Chapter 7
Closer
"Isabela," tawag ko sa kanya pagkahinto ng sasakyan ko sa tapat ng bahay nina Sov.
Ilang pag tawag ang nagawa ko bago siya tuluyang gumising.
"We're here?"
Tipid akong tumango. Tumingin siya sa akin at napangiwi, siguradong masakit nanaman ang ulo nito dahil sa hang-over.
"Thanks, Hunt..." she said bago wala sa sariling binuksan ang passenger seat ng sasakyan ko para lumabas.
"Careful, damn it," suway ko sa kanya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang lumabas para tulungan silang dalawa.
Lumabas na din ang guard nina Sov para tulungan kami.
"Sige po, ako na ang bahala kay Sov. Yung mga gamit na lang po," sabi ko sa kanya.
Ma-ingat kong binuhat ang tulog pa ding si Sovannah. Wala pa din sa sarili at halatang inaantok pa si Isabela habang papasok kami sa bahay nila.
"What happend?" nag-aalalang tanong ni Tita sa amin ng salubungin niya kami.
Kaagad niyang pinagalitan si Isabella dahil sa pagsama nito kay Sov sa party kagabi.
"Ang paalam niyo sleep over lang," kastigo ni Tita sa kanya.
Walang nagawa si Isabella kundi ang humingi ng sorry kay Tita dahil sa sitwasyon ni Sov na hanggang nagyon ay karga ko pa din at tulog na tulog.
"Mabuti na lang at nandito si Hundson," Tita said kaya naman tipid akong tumango sa kanya.
"But not everytime nandyan si Hundson sa tabi niyo. You girls need to be responsible sa actions niyo," pangaral pa ni Tita.
Nakahinga din ako ng maluwag nang sabihin ni Tita na wala pa si Tito. Siguradong sasakit lalo ang ulo ni Isabela kung sakaling nandito si Tito sa ganitong sitwasyon namin.
"Kaya nga gusto ng ipadala sa America si Isabela. Hindi din kampante ang parents niya na siya lang mag-isa dito kasama namin. Iba pa din kung parents niya ang magdidisiplina sa kanya," sabi ni Tita sa akin na kaagad kong tinanguan.
Nasa America ang buong pamilya ni Isabela. Siya lang ang nagpa-iwan dito since she told us na gusto niyang maging independent.
"Thanks, Hijo. Hindi ko din alam kung paano ang dalawang 'to kung wala ka. Pero hindi din naman maganda na nakadepende sila sa'yo since...anytime soon magkaka-girlfriend ka na," Tita said kaya naman napakamot ako sa batok ko ng maalala ko si Ahtisia.
"May nililigawan ka na ba?" tanong niya sa akin.
"May nililigawan na po," sagot ko.
Pansin kong halos mawala ang ngiti ni Tita sa labi niya but she still manage to smile at me. Hindi na niya ako nahatid pa hanggang sa labas since kailangan niyang asikasuhin yung dalawa.
"Inuumaga ka nanaman ng uwi, Hundson Terron!" bungad ni Mommy sa akin.
"Good morning, Mommy..." nakangising bati ko sa kanya at humalik pa sa pisngi niya.
"Na hindi amoy alak?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Hindi po ako uminom magdamag," sabi ko pero kita ko pa ding parang hindi siya naniniwala sa akin.
Dahil sa pag-uwi ko ng umaga ay sumalo din si Daddy ng sermon mula kay Mommy.
"Manang mana talaga sa'yo ang mga anak mo, Sebastian."
"B-bakit ako? Maaga akong umuwi kagabi," Daddy said kaya naman natawa na lang ako at napa-iling.
Maaga daw umalis si Kuya Hob kaya naman hindi na kami nagkita pa sa bahay. Pagkapasok sa kwarto ay kaagad kong ibinato ang phone ko sa kama para sana makaligo na.
Muli kong kinuha ng makita ko ang ilang message ni Ahtisia sa akin na nagtatanong kung naka-uwi na daw ba ako.
Wala sa sarili akong napakagat sa aking pang-ibabang labi habang nag-iisip ng isasagot sa kanya. Madali lang namang sabihin oo, nasa bahay na ako pero gusto kong magtuloy tuloy ang conversation namin.
To: Ahtisia
Nasa bahay na. I was about to take a shower.
Napangisi ako ng pindotin ko ang sent button. Ano namang pakialam niya kung magsho-shower ka, Hundson. Ang gago ko talaga.
Buong akala ko ay hindi na siya sasagot sa akin dahil sa mga kalokohang pinagsasabi ko. Halos mapatalon na ako padapa sa kama ko ng makita kong nag-pop up ulit ang pangalan niya sa phone ko.
From: Ahtisia
You should rest first bago mag shower. Tapos na din ako.
Halos mariin akong mapapikit. Simpleng shower lang naman ang pinag-uusapan namin pero damn.
Nagpaalam ako sandali sa kanya na magsho-shower na since nakakahiya naman kung isipin niyang tamad akong maligo.
Nagpalitan kami ng messages ni Ahtisia the whole day. She even asked me something about our past lessons kaya naman sinagot ko kaagad ang mga anong niyang alam ko.
Mas lalo akong naging kampante na magtutuloy-tuloy na ang palitan namin ng messages since ramdam ko namang nagiging kumportable na siya sa akin.
I even received a message from Isabela about Sovannah being grounded ng malaman ni Tito ang nangyari sa kanilang dalawa. I'm worried for them pero they need to take the consequence ng ginawa nilang dalawa.
"Para ka kamong tanga," Pang-aasar ni Piero sa akin ng muli nilang balikan ang picture na ipinasa ni Kuya Hob sa group chat namin.
"Pagtatawanan din kita pag nanligaw ka," sabi ko kay Piero.
Ngumisi siya at inirapan pa ako.
"Hindi ako ang nanliligaw. Ako ang nililigawan," sabi niya sa akin kaya naman nakatanggap siya ng batok mula kay Kenzo.
"Tigilan mo nga 'yang ganyang pag-uugali mo," masungit na suway sa kanya nito.
"Alin? Yung pagiging gwapo ko? Mahirap 'yan," laban ni Piero sa kanya pero hindi na nagsalita pa si Kenzo at napa-irap na lang.
"Tanga mo," sabi ni Kuya Hob bago sila nag-asaran na dalawa.
Halos pagtinginan kami sa pizza house na kinainan namin, hindi ko alam kung dahil ba sa ma-ingay kami o ano. Nakatanggap pa kami ng libreng pizza ng makilala ng may-ari si Eroz na anak ni Tito Axus. Ang sabi ay fan daw siya nito Tito ng kasagsagan ng kasikatan nito sa pagkakarera.
"Daddy Axus," tawag ni Piero at pang-aasar na din sa mga kapatid niya.
Hindi pa din tumitigil sa kagustuhan na magpa-ampon kina Tito Axus at Tita Elaine kahit alam naman ng mga kakambal niya na mukhang siya ang favorite ni Tita Maria.
"Ganon talaga pag kulang sa aruga, ginagawang favorite..." pang-aasar ni Tadeo sa kanya.
"Mukha mo," asik ni Piero.
Maaga akong pumasok ng lunes dahil sa sunod sunod naming exam sa mga subjects namin. Naglalakad ako sa hallway papunta sa room namin nang makita ko si Sov kasama si Jasper.
Imbes tuloy na dumiretso papasok sa classroom ay sa kanila ako pumunta.
"Ginugulo ka nanaman ba nito?" tanong ko kay Sov.
Ngumisi si Jasper sa akin, ngisi na para bang hindi siya lalaban sa akin. Anong nginigisi-ngisi nito eh hindi naman kami magkaibigan. At hindi ko pa din nakakalimutan yung ginawang pambabastos ng kaibigan niya kay Ahtisia.
"Sabay kaming pumasok ni Sovannah," sabi niya sa akin kaya naman mas lalon kumunot ang noo ko.
Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko kay Sov na mabilis namang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
Pero hindi na niya sinagot 'yon ng makita na nila ang pagdating ng professor nila para sa unang subject.
"Andyan na si Sir...pasok na kami, Hunter," paalam niya sa akin.
Tinapik ni Jasper ang braso ko at ngumisi. "Pasok na kami, Pare..." paalam niya sa akin.
Bago ko pa man tabigin ang kamay niya ay nauna niya na 'yong naalis na mas lalo kong kina-inis.
Habang nagsasagot ng exam ay hindi maalis sa isip ko ang tungkol kay Sov at Jasper kaya naman halos hindi ako nakapag-concentrate. Sa huli ay halos mapamura ako ng halos sobra pa sa sampu ang mali ko gayong na-review ko naman ng maayos ang lessons namin ngayon.
"Anong nangyari, Mr. Jimenez?" tanong ng professor namin sa akin.
Ito na ata ang pinakamalaking bilang ng maling sagot ko since naging student niya ako.
"May nililigawan ka na ata. Distraction 'yan," sabi pa niya sa akin na hindi ko naman pinakinggan.
Dumiretso ako sa cafeteria para hintaying matapos ang first class ni Ahtisia. 9 o'clock ang first subject niya para sa araw na 'to.
Wala pa siya kaya naman lumapit ako sa pwesto nina Isabella kasama ang mga ka-team niya sa volleyball.
"Si Sov?" tanong ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin bago bumaba ang tingin niya sa hawak kong box ng chocolate para kay Ahtisia.
"Kasama si Jasper," sagot niya sa akin kaya naman mas lalo akong nagtaka kung bakit parang ayos lang sa kanya ngayon na magkasama yung dalawa.
"Cliente ni Tito yung Daddy ni Jasper. Nag dinner ata sila...nakilala si Jasper kaya hinayaang makipag-kaibigan kay Sov," sagot niya sa akin.
"Ayos lang sa'yo?" tanong ko. Isa siya sa naiinis sa tuwing lumalapit lapit si Jasper sa pinsan niya.
"Kailangan ni Sov sundin si Tito...galit nga e," sabi pa niya sa akin.
Sumama na lang ang tingin ko sa kung saan bago ko naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko.
Nang ma-isip kong si Ahtisia 'yon ay kaagad kong binasa ang message. Tapos na ang klase nila at papunta na siya ngayon dito sa cafeteria.
"Papunta na alaga mo?" nakangising tanong ni Isabela sa akin.
"Stop it," suway ko sa kanya.
"Hindi mo sinasabi sa amin, gusto mo palang maging baby sitter," pang-aasa pa niya kaya naman hindi ko na lang siya sinagot at nagpaalam na.
Gumaan kaagad ang loob ko ng makita ko ang pagpasok ni Ahtisia sa cafeteria. Kita kong nahihiya pa niyang iginala ang paningin niya para hanapin ako. Itinaas ko na ang kamay ko para makuha ang atensyon niya. Ngareserve na din ako ng lamesa para sa aming dalawa.
Nagliwanag ang mukha niya at tipid siyang ngumiti sa akin nang makita ako. Yakap ang Ipad niya sa kanang kamay habang hawak naman ang Aquaflask niya sa kaliwa ay para siyang anghel na naglakad palapit sa akin.
Para bang bawat hakbang niya naglalakd siya sa ere. Too soft for my liking but I belive that our reference when it comes to type ay nawawala pag tinamaan ka talaga.
"Hi. Kanina ka pa?" tanong niya sa akin. Even her voice is too soft...too sweet. An Angel indeed.
Wala sa sariling akong umiling habang nakatingin sa kanya. Hindi na nagtagal ay umupo na siya kaagad sa kaharap kong upuan bago siya nahihiyang tumingin sa paligid.
"Hayaan mo sila," sabi ko sa kanya ng mapansin kong ilang siya sa atensyon na nakukuha naming dalawa.
Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin.
Pareho naming iniwan ang mga gamit namin sa table para wala ng kumuha ng lamesa namin. Sabay kaming pumila at pumili ng maka-kain namin.
"Kakain ka na ng gulay?" tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya at umiling. Hawak ang wallet ay kaagad siyang naglabas ng pera mula doon.
"Ako na," sabi ko sa kanya.
"Ako na...pagkain ko naman 'yon," laban niya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Nanliligaw po ako," paalala ko sa kanya.
"Kaya nga. Nanliligaw ka...hindi mo ako binibili," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko nakuha 'yon nung una hanggang sa ma-realize kong baka iniiwasan niya lang madikit duon sa issue na kumakalat tungkol sa kanya.
"Nililigawan mo ako...hindi mo binibili ang Oo ko," dugtong pa niya kaya naman mas lalo akong natameme at napatitig sa kanya.
I got an Angel in front of me. Pag ito pinakawalan ko pa...ewan ko na lang talaga sa'yo Hunter.
Hindi ko na pinilit pa si Ahtisia na ako ang magbayad ng lunch niya kahit gustuhin ko. Ayokong isipin niya na sa oras na maging kami ay mawawalan siya ng say at desisyon. I want her to feel na hindi siya masasakal sa relasyon namin pag nagkataon.
Hindi ko na hinayaan na siya pa ang magdala ng tray ng pagkain niya. Ako na ang gumawa non.
"Ang laki kasi ng mga muscles mo," natatawang sabi niya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa lamesa namin.
Nawala ang ngiti sa labi niya ng magulat kami ng makita naming basa ang bag niya. Halatang sinadya 'yong tapunan ng juice.
"Yung mga notes ko," namomorblemang sabi niya at kaagad na inilabas ang mga gamit mula sa loob ng basang bag niya.
She's using a Chloe woody tote bag kaya naman walang kahirap hirap na nabuhusan ng juice ang mga gamit niya.
Naikuyom ko ang kamao ko nang makarinig pa kami ng ilang tawanan habang abala si Ahtisia sa paglabas ng mga gamit niya.
"Who did this!?" asik ko kaya naman ang mga mahihinang tawa ay kaagad na nawala. Halos nawala ang ingay sa buong cafeteria dahil sa naging tanong ko.
"H-hayaan mo na..." suway ni Ahtisia sa akin.
Gustuhin ko mang hilahin na lang siya paalis doon ay hindi ko nagawa dahil masyado siyang problemado sa basang bag niya.
Basa ang mga notes niya at halos hindi na mabasa ang mga nakasulat.
"Buti na lang wala sa loob ang Ipad ko," sabi pa niya. Halatang pinapagaan ang sloob niya kahit pakiramdam ko ay gusto niyang ma-iyak.
"Akin na, dito mo muna ilagay sa bag ko ang mga gamit mo," sabi ko sa kanya.
Tahimik niyang pinanuod ang pagpasok ko sa mga gamit niya sa loob ng gamit kong backpack.
"Kunin ko na lang pagpapasok na ako sa next class," sabi niya sa akin.
Tahimik kaming kumain na dalawa. Pero kahit ayokong ipahalata sa kanya ay hindi mawala sa isip ko ang gumawa nito sa mga gamit niya. Iginala ko ang paningin ko sa buong cafeteria para maghanap ng cctv camera. May nakita ako kaya naman 'yon ang aasikasuhin ko mamaya.
"Salamat dito. Kumuha ka din," sabi niya sa akin nang buksan niya ang box ng chocolate na ibinagay ko sa kanya.
Inilabas niya ang phone niya para kuhanan 'yon ng litrato. Matapos kuhanan ay ipnakita niya pa sa akin.
"Hindi kita pwedeng I-tagged. Mas lalong dadami ang aaway sa akin," nakangiting sabi niya kahit ramdam ko ang lungkot.
Hindi ko na-iwaang hawakan siya sa kanyang likuran.
"I'm sorry for this," paumanhin ko.
"Kahit naman nung wala ka pa...ganito na talaga," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong umigting ang panga ko.
I promise to protect her at all costs.
Hinatid ko siya sa next class niya. Wala na akong paki-alam kung nasa amin ang atensyon ng lahat. Hawak ko ang kamay ni Ahtisia habang naglalakad kami.
"Dito na lang sa labas..." suway sana niya sa akin pero hindi ako nakinig at inihatid ko siya mismo sa loob ng classroom nila.
Sa pinakadulo ng first row nanaman siya umupo at wala nanamang may balak na tumabi sa kanya.
Lumuhod ako at ibinaba ang bag ko sa gilid ng upuan niya para kuhanin ang ilang gamit na kakailanganin ko para sa next class ko.
"Dito na muna sa'yo ang bag ko. Hintayin mo ako pagtapos na ang class mo, susunduin kita dito," sabi ko sa kanya.
Ramdam ko ang tingin ni Ahtisia sa akin habang abala ako sa paglabas ng mga gamit ko.
"Thank you, Hunter..." marahang sabi niya sa akin kaya naman tiningala ko siya.
"Para saan?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Sa lahat..." tipid na sagot niya at nag-iwas ng tingin.
Matamis ko siyang nginitian. "Gusto ko ang ginagawa ko," sagot ko sa kanya.
I want her to know na hindi ko 'to ginagawa dahil lang sa manliligaw niya ako. I want to do this for her.
Mas naging close kaming dalawa ni Ahtisia. Kung minsan ay nasa library kaming dalawa para mag review sa mga next subjects namin. Kung wala namang exam ay tinutulungan ko siya sa mga activities nila.
"Hindi mo pa din dapat ginawa 'yon. Hindi maganda ang ginawa mo, Isabela," kastigo ko sa kanya ng makita ko sa camera ng cafeteria na grupo nila ang nagtapon ng juice sa loob ng bag ni Ahtisia.
"I told you. Nadulas sa kamay ko ang juice kaya natapon sa bag niya," giit niya kahit alam ko namang sinadya niya 'yon. Kitang kita sa video.
"Ano bang ginawang mali ni Ahtisia sa inyo kaya ganito niyo siya tratuhin?" Tanong ko sa kanya pero ilang beses lang din siyang umirap na para bang wala din siyang ma-isip na sagot at gumagawa pa.
"Mabait si Ahtisia. Hindi ako nakarinig ng kahit anong salita mula sa kanya na laban sa inyo ng grupo mo," pagpapaintindi ko sa kanya.
"Exactly!" giit ni Isabela na ikinakunot ng noo ko.
"She's a two-faced bitch."
"Isabela!" madiing suway ko sa kanya.
"Nagpapanggap lang siyang mabait...mahinhin. She's a bitch. Palibhasa bulag ka sa fact na nakikipagdate siya sa mga matatandang mayaman."
"Go on. See it yourself. Makikita mo ding tama kami, Hunter..."
After that scene ay padabog niya akong tinalikuran na saktong dating naman ni Sov.
"Anong nangyari?" tanong niya sa akin.
I told her kung anong ginawa ng grupo nina Isabela sa bag ni Ahtisia.
"I think magkaaway sila ni Hobbes kaya ganyan siya," Sov said.
"Pwes, wag niyang idamay ang iba sa galit niya," inis na sabi ko.
Dahan dahan akong kumalma ng humawak si Sov sa braso ko.
"Kumalma ka nga," suway niya sa akin.
Bayolente akong napalunok at kaagad na nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Hayaan mo, pagsasabihan ko si Isabela..."
Umiwas si Isabela sa akin pagkatapos ng pag-uusap namin. Hindi ko naman sinubukan na lapitan siya since kailangan din munang lumamig ng ulo niya.
"Bumalik na si Daddy. Sa tingin ko naman ay ayos na ulit sila ni Mommy ngayon...Sana," kwento ni Ahtisia sa akin.
Saturday ngayon, nagulat ako ng sadyain niya ako sa gym training ko kahit alam kong may ballet class dapat siya ngayon.
"Sinabi ko kay Mommy na may ballet class kahit wala. Hindi kasi ako papayagan na lumabas kung wala," sabi niya sa akin.
"Ok lang sa'yo na hintayin ako hanggang matapos ang training ko?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti at tumango.
"Manunuod ako," sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako at mariing napapikit.
Nagsimula ang training namin ni coach. Inasar pa niya ako tungkol kay Ahtisia nung una hanggang sa naging seryoso na siya at hindi ko na napigilan ang mga atake niya sa akin.
"Focus!" sigaw niya hanggang sa mapadaing ako ng tumama ang sipa niya sa tiyan ko.
Ramdam ko ang sakit ng katawan ko dahil sa mga tamang hindi ko nasalo.
"Distracted," nakangising suway niya sa akin.
"Pinahiya mo ako sa nililigawan ko, Coach," sita ko sa kanya na ikinatawa niya.
Matapos ang training ay lumapit kaagad ako kay Ahtisia. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong tumango bago ko inisang tungga ang energy drink.
Halos mabilaukan ako ng maramdaman ko ang pagsundot niya sa bandang tiyan ko. Simpleng ganon lang ang ginawa niya pero grabe na ang epekto at dating sa akin.
Hinintay ako ni Ahtisia hanggang sa makapag-shower ako at makapagpalit. Binilisan ko lang ang kilos ko dahil masyado siyang pansinin sa gym.
"Itatakas muna kita kay Kuya Wil ngayon," nakangising sabi ko sa kanya.
Hindi na siya nag-protesta pa ng hawakan ko ang kamay niya palabas ng gym at sumakay kami sa Rover ko.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ko sa kanya.
"Uhm...steak house," sagot niya kaagad sa akin.
Mabilis akong tumango. Not bad after my training.
Nadaan kami sa ginagawang kalsada kaya naman medyo traffic. Sinubukan kong buksan ang stereo para naman may ingay kami sa loob kahit papaano. Saktong paglipat ko ay tumunog ang kantang Closer ng Chainsmoker.
Nagkatinginan kami ni Ahtisia bago kami sabay na natawa.
Parang may kung ano akong naramdaman ng marinig ko ang mahina niyang pagsabay sa kanta.
Sa sumunod na huminto ang sasakyan ay walang pagdadalawang isip kong tinanggal ang seatbelt ko para humilig sa kanya.
Nagulat siya nung una hanggang sa hindi ko ma-iwasang ngumiti ng hinayaan niya akong halikan siya. She kissed me back kaya naman halos lumutang ako sa ere.
"Green light na," suway niya sa akin kaya naman halos murahin ko ang stop light.
Hindi tuloy mawala ang ngiti ko kahit pa nasa kainan na kami. Ramdam kong unti-unti na talaga siyang nagiging kampante sa akin.
"Start na ako sa driving class ko," kwento niya sa akin.
"How was it?" tanong ko.
"Uhm...ayos naman," sagot niya sa akin.
"Ako na lang ang magtuturo sa'yo," sabi ko pero nginusuan niya ako.
"Hindi mo nga nire-respect ang stop light," laban niya sa akin kaya naman natawa ako at napapikit ng mariin.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng makuha ang atensyon ko ng mga kararating lang sa restaurant. Halos magsalubong ang kilay ko ng makita kong si Sob 'yon kasama si Jasper.
"Nag-iisip na din ako ng bibilhing sasakyan..." kwento ni Ahtisia na hindi ko na nasundan pa.
"Hunter..." tawag niya sa akin.
"Huh?"
"Ok ba yung mini cooper?" tanong niya sa akin.
"Uhm...yes, pwede 'yon sa'yo," sagot ko sa kanya bago ako napa-inom sa drinks ko.
Nilingon ni Ahtisia ang kanina ko pang tinitingnan.
"Gusto mong lapitan ang friend mo?" tanong niya sa akin.
"Hindi..."
"Si Sovannah...akala ko nga girlfriend mo siya nung una," kwento niya sa akin.
"Hindi ko siya girlfriend."
Tumango siya. "Uhm...bestfriend."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro