Chapter 9
Enemy
Dahil sa sinabi niya ay hindi ko napigilang siilin ulit siya ng halik. Napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi when I saw how red her lips is after our deep kiss.
"Wala ng bawian," sabi ko sa kanya kaya naman mapula niyang pisngi ay mas lalong namula.
"Hindi ko babawiin," laban niya sa akin kaya naman halos mapapikit ako ng mariin dahil sa saya na nararamdaman ko.
"Girlfriend na kita. Girlfriend na kita..." paulit-ulit na sabi ko. Hindi din ako makapaniwala. Gusto ko lang siya noon, I've been eyeing her since our highschool days at ngayon kami na talaga.
Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang palabas kami ng building para ihatid ko na siya papunta kay Kuya Wil. I even asked her kung pwedeng kumain muna kami sa labas to celebrate pero she has something to do and it's a family matter kaya naman nirespeto ko.
"Pwede tayong lumabas bukas..." sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
Marami pang pagkakataon na pwede naming I-celebrate ang pagiging official namin. At mukha hindi ako magsasawang araw-araw na I-celebrate 'yon with her.
Matalim kaagad ang tingin ni Kuya Wil sa akin at sa magkahawak naming kamay ni Ahtisia. Itinaas ko ang kamay namin.
"Kami na, Kuya Wil," pagyayabang ko sa kanya.
Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko ay baka lahat ng nakasalubong namin kanina ay alam na.
Mula sa akin ay lumipat ang tingin niya kay Ahtisia na para bang he wants to confirm it kay Ahtisia dahil hindi siya naniniwala sa akin.
"Boyfriend ko na po si Hunter, Kuya Wil," sabi ni Ahtisia sa kanya kaya naman parang may kung anong tumalon sa dibdib ko nang hindi niya ako tinanggi.
We exchanged messages simula nang maghiwalay kami. She even send me every update sa family gatherings nila. Looks like maayos na ang Daddy at Mommy niya kaya naman masaya na ulit si Ahtisia.
"Ang ganda ng ngiti ng bunso ko," Puna ni Daddy sa akin pagkababa ko ng sasakyan.
Mukhang kararating niya lang din from work at nang makiang papasok ang sasakyan ko ay hinintay muna ako bago pumasok.
Ngumisi lang ako kay Daddy. He pointed his finger sa mukha ko.
"Alam ko 'yang ngiting 'yan. Ipakilala mo sa amin 'yan," sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong napangisi.
"Sa susunod, Dad."
Naka-akbay si Daddy sa akin habang papasok kami sa bahay. Nawala ang ngiti sa labi nang makita namin ang nakabusangot na mukha ni Kuya Hob.
"May girlfriend na si Hundson," pagbibida ni Dad sa kanya.
Tamad siyang tumango. "Kaka-break lang namin ni Isabela," he said kaya naman nakita ko ang gulat ni Daddy.
Hindi tuloy alam ni Daddy kung lalapitan niya si Kuya Hob o kung ano. Inirapan niya kaming dalawa bago siya dumiretso sa dinning kung nasaan si Mommy.
Pinagalitan ni Mommy si Daddy ng malaman niya ang nangyari sa may living room kanina. Pinanuod ko kung paano maganang kumain si Kuya Hob. Masaya o broken hearted...matakaw na talaga siya.
Imbes tuloy na ipakilala si Ahtisia kay Kuya Hob ay hindi ko na muna itinuloy. Naisip ko ding mas magandang kaunti lang ang nakakaalam sa relasyon namin. Hindi naman namin itatago...kung may magtatanong naman ay hindi ko din itatanggi.
Hindi deserve ni Ahtisia na itanggi siya. Kahit sinong maging boyfriend niya ay siguradong magiging proud na siya ang girlfriend. Ako lang ang magiging boyfriend niya. Ngayon pa lang ay hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman sa tuwing naiisip kong may iba pa siyang magiging boyfriend bukod sa akin.
Ako lang.
Tanghali pa ang pasok ko kinabukasan kaya naman nang magpasama si Mommy sa isang mall para daw bumili ng regalo para sa kaibigan ay sumama na din ako.
I bought a gold necklace na may pendant na letter A para kay Ahtisia. Kahit naman kami na ay hindi pa din ako titigil na ligawan siya.
"It's my gift for her. She makes you smile kaya..." Mommy said nang bilhan niya si Ahtisia ng White Chanel card holder with chain.
"Thanks, Mom. For sure magugustuhan mo siya pag nagkita kayo," paninigurado ko sa kanya.
Pinagtaasan lang niya ako ng kilay bago siya ngumiti sa akin.
Pumasok na ako sa university matapos ang lakad namin ni Mommy. Ala-una trenta pa ang unang klase ko para sa araw na'to kaya naman hinintay ko si Ahtisia sa cafeteria para sabayan pa ding siyang mag-lunch kahit kumain na kami ni Mommy sa labas.
Nag-angat ako ng tingin nang mapansin ko ang pagpasok ni Ahtisia kasama ang mga bago niyang kaibigan. Nakangiti siya habang nakikipag kwentuhan sa mga ito. Masaya akong makitang may mga kaibigan na siya ngayon.
Nilingon niya ako at ngumiti sa akiN. Nakita ko ang tingin ng mga kaibigan niya sa akin na para bang nahihiya sila at magpapaalam na sana pero pinigilan sila ni Ahtisia.
"Ipapakilala ko kayo kay Hunter," sabi niya sa mga ito kaya naman tumayo na ako para salubungin siya.
Nasa mga kaibigan pa niya ang atensyon niya nang lumapit ako para humalik sa pisngi niya.
"Hi baby," tawag ko sa kanya kaya naman nakita ko kung paano nagtinginan ang mga kaibigan niya.
Ngumiti si Ahtisia sa akin.
"Mga kaibigan ko..." pagpapakilala niya sa akin sa mga ito.
Isa isa niyang sinabi ang mga pangalan nila kaya naman tumango ako at nakipagkilala din. Kaibigan sila ng girlfriend ko kaya naman walang magiging problema sa akin kung maging kaibigan ko din sila.
"Doon na muna kami, Ahtisia. Para hindi naman kami maka-istorbo sa inyo..." sabi ng mga ito.
"Nag-order na ako para sa'yo. May meatballs...at veggies," sabi ko sa kanya habang naka-taas ang kilay ko.
Hindi mahilig sa gulay kaya kailangan talagang alagaan sa pagkain ang isang 'to.
"Ang sweet naman ng Mommy mo," nakangiting sabi niyang nang buksan niya ang regalo ni Mommy para sa kanya.
"She wants to meet you. Excited na siyang makilala ka," kwento ko sa kanya.
Hindi ko napigilang humilig para humalik sa pisngi niya nang makita ko ang pagkakaumbok non dahil sa pagngiti niya.
"Masyado tayong showy..." suway niya sa akin kaya naman napangisi ako.
"Sinong hindi magiging showy kung kasing ganda mo ang girlfriend?' laban ko sa kanya kaya naman napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng sikuhin niya ako.
After ng gift ni Mommy ay tsaka ko lang ibinigay sa kanya ang necklace na regalo ko for her ng kaming dalawa na lang. Muling nanlaki ang mata niya nang ilabas ko 'yon.
"Anong meron? Ang daming regalo..." puna niya habang hindi pa din maalis ang ngiti sa labi niya.
Naghiwalay lang kaming dalawa nang kinailangan na naming pumasok sa kanya kanya naming klase.
Panay ang pang-aasar ng mga kaibigan ko sa akin ng makita daw nila ang nangyari sa cafeteria kanina.
Nag-focus ako sa lessons lalo na at kampante naman akong maayos na ang trato ng mga kaklase ni Ahtisia sa kanya ngayon. May mga kaibigan na din siya.
"I heard about you and Kuya..." bungad ko kay Isabela nang magkasalubong kami sa hallway pagkatapos ng klase ko.
Tamad siyang tumingin sa akin. "We're done," she said.
"Are you ok?" tanong ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Ofcourse. Hindi lang ang Kuya mo ang lalaki sa mundo," laban niya sa akin kaya naman tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
Inihatid ko si Isabela sa next building niya since doon din naman ang daan ko papunta sa susunod kong klase.
"Kayo na daw ng alaga mo?" tamad na tanong niya sa akin.
Nalukot ang mukha ko dahil sa narinig. "Stop calling Ahtisia na alaga ko. I'm her boyfriend not a baby sitter," suway ko sa kanya.
Ngumisi siya at umirap sa akin. "Masyado kang affected. Binata na si Hundson namin..." pang-aasar niya sa akin.
"Ahtisia is a very nice girl. I love her so please..." sabi ko sa kanya kaya naman halos mamuti nanaman ang mata niya dahil sa pag-irap.
Itinaas niya ang magkabilang kamay niya na para bang suko na siya at hindi na lalaban pa.
"Wala kang maririnig sa akin about your relationship with her. Pero always remember na I warned you," pahabol pa niya.
Hindi na lang ako umimik para hindi na humaba pa ang pag-uusap namin tungkol sa mga bintang nila kay Ahtisia.
"Where's Sov by the way?" tanong ko.
Kung hindi tahimik sa tuwing magkakasama kami ay hindi naman naman nagpapakita sa amin.
"Kasabay ko siyang maglunch kanina," she said.
"Ayos lang ba siya?" tanong ko.
"You know naman na napipilitan lang 'yong sumama kay Jasper dahil sa utos ni Tito," sabi niya sa akin kaya naman nag-alala ako para sa kaibigan.
"Magkasama sila ngayon?' galit na tanong ko.
Pinanlakihan ako ng mata ni Isabela.
"Nagseselos ka?" tanong niya sa akin kaya naman halos malukot ang mukha ko.
Saan nanggaling ang tanong na 'yon? Galit ako dahil kaibigan ko si Sov. Kung hindi pala siya kumportable na kasama si Jasper ay dapat alisin si Jasper sa landas niya. Ang gagong 'yon.
Nagsend ako ng message kay Sov to ask her if she's ok or if she needs help. Tsaka lang ako nakampante kahit papaano nang mag-reply siya sa akin na ayos lang siya at medyo busy lang talaga sa school work since hindi naman talaga niya gusto ang course niya in the first place.
Araw ng sabado ay sumama ako sa ballet class ni Ahisia since wala akong training para sa week na 'to.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya simula ng lumabas siya sa locker room nila suot ang tights and leotard niya. Nakataas na din ang buhok niya kaya naman kita ko nanaman ang leeg niya.
Nakangiti siyang lumapit sa akin para iabot ang phone niya. Humilig ako para humalik sa leeg niya. I love to give her neck kisses.
"Pag nainip ka...may games ako sa phone," sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako.
"Hindi ako ma-iinip," paninigurado ko.
Tumulis ang nguso niya. "Uhm...password ng phone ko yung date kung kailan naging tayo," sabi niya sa akin kaya naman hindi nanaman ako nakapagsalita.
Hulog na hulog ka nanaman, Hundson!.
Umalis si Ahtisia para simulan ang ballet class niya. Kahit hindi pwede sa loob ay kita ko naman ang ginagawa nila dahil sa glasswall.
Kung gumalaw siya ay para bang lumulutang siya sa ere. Importante ang class nila ngayon dahil magkakaroon ng elimination para sa pagpili ng magiging odette sa play nila.
She wants to have the main role since 'yon daw ang gusto ng Mommy niya.
Habang pinapanuod ko siya ay nakita kong walang duda na she'll have it.
Halos patalon siyang yumakap sa akin pagkatapos ng klase nila nang sabihin niya sa akin ang balita.
"Pasado ako for the next round," sabi niya sa akin kaya naman hindi ko ma-iwasang hindi maging masaya para sa kanya.
Mula sa pito ay tatlo na lang silang pagpipilian.
"Makukuha mo 'yan. Ikaw ang pinakamaganda at magaling," sabi ko sa kanya kaya naman namula nanaman ang magkabilang pisngi niya.
Hihintayin ko na lang sana siya sa labas ngunit hinila niya ako papasok sa locker room nila.
"Pag boyfriend ng ballet dancer pwede pumasok dito," nakangiting sabi niya sa akin. Unti-unti niyang ipinapakita sa akin ang pilya niyang side kaya naman mas lalo akong natutuwa. Unti-unti na siyang nagiging open sa akin.
"Upo ka muna, bihis lang ako..." sabi niya sa akin.
Tatalikuran na sana niya ako ng kaagad ko siyang hinila pabalik sa akin para muli siyang siilin ng halik. Hindi naman siya tumanggi at halos tumingkayad pa para yumakap sa leeg ko at maabot ako.
"Hunter..." tawag niya sa akin nang unti-unting bumaba ang labi ko papunta sa leeg niya.
I'm obsessed kissing her neck.
Ang kamay kong nasa bewang niya lang kanina at dahan dahang lumipat sa ibang parte ng kanyang katawan.
"Uhm...Hunter nakikiliti ako," reklamo niya dahil sa pagpapa-ulan ko ng halik sa leeg niya.
Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya naman mahigpit ko na lang siyang niyakap habang habol ang hininga ko.
"Am I too fast?" tanong ko.
Takot akong mabigla siya sa akin o ma-turn off.
Tipid siyang umiling. "A-ayos lang..." sagot niya kaya naman mas lalong napahigpit ang yakap ko sa bewang niya.
"Sa labas na ako maghihintay," mariing sabi ko.
After ng ballet class niya ay kumain lang kami ng lunch bago kami pumunta sa next appointment niya which is sa driving lessons niya. Wala si Kuya Wil ngayon kaya naman masaya akong samahan siya kung saan niya kailangang pumunta.
"Nagulat na lang ako inalok nila ako na sumali sa grupo nila," kwento niya sa akin tungkol sa mga bago niyang kaibigan.
"Ayos naman sila sa'yo?" tanong ko.
Kaagad siyang tumango bilang sagot.
"Mababait naman sila sa akin," sabi pa niya kaya naman tumango ako.
She's a fast learned kaya naman kahit ilang beses pa lang naituro sa kanya ang pagmamaneho ay nasusundan niya kaagad. Ang kaso nga lang ay napapangunahan minsan ng takot kaya naman pahinto-hinto pa din ang pagd-drive niya.
"Ako ang unang passenger mo pag may sasakyan ka na," sabi ko sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin na para bang nahihiya siya.
"Kailangan kong mag-practice ng mabuti," sabi niya sa akin.
Naging abala siya sa group chat nilang magkaka-ibigan para daw sa mga school activities nila. Hinayaan ko munang wala ang atensyon niya sa akin matapos ang driving lesson niya dahil importante ang school work.
Narinig ko ang pagsinghap niya habang nakatingin sa phone niya kaya naman nilingon ko siya.
"May problema?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"May nag-send ng picture sa group chat namin," pagsisimula niya.
Tipid akong tumango. Nakita kong nagdadalawang isip pa siyang ipakita sa akin ang phone niya.
"Di ba...Si Sovannah 'to?" tanong niya.
Nakita ko ang picture kung saan nasa isang party si Sov kasama ang mga volleyball teammate ni Isabela. Naalala ko ang suot nilang dalawa nung araw na nagpasundo silang ng lasing sa akin at inumaga na.
Mas lalong nag-init ang ulo ko ng makita ko ang sumunod na picture. Mukhang tipsy na si Sov nang mapapicture siya kasama si Jasper na grabe ang pagkakahapit sa bewang niya. Ang sumunod na picture ay nagbubulungan sila hanggang sa makita sa litrato kung paano siya hinalikan nito sa leeg.
"Tangina," madiing sambit ko na ikinagulat ni Ahtisia.
"I...I'm sorry," sabi ko sa kanya at pilit na pinakalma ang sarili.
"Uhm..." gusto niyang magsalita pero hindi niya alam ang sasabihin niya.
Walang pagdadalawang isip kong kinuha ang phone ko to call Sov pero hindi siya sumagot. Sa huli ay si Isabela ang tinawagan ko kaya naman sumagot siya.
"Nasaan ka?" tanong ko sa kanya.
Sinabi naman niya kung nasaan siya kaya naman sinabi kong hintayin niya ako.
Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ahtisia na kailangan kong puntahan ang mga kaibigan ko. Ayokong madamay siya dito.
"Sasamahan kita," sabi niya sa akin kaya naman sinama ko siya papunta kay Isabela.
Nasa isang coffee shop siya para mag-review. Susunod si Sov doon kaya tamang tama at makakausap ko silang dalawa ng maayos.
Nagtaas siya ng kilay nang makita niyang kasama ko si Ahtisia.
"I thought it's between you, me, and Sov?" tamad na tanong niya sa akin.
"I'm with my girlfriend," pagtatama ko sa kanya.
Umirap lang siya sa kawalan.
I ordered some drinks for Ahtisia habang hinihintay namin ang pagdating ni Sov. Maya't maya ko naman siyang tinatanong kung ayos lang siya. Ayokong maramdaman niyang out of place siya.
Hindi nagtagal ay dumating si Sovannah. Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya, si Isabela lang ang inaasahan niyang dadatnan dito.
Hindi na kami nagpaligoyligoy pa at pinag-usapan na kaagad namin ang tungkol sa mga lumabas na pic.
"Siraulo pala mga group of friends mo. Talagang pinagpasahan niyo pa sa group chat," inis na sabi ni Sov kay Ahtisia na para bang siya ang may kasalanan.
"Pinasa ng mga kaibigan niya. Hindi ginusto ni Ahtisia na makita," pagtatanggol ko sa girlfriend ko.
"Hindi na ako magtataka kung isa sa inyo ang source," sabi pa ni Isabela.
"Pwede ba. I'm sure nasa circle ni Jasper ang nagpakalat ng litrato," sabi ko sa kanila.
Sov is crying habang ikinikwento niya kung bakit ilang araw na siyang tahimik. Hinalikan siya sa leeg habang wala siya sa tamang wisyo at hindi lang basta basta 'yon.
"Hindi pwedeng malaman ni Daddy. May malaking case siyang hawak kasama ang Daddy ni Jasper," sabi ni Sov sa akin.
Mas lalo akong nagalit. "Hindi pwedeng palagpasin lang 'to. Let's talk to Tita," sabi ko sa kanya.
Mas lalo siyang umiyak. "I don't know what to do."
Gusto ko tuloy hanapin si Jasper ngayon at basagin ang pagmumukha niya.
Naging abala kami para hanapin kung sino ang source ng kumalat na pictures. Naagapan din naman kaagad dahil hindi kumalat 'yon sa buong university. Takot ding magbigay ng opinyon ang iba tungkol kay Sov lalo na't alam ng lahat na kilalang abogado ang Daddy niya.
"May pupuntahan kaming kaibigan mamaya para magpatulong," paalam ko kay Ahtisia.
Hindi kami makakapagkita mamayang uwian dahil maaga akong aalis ng campus para magpatulong sa mga kaibigan naming maging pagdating sa mga computer.
"Ayos lang. Sana matapos na yung issue para maging ok na ulit si Sov," sabi niya sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Thank you for being so understanding," malambing na sabi ko.
"Bago pa man ako dumating kaibigan mo na sila. Hindi naman pwedeng dahil nandito na ako matitigil ang pagkakaibigan niyo. Kaibigan ko din ang mga kaibigan mo, Hunter..." sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong gumaan ang loob ko.
"Kasama mo si Kuya Wil? Text me ever now and then," sabi ko sa kanya nang magpaalam din siyang aalis sila ng mga kaibigan niya para sa group project.
"Isang sasakyan lang daw kami ng mga kaibigan ko para hindi hassle. Hindi ko isasama si Kuya Wil. Magpapasundo na lang ako pag tapos na ang gagawin namin," sabi niya sa akin.
"Text or call me..." paalala ko sa kanya.
Naghiwalay kami ni Ahtisia para pumunta sa kanya kanya naming appointment.
Kasama ko si Sov at Isabela para to meet our friends. Madali lang daw malalaman kung saan nanggaling ang pics pero medyo may katagalan. Kung paano nila gagawin 'yon, hindi ko din alam.
Masyado akong focus sa pinag-uusapan namin na hindi ko na napansin ang phone ko. Unti-unting pumatak ang ulan hanggang sa bumuhod 'yon kaya naman nagtagal pa kami sa meeting place namin.
"Shit!" daing ko nang makita ko ang messages mula kay Ahtisia.
"Bakit?" tanong ni Isabela.
"Nagpapasundo si Ahtisia sa akin. Mauuna na muna ako," paalam ko sa kanila.
"What? Wala akong dalang sasakyan!" giit nito.
"Susunduin ko muna, ang lakas pa naman ng ulan."
"May driver naman 'yang girlfriend mo. Bakit hindi siya magpasundo sa driver niya?"
Hindi ko na lang siya pinansin pa at nagpaalam na talaga sa kanila para puntahan si Ahtisia. The last message she sent me ay ang location kung nasaan siya.
I tried to call her phone a couple of times pero hindi na siya sumasagot. I even cal Kuya Wil pero maging siya ay hinahanap din daw si Ahtisia.
Kahit madulas ang kalsada at malakas ang buhos ng ulan ay naging mabilis ang pagmamaneho ko. Medyo nahirapan akong hanapin ang location niya lalo na't ilang kalsada ang nagsara dahil sa biglaang pagbaha.
Nakita ko siyang mag-isang nakatayo sa lumang bus stop at nakayakap sa kanyang basang katawan.
"Damn," madiing sabi ko ng makita kong naginginig siya habang umiiyak.
Kaagad ko siyang hinila papasok sa sasakyan ko.
"Nasaan ang mga kasama mo?" tanong ko.
"Ibinaba nila ako dito kasi out of the way na daw. Hindi ko alam yung lugar na'to," sumbong niya kaya naman halos sumama ang tingin ko sa kung saan.
"Maghubad ka," utos ko sa kanya nang kuhanin ko ang jacket sa backseat ko.
Mas lalo siyang giniginaw dahil sa suot niyang basang damit.
Walang pagdadalawang isip ko siyang tinulungan hanggang sa maiwan sa kanya ang suot niyang panloob. Walang kaso 'yon sa akin. Ang importante ay makapagpalit siya ng damit.
"Sabi ko na..." umiiyak na sambit niya.
"Hindi naman talaga nila ako itinuring na kaibigan," sabi pa niya.
Mas lalo akong nakaramdam ng galit.
"Gusto ko lang ng totoong mga kaibigan," sumbong pa niya at tuluyan ng umiyak.
"Shh...baby," tawag ko sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa huminahon siya.
"S-sa kanila galing 'yong pictures," pag-amin niya na ikinagulat ko.
"I-inutusan din nila akong tumulong na magpakalat...I'm sorry. Hindi ko ginawa, I promise hindi ko sila sinunod," umiiyak na sabi niya sa akin.
I'm speechless.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro