Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Merry Christmas, Everyone! I love you, always. love, Maria.








Move on









Hindi ko kinaya ang ibinigay na tingin ni Hunter sa akin, matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay nakaramdam din naman ako ng bigat sa dibdib. I'm just overwhelmed with the situation, that for the long time na gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ngayon...pwede na.

That I can easily voice out my anger, disappointments, and questions.

Magsasalita na sana siya ng tumunog ang phone niya para sa isang tawag. Kaagad akong nag-was ng tingin, humigpit ang yakap ko kay Hartemis. Ayokong makita o marinig ako ng Baby ko na ganoon. As much as I can, I want to be a good example.

Gusto kong iparamdam kay Hartemis na mahal na mahal ko siya, yung pagmamahal na hindi niya kailangang makaramdam ng galit o tampo sa ibang tao...lalo na sa Daddy niya.

"Mommy...I'm fine. Don't worry about me." Rinig kong sabi ni Hunter sa kausap.

Binuksan ko ang apartment para makapasok na kami ni Hartemis. Mabigat din para sa akin ang mga salitang binitawan ko, kaya naman hindi ko alam kung paano harapin si Hunter ngayon. Sometimes, being too soft is a disadvantage. Ikaw na nga yung sinaktan...ikaw pa yung mag-guilty pag gumanti ka.

"Oh, irritated na ang baby ko?" malambing na tanong ko kay Hartemis. Nag-umpisa na siyang ma-irita sa suot niyang diapers.

"Ahtisia..."

Sandali kong nilingon si Hunter nang tawagin niya ako. Kagaya ng dati ay hanggang sa pintuan lang siya. He knows his boundaries, and I appreciate that.

"May kailangan lang akong puntahan sandali. Babalik din ako kaagad...mag gusto ka bang ipabili o kainin?" tanong niya.

Marahan akong umiling bilang sagot habang ang focus ko ay nasa kay Hartemis.

"Babalik ako..." paninigurado niya sa amin.

He gave us those assurance na para bang we're demanding for his presence. Binibigyan ko siya ng chance to see, and to be with my baby, pero hindi ko alam kung para saan pa yung mga salita niyang ganyan.

Umalis si Hunter kaya naman nagawa ko ang mga kailangan kong gawin. Mabilis na nakatulog si Hartemis matapos ko siyang linisan. Mahimbing na kaagad ang tulog niya, mukhang pagod sa kakadaldal at kakalaro kasama sina Dawn at Lucy. O baka ang Daddy niya. Hindi ko naman alam kung gaano katagal na nasa kay Hunter si Hartemis bago ako dumating.

Matapos kong ayusin ang schedule ko sa hawak kong planner ay nag pasya na din akong matulog. Pinatay ko ang ilaw sa may sala. Hindi ko alam kung bakit may kung ano sa aking nagsasabing sumilip ako sa may bintana.

"Ahtisia..." suway ko sa sarili ko.

Mariin akong pumikit, sa huli ay ginawa ko ngayon. Pinilit kong sumilip doon sa likod ng mga kurtina para hindi ako mahuli. Gumaan ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan nang makita kong nandoon na ulit ang sasakyan ni Hunter...bumalik siya.

Maaga akong nagising kinaumagahan, mahimbing ang tulog naming ni Hartemis. Halos sabay kaming nagising na dalawa. I enjoyed that moment with her every morning. Halos panggiglan ko siya sa tuwing kinukusot niya ang mga mata niya gamit ang maliit niyang kamay, ang bawat pag hikab niya bago siya tumawa sa akin.

Sa tuwing humahalik ako sa tiyan niya paakyat sa dibdib, hanggang panggigilan ko ang pisngi niya ay nakayakap ang mga kamay niya sa ulo ko. Tatawa ulit siya sa tuwing makikiliti.

"I miss Kuya Hermes," sumbong ko sa baby ko.

As much as I don't want to ruin the moment, I can't stop myself thinking about all the what if's. How does it feels like kung silang dalawa ang kasama ko? Anong pakiramdam kung silang dalawa ang nilalambing ko ngayon.

I got teary eyed, muli kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib ni Hartemis para lang hindi niya ako makitang emosyonal.

Nag-ingay siya, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa ulo ko. She wants to comfort me. Ramdam ko din ang halik niya sa ulo ko because of our position.

"Oh...nag hilamos na kaagad si Mommy," natatawang sabi ko kay Hartemis, nabasa ng laway niya ang noo ko dahil sa paghalik.

Umayos ako ng upo at kaagad siyang binuhat, she started lipsmacking, looks like she's hungry already.

Karga si Hartemis ay dumiretso kami sa kitchen, binuksan ko ang coffee maker para habang naghihintay ay magawa ko naman ang baby bottle niya.

"You'll meet Ate Anya soon," kwento ko ulit. Tuwang tuwa ako kay Anya dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nasa ganoong edad din ako nang ipasok ako ni Mommy sa ballet class.

Habang nagtitimpla ng gatas niya ay muling isinadal ni Hartemis ang ulo niya sa balikat ko, she still looks sleepy. Minsan naiisip kong gumigising siya ng maaga para lang magkita kami, maaga din kasi akong umaalis para sa trabaho kung minsan.

Ang kwento nga ni Dawn ay muli siyang natutulog pagkaalis ko. Ang sweet talaga ng Baby girl ko.

Nakarinig kami ng ingay sa labas kaya naman binuksan na namin ang pintuan. Nandoon si Kuya Wil, kausap ang isa pa naming kapit-bahay. Kumunot ang noo ko nang makita kong nilalabas na nila ang mga gamit nila.

"Lilipat na sila sa kabilang bayan. Mas malapit daw kasi sa trabaho nilang mag-asawa," kwento ni Kuya Wil sa akin.

Tumango lang ako, sa halos ilang buwan namin dito ay nagkaroon din naman ako ng interaction sa kanila. Mababait silang kapit bahay.

"Sana naman kasing bait niyo ang bagong mangungupahan dito," sabi ni Kuya Wil.

Sa kalagitnaan nang pakikipag-usap namin sa kanila ay dumating ang humahangos na si Hunter. Bagong paligo at may dala nanamang kung anong pagkain na binili niya kung saan.

"Good morning," bati niya sa amin. Hindi ko alam kung kanino...baka kay Kuya Wil.

Mukhang narinig ni Hartemis ang boses ng Daddy niya, kaagad siyang umayos at nilingon 'to.

Nakita ko kung paano matamis na ngumiti si Hunter sa kanya. Sandaling nagtagal ang tingin ko sa kanya nang makita ko ang paglabas ng dimples niya, hindi lang labi ang nakangiti...pati mga mata niya. Para bang nabuo na kaagad ang araw niya nang makita niya si Hartemis.

Mula kay Hartemis ay ako naman ang tiningnan niya. Ganoon pa din ang ngiti niya.

"May dala akong breakfast..." sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Anong klaseng breakfast 'yan? Pang mirienda 'yan," sit ani Kuya Wil sa mga pastries na dal ani Hunter.

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa.

"Tay, kakain na po..." tawag ni Dawn nang sumilip siya mula sa pintuan.

Nilingon ako ni Kuya Wil. "Sa bahay na kayo kumain ni Hartemis," sabi ni Kuya Wil sa amin.

Tumango ako nang sabihin niyang silang dalawa lang ni Dawn ang nasa bahay dahil umalis sina Lucy ng maaga.

Muli akong pumasok sa apartment para kuhanin ang kape, dala ko ang baby bottle ni Hartemis nang lumipat kami sa apartment nila Kuya Wil.

"E, bakit ka pumunta dito ng hindi kumakain?" rinig kong tanong niya kay Hunter.

Dahan dahan ang ginawa kong paglakad, pero nilingon pa din ako ni Hunter.

"O siya...pumasok ka na din at kumain. Kumakain ka ba ng tuyo?" tanong ni Kuya Wil sa kanya.

Ngumisi si Hunter at napakamot pa sa kanyang batok.

"Bacon meron?" tanong ni Hunter kaya kaagad na napamura si Kuya Wil na ikinatawa naman niya.

Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi niya nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, walang akong ipinakita na kahit anong ekspresyon.

"Ayos lang na sasabay ako sa inyo?" tanong niya sa akin.

Wala sa sarili akong napa-irap.

"Thanks for the guilt-trip," mapanuyang sabi ko sa kanya bago ako dumiretso papasok sa apartment nila Kuya Wil.

Napatili kaagad si Hartemis nang makita niya si Dawn. Halos araw araw silang magkasama pero mukhang na miss kaagad niya ang Ate Dawn niya.

Tipikal na almusal ang nakahain sa hapagkainan. Sinangag, itlog na may sibuya, tuyo, skinless longganisa, at sawsawang suka na maraming bawang. Natutunan ko na ding kainin ang mga 'yon, malayo sa mga pagkaing inihahain noon sa amin.

"Oh, may natirang sabaw sa sinigang kagabi, ipinainit ko kay Dawn para sa 'yo," sabi ni Kuya Wil sa akin. Siya pa mismo ang naglagay ng mangkok na may lamang sabaw.

"Thank you po."

Inilapag ko muna si Hartemis sa crib niya. Sinubukan kong hilahin 'yon para ilapit sa amin nang kaagad na may pumigil.

"Ako na," si Hunter.

Hinayaan ko siya. Walang kahirap-hirap niyang binuhat ang crib para itabi malapit sa pwesto ko. Tumawa si Hartemis dahil sa pag-angat ng crib habang nakatingin sa Daddy niya.

Yumuko ako para i-abot sa kanya ang baby bottle. Tinanggap niya kaagad 'yon. Nanatili akong nakayuko para ayusin ang higa niya. Habang ginagawa ko 'yon ay ramdam ko ang panunuod ni Hunter sa amin.

"Ano, kakain ba kayo o hindi?" tanong ni Kuya Wil.

Kaagad akong napa-ayos ng tayo at muling bumalik sa pwesto ko para kumain na din. Si Dawn ang katabi ko samantalang si Hunter naman ang nasa harap.

Kukuhanin na sana niya ang mga kutsara nang tapikin ni Kuya Wil ang kamay niya.

"Maghugas ka ng kamay. Mag kamay ka..."

Hindi pa sana siya susunod pero ginawa din niya sa huli. Tahimik ang naging pagkain namin, kahit paminsan minsan ay na-iilang ako sa mga pagtingin tingin niya sa akin. Nakita ko din kung paano siya naging attentive kay Hartemis, muli na kasi itong nag-ingay nang maubos niya ang gatas niya.

"Sabay na tayong pumasok sa trabaho," yaya ni Hunter.

"Mauna ka na," tamad na sagot ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko nang makita kong panay ang amoy niya sa kamay niya. Nakapaghugas na siya ng kamay pero naiiwan pa din doon yung amoy nung longganisa. Gusto kong matawa, pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sayang pamasahe. Hindi naman kita sisingilin," sabi pa niya sa akin.

Muli akong napa-irap. Bakit ba kung kausapin niya ako ay parang wala siyang kasalanan? Na akala mo hindi niya alam na galit ako.

"Anong bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Bumabawi..." marahang sagot niya sa akin.

"Bumabawi ako sa inyo ni Hartemis, sa lahat ng pagkukulang ko...sa lahat ng kasalanan ko. Pinagsisisihan ko lahat, Ahtisia."

"Kay Hartemis ka lang kailangan bumawi," sabi ko at tangkang tatalikuran siya nang pigilan niya ako.

"Pero nangako ako kay Hermes. Nangako ako na babawi ako sa inyong dalawa, aalagaan ko kayo...at mamahalin."

Marahas kong binawi ang kamay ko sa hawak niya.

"Stop using Hermes all the time! Alam mo kasing kahinaan ko 'yan, kaya ginagamit mo laban sa akin. Stop using my baby against me, Hunter!" asik ko sa kanya.

Kaya takot na akong ipakita sa iba ang mga kahinaan ko, they can easily used that against me. They can easily manipulate my feelings. I hate that.

"I'm not using him against you. Gusto ko lang malaman mo na...nangako ako sa kanya kaya gagawin ko. I won't fail him this time. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya," sabi pa niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot. Kaagad ko siyang tinalikuran bago pa ako mag-breakdown sa harapan niya.

Hindi na din siya namilit pang ihatid ako papunta sa trabaho, pero alam kong nakasunod naman siya sa sinasakyan ko.

"Nakuha mo na ang landscape design. Siguradong ikaw na din ang sa building design..." rinig kong sabi ng iba pa naming kasamang Engineer kay Engr. Fontallian.

Ngumisi ito at napakamot sa kanyang batok. Nagtawanan sila ng kausap dahil sa pagiging humble niya kuno.

Nakuha ang atensyon naming lahat dahil sa pagpasok ni Hunter. Ngayon ko lang napansin ang mga mata niya. Halatang puyat para sa paghahanda sa presentation ngayon.

"Where's your design?" tanong ng ilang mga kasama niya sa Villaver project.

Bago sumagot sa mga 'to ay nakita ko pa ang pagsulyap niya muna sa akin.

"Nasa kay Emma na."

Sandali lang kaming naghintay bago isa-isang nagdatingan ang board members. Kasama na doon sina Sir Luis, Sir Zanjo, at Sir West Vergara. Hindi kagaya sa dalawang kasama ay hindi man lang 'to nagpakita ng kahit anong emosyon.

Namana ni Ericatrina ang pagiging mukhang intimidating nito. Wala si Hugo sa meeting na 'to dahil may iba siyang inaasikasong importanteng bagay.

Magsisimula na sana ang meeting ng magkaroon ng problema. Nawawala ang design ni Hunter. Ang blueprint na ilang gabi niyang pinagpuyatan ay hindi nila makita.

"Magkakasama lang po 'yon sa table ko. Pero pagbalik ko...'yang mga yan na lang ang nandoon," paliwanag ni Emma.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Hunter pero he still manages to stay calm.

"What about a cctv?" tanong niya dito.

Sinubukan nilang panuorin pero wala silang nakitang kakaiba.

"Baka naman, wala ka talagang ipinasa kay Emma, Mr. Jimenez. Sabihin mo na lang ng diretso kung hindi mo natapos...o hindi ka nakagawa." Si Sir Luis Villareal.

"I'll make a new one...ihahabol ko," sabi ni Hunter.

"It's too late. That's too late..."

Hindi siya pinagbigyan. Kaya naman sa huli...si Engr. Fontallian ang nakakuha ng buong project.

Isa si Sir Luis sa unang lumabas sa conference room, nakita ko ang galit sa mukha ni Hunter. Padabog siyang tumayo para sundan 'to. Naramdaman ako ng takot sa kung anong pwedeng mangyari kaya naman sumunod ako.

"The deal is over. Hindi mo nakuha ang project kaya walang rason for you to stay here in our company. Bumalik ka sa companya niyo," seryosong sabi ni Sir Luis sa kanya.

Nagtago akong mabuti para hindi nila ako makita.

"You can't let me do that. Ano pang pwede kong gawin?" desididong tanong ni Hunter sa kanya.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago binasag ni Sir Luis 'yon.

"How about you invest in one of the competitors project?" nakangising tanong ni Sir Luis.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Hunter sa kanya.

"What project?" pagsuko ni Hunter sa huli.

"Medrano's tower," seryosong sagot ng kausap.

Napaawang ang bibig ko sa gulat.

"That project won't work. That fucking bastard is going to jail anytime soon. Malulugi ang tangang mag-iinvest doon," giit ni Hunter.

"That's why...life is gamble. If the project succeed, and you are one of the main investor...makukuha mo ang buong project kung makukulong si Medrano," paliwanag pa nito.

Nagtagal ang katahikan, ilang beses kong narinig ang pagbuntong hininga ni Hunter.

"Naduduwag ka ba, Jimenez?" nakangising tanong ni Sir Luis sa kanya.

"I'll invest in that project," si Hunter.

I heard about some of Everette's failed projects. Halos malubog na daw sa utang ang companya niya. His last resort is the Medrano's tower. Ilang businessman pa din ang nagtiwala sa kanya at nag-invest doon, pero ang iba...alam na kaagad na magfa-fail 'yon.

Pabalik na ako sa office nang makasalubong ko si Sir West Vergara. Hindi ko alam kung paano siya ia-approach, gusto kong ngitian siya pero hindi ko magawa. Natatakor ako sa presencya niya.

Marahan akong tumango, sinubukan kong lagpasan siya pero siya na ang unang bumati sa akin na ikinagulat ko pa.

"Good morning."

"Good morning po, Sir," bati ko pabalik.

Tipid siyang tumango, at tipid ding ngumiti.

Hindi ko na alam ang sumunod na desisyon ni Hunter tungkol sa investment sa Medrano's tower. Malaki na siya, alam na niya ang ginagawa niya.

Sinundo ako ni Hugo at Anya sa office ng sumunod na araw. Half day lang ako kaya naman napagpasyahan kong umpisahan na ang patuturo kay Anya ng hapong 'yon.

Abala din si Ericatrina kaya naman hinayaan niya na si Hugo ang sumama kay Anya.

"Iiwa ko kayo sa ballet studio, text me pag malapit na kayong matapos para masundo ko kayo," paalam sa amin ni Hugo.

Pabor din naman akong wala si Hugo habang nasa ballet class kami. Medyo matagal na din kasi ng huli akong magballet, baka mangapa nanaman ako.

I'm wearing a black fitted spaghetti strap sando, and a baby blue tutu. Nakataas din ang buhok ko, just like the old days.

Nag-enjoy ako habang tinuturuan ko si Anya. Hindi siya mahirap turuan, mukhang gustong gusto kasi talaga niyang matuto. 'Yon ang maganda, hindi siya pinilit na magustuhan ang ballet. Gusto niya talaga.

"Is your baby cute and pretty like you, Tita Ahtisia?" malambing na tanong niya sa akin.

Matamis akong ngumiti at tumango. I gave her a break kaya naman nagawa kong ipakita sa kanya ang picture nina Hermes at Hartemis.

Matapos naming magpahinga ay muli kaming bumalik ni Anya sa pagsayaw. Nasa kalagitnaan kami ng ginagawa nang mapahinto ako dahil sa pagdating ng hindi inaasahang bisita.

Huminto ako sa ginagawa na kaagad na ginaya ni Anya. Pinatay ko ang music at kaagad na lumapit sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito?" matigas na tanong ko sa kanya.

Kaagad kong kinuha si Hartemis kay Hunter. Late na ng ma-realize kong naka-ballet dress din a baby ko.

"Anong..." hindi ko na natuloy ang tanong ko. Nakita ko ang mga paper bag na dal ani Hunter sa kaliwang kamay niya.

Hinarap ko siya, naabutan kong nakatitig siya sa akin.

"Dinala mo si Hartemis sa mall ng hindi nagpapaalam sa akin?" galit na tanong ko sa kanya.

"I keep on calling and texting you. Hindi ka sumasagot, kaya after naming mag mall...pumunta na kami dito," paliwanag niya sa akin.

Gusto ko pa sanang awayin si Hunter. Pero naramdaman ko ang paghila ni Anya sa suot kong tutu.

"Tita Ahtisia...she's a ballet baby!" nakangiting sabi niya kay Hartemis.

Nakita kong nakatingin din si Hartemis sa kanya kaya naman lumuhod na ako para magpantay silang dalawa.

Napangiti ako dahil bagay na bagay kay Hartemis ang suot niyang ballet dress.

"Nakita namin sa mall kaya..." kwento ni Hunter.

Hindi ko pa din siya pinansin. Inaya ako ni Anya na isama namin si Hartemis sa pagsayaw.

"Hindi ka ba aalis?" tanong ko ay Hunter.

Mabilis siyang umiling, walang upuan sa loob ng ballet studio kaya naman sa sahig siya umupo katabi ang mga paper bag na dala niya.

"I'll stay here. Manunuod ako."

Gustuhin ko man siyang paalisin ay hindi ko na magawa, masyadong excited si Anya na magballet kasama si Hartemis kaya naman panay ang hila niya sa akin papunta sa gitna.

Napabuntong hininga na lang ako. Sino ba si Hunter para isipin ko pa kung anong opinion niya tungkol sa akin.

Muli kong pinatugtog ang kantang kanina pa namin sinasyaw ni Anya. Hindi naging mahirap para sa akin ang mag ballet habang karga si Hartemis. I do a remake ng picture namin noon, yung buhat ko siya habang nakatip-toe ako. Napapalakpak si Anya habang nanunuod.

Tuwang tuwa si Hartemis sa tuwing gumagalaw ako. Halos mangibabaw ang tili at tawa niya. Sinabayan siya ni Anya kaya naman nasa kanilang dalawa ang atensyon ko. Para bang nawala sa isip kong may iba pa kaming kasama dito ngayon.

Matapos ang practice ay sinubukan ni Anya na kargahin si Hartemis. Pinayagan ko siye pero nandoon pa din ang suporta ko. Yumakap kaagad si Hartemis kay Ate Anya niya.

"Let's have a photo po. Papakita ko kay Mommy," yaya niya sa akin.

"Here," alok kaagad ni Hunter.

Kumunot ang noo ko, sa pwesto niya habang hawak ang phone ay mukha kanina pa niya ginagawa 'yon.

"Delete that," mariing sabi ko sa kanya.

"I won't," laban niya.

Itinapat niya sa akin ang phone niya. Doon ko nakitang wallpaper na kaagad niya kami ni Hartemis. Nakatip-toe ako habang hawak ang baby ko.

Sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi na ako nakipagtalo pa. alam ko namang hindi ako mananalo sa kanya. Yan lang naman ang makukuha niya, litrato namin ni Hartemis, bukod doon ay wala na.

"I'm hungry na po," sabi ni Anya sa akin.

Lumuhod si Hunter para pantayan siya.

"C'mon, I'll treat you," yaya niya dito.

"Really po? Who are you po...Tita Ahtisia's husband?' inosenteng tanong ni Anya sa kanya.

Ngumiti si Hunter. Tiningala niya ako at pinagtaasan ng kilay.

"Hindi pa. Liligawan ko pa lang...ulit," sagot niya sa bata.

"Shut up, Hundson," banta ko sa kanya.

Pati sa bata ay kung ano anong sinasabi niya.

Umayos siya ng tayo. Magsasalita pa sana siya nang dumating na si Hugo. Tumakbo si Anya sa Tito Hugo niya para humalik, binuhat kaagad siya ni Hugo.

Masyado akong focus sa kanila kaya naman habang wala sa sarili ay nakuha ulit ni Hunter si Hartemis sa akin.

"Let's go. Tapos na kayo?" tanong ni Hugo sa amin, pero ang kanyang mga tingin ay nasa kay Hunter.

"Oo, tapos na..." sagot ko sa kanya.

Imbes na kuhanin si Hartemis kay Hunter ay hinayaan ko muna. Tutal ay aayusin ko pa ang mga gamit ko.

"I'm hungry na po," sumbong ni Anya sa Tito niya.

Marahan siyang ibinaba ni Hugo, "Get your things, kakain tayo sa labas," malambing na sabi niya dito.

Imbes na kausapin si Hunter ay tipid na tumango lang si Hugo sa kanya.

"Ako na ang mag-uuwi kay Ahtisia at sa anak namin," matigas na sabi ni Hunter sa kanya.

"Ako ang nagdala kay Ahtisia dito, ako ang maghahatid sa kanya pauwi," laban ni Hugo.

"What's happening?" tanong ni Anya. Matalinong bata.

"Pwede ba, kayong dalawa...may mga bata sa harap niyo," suway ko sa kanila.

Lumapit ako kay Hunter.

"Akin na si Hartemis," sabi ko.

Nakita ko kung paano humigpit ang yakap niya sa baby namin. Ayaw niyang bitawan.

"Ako na ang maghahatid sa inyo," pilit niya.

Marahan akong umiling. "Akin na si Hartemis," pag-uulit ko.

Hindi niya ginawa. "Pre..." tawag ulit ni Hugo na may kasama pang paghawak sa balikat ni Hunter.

"Bitawan mo ako," matigas na sabi ni Hunter sa kanya.

Matapos samaan ng tingin si Hugo ay hinarap niya ako.

"Ahtisia wag namang ganito," sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko, kung makapagsalita siya ay akala mo aping api siya.

"Pagbigyan mo naman ako dito. Kahit ngayon lang," paki-usap niya.

Mariin akong napapikit. "Hunter, umuwi ka muna sa inyo. Mukhang kulang ka na din sa tulog," sabi ko sa kanya.

Halatang puyat at pagod siya dahil sa trabaho at sa iba pang bagay na wala naman akong pakialam.

Sinubukan kong kuhanin si Hartemis sa kanya, humigpit lalo ang yakap niya dito.

"Baby wag namang ganito," pag-uulit niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nakuha ko si Hartemis sa kanya, hindi na nanlaban pa si Hunter. Naiwan siya doon kasama ang mga paper bag na dala niya. Nag-ingay si Hartemis, panay ang lingon niya sa likod.

"He wants to get you back?" tanong ni Hugo sa akin habang nasa byahe na kami pauwi.

Matapos kumain ay inihatid na naming si Anya pauwi.

Marahan akong umiling. "Gusto niyang bumawi kay Hartemis," sagot ko.

"Kay Hartemis lang ba talaga?" tanong ni Hugo.

"Matagal na kaming tapos ni Hunter. Madami akong problema para balikan pa yung isa sa mga naging problema ko dati," paliwanag ko.

Nagkibit balikat si Hugo.

"He's your first love...we'll never know," sabi pa niya kaya hindi na ako umimik pa.

First love never dies. It does.

Wala si Hunter ng gabing 'yon. Baka napagod. Baka napagod kaagad.

Napagpasyahan kong dalawin si Mommy sa presinto ng sumunod na araw. Binili ko ang mga pagkaing gusto niya. I miss her, alam kong miss na din siya ni Hartemis.

"Atheena Escuel," sabi ko sa pulis sa may frontdesk.

May tiningnan siya sa librong nasa harapan niya.

"May bisita pa," sagot niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

Who could it be? Si Lolo?

Pinayagan akong pumasok ng pulis, hanggang dalawa naman daw ay pwedeng bisita sa loob. Umaasa akong si Lolo ang maaabutan ko, pero mas nagulat ako sa kung sino ang nakita ko.

"Wala kang makukuha sa akin," matigas na sabi ni Mommy sa kanya.

"I want to know, Atheena."

Hindi ako tumuloy palapit sa kanila. Hindi ko alam kung kaya kong tumuloy. Anong ginagawa niya dito?

"She is not your daughter, or anyone in your family. Anak ko lang si Ahtisia," laban ni Mommy.

Hinampas ng kausap niya ang lamesa, hindi na napigilan ang inis.

"May nangyari sa atin before the incident with you and Jerome happened. I want to know Atheena...may possibility na anak ko si Ahtisia," mahabang paliwanag niya.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlabo ang aking mga mata.

Pagak na tumawa si Mommy. "Move on...Mr. West Vergara!"

(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro