Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

Sabino








Matapos ang nangyaring yakapan na 'yon sa pagitan namin ni Ericatrina ay pareho kaming nanatiling tahimik, naghihintay na lumabas ang Doctor ay sabihing ayos na ang lagay ni Daddy.

Gusto kong magsalita, pagaanin pa lalo ang loob niya. Pero sa tingin ko, may mga pagkakataon na mas kailangan ng isang tao ang sarili niya, mas kailangan niya ng katahimikan. Na para bang kaihit anong salita ang ibigay ko sa kanya ay makakatulong man...pero hindi ganoon kalaki ang epekto.

Sabay kaming tumayo nang lumabas ang Doctor, nakita ko pa kung paano nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa.

"Kamusta na po si Daddy?" si Ericatrina.

"Maayos na ang lagay ni Mr. Vergara. Kailangan niya lang ng mahaba mahabang pahinga. Looks like masyado niyang pinapahirapan ang sarili niya, pagod, puyat...over fatigue also," sagot niya sa amin.

Muling naging emosyonal si Ericatrina habang pinapakinggan niya ang sinasabi ng Doctor. Panay lang din ang pagtango niya habang sinasabi nito ang mga dapat at hind dapat gawin ni Daddy.

"Pwede niyo na siyang puntahan," nakangiting sabi ng Doctor sa amin bago siya nagpaalam.

Gustuhin ko man sanang pumasok sa loob ay natigilan ako. Masyadong emosyonal si Ericatrina, baka mas gusto niyang silang dalawa muna?

Ilang hakbang na ang nagagawa niya nang lingonin niya ako.

"Hindi ka papasok?" tanong niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko, gusto kong i-sagot sa kanya yung iniisip ko kanina pero wala namang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

Bumaba ang tingin ko sa paglahad niya sa kanyang kaliwang kamay.

"Tara na. Pumasok na tayo..." yaya niya sa akin.

Wala sa sarili kong hinawakan ang nag-aabang niyang kamay. Humigpit ang hawak ko doon ng maramdaman ko ang init sa kanyang kamay. May kung ano akong naramdaman ng maglapat ang mga kamay namin dalawa...lukso ng dugo?

Kahit hindi naging maganda ang pagtanggap niya sa totoong sitwasyon namin, hindi naman mapagkakaila na magkapatid talaga kami, Ate ko siya at alam kong darating ang araw na kakailanganin namin ang isa't isa, kagaya na lamang nito, kailangan kami ni Daddy.

Mahimbing ang tulog ni Daddy pagkapasok namin. Naging tahimik kami ni Ericatrina ng mga unang minuto para hindi siya ma-istorbo, hanggang siya ang bumasag sa katahimikan.

"Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganyan...may sakit, mahina," kwento niya sa akin habang nakatingin sa tulog na si Daddy.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap na sinundan ng pag piyok.

"Sa sobrang abala ko sa mga bagay bagay...hindi ko na r-realize na tumatanda na talaga si Daddy. Hindi na siya bumabata..."

"Dapat sana sa mga panahong 'to ay mas intindihin ko yung mga desisyon niya...suportohan ko siya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya," dugtong pa niya.

Muli kong itinaas ang kamay ko para haplusin ang likod niya.

"Na-iintindihan naman ni Daddy na kaya naging ganoon ang reaksyon mo ay dahil nabigla at nasaktan ka."

Marahas siyang umiling na para bang aminado siya sa sarili niyang nagkamali siya.

"Sarili ko lang ang iniisip ko all this time," giit niya.

Napabuntong hininga ako. Alam ko kung gaano kabigat na mabaliwala ang sakit na nararamdaman mo. Ayokong mabaliwala yung sakit na naramdaman ni Ericatrina, valid naman 'yon. Totoong na-iintindihan naming lahat kung bakit naging ganoon ang approach niya.

Hindi ko mahanap ang tamang salta para sabihin sa kanya, para gumaan ang loob niya. Natatakot din akong kung magsasalita ako ay madadagdagan lang ang sama ng loob niya, o ang bigat nito sa pakiramdam.

"Naging sobrang sama ko din sa 'yo...hindi ako ganoon, Ahtisia. Mukha talaga akong suplado pag dating sa ibang tao, hirap kasi talaga akong i-express ang sarili ko. Pero hindi ako ganito sa pamilya ko..." paliwanag niya sa akin.

"Na-iintindihan kita...Ate," tawag ko sa kanya.

Mas lalong nalukot ang mukha niya dahil sa pag-iyak ng tawagin ko siya no'n. Muli siyang yumakap sa akin kaya naman tinanggap ko 'yon.

Kumalma nasi Ate, dumating na din si Tita Chatterly kaya naman ng sabihin sa akin ni Hunter na pupunta sila ni Hartemis ay nagpaalam ako sa kanilang lalabas na muna ako.

Nasa parking space na sa harapan ng hospital ang Raptor ni Hunter, bumilis ang lakad ko nang bumaba siya mula doon habang karga si Hartemis na nakasuot ng baby hat.

"Baby ko..." malambing na tawag ko sa kanya at naglahad ng kamay para salubungin sana siya ng yakap.

Nanatili si Hunter kinatatayuan niya. Imbes na kuhanin si Hartemis mula sa kanya ay niyakap ko silang dalawa. Napapagitnaan namin si Hartemis na ramdam kong gustong gusto ng baby ko.

Sandaling natigilan si Hunter, para bang matagal na-proseso ng utak niya ang ginawa ko. Panay ang halik ko kay Hartemis, natatawa na lang ako dahil mukhang ayaw magpatalo ng baby ko...gusto niya ding humalik sa akin.

Bumitaw ang kanang kamay ni Hunter sa pagkakahawak kay Hartemis, naramdaman kong pumulupot 'yon sa bewang ko. Inilapit niya ako sa kanya para maabot niya ang noo ko at humalik doon.

"Nalaman ko yung nangyari kay Hartemis kanina."

Marahan akong tumango, ikinulong ko sa magkabilang kamay ko ang pisngi ng baby ko. Nag-ingay siya habang magkaharap kaming dalawa. Pinagdikit ko ang mga noo namin.

"Nakakain siya ng malaking slice ng strawberry..." pag-amin ko kay Hunter.

Tumikhim si Hunter kaya naman mas lalong humigpit ang hawak ko sa mukha ng baby ko. halos mabasa na ng laway niya ang tungki ng ilong ko dahil sa paglapit ko sa mukha naming dalawa.

"And my baby Hartemis is brave, right?" pagka-usap ko sa kanya.

Sumagot ito sa akin na para bang ikinikwento niya sa akin kung paano siya nag-struggle at kung paano niya na-overcome 'yon. But of course, with the help of Tita Ericatrina.

Sinabi ko din 'yon kay Hunter, pero nanatili lang siyang tahimik. Halos ayaw nga niyang bitawan si Hartemis. Para bang sumasama ang tingin niya sa kung saan sa tuwing naglalaro ang senaryong 'yon sa isip niya.

Hindi nagtagal ay naka-received ako ng message kay Tita Chatterly na gising na Daddy. Tulog na si Hartemis habang karga ng Daddy niya kaya naman nagpaalam akong ako na lang mag-isa ang babalik sa loob at dito na muna sila sa sasakyan.

"Wear this. Malamig na," sabi ni Hunter sa akin at iniabot ang jacket na kinuha niya mula sa backseat.

Gustuhin man sana niyang isuot 'yon sa akin ay hindi siya makagalaw ng maayos dahil sa pagkakahawak niya kay Hartemis. Gamit ang kanang kamay ay tumulong pa din siya para lang ma-isuot 'yon sa akin.

"Daddy..." tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa kwarto at nakita kong naka-upo na siya sa hospital bed at nakikipag-kwentuhan na.

Tinanggap niya ang yakap ko, ramdam ko ang higpit no'n.

Sinabi ko sa kanyang sasabihin ko kaagad ang pamilya ni Hunter na hindi na muna matutuloy ang pamamanhikan nila pero hindi pumayag si Daddy.

"Bukas pa naman ng gabi 'yon. Uuwi na din ako bukas ng umaga at buong araw na magpapahinga," giit niya.

Tiningnan ko sina Ate Ericatrina at Tita Chatterly para sana humingi ng tulong para kumbinsihin si Daddy pero nanatili silang tahimik na para bang aayon sila kung anong magiging desisyon nito.

"Pinaghandaan natin ito...kaya ko, Anak."

Hinayaan nila akong umuwi ng malaman nilang nasa labas si Hunter kasama si Hartemis. Inihatid kami ni Hunter sa bahay, he stayed there for a while hanggang sa sinabi ko sa kanya he can stay. Masyado ng malalim ang gabi para mag-drive pa siyang mag-isa.

"Baka hindi matuloy ang pamamanhikan mamaya pag nalaman ng Daddy mo na dito ako natulog," nakangising sabi niya sa akin.

Madaling araw na pero halos hindi pa din kami makatulog na dalawa. Nakahiga siya sa sofa kahit pa lagpas ang mga paa niya dito. Nakahiga naman ako sa kama habang katabi ang tulog na si Hartemis.

"Secret lang natin," nakangiting sabi ko sa kanya.

Mariin siyang pumikit at ngumit. Dahil sa ginawa ni Hunter ay mas lalo kong nakita kung gaano ka ganda ang featured ng mukha niya. Manang mana talaga ni Hermes ang buong 'yon.

Paglaki ng baby ko at naging binata, kasing gwapo din sana siya ng Daddy niya.

Umuwi si Hunter sa kanila para maghanda sa pamamanhikan nila mamaya. Kahit may anak na kami ay gusto pa ding nilang pormal na kausapin ang pamilya ko, na pormal na hingin ang kamay ko kay Daddy.

"These looks good on you..." malambing na sabi ko kay Hartemis.

Imbes na unahing isipin kung anong susuotin ko mamaya ay nauna akong namorblema sa kung ano ang ipapasuot ko sa kanya. Lahat kasi ay bagay sa kanya...nahihirapan akong pumuli.

Nasa kalagitnaan kami ng ginagawa namin nang makarinig ako ng mahihinang katok.

"It's me, Anya...Open the door, please...let me come in," rinig naming sabi niya mula sa labas.

Sa paraan ng pagkakasabi niya ay para bang may ginagawa siyang mga characters sa cartoon movies na napapanood niya.

Nagkatinginan kami ni Hartemis at parehong natawa. Pinagbuksan namin si Anya kaya naman yumakap kaagad siya sa akin. Dahil sa pagdating ni Anya ay nagpatulong ako sa kanya para pumili ng isusuot ni Hartemis mamaya.

"This white lacey one, Tita Ahtisia. It looks lang pang-Princess," sabi niya sa akin.

Marahan akong tumango, I'm eyeing for that one too umpisa pa lang. Ang kaso ay sa tuwing pinapasuot ko ang iba ay nakikita kong maganda din 'yon para sa baby ko.

"So this is final na," sabi ko kay Anya na ikinatawa niya din.

Bumaba ang tingin ko sa suot niyang jelly doll shoes, kaya naman kahit nasa bahay ay para pa din siyang magba-ballet.

"Buti po you're not angry sa akin, Tita Ahtisia..."

Umupo ako sad ulo ng kama, kinandong ko si Hartemis kaya naman mas lalong lumapit si Anya sa amin. Hinawakan niya ang kamay ng baby ko na para bang nilalaro ito.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Hindi mo naman 'yon gusto. And I know how much you love Hartemis," malambing na sabi ko sa kanya.

Mas lalong tumulis ang nguso niya kaya naman napangiti ako at marahang kinurot ang pisngi niya.

"Mommy told me na wag lumapit kay Hartemis because baka daw umiyak si Hartemis and ako ang may kasalanan," kwento niya.

"Palagi na lang angry si Mommy sa akin," malungkot na kwento pa niya.

"Hindi ganoon. Love ka ni Mommy mo, it's just that minsan marami siyang work kaya naman hindi niya na co-control ang emotions niya," pagpapa-intindi ko sa kanya kahit ang totoo ay masyado pang bata si Anya para siya ang mag-adjust sa stress na dala ng pagiging matanda.

"Bakit kayo kay Hartemis? Hindi niyo siya pinapagalitan at pinapalo..." sabi pa niya sa akin.

Magsasalita pa lang sana ako nang mapansin kong nakasilip na si Ericatrina sa may pintuan ng kwarto namin. Hindi namin 'yon nasara ng mabuti ni Anya kanina. Tipid siyang ngumiti sa akin, para bang narinig niya ang lahat ng pinag-usapan namin ni Anya.

"Sana iba na lang ang Mommy ko," sabi ni Anya na ikinagulat ko.

Mula kay Anya at lumipat ang tingin ko kay Ate Ericatrina, kita ko din ang gulat sa mukha niya...na unti-unting napalitan ng sakit. Bilang isang ina, alam kong sobrang sakit na marinig 'yon.

"Pero love ko ang Mommy ko kahit she's always angry, kaya I'll choose her pa din," dugtong niya kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Kahit papaano ay hindi mabigat sa dibdib.

Matapos kong makapili ng isu-suot ni Hartemis ay para sa dinner mamaya ay ako naman ang naghanap ng sa akin. Nakuha kaagad ang atensyon ko ng Jacquemus natural La Robe Saudade cotton and linen dress. My skin is a bit exposed with it pero 'yon ang gustong kong isuot para mamaya. Ilulugay ko na lamang ang buhok ko.

Abala ang buong bahay sa pagghahanda para sa pagdating ng aming mga bisita. Nanatili lamang si Daddy sa kanyang kwarto para magpahinga. Kailangan niya 'yon para pag dating ng mga bisita ay may lakas siya.

"You looked tensed," puna ni Ate Ericatrina nang magkasalubong kami sa may second floor. Pabalik na ako sa kwarto habang siya ay kalalabas lang sa kanya.

Ngayon lang ulit kami nagka-usap matapos ang sa hospital.

Tipid akong ngumiti, ang totoo ay kinakabahan din talaga ako para mamaya. Kahit naman si Hunter lang 'yon. Kahit nakasama ko na ang parents niya ay iba pa din.

"May isu-suot ka na?" tanong niya sa akin.

"Uhm...nakapili na ako, pero hindi pa ako sigurado kung 'yon na talaga," sagot ko sa kanya.

Bukod sa kinakabahan ako para mamaya ay hindi ako sanay na ganito kami mag-usap. Parang bang bagong kakilala ulit ang kaharap ko dahil hindi na siya masungit sa akin.

"You need help?" tanong niya sa akin.

"Uhm...ok lang?" tanong ko sa kanya, ramdam pa din ang hiya ko sa kanya at pagka-ilang.

Tipid siyang tumango kaya naman inimbita ko siya papunta sa kwarto namin. Ipinakita ko sa kanya ang napili ko, nagtagal sandali ang tingin niya doon bago siya tumango.

"Baka i-diretso ka ni Jimenez sa simbahan mamaya pag nakita ka," sabi niya na ikinagulat ko.

"B-bakit? Pang-kasal na ba ito?"

Ngumisi siya at umiling. "Bagay 'to sa 'yo...ito na ang i-suot mo," sabi pa niya sa akin.

Nagpasalamat ako sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin. Unti-unti ay alam kong magkakasundo din kami, kailangan lang naming maghintay hanggang sa pareho ng bukal sa loob namin ang pagtanggap sa isa't isa.

Naging mabilis ang oras ng araw na 'yon. Kaya naman maagang natapos ang pag-aayos sa bahay. Nagbihis na kami ni Hartemis bago pa mag-agaw ang liwanag at dilim.

Habang karga ang baby ko ay humarap kami sa salamin, inilabas ko ang phone ko at kinuhanan kaming dalawa ng litrato. Naka-pigtail ang buhok niya at nakalugay naman ang sa likuran. Mas lalo siyang naging mukhang manika.

Pababa kami ni Hartemis ng hagdanan ng makita kong nasa baba na din si Daddy, naka-ayos na at hinihintay na lamang din ang pagdating ng aming mga bisita. Nakatingala siya at pinapanuod ang pagbaba namin, ngumiti ako ng makita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

"Hindi ko pa kayo nakakasama ng matagal ay kukunin na kaagad kayo ng Jimenez na 'yon sa akin," sabi niya kaya naman natawa ako.

Niyakap kami ni Daddy at pareho niya kaming hinalikan sa ulo ni Hartemis. Humiwalay kami sa yakap niya ng mapansin namin ang pagbaba nina Ate Ericatrina at Anya.

"I am princess swan lake," sabi ni Anya habang pababa ng hagdanan, ganoon kasi ang kulay ng dress na suot niya.

"Of course, you are," malambing na sabi ni Daddy dito.

Napa-ayos kami ng tayo sa harapan ng front door nang i-anunsyo ng isa sa mga kasambahay na dumating na ang mga Jimenez. Sakay ng kulay itim na grand starex ang parents ni Hunter, kasunod no'n ang Raptor ni Hobbes at ang huling dumating ay ang Raptor ni Hunter.

"Ma-aksaya sa gasolina ang mga 'to," natatawang puna ni Daddy na pareho naming ikinatawa ni Ate Ericatrina.

Bumati ang parents ni Hunter, bumeso ako sa kanila bago nila hinarap si Daddy. Yumakap naman ako kay Ate Alihilani pagkapasok nil ani Hobbes. Nagkaroon sila ng sariling mundo habang kausap sina Daddy at Ate.

Nanatili kaming nakatayo ni Hartemis at nakatingin sa front door para hintayin ang pagdating ni Hunter.

"Dad!" tawag ni Hartemis at itinuro pa si Hunter na ikinagulat namin.

Imbes na magreklamo ay natawa na lang ako at humalik sa pisngi niya. Lumaki ang mga hakbang ni Hunter palapit sa amin, ramdam ko kaagad ang pagpulot ng braso niya sa bewang ko.

"Ang gaganda..." malambing na sabi niya tukoy sa aming dalawa ni Hartemis.

Matamis akong ngumiti sa kanya, mula sa aking mga mata ay bumaba ang tingin niya sa aking labi. Humilig siya at hinalikan ako.

"Hindi pa nag-uumpisa ang pamamanhikan," parinig ni Kuya Wil na nakatayo sa may front door na mukhang kanina pa kami pinanunuod.

Dahil sa kanyang sinabi ay nakuha din tuloy namin ang atensyon ng lahat kaya naman naramdaman ko kung paano uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa naramdamang hiya.

"Kumain na muna tayo habang ma-init pa ang mga pagkain," yaya ni Daddy.

Iniabot na din nila Ate sa mga kasambahay ang dala nilang pagkain. Naglakad na sila papunta sa may dinning, maging si Kuya Wil ay tinawag na din ni Daddy.

Kinuha ni Hunter si Hartemis sa akin kaya naman nagkaroon ako ng chance na ayusin ang suot kong dress.

"Saan ang pinakamalapit na simbahan dito?" seryosong tanong niya sa akin.

"B-bakit?"

Nagtaas siya ng kilay. "Ipapabukas ko...magpakasal na tayo ngayong gabi," sabi niya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Sa klase ng pagkakasabi ni Hunter ay para bang sigurado siya, na kung papayag ako ay 'yon nga ang gagawin namin.

Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya ng makabawi ako. "Nagmamadali ka?" tanong ko sa kanya.

"At kung sabihin kong Oo, Mrs. Jimenez," hamon niya sa akin.

Napanguso ako, muli kong naalala ang pinagusapan nil ani Mommy. Hindi man ganoon ka-importante sa akin ang magarang kasal ay sa tingin ko...ang mga nagmamadali, mabilis madapa.

"Gusto mong isumbong kita kay Mommy?" pang-aasar ko sa kanya na ikinatawa.

Nagkasundo kaagad ang parents namin. Naging maayos ang dinner ng pamilya namin ni Hunter. How I wish nandito din si Mommy at Hermes para mas maging kumpleto kami.

"Hindi ko nakasama si Ahtisia...wala ako habang lumalaki siya, gustuhin ko mang manatili muna siya sa amin para makasama pa namin ng matagal...alam kong kahit mahirap ay kailangan kong tanggapin 'to," pagsisimula ni Daddy.

"Para punan ang ilang taong pagkukulang ko sa kanya bilang ama niya...sa ngayon, ang tanging mabibigay ko ay ang suporta ko sa kanilang dalawa ni Hunter," dugtong pa niya.

"My daughter deserves all the love in this world. She might be misunderstood a couple of times, but once you get to know her...you'll know how precious she is."

Napangiti ako, sobrang sarap sa pakiramdam na marinig 'yon mula sa kanya.

Habang nagsasalita si Daddy ay kita ko mula sa peripheral vision ko kung paano walang ginawa si Hunter kundi ang tumango, natawa ako nang makita ko ang tamad na tingin ni Kuya Wil sa kanya.

"Bilang ama ni Ahtisia, wala akong ibang hihilingin sa 'yo, Hunter kundi ang alagaan siya, mahalin, irespeto. Mahalin mo ang anak ko sa paraang mas higit pa sa kaya naming iparamdam sa kanya."

Naramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa kamay ko na nakapatong sa aking binti, dahil sa ginawa niya ay nilingon ko siya, tiningnan niya ako diretso sa aking mga mata.

"Makaka-asa po kayo, Mr. Vergara," sagot niya kay Daddy habang diretso ang tingin sa aking mga mata.

Matapos ang dinner ay napag-usapan na kaagad ang tungkol sa preparation para sa kasal, Bago 'yon ay nabanggit nila na manunuod silang lahat sa darating kong play.

Bukod sa preparation para sa kasal, at sa darating na play, ay hindi ko pa din naman nakakalimutan ang obligasyon ko sa Westfield village.

"I'll wait for you here, may gusto ka ba?" tanong ko kay Hunter.

Kagagaling ko lang sa Aragrev, nasa companya pa niya siya at napag-usapan naming magkita na lang sa malapit na mall para sabay kaming pumunta ng Malolos.

"Coffee? Magt-take out na lang ako para may ma-inom ka sa byahe," sabi ko pa sa kanya.

Pumasok ulit ako sa loob ng mall. Bumili na din ako ng ibang kailangang gamit ni Hartemis. Humanap ako ng coffee shop para mag-take out ng kape para sa amin ni Hunter. Pagkapasok ko pa lang sa coffee shop ay may nahagip na pamilyar na mukha ang mga mata ko.

Ngayon mas malinaw na sa akin ang lahat, mag-isa siyang naka-upo sa table habang abala sa harapan ng kanyang laptop. Ilang sandali akong natigilan hanggang sa magkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan siya.

Nanatili akong walang imik ng lumapit ako sa harapan ng lamesa niya, dahil sa pananatili ko doon ay napansin niya na ako.

"May ma-itutulong ba ako sa 'yo, miss?" tanong niya sa akin.

Kahit yung boses, kahit yung facial expression...para siyang si Hugo.

"Hugo," tawag ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Hindi Hugo ang pangalan ko.'

"P-pero kamukhang kamukha mo siya," wala sa sariling sabi ko.

Sandali niya akong tinitigan bago siya napabuntong hininga.

"Sabino Isaac Avenida," pakilala niya sa akin bago siya naglahad ng kamay.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na nakalahad sa aking harapan. Hindi ko kaagad 'yon natanggap kaya naman ngumiti siya at binawi 'yon.

"Upo ka, Miss."

Walang pagdadalawang isip akong umupo sa kanyang harapan.

"Looks like you know my twin...Simon Inigo Avenida."

"Si Hugo...kaibigan ko siya," pakilala ko.

Muling nagtagal ang tingin niya sa akin.

"You must be Ahtisia?"

"Ako nga."

Bumaba ang tingin niya sa tasa ng kape na mukhang bagong dating lang.

"Hindi si Hugo ang totoong nagpabago ng DNA result ng mga anak mo," pag-uumpisa niya.

Para akong binuhusan ng malamig na ttubig.

"B-bakit naman ako maniniwala sa 'yo?"

Ngayon ko lang siya nakita, ni hindi ko nga siya kakilaa. May kung anong pamilyar na pakiramdam lang dahil kamukhang kamukha niya si Hugo.

"Tinakot ni Everette ang kapatid ko na papatayin si Nanay kung hindi siya susunod sa gusto nito. Si Everette ang may pakana ng lahat...gusto niyang masira din si Hugo sa 'yo."

"P-paano? Naguguluhan ako," pag-amin ko.

"Magulo naman talaga ang lahat. Kagaya na lamang ngayon na hindi pa din alam ni Nanay na wala na ang kapatid ko, kaya naman may mga pagkakataong kailangan kong magpanggap na siya para lang kay Nanay," kwento niya sa akin.

"Paano kita paniniwalaan?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na din alam, bukod sa hindi pa 'to ma-proseso ng utak ko ay magulo pa din talaga ang lahat.

"Inutusan ni Everette si Hugo na akuin ang tungkol sa fake DNA result, kung hindi niya gagawin 'yon ay papatayin niya si Nanay...kaming dalawa ni Nanay," paliwanag niyang muli.

Hindi na ako naka-imik pa. Nanatili na lamang ang tingin ko sa kanya, unti-unting nag-flashback sa akin lahat ng masakit na salita, pananakit, at galit na ipinakita ko kay Hugo.

"Kung anong ginhawa ang nararanasan namin ni Nanay ngayon...dahil 'yon sa mga na-iwan ng kapatid ko."

Bumaba ang tingin ko sa lamesa, bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nalaman.

"Hindi mo kasalanan na naniwala ka. 'Yon naman talaga ang gustong mangyari ni Everette, na magalit ka sa kapatid ko," sabi pa niya sa akin.

"Hugo doesn't deserve this..."

Hindi siya nagsalita, nanatili lang ang tingin niya sa akin.

"Don't worry, I know for sure na kung nasaan man siya ngayon...masaya na siya. Tahimik na ang buhay niya, malayong malayo sa gulo," pagpapagaan niya ng loob ko.

Hindi ko alam ang una kong dapat na maramdaman, gusto kong kausapin si Hugo, gusto ko siyang puntahan. Siya ang gusto kong maka-usap at hindi ang kapatid niya.

"Mahal ka ng kapatid ko kaya naman alam kong na-iintindihan ka niya. Wag kang ng mag-alala...Ahtisia," sabi niya sa akin.

Hinarap ko siya, kahit nanlalabo ang aking paningin dahil sa namuong luha.

"Hugo, I'm sorry..." sabi ko.

Sinabi ko 'yon na para bang si Hugo ang kaharap ko at hindi ibang tao.

May kung ano sa tingin niya na nagparamdam sa akin na si Hugo talaga siya.

"You don't need to say sorry...wala kang kasalanan."

May kung anong bumara sa lalamunan ko, kaya naman napahawak ako doon.

"Here, hindi ko pa 'yan nagagalaw," alok niya sa baso ng tubig.

Kinuha ko 'yon, pero dahil sa panginginig ng kamay ko ay natapunan ang suot kong dress dahilan para mapatayo ako.

"Comfort room lang ako. Please, wait for me...may mga tanong pa ako," paki-usap ko sa kanya.

Prente pa din ang pagkaka-upo niya doon na para bang wala siyang balak na umalis pa kaya naman dumiretso na ako sa comfort room. Binilisan ko ang galaw ko, pero pagbalik ko sa lamesa kung nasaan siya kanina ay wala ng tao, malinis na din ang table.

"Ma'am, ipinabibigay po ni Sir..."

Kinuha ko ang kapirasong papel na iniabot sa akin ng babae. Nanlaki ang aking mga mata, kaagad akong napatakbo sa labas para hanapin siya.

Hindi na ako babalik. Forget about me. -H

 








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro