Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Happy New Year, Loves! I'm so blessed to have you always. For more years, and stories with you! take care always and love lots! -Maria.



Sister




Nawala ang ngisi sa mukha ni Mommy nang makita niya ako. Hindi nagtagal ay napansin din 'yon ni Mr. Vergara kaya naman sinundan niya ng tingin ang direksyon ko. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita niya din ako.

"Ahtisia, what are you doing here?" matigas na tanong ni Mommy sa akin. Galit pa siya dahil sa biglaang pagdalaw ko.

Imbes na umalis, tumakbo palabas ay dahan dahan akong lumapit sa kanila. Gusto kong malaman ang totoo, gusto kong makakuha ng sagot. Anong nangyayari?

"Mommy...anong ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanya. Puno ng pagmamaka-awa ang boses ko. Gusto kong magsabi siya ng totoo.

Matalim ang tingin niya sa akin. Para bang gusto niyang tumigil ako, gusto niya akong takutin sa klase ng tingin niya. Pero wala na akong nararamdamang takot.

"Ahtisia..." tawag sana ni Mr. West Vergara sa akin.

"Manahimik ka! Wala na dapat tayong pinaguusapan ngayon. Ginugulo mo lang, ginugulo mo lang ang lahat!" asik ni Mommy sa kanya.

Tumayo si Mr. Vergara, tumabi siya sa akin. Pareho na kaming nakatayo sa harapan ni Mommy ngayon. Kita ko ang galit, pagkamuhi, at sakit sa mga mata ni Mommy habang nakatingala siya sa amin.

"Ginugulo? Ginugulo ang tawag mo sa paglapit ko? Gusto kong malaman ang totoo. Dahil kung anak ko nga talaga si Ahtisia...aayusin ko, pananagutan ko." Giit ni Mr. West Vergara.

Ang bigat sa dibdib ko ay mas lalo pang naging doble. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Matuwa? Hindi ko alam.

Pagak na tumawa si Mommy matapos niyang mag-iwas ng tingin sa amin. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya, dahil sa luha?

"And now, everyone wants to be her father. Nasaan ba kayong lahat nung mga panahong kailangan namin kayo?" tanong ni Mommy sa kanya.

Hindi na ako makapagsalita. All I can do is to just absorb everything I hear from them.

Napabuntong hininga si Mr. West Vergara.

"Nung nalaman kong buntis ka, wala akong pagdadalawang isip na puntahan ka...para tanungin kung anak natin ang pinagbubuntis mo dahil handa akong panagutan ka," paliwanag nito.

Mas lalong natawa si Mommy. "Are you kidding me? After what happened between me and Jerome?" mapanuyang tanong ni Mommy sa kanya.

Hindi kaagad nakapagsalita si Mr. West Vergara. Nilabanan niya lang ang tingin ni Mommy sa kanya. Hanggang pinutol niya na ang katahimikan.

"The only thing that stopped me from asking you about it...is you, marrying that Salvador. And you told everyone na siya ang ama ng pinagbubuntis mo, makakalaban ba ako doon, Atheena? You already slapped that thing to my face na hindi ako ang ama, bakit pa ako lalapit?" mahabang litanya niya.

Sandaling natigilan si Mommy, parang bang pinoproseso pa 'yon ng utak niya. Para bang hindi siya makapaniwala.

"Pinagsamantalahan ako ng pinsan mo kaya siya namatay. What makes you think na ikaw ang ama at hindi siya?" hamon pa din ni Mommy sa kanya.

Ramdam kong maraming katanungan siyang gustong masagot, hindi ko alam eksakto pero ramdam ko.

Nilingon ko si Mr. West Vergara, he's standing firm, walang kahit anong hesitation sa mukha niya. Diretso ang tingin kay Mommy na para bang alam niya ang naging desisyon niya dati at 'yon pa din hanggang ngayon.

"Kung alam ko lang na kaya kayo nagpakasal ni Arnaldo para may tumayong ama sa pinagbubuntis mo...sana nagpresinta din ako. Kasi kung ako ang pinili mo noon...hindi ko hahayaang umabot ka sa ganito," seryosong sabi ni Mr. West Vergara.

Ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses.

Napaawang ang bibig ni Mommy. Nakita ko kung paano namuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, hanggang sa tumulo 'yon sa kanyang mga mata.

"Hindi 'yan totoo. Hindi mo ako pipiliin, hindi mo 'yan gagawin para sa akin," laban ni Mommy. She was close to believe everything he said, but something is holding her back.

Pagak na tumawa si Mr. West Vergara. "Ikaw ang hindi pumili sa akin, Atheena."

"Umalis ka na! Umalis ka na at wag nang babalik," pagtataboy ni Mommy sa kanya.

Hindi umimik si Mr. Vergara, pero kita ko sa tingin niya ang hindi pagsuko.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni Mommy matapos umalis ng una niyang bisita.

"Umalis ka na din," pagbasag niya ng katahimikan.

"Mommy, let's talk," pakiusap ko.

I don't want her to leave me hanging with so many questions in mind again.

Marahan siyang umiling. "Punyeta, Ahtisia...wag mo akong sagarin. Marami akong iniisip, umalis ka na," pagtataboy niya sa akin.

"Naiintindihan ko na," sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako. Nanlabo ang aking mga mata dahil sa luha.

"Your pride is too high na hindi mo kayang sisisihin ang sarili mo sa mga maling desisyon mo before, kaya sa akin mo isinisisi. You keep on blaming me sa mga maling nangyari sa buhay mo, kahit ikaw naman po ang pumili niyan..." sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita, tumayo siya at sinampal ako.

"You are nothing without me, Ahtisia Amelie...wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan na para bang may narating ka na."

Ngumisi siya, tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi ba't sinusuyo ka din ng Jimenez na 'yon ngayon? Hindi mo pinapatawad dahil mataas din ang pride mo," akusa niya.

"Because he hurt me. Nasaktan po ako ng sobra!" pagburst-out ko kay Mommy. I want her to understand. Alam niya ang lahat ng pinagdaanan namin ng mga baby ko.

Tumawa siya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

"Well then, nasaktan din ako ng sobra...sobra, Ahtisia. Durog na durog. I only have my pride with me. So, it's a no..." she said bago niya ako tinalikuran para sana bumalik na sa loob.

"Mahahanap ko din po ang Daddy ko...kahit wala pong tulong niyo," sabi ko sa kanya.

Napahinto siya.

"I made that decision for you years ago. Kumpletong pamilya para hindi ka makihati kung kanino. If you want that now...then go. Meet your father and your stepsister, sana lang tanggapin ka."

Hindi pa siya tapos, bahagya pa niya akong nilingon.

"I've been there, done that..." nakangising sabi niya. Her smile indicates that it's not easy.

"Mommy..." tawag ko sa kanya.

Pero hindi siya nakinig sa akin, nagpatuloy siya sa pagbalik sa loob. Bagsak ang magkabilang balikat ko habang palabas ako ng kulungan. Hindi ko alam kung bakit mahirap para kay Mommy na aminin sa akin ang totoo.

Paglabas ko sa kulungan ay kaagad akong sinalubong ni Mr. West Vergara. Hindi kagaya ng aura niya sa companya ay mas malambot ngayon, para bang hindi siya nakakatakot ngayon. Nakaramdam ako ng kaunting safety sa presencya niya.

"Can we talk?" malumanay na tanong niya sa akin.

Tipid akong tumango. I saw the relief on his face because of my approval.

"Bata pa lang si Ericatrina ng mawala ang Mommy niya. After no'n hindi na ako nag-asawa pang muli, wala na ding naging babae sa buhay ko. Hanggang sa dumating ang Mommy mo," kwento niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko sa tasa ng kape na inorder niya para sa akin. I don't want that, I want an iced coffee, or a frappe.

"She's with Arnaldo that time. Hanggang sa maghiwalay sila. Don Joaquin even asked me to date your Mom. Sa ganoong paraan ay matatanggap siya nito...pero masyadong mahal ni Atheena si Arnaldo kaya hindi niya ako pinili." Pagpapatuloy niya.

"Kaya po ba kayo mabait sa akin?" tanong ko.

Hindi kaagad siya nakapagsalita. "They're still thinking na anak ka ni Jerome. Gusto ka naming makilala, Ahtisia. Ipinagkait ka sa amin ng Mommy mo," sagot niya sa akin.

Mas lalong tumulo ang masasaganang luha sa aking mga mata. Mas lalong hindi ako makatingin sa kanya.

"Kung ganoon, sino po sa inyong dalawa ang Daddy ko?" tanong ko. sobrang hirap at sakit sa aking isipin na nasa ganitong sitwasyon ako.

"We can have a DNA test para masagot 'yan."

Mariing akong napapikit nang marinig ko 'yon. Para bang bumalik sa akin ang lahat ng sakit, para bang naging sariwa ulit sa akin. Mararamdaman ko ngayon ang naramdaman ng mga Baby ko noon.

"Ahtisia, I want you to know na kahit anong maging result ng test ay hindi magbabago ang pakikitungo ko sa 'yo. Hindi ako lumayo sa 'yo simula noon..." paninigurado niya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan 'yon.

"Kilala ko kung sino ang lahat ng nanakit sa 'yo. Pagbabayarin ko sila...si Everette, pababagsakin ko siya," paninigurado niya sa akin.

Dahan dahan kong binawi ang kamay ko sa kanya.

"Hindi ko po alam, hindi ko po alam kung anong mararamdaman ko, kung anong iisipin ko," pag-amin ko.

"Naiintindihan ko. Hindi tayo magmamadali..."

Pinaki-usapan ako ni Mr. West Vergara na wag umalis sa trabaho, wag akong lumayo sa kanila hangga't hindi pa malinaw para sa amin ang totoo.

Hindi ko din kayang umalis, hindi ko kayang lumayo lalo na't mas lalo na akong napalapit sa sagot sa tanong ko kung sino ba talaga ako, kaninong anak ba ako.

Sa huli, si Hartemis ang naging takbuhan ko. Alam kong hindi pa naiintindihan ng baby ko ang lahat, pero sobrang laking bagay na kasama ko siya. Isang yakap lang...gumagaan ang lahat.

"What should Mommy do?" tanong ko sa kanya.

Nanatili siyang nakatingin sa akin, ang likot likot na ng mga kamay niya. Nag-ingay siya, para bang kinakausap ako.

Hinawakan ko ang tungki ng ilong niya. "Hindi ko ipaparanas sa 'yo ang ganitong sitwasyon. Just give me more time..." sabi ko sa baby ko.

Pag natapos ang lahat ng 'to. Baka maging handa na ako para kausapin ng maayos si Hunter, para mapagusapan namin ang magiging set-up namin para kay Hartemis.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Wil kinaumagahan.

Hindi ko alam kung bakit parang alam kaagad niya na may problema ako. Kita ko sa mukha niya ang labis na pag-aalala para sa akin.

"Ayos lang po," sagot ko sa kanya.

Tipid siyang tumango, marahan niyang hinawakan ang ulo ni Hartemis na karga ko.

"Pagkailangan mo ng kausap...nandito lang ako," paalala ni Kuya Wil sa akin.

Natigilan kaming dalawa nang bumukas ang pintuan sa kabilang apartment. Bukod sa gulat ay nakaramdam pa kami ng takot, sinong magbubukas ng pintuan kung wala ng tao doon.

"Anak ng...anong ginagawa mo diyan?" galit na tanong ni Kuya Wil sa lumabas mula doon...si Hunter?

Imbes na pansinin ang tanong ni Kuya Wil ay matamis na ngiti ang kaagad niyang ibinigay sa amin. Nag-ingay kaagad ang hawak kong si Hartemis pagkakita niya sa Daddy niya.

"Good morning," bati niya para sa baby ko.

Nilingon ko ang baby ko, malaki ang ngiti niya habang nakatingin sa Daddy niya. Halos pumalakpak pa ang kamay. Ramdam ko sa galaw niyang gusto niyang lumapit dito.

Humigpit ang yakap ko sa kanya, hinalikan ko siya sa ulo.

Nagseselos na si Mommy. Gusto kong sabihin sa kanya.

"Ikaw ang bago naming kapitbahay?" tanong ni Kuya Wil kay Hunter.

"Ako nga po," nakangiting sagot niya dito.

Mula kay Kuya Wil ay inilipat niya ang tingin niya sa akin. Imbes na magpakita ng kahit anong emosyon ay nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Paanong?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Wil.

Kaagad siyang lumapit sa apartment ni Hunter para tingnan ang loob no'n. Naiwan kami ni Hartemis kay Hunter, kaya naman kahit ayokong tumingin doon ay naglakad ako palapit kay Kuya Wil para lang makalayo sa kanya.

Napaawang ang bibig ko nang makita kong wala pang kahit ano sa loob, bukod sa isang comforter sa may sala na ginawa niyang higaan.

"Ngayon pa lang ide-deliver ang mga gamit ko," sabi niya sa amin habang kakamot-kamot siya sa kanyang batok.

"Hindi namin tinatanong," sabi ni Kuya Wil sa kanya.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa loob ng apartment, bukod sa comforter at itim na travelling bag ni Hunter ay wala ng laman 'yon.

"Dito na ako titira para mas malapit sa mga baby ko..." rinig kong pagkausap niya kay Hartemis.

Karga ko ang baby ko pero ang atensyon niya ay nasa likuran namin, nakikipagusap siya sa Daddy niya.

"Mas malapit na si Daddy kay Hartemis," pagkausap pa niya dito.

Gusto ko siyang patigilin, pero habang naririnig ko kung gaano kasaya ang baby ko habang nakikipagusap kay Hunter ay hindi ko kayang putulin 'yon.

"Akala ko pa naman makakasundo namin yung bagong lilipat," sabi ni Kuya Wil.

"Magkakasundo naman po tayo, Kuya Wil." Laban ni Hunter.

"Hay, hindi ako sigurado diyan," sabi ni Kuya Wil bago kami tinalikuran para bumalik sa kanila.

"Pwede kong kargahin?" paalam ni Hunter sa akin.

Nilingon ko siya, nakita kong masyado siyang malapit sa akin.

Nakita kong tuwang tuwa naman sa kanya ang baby ko kaya tipid akong tumango at iniharap si Hartemis sa kanya para ilipat. Lumipat kaagad si Hartemis at yumakap sa Daddy niya.

Napanguso ako, marahan kong hinaplos ang likod niya para ayusin na din ang damit niyang tumaas dahil sa paggalaw. Saktong nakahawak ako sa likod ni Hartemis ng ilagay din ni Hunter ang kamay niya dito dahilan para mahawakan niya ang kamay ko.

Nagulat ako dahil sa nangyari, pero wala lang 'yon kay Hunter. Nanatili ang tingin niya sa akin, ako na mismo ang nag-alis ng kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ang lamig ng kamay mo. May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi na din ako nakagalaw ng ilagay niya ang likod ng palad niya sa noo ko.

Marahan kong inalis ang kamay niya sa akin. "Ayos lang ako," sagot ko at kaagad na nag-iwas ng tingin.

Naglakad ako pabalik sa apartment namin ni Hartemis. Naramdaman ko ang pagsunod ni Hunter sa akin habang karga niya ang baby ko.

"Nagkape ka na? wala pa kasi akong gamit sa apartment..."

Hindi ko siya pinansin. Nag-ingay si Hartemis, para bang siya na ang sumagot sa tanong ng Daddy niya na para sa akin.

"Hindi pa nagkakape si Mommy?" pagkausap ni Hunter dito.

Nilingon ko siya, kaagad kong kinuha si Hartemis sa kanya.

"Nagkape na ako. Akin na si Hartemis," sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nakapalag pa.

Marahan siyang tumango. "Bibili ako ng almusal. May gusto ka bang kainin?" tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako.

"Hunter, si Hartemis lang ang dapat mong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko," paalala ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Ang sungit mo na ngayon," puna niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"But it's ok, maganda pa din..." nakangiting sabi niya bago niya nilingon si Hartemis para iwasan ang matalim kong tingin sa kanya.

Hapon pa ang meeting ko kasama si Architect Fontillian. Bandang alas diyes nang makarinig kami ng ingay sa labas kaya naman karga si Hartemis ay lumabas kami ng bahay.

"Sa loob, sa may kwarto..." sabi ni Hunter sa mga lalaking nagbubuhat ng mga gamit niya.

Nakita ko ang nakabusangot at nakapamewang na si Kuya Wil sa harapan ng pintuan ng apartment nila, nanunuod din. Bukod kay Kuya Wil ay kita ko din ang ilang mga kapit bahay mula sa ibang apartment na nakikinuod sa paglilipat ng mga gamit ni Hunter.

Base sa itsura ng mga gamit na ipinapasok sa apartment niya ay bago ang lahat ng 'yon. Nakabalot pa ng plastick ang iba.

Natigilan ako ng huminto ang walang suot na pang-itaas na si Hunter sa harapan namin ni Hartemis. Sa isang kamay ay hawak niya ang high wooden baby chair, samantalang sa kabila naman ay isang mini sofa bed para kay Hartemis.

"Para sa anak natin," sabi niya sa akin.

Nanigas ako sa narinig ko, naramdaman ko ang pamamanhid ng magkabilang pisngi ko.

"Pwede pumasok? Ilalapag ko lang sa loob," paalam niya sa akin.

Umusog ako para bigyan siya ng daan papasok sa apartment namin. Para naman 'yon kay Hartemis kaya tatanggapin ko.

Bago tuluyang lumabas si Hunter ay nakita kong nilingon niya ang kwarto, tiningnan niya ang kama.

"Palitan natin ang kama mo?" tanong niya sa akin.

"Wag mong pakialaman ang kama ko," sita ko sa kanya.

"Hmp." Pakialamero.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya, naglakad siya palabas ng pintuan. Malaki naman ang space pero sinadya niyang dumaan sa masikip na parte dahilan para dumikit ang hubad niyang katawan sa akin.

Hindi nagtagal ay natapos na din ang paglilipat niya, naging abala si Hunter sa pag-aayos ng gamit niya sa apartment niya dahilan para makalimutan niyang umorder ng tanghalian niya.

"Anong amoy 'yon?" tanong ni Kuya Wil.

Kaagad ko ding napansin ang sunog na kung ano. Malalaking hakbang ang ginawa ni Kuya Wil papunta sa apartment ni Hunter nang makumpirma niyang doon nanggagaling ang amoy sunog.

"Bago ka pa lang dito gagawa ka na kaagad ng sunog?"

"Pasencya na, nakalimutan ko..." paliwanag ni Hunter.

Masyado siyang naging abala sa pag-aayos ng gamit kaya naman ang isinalang niyang pagkain sa microwave ay hindi niya na nabantayan pa.

"Umabot na nga sa labas yung amoy. Ano, may sipon ka ba?" tanong ni Kuya Wil sa kanya.

Hindi umimik si Hunter. "Pasencya na po ulit, hindi na mauulit," sabi ni Hunter sa kanya.

Nakita ko ang sandaling pagsulyap niya sa akin. Marahan na lang akong napa-iling. Marami din akong problema para isipin pa si Hunter, malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya.

Bumalik kami ni Hartemis sa apartment namin, nag-ayos na din ako dahil kailangan ko na ding umalis para sa trabaho.

"Mom, ako na po ang bahala. Ayos lang ako dito...you don't need to worry about me. Magaling na ako," giit ni Hunter sa kausap niya sa phone.

Paglabas namin ng apartment ni Hartemis ay naabutan namin siya sa labas ng apartment niya. Nakabihis na din, mukhang bagong ligo pa.

Magaling na siya? Bakit, nagkasakit ba siya?

Iniwan ko si Hartemis kay Dawn. Kagaya ng dati ay tuwang tuwa nanaman ang baby ko sa Ate Dawn niya.

"Sumabay ka na sa akin, mahirap sumakay ngayon...may ginagawang kalsada sa kabilang kanto," sabi ni Hunter mula sa likuran ko.

Bigla bigla na lang siyang sumusulpot.

Hindi ko siya pinansin, ang focus ko ay nasa kay Hartemis.

Nagsitayuan ang balahibo sa buong katawan ko ng maramdaman ko ang pagkalabit niya sa braso ko.

"Sabay ka na sa akin," pag-uulit niya.

"Hindi na, Hunter..." pagtanggi ko.

"Sige," pagsuko niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Matapos kong magpaalam kay Hartemis ay umalis na din ako. Naghihintay ako ng masasakyan mula sa labas ng apartment ng magulat ako dahil sa paglapit ni Hunter. Dala niya ang itim na backpack niya, malaki 'yon mukhang mabigat.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kung hindi ka sasabay sa akin, ako ang sasabay sa 'yo," sagot niya kaya naman napaawang ang bibig ko.

"Bahala ka," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Nakita ko ang paglapit ng taxi, pinara ko kaagad 'yon. Nilingon ko si Hunter para pagbantaan siya.

"Akin 'tong taxi. Humanap ka ng sa 'yo ha," sabi ko na para bang aagawin niya ang taxi ko.

Nagtaas lang siya ng kilay, ang kanyang magkabilang kamay ay nakapasok sa bulsa ng suot na pantalon.

Huminto ang taxi sa harapan ko, nanatili ang tingin ko kay Hunter, hindi siya gumalaw, mukhang walang balak na sumakay din kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Pumasok na ako sa loob at prenteng umupo, nagulat ako ng lingonin ako ng driver.

"Mr. and Mrs. Jimenez po?" tanong niya sa akin.

"Po?"

Nagulat ako ng buksan ni Hunter ang pintuan sa tabi ko.

"Kami nga po," sagot niya sa taxi driver na ikinagulat ko.

"Ano?"

Hindi na siya sumagot. Dahil sa pagpasok niya ay kaagad akong napausog sa kabilang parte.

Sinabi ni Hunter sa driver kung saan kami ihahatid, dahil kulob ang taxi ay amoy na amoy ko ang pabango niya. Mabango 'yon, pero mukhang nasobrahan naman siya sa lagay.

"Mabaho ba ako?" tanong niya sa akin ng mapansin niya ang paglayo ko sa kanya. Halos magsumiksik ako sa kabilang pintuan.

Hindi ko siya sinagot kaya naman si Manong driver na ang kinausap niya.

"Manong mabaho ba ako?" tanong niya dito.

"Hindi po, Sir. Sobrang bango niyo nga po."

Matapos niyang makuha ang sagot na 'yon ay muli niya akong nilingon.

Nakarating kami sa companya ng hindi nag uusap. Mabuti na lang at hindi din niya sinubukang kausapin ako.

Saktong pagkababa namin ay nakita namin si Ericatrina. Noong una ay kaya kong harapin siya, pero matapos kong makausap si Mr. West Vergara kahapon ay parang bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya.

"Ahtisia," nakangiting tawag niya sa akin.

Lumapit siya at nagawa pang makipagbeso sa akin. Matapos sa akin ay nilingon niya ang katabi kong si Hunter.

"Anya told me about her first ballet class with you. Nag-enjoy siya," kwento niya sa akin.

Tipid akong ngumiti, hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Wala naman akong ginagawang masama pero pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko din ma-intindihan.

She invited us to have a coffee bago pumasok sa trabaho. Gustuhin ko mang tumanggi ay wala na akong nagawa ng hilahin niya ako sa coffee shop malapit sa companya. Hindi din niya pinalagpas si Hunter, she invited him too.

"She keeps on telling me how cute your baby is. Humihingi na tuloy ng kapatid sa akin," natatawang kwento niya sa amin.

Naramdaman ko ang paglingon ni Hunter sa akin. Pero hindi ako lumingon pabalik. Kinuha ko ang frappe ko at sumimsim doon.

"Mana sa Mommy, e," sagot ni Hunter sa kanya kaya naman gusto kong sipain ang paa niya pata sabihing manahimik siya.

Natahimik sandali si Ericatrina. Hanggang ang kwento ay napunta na sa totoong Daddy ni Anya.

"He left us with other girl, hindi ko hinabol. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Hindi ko kailangan ang mga taong kagaya niya...ayoko ng may kahati ako," she said.

Mas lalo akong nakaramdam ng takot.

Tiningnan ko siya, nakita kong nakatingin siya sa akin. Matamis ang ngiti niya.

"Mabait ako sa taong mabait sa akin. Basta ayoko lang ng kahati," pagdidiin niya.

Hindi ako naka-imik. Halos manginig ang kamay ko, hindi ko alam kung bakit. Sa pangalawang pagkakataon ba ay makikihati nanaman ako sa Daddy ng iba? Una kay Ate Alihilani, ngayon ay kay Ericatrina?

Halos mapasinghap ako ng hawakan ni Hunter ang nanginginig kong kamay. Imbes na magalit sa kanya ay nakaramdam pa ako ng pagkalma dahil sa ginawa niya.

"Si Daddy na lang ang meron kami ni Anya. Hindi ko din alam kung paano ko tatanggapin kung sakaling malaman kong...may Anak at apo siyang iba bukod sa amin," makahulugang sabi niya kaya naman halos dumikit ang baba sa dibdib ko.




(Maria_CarCat) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro