang mga bata? Namiss ko rin kasi sila." She said as she smiled a bit.

Agad naman akong tumango at pumayag. Ngumiti rin ako sa kaniya. Namiss ko rin siya, I mean kami ng mga bata namiss din namin siya... Na nandito lang siya noon madalas sa bahay. Ngayon kasi ay minsan hindi pa siya nakakauwi sa bahay namin because she's out working on her career...

Tumango sa akin si Valerie at ngumiti. Pagkatapos ay narinig namin ang boses nina Achi at Ashi na papunta na sa amin. And Valerie excitedly welcomed the two boys as well. And she really looked like she missed the kids a lot.

And as I watched her with the kids I realized that she might have already grew attached to them... At na realize ko na ako rin naman. I already grew more closer to this family...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro