Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Portrait




Ramdam ko ang pamamanhid at init ng pisngi ko dahil sa sinabi ni Hunter. Imbes na sagutin 'yon ay nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at umaktong parang walang narinig.

Kung sasagutin ko pa kasi ay mas lalo lang hahaba ang usapan, hindi naman pwedeng magkasagutan kami dito sa harapan ng parents niya. Ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin, pero hindi ko na lang pinagbigyang pansin.

"Sabi ko sa 'yo...tingnan mo, sakto sa kanya," rinig kong sabi ni Mrs. Jimenez.

Sa pag-uusapan nilang dalawa ay para bang nagkaroon sila ng pagtatalo sa pamimili ng mga regalo para sa baby ko.

May kung ano akong naramdaman nang makita ko ang maliit na ballerina shoes na suot ni Hartemis ngayon, tahimik lang ang baby ko habang nakatingin sa lolo't lola niya, matapos sa mga ito ay titingnan naman niya ang nakasuot na sapatos sa kanya.

"You like it?" malambing na tanong ni Mrs. Jimenez kay Hartemis bago niya hinalikan sa pisngi ito, at hindi na pinansin pa ang sinasabi ng asawa.

Matapos makinig ni Hartemis sa sinasabi ng Lola niya ay nilingon niya ako, para bang gusto niyang tingnan ko ang suot niyang sapatos. Matamis kong nginitian ang baby ko, bahagya siyang sumibi at nag-taas ng kamay para magpakuha.

"Na-ikwento kasi ni Hunter...palaging kini-kwento ni Hunter na ballerina ka daw," sabi ni Mr. Jimenez sa akin.

Nakita ko ang bahagya niyang paglingon sa anak niya na para bang gusto niyang makita ang magiging reaksyon nito sa kanyang sinabi.

"Dati po, hindi na po ako masyadong nagba-ballet ngayon," magalang na sagot ko sa kanila.

Tipid siyang tumango at ngumiti bago muling binalik ang buong atensyon kay Hartemis. Tahimik lang ang baby ko habang nakatingin sa kanila, pero alam kong naguguluhan pa siya, hindi siya sanay sa mga bagong taong nakikita niya.

"Dito ba magd-dinner ang parents mo?" tanong ko kay Hunter na kanina pa tahimik.

Looks like he's thinking about something deep, he's close to drowning his self with his own thoughts.

Sandali siyang natigilan, marahan niyang itinigil ang paglalaro sa kanyang pang-ibabang labi, mula sa mga mat ani Hunter ay sandali lang bumaba ang tingin ko doon. Bumalik din naman kaagad ako sa katinuan at nag-focus sa itinanong ko sa kanya.

"Abala pa. Hindi 'yan, paaalisin ko sila bago pa mag-dinner," sabi niya sa akin na ikinigulat ko.

Napakawalang galang naman ng isang 'to sa mga magulang niya.

Dahil sa pagkabigla ko at pananahimik ay tumawa na lang din siya.

"Itatanong ko, pero magpa-deliver na lang tayo...ayokong mapagod ka pa," sabi niya sa akin.

Hindi ko na-iwasang irapan siya, maayos akong nagtatanong pero yung sagot may kasama pang pagbanat.

Tuluyang umiyak si Hartemis ng mukhang hindi na niya napigilan ang pagiging behave niya. Suot suot pa din niya ang ballerina shoes na bigay ng grandparents niya sa kanya.

"Hartemis..." malambing na tawag ko sa kanya.

Kinuha siya ni Hunter sa parents niya at inabot kaagad sa akin. Mabilis na yumakap ang baby ko sa leeg ko, nagtago kaagad siya doon, para bang gusto niyang iparating sa akin na wag ko na ulit siyang bitawan.

"Uhm...hindi pa po kasi talaga siya sanay sa ibang tao. Pasencya na po..." paumahin ko sa mga magulang ni Hunter.

"No worries, Hija. We even expect worst more than this, kami ang may pagkukulang sa apo namin," pag-uumpisa ni Mrs. Jimenez.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang eksaktong nangyari noon, nang minsang pumunta si Hartemis sa kanila. Pero ramdam ko naman ang sinseridad sa boses niya, ramdam ko naman na gusto talaga niyang bumawi sa baby ko.

"Hindi siya ang kailangang mag-adjust para sa amin. Masasanay din siya, hindi natin kailangang madaliin." Dugtong pa niya.

Marahan akong tumango at nagpasalamat. Na-appreciate kong naiintindihan nila ang baby ko. Hindi naman kasi talaga minsan madali ang mga pagbabago. Matagal din kasing nasanay ang baby ko na kaming dalawa lang ang magkasama simula ng makulong si Mommy.

Sinabi sa akin ni Mrs. Jimenez kung gaano siya kasabik sa anak na babae noon, kaya naman daw dahil hindi siya nagkaroon ng anak na babae ay sobra sobra ang tuwa niya ng malaman niyang may apo siyang babae kay Hunter.

Tumangi na din ang parents niya na doon magdinner, ayaw na daw nilang maka-abala pa sa amin dahil alam nilang pareho kaming galing sa trabaho. Na-iwan kami ni Hartemis sa apartment namin ng umalis na ang parents niya, bago sila tuluyang umuwi ay dumaan na muna sila sa apartment ni Hunter para daw kamustahin ang tinitirhan nito.

"Tip toe..." malambing na sabi ko kay Hartemis, pinatayo ko siya sa may sahig para igaya sa pagsayaw gamit ang ballerina shoes niya.

Tuwang tuwa ang baby ko dahil sa pinagagagawa namin. Halos maghari ang tawa niya sa buong apartment kaya naman ng hindi na ako makapagpigil ng gigil ay kaagad ko siya inayos ng karga at niyakap ng mahigpit.

Inipit ng mga labi ko ang matambok niyang pisngi na lalo niyang ikinatawa. Sa tuwing tumitingin kasi ako sa kanya ay hindi ko din talaga mapigilang manggigil sa pagiging cute niya.

"Pupunta tayo sa bahay?" tanong ni Hunter sa akin pagkabalik niya, naabutan niya kaming abala ni Hartemis sa pagbubukas ng regalo mula sa parents ni Hunter.

Muli kong naalalang inimbita nila kami sa bahay nila. Taon taon pa din kasi kung i-celebrate ni Mrs. Jimenez ang birthday ng panganay nilang anak na namatay. Kahit pa sandali lang nilang nakasama 'to ay hindi naman nila 'to nakalimutan kahit pa dumating na sina Hobbes at Hunter sa kanila.

Sino bang ina ang makakalimot sa anak niya? Na-iintindihan ko siya sa parteng 'yon. Dahil kahit sandali ko lang nakasama si Hermes ay hinding hindi ko makakalimutan ang baby boy ko. Alam ko pa din ang pakiramdam sa tuwing hawak ko siya, sa tuwing hinahalikan ko ang pisngi niya.

Marahan akong tumango bilang sagot kay Hunter. Hindi ako sigurado kung tama bang pumunta ako sa kanila, sigurado kasing nandoon din ang buong pamilya nila.

"Pupunta kami ni Hartemis," pag-uulit ko ng sagot.

"Pupunta tayo," pagtatama ni Hunter sa sagot ko. Hindi ko alam kung saang parte ng sagot ko ang kinailangan pang baguhin.

Gusto kasi palagi kasama siya. Sus!

Muling nagkaroon ng meeting sa companya para sa nalalapit na groundbreaking ng Westfields Subdivision sa Malolos Bulacan. Bago kasi ang event ay gusto na nilang makita ang mga designs at plano namin para dito.

"Engr. Vergara," tawag sa akin ni Engr. Fontillian.

Alam kong halos ipagsigawan ni Daddy sa buong companya na anak niya ako, pero hindi pa din ako sanay na tinatawag nila akong Vergara.

Tipid na lang akong ngumiti, "Engr. Fontillian," bati ko sa kanyang pabalik.

Tumikhim ang nasa tabi ko, gusto atang batiin din siya.

"Matatapos na ang ancestral house. Hoping for more project with my best Engineer," nakangising sabi niya.

Napanguso ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko naman talaga magagawa at makakaya ang project na 'yon kung hindi ko siya kasama.

Halos isubo kasi sa akin lahat noon, lalo na pagkasama ko si Mommy. Hindi ko kailangang paghirapan ang trabaho, wala akong kailangang patunayan. Ang kailangan ko lang panghawakan noon ay ako si Ahtisia Salvador, anak nina Arnaldo at Atheena Salvador na may sinabi naman talaga pag dating sa field na 'to.

"Hindi naman magiging madali sa akin ang project na 'yon kung hindi ikaw ang Architect ko," sabi ko sa kanya. Palagi lang kaming nag-aasaran na dalawa, pero hindi pa ako nagkakaroon ng chance na pasalamatan talaga siya.

"Oh...ka-close ko ang anak ng may-ari," biro niya sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay itinaas ko ang kamay ko para sana pabiro siyang hampasin sa braso niya, bago ko pa magawa 'yon ay may pumigil na sa kamay ko.

"Baby, masamang manghampas ng braso," pigil ni Hunter na ikinagulat ko.

Marahan niyang ibinalik pababa ang kamay ko, hindi lang ako ang natigilan, maging si Engr. Fontillian ay napahinto din.

"Ako na ang gagawa para sa 'yo," sabi niya.

Nagulat na lang kami nang siya ang humampas sa braso ni Engr. Fontillian na masasabi kong may kalakasan naman talaga, he even took a step back dahil sa ginawa ni Hunter.

"Woah, may pinanghuhugutan 'yung hampas," kantyaw niya kay Hunter kahit alam kong hindi naman siya ganoon ka-close.

Inirapan lang siya ni Hunter bago nag-iwas ng tingin. 'Tong lalaking 'to!

Pumasok na kami sa loob ng conference room, nandoon na halos lahat ng Engineer. Ramdam ko ang tingin nila sa amin, pero nakita ko din kung paanong sa tuwing nandito si Hunter ay iba din ang tingin ng mga babaeng Engineer sa kanya, mapa-bata man o mas matanda sa amin.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya...hindi mo ba ako na miss?" tanong ni Engr. Fontillian kay Emma.

Abala ito sa pag-distribute ng mga folder pero inaabala niya kaya naman napa-irap na lang ako at napa-iling.

"M-may kasabay na po akong pag-lunch mamaya, Engineer..." sagot ni Emma sa kanya kaya naman natahimik si Engr. Fontillian.

That's what he gets.

Observant lang ako sa nangyayari sa loob ng conference room pero ang totoo ay kinakabahan ako. Takot ako kay Ericatrina, pakiramdam ko kasi ay reasonable ang takot ko dahil may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko man ginusto ang sitwasyon namin ngayon ay pakiramdam ko...dahil sa akin kaya siya nasasaktan ngayon.

"I was looking for the the master development plan..." rinig kong pagka-usap ni Hunter sa katabi niyang Engineer na piniling mag-team sa amin.

Tahimik ko siyang pinapanuod, kahit sa klase ng pagkausap niya dito ay alam mong seryoso talaga si Hunter sa trabaho, at hindi lang 'yon. Looks like he's some kind of expert....it runs in their blood.

Natahimik ang lahat dahil sa pagpasok ni Daddy, kasama niya sina Tito Zanjo, Tito Luis, at Tita Chatterly. Ngiti ang kaagad nilang ibinigay sa akin, pero hindi 'yon sapat para sa kanya.

Dumiretso sa kanya kanya nilang pwesto ang mga Tito at Tita ko, pero si Daddy ay nagawa pang lumapit sa akin para humalik sa ulo ko. Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya, ang lahat ng mata ay nasa amin na ngayon.

Saktong pagka-upo niya sa kanyang pwesto ay ang pagdating naman ni Ericatrina, sabay silang pumasok ni Hugo. Diretso ang tingin niya habang naglalakad papunta sa upuan na para sa kanya, taas noo, ni walang binati na kahit na sino.

Nakita ko ang pinaghalong lungkot at disappointment sa mukha ni Daddy. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil dito. Mas lalo ko tuloy nararamdaman na kontrabida ako para sa kanya, kontrabida ako sa buhay niya.

"We're planning to divide it in different phases, na hindi mararamdaman ng ibang house owner na may differences..."

Ericatrina cut me off.

"That's too cheap of you."

"Ericatrina!" suway ni Daddy sa kanya.

Hindi siya natinag.

"You want it to have different phases? Para saan pa't tinawag na executive village ang westfields?" giit niya.

Nagtaas ng kamay si Hunter para magpaalam kung pwede siyang magsalita. You can't cut someone who's talking that easy. It's a disrespect.

Ngumisi si Ericatrina. "Someone can't stand on her own...what a pity," pagpaparinig niya.

Natapos ang meeting na 'yon nang mas maraming pabor na hindi magkaroon ng division ang westfilelds. Some says na tama si Ericatrina, executive subdivision 'yon.

"I like your idea..." sabi ni Tito Zanjoe sa akin.

Sumang-ayon si Tito Luis, na hanggang ngayon ay may hang-over pa daw ata sa pagiging Vergara ko at hindi Villareal.

Niyakap ako ni Daddy bago siya mag-paalam sa akin na aalis na dahil may meeting pa siyang pupuntahan.

"Babalik din ako kaagad, kailangan ko lang kausapin si Piero at Tadeo," paalam sa akin ni Hunter.

Ilang beses kong sinabi sa kanya na hindi niya kailangang magpaalam sa akin, o ipaalam sa akin ang mga gagawin at pupuntahan niya.

Ang dami niya pang sinabi bago siya tuluyang nagpaalam sa akin na aalis na muna. Thankful ako sa presencya ni Hunter, kahit pa sinabi ni Ericatrina na hindi ko kayang tumayo sa sarili ko ay mas gusto ko pa din 'yon, na kasama ko si Hunter. I feel a different security, mas panatag ako.

"Tita Ahtisia!" tawag ni Anya sa akin.

Tumakbo siya at kaagad na yumakap sa binti ko, sa kanyang likuran ay ang nakangiting si Hugo.

Nag-squat ako para pantayan siya at yakapin din. Na-miss ko din siya, gustong gusto ko ding turuan siyang mag-ballet, ang kaso ay hindi pa maayos ang sitwasyon namin ng Mommy niya.

"I miss our ballet class na po. When are we going to dance again with Baby Hartemis?" malambing na tanong niya sa akin.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya bago ko siya hinalikan sa pisngi.

"Soon. May ballet shoes na din si Hartemis," kwento ko sa kanya.

Mas lalo siyang na-excite, napapalakpak pa siya.

"Anya!" galit na tawag ni Ericatrina sa kanya.

Kaagad akong napa-ayos ng tayo.

"Layuan mo ang anak ko..." giit niya.

"Ate, wala siyang ginagawang..."

"Bwiset ka talaga sa buhay. Bakit kasi dumating ka pa..." galit at gigil na sambit niya. Pilit na hindi pinaparinig sa anak pero rinig na rinig ko.

"Mommy, what's bwiset?" Inosenteng tanong ni Anya sa kanya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ni Ericatrina at tumingin sa akin na para bang ako ang may kasalanan no'n .

"Anya," tawag ni Hugo sa pamangkin niya.

Pero bago pa man kami makapagsalita ulit ay hinila na siya ni Ericatrina palayo doon. Anya keeps looking back at us to wave a goodbye, but her mom keeps insisting na hindi niya kailangang gawin 'yon.

Lumapit si Hugo sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Nahihirapan siyang tanggapin na may kapatid siya," sabi niya sa akin.

"Naiintindihan ko," sabi ko.

Hindi naman pwedeng side ko lang ang intindihin ko. Hindi din naman madali 'to para kay Ericatrina. Siguro, ang makakaintindi ng lubos sa kanya ay yung mga taong nasa kagaya niyang sitwasyon. We can't invalidate their feelings.

Hindi pa naman huli ang lahat, naghihintay pa din ako ng oras na matanggap na niya ng buo ang tungkol sa akin.

Sabay kaming nag-lunch ni Hugo, sagot daw niya dahil matagal na din ng huli kaming lumabas na dalawa. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mapahinto kami ng makita namin ang kararating lang ding customer.

"Si Sovannah," sabi ko kay Hugo.

Masyado siyang abala sa ikinikwento niya sa akin na wala na siyang pakialam sa mga nakapaligid sa amin. Kung hindi ko sasabihin ay siguradong hindi niya mapapansin.

Nilingon niya lang ang gawi kung nasaan si Sovannah at tamad na tumingin dito. Hinayaan ko na lang din at nakinig na lang ako sa kwento niya.

"Ipapasyal ko kayo ni Hartemis..." sabi pa niya.

Hanggang sa mawala ulit ang atensyon ko sa kanya nang makita ko ang paglakad palapit ni Sovannah sa amin.

Walang emosyon ang tingin niya sa akin, hanggang sa lumipat ang tingin niya sa nakatalikod na si Hugo.

"Excuse me, Engineer Medrano," tawag niya dito.

Tamad siyang nilingon ni Hugo.

"Ms. Aves."

"I just want to know if you really are interested in the project. You keep on setting a meeting then cancelling it every last minute. May hinahabol akong timeline," giit ni Sovannah.

Nakinig lang si Hugo sa kanya na para bang hindi man lang siya nahiya or nag-worry sa sinasabi nito.

"I have a lot of projects...mas importante," sagot niya dito.

Humugot ng malalim na buntong hininga si Sovannah na para bang gusto niyang sumabog, pero napansin niya ang tingin ko kaya naman nag-hold back siya.

"Hahanap na lang ako ng ibang Engineer. I'll talk to Ate Ericatrina," sabi niya at umalis.

Napansin ko kung gaano kabigat ang bawat hakbang niya palayo, kung paanong bagsak ang magkabilang balikat niya.

"Bakit ganoon ka sa kanya?" tanong ko kay Hugo.

Wala lang sa kanya na papalitan siya sa project nito, para ngang mas gusto pa niya.

"Hindi ko naman siya tinanong kung bakit ganoon siya sa 'yo noon," balik niya sa akin.

Hindi ako naka-imik.

"Hayaan mo 'yan, sabi niya lang 'yan. Walang kukuhang Engineer sa timeline na gusto niya. Gusto ata niyan magician," sabi pa niya sa akin.

Bumalik din kami sa office after kumain. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral ng master plan ng buong westfields. Hindi pa uwian ay bumalik na si Hunter, nagtaas ako ng kilay ng makita kong bagong gupit siya. Mas malinis tingnan, mas halata na ang mahabang peklat sa ulo niya.

Ngumisi siya pagkalapit niya sa table ko.

"Stop drooling over me...kinikilig ako."

Inirapan ko siya. "Ang kapal mo," giit ko.

Panay ang suklay niya sa buhok niya gamit ang palad niya. Hindi ko alam na ganito na siya ka-consciuos sa buhok niya. Kailan pa?

Pinlano naming bumalik ng Malolos ng sumunod na araw para mas mapag-aralan namin ang Master plan. Kumpansya akong kasama si Hunter, hindi ko alam kung tama ba...pero nagtitiwala ako sa kanya. Nagtitiwala nanaman ako sa kanya.

Late na akong naging kinaumagahan dahil sa pag-aaral ko sa master plan, medyo napuyat ako kaya naman hindi na ako nagulat na nandoon na si Hunter. Magkasama na sila ni Hartemis sa may dinning at naghahanda na ng breakfast.

"Aray!" natatawang sabi niya. Matapos niyang sabihin 'yon ay maririnig ko naman ang tawa ng baby ko.

Aliw na aliw sa kalokohan ng Daddy niya.

"Good morning, baby..." malambing na bati ko kay Hartemis.

Naka-upo siya sa baby chair niya habang pinapanuod na magluto ng breakfast ang Daddy niya. Yumuko ako at hinalikan siya sa pisngi. Nang makita niya ako ay kaagad na hinawakan ng maliliit niyang kamay ang mukha ko para hindi kaagad ako maka-alis.

Natawa ako at napapikit ng maramdaman ko ang pagkabasa ng mukha ko dahil sa laway niya habang humahalik sa akin.

"Good morning, Baby," sabi din ni Hunter.

Hindi ko alam kung para kanino. Hindi ko na lang pinansin, pero ang tingin niya ay nanatili sa akin.

"Walang good morning?" parinig niya.

Akala mo bata kung magmaktol si Hunter, hinayaan ko siya. Siya lang din naman ang mapapagod sa ginagawa niya.

Bumaba ang tingin ko sa inilapag niyang pagkain ni Hartemis. Banana French toast na may raspberry yogurt.

"Na-search ko sa internet," sabi niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko kay Hartemis na sandali pang tinitigan ang pagkain niya bago niya 'yon kinuha. Dinakot ng maliit niyang kamay ang yogurt without using her baby spoon kaya naman napangiti ako. Umalis si Hunter para bumalik sa kitchen, pagkabalik niya ay may inilapag siya sa may dinning table.

"Hunter!" sigaw ko nang walang kahirap hirap niya akong binuhat. Hinawakan niya lang ako sa bewang at binuhat na parang si Hartemis para pa-upuin sa may lamesa kung saan may inihanda din siyang pagkain para sa akin.

"May pancake ka pa din kahit hindi ka nag-Good morning pabalik," sabi niya sa akin bago niya hinubad sa harapan ko ang apron niya.

Doon ko lang napansin na wala siyang suot na pang-itaas habang ginagawa ang lahat ng 'yon. Nilingon ko si Hartemis, masyadong abala ang baby namin para intindihin pa ang pandesal ng Daddy niya...este ang braso.

Mariin akong napapikit at napasapo sa aking noo, ano bang iniisip mo, Ahtisia?

May biglaang lakad si Hunter ng umagang 'yon kaya naman hapon kami tutuloy sa may Malolos. Kinuha ko din ang pagkakataon na 'yon para puntahan si Mommy sa presinto. Ang daming nangyayari dito sa labas, pero ang isip ko ay nasa kanya.

Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya doon sa loob. Kung pwede ko lang ilabas si Mommy doon. Pero hindi din naman namin mapagkakaila na kailangang niyang pagbayaran ang mga maling nagawa niya.

"Atheena Salvador," sabi ko sa bantay.

Nagkatinginan pa muna sila ng kasama niya, may binulong 'to sa kanya bago tumango ang isa at umalis. Nakaramdam ako ng kung ano, mabigat talaga sa pakiramdam sa tuwing pupunta ako dito. Hindi dahil makikita ko si Mommy, kundi dahil alam kong mahirap ang buhay niya dito.

"Hindi pa kayo nagsabay kanina ng Daddy mo, para sabay ko kayong napalayas," tamad na sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Pumunta po si Daddy dito kanina?" gulat na tanong ko. Imbes na sagutin ako ay umirap na lang siya sa kawalan.

Pagaling na ang ilang sugat niya no'n na nakita namin. Pero may mga bago...sinasaktan ba siya sa loob?

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na kalimutan mo na ako?"

"Mommy, hindi ko po 'yon magagawa. Mommy ko po kayo," giit ko.

Hindi siya umimik, hindi din naman siya nag-abalang tingnan ako.

Inihain ko sa harapan niya ang lahat ng pagkaing dala ko. Ako lang ang nagsasalita sa aming dalawa, ni hindi ko nga alam kung nakikinig man lang ba siya.

"May ibinigay pong project si Daddy sa akin. Westfields Executive subdivision sa may Malolos Bulacan," pag-uumpisa ko.

Hanggang sa na-ikwento ko pa sa kanya ang tungkol sa nangyari sa meeting.

"Bring that bitch down. Wag kang magpapatalo," masungit na sabi niya sa akin.

"Mommy..."

Umirap siya, halos mawala ang itim ng mata dahil sa ginawa.

"Nasaan na yung project proposal na ibinigay ko sa 'yo? Use it."

Nanlaki ang mga mata ko, muli kong naalala yung hindi natuloy na project ni Mommy. Sa huli, kumain na din siya, kahit tipid ay sumasagot na din siya sa mga itinatanong ko.

"Ang laki na niya..." puna niya nang ipakita ko sa kanya ang recent picture at video ni Hartemis.

Naging emotional si Mommy, halos hindi maalis ang tingin niya sa phone ko. Alam kong miss na miss niya na si Hartemis, even si Hermes.

Hinayaan ako ni Mommy na yakapin siya bago ako umalis. I keep asking her if ayos lang ba siya doon kahit alam kong hindi.

"Don't worry about me, Ahtisia Amelie. Galingan mo, wag kang magpapa-api..." giit niya.

Tumulo ang masasagang luha ko nang humalik si Mommy sa ulo ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, may kung anong saya ang ginawa niyang 'yon.

Buong araw kasama ni Hunter ang mga pinsan niya para sa pag-iimbestiga sa kaso ni Everette, hindi sila naniniwala na patay na 'to. Hindi din naman ako, kaya hinayaan ko siya. Pwede naman kaming bumalik sa Malolos sa ibang araw.

"Titingnan ko kung anong pwede kong magawa...kung pwedeng ma-ilabas natin ang Mommy mo," sabi ni Daddy sa akin.

Binisita niya kami ni Hartemis ng gabing 'yon. Bago umuwi ay dumaan muna siya sa amin, may dala din siyang mga pagkain. He keeps insisting na lumipat na kami sa mga bahay na inalok niya sa amin.

May ipinakita siyang limang malalaking bahay, kahit ano daw doon ang piliin ko ay ibibigay niya sa akin. Muli akong nakaramdam ng pagkalula. Mukhang nasanay na sa simpleng buhay. Ang magarbong buhay na inaalok niya sa akin ay parang hindi ko na kaya.

"I'm in favor with your plan about Westfields, malaki ang tiwala ko sa inyo ni Hunter," sabi ni Daddy sa akin.

Hindi niya lang masabi ng diretso dahil inaalala niya si Ericatrina.

"Nasa vote pa din po ng majority ang magiging final na desisyo. Rerespetuhin ko naman po kung anong magiging kalabasan," sabi ko kay Daddy.

Matamis siyang ngumiti sa akin, hinila niya ako para yakapin.

Inayos ko ang mga pagkaing dal ani Daddy, inalok ko siyang doon na mag-dinner. Bukas ang tv dahil hindi umiiyak si Hartemis kahit nasa crib siya, basta ay may naririnig.

Sandali akong napahinto sa ginagawa ng makita ko ang isang commercial. Si Isabela 'yon, nag-eendorse ng sikat na lipstick brand.

"Kakausapin ko ulit si Attorney Aves tungkol sa kaso ng Mommy mo," sabi niya habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Doon ko nalamang family and company Attorney nila Daddy ang Daddy ni Sovannah. Kaya naman pala close sila ni Ericatrina.

"Mas lalo kong nakilala si Hunter dahil kay Sovannah. Ang batang 'yon, palihim niyang hinahanap kung sino ang mga lalaking naging malapit kay Atheena nung kabataan niya. Para siguro hanapin kung sino ang totoo mong ama," Kwento ni Daddy sa akin.

Hindi ko alam ang parteng 'yon.

"B-bakit naman po 'yon gagawin ni Hunter?"

Nagkibit balikat si Daddy, wala din siyang ma-isagot sa akin. Kaya naman nang dumating si Hunter ay itinanong ko kaagad 'yon sa kanya.

"Dahil gusto kong makilala mo ang Daddy mo," sagot niya sa akin.

Masyadong abala sa dala niyang regalo daw niya sa amin.

"Hindi ko ma-intindihan," sabi ko.

Huminto siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin.

"Kung sakali kasing hindi ako makakabalik, gusto kong masigurado na maayos kayo...na mas magiging ligtas ka kung kasama mo ang Daddy mo," pag-amin niya sa akin.

"So, sumagi talaga sa isip mong iiwan mo kami?" tanong ko.

Mas lalong pumungay ang mat ani Hunter.

"Muntik ko nang tanggapin...pero hindi na ulit mangyayari 'yon," paninigurado niya sa akin.

Mula kay Hunter ay bumaba ang tingin ko sa kanina pa niyang binubuksan. Buong akala ko ay kung ano 'yon, malaki...akala ko ay painting. Hanggang sa mapansin kong family portrait 'yon...hand paint. Painting nga...nino?

Napasinghap ako nang makita kong kaming apat 'yon. Naka-upo si Hartemis sa lap ko, kuhang kuha ang itsura ng baby ko ngayon, kahit kung gaano na siya kalaki. Sa aming tabi ay sina Hunter. Karga niya si Hermes, may kung anong bumaba sa lalamunan ko ng makita kong kuhang kuha din nang nagpinta ang huling litrato na meron kami sa kanya, kung gaano siya kaliit.

Doon ko na-realize na unti unting lumalaki si Hartemis, but Hermes stays the same. It hits me hard again, hindi ko makikitang lumaki si Hermes.

"Our family picture..." sabi ni Hunter.

"This is one of my dream..." pag-amin ko sa kanya.

Ang magkaroon kami ng litrato na magkakasama.

"It's my dream too," sabi niya sa akin.

Maybe a life with Hermes, a complete family, will always be our dream that never came.

Natigil ang tagpong 'yon nang may mag-flash na balita sa tv. Hindi ko sana papansinin kung hindi ko narinig ang pangalan ni Mommy.

"Agaw buhay ngayon Si Atheena Escuel na anak ng may-ari ng malaking oil company sa bansa. Nagtamo ito ng ilang saksak matapos umanong mapa-away sa loob ng kulungan."




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro