Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Saved




Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang mapansin kong tumatagal na ang yakap ko sa hubad niyang katawan. Kanina lang ay pinupuri ko pa 'yon sa isip ko, hindi ko naman inakala at sinasadyang mahawakan 'yon.

"A-ayos na ako," mahinang sabi ko. Ako na din ang marahang tumulak sa kanya palayo sa akin.

Naramdaman ko ang gulat kay Hunter dahil sa ginawa ko. Para kasing feel na feel pa niya ang pagyayakapan namin.

"Magyakapan lang tayo hanggang sa kumalma ka," marahang sabi niya sa akin, tangka ulit siyang yayakap nang pinigilan ko na.

"A-ayos na nga," laban ko pero wala akong lakas ng loob na harapin siya.

Hindi na lang siya umimik, bahagya akong lumayo. Isang beses kong sinulyapan ang hubad niyang dibdib na namumula ngayon, bakas pa doon ang pagkakasandal ng noo ko kanina.

"Babalik na ako..." paalam ko sa kanya.

Tangkang lalagpasan ko siya para maka-alis na nang pigilan niya ako. Marahan niyang hinawakan ang braso ko para paharapin sa kanya.

"Tahan na."

Matapos niyang sabihin 'yon ay naramdaman ko ang hinlalaki niya sa pisngi ko, marahan niyang pinunasan ang luha dito.

"I love you, Ahtisia," sabi niya out of nowhere kaya naman parang nag-ugat ako sa kinatatayuan ko.

Para akong malulunod sa mga salita niya, ramdam ko ang sinseridad. Para bang ang pader na itinayo ko sa aking paligid ay nakakaramdam ng kung anong klaseng panghihina. Pagguho?

"It's always you, Ahtisia. Wala akong minahal na iba bukod sa 'yo. Bukod sa sobra kong mahal ang mga anak natin...kayo lang," paninigurado pa niya.

Namanhid ang ilang parte ng katawan ko, para bang tumayo ang mga balahibo dito. Hindi ko din alam kung para saan.

Ramdam ko ang titig niya sa akin, na para bang gusto niyang tingnan ko siya sa mga mata. Alam ko kasi kung paano mangusap ang mga mata ni Hunter. Para bang kahit hindi na sya magsalita, tingnan mo lang siya sa mga mata niya, alam mo kaagad kung anong nararamdaman niya. Alam mo kaagad kung nagsisinungaling siya o nagsasabi ng totoo.

Kaya naman noong mga panahong tinaboy niya ako, itinanggi niya ang mga baby ko...bakit hindi ako sumuko kaagad? Kasi nakita ko sa mga mata niya na hindi niya gustong gawin 'yon. Na kahit anong pilit niyang ipaniwala sa akin na 'yon ang gusto niya...iba ang sinasabi ng mga mata niya, iba ang ipinaparating no'n.

"Babalik na ako sa loob," ulit ko.

Marahan siyang tumango bilang pagsuko. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko palayo sa kanya nang si Mr. West Vergara na ang sumalubong sa amin.

"Nasaan na si Ericatrina?" tanong niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang boses.

Ang pag-aalala at pagmamahal ng isang ama para sa kanyang anak.

"Umalis na po. Siguro po...dapat niyo siyang sundan," suwestyon ko.

Mas lalong lumambot ang tingin niya sa akin. Pero hindi ko nagawang pansinin 'yon, mas natuon kasi ang atensyon ko kay Hartemis na hawak niya. Pilit itinataas ang kamay para kuhanin ko siya.

Lumapit ako para kuhanin ang baby ko, yumakap siya kaagad ng mahigpit sa akin, para bang alam niyang kailangang kailangan ko 'yon ngayon.

"Kakausapin ko siyang mabuti, Wag kang mag-alala...magiging ayos lang ang lahat," paninigurado ni Sir West Vergara sa akin.

Tipid lang akong tumango, napapikit ako ng maramdaman kong humilig siya para halikan ako sa ulo, ganoon din ang ginawa niya kay Hartemis.

May naramdaman ako, malakas ang kutob ko. Lukso ng dugo?

"Babalik ako..." paninigurado niya.

Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Kahit ang totoo ay mabigat din para sa akin 'to. Nasasaktan si Ericatrina dahil dito, at mas mabigat sa didbib pag nalaman kong possibleng masaktan din si Anya.

Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan pagka-alis ni Mr. West Vergara. Maging si Kuya Wil ay hindi ko maharap, halos magtago lang ako sa pagkakayakap sa baby ko.

"Ahtisia..." tawag niya sa akin.

"Hindi mo sinabi sa akin, Kuya Wil..." sabi ko, puno ng pagtatampo ang boses ko.

Pero kahit ganoon, wala akong naramdaman galit para sa kanya. Dahil simula pa lang ay naramdaman kong hindi naman talaga kami itinuring na iba ni Kuya Wil. Na kahit ngayong nalaman kong inutusan siya ay wala namang nagbago, siya pa din si Kuya Wil na nandyan para sa amin ni Hartemis noong mga panahong walang wala kami.

"Kailangan ka naming protektahan," paliwanag niya.

Humigpit ang yakap ko kay Hartemis, nag-ingay nanaman ang baby ko. Siya ang nakikipagsagutan kay Kuya Wil.

Dahil sa nangyari ay mas pinili na muna naming bumalik ni Hartemis sa sarili naming apartment. Hindi ko na din kasi ramdam ang gutom, ayoko namang masira ang almusal nila.

Kailangan ko lang ng kaunting oras, hindi naman ako galit. Kailangan ko lang i-absorb ng mabuti ang mga bagay bagay. Hindi din naman ako magde-desisyon o kikilos dahil lang sa bugso ng damdamin ko.

Kailangan kong intindihin ang lahat.

"Yung ibang design, ihahabol ko...dito ko gagawin sa bahay," sabi ko kay Engr. Fontillian nang tawagan ko siya.

Wala naman akong kailangang gawin sa office ngayon, hindi din tuloy ang meeting namin with Ma'am Chatterly kaya naman ang ilang adjustment sa design ay pwedeng dito ko gawin sa bahay.

"Sure, there's no problem with that...wala din naman ako sa office buong araw," sagot niya sa akin.

Abala din kasi ito sa ginagawa niyang project under Villaver. Ma'am Chatterly even asked him kung kaya pa niyang magfocus sa ancestral house project, pwede namang kumuha ng ibang Architect para doon. Pero sinabi ni Engr. Fontallian na kaya niyang hawakan pareho.

"Thank you," paalam ko sa kanya.

Matapos kong ibaba ang tawag ay muli akong nag-focus kay Hartemis. Kanina pa siya nakatingin sa akin habang may kausap ako sa phone, naghihintay na subuan ko siya ng banana puree na ginawa ko para sa kanya.

Itinaas ko ang suot niyang baby bibs para punasan ang kumalat na pagkain sa pisngi at bibig niya. Magandang kumain ang baby ko, kaunti nan ga lang ay mukhang kukuhanin na niya sa akin ang baby spoon para siya ang magsubo sa sarili niya.

Hinahayaan ko naman siyang hawakan 'yon pagkatapos niyang kumain. Noong minsan nga lang ay natakot ako, napasobra kasi siya sa subo kaya naman naduwal siya.

Inilapag ko siya sa baby crib niya at binigyan ng laruan matapos ko siyang liguan pagkatapos kumain. Kalmado pa siya kaya naman inilatag ko na sa dinning table ang mga kailangang kong gawin para makapag-umpisa na.

'Yon lang kasi ang table na pwede kong gamitin, hindi naman pwedeng sa sahig ko ilatag ang mga blueprint.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko nang makarinig kami ng pagkatok mula sa labas, malakas ang kutob ko na si Hunter 'yon.

At hind inga ako nagkakamali, siya ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pintuan. May suot na siya ngayong puting tshirt.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?"

Marahan siyang umiling.

"Wala..." tipid na sagot niya, pero ang mga mata niya ay nauna na sa loob ng apartment namin.

"Dito ka magt-trabaho? Sinong magbabantay kay Hartemis?" tanong niya sa akin.

"Ako."

Nagtaas siya ng kilay. "Wala akong gagawin, pwedeng ako muna ang magbantay sa anak natin," presinta niya.

Sandaling nagtagal ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ako manggugulo. Babantayan ko lang si Hartemis," paninigurado niya sa akin.

Napabuntong hininga ako bago ko nilakihan ang bukas ng pinto.

"Ayoko ng ma-ingay ha," banta ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Pagsasabihan ko si Hartemis," sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako at napa-irap sa kawalan.

Muli akong bumalik sa may dinning table para tapusin ang ginagawa ko, kahit ang totoo ay hindi naman ako makapag-concentrate. Hindi ko alam kung paano pa makakapag-concentrate sa mga nangyari.

Napa-iling ako at napangiti nang marinig ko ang tili ng baby ko, ramdam ko ang saya at excitement niya nang marinig niya ang simpleng pagtawag sa kanya ng Daddy niya. Para bang gustong gusto niya ang boses nito.

Kinuha siya ni Hunter mula sa crib at tsaka kinarga. Nasa may living room silang dalawa habang pilit kong inaabala ang sarili ko sa may dinning.

Walang pumapasok sa isip ko, halos ma-blanko ang utak ko.

"May extra akong drafting table. Kukunin ko..." presinta ni Hunter.

Mukhang hindi na nakapagpigil at talagang pumunta pa sa pwesto ko, kahit ang usapan ay papasok siya para bantayan si Hartemis.

"Hindi na," pagtanggi ko.

Nagpumilit pa siya nung una, pero nang sabihin kong palalabasin ko siya kung hindi siya titigil ay huminto din naman.

Bago pa man sila tumalikod sa akin ay nakita ko na ang pagbaba ng tingin niya sa phone ko na nakalapag sa itaas ng lamesa. Tingin pa lang niya doon ay alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Napabuntong hininga ako, sobrang bigat ng dibdib ko sa mga nangyayari. Minsan ay natatakot na lang ako nab aka hindi na kayanin ng puso ko ang lahat ng 'to. Kung hindi lang talaga dahil kay Hartemis, matagal na akong sumuko.

"Sa may living room..." yaya ko sa kanya.

Nilagpasan ko sila, mas nauna akong pumunta doon. Alam kaagad ni Hunter ang gusto kong mangyari. Sa sobrang pagmamadali niya ay tumama pa ang paa niya sa dulo ng aparador. Kita ko ang pamumula ng mukha niya, pigil na pigil ang pagmumura dahil sa tinamong sakit.

Nakatingin sa kanya ang baby ko, para bang hinihintay nitong may sabihin si Hunter. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sariling niyang magsabi ng kung ano.

Kita sa mukha niya ang iniindang sakit, sinong hindi masasaktan kung tumama ang hinliliit mo sa dulo ng kung anong matigas na bagay, nanatili ang tingin ko kay Hunter. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla na lamang itong umakto na para bang hindi siya nasaktan.

Kinandong niya si Hartemis habang naka-upo siya sa may sofa. Binuksan ko ang phone ko at inilagay 'yon sa may gallery. I think it's the right time for him to see our baby boy. At alam kong matutuwa din si Hermes kung malaman niyang nakilala na siya ng Daddy niya.

As much as I want to keep it for myself, I know for a fact that Hunter deserves it too.

Kita ko pa ang bahayang panginginig ng kamay ko habang iniaabot ko sa kanya ang phone ko. Kita ko din ang kaba sa mukha niya.

"Thank you," sabi niya sa akin.

Bumalik kaagad ako sa dinning room matapos kong gawin 'yon. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, para bang may takot sa aking makita ang magiging reaksyon niya. Para bang iniiwasan kong makita ang emosyon niya, baka ma-iyak din ako.

Pilit kong inabala ang sarili ko sa trabaho, ilang minuto ko ding pinaniwala ang sarili ko na walang kaso 'yon sa akin. Hanggang sa hindi ko na napigilan at sumilip na ako.

Mula sa hamba ng pintuan ng kitchen ay nakita ko ang nakatalikod na si Hunter sa akin, naka-upo pa din siya sa may sofa, kandong pa din si Hartemis, tutok na tutok ito sa hawak na phone. Kita ko ang pag-iyak niya base sa pag-galaw ng balikat niya.

Ilang beses kong narinig ang mabibigat niya pagbuntong hininga, ang mga pagsinghap niya. Ang bawat pag tingala niya sa tuwing hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya.

Sa huli ay mahigpit niyang yayakapin si Hartemis at hahalik sa ulo nito.

"Ang liit liit pa ng baby ko dito...ang liit niyo pa ni Kuya Hermes," pagkausap niya kay Hartemis.

Namanhid kaagad ang buong katawan ko dahil sa mga narinig.

Nagtagal ang halik niya sa ulo ng anak namin. Nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Hinayaan kong umiyak si Hunter ng tahimik, he needs that moment, may karapatan naman siyang umiyak dahil maraming pagkakataon ang nasayang para sa kanya.

Hindi ko na lalo kinaya ng marinig ko mula sa kanya ang ilang beses niyang pagtawag kay Hermes. Tumalikod na ako at bumalik kaagad sa may kitchen.

That scene is too heavy for me to witness.

Tumahimik na sila sa may living room. Nang huli akong tumingin ay nakita kong nakatulog na si Hartemis habang karga siya ng Daddy niya.

Nag-unat ako pagkatapos kong iligpit ang isa sa mga design na natapos kong ayusin. Nilingon ko ang sink at nakitang nakalimutan kong hugasan ang mga pinagkainan kanina, nagmadali akong tumayo nang makita kong nandoon pa ang ilang baby bottle ni Hartemis.

Abala ako sa paghuhugas nang magulat ako dahil sa biglaang pagyakap ni Hunter sa akin mula sa likuran. Mahigpit kaagad ang yakap niya sa akin.

"Hunter..." suway ko sa kanya.

Imbes na pansinin ako ay inayos pa niya ang yakap sa akin, pilit na isiniksik ang mukha niya sa gilid ng leeg ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti dahil sa hininga niya dito, halos maramdaman ko din ang lambot ng labi niya sa balat ko.

"How can we get Hermes back?" tanong niya sa akin dahilan para mapasinghap ako.

"Anong kailangan? Pera? Kunin nila ang lahat...wala akong pakialam," pagpapatuloy ni Hunter.

Mas lalo akong hindi naka-imik nang marinig ko ang pagsinghap niya bago ang mga mahihinang hikbi.

"Buhay ko? I can give him mine...ayos lang. He is more deserving to be here with you than me..."

"Kanino ko pwedeng sabihin? Na ayos lang na ako na lang kesa siya? Kanino pwedeng lumapit?" tanong niya sa akin.

Uminit ang gilid ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Hindi ko na din kinaya.

"How does it feel to carry two babies in your arm? I want to know; how does it feel to have them both?" tanong niya sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip nito.

"Why did I miss that part?" tanong niya sa kawalan.

Mas lalong humihigpit ang yakap niya habang nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa pag-iyak.

"I love him...mahal ko si Hermes. And I'm so sorry for not being here with you noong mga panahong kailangan niyo ako. I'm so sorry for not being here noong una't huling iyak niya...I'm so sorry."

"My apology won't change a thing. But I want you to know that I regret everything. I can surrender all I have just to change everything from the past. But it's too late...I'm too late."

Bumuhos ang luha ko, bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Kahit may sakit na nararamdaman para sa baby ko.

Hinarap ko si Hunter, sumalubong sa akin ang namumula niyang mga mata, basa ng pawis at luha ang kanyang mukha.

"Sigurado akong masaya si Hermes na marinig na mahal mo siya," sabi ko at pumiyok pa.

"Alam ko naman...na kung sakaling nandito ka noong mga panahong 'yon, alam ko na mahal mo din sila. Ramdam ko naman na hindi mo talaga gustong ipagtabuyan kami...na itanggi sila, kaya hindi ko ma-intindihan, Hunter. Kaya napagod akong intindihin..."

"Nakakapagod maghanap ng sagot. Napagod akong intindihin ka, kung saan nanggagaling yung galit mo. Kung bakit hindi mo ako pinaniwalaan..."

"Dahil sa DNA..." pag-uumpisa ko sana pero sunod sunod siyang umiling.

May kung anong bumara sa lalamunan ko, hindi ko na ma-ituloy ang gusto kong sabihin.

"Wala na si Hermes...hanggang ngayon hindi ko pa din tanggap, pero kailangan," sabi ko sa kanya.

Halos manghina siya, hanggang sa bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Pilit na ipinahinga ang noo niya sa balikat ko.

Halos hilahin ako ni Hunter para mayakap ng mahigpit. Hinayaan ko siyang gawin 'yon. Hindi daw ayos na kami, kundi dahil kailangan niya ng makakaramay ngayon.

Humigpit ang yakap ni Hunter, hanggang sa mapansin kong natigilan siya.

"Hunter..." tawag ko sa kanya.

Mga ilang minuto 'yong nangyari hanggang sa magpaalam siya sa aking aalis na muna dahil sumakit ang ulo niya.

"Ihihiga ko lang 'to. Babalik ako mamaya," paalam niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko. Kita ko sa mukha niya na hindi siya ayos. Mukhang bukod sap ag-iyak ay may iba pa siyang iniinda.

Patalikod na sana siya nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"D-dito ka na muna magpahinga..." marahang sabi ko.

Natigilan siya dahil doon. Pero hindi naman kami nagkaroon pa ng pilitan dahil pumayag siya kaagad. Siya na din ang nag-presinta na doon sa may mahabang sofa humiga, nasa may sala din kasi ang crib ni Hartemis kaya mas gusto niya doon.

"Umidlip ka na muna..." sabi ko pa.

Tipid siyang tumango sa akin, tumalikod siya sa akin at dumiretso sa may sala. Kumunot ang noo ko, nagtataka na din ako sa mga ikinikilos ni Hunter.

Nakita ko pang binuhat niya ang crib ni Hartemis para ilapit sa hihigaan niya. Hindi ko na na-ituloy ang mga dapat kong gawin. Halos ilang oras din akong nakatulala sa kung saan. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko na alam ang dapat kong unahin.

Sa huli, ipinaalam ko kay Mr. West Vergara na payag ako sa gusto niyang mangyari. Ang magpa-DNA test kami para matapos na ang lahat ng mga katanungan ko. Para maka-move on na ako sa parteng 'yon ng buhay ko.

Kung siya man o hindi ang totoo kong ama...kailangan kong tanggapin 'yon.

Unang nagising si Hartemis. Umiyak siya nang gumising, nagtaas ako ng kilay ng mapansin kong hindi man lang gumalaw si Hunter, hinihintay ko pa ngang magising siya kaagad at magmadaling buhatin ang baby ko pero hindi 'yon nangyari.

"Mommy is here," malambing na sabi ko kay Hartemis nang buhati ko siya mula sa crib niya.

Nag-thumb suck kaagad siya, pinahiran ko ang tumulong luha sa kanyang mga mata. Nilingon ko si Hunter na hindi man lang gumalaw, hindi na-istorbo ang tulog. Mukhang pagod talaga...o baka puyat?

"Hunter?" tawag ko.

Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya, nagtataas baba pa 'yon. Tulog lang talaga siya. Nagkaroon na ata ako ng takot sa tuwing tumitingin ako sa mga natutulog.

"Tulog si Daddy," bulong ko kay Hartemis nang makita kong nakatingin siya dito.

Dumiretso kami sa kusina para kuhanin ang baby bottle niya. Halos ilang oras ng gising si Hartemis. Nakalabas na nga kaming dalawa para bumili ng mirienda, pero tulog na tulog pa din si Hunter.

"Hunter..." pag gising ko sa kanya.

Ilang beses ko pa siyang tinawag. Tinapik ko na nga ang balikat niya, masyadong malalim ang tulog. May kabang namumuo na sa dibdib ko, hanggang sa makahinga ako ng maluwag nang makita ko ang unti-unting niyang pag dilat.

Ang hirap naman niyang gisingin.

"Padilim na, baka hindi ka naman makatulog ngayon gabi niyan," sabi ko sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang ulo na para bang may masakit doon. Dahan dahan ang ginawa niyang pagbangon.

"Napahaba ang tulog ko," sabi niya.

"At ang lalim. Kanina ka pa namin ginigising. Sabi mo idlip lang...ang tagal mong natulog dito. Apartment mo ba 'to?" nakangusong tanong ko sa kanya.

Para na din itago ang kabang naramdaman ko kanina.

Tipid siyang ngumisi.

"Pasencya na," sabi niya sa akin at tumayo.

Lumapit siya sa amin. Hinalikan niya sa ulo si Hartemis pero ang tingin niya ay nasa akin.

"Uuwi muna ako sa kabila para maligo," paalam niya sa amin.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit may kung ano kay Hunter ngayong magulo ang ayos ng buhok niya. Para siyang batang kakagising lang.

"D-dito ka na din kumain...napadami ang luto ko," nahihiyang sabi ko.

Narinig ko ang mahinang ngisi niya.

"Yan naman talaga ang balak ko," sabi niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.

"Kapal mo," sambit ko na mas lalo niyang ikinatawa.

"Damn, I'll fight for every chances to wake up for this," makahulugang sabi niya sa akin.

Behave si Hartemis habang nag-aayos kaming dalawa ng dinning table. Halos mag-agaw na ang liwanag at dilim sa labas. Hindi namin namalayan ang araw. Ang bilis talaga ng oras pag gusto mong pahabain ito.

"You think it's ok na?" tanong ko kay Hartemis.

Hindi siya ma-ingay dahil sa pacifier sa bibig niya. Pinapanuod niya lang ang mga ginagawa ko.

"Pshh...Why am I conscious suddenly?" tanong ko sa baby ko bago ko siya hinalikan sa pisngi.

Napaayos ako ng tayo ng makarinig kami ng katok mula sa labas. Malalaki kaagad ang hakbang ko palapit sa pinto, hanggang sa na-realize kong hindi naman pala dapat.

Anong minamadali mo, Ahtisia?

Hindi ko inaasahan ang bisita namin ngayon, pero kahit ganoon ay kaagad na napalitan ng saya.

"Ate Alihilani," tawag ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya para yakapin siya, kahit medyo mahirap dahil pareho kaming may hawak na baby.

Sa kanyang likuran ay si Hobbes. Tipid ko lang 'tong nginitian, hindi ko pa din alam kung paano ko siya pakikitunguhan dahil sa mga nangyari noon. Kahit pa naka-move on na kami, at wala ng problema kay Ate ay hindi pa din naaalis sa akin ang hiya dahil sa ginawa ko sa kanila.

"Pasok kayo..." yaya ko sa kanila.

Napapalakpak si Hartemis ng makita niya ang Tito Hobbes niya, kamukha kasi ng Daddy niya kaya siguro.

"Nakakita ka nanaman ng gwapo," pagka-usap ni Hobbes dito.

Hindi nag-alangan na lumapit si Hartemis sa kanya. Marahan kong pinisil ang pisngi ni Allenon. Malusog ito, sobrang chunky niyang baby.

"Hi..." malambing na bati ko sa kanya bago ako humalik sa pisngi niyang namumula pa.

"Nalaman namin kay Tatay na dito kayo nakatira, at kapit bahay niyo si Hunter," sabi ni Ate. Hindi niya na-iwasang umirap pagkabanggit ng pangalan ni Hunter.

Kinuha ni Hobbes si Allenon, pareho na niyang karga si Hartemis at ang pinsan nito.

May dala din silang pagkain. Mukhang may balak na talaga silang dito mag dinner. Mabuti na lang dahil hindi sapat ang niluto kong adobo para sa aming apat kung sakali.

"Magandang gabi, makiki-kain kami..." biglaang dating ni Piero Herrer.

Napa-awang ang bibig ko dahil sa pagsulpot niya, may karga din siyang batang lalaki na kamukha niya.

"Gago..." mura ni Hobbes sa kanya bago sila nag-tawanan.

"Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Hunter.

Basa pa ang buhok niya, kakatapos lang talagang maligo.

"Ikaw din, anong ginagawa mo dito?" balik na tanong ni Piero Herrer.

Sumama ang tingin ni Hunter sa pinsan.

"Sinama ko talaga si Primo. Para makunsensya ka kung sakaling may balak kang palayasin ako," laban ni Piero sa kanya kaya naman wala na siyang nagawa.

Nakasimangot na lumapit si Hunter sa kuya niya. Marahan niyang hinawakan sa ulo si Allenon.

"Anong meron?" tamad niyang tanong sa mga 'to.

Napa-awang ang bibig ko. May kailangan ba silang pag-usapan? At bakit dito sa bahay ko?

Hindi na ako makasingit, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin pa sila kung anong ginagawa nila dito. Bakit hindi ko alam na may meeting pala dito sa bahay namin ngayon?

"We heard about your investment on Medrano's tower. Anong kabobohan ang pumasok sa isip mo. You already know that project is a hopeless case," giit ni Piero.

"Piero, bunganga mo," suway ni Ate sa kanya.

Ngumisi si Hobbes at pinagtaasan ng kilay ang pinsan.

Mas nagulat ako ng malaman kong nawala ang perang in-invest ni Hunter sa Medrano's tower. So tinuloy niya nga?

"Tapos na, hayaan niyo na..." tamad na sagot ni Hunter sa kanya.

Abala siya sa pakikipaglaro kina Hartemis at Allenon na kandong ni Hobbes ngayon.

"Ilang million 'yon. Sana pala ibinigay mo na lang sa amin," sabi pa ni Piero. Ramdam ko ang sobrang panghihinayang sa kanyang boses.

"Ang mahalaga...makukulong na si Everette," pahabol ni Hunter.

Nakita ko ang bahagya niyang paglingon sa akin. Sinuklian ko lang ang tingin niya pero siya itong kaagad na nag-iwas ng tingin.

"At ito na din ang tamang panahon para idiin natin siya," seryosong sabi ni Piero.

May inilapag siyang envelope sa itaas ng center table. Nagulat ako nang mabilis na kinuha ni hunter 'yon na para bang sobrang importante at hindi pwedeng malaman ng kung sino ang laman no'n.

"Wag dito. Doon tayo mag-usap sa apartment ko," sabi niya sa pinsan.

"Hunter, sabihin na natin kay Ahtisia," si Ate Alihilani.

Kumunot ang noo ko. anong sasabihin sa akin?

"N-not now," giit ni Hunter.

Pilit niyang inaya ang mga pinsan at si Ate na umalis sila doon, hindi ko ma-intindihan. Sa gitna ng tension ay kaagad kong inagaw kay Piero ang envelope.

"Ahtisia," tawag ni Hunter sa akin.

Sinubukan niyang kuhanin sa kamay ko. pero sinamaan ko siya ng tingin.

"I want to know," seryosong sabi ko sa kanya.

Pumungay ang kanyang mga mata.

"Marami ka pang iniisip...ayokong dumagdag," marahang sabi niya sa akin.

Marahas akong umiling. Doon mismo sa harapan nila ay binuksan ko ang envelope. Isa-isa kong tiningnan ang mga documento, ang mga litrato.

Napa-awang ang bibig ko ng bumungad sa akin ang litrato ni Hunter. Kuha 'yon sa isang liblib na lugar, nakahiga siya sa sahig at bugbog sarado ang mukha. Para akong masusuka nang makita ko ang nagkalat na dugo sa sahig...mula sa kanyang ulo.

Nanginig ang mga kamay ko. pilit kong inilipat sa sumunod pang litrato. Mula naman 'yon sa ibang bansa, kung saan wala siyang buhok habang nakasuot ng hospital gown...

"Anong...anong nangyari?" wala sa sarili kong tanong.

Ang sumunod na litrato ay ang litrato niyang kitang kita ang marka ng tahi sa kanyang ulo. Nakita ko na 'to...yung peklat.

"He was abducted by Everette Medrano. Hunter suffered from severe brain injury..." pag-uumpisa ni Piero.

"Shut up, Piero." Si Hunter.

"Nag-under go ng brain surgery si Hunter sa America kaya matagal din siyang nawala...he almost die..."

"Piero!"

"And for your information...wala siyang pang-amoy ngayon," pagpapatuloy ni Piero. Walang makakapigil sa kanya.

Hindi ako naniwala. Hindi naman ako nagbago ng perfume simula noon. Alam din niya ang lahat ng gamit ko, kabisado niya 'yon.

Itinapat ko ang palapulsuhan ko sa mukha niya.

"A-anong gamit ko ngayon? Alam kong alam mo 'to..." tanong ko sa kanya.

Nanatili ang mapungay niyang tingin sa akin. Imbes na amuyin ang kamay ko ay dinala niya lang 'yon sa labi niya para halikan.

"I don't know. I can't figure it out..." pag-amin niya kaya naman mas lalong namanhid ang buong katawan ko.

Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata ng dinala niya ang kamay ko sa ulo niya, sa parte kung saan ko nakita ang mahabang peklat.

"I almost died..."

"But someone saved me...may kailangang umalis para makabalik ako," emosyonal na sabi niya sa akin.

Mula sa kanya ay bumaba ang tingin ko sa mga document. Muli akong napasinghap ng makita ko ang date kung kailan siya na-operahan. Kapareha ng araw ng mamatay ang baby ko.

"Hermes saved me..."


(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro