Chapter 34
Found
Tipid akong napangiti at nag-iwas ng tingin kay Kuya Wil matapos kong sabihin sa kanya ang plano ko.
Hindi naging madali ang ginawa naming paglayo ni Hartemis. Lalo na't alam kong hindi lang naman mga tao ang iniwan namin...nandoon na din ang mga ala-ala na kahit pa saan kami pumunta ay dala dala na namin.
Muli akong napalingon sa gawi ni Kuya Wil nang marinig ko ang pag-iingay ni Hartemis. Matamis akong ngumiti sa baby ko dahil naka tingin siya sa akin habang ginagawa 'yon, para bang kinakausap niya ako.
Hindi naging madali ang adjustment para sa aming dalawa. Nakaramdam din ako ng takot noong una, pero dahil sa kanya...naging matapang ako, sa kabila ng aking takot ay nagawa ko pa din. Dahil sa baby ko.
Inabot ko ang pisngi niya, she giggles again. Natawa ako dahil sa pagiging sweet niya. Marahan kong hinaplos 'yon, hanggang sa nanggigil ako sa kanya at pinisil ang maumbok niyang pisngi.
"Ang lambing..." nakangiting puna ni Kuya Wil dito.
It's still a relief for me na kahit papaano ay hindi pa mararamdaman ni Hartemis ang epekto ng mga nangyayari sa amin ngayon. I'll do my best para hindi niya maramdaman 'yon. Hindi ko hahayaan na mahirapan ang baby ko.
"Kahit anong maging desisyon niyo...sususportahan ko kayo," paninigurado ni Kuya Wil sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. As much as I want to stand on my own, hindi ko mapagkakailan na I need someone like him...someone who will support me and got my back.
"Thank you po, Kuya Wil."
Matapos kong sabihin sa kanya 'yon ay lumipat ang tingin ko sa katabi niya. Nakita ko kung paano umirap sa kawalan si Ate Monica, asawa niya.
Una pa lang ay ramdam kong hindi kagaya ni Kuya Wil...hindi siya pabor na nandito kami ni Hartemis.
"Wag kang mag-alala sa kanya. Nandito kami ni Monica, kami ang bahala kay Hartemis habang naghahanap ka ng trabaho."
Gustuhin ko mang hindi iwan ang baby ko sa pangangalaga ng ibang tao ay hindi maaari. I need a source of income para sa amin, hindi naman pwedeng sina Kuya Wil at Ate Monica ang gagastos ng lahat para sa aming dalawa.
"Wish Mommy luck," malambing na paalam ko kay Hartemis bago ako umalis para maghanap ng trabaho.
Hindi ko din naman kailangang mag-alala, kita ko namang malapit at kumportable si Hartemis kay Kuya Wil. Nakita ko kung paano niya ituring 'to na parang apo na din daw niya.
"Ate, aalis na po muna ako..." paalam ko kay Ate Monica.
Tahimik lang siya simula ng dumating kami dito. Halos tango at iling lang ang isinasagot niya sa akin, para bang ayaw akong kausap. Kung hindi lang siguro dahil kay Kuya Wil ay hindi talaga niya ako papansinin.
Tipid na tango lang ang ibinigay niya sa akin bago siya nag-iwas ng tingin.
Hindi naman naging mahirap para sa akin to find a company, ang naging takot lang sa akin ay baka maulit nanaman 'yon mga past experience ko sa ibang company na inayawan kaagad ako, the moment they knew about me being the daughter of Atheena Salvador.
Tahimik ako habang inihahanda ang sarili ko for an interview. Maganda ang receiving are ng company na pinuntahan ko. Accommodating din ang secretary nila, looks like she's genuinely nice. Kilala ba niya ako? Napanuod na ba niya yung news sa tv?
Lately, pag mabait ang tao sa akin...nagdududa na ako. Parang mas tanggap ko pa na iba ang magiging pakikitungo nila sa akin just because of our family issues.
I just need one company to believe in my capabilities, my passion sa work. I just need one to trust me and give me a chance that I am more than my mother's daughter.
"Do you want anything to drink po, Engineer?" tanong ng babae sa akin.
Napaawang bahagya ang bibig ko dahil sa patuloy niyang pagiging mabait sa akin. She smiled sweetly habang hinihintay ang sagot ko sa kanya.
"I'm uhm...I'm Ahtisia Salvador," pagpapakilala ko sa kanya.
Baka sayang ang effort niyang maging mabait sa akin dahil hindi pa niya ako kilala. Mas mabuti ng maaga pa lang ay malaman niya na kung sino ako, then decide afterwards if she'll stay nice pa din sa akin.
"Yes po, Engineer. Kilala po kita," nakangiting sabi pa din niya sa akin at muli akong tinanong kung anong gusto kong inumin, o kung may kailangan pa ako while waiting.
I told her na ayos na sa akin ang tubig, halos nanunuyo na din kasi ang lalamunan ko sa kaba. It's a bit traumatizing for me ang mga nauna kong experience about finding a job. Pangalan ko pa lang kasi ang naririnig nila ay denied na kaagad ang resume ko.
Halos mamuo ang pawis sa noo ko when the new flash about Mommy's case ang lumabas sa tv sa receiving area. Parang biglang bumigat ang dibdib ko, lalo na at napansin kong tutok doon ang mga kasabayan ko.
Mula sa tv ay bumaba ang tingin ko sa abala pa ding secretary. When she notice my gaze ay muli siyang ngumiti sa akin. Nilingon niya ang tv, at nang makita niya ang tungkol sa balita ay mabilis niyang inilipat sa ibang channel.
I don't know what to feel. Mas lalo kong napatunayan na mayroon pa din palang tao na sa kabila ng judgement sa 'yo ng mundo ay ituturing ka pa ding tao...will still respect you despite of your background.
Tipid akong napangiti, kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.
Nilingon ko ang malaking engrave signage sa likuran niya. Kung matatanggap ako dito ay mukhang magiging magaan para sa akin ang lahat, looks like friendly and accommodating ang mga empleyado.
ARAGREV Construction Company
After ng ilang minutong paghihintay ay tinawag na ako for the initial interview.
"We're glad to have you in our company, Engr. Ahtisia," sabi ng nag-interview sa akin.
Matapos kong ibigay sa kanya ang credentials ko ay parang ini-scan lang 'yon ng mga mata niya at tanggap ako kaagad.
"I'm...tanggap ako?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
My trust issues are high as ever.
Matamis siyang ngumiti sa akin at tumango.
"I'm...I'm Ahtisia Amelie Salvador," pagpapakilala ko din sa kanya.
"Welcome to the Aragrev family, Engr. Ahtisia Amelie," sabi pa niya.
What? No judgement? No second thoughts?
She told me na kumpleto na ang mga Engineers for the next company project. Sakto daw ang dating ko dahil may bagong project na gagawin and it's a bit personal for an important person sa company.
"An old house restoration. Don't worry, may Architect na din for this. You just need to meet him...talk to him, for the plan since partner kayo for this," paliwanag niya sa akin after she handed me the project proposal.
Tumango ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya sa akin.
Buong akala ko ay tapos na, hanggang sa tanungin niya ako kung bakit hindi ko natapos ang last project ko under Dela Rama's.
"DRCC and AVCC is under one circle...family business," paliwanag niya sa akin. Just a casual chit chat...like a chismis.
"Uhm...hindi ba makaka-apekto 'yon sa akin while working here?" tanong ko.
Do they need to call someone from DRCC para humingi ng character reference about me?
Ngumiti siya ulit sa akin. "You don't need that...You are Ahtisia Amelie Escuel," she said na hindi ko naman gaanong na intindihan.
She forgot ata na mg surname is Salvador.
Malaki ang ngiti ko habang pauwi ako. I'm excited na ibalita kay Hartemis at Kuya Wil ang bago kong trabaho.
Nawala ang ngiti sa labi ko pagkapasok ko ng bahay, iyak kaagad ni Hartemis ang narinig ko kaya naman lumaki ang bawat hakbang ko para lapitan siya.
Naabutan kong umiiyak siya habang nasa loob ng crib niya. Pulang pula ang mukha kaka-iyak, looks like kanina pa siya ganoon.
"Baby..." malambing na tawag ko sa kanya at kaagad siyang kinarga.
Basa ng pawis si Hartemis, kanina pa siya umiiyak but I'm not here to attend for her need.
"Mommy's here. Everything's ok..." malambing na pagpapatahan ko sa kanya.
Kaagad siyang yumakap sa akin. Tumigil siya sap ag-iyak but rinig ko pa din ang mga hikbi. After niyang kumalma ay panay naman ang pag-ubo niya. Basang basa ng pawis ang likuran niya kaya naman mabilis kaming pumasok sa kwarto para mapalitan ko kaagad siya ng damit.
"Anong problema? Bakit umiiyak ang baby ko?" malambing na pagka-usap ko sa kanya.
Kahit ang totoo...my hearts is breaking, ayoko na ganito ang baby ko. I feel like nagkukulang ako sa kanya as her mother. I want to give Hartemis everything...pero paano ko naman 'yon magagawa kung wala akong trabaho?
Matamlay siya after ko siyang bihisan. Mukhang pagod dahil sa matagal na pag-iyak. Wala akong nagawa kundi ang yakapin ang baby ko.
Ilang beses akong nag-sorry sa kanya for not being here, panay ang halik ko sa kanya, love na love ko sila ni Hermes.
"Andyan ka na pala. Buti naman tumahimik na ang batang 'yan," salubong ni Ate Monica sa akin pagkalabas namin ng kwarto.
"K-kanina pa po ba siya umiiyak? Basang basa po kasi ng pawis yung likod niya...kaya siguro siya umiiyak," sabi ko sa kanya.
Abala siya sa pag-aayos ng lamesa.
"Anong gusto mong sabihin? Kada iyak ng batang 'yan ay bubuhatin siya? Masasanay ang bata kung ganoon. Maaga pa lang ay dapat madisiplina na..." she said kaya naman natahimik ako.
Marahan kong hinaplos ang likod ni Hartemis ng marinig ko pa din ang ilang paghikbi niya.
"Hindi naman po sa ganoon. But..."
Hindi niya na ako hinayaang matapos ang sasabihin ko.
"Hindi niyo kami katulong ni Wilfredo dito ha. Nakikisuyo ka lang na bantayan ko 'yang anak mo. Kung hindi ka pabor sa kung paano ako mag-alaga ng bata...humanap ka ng magbabantay diyan," she said kaya naman bigla akong nakaramdam ng hiya.
She's right. Nakikisuyo lang kami. But my baby doesn't deserve that kind of treatment naman.
Hindi na ako naka pagsalita pa ng dumating si Kuya Wil.
"Oh, nandito ka na pala. Kanina ka pa?" tanong ni Kuya Wil sa akin.
Mula sa kanya ay sandali akong sumulyap kay Ate Monica. Nakatingin na din siya kaagad sa akin na para bang tinitingnan niya kung magsusumbong ako o ano. I won't do that.
"Kararating lang din po...tanggap po ako sa trabaho," sabi ko kay Kuya Wil.
He's happy for me. Ramdam ko naman na love kami ni Kuya Wil, and concern talaga siya sa amin ni Hartemis.
"May nagpagawa ng aircon ng sasakyan. Sayang kasi yung kita kaya ginawa ko na," kwento niya sa akin kaya pala wala siya nang dumating ako.
"Oh, bakit ang tamlay ni Hartemis?" malambing na tanong niya dito.
Marahan kong hinaplos ang likod ng baby ko ng magsimula siyang mag-ingay, kinakausap niya si Kuya Wil...parang nagsusumbong.
I need to talk to Kuya Wil about Hartemis. Tama nga naman si Ate Monica, hindi namin sila katulong to demand.
"Wag kang mag-alala, isang beses lang 'yon. Hindi ko na ulit iiwan si Hartemis kay Monica...mag focus ka lang sa trabaho mo. Sa susunod na linggo ay susunod dito yung dalawang anak kong babae...magaling mag-alaga ang mga 'yon ng bata," sabi ni Kuya Wil sa akin.
"I'll pay po, para kahit nasa bahay lang ay may allowance din sila," sabi ko in a nice way.
Genuine ang alok ni Kuya Wil na tutulungan niya kami ni Hartemis. It's hard for me to say na babayaran ko ang service nila.
"Ano ka ba, hindi 'yon kailangan. Magbubukas kami ng maliit na tindahan sa baba...nandito lang talaga sila buong araw sa bahay kaya walang kaso," sabi pa niya sa akin.
Pinanghawakan ko na lang ang sinabi ni Kuya Wil na hindi niya iiwan si Hartemis kay Ate Monica. Atleast I'm sure na concern talaga si Kuya Wil sa kanya, and hindi iba ang tingin niya dito. Looks like nagkaroon nga daw siya ng apo.
I'm wearing a simple button down dress for my first day of work. I just paired it with a sling back doll shoes. Kahit ako ay naninibago sa mga dress choices ko. Hindi kagaya ng dati na designers ang suot ko mula ulo hanggang paa.
"We can do this," malambing na sabi ko kay Hartemis.
I'm doing this for us. I'll work hard this time. And sisikapin kong magtagal na dito sa bagong company.
"Wala si Mommy sa tabi mo...But I know Kuya Hermes is here with you," sabi ko kay Hartemis.
Paulit ulit kong hinalikan si Hartemis hanggang sa ma-irita siya sa akin.
"My baby is not in the mood today..." paglalambing ko sa kanya.
She hugged me after that na para bang she knows na mawawala ako buong araw para magtrabaho.
"I love you..." paulit ulit na sabi ko sa kanya.
Mahirap na iwan ulit si Hartemis after what happened. But I need to do this, pag nakapag-ipon na ulit ay bubukod kami kina Kuya Wil, then I'll hire someone para bantayan siya. I'll call Ate Let again pag afford ko na ang salary niya.
"Good morning, Engineer," bati ni Emma sa akin. Yung mabait na secretary.
"Good morning, Emma." bati ko pabalik.
Dumiretso ako sa office table ko, accommodating din ang mga workmates ko. Ngumingiti sila pabalik sa akin sa tuwing nagkakaroon ako ng eye contact with them.
Ngayon ko mame-meet ang architect na makakatrabaho ko for the old house restoration. After meeting him ay magkakaroon naman kami ng meeting with the owner of the house.
"What a small world," bati ng kararating lang na lalaki.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ko kung sino siya.
"Engr. Fontallian, what are you doing here?" gulat na tanong ko sa kanya.
Matamis siyang ngumiti sa akin.
"Architect Fontallian for today," he said kaya naman mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"I-ikaw yung Architect?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Sumaludo siya sa akin bilang sagot.
"Pinaglalapit talaga tayo ng tadhana," nakangising sabi niya sa akin.
He's an Engineer at the same time ay Architect din. Hindi lang pala puro kalandian ang inaatupag nito. I thought he's just a preskong Engineer na babaero...may ibubuga naman pala talaga.
"Tapos na ang project sa Dubai. Hindi na din ako kumuha ng project sa Jimenez...hindi na din nila ako kinuha. Feeling ko tuloy may galit si Engr. Jimenez sa akin. Nai-intimidate ata sa ka-gwapuhan ko," sabi niya at tumawa sa sarili niyang kalokohan.
Tipid akong natawa at umirap na lang sa kawalan.
"Ikaw pala ang Architect ko," out of nowhere na sabi ko while reviewing the project proposal for our client.
"At ikaw ang Engineer ko," balik niya sa akin kaya naman iba na ang dating sa akin.
"Ang corny mo," sabi ko kaya naman napatingala siya sa pagtawa.
"Nauna ka kaya! Panagutan mo ang kilig ko," biro niya.
Sus, ang landi.
Naging seryoso na kami sa pag-uusap about the project after that. What I like about him ay trabaho kung trabaho talaga ang motto niya in life.
"Just tell me kung may gusto kang ipabago sa design. I can work things out...you know," sabi niya sa akin kaya naman inirapan ko nanaman siya.
"Let's just meet the client," sabi ko sa kanya at pinanlakihan pa siya ng mata.
Tumawa si Engr. Fontallian...or I might say Architect.
I told him na wala akong sasakyan and I just commute papasok at pauwi sa work.
"Kung alam ko lang na ikaw ang Engineer ko for this project dapat ibang sasakyan ang dinala ko," sabi niya sa akin.
"What's wrong with this car?" tanong ko sa gamit niyang itim na fortuner.
"I want to impress you, syempre..." pag-amin niya.
"O, shut up," marahang sabi ko.
"Cute," he said at tumawa na lang.
We will meet the client sa isang fine dinning restaurant. Architect Fontallian told me na isa sa mga board member ang may-ari ng ancestral house.
A fine middle-aged woman welcomes us as we stepped in the restaurant. Hindi na ako nagulat ng sabihin sa akin na she owns the place.
"It was nice to meeting you guys," she said sweetly.
Looks like magaan siyang kausap, she's very approachable and kahit mukhang strict ay bubbly.
Matapos makipagkilala kay Architect Fontallian ay ako naman ang hinarap niya. Mas tumamis ang ngiti niya sa akin. I smiled back, I was about to offer my hand to introduce my self ay mas nagulat ako ng yakapin niya ako.
"It was nice to finally meet you..." she said.
Kahit gulat at naguguluhan sa mga nangyayari ay ngumiti pa din ako sa kanya and stay professional.
"It was nice to meet you to Madame," pag-uumpisa ko.
"I'm Engr. Ahtisia Amelie Salvador," pagpapakilala ko.
Hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin.
"Chatterly Vergara...Engineer," pagpapakilala niya sa akin.
Sandali akong napatigil dahil sa narinig. Her surname is a bit familiar, hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.
Naging magaan ang pakikipag-usap naming sa kanya. Halos gusto niya ang lahat ng idea na diniscuss namin sa kanya. She told us din na may darating pang ibang board members ngayon. Nagkaroon tuloy ako ng kaba, ang kasama ko naman ay nanatiling kalmado. Magaling kasing mambola.
In the middle of our meeting ay may dumating na dalawang lalaki, hindi nalalayo ang edad nila kay Ma'am Chatterly. Tumayo kami ni Architect Fontallian to welcome them. Matapos tumingin kay Ma'am Chatterly ay nakita ko ang pagtagal ng tingin nilang dalawa sa akin bago sila nagtinginan na dalawa.
"Mr. Zanjo Vergara...and Luis Villareal."
Just like Ma'am Chatterly ay pansin ko din ang kakaibang tingin nila sa akin. Hindi ko na lang pinansin. Pakiramdam ko ay nakilala na din nila ako bilang anak ni Mommy. Sino ba naman kasing hindi makakakilala sa akin, it's all over the news.
"We want everything na diniscuss niyo. You can already pay a visit sa ancestral house anytime...sabihin niyo niya lang kung kailan kayo pupunta," sabi ni Ma'am Chatterly sa amin.
Tipid akong ngumiti sa kanya.
Nagpaalam ang dalawang lalaki, may ibang meeting pa daw silang pupuntahan kaya kailangan na nilang maunang umalis.
"What company?" tanong ni Mrs. Vergara sa kanila.
"Medrano's," tipid na sagot ni Mr. Luis Villareal.
Pagkasabi niya no'n ay nakita ko ang paglingon niya sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin.
The truth is, I can't escape from everyone. Maliit lang ang mundong ginagalawan namin.
"Keep your enemies closer," nakangising sabi ni Mr. Zanjoe Vergara.
Pinanlakihan siya ng mata ni Mr. Villareal kaya naman tumigil sila, nang lingonin ko si Ma'am Chatterly ay naabutan kong pinandilatan niya din ng mata ang dalawa.
After that meeting ay bumalik na din kami sa office ni Architect Fontallian.
"The CEO of Aragrev is Mr. West Vergara...together with his bestfriend, Late Engineer Jerome Villareal," kwento ni Architect Fontallian sa akin.
Nag research muna daw siya about the company bago siya tumanggap ng mga project.
"Late means..."
"Wala na...matagal na," sagot niya sa akin.
Naging hands on ako sa project na 'yon. Magaan din kasi ang loob ko kay Ma'am Chatterly kaya naman I want to do my best for this.
Lumabas kami ni Hartemis when I got my day off. I had my allowance din from the company kaya naman nagbigay ako ng share namin sa bills kay Ate Monica.
My goal is to buy Hartemis her baby's things and a new dress. Nagpunta kami sa mall para na din mamasyal.
"You want this baby doll?" tanong ko sa kanya.
Nang iabot ko sa kanya ang maliit na manika ay hindi na niya binitawan.
"Gun, Daddy...Gun," tili ng isang batang babae.
Bumaba ang tingin ko sa kanya. Napangiti ako ng makita ko ang cute na full bangs niya. Mas lalo akong natawa ng makita ko ang gusto niyang bilhin.
"Not that, your Mommy will kill me," nakangising sabi ng Daddy niya.
Lumipat ang tingin ko sa dumating. Kaagad na napawi ang ngiti sa labi ko nang mamukhaan ko ang lalaking tinawag na Daddy ng bata.
Hindi siya pinakinggan ng bata, lumapit pa din ito sa mga laruan at kumuha ng isa. Dahil sa ginawa ay nahulog ang mga box.
"Amputa!" tili nito bago tumawa.
Kahit hirap ay isa isa niyang pinulot ang mga nagulo niya para ibalik sa ayos.
Bukod sa nagulat ako dahil sa sinabi ng bata ay mas nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita kong nagtagal ang tingin sa akin ng Daddy niya.
Nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Hartemis.
Imbes tuloy na magtagal pa doon ay umalis na lang ako. Naglakad ako palayo bitbit si Hartemis. Ng isang beses na lingonin ko sila ay nakita kong kabababa lang niya ng phone niya.
Hindi ko alam ang pangalan niya...but I know na kailangan siyang iwasan.
Maaga akong pumasok sa work the next day dahil we will meet Mrs. Chatterly Vergara again para sa finalization ng mga details.
"Found you!" salubong ni Architect Fontallian sa akin paglabas ko ng pantry.
Muntik pa akong mapasigaw sa gulat dahil sa ginawa niya, mabuti na lang ay napigilan ko.
"Gusto mong malaman kung sinong nandito?" tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Sino?"
Ngumisi siya sa akin. "Engr. Jimenez," he said kaya naman halos manlambot ang tuhod ko.
"W-Why?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya.
"Ang rinig ko balak bumili ng shares dito...I bet that, hindi pinagbibili ng Aragrev ang shares nila...unless you're from a family friend," sagot niya sa akin.
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Sana nga. I don't want any business with him anymore.
Bakit ba kahit anong paglayo ang ginagawa ko ay bigla bigla na lang siyang sumusulpot?
"Nag-breakfast ka na? Breakfast tayo..." yaya niya sa akin.
Hindi na niya ako hinayaan pang sumagot, hinila na niya kaagad ako pababa sa may cafeteria. Sinabi niya sa akin na masarap daw magluto ang cook doon.
Sa third floor ang canteen kaya naman pagkalabas ng elevator ay nakita namin ang kumpulan ng mga tao.
"Anong meron?" tanong ng kasama ko.
Nasagot ang tanong namin ng makita naming ang ilan sa mga board member. Nakita ko sa kumpol ng mga tao sina Mr. Luis Villareal, looks like hindi basta basta ang mga kasama nila.
"Tara na..." paghila ko sa kasama. Makiki-chismis pa e.
Panay ang hila ko sa damit ni Architect Fontallian, hanggang sa naabutan kami nina Mr. Luiz Villareal sa ganoong tagpo...at ng mga kasama niya.
"Ahtisia, Hija..." nakangiting tawag ni Mr. Zanjo Vergara sa akin.
Sa huli ay na realize niya ang ginawa niyang pagtawag sa akin. Pero sa huli ay nagkibit balikat na lang siya.
Mula sa kanya ay ramdam kong may nakatingin sa akin, pero hindi ko tinapunan ng tingin ang taong 'yon.
"Engr. Jimenez," bati ng kasama ko dito.
Mariin akong napapikit. Hindi ako babati sa kanya.
"Engr. Jimenez wants to buy a share sa company," kwento ni Mr. Villareal sa amin, o baka sa kasama ko lang since hindi naman ako interisado.
Hindi ko kinaya ang pakiramdam na titigan niya kaya naman isang beses akong nag angat ng tingin sa kanya. Nanatili lang ang tingin ni Hunter sa akin.
Ngumisi si Mr. Luis Villareal kaya naman nalipat ang tingin ko sa kanya. Nakita kong napansin niya ang pagtitig ng isang Jimenez sa akin.
"Our shares are not for sale. And mas strict kami when it comes to family member..." makahulugang sabi niya kay Hunter.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro