Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Result




Hindi kaagad 'yon na proseso ng utak ko. Pero ramdam ko ang pag bigat ng aking dibdib. Nanatili ang tingin ko kay Hunter, marami akong gustong itanong...pero sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng takot.

Takot na hindi ko alam kung saan nanggaling. Paano na? magaling na ba siya? May epekto pa din ba? Pwede pa ding bang maka-apekto? Wala siyang pang-amoy?

"Hindi ko din alam kung paano sasabihin sa 'yo. Kung mapapatawad mo pa ba ako sa oras na malaman mo..." sandali siyang natigilan. Parang kung anong may bumara sa lalamunan niya dahilan para hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin.

"Kasi kahit ako...hindi ko alam kung paano papatawarin ang sarili ko. Na kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng mawala sa akin...bakit ang anak pa natin. Ang daming pwedeng kuhanin sa akin...bakit si Hermes pa?" umiiyak na tanong niya.

Sa sobrang bigat ng dibdib ko ay halos mahirapan akong huminga. Hindi ko na ininda kung may ibang tao sa palagid. Wala ding kahit anong salita ang gustong lumabas sa bibig ko, napuno lamang 'yon ng mga hikbi.

"Ang dami ko ng kasalanan sa 'yo...sa sobrang dami hindi ko na alam kung para saan pa yung sorry ko. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula..."

Halos manlambot ang mga tuhod ko, hindi ko alam kung kaya ko pang i-absorb ang lahat ng 'to. Hindi ko na alam kung kaya ko pang tumanggap.

"Kung pwedeng makipagpalit...matagal ko ng ginawa. Hindi ko deserve dito, Ahtisia...alam ko. I don't deserve any second chances. Pero hindi ko din naman kayang sayangin ang sakripisyo ng anak natin."

Hindi na kinaya ni Hunter. Halos manghina siya dahil sa pag-iyak. Wala na din siyang paki-alam kung may ibang tao sa paligid. Hindi na din niya ininda kung anong pwedeng isipin ng kapatid at pinsan niya pagkatapos ng tagpong 'to.

Napahawak siya sa magkabilang braso ko para kumuha ng suporta.

"Hiyang hiya ako. Sobrang duwag ko, wala akong mukhang ma-iharap sa inyo, wala akong mukhang ma-iharap sa mga anak natin...Sa 'yo," pagpapatuloy niya.

Hindi na niya kinaya, hanggang sa yumakap na lang siya sa akin, isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya dahil sa pag-iyak. Wala na akong nagawa nang kusang tumaas ang kamay ko at yumakap sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa suot niyang damit, ramdam ko din ang panginginig ng kamay ko.

Nang maramdaman ni Hunter na yumakap ako pabalik ay napasinghap siya at mas lalong yumakap.

Marami pa kaming kailangang pag-usapan, marami din akong gusto pang itanong. But I guess that's too much for today. May ibang araw pa, may tamang oras pa.

Halos maghari ang katahimikan sa buong apartment ko, kahit kasi ang mga bisita namin ay natahimik. Walang ibang naririnig kundi ang maliliit na ingay ng mga batang kasama namin. Ma-ingay ang anak ni Piero, sinasagot naman 'yon ni Allennon...

Mahigpit ang yakap ko sa baby ko, paulit-ulit ko siyang hinalikan sa ulo habang tahimik na nakikinig sa mga pinsan niya. Tipid akong natawa ng hindi na nakatiis ang baby ko at nakipag sagutan na din.

Ramdam ko ang tingin ni Hunter sa amin mula sa kinauupuan niya pero wala pa akong lakas ng loob na harapin siya. Hindi pa halos nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nalaman ko.

"Nagugutom na ako," pag basag ni Piero ng katahimikan.

Dahil sa sinabi niyang 'yon ay kaagad siyang nakatanggap ng suntok sa braso galing kay Hobbes. Pigil na pigil silang magmurahan na dalawa dahil sa mga kasama naming baby.

Halos magkasabay kaming tumayo ni Ate Alihilani.

"Maghanda na tayo para sa dinner..." yaya niya sa akin ng makita niyang 'yon din ang plano ko.

Inabot niya si Allennon kay Hobbes. Ramdam ko ang tingin ni Hunter sa akin, kita kong naghe-hesitate niya sa gusto niyang gawin. Bahagyang tumulis ang nguso ko, ako na mismo ang lumapit sa kanya para iabot si Hartemis.

"Kay Daddy ka muna," sabi ko sa baby ko matapos ko siyang halikan sa pisngi at iabot kay Hunter.

Naramdaman ko pa kung paano namanhid ang batok pababa sa braso ko ng tumaas ang balahibo ko dahil sa pagtama ng kamay niya sa balat ko dahil sa pag-abot ko sa kanya.

Tumalikod na kaagad ako sa kanya at hindi na sinuklian pa ang tingin niya sa akin. Dumiretso ako sa kitchen para puntahan si Ate Alihilani na abala na sa pag-aayos ng mga pagkaing dala nila.

"May niluto din akong adobo...pero hindi ako sure kung magugustuhan niyo. Nag-aaral pa din kasi ako ng ibang luto..." kwento ko sa kanya at tipid na tumawa.

Knowing how good Ate at cooking. Kung minsan hindi ko din gusto ang lasa ng mga niluluto ko, pero kailangan kong ubusin dahil hindi pwedeng mag sayang ng pagkain.

Habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ay ramdam ko ang tingin niya sa akin, para bang sinisigurado niyang ayos lang ako base sa ikinikilos ko.

"Gusto ka din sanang maka-usap nila Mommy...ayaw muna ni Hunter dahil gusto niyang maging maayos muna kayo," pag-uumpisa ni Ate.

"Sina Mrs. Jimenez?" paninigurado ko.

Tipid na tango ang isinagot niya sa akin. Hindi ako naka-imik. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handang harapin ang parents ni Hunter sa ngayon. Na-appreciate ko na pinigilan muna niya ang parents niya dahil kailangan muna naming ayusin ang tungkol sa aming dala bago ang lahat ng 'yon.

"Gusto ka nilang makilala at si Hartemis," sabi pa niya.

"Pero na-iintindihan naman namin...hindi naman madali ang lahat," pahabol pa ni Ate Alihilani kaya naman tipid akong napangiti.

Thankful pa din ako dahil na-iintindihan nila na hindi ko kayang tanggapin ang lahat nang 'to ng sabay sabay.

Ibinigay ni Ate Alihilani ang buong suporta niya sa amin. Ramdam ko din ang pagmamahal niya para sa baby ko, nakita ko naman 'yon kahit pa noong hindi pa kami ganito kalapit kay Hunter.

Abala kami ni Ate Alihilani sa kitchen habang naririnig ko ang pag-uusapa nila sa may sala tungkol sa kaso kay Everette. Halos ilang taon ko na din siyang hindi nakita, wala din akong masyadong balita sa kanya bukod sa mga nalalaman ko tungkol sa business niya.

"M-magaling na ba siya?" tanong ko kay Ate Alihilani sa kalagitnaan ng pananahimik namin dahil sa ginagawa.

"Oo...magaling na si Hunter," marahang sabi niya sa akin.

Sa klase ng sagot niya ay para bang alam niyang mabigat 'yon sa loob ko kaya naman gusto niyang pagaanin 'yon.

"Pero wala siyang pang-amoy..." giit ko.

"Ang sabi parang 'yon ang naging epekto nung pagkakatama sa ulo niya...sa naging operation na din," sagot niya sa akin.

"Ibig sabihin...hindi na babalik ang pang-amoy niya?"

Sandaling napa-isip si Ate Alihilani bago niya ako sinagot.

"Ang rinig ko mula kay Kenzo...baka hindi na daw. Pero wala namang impossible di ba?" sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga ako bago sumang-ayon sa kanya.

Maraming pinagdaang hirap sa buhay si Ate Alihilani, kaya naman nakakabilib na sa kabila ng lahat ng 'yon ay hindi nawala ang pagiging positibo niya.

"Magiging ayos din ang lahat. Hindi din naman porket nalaman mo ang kalagayan ni Hunter...aasahan naming patatawarin mo na siya, na magiging maayos na ang lahat sa inyo. Hindi naging madali ang pinagdaanan niyo ng mga baby mo..."

"Paunti-unti...pag handa ka na talaga, mararamdaman mo 'yan. Wag mong pilitin ang sarili mo na agad-agad...handa namang maghintay si Hunter," pangaral pa niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang yakapin si Ate Alihilani. Bagay na hindi ko inakala na mangyayari. Sa lahat ng ginawa namin ni Mommy sa kanila ni Tita Cleo ay nagawa pa nilang tanggapin ako.

"Sorry sa lahat ng nangyari dati..." sabi ko ulit. Hindi ako mapapagod na humingi ng sorry sa kanya.

"Tapos na 'yon. Magkapatid tayo, Ahtisia," paninigurado niya sa akin.

Dahil sa pagbanggit ni Ate Alihilani doon ay muli ko nanamang na-isip ang tungkol sa DNA test. Bigla ko tuloy na isip na kahit si Ate Alihilani na lang ang maging kapatid ko ay ayos na, mas ayos...hindi ko kasi kayang isipin na magiging ganito kami ni Ericatrina pag nagkataon. Lalo na't ayaw naman niya sa akin.

Nagpaalam na din kaagad sila pagkatapos ng dinner. Tulog na si Primo na karga ni Piero.

"Alis na kami..." tamad na paalam ni Piero.

Masyadong cool ang personality ni Piero, ni hindi nga siya natinag kahit pa may iyakang naganap sa harapan nila kanina. Ngayon ko tuloy naramdaman ang hiya, sa harapan pa talaga nila namin ginawa 'yon ni Hunter.

"Paano si Primo?" tanong ni Hobbes sa kanya.

Binuksan niya ang itim na SUV at ipinakita ang baby seat sa backseat. Ma-ingat niyang inihiga doon si Primo na nag-thumb suck kaagad pagkalapag sa kanya ng Daddy niya.

"Magdahan dahan ka sa pag-drive..." sabi ko out of nowhere. Masyado akong nag-aalala sa baby sa likod ng backseat niya. Mahimbing na din kasi ang tulog nito.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, pagkatapos ay tumango.

Pagka-alis ng sasakyan ni Piero ay sina Hobbes at Ate naman ang umalis kasama si Allennon. Hinintay namin na tuluyang makalayo ang sasakyan nila bago ko hinarap si Hartemis na kanina pa kinukusot ang mata niya.

"Tara na..." malambing na yaya ko sa kanya.

Maayos na din naman ang kitchen, hindi umalis si Ate Alihilani na hindi malinis ang kitchen namin. Kahit sinabi kong ako na ang bahala doon ay tinulungan pa din niya ako.

Kaagad na lumipat si Hartemis sa akin, yumakap siya kaagad at isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg ko.

"Inaantok na," marahang sabi ni Hunter na tinanguan ko.

"Papasok na kami," paalam ko sa kanya at naglakad na pabalik sa apartment namin.

Tahimik siya habang nakasunod, huminto din siya pagkarating namin sa harapan ng pintuan ng apartment namin.

"Sige na..."

"Pumasok muna kayo, mag-lock ng mabuti," paalala niya sa akin.

Nasa loob ng magkabilang bulsa niya ang kanyang kamay, wala talagang balak na umalis sa harapan ng pintuan namin hangga't hindi kami nakakapasok ni Hartemis.

Wala akong imik na pumasok sa apartment at ni-lock ang pinto. Pinakiramdaman ko si Hunter sa labas, tsaka lang siya umalis nang marinig niyang nasara ko na ang pangatlong lock ng pintuan namin.

Matapos kong ayusan si Hartemis ay humiga na din kami para matulog, mahimbing na ang tulog ng baby ko pero hindi ko magawa 'yon. Dilat na dilat pa din ang mga mata ko, gising na gising pa din ang diwa ko.

Hanggang sa umilaw ang phone ko galing sa isang unknown number. Alam ko kaagad na si Hunter 'yon ng mabasa ko ang message niya. Tinatanong niya ako kung kailan namin pwedeng dalawin si Hermes na magkakasama kami.

Bigla akong nakaramdam ng excitement, iba sa feeling na pupuntahan namin si Hermes na kasama si Hunter, magkahalong saya at lungkot.

Hindi na lang ako nag-reply, pero aasahan ko 'yon. Siguradong hindi 'yon mawawala sa isip ko hanggang sa makapunta nga kami kay Hermes ng magkakasama.

Maaga akong nagising kinaumagahan kahit pa hindi gaanong mahaba ang naging tulog ko, ganoon din si Hartemis kaya naman maaga pa lang ay nasa labas na kaming dalawa sa hindi ko malamang dahilan.

"Pinapa-initan mo ba si Hartemis talaga o may hinihintay ka?" tanong ni Kuya Wil.

Maaga din siyang nagising, maaga pa lang ay nagwawalis na siya sa may bakuran. Napansin siguro niya ang kanina ko pang maglingon sa pintuan ng apartment ni Hunter.

Dahil sa nalaman ko kagabi ay kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko, paano kung epekto din ng pagkakatama sa ulo niya ang pagiging malalim ng tulog niya, may ganoong sakit ba? Yung para bang hirap kang gumising?

Muli ko ding naalala ang nangyari kay Hermes, tulog lang noon ang baby ko. Mahimbing lang ang tulog niya hanggang sa malaman kong wala na pala. Hindi na ata ma-aalis sa akin ang ganitong klaseng pag-aalala.

Sinagot ni Hartemis si Kuya Wil, mukhang maging ang baby ko ay alam na kung bakit maaga pa lang ay nasa labas na kami.

"Oo, alam ko na 'yan...may hinihintay 'yang Mommy mo," sagot ni Kuya Wil sa baby ko.

Wala namang nagbago sa amin ni Kuya Wil kahit nalaman ko ang tunay niyang relasyon kay Mr. West Vergara. Sa sobrang daming na-itulong ni Kuya Wil sa amin, sa ipinaramdam niyang pagmamahal para sa akin at sa baby ko, walang kahit anong bagay ang makakapagbago na mahal din namin siya at hindi na siya iba sa amin.

Pag mahal mo ang isang tao...kayang kaya mong patawarin siya.

Pero hindi naman 'yon applicable sa lahat ng bagay, sa lahat ng sitwasyon. Depende pa din talaga. Walang makakapag sabi ng tamang sagot kung paano ng aba magpatawad. Kung kailang pwedeng magbigay pa ng isa pang pagkakataon, at kung kailan hindi na.

Napahinto kaming tatlo nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan ng apartment niya. Kanina ko pa 'yon hinihintay pero ng lumabas na siya ay mabilis naman akong nag-iwas ng tingin.

"Good morning," bati niya.

Napatili kaagad si Hartemis nang marinig ang boses ng Daddy niya. Na-amoy ko ang bango ni Hunter, halatang basa pa ang buhok niya at bagong ligo.

Nagawa niyang halikan sa pisngi ang baby namin habang karga ko pa kaya naman ang basa niyang buhok ay halos dumikit sa pisngi ko. Halata namang pansin niya 'yon, pero hindi naman siya tumigil.

"Bakit kasi ngayon ka lang lumabas, kanina pa may naghihintay sa 'yo," parinig ni Kuya Wil na ikinagulat ko.

Kumunot sandali ang noo ni Hunter bago niya ako nilingon.

"Si Hartemis," pagtatama ko sa kung anong pwedeng niyang isipin.

Wag siyang feelingero, hindi ako 'yon.

Bahagyang tumaas ang kilay niya kasabay ng pagtaas ng gilid ng kanyang labi.

"Naligo pa kasi si Daddy...para mabango ako pag lumapit kay Mommy," pag b-baby talk niya dito.

"Ano?" masungit na tanong ni Kuya Wil.

Napakamot siya sa tenga niya na para bang hindi niya nagustuhan ang narinig. Mas una pa siyang nag-react kesa sa akin.

"Para mabango pag lumapit kay Hartemis...at sayo Kuya Wil," nakangising sagot ni Hunter sa kanya kaya naman mas lalong bumusangot ito.

Halos magtago ako sa likod ng baby ko, kung ano anong pinagsasabi ni Hunter. Akala mo walang nangyaring kung ano kagabi.

Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil kailangan ko nanamang iwan si Hartemis, kailangan ko na kasing pumasok sa trabaho. Naka-received na din ako ng message mula kay Sir West Vergara na anytime pwede na akong magpakuha ng sample para sa gagawing DNA test. Pwede akong pumunta sa hospital na sinabi niya sa akin kung kailan ako magiging handa.

"Sigurado kang ngayong na? Hindi naman kailangang madaliin," sabi ni Kuya Wil sa akin.

Ayoko nang patagalin pa 'to. Bago pumasok sa trabaho ay magpapakuha na ako ng sample para magawa na ang DNA test ay makakuha na kami ng resulta, wala din namang magbabago kung patatagalin pa. Pagdadaanan ko pa din ang lahat ng 'to para makuha ko ang sagot sa mga tanong ko.

Parang kung may anong nagtatambol sa dibdib ko, sobra akong kinakabahan.

"Sasamahan kita," seryosong sabi ni Hunter.

Maging si Kuya Wil ay natigilan din.

"K-kaya ko namang mag-isa 'yon," sabi ko sa kanya pero marahan siyang umiling.

"Sasamahan kita," pinal na sabi niya sa akin.

Hindi ko na tinanggihan pa ang alok niyang 'yon, sumakay na din ako sa sasakyan niya papunta sa hospital, pagkatapos ay didiretso na din kami sa trabaho.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan, hindi ko ma-iwasang makaramdam ng pamilyar na pakiramdam habang pinapanuod ko kung paano mag-drive si Hunter, kung paano siya tumingin sa side mirrors, kung paano siya humawak sa manibela.

"Your mini cooper is still with me...gusto mong gamitin, o magsabay na lang tayo araw-araw?" tanong niya sa akin.

"Hindi na 'yon sa akin. At hindi din tayo magsasabay araw-araw," sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pag ngisi niya. Diretso ang tingin ko sa kalsada, hanggang sa magulat ako ng hagilapin niya ang kamay kong nakapirmi sa taas ng hita ko para hawakan.

"Wag kang kabahan...nandito ako," pag-aalo niya sa akin.

Napansin niya marahil ang ilang beses na pagbitaw ko ng malalalim na buntong hininga. Imbes na bawiin sa kanya ang kamay ko ay hinayaan ko na lang. I need it.

Muli kong nilingon si Hunter, sa aking gawi ay kita ko ang peklat sa ulo niya na pilit niyang itinatago sa kanyang buhok.

"Si Everette ang may gawa niyan sa 'yo? Napaka walang puso niya talaga..." sabi ko.

Umigitng ang panga ni Hunter. "Pagbabayarin ko siya," seryosong sabi niya sa akin.

"Dapat sinabi mo sa akin...para na-intindihan ko," marahang sabi ko.

Alam kong wala nang magagawa pa 'yon, huli na ang lahat...nangyari na.

"Dapat sinabi mo sa amin, ma-iintindihan ka naman namin Hunter. Ma-iintidihan ka nina Hermes at Hartemis kung kailangan mong umalis sandali at iwan kami para magpagaling..." sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng adams apple niya.

"Naduwag ako," pag uumpisa niya.

"Duwag ka nga," pag-sangayon ko.

Marahan kong tinanggal ang hawak niya sa kamay ko, nang maalis ko 'yon ay dahan dahan kong itinaas ang kamay ko papunta sa ulo niya. Marahan kong hinawakan ang parte kung nasaan ang peklat niya.

"Hindi pa kita tuluyang napapatawad, Hunter. Pero hindi ko din naman gusto na may mangyari sa 'yo...hindi ko gusto yung nangyari sa 'yo," sabi ko sa kanya.

Nakita ko kung paano pumungay ang mga mata niya. Hindi ko kinaya ang bigat ng tingin niya kaya naman muling bumaba ang tingin ko sa kamay niyang binitawan ko kanina.

Imbes na alisin 'yon ay muli kong binalik ang pagkakasiklop ng mga kamay namin, alam kong ikinagulat din niya 'yon.

"Subukan nating maging mabuting magkaibigan para kay Hartemis, para sa anak natin," sabi ko sa kanya.

He groaned in frustration kaya naman nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Magkaibigan," paguulit ko sa kanya.

Dahil sa presencya ni Hunter ay nabawasan kahit papaano ang kabang nararamdaman ko. Pikit mata kong tinanggap ang bagay na 'to. Para matapos na, para sa dinamirami ng iniisip kong problema ay may matapos man lang kahit isa. Kahit paunti-unti.

Mainit na yakap ni Hunter ang sumalubong sa akin pagkalabas ko sa kwarto kung saan ako kinuhanan ng sample.

"My brave Odette," malaming na sabi niya sa akin.

Kinakabahan na kaagad ako pagkalabas namin sa hospital. Alam na din ni Mr. West Vergara na nakapagbigay na ako ng sample. Siya na daw ang bahala sa iba pang kailangan, result na lang din ang kailangan kong hintayin.

"Ahtisia!"

Nagulat ako nang makita ko kung sino ang naghihintay sa akin sa labas ng companya, may dala siyang bouquet ng bulaklak. Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi niya nang makita niya kung sino ang nasa likuran ko.

"Hugo...kailan ka pa bumalik?" tanong ko.

Hindi siya kaagad na sumagot hanggang sa nakalapit ako sa kanya.

Humalik siya sa pisngi ko at inabot sa akin ang bulaklak.

"Kakarating ko lang, dumiretso ako dito..." sagot niya sa akin.

Nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa taong nasa likuran ko.

"I'll stay here for a while, tapos na ang projects ko abroad," sabi niya sa akin na tinanguan ko.

Nabanggit din ni Hugo sa akin ang tungkol sa mga messages niya na hindi ko sinasagot. Mukhang hindi pa niya alam na may alam na ako sa kanya, kay Kuya Wil, at Mr. West Vergara.

Mahina akong napasinghap habang kausap ko si Hugo nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Hunter sa likod ko.

"Let's go...nag-iinit ang ulo ko dito sa labas," sabi niya.

Nakita kong naka kunot ang noo niya habang kunwaring tumitingin sa langit dahil sa sikat ng araw kuno.

"Nag breakfast ka na?" tanong ni Hugo.

"Uhm..."

"Nag-breakfast na kami," sagot ni Hunter.

Hindi siya pinansin ni Hugo.

"I missed you. Can we talk..." sabi ni Hugo.

"No," sagot ni Hunter.

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata.

"Bakit, ano ka ba ni Ahtisia...Pare?" tanong ni Hugo. Looks like he had enough.

Sumimangot si Hunter, hinarap niya si Hugo.

"Mabuting kaibigan...bakit?" proud na sagot niya dito kaya naman halos mapasapo ako sa aking noo dahil sa kanilang dalawa.

"Tama na 'yan. Sige na..." sabi ko kay Hugo.

Hinawakan ko siya sa braso para hilahin palayo kay Hunter. Magp-protesta pa sana si Hunter pero pinigilan ko na siya. Hindi porket hinayaan kong maging magkaibigan kami ay pwede na siyang mag desisyon para sa akin.

"Ayos na kayo?" tanong kaagad ni Hugo sa akin.

Nag-stay muna kami sa isang coffee shop malapit sa companya. Wala pa siyang kain at pahinga pagkagaling sa airport. Talagang dumiretso siya dito para daw sa akin.

"Kailangan para kay Hartemis," sagot ko.

"Babalikan mo?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Walang ganoon," giit ko.

Napabuntong hininga siya. Natahimik na lang din ako. Tinanong ko na lang siya about sa mga projects niya abroad para malayo ang usapan namin tungkol kay Hunter.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng makita ko ang pagdating ni Ericatrina, at hindi siya nag-iisa, kasama niya si Sovannah.

"Hosea..." tawag niya sa pinsan.

Tumayo si Hugo para salubungin ang pinsan niya, bilang respeto sa mga dumating ay nagawa ko ding tumayo, kahit pa hindi naman nila ako pinansin. Nakita ko ang tingin ni Sovannah sa akin pero nag-iwas din kaagad siya.

"Kakarating mo lang? So, you're here for me?" nakangiting tanong ni Ericatrina sa pinsan.

Sinubukan ni Hugo na sabihin sa kanya ang tungkol sa presencya ko, pero pilit na iniiba nito ang usapan para hindi mapunta sa akin ang topic.

"I want you to meet Sovannah Ivy Aves. Siguro naman kilala mo na siya?"

Tamad na tumingin si Hugo sa nasa likuran nito.

"Yeah."

Nabanggit ni Ericatrina na magpapatayo ulit s Sovannah ng pangatlo niyang coffee shop, at naghahanap siya ng Engineer para dito.

"Please, for me..." paglalambing ni Hugo dito.

Gusto niyang si Hugo ang maging Engineer ni Sovannah.

"Pag-iisipan ko," sagot ni Hugo bago ko nakitang nilingon niya ako. Alam ko na kung anong pumipigil sa kanya, saksi si Hugo sa history ko sa mga bestfriend ni Hunter.

"Aasahan ko 'yan," sabi ni Ericatrina sa kanya.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-inom sa frapped ko habang nag-uusap sila. Kahit nang umalis ay hindi man lang nagtapon ng tingin si Ericatrina sa akin.

"Tanggapin mo na..." sabi ko.

"Si Sovannah 'yon. Hindi ba't hindi kayo maayos?" tanong niya sa akin.

"Matagal na 'yon. Gawin mo na lang 'to para sa pinsan mo," sabi ko.

Walang nagawa si Hugo. Ayaw din naman niyang biguin ang pinsan niya.

Nakabusangot si Hunter ng madaan ako sa office nila pagkabalik ko. para bang kaaway niya ang mga blueprint na nasa harapan niya.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Tanghali ng araw na 'yon nang magkagulo ang lahat dahil sa nakakabiglang balita. Nag-crash ang private plane na sinasakyan ni Everette nang subukan niyang tumakas sa batas.

Sobrang nakakagulat na balita no'n para sa business world kung saan kilalang kilala siya. Kahit nga ako ay hindi pa din makapaniwala.

"Siguraduhin niyo, baka mamaya palabas lang 'to..." rinig kong sabi ni Hunter sa kausap niya sa phone.

Ilang araw na naging usap usapan ang nangyari. Hanggang sa makumpirma ng mga pulisya base na din sa mga ebidensyang nakuha nila na isa si Everette sa sakay no'n.

"He doesn't deserve an easy death," gigil na sabi ni Hunter.

Maging si Piero na pinsan niya ay nanghinayang, deserve daw ni Everette na mahirapan buong buhay niya. This is an easy escape, base sa kanila.

Bukod sa nangyari kay Everette Medrano ay isa pang balita ang dumating sa akin. Lumabas na ang result ng DNA test. Kasama ko sina Hunter at Hartemis nang kuhanin namin 'yon sa hospital.

"Nandito kami ni Hartemis para sa 'yo...kahit ano pa ang maging result ng test," sabi ni Hunter sa akin.

Dahan dahan ang ginawa kong pagbukas ng envelope. Kita din ang panginginig ng kamay ko. bago ko pa man mabuksan 'yon ng tuluyan ay nakita na namin ang malalaking hakbang ni Mr. West Vergara palapit sa amin.

"Anak kita, Ahtisia...Anak kita," emosyonal na sabi niya bago niya ako niyakap ng mahigpit.

Para akong nakaluntang sa ere, hindi kaagad 'yon nag proseso sa utak ko. Pero nang makabawi ay kaagad kong ginantihan ang mahigpit na yakap niya sa akin.

"Isa kang Vergara. Anak kita..." sabi pa niya.

Kung sino sino na ang inakala kong totoo kong ama. Iba pala talaga sa pakiramdam pag sila na mismo ang umako sa 'yo. Takot akong itanggi sa oras na malaman ko ang totoo...sobrang saya ng puso ko na kabaliktaran ang nangyari.

Tanggap niya ako. Sa wakas...nasagot na lahat ng tanong ko.

Hindi ko man hihilingin na ibigay niya sa akin ang pangalan niya, na ipakilala niya ako sa lahat.

Matapos niya akong yakapin ay hinarap niya ako sa kanya. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Anak kita, Ahtisia..."

Marahan akong tumango. Matapos 'yon ay muli niya akong niyakap.

"Babawi ako sa 'yo...pupunan ko lahat ng mga naging pagkukulang ko. Babawi ako," paninigurado niya sa akin.

Nang pakawalan niya ako ay kaagad akong lumapit kay Hartemis para sana yakapin siya. Pero nauna nang yumakap si Hunter sa akin.

"Damn. Be a Vergara then, before I turn you to Jimenez," marahang sabi niya sa akin.




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro