Chapter 8
Locker
Isang beses pa ulit kong sinamaan nang tingin kung nasaan sin Sov at Jasper bago ko inilipat ang tingin ko sa tahimik na si Ahtisia. Parang bumalik ako sa wisyo nang makita ko kung paano siya yumuko at manahimik habang inaabala ang sarili sa hawak na inumin.
"The mini cooper suits you," sabi ko. Dahil doon ay tsaka lang siya nag-angat ulit ng tingin sa akin.
Tipid siyang ngumiti. "'Yon ang balak kong ipabili pag may driver's license na ako," kwento niya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. "Ako na lang ang matuturo sa'yo," sabi ko sa kanya.
Bumaba ang tingin ko sa labi niya at sa kung paano niya bahagyang kinagat-kagat ang dulo ng straw.
"Hindi ka nga sumusunod sa stop light," giit niya kaya naman mariin akong napapikit at natawa.
"Susunod na ako sa stop light next time," laban ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at muli na lang sumipsip sa hawak niyang drinks. Ibinigay ko kay Ahtisia ang buong atensyon ko dahil 'yon naman ang tama. Siya ang ka-date ko kaya she deserves all my attention.
Sovannah is my friend. Kung gusto niya talagang I-pursue kung anong meron sila ni Jasper ay kailangan kong tanggapin 'yon. She's old enough para mag-decide for her self kung sino ang gusto niya. Wag lang siyang gagaguhin ng Jasper na 'yon dahil wala din naman akong hindi gagawin para sa mga kaibigan ko.
After we ate ay pumunta na muna kami sa malapit na mall since she needs to buy something. Ayaw pa nga niya na ako ang kasama nung una but I insisted. Nauna kaming umalis kina Sov. Tipid lang siyang tumango sa akin ng dumaan kami sa harapan nila. Tinawag pa ako ni Jasper pero hindi ko siya pinansin, Sino ba siya?.
Tahimik akong nakasunod kay Ahtisia habang abala siya sa pamimili ng mga skin care products na ginagamit niya daw.
"You don't actually need that kasi maganda ka na kahit walang ganyan," puna ko sa kanya.
Unti-unting namula ang pisngi niya because of the compliment.
"Masyado akong pale tingnan pag walang ganito," laban niya sa akin.
Kung ano anong make up product ang hinawakan ko at tingnan pero ni isa doon ay hindi ko alam kung paano at kung para saan bukod sa lipstick.
"'Yan ang ginagamit mo sa buhok mo?" tanong ko nang makita ko ang paghawak niya sa bote ng shampoo.
Tumango siya sa akin. "Mabango ba 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Oo, tsaka malambot sa buhok," sabi pa niya sa akin.
Ngumisi ako. Kung isa-sales talk niya ako ngayon ay baka bilhin ko ang lahat ng stock ng ganoong klase ng shampoo.
"Yan ang gamit mo ngayon?" tanong ko pa ulit sa kanya kahit obvious naman ang sagot na Oo dahil 'yon nga daw ang shampoo niya. Tangina, Hundson.
"Oo," mahinang sagot niya.
Isang beses akong humakbang palapit sa kanya.
"Pa-amoy..." sabi ko. Hindi na siya nakagalaw nang hapitin ko siya sa bewang para mas lalong malapit sa akin.
Inamoy ko ang buhok niya na may kasama nang pa-simpleng paghalik sa ulo niya.
"Mabango nga," pagsang-ayon ko.
Tiningala niya ako. Nakita ko kung paano halos maging kasing pula na ng kamatis ang mukha niya.
Itinaas niya ang kamay niya para hawakan ang parte ng ulo niya na hinalikan ko.
"Uhm...k-kaya nga," sabi niya at kaagad na nag-iwas ng tingin sa akin.
Hindi na-alis ang ngiti sa labi ko habang nakasunod ako sa pamimili niya. Ayos lang kahit libutin namin ang buong mall basta ay magkasama kaming dalawa. I don't mind carrying her shopping bags.
"Let me pay that for you," sabi ko habang nakapila kami sa cashier.
"Hindi na, Hunter..." pagtanggi niya sa akin.
"Please accept that as a gift from me," sabi ko sa kanya.
She is firm sa desicion niya na wag pabayaran sa akin ang mga pinamili niya. Hindi na din naman ako nagpumilit pa at nirespero na lang ang desisyon niya.
Next naming pinasukan ay isang botique na may kung ano-anong accessories.
"Uhm...anong color ang gusto mo?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
Abala siya sa pagpili ng mga keychain.
"Binilhan mo ako ng ballerina keychain. Gusto din kitang bilhan," sabi niya sa akin habang ang buong atensyon niya ay nasa pinipili.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. "Ikaw ang bahala, kahit ano naman ay ayos sa akin," sagot ko sa kanya kaya naman nilingon niya ako.
Tiningnan niya ang kabuuan ko na para bang pinag-aaralan niya ako.
"Hindi ko kasi alam kung anong bagay sa'yo," she said.
"Kahit ano," paninigurado ko.
Even ang thoughts na bibilhan niya ako ay malaking bagay na sa akin. The fact na nag-iisip siya ng bagay para sa akin ay malaking bagay na. Kinikilig ka nanaman, Hundson!.
Sa huli ay inalis niya ang atensyon niya doon at mas lalo akong nagulat ng hawakan niya ang kamay ko at hinalhin niya ako papunta sa kung saan.
Tumaas ang kilay ko ng pumasok kami sa isang mamahaling store.
"This is too much," sabi ko kay Ahtisia pero hindi niya ako pinakinggan.
Naglahad pa siya ng kamay. "Akin na car keys mo," sabi niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang ibigay 'yon sa kanya. Nakita ko kung paano siya ngumiti habang binabagayan ang car keys ko sa mga pinagpipilian niyang Hermes leather key holder.
"Ahtisia," tawag ko sa kanya.
Binabayaran na niya ang key holder at hinihintay na lang namin na ibalot 'yon.
"Gift ko 'yan sa'yo. Ikaw ang unang naging kaibigan ko sa university. At palagi ka pang nandyan kapag..." hindi niya halos matuloy ang sasabihin niya. I know it's about her bullies.
Fuck. Her mindsert, her genuiness. Damn, Hunter. Masyadong mabait ang isang 'to para sa'yo. She looks to fragile. Sa oras na maging akin na siya for real ay iingatan ko.
Hawak ko ang maliit na paper bag ng ibinigay niya sa akin. Tahimik akong naglalakad kasunod sa kanya hanggang sa sumabay na ako ng lakad at hinawakan ko na ang kamay niya.
"Nilalamig yung kamay ko," palusot ko.
"Ang init nga ng kamay mo," puna niya.
Buong akala ko ay babawiin niya ang kamay niya sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng hayaan niyang nakahawak ako sa kanya.
"Hermes is a nice name...uhm, pang-baby?" tanong ko. Para lang may mapag-usapan kami.
Gusto kong palaging kausap siya. Kung pwede lang naming pag-usapan kung bakit may butas ang donut ay gagawin ko para lang maka-usap siya.
Marahan siyang tumango. "Pwede...maganda," pag-sangayon niya.
"Pag babae...anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Huh?" tanong niya.
Napadila ako sa aking pang-ibabang labi. Masyadong advance na ang pinag-uusapan namin but I don't mind.
Nagkibit balikat siya. "Uhm...depende," she said.
Ngumisi ako at nanahimik na lang. Baka mabigla kaya naman tumahimik na ako. We'll talk about that soon.
Masama ang tingin ni Kuya Wil sa akin nang ibalik ko sa kanya si Ahtisia. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa nang makita ang tingin ko dito.
"Thank you for today, Hunter..." sabi niya sa akin.
"No. Thank you for today," sabi ko sa kanya. Ako dapat ang mag-thank you sa kanya.
Kahit nasa harapan namin si Kuya Wil ay humilig ako para humalik sa pisngi niya.
"Text me if naka-uwi ka na sa inyo," sabi pa niya sa akin before Kuya Will shut the door close in front of my face.
"Uwi na," pagtataboy niya sa akin.
Sumaludo na lang ako sa kanya bago ako tumalikod para lumapit sa sasakyan ko. Kuya Wil is like a father figure din kay Ahtisia that's why I'm happy for her.
Naunang umalis ang sasakyan nila. Hindi ko maiwasang mapatitig sa car keys ko. Mas naging special 'yon sa akin dahil sa iniregalo niya sa akin.
Nakasimangot na si Kuya Hobbes ang sumalubong sa akin pagka-uwi ko sa amin. Galing siya sa kitchen, mukhang kakabangon lang din sa kama dahil sa magulo niyang buhok. He's wearing a hoodie na akala mo ay ginaw na ginaw siya.
"Kuya," tawag ko sa kanya.
"Shut up," he said habang paakyat sa hagdan na hindi man lang ako nilingon.
Imbes na kulitin siya ay dumiretso ako sa kitchen at naabutan si Mommy doon.
"Hundson, nag-lunch ka na ba?" tanong niya kaagad sa akin.
"Yes, Mommy."
Masyado siyang abala kaya naman kahit may ginagawa ay humilig pa din ako para humalik sa ulo niya.
"May hang-over ang Kuya mo. Break na ba sila ni Isabella?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni Mommy since hindi ko din alam ang sagot. Tahimik akong lumapit sa ref para kumuha ng tubig.
"Magbabati din 'yan. Palagi namang ganyan ang dalawang 'yan," pagsuko ni Mommy.
Matapos itanong ang kay Kuya ay sa akin naman siya nag-focus.
"May nililigawan ka na daw sabi ni Piero," sabi niya kaya naman mahina akong napamura.
May isang pinsan ka talaga na panira.
"Meron po," pag-amin ko. Seryoso ako kay Ahtisia kaya hindi ko siya itatanggi.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Mommy dahil sa isinagot ko sa kanya.
"Si Sovannah?" excited na tanong niya sa akin kaya naman halos masamid ako sa iniinom kong tubig.
"Mommy, friends lang kami ni Sov," giit ko.
Nakita ko kung paano bumagsak ang magkabilang balikat niya.
"I thought you like her. I like her for you, Hundson."
Marahan akong umiling bago ko tinungga ang natitirang tubig sa baso ko.
"Friends lang po kami ni Sov. Pag sinagot ako ni Ahtisia...ipapakilala ko po sa inyo," sabi ko sa kanya.
Humaba ang nguso ni Mommy na parang bata. "Patingin ng picture? Mas maganda kay Sov? I like Sov's face...ang angel," sabi niya sa akin.
"Mas mukhang angel 'to," sabi ko pa tukoy kay Ahtisia.
I even told her about the Hermes gift kaya naman mas lalong naging interisado si Mommy sa kanya.
"Ipakilala mo na ngayon kahit hindi ka pa sinasagot. I'm excited to meet her," sabi niya sa akin.
Dalawang beses na kunan si Mommy. Kung nabuhay ang pangalawang pregnancy niya ay may Ate sana kami ni Kuya Hob. The first one is unknown ang gender since nasa first weeks pa lang siya ng pregnancy noon.
Sabik siya sa anak na babae kaya naman naging close din siya kina Sov at Isabella.
Nag-review ako the whole day para sa mga exams namin sa darating na week. Bukod sa pagaaral ay nakuntento na muna ako sa mga palitan namin ng messages ni Ahtisia since she need to study also.
"Break na kayo ni Kuya Hob?" tanong ko kay Isabella nang magkita kami sa cafeteria ng Monday morning.
Nagkibit balikat siya sa akin. Hindi kami maayos this past few days but hindi ko naman hahayaan na maramdamang nawala ako sa kanila. I'm still here for them pero they should also need to accept the fact na I want Ahtisia to be my girlfriend at seryoso ako.
"I don't know. Baka?" magulong sagot niya sa akin habang pinaglalaruan ang hawak na bottled water.
I tapped her head. "Sungit mo kasi," biro ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako at sa huli ay na-iyak na lang.
I need to comfort her dahil kaibigan ko siya. Ayoko din naman na makitang umiiyak ang mga kaibigan ko.
Naghiwalay lang kami ni Isabella ng kailangan ko nang pumasok para sa unang klase ko. Tahimik ang lahat dahil sa pagre-review.
Ngisi ang isinalubong sa akin ng mga kaibigan ko kaya naman nagtaas ako ng kilay sa kanila.
"Tangina, ang bilis mo..." sita nila sa akin na may kasama pang pabirong suntok.
"Ha? Saan?" tanong ko.
Inilabas nila ang phone nila at may ipinakitang litrato sa akin. Nagulat ako nang makita kong litrato namin 'yon ni Ahtisia. 'Yon yung panahon na hinalikan ko siya sa ulo.
"Saan galing 'yan?" galit na tanong ko.
Wala silang ma-isagot sa akin dahil hindi din nila alam kung sino ang nagpakalat. Ang sabi ay ipinasa lang 'yon sa group chat nila.
Nilingon ko ang buong klase namin. Nag-iwas kaagad sila ng tingin sa akin ng tingnan ko sila. Tumingin ako sa suot kong wrist watch at nakitang may oras pa naman kaya tumakbo kaagad ako para puntahan ang klase nila Ahtisia.
Baka kung ano nanaman ang gawin sa kanya dahil sa kumalat na litrato. Tangina.
Kagaya namin ay wala pa ang professor nila. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong tahimik siyang naka-upo sa pwesto niya at abala sa binabasang handouts.
Bahagyang kumunot ang noo ko ng makita kong may ilang kaklaseng lumapit sa kanya. Papasok na sana ako nang hinayaan ko na lang dahil nakipagtawanan siya sa mga 'to.
"Mr. Jimenez!" galit na salubong ng Prof namin sa akin dahil sa late kong pagpasok.
"I'm sorry, Mr. Diaz."
After ng first class ay sumunod na ang basketball training namin. Nagbibihis kami sa loob ng locker room ng marinig namin ang malakas na tawanan ng grupo ni Jasper.
"Ang bango-bango pa kamo," pagyayabang niya sa mga 'to.
"Iba ka na!"
Kumunot ang noo ko dahil sa pinag-uusapan nila.
"Hunter, tara na!" tawag sa akin ng mga kaibigan ko kaya naman hindi ko na narinig pa ang sumunod na pinag-usapan ng grupo nila.
I told Ahtisia na may basketball training kami ngayon kaya naman hindi na ako nagulat nang makita ko sa siya sa court.
Kumaway siya sa akin kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya.
"Hi," bati niya.
Walang pagdadalawang isip akong humilig para humalik sa pisngi niya kaya naman nakarinig kami ng pagsinghap at bulungan mula sa mga nanunuod. Wala akong pakialam.
"Para sa'yo," sabi niya at may inabot na energy drink sa akin.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
"Thank you," malambing na sabi ko.
Pumito si Coach oara tawagin na kami. Nagpaalam ako kay Ahtisia para pumasok na sa court. Kasabay nang paglapit ko sa mga ka-grupo ko ay ang pagdating naman ng section kung nasaan sila Jasper.
Nilingon ko ang bench at nakita kong nandoon na si Sov kasama si Isabella. May kalayuan sila kay Ahtisia kaya naman mas nakampante ako.
"Good play, Jimenez!" puri ni Coach sa akin ng matapos ang laro na tambak ang team nila Jasper.
"May inspirasyon kasi!" kantyaw nila.
Tumakbo ako patungo sa direction kung nasaan si Ahtisia. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya nang marinig ko ang pagtawag ni Isabella sa akin. Normaly pagkatapos nang game ay sa kanilang dalawa kaagad ako tatakbo na dalawa.
Itinaas ko ang kamay ko para sabihing sandali lang. Itinuloy ko ang pagtakbo palapit kay Ahtisia. Lumaki ang ngiti niya nang makalapit na ako.
"Congrats! Ang galing mo," puri niya sa akin.
"Shower lang ako. Sabay na tayong mag-lunch?"
Mula sa akin ay nakita ko kung paano lumipat ang tingin niya sa gawi kung nasaan ang mga kaibigan ko.
"Baka gusto ka ding kasabay ng mga friends mo. Pwede namang after class na tayo," sabi niya sa akin pero umiling ako.
"Sabay na tayong mag-lunch," pinal na sabi ko.
I talked to Isabella pagkalabas ko sa dugout. Alam kong gulo kung magsasama silang dalawa pero hindi naman pwedeng habang buhay na iiwas sila kay Ahtisia lalo na't magiging girlfriend ko siya.
"Please. I like her..." sabi ko sa kanila.
They said na nag-aalala lang sila para sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. Ahtisia is harmless.
"Susubukan ko...Isang beses. Pag hindi talaga, Hundson..." banta ni Isabella sa akin.
Mula kay Isabella ay nalipat ang tingin ko sa tahimik na si Sov.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang tumango sa akin.
Nakasunod sina Isabella at Sov sa akin nang balikan ko si Ahtisia. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Sasabay silang mag-lunch sa atin. Ayos lang sayo?" tanong ko sa kanya.
"Uhm...Ayos lang ba sa kanila na kasama ako?" tanong niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Naka-usap ko na sila."
Tipid siyang tumango sa akin. Hindi ko inalis ang hawak ko sa kamay niya. Nang lingonin ko ang mga kaibigan ko ay naabutan kong pareho silang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Ahtisia.
Naging casual sina Isabella at Sov kay Ahtisia. May mga pag-uusap nga lang talaga na hindi makasabay si Ahtisia lalo na at tungkol sa family ni Isabella.
"Ang dami mo kasing fans," sabi ni Isabella tukoy sa kumalat na litrato.
Nilingon ko si Ahtisia na tahimik na kumakain sa tabi ko. Hinawakan ko siya sa likuran para kuhanin ang atensyon niya.
"Nagustuhan mo 'yang pagkain mo?" tanong ko.
Tipid siyang tumango sa akin pagkatapos ay sumulayap sa mga kaharap namin bago muling yumuko para kumain.
"Ahtisia Salvador...di ba?" tanong ni Isabella sa kanya.
"Uhm...Oo."
"Escuel ang Mommy mo. I mean...anak sa labas ng Escuel?"
"Isabella," suway ko sa kanya.
"Nagtatanong lang. Gusto din namin siyang makilala," laban niya sa akin kaya naman umigting ang panga ko.
"Anak si Mommy sa labas ni Lolo Joaquin," sagot ni Ahtisia.
"Ayos lang kahit hindi mo sagutin," sabi ko sa kanya.
"So may part ka sa oil company ng mga Escuel?" tanong pa ni Isabella.
Hindi sumagot si Ahtisia.
"So, mayaman talaga kayo. So bakit ka..."
"Stop it," giit ko.
Hindi na nagsalita pa si Isabella pagkatapos noon. Nanatili namang tahimik si Sov na para bang may malalim na iniisip.
Naghiwahiwalay lang kaming apat para sa kanya kanya naming klase. Unang matatapos ang klase nina Ahtisia kaya naman pupunta daw muna siya sa library para hintayin ang uwian ko.
"Ganoon pala siya. Parang pinsan niya din..." rinig kong pag-uusap ng mga kaklase kong babae habang palabas kami ng classroom.
"Attorney pa naman ang Daddy niya. Nakakahiya..."
Napa-iling na lang ako sa mga kaklase kong hindi nauubusan ng energy na maki-alam sa buhay ng ibang tao.
Dumiretso ako sa library para puntahan si Ahtisia pero hindi ko siya nakita doon. Lumabas ako para puntahan si Kuya Wil dahil siguradong may alam siya kung nasaan si Ahtisia.
Imbes na si Kuya Wil lang ang maabutan ko ay nakita kong may kasama pa silang ibang tao. Katabi niya si Ahtisia na nakikipag-usap sa isang may edad na lalaki. Mula sa may backseat ng dalang SUV ay may inilabas na mga mamahaling regalo ang driver para I-abot kay Kuya Wil.
Kumunot ang noo ko nang makita ko kung paano hawakan ng matandang lalaki ang kamay ni Ahtisia. Todo ngiti pa ang lalaki dito na para bang inaalo niya ito. Mukhang kanina pa sila nag-uusap kaya naman hindi nagtagal ay nagpaalam na din ito sa kanya.
Pagkaalis ng sasakyan ay tsaka ako nagpakita sa kanila. Kita ko ang gulat sa mukha ni Ahtisia dahil sa biglaang pagsulpot ko.
"Nandito ka lang pala. Galing akong library," sabi ko sa kanya.
"Uhm...may kinausap lang," pag-amin niya sa akin. Buong akala ko ay itatanggi niya.
"Sino?"
Tumingin siya kay Kuya Wil na tipid na tumango bago umalis to give us space and privacy.
"Kaibigan ni Mommy. Galing ibang bansa kaya nag...uhm, nagbigay ng pasalubong," sabi niya pa sa akin kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko.
Bakit hindi na lang ipinadala sa bahay nila? Bakit kailangan pang puntahan siya dito mismo sa school.
Tumango na lang ako. 'yon ang sinabi niya kaya naman 'yon ang paniniwalaan ko.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya sa akin.
"May dadaanan pa sa locker room," sagot ko.
"Samahan na kita," sabi niya sa akin.
Hinayaan ko siyang sumama sa akin papunta sa locker room. Halos naka-uwi na ang lahat kaya naman iilan na lang ang tao sa loob.
"First time mong makapasok dito?" tanong ko.
Tumango siya at ngumti sa akin.
Umupo ako sa may mahabang bench para ayusin ang mga gamit ko.
"Pag girlfriend ng basketball player pwedeng pumasok dito?" tanong niya sa akin.
Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan habang pinagmamasdan ang buong locker room.
"May mga pumapasok after ng game," sabi ko sa kanya.
Halos mapasigaw si Ahtisia nang hilahin ko siya at napakandong sa akin.
"B-baka may makakita sa atin,' suway niya sa akin.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ikinawit niya ang kaliwang braso niya sa leeg ko para sa suporta.
"Nakapasok ka nga kahit hindi pa tayo," sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. Halos matigilan ako nang humilig siya para sandaling pagdikitin ang mga labi namin.
Parang dampi lang 'yon kaya naman hindi ako pumayag, hinabol ko ang labi niya at binigyan ko siya ng malalim na halik.
Muli akong na-surprise nang suklian ni Ahtisia ang intensity ng halik ko sa kanya. She said I'm her first kiss pero they way she kissed me ay parang it's her expertise.
"G-girlfriend mo na ako," sabi niya sa akin kaya naman parang mahuhulog ako sa inuupuan ko.
"Gusto din kita, Hunter. Girlfriend mo na ako."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro