Chapter 52
Time
Bigla akong nataranta dahil sa narinig ko. Ni hindi na ako makapag-isip pa ng mabuti, parang gusto ko na kaagad mapunta kung saan man ang lugar na 'yon.
"Teka, Ahtisia...malaki ang posibilidad na patibong lang 'to," paliwanag sa akin ni Castel.
Hinawakan niya ako sa braso, mukhang nahalata niyang hindi ko din alam kung anong una kong gagawin. Ang umalis na ngayon din mismo, o ang umakyat muna sa taas. Hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos.
"Gusto kong makita...kahit malaki din ang posibilidad na patibong nga 'to, na hindi nga 'yon si Hermes. Na hindi siya ang baby ko," umiiyak na sumbong ko kay Castel.
Kita man ang pagdisgusto niya sa plano ko ay mariin na lamang siyang napapikit at napatango.
"Naiintindihan kita. Kasi kung ako din ang nasa katayuan mo...I will surely take any little chance...for my kids."
Nabawasan kahit papaano ang pagkatarantang nararamdaman ko dahil sa ipinakitang suporta ni Castellana sa akin.
"But we need to prepare, hindi basta-basta ang gagawin natin. Masyado 'tong delikado, at mapapagalitan ako ni Tadeo," sabi pa niya bago niya nilingon si Amaryllis na tipid na ngumiti.
Yung ngiting hindi ko alam kung kabado din ba siya o iniisip din niyang mapapagalitan siya ni Piero.
"Pwede namang ako na lang ang pumunta doon. Ayokong madamay pa kayo dito," sabi ko sa kanila.
Ang totoo ay kahit kampante ako na makakasama ko sila ay nandoon pa din yung hiyang nararamdaman ko. Sino ba ako para tulungan niya? Simula naman noon ay alam kong hindi ka tutulungan ng isang tao kung wala siyang kailangan o pakinabang sa'yo.
Siguro nga masyadong baluktot ang thinking ko sa parting 'yon, pero anong magagawa ko? 'yon ang naranasan ko sa mga taong nakapaligid sa akin.
"Hahayaan ba naman naming 'yon? Pamilya tayo dito, Ahtisia. Yung ibang tao nga tinutulungan namin...ikaw pa kayang asawa ni Hunter?" sabi pa ni Castellana.
Pumintig ang tenga ko sa huli niyang sinabi, pero mas na-appreciate ko yung una. Ako? Parte ng pamilya nila?
Biglang nanlabo ang aking paningin dahil sa mas lalong pag-iyak.
"Baka kasi mapahamak din kayo...baka madamay din kayo," natatakot na sabi ko.
I don't know what to do if may mangyaring masama sa kanila. Siguradong ako ang masisi sa huli dahil ako ang nagpumilit na pumunta sa laguna.
"Wag kang mag-alala...may superpowers kaya si Castellana," sabi pa ni Amaryllis sa akin para pagaanin ang loob ko.
Nilingon ko si Castel, ngumiti siya at tumango na para bang totoo nga at kailangan kong maniwala.
"Lumilipad nga 'yan sa ere, at tumatagos lang sa kanya ang bala," sabi pa ni Amaryllis.
Seryoso pa silang dalawa nung una, hanggang sa natawa si Castel at pabiro siyang hinampas sa braso.
"Exagerated na, hindi na maniniwala si Ahtisia. Dumadaplis lang..." sabi pa niya bago siya napahalakhak.
Napanguso ako habang pinapakinggan silang dalawa, natataranta na nga ako, ngayon ay naguguluhan na din dahil sa mga pinagsasabi nila.
Nagpaalam ako sandali sa kanila, umakyat ako para puntahan si Hartemis.
Nag-ingay kaagad siya pagpasok ko sa aming kwarto. Lumaki ang mga hakbang ko palapit sa kama nang makita kong nakadapa na siya sa gitna nito, nakatayo pa ang mga buhok dahil sa pagkakahiga niya.
Ngumiti kaagad siya sa akin nang makita niya ako, bigla akong nakaramdam ng kaba, mabuti na lang at nasa tamang oras lang ako. Hindi niya na-isip gumapang, kundi ay baka nahulog na 'to pababa sa kama.
"Looks like you already know what's going on," malambing na sabi ko sa kanya ng kaagad ko siyang kinarga at niyakap ng mahigpit.
Yumakap pabalik sa akin ang baby ko. Mahigpit na mahigpit.
Hindi pa ako nagsisimulang magpaalam sa kanya na aalis ako, pero umiyak na kaagad ako. Si Hartemis ang naging sumbungan ko simula nang dumating siya sa akin, simula nang umalis ang Kuya Hermes niya. Alam niya lahat...kaya naman alam kong ma-iintindihan niya din ako ngayon.
"I know it's not him...but I still want to go. Need ni Mommy na makita, makita mismo ng mga mata ko..." paliwanag ko sa baby ko.
Nanatili lang ang mahigpit niyang pagkakayakap sa akin, marahan kong hinahaplos ang likod niya kahit ako 'tong umiiyak at tahimik lang siya.
Ang daming nangyari, lumipas na din ang panahon. Pero kahit paulit-ulit kong sabihing ayos na ako...hindi ko pa din alam kung paano tatanggapin.
Paano nga ba? Paano ko nga ba tatanggapin na ako bilang isang ina ang naglibing sa anak ko?
Hinarap ko si Hartemis. Tahimik lang ang baby ko, pero nagulat ako nang makita kong may tumulong luha sa mga mata niya ng iharap ko siya sa akin.
Kaagad ko siyang inupo sa kama, lumuhod ako para pantayan siya.
"Bakit? Umiiyak ka dahil umiiyak si Mommy?" malambing na tanong ko sa kanya habang marahan kong pinupunasan ang luha sa mata at pisngi niya.
Imbes na sumagot sa akin ay nag-thumbsuck siya.
"Babalik din si Mommy kaagad," paninigurado ko pa sa kanya.
Sumibi siya habang naka-thumbsuck, pilit din siyang nag-iiwas ng tingin sa akin na para bang nagtatampo siya? O ayaw niya lang talagang makita kong umiiyak siya.
"I don't know..." parang batang sumbong ko sa kanya at na-iyak na din.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng baby ko. Na para bang kahit sabihin sa akin na pwede ko siyang sunduin sa langit...gagawin ko para lang magkasama ulit kami, makasama ulit namin siya. Ano ba naman yung laguna?
Mahigpit kong niyakap si Hartemis at hinalikan.
"We're strong right?" sabi ko kay Hartemis at ti-nap ang ulo nila bago ko siya binilin sa taga-bantay din ni Allennon, tulog na tulog 'to kaya naman nakangiti niyang kinuha si Hartemis sa akin.
Nalaman kong pa-uwi na din sila Ate Alihilani at Hobbes kaya naman mas nakampante ako.
Hindi na ako lumingon nang ibigay ko sa kanya si Hartemis, mas magiging mahirap lang sa akin na umalis.
"Ready ka na? Sure, ka ba talaga?" tanong ni Castellana sa akin pagkabalik ko sa kanila.
Marahan akong tumango. Ayokong pagsisihan ko 'to pagdating ng araw. Ayokong araw-araw kong tanongin ang sarili ko...na kung bakit hindi ako pumunta? Bakit hindi ako nag-take ng risk?
"Tumawag na din ako sa grupo nila Franco, pinadagdagan ko ang mga bantay dito. Meron din akong pinasunod sa atin. Asahan mong tatawagan ka ni Hunter habang nasa byahe, siguradong malalaman nila kaagad na umalis tayo...at may nadagdag na tao dito," mahabang paliwanag ni Castel.
Sa paraan ng pagkakasabi niya ay halatang sanay na sanay na siya sa ganitong gawain.
Nilingon ko si Amaryllis na kanina pa nakatingin sa akin. Para bang nakita niya ang pagkamangha ko kay Castel at sa mga lumalabas sa bibig niya.
"Totoo bang Diwata ka ng bundok?" tanong ko habang palabas kami ng bahay.
Tumawa siya at nagkibit balikat. Nakuha ng itim na honda civic, mas lalo akong namangha dahil si Amaryllis ang pumwesto sa driver seat. Si Castel naman ang sa tabi niya at sa backseat ako.
"Kumapit ka," natatawang sabi niya sa akin habang nagkakabit ng seatbelt.
Nilingon niya si Amaryllis at mahinang tumawa dahil sa sinabi nito.
Ilang minuto pa lang kaming nakakalabas sa gate ay naka-received na kaagad ako ng message mula kay Hunter. Tinanong niya kung bakit ako lumabas.
"Mas chismoso talaga mga lalaki," sabi ni Castellana.
Hindi pa siya nakuntento sa message, ilang beses din siyang tumawag.
"Wag na tayong magpalusot, alam na kaagad nila na may something. Patayin mo na ang phone mo," sabi ni Castellana sa akin n amabilis kong sinunod.
Naging mabilis ang byahe para sa amin, na para bang hindi ko namalayan ang oras dahil sa bigat ng dibdib ko. Mabigat para sa akin na iwanan si Hartemis sa panahong 'to. Naglalaban ang takot at kaba sa Sistema ko kaya naman nagulat na lamang ako nang papasok na kami sa isang lumang warehouse.
"Sigurado ka bang dito?" tanong ni Amaryllis.
Mabilis magpatakbo ng sasakyan si Amaryllis, kaya siguro mabilis din kaming nakarating. Magaling din siyang sumingit at mag-overtake kahit alam kong delikado 'yon, mukhang sanay na din siya sa mga ganito.
"Hindi," kaswal na sagot ni Castellana habang nakatingin sa phone niya.
"Huh?"
Iniharap niya sa amin ang phone niya kung saan mukhang kanina pa niya tinitingnan ang mapa.
"Ang daming meat warehouse dito sa Laguna..."
"So, bakit dito tayo papasok?" tanong ni Amaryllis.
Napatango ako at naghintay ng sagot kay Castellana.
"Dahil sa lahat ng warehouse dito...ito lang ang may helipad," sagot niya sa amin.
Mas lalo akong napanganga at namangha sa kanya nang mag-umpisa siyang magpaliwanag.
"Kung ako si Everette...mas mabilis akong makakatakas kung gagamit ako ng helicopter. Marami naman ata siya no'n, di ba nga doon siya namatay kuno," sabi pa niya sa amin.
Tumuloy kami sa loob, mukhang abandonado na talaga ang lugar. Sa labas ay nakatambak ang mga sira at naglalakihang freezer.
"At may kuryente pa dito, nakita kong umaandar pa ang metro doon sa poste kanina," sabi pa niya.
Kahit maliliit na bagay ay napapansin niya talaga. Pagkababa naming ng sasakyan ay may tinuro pa siya.
"Tingnan niyo 'to," turo niya sa madamong bahagi.
"Pinagparadahan 'to ng sasakyan...nakahawi ang mga damo sa apat na parte...mga gulong," sabi pa niya na tsaka lang din naming napansin dahil sa paliwanag niya.
"P-paano mo 'to nagagawa?" tanong ko.
Ngumisi siya sa akin. "Mahilig lang akong manuod ng detective conan nung bata ako," pagbibida niya.
Napaawang ang bibig ko dahil sa sagot niya, buong akala ko ay makakakuha ako ng seryosong sagot.
Naglakad kami papasok sa lumang warehouse, may araw pa naman pero nakaramdam kaagad ako ng takot.
"Oh..." sabi niya at inabot sa akin ang maliit na baril.
Nagulat ako doon kaya naman natawa si Castel.
"Mukha lang 'yang laruan pero totoo 'yan."
"P-pero hindi ako marunong," laban ko. Ang hawakan nga lang 'yon ay nakakatakot na.
"Pag nasa delikadong sitwasyon ka na...magiging marunong ka na," sabi pa niya sa akin.
Marahan akong umiling.
"A-ayoko..."
Napanguso siya, imbes na sa akin ay inabot niya 'yon kay Amaryllis na walang takot na tinanggap ang baril.
"Alerto 'to ka. Ikaw ang unang makalabas dapat para ihanda ang sasakyan," sabi niya dito.
"Noted, Captain."
Ngumisi si Castel dahil sa narinig. Napahawak ako sa aking lalamunan, maging ang paglunok ay parang bigla akong nahirapan. Parang kung may anong nakabara sa aking lalamunan.
Kumpleto pa din ang mga gamit sa loob, may mga luma at kinakalawang na machine ang naka-pwesto pa din kung saan sila dati. Mga naglalakihang freezer na may masangsang na amoy ang sumalubong sa amin pagkapasok naming sa loob mismo ng warehouse.
Si Castel lang ang matapang na sumubok buksan ang isa sa mga 'yon, puro lumang karne ng kung ano.
"Wala sila dito," puna ni Amaryllis, tukoy sa grupo nila Hunter.
"Iba kasi ang thinking ni Tadeo..." pag-uumpisa niya at nagpaliwanag.
Nasa kalagitnaan kami ng paglilibot sa lugar nang may tatlong lalaki ang bumulaga sa amin.
"Walang nakapagsabi na may filedtrip pala dito," nakangising puna nila.
Napatago kaagad ako sa likod ni Castel.
Nilingon niya ako at pinanlakihan ng mata.
"Wag kang magpahalata na takot ka," bulong niya sa akin.
Tumango ako at muling bumalik sa pwesto ko kanina. Feeling ko tuloy Charlie's angel kami.
Ngumisi ang mga lalaki, ang dala nilang mga baril ay di hamak na mas mahahaba kesa sa iniaabot na baril ni Castel sa akin kanina.
"Fieldtrip? Sa lugar na 'to? Mabaho at kinakalawang na...anong illegal na gawain ang meron dito?" matapang na tanong ni Castel sa kanila kaya naman mas lalong tumawa ang tatlong lalaki.
Ngumisi si Castel. "Wag niyo akong pagtatawanan," banta niya sa mga 'to.
"Aba't...matapang 'tong..."
Masyadong agresibo ang isa kaya naman kaagad siyang sumugod palapit sa amin.
"Amaryllis, si Ahtisia..."
Kaagad na lumapit si Amaryllis sa akin. Kung hindi niya ako hinila palayo doon ay hindi ako makakagalaw. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung paano halos lumipad sa ere si Castel nang sipain niya sa mukha ang lalaki.
Para bang wala siyang bigat na nararamdaman kung paano siya sumipa, kung paano siya sumuntok. Walang ilang minuto ay napatumba niya ang unang lalaki.
Dahil sa nangyari ay na-alarma na ang dalawa at sumugod na din. Tumakbo na kami ni Amaryllis palayo para sundin ang plano, na ihanda kaagad ang sasakyan sa oras na kailanganin.
Ang liwanag sa labas mula sa nakabukas na pinto ay dahan dahang nawala nang marinig din naming may nagsara nito.
"Naku..." sambit niya.
Tumingala si Amaryllis na para bang may hinahanap.
"Maghanap tayo ng fire exit," sabi niya sa akin at kaagad akong hinila paakyat.
Maging ang hagdanan ay marupok na din, nakakatakot nang apakan, ilang baytang na din ang kulang.
"Saan kayo pupunta?" salubong sa amin ng isang lalaki.
Nabitawan ako ni Amaryllis dahil doon. Siya ang humarap sa lalaki kaya naman inabot niya sa akin ang susi ng sasakyan, ako ang kailangang humanap ng labasan para ihanda 'yon.
Pero sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay napahinto ako nang marinig ko ang iyak ng isang bata. Halos manghina ako. Ni hindi ko na marinig ang ingay ng paligid...'yon na lang ang tanging naririnig ko.
"Hermes..." sambit ko.
Tinakbo ko ang nakahilerang naglalakihang freezer room. Isa-isa ko 'yong pinuntahan hanggang sa makita ko ang hinahanap ko.
Napayakap kaagad ako sa aking sarili dahil sa lamig doon. Halos mangapal na ang yelo sa bawat dingding, maging sa mga gamit. Napaluhod ako nang makita ko ang isang batang lalaki na halos mangitim na sa lamig.
"Hermes..." tawag ko sa kanya.
Kaagad ko siyang kinarga at niyakap para bigyan ng init. Hirap na din siyang umiyak, mukhang kanina pa siya nandoon...kanina pa giniginaw.
Mahigpit ang yakap ko, gusto kong maramdaman niya ang init ng katawan ko. Paulit-ulit kong tinatawag ang baby ko. Kahit ang totoo ay takot akong tingnan niya, takot akong malaman ang totoo.
Sinubukan kong tumayo kaagad kahit mahirap, kailangan naming lumabas doon. Hindi na Maganda para sa kanya ang manatili pa lalo't halos mangitim na ang labi niya sa lamig.
"Sinasabi ko na nga ba," nakangising salubong ni Everette sa akin.
"Ang sama mo!" sigaw ko kaagad sa pagmumukha niya.
Napadaing ako nang haklitin niya ang braso ko palabas doon.
Isang beses kong nilingon ang batang lalaki, nakita kong nakapikit na siya at halos hirap ng huminga.
"T-teka...teka," puna ko sa kanya.
Pinilit kong kumawala sa hawak ni Everette, hinayaan niya ako. Tumawa siya habang pinapanuod akong gisingin ang bata.
"Hermes...wag mong iwanan ang Mommy mo," nakangising sabi niya dito.
"Napaka-sama mo! Demonyo ka!" sigaw ko kanya.
Tinawanan pa din niya ako. Halos hindi ko na makita ang dating Everette sa kanya. Ibang iba na siya.
Humihinga pa ang bata, pero alam kong nahihirapan siya. Kailangan niyang madala kaagad sa hospital.
"Hermes...giniginaw ang baby ko," malambing na pagkausap ko sa kanya.
Mas lalong tumawa si Everette. Muli akong na-iyak nang maalala ko ang ganitong klaseng tagpo. Hinubad ko ang suot kong cardigan para balutin siya no'n.
Tumikhim si Everette habang nakatingin sa akin. Dahil sa ginawa ko ay na-iwan na lamang ang suot kong itim na spaghetti strap top.
"Wala ka pa ding pinagbago, Ahtisia. Gustong gusto pa din kita," sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng pangingilabot.
"Pagbabayaran mo ang lahat ng 'to," madiing sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya sa akin. "Bago ang lahat...ikaw muna ang magbabayad sa akin."
"Bitawan mo ako!" sigaw ko nang patayuin niya ako gamit ang pagkakahila sa buhok ko.
Sinubukan kong magpumiglas, gusto kong abutin si Hermes, hindi ko kayang iwan siya sa ganoong kalagayan.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko.
Masyadong malakas si Everette, kahit paluin, suntukin, at kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay nagawa pa niya akong buhatin. Pumasok siya sa isang lumang kwarto, halos ihagis niya ako pasubsob sa may lumang lamesa.
"Pakawalan mo ako! Kailangan ako ni Hermes!" sigaw ko, sinubukan kong lumabas pero tumatawa siya habang hinaharangan ako.
Nawalan ako ng lakas nang suntukin niya ako sa sikmura, dahil doon ay halos mapaluhod na ako sa kanyang harapan. Muli niya akong nabuhat at nadala sa may lamesa. Pinadapa niya ako doon, nanlaban ako pero kaagad niyang hinawakan ang buhok ko dahilan para mapatingala ako.
"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to..." nakangising sabi niya sa akin. Dumagan siya sa akin para subukang halikan ako sa leeg pero nagpumiglas ako.
"Napakahayop mo!" umiiyak na sigaw ko.
Humalakhak siya. Hinawakan niya ako sa bewang para sana abutin ang buttones ng suot kong pantalon, pero bago pa man niya magawa 'yon ay bumukas na ang pintuan.
"Bitawan mo siya!" sigaw ni Hugo.
Mas lalo akong napa-iyak dahil sa kanyang pagdating. Diring diri ako dahil sa pagkakalapit ni Everette sa akin. Halos magtayuan ang balahibo ko dahil ramdam ko pa din ang labi niya sa leeg ko.
"Bwiset ka talagang bata ka," galit na asik ni Everette, sinubukan niyang bumunot ng baril pero kaagad na nakatakbo si Hugo para pigilan siya.
Tumumba silang dalawa sa may sahig. Nagkaroon ako nang pagkakataon na makalabas doon kahit nanghihina pa din dahil sa natamong suntok.
"Hugo..." tawag ko sa kanya.
Nilingon niya ako.
"Tumakbo ka na...parating na sina Hunter," sabi niya sa akin.
Pilit pa din siyang dumadagan kay Everette para hindi ako nito mahabol.
"P-paano ka?" umiiyak na tanong ko.
"S-sige na..." hirap na sabi niya sa akin.
Pareho kaming nagulat nang pumutok ang baril na hawak ni Everette.
"Takbo na!" sigaw niya sa akin.
Dahil sa pagkataranta ko ay tumakbo na lamang ako palabas, kahit hindi ko pa alam kung sino sa kanilang dalawa ang natamaan. Umiiyak akong tumakbo palabas, muli kong binalikan ang pinag-iwanan ko kay Hermes.
Tanging ang Cardigan ko na lang ang nandoon kaya naman pinulot ko 'yon at kaagad siyang hinanap.
Ilang putok ng baril sa labas ang narinig ko kaya naman napapasigaw na lang ako at napapatakip sa aking tenga. Narinig ko na din ang tunog ng ambulansya o mga pulis na parating.
"Hermes!" sigaw ko.
Hindi ko siya makita. Para akong tatakasan ng bait, kailangan kong makita ang baby ko. Bumukas ang malaking pintuan, pumasok ang mga pulis. Kasabay no'n ay nakita ko ang pagtakbo ni Hunter palapit sa akin.
"Ahtisia," galit na tawag niya sa akin pero kaagad niya akong ikinulong sa bisig niya.
"Si Hermes, may kumuha nanaman kay Hermes!" umiiyak na sumbong ko. Natatranta ako, para bang gusto kong mataranta din siya para hanapin ang baby namin.
Hindi siya nagsalita, niyakap niya lang akong mahigpit.
Nakita ko ang pagtakbo ni Tadeo. Napatakip ako sa aking bibig nang makita kong sinalubong niya ang may buhat sa duguang si Castellana.
"Si Castel..." sambit ko.
Walang pagdadalawang isip na kinuha ni Tadeo ang asawa niya at kaagad na itinakbo palabas.
"Amaryllis!" paulit-ulit na sigaw ni Piero.
Halos umalingaw-ngaw ang sigaw niya sa loob ng warehouse para lang mahanap ang asawa. Tsaka lang siya tumigil ng lumabas na ito sa kanyang pinagtataguan.
Napabitaw ako kay Hunter nang makita ko ang mga pulis na may kasamang babae na buhat ang baby ko.
"Hermes! Baby ko 'yan!" sigaw ko at kaagad na lumapit sa kanila.
Mahigpit ang yakap ng babae sa baby ko, balak niyang kunin siya sa akin.
"Baby ko 'yan...si Hermes 'yan," sabi ko sa kanya.
Ilang beses niyang inilayo si Hermes sa akin.
"Anak ko 'to...anak ko 'to," laban niya sa akin.
Marahas akong umiling, tumingin ako sa mga pulis para tumulong.
"Ibigay mo ang anak niya," sabi ng isa sa mga 'to.
Naramdaman ko ang paglapit ni Hunter sa akin.
"Baby...wala na si Hermes," sabi niya sa akin kaya naman tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata.
"Hindi. Ayan si Hermes, oh...kukunin niya sa akin ang baby ko," sumbong ko kay Hunter.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko, at ang maliliit na paghalik sa ulo ko.
Ayaw ibigay ng babae ang baby ko kaya naman pilit na kinuha ng isa sa mga pulis 'to sa kanya at sinubukang iabot sa akin.
"Anak ko 'yan," umiiyak na sabi ng babae.
Napahinto ako ng iharap ng pulis ang batang lalaki sa akin. Namanhid ang buong katawan ko, napuno ng luha ang aking mga mata. Mas lalong bumigat ang aking dibdib dahil sa nakita ko.
"Hindi siya si Hermes..." umiiyak na sabi ko at ang pag-iyak na 'yon ay napalitan ng paghagulgol.
"Hindi siya ang baby ko," sumbong ko sa kawalan.
Alam kong hindi siya 'yon, alam kong napakaliit ng tyansa, pero sobrang sakit na ipamukha muli sa akin ng pagkakataon na wala na talaga. At wala na akong magagawa pa...wala na talaga si Hermes.
"Hunter...hindi siya si Hermes," umiiyak na sumbong ko. Baka siya may magagawa pa. baka naman pwedeng ibalik sa akin si Hermes.
Muling kinuha ng babae ang anak niya at niyakap ng mahigpit.
Wala akong ibang nagawa kundi ang lumapit sa kanya, ibinalot sa baby ang cardigan na hawak ko.
"Giniginaw siya," sambit ko.
Tinanggap niya 'yon, ibinalot niya ang baby niya sa cardigan ko.
"W-wala akong nagawa nung mga panahong si Hermes yung nilalamig...wala akong nagawa para sa baby ko," sumbong ko sa kanya.
Humigpit ang yakap ni Hunter sa akin kaya naman umiyak ako sa kanya.
"Wala na talaga si Hermes," sumbong ko.
Wala siyang sinabi, ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa akin.
"Nasa second floor ang suspect," rinig naming sigaw ng mga pulis.
Napabitaw ako ng yakap kay Hunter.
Nakita ko din ang galit sa mukha niya dahil sa narinig.
Sinabi ko sa kanya ang ginawa ni Everette, sinabi ko sa kanya na binalak ako nitong pagsamantalahan. Halos mamula ang mukha niya sa galit.
Tumakbo siya paakyat, sumunod ako kahit sinubukan akong pigilan ng pulis. Bago pa man kami maka-akyat sa taas ang nakasalubong na namin ang tumatakbong si Everette.
Kaagad siyang nakatanggap ng suntok mula kay Hunter dahilan para matumba siya at muntik nang mahulog sa hagdanan.
Nakita ko ang takot sa mukha niya at ang pagtawa nang makahawak.
"Buhay ka pa pala..." nakangising sabi ni Everette.
Hindi nagsalita si Hunter, sinugod niya 'to, hinawakan sa kwelyo at kaagad na pinaulanan ng suntok.
Halos sumuka ng dugo si Everette dahil sa sunod sunod niyang ginawa.
Nang makakuha ng lakas ay isang beses niyang nasuntok si Hunter dahilan kung bakit napasigaw ako.
"Tama na!" sigaw ko.
Kaagad na nahilo si Hunter at napahawak sa kanyang ulo dahil sa suntok na 'yon ni Everette, mukhang alam nito kung saan niya tatamaan si Hunter.
Tumawa siya kahit pa halos sumuka na siya ng dugo. Sinubukan niyang tumayo, sinubukan niyang humawak sa railings, pero dahil sa pagka-out of balance ay kaagad siyang bumaliktad dahilan para mapakapit siya.
"Tulungan niyo ako!" sigaw niya sa takot na mahulog.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Tulungan mo ako, Ahtisia...tulungan mo ako," paki-usap niya sa akin.
Nanatili ang tingin ko sa kanya.
"May kinakatakutan ka din pala," puna ko.
Mula sa mukha niya ay lumipat ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa railings, kaunti na lang ay dudulas na 'yon dahil sa dugo niya.
"Tsaka lang matatahimik ang lahat kung mawawala ka," madiing sabi ko sa kanya.
"Ahtisia..." tawag ni Hunter sa akin.
Hawak niya ang ulo niya, nanatili siyang nakahiga. Alam kong ilang beses siyang sinabihan na kailangan niyang ingatan 'yon.
Tumawa si Everette, nababaliw na ang isang 'to.
"Kung mamamatay ako...hindi ako mag-isa," sabi niya tukoy kay Hunter.
"Mabubulok ka sa impyerno," madiing sabi ko.
Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa sumigaw siya, mariin akong napapikit ng tuluyang nahulog si Everette mula sa itaas.
Nanginig ang buong katawan ko, napaluhod na lang ako sa harapan ni Hunter.
"Shh...a-ayos lang ako. Nahilo lang ako," sabi niya sa akin.
Nakita ko ang hindi pangkaraniwang paggalaw ng mata niya na para bang kung saan saan siya tumitingin.
Nagkagulo sa baba dahil sa pagkahulog ni Everette, pero hindi kami natinag.
Inunan ko ang ulo niya sa hita ko, habol ni Hunter ang hininga niya, sumasakit ang ulo niya pero ayaw niyang ipakita sa akin.
"Ang hina mo...isang suntok lang 'yon," umiiyak na sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya habang nakatingin sa may kisame, ni hindi niya ako tinitingnan.
"Tapos na..." sabi niya sa akin. Tumango ako, niyakap ko siya.
"Wala na si Everette, tapos na," sabi ko sa kanya.
May lumapit na mga medic sa amin at kaagad na binuhat si Hunter para ilipat sa dala nilang rescue board. Tumayo ako para sumunod sa kanila, pero nang lumingon ako sa kwartong pinanggalingan ni Everette kanina ay nakita ko ang paglabas ni Hugo, lumakad siya papunta sa kabilang direksyon.
"Hugo..." tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin.
Imbes na sumunod kay Hunter ay sinundan ko si Hugo, pero nang sumunod ako sa kanya ay hindi ko na siya nakita, hanggang sa nilingon ko ang kwarto.
Nagulat ako ng makita kong nakahiga siya doon, nakatulala sa kisame at duguan, habol ang kanyang hininga.
Kinilabutan ako...nakita ko pa siyang naglakad palabas doon kanina. Paanong?
"Hugo..." umiiyak na tawag ko sa kanya.
Lumuhod ako para pantayan siya. Halos maging kulay pula ang suot niyang puting damit dahil sa dugo mula sa kanyang katawan.
"Sorry, Ahtisia...Sorry," paulit ulit na sabi niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Hindi kita papatawarin...kailangan mong mabuhay at hinatayin na patawarin kita," sabi ko sa kanya.
"Sorry..." sabi ulit niya.
"Wag ka na magsalita!" suway ko sa kanya.
"Tulong!" sigaw ko.
Hinawakan niya ako kaya naman muli ko siyang nilingon. Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
"A-ayos lang...handa na ako," sabi niya sa akin.
Marahas akong umiling.
"Hindi ako papayag!" sigaw na iyak ko.
Umubo siya, may lumabas na dugo dahil sa pag-ubo niya.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, tiningnan niya ako diretso sa aking mga mata. Tipid siyang ngumiti kahit alam kong hirap na siya.
"You don't need to worry about Hermes. Ako na ang bahala..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro