Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Proposal








Pansin ko ang pagiging clingy ni Hunter these past few days.

Naka-indian sit ako sa gitna ng kama habang kaharap ang nakahigang si Hartemis, nag-iingay siya na para bang kumakanta habang binibihisan ko siya, kakatapos ko lang siyang paliguan at damitan. Marahan kong pinahiran ng baby facial cream ang mukha niya matapos kong ayusin ang pagkaka-pigtail ng buhok niya.

"You like this?" malambing na tanong ko sa kanya habang marahan kong mina-massage ang pisngi niya.

She likes it, everytime na nilalagyan ko siya ng cream sa pisngi, o kaya naman ay inaayusan ko ang buhok niya. Behave siya everytime na ginagawa namin 'yon.

Pinindot ko ang tungki ng ilong niya bago ko pinanggigilan ang baby ko. Dahil sa ginawa kong pangingiliti ay tumili siya at tumawa.

Gustong gusto ko ang amoy ng baby ko, halos singhutin ko nga 'yon, pero kahit anong gawin kong pag-amoy ay hindi na-uubos ang amoy niya.

Pa-ulit ulit ko siyang hinalikan sa leeg pababa sa kanyang tiyan at tagiliran kaya naman nakikiliti siya. Nasa ganoon kaming posisyon nang pumasok si Hunter. Hawak niya ang laptop niya habang ang kanyang phone ay nasa tenga niya dahil sa kausap.

Nasa amin kaagad ni Hartemis ang tingin niya kaya naman una akong nag-iwas ng tingin.

Umayos na ako ng upo at lumuhod sa harapan ni Hartemis para buhatin siya at patayuin sa harapan ko. tumalon talon ang baby ko dahil sa hawak ko sa kanya na para bang sumasayaw siya.

"Kulit," malambing na pang-aasar ko sa kanya bago ko siya iniyakan sa akin para makababa na kami sa kama.

Medyo mataas ang kama ni Hunter kaya naman dahan dahan ang nagawa kong pagbaba, pero bago pa man ma-abot ng paa ko ang sahig ay napasigaw na ako sa gulat nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.

Walang kahirap-hirap niya akong binuhat kahit pa karga ko si Hartemis, umupo siya sad ulo ng kama at kinandong ako. Humigpit ang yakap ko sa baby namin na tuwang tuwa naman dahil sa ginawa ng Daddy niya.

Hindi nagsalita si Hunter, mahigpit niya lang kaming niyakap, ang kanyang noo ay isinandal niya sa balikat ko.

"May problem aba?" tanong ko kaagad.

Marahan siyang umiling. Humalik siya sa hubad kong balikat bago niya ako hinarap at ngumiti.

"Naglalambing lang," sagot niya sa akin.

Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinagot niya kaya naman iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Ang landi," sambit ko na ikinatawa niya.

Humigpit lalo ang yakap niya na para bang mas lalo siyang nanggigil.

"I can't help it, ang sarap mong landiin," sabi pa niya.

Kaagad kong itinaas ang isa kong kamay para takpan ang tenga ni Hartemis, tumawa ang baby ko dahil sa ginawa ko, ganoon din ang ginawa ng Daddy niya.

"Alam ni Hartemis 'yon," sabi niya sa akin kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

"Na malandi ka?" tanong ko.

Nagtaas din siya ng kilay.

"Sa 'yo lang..."

Inirapan ko siya. Malandi naman siya sa lahat simula pa lang nung college kami kaya hindi ako naniniwala.

Nag-ingay si Hartemis na para bang kinakausap niya ang Daddy niya, nakangiti akong nakatingin sa baby ko habang ginagawa niya 'yon na para bang kahit hindi ko naman talaga na-iintindihan ay gusto kong malaman niyang papakinggan ko siya.

"Kaya nga, ayaw maniwala ni Mommy," sabi ni Hunter na akala mo naman talaga.

Marahan ko siyang siniko sa dibdib kaya naman mas lalo siyang tumawa. Kaagad na akong kumawala para makatayo na kami, kanina pa kami pinapatawag sa baba para sa breakfast.

"Bumaba na tayo, nakakahiya sa Mommy at Daddy mo," puna ko sa kanya.

Nakatayo na kami ni Hartemis, naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa leeg ko bago ko naramdaman ang halik ng baby ko sa pisngi ko.

"You can call them Mom and Dad also," sabi niya sa akin na ngayon ay tumayo na din.

Napanguso ako habang nakatingin kay Hartemis, dahil sa ginawa ko ay sa labi naman niya ako hinalikan.

Hindi ko pa ata kaya na tawaging Mommy at Daddy ang parents ni Hunter. Hindi pa naman kami official na nagkabalikan talaga, at lalong hindi naman kami mag-asawa para gawin ko 'yon.

Bumaba na kami sa may dinning, saktong kabababa lang din nina Ate Alihilani at Hobbes. Lumapit ako kay Ate na karga si Allennon, marahan kong pinisil ang matambok na pisngi nito, natawa pa kaming pareho nang ituro ko sa kanya ang double chin nito.

"Takaw takaw, e..." sabi niya sa baby niya.

Magkatabi ang baby chair nila na napapagitnaan namin ni Ate Alihilani. Maraming pagkain na nakahain sa may lamesa, pero may sariling pagkain ang mga bata.

"Mas gusto ko nga na dito na lang kayo...this house is too big para sa amin ng Daddy niyo," sabi ni Mrs. Jimenez.

Patapos na ang bahay na pinapagawa nina Ate Alihilani at Hobbes, ganoon din ang pinapagawa ni Hunter.

Nakita ko kung paano hawakan ni Mr. Jimenez ang kamay ng asawa.

"We talked about this. Kailangan nating tanggapin na darating talaga ang araw na aalis ang mga anak natin para bumuo ng sarili nilang pamilya," pagpapa-intindi nito sa asawa.

"At nasa kabilang kanto lang kami Mommy," sabi ni Hobbes na ikinatawa namin.

Nasa isang subdivision lang ang bahay nila at mga bahay na ipinagawa ng magkapatid. Nandito nga din ang sa mga pinsan nila.

Pinanlakihan ko ng mata ang plato ko nang makita kong halos mapuno na 'yon. Abala ako sa pag-aasikaso ng pagkain ni Hartemis, kaya naman si Hunter na ang naglagay ng pagkain para sa akin.

"Eat up," he said bago nag-umpisa na ding kumain.

Lately, mas na-enjoy ko ang pagkain na kasama sila. Ngayon ko lang kasi ulit naranasan na kumain na may kasabay, na kumpleto. Bagay na hindi naman gaanong nagagawa noon nila Mommy. Parang suntok pa sa buwan na magkakasabay kaming kumain.

Nilingon ko si Hartemis, nag-e-enjoy din ang baby ko sa pagkain niya. Kaya na niyang kumain na siya lang...mabilis lumaki ang baby ko. I wish I could stop it for a little while, hindi ko pa ata kaya, gusto kong baby na lang siya.

"Susunduin naman ako ni Daddy, sabay kaming pupunta sa Malolos," sabi ko kay Hunter pagkabalik namin sa kanyang kwarto.

Aalis ako para sa trabaho. Kenzo suggested na magpahinga pa siya ng ilang araw.

Kakatapos ko lang mag-shower, abala ako sa pag-aayos ng mga gamit at dadalhin ko. Kanina pa sunod ng sunod si Hunter sa akin habang karga si Hartemis. He keeps on insisting na siya ang maghahatid sa akin pero tinanggihan ko.

Tahimik ang baby ko habang buhat ng Daddy niya, looks like she's wondering what's happening.

I'm wearing a black spaghetti strap jumpsuit and paired it with a brown suit.

Matapos kong ma-ayos ang bag at gamit na dadalhin ko ay dumiretso naman ako sa may vanity mirror, umupo ako doon para maglagay ng light make up, sumunod silang dalawa sa akin. Hinila ni Hunter ang black tufted swivel chair at itinabi sa akin.

Nakakandong sa kanya si Hartemis, pumalungbaba si Hunter at itinukod ang siko sa may vanity table at pinanuod ang ginagawa kong pag-aapply ng make up...silang dalawa ni Hartemis, pinapanuod nila ako.

Hindi ko na sana papansinin pa, pero natawa ako nang makita kong interisado ang baby ko sa ginagawa ko.

Idinikit ko ang lipstick sa labi niya kaya naman ganoon na lamang ang gulat ko ng ngumuso siya. She knows kung para saan 'yon.

Tumawa ako, pero hindi natuwa si Hunter. Kaagad niyang pinahiran ang labi ni Hartemis gamit ang palad niya.

Sumimangot siya, imbes na magsalita ay humalik na lang siya sa pisngi ni Hartemis. Napa-iling na lang ako at muling humarap sa salamin para ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Marami akong ibinilin kay Hunter bago ako umalis, nasa labas na sina Daddy at hinihintay na ako. Umalis ang parents ni Hunter kaya naman hindi na bumaba pa si Daddy sa sasakyan.

"By 11 am, pwede mo na siyang pa-inumin ng 6.5 oz ng milk. Lunch niya pear yogurt and puffs..." pag-uumpisa ko.

Marami pa akong bilin kay Hunter, pero nanatili ang pagkakabusangot ng mukha niya. Hindi ko pinansin pero pigil na pigil ang pag ngiti ko. Akala mo batang hindi sinama ng Nanay sa pag-alis.

Bumaba ang tingin ko sa baby ko na karga ng Daddy niya.

"Behave kay Daddy..." malambing na sabi ko kay Hartemis at hinalikan siya sa pisngi.

"Ako ang susundo sayo mamaya," pinal na sabi ni Hunter na para bang bawal na akong kumontra pa.

"Magpahinga ka na lang," giit ko pero umiling siya.

Tumingkayad ako para humalik sa pisngi niya, nag-alangan pa ako nung una, pero nang ma-isip kong naglalambing siya ay ako na ang nag-initiate at humalik na sa pisngi niya. Hindi siya nakuntento doon kaya naman yumuko siya para halikan ako sa labi.

He wanted to go deeper pero pinanlakihan ko siya ng mata, bukod sa nasa front door nila kami, at may possibility na kita kami ni Daddy ay nasa harapan pa namin si Hartemis.

"Susunduin kita," paalala pa niya na inirapan ko na lang.

Hanggang sa paglabas sa gate ay wala akong ginawa kundi ang kumaway kay Hartemis. Buong akala ko ay ayos na sa kanya, pero nang ma-kumpirma talaga niyang aalis ay ako nag-umpisa na siyang umiyak kaya naman inalo na siya ni Hunter.

"Good morning, Daddy..." bati ko sa kanya pagkasakay ko sa hiace van.

Nalaman kong hanggang ngayon ay hindi pa din tanggap ni Tita Chatterly ang pagkawala ni Hugo. Ganoon din naman ako, pero kung hahayaan kong pagharian ako ng lungkot...wala akong magagawa, bagay na alam kong hindi niya magugustuhan.

Maging si Ate Ericatrina ay hindi pa din bumabalik sa dati, bukod sa hindi na niya ako pinag-iinitan ay nanatili na lamang 'tong tahimik ay inabala ang sarili kay Anya at sa ibang bagay.

Ipinakita ko kay Daddy ang project proposal na nanggaling pa kay Mommy. Sa bawat lipat niya ng page ay nakita ko kung paano hindi nawala ang ngiti sa labi niya.

"We can't really deny the fact, that Atheena is one of the best in this field," he said kaya naman marahan akong tumango.

Kahit ako nung mas lalo kong na-intindihan ang plano ni Mommy doon ay namangha din. Minsan talaga, tsaka mo lang ma-iintindihan ang isang bagay pa dumating yung tamang oras na ipapamukha na sa 'yo ng pagkakataon kung bakit nangyari ang mga bagay bagay.

Buong araw kami ni Daddy sa westfields, may mga nakatayo na ding tent, at handa ang ibang construction machineries.

Hindi ko namalayan ang oras, marami din akong natutunan kay Daddy, mas lalo kong nae-enjoy ang pinaka-una kong malaking project under Aragrev.

Ngumisi si Daddy kaya naman nilingon ko siya, sinundan ko ang tingin niya, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pagdating ng sasakyan ni Hunter. Masyado pang maaga para sunduin niya ako.

"Andyan na ang sundo mo," nakangising sabi ni Daddy sa akin.

Ilang beses akong tumingin sa suot kong orasan. Naka-ngising napa-iling na lang si Daddy kaya naman nakaramdam ako ng hiya.

Bumba kaagad si Hunter at lumapit sa amin, bumati siya kay Daddy bago niya ako tuluyang nilapitan. Isang beses niyang pinasadahan ng tingin ang ilang kasama namin na para bang may ini-inspection siya.

"Bakit?" tanong ko.

Marahan siyang umiling. "Tinitingnan ko lang kung may kalaban," sagot niya na ikinakunot ng noo ko, pero wala na akong pagkakataon pang itanong 'yon dahil kinausap na siya ni Daddy.

Bago kami tuluyang umalis sa Bulacan ay dumaan muna kami ni Hunter sa The Grounds Café para bumili ng kape.

"Java chips sa akin," sabi ko kaagad sa kanya, hindi ko na hinintay na magtanong pa siya.

Maulan habang pabalik kami ng Manila. Tahimik lang kaming dalawa nung una hanggang sa marinig namin sa news ang tungkol sa modelling career ni Isabella. Marami siyang nawalang projects dahil sa nangyari. Hindi ako naka-imik, hindi din nagsalita si Hunter.

Nadaanan din namin ang café ni Sovannah, mukhang ilang araw na daw sarado 'yon. Even si Attorney Aves ay binitawan ang ibang kaso to attend for her needs.

Gusto kong managot sila sa mga maling ginawa nila noon, pero hindi ko naman ginusto na maging ganito ang mangyari. Maybe this is the price they need to pay para sa lahat ng mga maling ginawa nila noon.

Nasa kina Ate Alihilani si Hartemis pagka-uwi namin, bago tuluyang kuhanin ay na-isip kong magpalit na muna ng damit at makapaglinis na din, galing ako sa labas kaya naman hindi magandang dumiretso ako kay Hartemis.

Nakuha ang pansin ko nang magulong office table sa loob ng kwarto ni Hunter, blueprint 'yon ng kung ano. Buong akala ko ay sa bahay na pinapagawa niya, hanggang sa maramdaman ko ang yakap niya mula sa aking likuran.

"May bago kang project?" tanong ko nang makita kong masyadong maliit ang floor plan no'n para sa isang bahay.

Marahan siyang tumango, ipinatong niya sa balikat ko ang baba niya.

"Your ballet studio," sagot niya sa akin na hindi naman kaagad nag-sink in sa utak ko.

"W-what do you mean?"

Kaagad akong kumawala sa yakap niya at hinarap siya.

Muli niyang niyakap ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.

"One more thing..."

Mula sa lamesa ay may kinuha siyang invitation.

"I talked to the organizer, they want to invite you for a ballet audition..." he said na mas lalong ikinalaki ng mata ko.

Kinuha ko ang envelope sa kamay niya at binuksan 'yon. Hindi kaagad nag-sink in sa akin ang nabasa. Invitation 'yon para sa audition sa pangarap kong role noon.

"Swan Princess, Odette."

"Paano mo 'to?" magulong tanong ko. Ni hindi ko makumpleto ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

I am overwhelmed.

Mas humigpit ang yakap ni Hunter sa akin, imbes na sagutin kaagad ang tanong ko ay naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

"I want you to achieve your dream role before we settle..." he said.

Nakaramdam ako ng pinaghalong excitement at kaba. Nagba-ballet pa naman ako, pero hindi na kagaya ng dati na halos hasa ako sa practice.

"But ma-iksi na lang ang preparation for this...baka hindi ko kayanin," sumbong ko.

"Matagal ka nang hinihintay ng role na 'yan," he said na para bang sigurado siyang para sa akin 'yon.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-init ang gilid ng aking mga mata.

I'm excited of course, matagal ko ng pangarap 'to. At buong akala ko ay ito yung isa sa mga pangarap kong kailangan kong tanggapin na hindi na matutupad.

"Thank you for this, Hunter..." emosyonal na sabi ko sa kanya.

Marahan siyang umiling. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

"Ibinabalik ko lang sa 'yo yung mga bagay na nawala sa 'yo dahil sa mga nangyari sa atin noon," sabi niya sa akin.

Ginantihan ko ang ginawa niyang paghalik sa akin, pero sa gitna noon ay pagod siyang tumigil na para bang may pinipigilan siyang mangyari.

"Not until we're married," sabi niya sa kawalan.

"You sure you can wait?" tanong ko sa kanya, nagtunog pang-aasar 'yon kaya naman mas lalo siyang mariing napapikit.

"I hope so..." sagot niya sa akin bago niya ako muling siniil ng halik.

Daddy knows about my upcoming Swan Lake audition kaya naman hinayaan niya akong magtrabaho na muna sa bahay at minsan na lang mag-site visit. Dahil doon ay bumalik na din si Hunter sa trabaho at tumulong para sa westfield project. He was hired as one of the Engineers.

Nag-umpisa kaagad akong mag-practice para sa audition. I'll be using an orchestral piece of Enchanted by Taylor Swift for my ballet song.

Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing sumasayaw ako, sa bawat ikot...sa bawat pagsabay ng katawan ko sa tunog. Tumatayo ang balahibo ko sa tuwing nakukuha ko ang tamang tiempo ng kanta at ng galaw.

Matagal man akong natigil sa pagsaway...ito yung isa sa mga bagay na babalik-balikan ko.

Mas ramdam ko ang meaning ng kanta sa tuwing naaalala ko si Hugo. At ang ilang mga taong dumaan at tuluyang nawala sa buhay ko.

Para na din sa mga taong ipinaglaban ako, despite of being a Villain before. Sa mga naniwala na sa kabila ng maling pagkilala sa akin ay may karapatan pa din akong magbago at pagsisihan ang mga pagkakamali ko noon.

I'm not the perfect example of a female lead in some story, but still...someone loved my imperfections. And receiving all the love and support makes me feel beyond grateful.

Lalo na para sa baby ko, na kung sana pag binigyan ulit siya ng pagkakataon...sa susunod na buhay, ako ulit ang piliin niyang maging Mommy niya. Na kahit sandali lang kaming nagkasama ni Hermes ay naparamdam ko sa kanya na sobrang mahal ko siya...sila ni Hartemis.

Patapos pa lang ako sa practice nang mapansin ko ang pagdating nina Hunter at Hartemis, 'yon ang gawain nilang dalawa, susunduin nila ako pagkatapos ay kakain kami sa labas o di kaya ay mamamasyal.

"Bawal sa akin ang carbs," sabi ko kay Hunter nang dumiretso kami sa isang restaurant pagkasundo nila sa akin sa studio.

Pinanliitan niya ako ng mata kaya naman nginisian ko siya.

I'm enjoying my life now, na kahit nandyan si Hunter and Hartemis ay binibigyan nila ako ng time para sa sarili ko...binibigyan ako ni Hunter ng time para matupad ko ang pangarap ko.

"Gusto akong maka-usap ni Kuya Julio tungkol sa companya..." pag-uumpisa ko.

Nakatanggap ako ng message mula sa kanya at sa attorney ni Lolo. Nagulat pa ako ng malaman kong kasama kami sa last will and testament nito. Hindi ko alam kung bakit 'yon na ang inaasikaso niya...buhay pa naman siya.

"Wala ang Kuya August ko, siguro ay may problema..." kwento ko pa kay Hunter.

"Siguradong hindi tatanggapin ng Mommy mo ang mana kung sakali," sabi ni Hunter na kaagad kong sinangayunan.

Knowing her. As she said...tapos na ang chasing era niya. She's too tired to please everyone around her. Most specially kay Daddy Arnaldo and Lolo Joaquin. And I'm so proud of her.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang makita ko ang nasa katabi naming lamesa, hindi nalalayo ang edad nila sa amin, mukhang magka-relasyon silang dalawa...mas lalo akong napatingin sa lalaki nang mapansin kong kahawig siya ni Hugo.

Malungkot akong napangiti, nakaramdam ako ng kirot para sa kaibigan. Hindi ko man lang makikitang magka-girlfriend siya, paano kaya siya maging boyfriend? Sigurado akong swerte sana ang magiging girlfriend ni Hugo.

Despite of being the mastermind sa pagpapalit ng DNA result, kilala ko naman si Hugo bilang siya...kung sino talaga siya, kaya naman naging mahirap sa aking tanggapin ang kasalanan niyang 'yon.

Matapos ang page-ensayo ay dumating na ang araw ng autdition. Nandoon sina Hunter, si Hartemis, si Daddy, at si Anya. Nagulat pa nga ako nung una dahil pinayagan ni Ate Ericatrina na manuod si Anya sa ballet audition ko.

"Our Prima Ballerina..." bati sa akin ng isa sa mga dating nakatrabaho ko doon.

Hindi ko tinake as advantage ang pagkakaroon ng award sa ibang bansa, nandoon pa din yung kaba lalo na ng makita ko ang iba pang mag-a-audition. Mas bata sa akin, mas magaling sa akin.

Hindi natin maaalis na sa buhay...may mas magaling sa atin, mas may a-angat sa atin. At ang paraan para maramdaman mo ang tunay na tagumpay ay ang pagiging kuntento. Na tanggapin ang kung ano ka, at kung anong kaya mo. Na hindi kinukumpara ang sarili sa iba.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang magsimula nang sumalang ang mga mag-a-audition. Naramdaman ko ang kamay ni Hunter sa bewang ko, naramdaman ko din ang paghalik niya sa ulo ko.

Tuluyan akong napangiti ng maramdaman ko naman ang maliit na kamay ni Hartemis sa balikat ko. Their support is everything to me.

Handa na din ang camera ni Daddy, kanina pa niya sinasabi na para kay Mommy daw 'yon. Ipapakita niya daw kaagad ang performance ko.

"You can do it," malambing na sabi ni Hunter sa akin.

Ramdam niya ang panginginig ng kamay ko, na sa tuwing pinapatugtog ang piece ng sasalang ay kinakabahan ako na baka may katulad nanaman ako.

Isang beses niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. I am wearing a exact design ng costume ni Kathryn Morgan sa Swan lake, even the head piece.

"Sa susunod...wedding gown na ang susuotin mo," sabi pa niya sa akin.

Napanguso ako. "Where's the proposal?" pang-aasar ko sa kanya.

"I still need to prepare for my audition as your Prince Siegfried," sagot niya sa akin na ikinatawa ko.

Dinama ko ng tuluyan ang kanta, nagpakain ako sa emosyon hanggang sa parang nawala ang lahat sa paligid, wala akong ibang naisip kundi ang sayaw, ang tugtog...ang emosyon.

Hanggang sa matapos ang lahat, isang luha ang putak sa aking mga mata. Isang tama sa maraming pagkakamaling nagawa ko. Nabingi ako sa palakpakan ng sa huli...

"Our Swan Lake Princess, Our Odette...Ms. Ahtisia Amelie Vergara."

Kaagad akong napatalon ng yakap kay Hunter at Hartemis. Walang mapaglagyan ang tuwa ko dahil sa nangyari.

Iniabot kaagad sa akin ang malaking bouquet ng bulaklak. Gustuhin ko pa man sanang mag-celebrate kasama sina Hunter at Hartemis ay kaagad na akong hinila sa gitna, nagkumpulan ang malalaking organizer at mga taong kilala sa larangan ng ballet.

Malaki ang ngiti ko habang tinatanggap ang pag-congratulate nila sa akin, isang beses kong nilingon ang gawi nila Hunter ay nakita kong malaki ang ngiti nila para sa akin, tinuturuan pa nga niyang pumalakpak si Hartemis na mas lalo kong ikinatuwa.

Umuwi si Daddy kasama si Hartemis para sa after party, mapapagod lang ang baby ko doon kaya naman hinayaan na namin  siyang dalhin ni Daddy pauwi.

Hindi man ako malapitan ni Hunter dahil sa dami ng kumakausap sa akin ay nanatili siya hindi kalayuan sa akin. Nakangiti sa tuwing nililingon ko siya, he never failed to remind me how proud he is for me. He's happy that I got the role this time.

But not everyone is....

"May anak na siya? Paano nila nasabing fit pa din siya sa role for Odette. Palibhasa ay may kapit kaya nakuha ang role..." rinig kong usapan ng ilan sa mga nakalaban ko for the role.

"She got her chance before, she failed...dapat tumigil na siya noon," pagpapatuloy pa nila.

Nakita nilang nandoon ako, alam nilang narinig ko...pero hindi sila tumigil.

"She will ruin the play...she will ruin Odette, knowing her background," sabi pa nila bago nila ako inirapan at tinalikuran.

Nasaktan ako sa narinig, but it doesn't changed the fact that I deserve this. I know for myself na deserve ko 'to. I work hard for this...I prayed for this. It's an answered prayer.

Odette is for me...I am Odette.

And just like how Swans symbolizes faithfulness, I will practice putting myself first...realizing that choosing yourself isn't selfish, it's self-preservation.

Halos hindi makalapit si Hunter sa akin, marami din akong narinig na proposal abroad, they want me back...gusto nilang bumalik ako sa pagba-ballet.

"Busy Odette," nakangising pagsalubong sa akin ni Hunter.

Kaagad akong yumakap sa kanya, sa kabila ng pagtanggap sa akin ng maraming tao...iba pa din ang pakiramdam nang yakapin ako pabalik ni Hunter.

"It's past midnight Swan Princess..." sabi pa niya sa akin bago niya ako hinala paalis doon.

Madilim na ang buong bahay pagkauwi namin ni Hunter. Wala man lang akong naramdamang antok, hindi din maalis sa isip ko kung anong mararamdaman ni Mommy pag nalaman niyang nakuha ko ang role.

"Ang dilim..." puna ko.

"Baka naputulan kami ng kuryente," nakangising sagot niya na tinawanan ko din.

Naka-lock na ang front door kaya naman hinila ako ni Hunter papunta sa may garden kung nasaan ang backdoor.

Naramdaman ko kaagad ang Bermuda grass...hanggang sa mapapikit ako nang masilaw dahil sa Liwanag mula sa may garden.

Naka-ayos ang garden, puno ng mga puting bulaklak.

"A-ano 'to?" natatawang tanong ko kay Hunter.

Imbes na sumagot ay hinila niya ako papunta sa gitna.

"I don't think I still deserve you after everything that happened...but I can't risk it. Hindi ko kayang pakawalan ka pa ulit...I'm willing to take every chance to make it up to you and our twins. I promise to love you forever, Ahtisia..."

"I promise to offer my whole life pleasing you, loving you, and taking care of you...."

Hindi niya matuloy ang gustong sabihin dahil sa kung anong bumara sa lalamunan niya.

"Give me another chance, Ahtisia..." pahabol pa niya.

Napuno ng luha ang aking mga mata.

"But I don't want a Prince Siegfried that can be easily tricked and seduced by the black swan..." natatawang sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Natawa din siya at umiling. "I will never be that Prince Siegfried...at hindi ako marunong sumayaw," sabi pa niya na ikinatawa namin pareho.

Sandali kong pinagmasdan si Hunter, muli kong naalala ung Hunter na nakilala ko noon...yung Hunter na kahit boyfriend ko, hindi ko alam kung sa akin ba talaga. Ang dami ko kasing kahati.

"Kung hindi dumating ang araw na 'to...hindi ko naman nakita ang sarili kong ikakasal sa iba," pag-amin ko sa kanya.

Napasinghap siya dahil doon.

"Will you marry me?" nakangising tanong niya sa akin.

"Oo, Hunter...magpapakasal ako sa 'yo."








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro