Chapter 57
Request
"Hindi naman ata talaga masakit ang ulo mo. Nag-iinarte ka lang para sunduin ka ni Ahtisia dito," sita ni Kenzo sa kanya.
Mula kay Kenzo ay muli kong nilingon ang nakahiga pa ding si Hunter, naka-dilat na siya ngayon at feel na feel pa din talaga niya ang pagkakahiga doon.
"Sumakit talaga ang ulo ko," laban niya dito kaya naman hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya.
"Tss." Inis na sambit ng pinsan niya bago ito muling nagpaalam sa akin.
"Aalis na ako. May mga pasyente pang mas kailangan ako. Ginawa mo pa akong taga-bantay mo," seryosong sabi ni Kenzo pero ramdam ko yung pang-aasar sa tono ng kanyang bawat salita.
Ngumisi si Hunter. Hindi kaagad umalis si Kenzo, sandali siyang naging abala sa phone niya bago siya ngumisi.
"Tangina naman..." reklamo ni Hunter.
Nang lingonin ko siya ay doon ko nakitang nakatingin na din siya sa phone niya. Naka-ngisi si Kenzo nang lumabas siya sa kwarto na para bang bayad na ang hospital bill ni Hunter dahil sa ginawa niya.
Napabuntong hininga ako ng ma-iwan kaming dalawa. Lumapit ako sa kanya at marahang inilapag ang bag na dala ko sa paanan ng hospital bed niya.
"Anong nangyari?" marahang tanong ko. Gusto kong magtunog kalmado, ayokong iparamdam sa kanya na nag-aalala ako o kaya naman ay nag-panic.
I want to take everything as lightly as possible. Hindi pwedeng matakot, wala dapat lugar ang takot.
Padarag niyang binitawan ang phone niya na inirapan pa niya muna. Tumulis ang nguso ko, may mga topak talaga ang magpipinsang 'to minsan, hindi ko na din ma-intindihan.
Inabot ni Hunter ang kamay ko at hinawakan 'yon.
"Medyo sumakit lang ang ulo ko. Ilang araw babad sa meeting," paliwanag niya sa akin.
Mas lalo akong dumikit sa gilid ng hospital bed, halos ilagay ko na ang buong bigat ko sa pagkakahilig doon.
"That's why I told you to stay at home. Ako na ang magt-trabaho para sa atin," sabi ko sa kanya.
Humina ang mga huling salita dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. Para bang namamangha siya o ano na hindi ko ma-intindihan.
"I should be the one to provide for our family. And mahihirapan kang magtrabaho kung taon-taon kang buntis..."
"Ano!?" gulat na tanong ko.
Tipid na ngumisi si Hunter, hawak pa din niya ang kamay ko, nakita kong pinagmamasdan niya ang engagement ring sa daliri ko.
"Stop with that mindset na ang lalaki lang dapat ang nagt-trabaho. Women can work too...We can also provide, lalo na kung iba-iba ang sitwasyon," giit ko.
Marahan siyang tumatango habang pinapakinggan ako.
"You are right, Mrs. Jimenez."
"Hmp. Matigas naman ang ulo mo..."
Tiningala niya ako at pinagtaasan ng kilay. Mula sa kanyang mukha ay lumipat din ang tingin ko sa ulo niya, bagay kay Hunter ang bago niyang haircut, mas lalong na depina ang jawline niya, lahat ng aspeto sa kanyang mukha ay mas lalong nangibabaw.
"Do you like my new hair?"
Tuluyan na akong umupo sa gilid ng kanyang kama, bahagya siyang umusog para bigyan ako ng space.
"Bagay naman sa 'yo...sigurado, magugulat din si Hartemis pagnakita ka."
Itinaas ko ang kamay ko para marahang suklayin ang buhok niya, inayos ko 'yon gamit ang mga daliri ko kahit ayos naman na. Nakita ko ang pagpungay ng mga mata ni Hunter dahil sa ginagawa ko.
Mukhang na-e-enjoy na niya masyado kaya naman binawi ko na ang kamay ko at mabilis na tumayo, ramdam ko ang gulat niya dahil sa ginawa ko.
"Umuwi na tayo, lalaki ang bill mo dito," pananakot ko sa kanya. Kahit alam ko namang kayang kaya niyang bayaran 'yon.
Tumawa si Hunter at tamad na tumayo mula sa hospital bed. Sinukbit ko ang tote bag na dala ko, humalukipkip ako sa harapan niya habang pinapnuod ko ang tamad niyang paggalaw.
"You still look like the Ahtisia Amelie I met in college," puna niya sa ayos ko ngayon.
Naka-taas ang buhok ko, naka-itim na fitted spaghetti strap sando, at kulay baby blue na long skirt, I just paired it with my Chanel doll shoes.
Hindi ako umimik, hanggang sa tuluyan na siyang maka-ayos ng tayo at lumapit na sa akin. Kaagad na yumakap ang braso niya sa bewang ko.
"Iba yung ganda mo pag nagsusuplada," naka ngising sabi niya bago siya humalik sa pisngi ko. Hanggang ang halik niyang 'yon ay bumaba na sa aking leeg.
"Do you have any idea how I adore your neck?" tanong niya sa akin habang humahalik doon, hindi lang 'yon ramdam ko din ang tungki ng ilong niya sa balat ko na para bang inaamoy niya ako.
Dahil sa naramdamang panghihina ay napakapit ako sa kanyang braso.
"H-Hunter..." tawag ko sa kanya, masyado na akong nakikiliti sa ginagawa niya.
Ramdam ko ang pag ngisi niya bago nagtagal ang halik niya doon at pinakawalan na ako.
Ngumuso ako at napahawak sa leeg ko. Bumaba 'yon sa clavicle ko, ramdam ko ang lalim sa pagitan no'n.
"Normal naman 'yong leeg ko," laban ko sa kanya na ikinatawa niya.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang naglalakad kami sa tahimik na hallway ng hospital. Hindi ko ma-iwasang punahin 'yon, para kasi kaming bumalik ni Hunter sa college, para bang yung mga hindi namin nagawa noon...ay nagagawa na namin ngayon.
Malayo na kami sa mga mata ng taong hindi pabor sa relasyon namin, wala nang nagdidikta, walang nakiki-alam.
Yumakap ako sa braso niya, being sweet is ok too.
"Gusto ko ng ice cream," paglalambing ko. Na hindi ko naman nakasanayan.
I want to go outside the box...my comfort zone.
Mariing napapikit si Hunter. "Damn, anong factory ng ice cream ang gusto mong ipasara natin?" tanong niya na ikinatawa ko.
Nag-drive thru kami sa isang fastfood. Chocolate ice cream ang pinili ko, ganoon din ang kay Hunter kahit hindi naman talaga siya mahilig sa sweets.
"I'll gonna buy a new car," sabi niya sa kalagitnaan ng byahe namin.
"Anong sasakyan?"
"Ford Raptor, kagaya ng kay Kuya..." sagot niya sa akin na ikinatango ko.
Hindi na ako umimik pa, hanggang sa maramdaman ko ang paglingon niya sa akin.
"Ayos lang ba?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Huh? Bakit ka pa magpapaalam sa akin?"
"Ganoon si Daddy kay Mommy...nagpapaalam pag may bibilhin," sabi niya na ikinangisi ko.
"Kahit bumili ka pa ng barko, walang kaso sa akin. At pera mo naman 'yon, pero kung mangungutang ka sa akin...wala pa akong ganoon kalaking pera," nakangising sabi ko sa kanya.
This is the other side of me na gusto kong ilabas. Yung hindi ko kailangang mag-hold back, yung nasasabayan ko yung moment. It's like having him again feels like an ultimate freedom.
"Naughty..." nakangising sambit niya.
Handa na din ang pamilya ni Hunter na pumunta sa bahay para sa pamamanhikan. Ginawa nila 'yon dahil naka-usap na namin si Mommy. I really appreciate their respect for my mom, kahit pa hindi naging maayos ang lahat sa pagitan nito at ng mga Jimenez.
"Bakit dumaan ka pa dito kung may ballet practice ka? Baka ma-late ka sa mga appointments mo," seryosong sabi ni Mommy sa akin nang dumaan muna ako sa presinto bago ako pumunta sa ballet rehearsal ko.
Ilang buwan na lang ang preparation namin para sa play, kaya naman nag-double time na kami. Hati din ang oras ko sa ballet at sa trabaho.
Simula nang maramdaman kong gumagaan na ang relasyon namin ni Mommy ay parang biglang ko siyang gustong makasama ng madalas.
Bukod kasi doon ay gusto kong makumpirma ang kutob ko tungkol sa kanila ni Daddy nitong mga nakaraang araw.
"Kailan po huling pumunta si Daddy dito?"
Dahil sa itinanong ko ay napabuntong hininga siya at napa-irap sa kawalan.
"Hindi ang Daddy mo ang pumunta dito...'yung maldita niyang anak. Akala siguro ng punyetang 'yon kaya niya ako. Ako si Atheena Escuel, hindi pa ipinapanganak ang makakatapat sa akin," sabi ni Mommy.
Masungit ang pagkakasabi niya no'n, pero hindi ko na ramdam yung gigil, inis at galit. Iba yung naramdaman ko sa boses niya habang sinasabi niya 'yon. Walang iba kundi ang lungkot.
"Ano pong ginawa niya sa inyo?" nag-aalalang tanong ko.
Kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kailangan 'yon dahil si Atheena Escuel siya, hindi siya nagpapatalo.
Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay.
"Subukan niyang may gawin sa akin," banta niya.
Sandali akong natahimik. Tahimik kong pinagmasdan si Mommy, ang ilang beses niyang pag-irap kahit wala naman dito yung gusto niyang irapan.
"Ano pong sinabi niya sa inyo?" marahang tanong ko.
Bumalik yung takot ko na magtanong sa kanya dahil baka hindi niya ako sagutin. Dahil baka ayaw niya ulit makipag-usap.
"Hindi na daw pupunta dito ang magaling niyang ama. Ang sabi ko...isaksak niya sa baga niya," masungit na sabi niya, sinabi niya 'yon sa kung paano niya sinabi 'yon kay Ericatrina.
"Kaya po pala..." malungkot na sabi ko.
Kaya pala maayos na ang relasyon nil ani Daddy. Baka ito yung kapalit, ang hindi na makipagkita si Daddy kay Mommy para matahimik si Ericatrina.
"Paano po kayo?" malungkot na tanong ko sa kanya.
Nagsisimula pa lang siyang mag-open up ulit dahil sa presencya ni Daddy, pero dahil dito ay mukhang hindi na 'yon matutuloy.
It's also not right na mag-demand kay Daddy kung ang kapalit nito ay ang pagiging maayos ang relasyon nila ni Ericatrina.
"Anong paano ako? I don't need anyone," she said at nag-iwas pa ng tingin.
Hinawakan ko ang kamay niya na ipinatong niya sa itaas ng lamesa.
"That's right. You don't need any man...si Atheena Escuel ka po, you don't need a man for you to be able to stand up again." Pag-uumpisa ko.
Nilingon ako ni Mommy, ginantihan niya ang tingin ko sa kanya.
"I really admire you for that, Mommy. I'm proud of this version of you..." seryosong sabi ko sa kanya.
Tumikhim siya. Itinaas niya ang kamay niya at marahang hinaplos ang pisngi ko.
"It's just too late for me to realize that you and Hartemis is enough. You and my apo is all I need," she said.
Tipid ko siyang nginitian, umayos ako ng upo at kaagad na niyakap si Mommy.
"We'll wait for you, Mommy."
May lungkot man na nararamdaman para sa kanya ay magaan pa din kahit paaano ang loob ko. Ngayon, kaya ko nang makipag-usap kay Mommy ng hindi ako natatakot sa kanya. Ngayon kaya ko nang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko.
"Kamusta na ang Mommy mo?" tanong ni Kuya Wil sa akin habang nasa byahe kami.
Tipid kong nginitian si Kuya Wil nang makita ko ang tingin niya sa akin mula sa rear-view mirror.
"Ayos naman po siya," sagot ko sa kanya.
Tipid siyang tumango. Bago tuluyang mag-umpisa ang practice ko ay naka-received pa ako ng message kay Hunter na pupunta siya sa gym, kung saan siya nagg-gym nung college.
"Isusumbong kita kay Kenzo," sambit ko habang tinitipa ko 'yon sa reply ko sa kanya.
Pumwesto ako sa gitna ng mga kasama ko. Nakatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin. I can say na ito ganito yung klase ng buhay na ini-invision ko noon. Bagay na buong akala ko ay hanggang panaginip lang.
Hindi man mapagkaka-ila na may kulang dahil wala si Hermes dito ngayon ay alam kong kahit naman anong mangyari...never mawawala ang baby ko. Parte siya ng buhay ko, araw-araw ko siyang kasama.
Tumugtog ang saxophone cover ng If ever you're in my arms again bilang warm up piece namin. Ang unang kailangang gawin bago ka sumayaw...bago mo sundan ang tugtog, bago ka magpakain at malunod dito...kailangan mong damhin ang tugtog.
"The best of romances, deserve second chances...I'll get to you somehow, 'cause I promise now..."
Natawa kami bago matapos ang tugtog ng kantahin na 'yon ng isa sa mga kasama namin na para bang masyado siyang na carried away sa kanta at mukhang may pinagdadanan.
Matamis akong ngumiti sa kanya nang magtama ang tingin namin.
Matapos ang practice ay mabilis akong bumaba, hindi kagaya nung isang araw ay nandoon na kaagad si Hunter. Malayo pa lang ako ay nakalahad na ang kamay niya na para bang handa na siyang salubungin ako ng yakap.
Napangiti ako, pero hindi ko naman siya binigo dahil tumakbo ako palapit sa kanya at tinanggap ang yakap niya.
Pareho kaming natawang dalawa nang marinig namin ang pagtikhim ni Kuya Wil sa hindi kalayuan.
Mula sa pagkakayakap ay bumaba ang hawak ni Hunter sa kamay ko.
"May pupuntahan tayo," sabi niya sa akin at hinila ako palabas ng building.
"Agad-agad?" gulat na tanong ko sa kanya nang makita kong hindi na ang Rover niya o ang itim na Hilux ang gamit niya...Kulay blue na Ford Raptor.
Parang nung isang gabi lang niya sinabi sa akin na bibili siya, ngayon ay meron na.
"May binili din akong ibang gamit para sa ginagawa nating bahay..." turo niya sa ilang karton na nasa likod ng Raptor.
"May extrang pera kaya binili ko na 'to," tukoy naman niya sa Raptor kaya napakurap ako.
"So sinasabi mo bang extra lang sa 'yo ang 2 million?" tanong ko sa kanya at pinanlakihan pa ng mata.
Ngumisi si Hunter. "Pinayagan moa ko," paalala niya sa akin.
Inirapan ko siya at sa huli ay nginitian. Iginaya niya ako papunta sa passenger seat, siya ang nagbukas ng pintuan, medyo may kataasan 'yon kesa sa iba niyang sasakyan kaya naman naramdaman ko kaagad ang hawak niya sa magkabilang bewang ko para buhatin ako papasok.
"Tama ang desisyon ko," nakangising sabi niya nang maka-ayos na ang ng upo.
"Ewan ko talaga sa 'yo, Jimenez."
Tinahak namin ang pamilyar na daan pa-uwi sa subdivision nila. Hindi ako nagtanong, hinayaan ko si Hunter kung saan niya ako dadalhin. Nalagpasan namin ang street kung nasaan ang bahay ng parents niya. Hanggang sa pumasok ang sasakyan sa ginagawang bahay.
Buo na 'yon, pwede na ngang tirhan, medyo makalat lang ang paligid dahil sa mga idinidikit na bricks.
"Kaninong bahay 'to?"
"Sa atin," nakangiting sagot ni Hunter sa akin.
"Totoo?"
Bumaba siya at umikot para pagbuksan din ako. Kung paanong mahirap umakyat at ganoon din ang pagbaba kaya naman inalalayan niya ako.
May ilang trabahador na lumapit para kuhanin ang mga gamit sa likod ng Raptor. Hindi pa din ako makapagsalita sa dahil sa pagkamangha.
"Ayun ang kila Kuya Hob. Doon sina Piero...tsaka sila Tadeo," kwento niya at may tinuturo sa kung saan.
Hindi ko na nasundan pa 'yon. Dahil sa sinabi ni Hunter na bahay namin 'to, dito kami titira at bubuo ng pamilya ay mas lalo kong naramdamang ito na talaga 'yon. Hindi na 'to yung relasyon namin noon na hindi ka pa sigurado kung magtatagal ba kami...o kami nga talaga.
Ngayon pinili naming kaming dalawa ang tatanda ng magkasama.
Hinila niya ako papasok sa loob, hindi sapat ang sandaling oras para purihin ko ang laman ng loob, dumiretso kami sa itaas. Hanggang sa pumasok kami sa sinasabi niyang master bedroom.
Bukod sa laki ng kama ay mas lalo akong napanganga nang makita ko ang malaking ballet portrait ko sa pader, halos masakop niya ang pader sa kanang bahagi ng kwarto.
"S-saan mo 'yan nakuha?" tanong ko.
"Binili ko," tipid na sagot niya.
Yun yung litrato ko nung nag-Prima ballerina ako sa America.
Gulat kong nilingon si Hunter.
"Yung nasa studio namin? This was shipped from there papunta dito?"
Marahang tango ang isinagot niya sa akin.
"Ayokong naka-display 'yan kung saan-saan. Gusto ko dito lang, ako lang ang makakakita," sabi pa niya sa akin kaya naman muli ko siyang nilapitan at niyakap.
"Nagustuhan mo?" malambing na tanong niya.
Marahan akong tumango habang nakayakap sa kanya.
"Sobra..."
Mahina siyang natawa.
"Mas gusto ko syempre....'Yan ang bubungad sa akin pagkagising ko at bago ako matulog."
May plano na kaagad siya kung saan siya sa side ng kama. Hinahayaan ko na lang siya, walang mapagsidlan ang saya ko.
"Let me take a picture of you..." sabi niya sa akin at pinatayo ako sa litrato kong mas malaki pa sa akin.
"I'll post it on my social media accounts," sabi niya sa akin.
"Send me a copy too!" excited na sabi ko sa kanya.
Matapos niya akong kuhanan ng litrato doon ay magkatabi kaming umupo sa kama. Matagal na simula nang mag-post ako o buksan ko man lang ang mga social media accounts ko.
Tahimik na pinapanuod ni Hunter ang pag-post ko sa Instagram ko. Abala ako sa pag-iisip ng caption ng biglang may dumating na notification sa akin.
"May nag-follow request sa akin. I-accept ko ba?" tanong ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay.
"Damn, Baby...just accept my request," demanding na sabi niya.
Tinawanan ko siya pero kaagad ko ding ina-accept 'yon, naka-private din ang account ni Hunter. Nang makapasok ako ay kaagad ko siyang ini-stalk.
"I want this too!" sabi ko nang makita ko ang picture ni Hartemis sa feed niya, naka-tutu dress ang baby ko at naka-tip toe habang hawak siya ni Hunter.
Bukod sa picture ni Hartemis ay nandoon din ang ibang mga litrato namin.
"Hindi ka man lang nagpaalam na kukunin mo ang mga 'to..." pang-aasar ko sa kanya.
Ilan doon ay mga litratong galing sa akin. Kagaya na lamang nung picture namin ni Hartemis na karga ko siya at naka tiptoe ako.
Humilig siya sa akin, naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko.
"Akala ko nga hanggang litrato na lang talaga ako," sabi niya.
Nginisian ko siya, wala sa sarili kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Kinikilig nanaman si Hundson Jimenez," pang-aasar ko.
"Uhm...at hulog na hulog nanaman," dugtong niya.
Dumaan muna kami sa kanila bago niya ako ihatid pauwi. Naabutan naming nagluluto sina Ate Alihilani at Mommy Carol kaya naman pagkauwi ay may ipinadala pa siyang pagkain sa amin.
"Nag-iisip na din kami kung anong pwede naming dalhin bukas...may request ka ba? Or yung Daddy mo?" tanong nila.
Naghahanda na din sila ng mga pagkaing dadalhin daw nila para sa pamamanhikan nila sa amin bukas.
"Kahit ano po ay ayos lang. Nagpahanda na din po si Daddy," sabi ko sa kanila.
Tahimik si Hobbes na kumakain sa may kitchen counter, mukhang siya ang taga tikim nila, pero ilang beses din siyang sinuway ni Ate Alihilani na hindi na lang tikim ang ginagawa niya.
"Hob, hindi na tikim 'yan...dinner na 'yan at almusal mo para bukas," suway niya sa asawa.
Napahalakhak si Hobbes dahil sa sinabi nito.
"Anong magagawa ko? Ang sarap ng luto niyo..."
Nakita ko kung paano inirapan ng nakatayong si Hunter ang Kuya niya. Mukhang nakita 'yon ni Hobbes kaya naman nilingon niya ang kapatid, itinaas ang hawak na tinidor para subuan ito.
"Inggit ka nanaman sa akin," biro ni Hobbes sa kapatid.
Inis na tinabig ni Hunter ang kamay ng kuya niya.
"Tigilan mo ako, Kuya..."
Hindi ito tumigil hangga't hindi tinatanggap ni Hunter ang pagsubo niya, kaya naman sa huli ay ramdam ko ang saya ni Mommy Carol habang nakatingin sa mga anak.
"Hahalik lang ako kay Hartemis," sabi niya sa akin pagkahinto ng sasakyan sa aming bahay.
Marahan akong umiling, bago kami umalis sa kanila ay nabanggit ng Daddy niya na may kailangan silang pag-usapang tatlo nila Hobbes para sa meeting bukas ng umaga.
"Gagabihin ka. Hahabol pa 'yon sa 'yo...nandito ka naman bukas," sabi ko pa.
"Kiss her for me then..." marahang sabi niya.
Hinila ako at hinalikan sa pisngi.
"Para 'yan kay Hartemis."
Marahan akong tumango. Lalayo na sana ako ng muli niya akong hinila palapit sa kanya para angkinin naman ang labi ko. sandaling nagtagal 'yon.
"'Yan para kay Mommy," nakangising sabi niya sa akin.
Hindi siya umalis hangga't hindi niya nasisiguradong nakapasok na ako sa loob ng gate. Saktong pag-alis ng sasakyan ni Hunter ay ang pagdating naman ni Ericatrina.
Mas nauna na akong naglakad papasok, baka magkagulo nanaman kung sakaling magpang-abot kami.
Rinig ko ang tawa ni Anya pagkapasok ko sa front-door. Mukhang nasa may dinning sila, alam ko na kaagad na nandoon din si Hartemis.
"Is it yummy?" si Anya.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at nabitawan ko kaagad ang lahat ng dala ko nang makita kong namumula ang baby ko, pilit niyang iniluluwa ang kung anong bumara sa lalamunan niya.
"Hartemis!" tawag ko sa kanya.
Nagulat si Anya sa pag sigaw ko, nag-panic ako na alam kong ikinatakot niya.
Binuhat ko kaagad ang baby ko, pinatalikod sa akin at kaagad kong tinapik ang likuran para ma-iluwa niya ang naka-bara sa lalamunan niya.
"Baby..." tawag ko sa kanya.
Ni hindi niya magawang umiyak. Masyado na akong nagpa-panic.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng kakapasok lang na si Ericatrina.
"Ang baby ko..." sumbong ko sa kanya.
She immediately figured out what's happening. Lumapit siya sa akin at kinuha si Hartemis para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Hindi ako nakapagsalita, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Matapos ang ilang pagtapik niya sa likuran nito ay na-iluwa ni Hartemis ang naka-bara sa lalamunan niya. Doon na siya nag-umpisang umiyak.
Kaagad siyang inabot ni Ericatrina sa akin, niyakap ko 'to ng mahigpit.
"You did this, Anya?" tanong niya sa akin.
"I'm sorry, Mommy..." ramdam ko ang takot sa boses nito.
Hanggang sa ma-iyak siya nang higitin ni Ericatrina ang braso niya at pilit na hinila paalis doon.
"I already told you na wag lumapit sa kanya," pagkastigo niya dito.
Abala pa ako sa pagpapatahan sa baby ko, pero nagawa ko pa ding lumuhod para pantayan si Anya at yakapin kahit pilit siyang hinihila ni Ericatrina paalis.
"Tama na. Hindi niya naman gusto ang nangyari..." sabi ko.
Umiiyak na yumakap si Anya sa akin, she keeps on saying sorry.
"I'm sorry, Tita Ahtisia...I'm sorry," umiiyak na sabi niya sa akin.
Tumahan na si Hartemis na karga ko sa kaliwang kamay ko, yakap ko naman si Anya sa kanang kamay.
Natahimik si Ericatrina habang nakatingin sa amin. Hinayaan kong nakayakap si Anya sa akin hanggang sa tumahan na siya.
"Stop being nice to me and my daughter. Stop being nice..." giit niya.
Hindi ko pinakinggan 'yon. Hinarap ko siya.
"Thank you..." sabi ko para sa pagtulong niya sa baby ko.
Hindi pa siya nakakapagsalita nang magulat kami dahil sa pagsigaw ng isa sa aming mga kasambahay.
"Ma'm Ericatria, Ma'am Ahtisia...Ang Daddy niyo po!"
Kaagad kaming tumakbo sa may front door. Kakababa niya lamang ng sasakyan ng bigla daw itong mapahawak sa bandang dibdib niya bago nawalan ng malaya, base 'yon sa kwento ng mga nakakitang kasambahay at ng driver niya.
"Yes, Tito...nasa hospital kami..." pagkausap niya kay Tito Zanjo sa phone niya.
"Si Ahtisia..." sagot niya dito ng mukhang tinanong siya kung sino ang kasama niya.
Iniwan namin si Hartemis at Anya kina Kuya Wil at Dawn.
"Magiging ayos lang si Daddy," sabi ko sa kanya.
Wala siyang ginawa kundi ang maglakad ng pabalik-balik sa harapan ko.
"Si Daddy na lang ang meron kami ni Anya. Hindi pwede 'to..."
"Ate..." tawag ko sa kanya.
Dahil sa sinabi ko ay sandali siyang napatigil. Tumayo ako para lapitan siya.
"Dahil ba sa akin? Stressed siya dahil sa akin?" paninisi niya sa sarili niya.
"Hindi ganoon," laban ko.
Tuluyan na siyang nag-burst out.
"Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama kay Daddy," sumbong niya.
Lumapit ako, nagdalawang isip pa ako nung una pero ginawa ko pa din. Niyakap ko siya.
"Hindi mawawala si Daddy sa atin," marahang sabi ko.
Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko ng maramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro