Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Dela Rama





Hindi ko kaagad naalis ang tingin ko sa kanya dahil sa gulat. Tsaka lang ako bumalik sa wisyo nang marinig ko ang ingay ni Hartemis. Nakita kong naka pula pa din ang street light kaya naman nagmamadali akong tumawid at hindi na nilingon pang muli ang gawi ng lalaking 'yon.

Habang naglalakad palayo ay pilit ko pa ding itinatago ang mukha ni Hartemis. Noong mga panahong gusto siyang makita ng mga baby ko ay hindi naman naging madali 'yon para sa amin. Bakit ngayong siya ang gustong makita sila ay ganon ganon na lang?

He deserves his privacy before, sino ba naman kami to asked for his presence. Well, my baby deserves her privacy now...sino ba naman siya to ask for my baby's presence.

Mahigpit ang yakap ko kay Hartemis habang pabalik kami ng condo. Ramdam ko ang ilang beses na paglingon sa akin ng baby ko, para bang nararamdaman niyang may mali.

Tsaka lang ako nagkaroon ng lakas na lingonin siya pabalik pagkapasok namin sa elevator.

I'm very firm with my decision earlier na hindi deserve ni Hunter na makilala siya, pero sa tuwing tumitingin ako sa mga mata ni Hartemis ay nag-guilty ako. Minsan ng ipinagkait sa akin na makilala ko ang totoo kong Daddy...gagawin ko din ba 'yon sa mga baby ko?

"Not now...but soon," malambing na sabi ko sa kanya, tsaka ko siya hinalikan sa pisngi at muling niyakap ng mahigpit.

Konting oras pa. Makakaya ko din. Kahit hindi na ang feelings ko, para na lang sa mga baby ko. Hindi ko hahayaan na maranasan nila ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko.

Hindi naging madali para sa amin ang mag-adjust sa bagong bahay. Naranasan naman naming tumira sa condo, pero mga ilang araw lang. Ngayon ay kailangan naming tanggapin na ito na talaga 'yon. Wala kaming ibang mapupuntahang bahay sa oras na umalis kami dito.

"Ako na pong bahala sa budget para sa grocery natin for this coming week. Ako na din po ang bibili. I really need you to focus kay Hartemis, Ate Let. Lalo na pag nakahanap na ako ng work."

Lumaki akong hindi kailanman naging problema ang pera. Lahat ng kailangan at gusto ko ay makukuha ko ng walang kahirap-hirap. Mas lalo akong naniniwala sa kasabihan na bilog nga talaga ang mundo.

I never see this coming. Hindi kailanman sumagi sa isip kong mapupunta kami sa ganitong klaseng sitwasyon.

Simula ng lumipat kami sa condo ay mas lalong napalayo ang loob ni Mommy sa amin. May sarili siyang mundo, may sarili na siyang mga plano. Halos gabi-gabi siyang lasing, buong araw na naka kulong sa kanyang kwarto.

Hinayaan ko no'ng una sa pag-aakalang baka 'yon lang ang way niya ng adjustment at titigil din sa mga susunod na araw pero hindi nangyari.

"Mommy, kaya natin 'to. Kaya natin basta magkakasama tayong tatlo ni Hartemis, di ba po?" marahang pagka-usap ko sa kanya.

Bumalik siya sa dati, palaging galit at iritado. Palagi ding naka sigaw. Nakalimutan ata ni Mommy na wala na kaming mga kasambahay, at si Ate Let ay para kay Hartemis.

"Ako na po," sabi ko kay Ate Let ng muli nanaman naming narinig ang sigaw ni Mommy mula sa kanyang kwarto.

Magpapakuha nanaman siya ng alak. Ako na ang nahihiya kay Ate Let dahil ang trabaho naman talaga niya dito ay bantayan si Hartemis at hindi si Mommy.

"Napakatagal!" galit na reklamo ni Mommy pagkapasok ko sa kanyang kwarto.

Pagod ko siyang tiningnan. Probelmado ako kung paano i-budget ang natitirang pera ko sa bank account ko.

"Mommy, wala naman po kasi tayong utusan dito..." marahang pagpapaintindi ko sa kanya.

Sumama ang tingin niya sa akin, kahit ang pagtayo ay nahihirapan na siya dahil sa alak.

"Anong gusto mong sabihin?" tanong niya sa akin at dinuro ako.

Nakaramdam ako ng takot, dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin. Napasinghap na lang ako ng makita kong kaya lang pala siya lumapit ay para kuhanin ang huling bote ng alak sa kamay ko.

Ang buong akala kong tatalikuran na niya ulit ako para bumalik sa pwesto niya ay isang malaking kalokohan.

Nabigla ako at halos mabingi ng sampalin niya ako.

"Wala kang karapatang sumbatan ako," mapanuyang sabi niya sa akin.

Napahawak ako sa namanhid kong pisngi dahil sa pananakit niya. Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata, hindi dahil sinaktan niya ako...kundi dahil sa pagod na pagod na ako sa lahat ng 'to.

"Gusto mong magsumbatan tayo? Wala ka ngayon dito kung hindi dahil sa akin..."

Muli nanaman siyang nagsalita sa kung paanong utang ko sa kanya ang buhay ko. Na kung hindi naman talaga siya naawa sa akin ay wala naman talaga ako dapat dito. Una pa lang ay hindi na niya ako gusto. Masakit isipin bilang anak na sumagi sa isip ni Mommy na wag ituloy ang pagbubuntis niya sa akin.

Hindi ako umimik, hinayaan ko ulit siyang magsalita. Mas lalo pa nga siyang nagalit ng sabihin ko sa kanyang huling bote na 'yon ng alak at hindi na ako bibili pa.

"Ayos lang kayo sa condo? Hindi ba masyadong maliit 'yon para sa inyo?" tanong ni Hugo sa akin nang magkita kami.

tutulungan niya akong makapasok sa companya kung saan siya nata-trabaho.

"Ayos lang. Apat lang naman kami," sagot ko.

Nagkita kami sa coffee shop malapit sa office. Ilang blocks lang din ang pagitan nito sa condo at sa coffee shop ni Sovannah. Sinigurado ko pa muna kay Hugo ang pangalan ng coffee shop bago ako pumayag na makipagkita sa kanya.

"Pag kailangan niyo ng tulong...nandito ako palagi. Kahit ano, Ahtisia," sabi niya sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Hindi ko na alam kung anong mga kailangan kong ihingi ng tulong. Sa dami...hindi ko na alam," pagod na sabi ko kay Hugo.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nasa itaas ng lamesa.

"Nandito ako palagi para sa inyo ni Hartemis. Kahit anong mangyari...always remember that."

Sinamahan ako ni Hugo sa companya kung saan siya nagta-trabaho. He told me na it's Aster Medrano's family friend business.

Dela Rama Construction Company

"Hindi pa kasing laki ng sa mga Jimenez...but they're good at it," pagbibida ni Hugo sa akin.

Maliit na building ang DRCC kesa sa malaking companya ng mga Jimenez. 'Yon kaagad ang napansin ko. Pero hindi naman 'yon ang importante palagi, hindi naman 'yon nasusukat kung gaano kalaki ang isang companya. Lahat naman ay nagsisimula sa maliit.

"Ilang taon pa lang din kasi. Sinubukan lang ni Sir Dela Rama...iba kasi talaga ang family business nila," kwento pa ni Hugo.

Nakinig akong mabuti sa mga sinasabi ni Hugo sa akin, para naman kung sakaling matanggap ako ay hindi ako mahihirapang mag-adjust dito.

Natigil ang pagsasalita niya ng may makitang kakilala.

"Rajiv!" tawag niya dito.

Sandaling nagtagal ang tingin ko sa lalaking tinawag niyang Rajiv. Likod pa lang niya ay alam mong may sinabi niya, kung ibang babae lang 'to ay paniguradong manghihina ang tuhod sa oras na makitang humarap siya.

"Kilala ba kita?" seryosong tanong  niya kay Hugo.

"Gago," asik ni Hugo sa kanya.

Ilang sandali pa ay nagtawanan na silang dalawa. Habang nakikipagtawanan siya dito ay nakita ko ang ilang beses na pagsulyap niya sa aking gawi. Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach kaya naman nanatili akong tahimik habang hinihintay na matapos sila ni Hugo sap ag-uusap.

"Si Ahtisia...siya yung kini-kwento ko sa 'yo," pagpapakilala ni Hugo sa akin.

Nagtaas ng kilay si Rajiv Dela Rama sa akin. Inabot niya ang kanyang kamay para makipagkilala.

"Ang ganda," sambit niya kaya naman hindi ko kaagad nagawang tanggapin ang kamay niya sa aking harapan.

Ilang sandali lang ay napadaing siya dahil sa pagsuntok ni Hugo sa kanyang braso.

"Hindi ako takot sa 'yo, Dela Rama," paalala ni Hugo sa kanya kaya naman natawa si Rajiv.

Ngumiti siyang muli sa aking harapan kaya naman lumabas ang dimples niya.

"Nice meeting you, Engr. Ahtisia Salvador."

Doon ko lang tinanggap ang kamay niya, nagpakilala ako ng pormal sa kanya. Ilang tanong pa ay ganoon na lamang ang gulat ko ng sabihin niya sa aking tanggap na ako, walang kahirap-hirap.

"You can start tomorrow if you want. Don't worry about the HR's si Hugo na ang bahala diyan," sabi pa niya sa akin.

Gusto pa sana daw niyang makipag-kwentuhan sa amin ang kaso ay may meeting pa siya kaya naman nagpaalam na siya.

"Hindi ba nakakahiya na...nakapasok ako kaagad dito dahil may kapit ka?" nakangusong tanong ko sa kanya.

Natawa si Hugo dahil sa sinabi ko. "Kakilala ko man o hindi ang may-ari...makakapasok ka talaga. Maganda ang credentials mo...first project mo sa Jimenez," sabi pa niya sa akin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Kahit hindi ako kumportable na marinig ang apelyido nila ay wala na akong magagawa. Sa profession na ginagalawan ko ay hindi talaga ma-iiwasan lalo na't they are the leading company in business.

Kumain lang kami ng lunch ni Hugo bago kami naghiwalay na dalawa. He insisted na ihatid ako pauwi, but I told him na may pupuntahan pa ako. At kailangan kong sanayin ang sarili ko, mahal ang gas sa panahon ngayon.

"May work na si Mommy!" masayang salubong ko kay Hartemis pagka-uwi ko sa amin.

Ibinaba ko ang ilang grocery bags na dala ko bago ko siya tuluyang hinarap. Nagpasalamat ako kay Ate Let ng sabihin niya sa aking siya na ang bahalang mag-ayos ng mga pinamili ko.

Tumawa si Hartemis, she's all smiles habang nag-iingay na para bang kinakausap ako.

Kasama si Hartemis ay sinubukan naming puntahan si Mommy para ibalita ang pagkakaroon ko ng trabaho. Pero wala kaming napala dahil hindi naman niya kami pinagbuksan ng pintuan.

"Pagod si Lola..." sabi ko na lang kay Hartemis at kaagad na umalis sa harapan ng pinto ni Mommy.

Maganda kaagad ang feedback sa trabaho ko sa unang linggo ko doon. Mabilis din akong nakapag-adjust dahil kasama ko si Hugo, pero hindi laging pabor sa atin ang tadhana.

"May project sa Cebu, kailangan ko munang pumunta doon, mga ilang linggo din akong mawawala," sabi niya sa akin.

Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Hugo. Nalulungkot din naman ako. Pero naisip kong hindi naman palaging kasama ko siya, kailangan ko ding matutong mag-isa.

"Ayos lang ako dito, wag mo akong alalahanin," paninigurado ko sa kanya.

Napanguso siya bago siya tamad na tumingin sa palagid.

"Ayos lang sana, ang kaso ay nalaman kong crush ka ata ng buong department," sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

Sa huli ay natawa na lamang ako. "Saan mo naman nakuha 'yan?"

Muli siyang umirap, para siyang bata na nagta-tantrums.

"Akala mo lang 'yon. Bago pa lang kasi ako kaya nasa akin ang atensyon nila...mawawala din 'yan," pagpapagaan ko sa loob niya.

Ang totoo ay hindi nga ako kumportable dahil sa nalaman. Ayoko pa naman sa lahat ay yung napapansin ako. Hindi kasi talaga ako sanay at ayoko talaga sa atensyon.

Umalis si Hugo ng sumunod na araw, urgent ang pagpunta nila doon kaya naman kahit hindi handa ay kinailangan kong maging handa na pumasok sa office na wala siya sa paligid.

"Engr. Salvador may meeting sa conference room...2 pm sharp," nakangiting sabi ni Engr. Razon sa akin.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya, mabilis kong inalis ang atensyon ko sa harapan ng laptop ko at binuksan ang planner ko, wala 'yon sa list ko para ngayong araw.

Habang ginagawa ko 'yon ay pansin ko pa din ang pananatili niya sa harapan ng office table ko.

"You didn't receive the memo?" tanong niya.

Kusang tumulis ang nguso ko, tiningala ko siya at marahang umiling. Mula sa aking mga mata ay bumaba ang tingin niya sa aking labi kaya naman inayos ko kaagad ang sarili ko.

Ngumisi siya nang mapansin 'yon.

"We also have a group chat. Isasali kita, minsan may problema talaga sa emails," sabi na lang niya sa akin.

I handed him my phone para daw isali ako sa groupchat nila from a certain app.

"I also saved my number nga pala incase may tanong ka..." sabi niya sa akin bago siya kumindat pagkabalik niya ng phone ko sa akin.

Hindi na ako umimik dahil sa sinabi niya, ayoko na din namang pahabain pa ang pag-uusap namin.

"Alam mo, ikaw yung pinakamagandang Engineer na nakilala ko," sabi niya sa akin. Halos mawala ang mata niya dahil sa pagkaka-ngiti niya.

I heard a lot of compliments for me na hindi ko naman kayang tanggapin, galing kasi ang mga 'yon sa mga lalaking Engr. Na kasama ko. Boys.

Every now and then ako kung kamustahin ni Hugo. Kahit nasa Cebu siya ay hindi ko naman ramdam na mag-isa ako dito.

Sa kalagitnaan ng ginagawa kong trabaho ay nakaramdam ako ng antok, I decide na pumunta sa may pantry para kumuha ng kape, may meeting kami ng 2 pm kaya naman I need to prepare for it.

"Maamo nga ang mukha..."

Bago pa man tuluyang makapasok sa may pantry ay narinig ko na ang mga boses sa loob. Hindi kaagad ako tumuloy sa pag-aakalang may importanteng pinag-uusapan ang mga nandoon.

"Salvador? Related ba siya kay Atheena Salvador...edi mayaman. You know the Escuel Oil Company?" sabi pa ng isa kaya naman may lalong nag-ugat ang mga paa ko sa sahig.

Pagak na tumawa ang isa pa. Hindi ko sigurado kung ilan sila sa loob, mukhang hindi bababa sa tatlo ang nag-uusap usap.

"The unwanted daughter of Don Joaquin Escuel," Sabi pa ng isa kaya naman na-ikuyom ko ang aking kamao.

"Maganda si Ahtisia, we can't deny that...pero yung mga ganyan, maamong mukha..."

"Nasa loob ang kulo!" segunda pa ng isa bago naghari ang tawanan sa loob ng pantry.

Imbes na magising ako dahil sa kape ay mas nagising ako dahil sa mga narinig. Ramdam ko naman na may iba sa tingin ng mga kasama kong babaeng Engineer sa akin. Hindi ko lang talaga ma-intindihan kung bakit ang mga mahihinhin at tahimik na babae ay nasa loob kaagad ang kulo kung pag-isipan nila.

Pagod akong bumalik sa office table ko. Muli kong naramdaman na mag-isa ako sa bagong lugar na 'to. Nilabas ko ang phone ko, napatitig ako sa picture ng mga baby ko...gumagaan talaga ang loob ko sa tuwing nakikita ko sila.

I miss Hermes so much.

Hindi ipinaramdaman ng ilang lalaking Engineer sa akin na out of place ako sa meeting kahit bago ako. Pero ramdam ko ang matatalim na tingin ng mga babae kanina sa may pantry.

Dumating si Sir Rajiv sa kalagitnaan ng meeting. Nakangiti kaagad siya sa akin kaya naman mariin na lang akong napapikit. Magkakaroon nanaman ng rason ang mga may ayaw sa akin para may pag-usapan ako.

"Wag na nating pabalikin si Hugo," natatawang sabi niya sa akin.

Tipid akong ngumiti. Mukhang close din talaga silang dalawa kaya naman kung magbiruan sila ay ganoon na lang.

Nilalakad ko ang papunta at pauwi mula sa office. Habang tumatagal ay nasasanay na din naman ako sa layo. Hindi ma-iiwasang hindi ako mapadaan sa coffee shop ni Sovannah, kaya naman pag nandoon na ay bumibilis ang lakad ko.

"Nagwala nanaman po si Ma'am. Naghahanap po ng alak. Umiyak nga po si Hartemis kasi nagulat...ang lakas po ng sigaw, binato pa yung vase," magulong kwento ni Ate Let.

Kita ko ang takot sa mukha niya habang kinikwento 'yon sa akin.

Mas lalo akong namorblema dahil sa nangyayari kay Mommy. She's out of control, kahit pa naghihirap na kami ay ayaw pa din niyang tigilan ang plano niya.

"Yes. Sa bank account ko na lang...Thank you, Everette."

Napabuntong hininga na lamang ako. Baon na kami sa utang, mas lalo lang kaming mababaon sa ginagawa ni Mommy.

"Anong klaseng tingin 'yan?" tamad na tanong niya sa akin ng ibaba niya ang tawag.

"Ano pa po bang kailangan nating ibenta para lang tumigil ka na, Mommy?" pagod na tanong ko.

Pagak siyang natawa, hanggang ang tawa na 'yon ay lumakas pa.

Mula sa kanyang bedside table ay dinampot niya ang mga envelope mula sa iba't ibang bangko. Ibinato niya 'yon sa akin, ang ilan ay tumama sa mukha ko, ang ilan naman ay sa dibdib.

"Ang kapal ng mga mukha. Samantalang noong may pera ako ay mga sipsip!" galit na asik niya.

"Kakausapin ko po si Lolo. Wag lang kay Everette, Mommy. Alam mo namang may kapalit 'yon," sabi ko sa kanya.

Tumawa siya ng pagak. "Ako ngang anak niya wala siyang pakialam. Sino ka ba, Ahtisia? Hindi mo pa kilala ang Lolo mo."

"Hahayaan niyo pong magkaroon tayo ng utang na loob kay Everette? Alam niyo naman pong ako ang gusto niyang kapalit sa lahat ng tulong na inaalok niya. Naiintindihan ko kung wala kayong pakialam sa akin...pero hindi niyo man lang po na-isip si Hartemis," emosyonal na sabi ko sa kanya.

"Hindi niyo man lang na-isip na ako na lang ang meron siya. Pagod na po ako sa 'yo, Mommy!" pag-amin ko. Kahit ang totoo ay alam kong pagsisisihan ko 'yon.

Tumagal ang tingin niya sa akin. Tumawa siya, hanggang sa nahaluan 'yon ng pagpiyok.

"Pagod ka na sa akin, Ahtisia? Bakit? Dahil wala na akong pera? Lahat ng ginawa ko...lahat 'yon para sa 'yo."

Mariin akong napapikit. "Mommy, hindi po 'yon," giit ko.

"Anak ka ata talaga ni Arnaldo, e. Nagrerebelde kayo pag wala na kayong mapala sa akin. Mga wala kayong utang na loob..."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Na-iyak na lang ako sa halo-halong nararamdaman ko.

Hindi na ako pinansin ni Mommy matapos ang pag-uusap na 'yon. Para bang kahit nasa iisang bahay lang kami ay hindi ko na siya maramdaman. Masyado ng kinain ng galit ang buong pagkatao niya.

"Ipapadala ko kaagad sa 'yo. Ano pa ang kailangan niyo?" tanong ni Kuya Julio sa akin ng tawagan ko siya para humingi ng tulong.

"Ayos na po 'yon," sagot ko.

Narinig kong may kasama siya sa kabilang linya. Babae, ito yata yung Vera.

"Who's that?"

"Pinsan ko, Si Ahtisia..." sagot ni Kuya Julio dito.

"Si Ahtisia? Anak ni Ursula? Yung nang-aapi kay Alihilani...what's wrong with that bitch?" tanong ng babaeng kasama niya.

Hindi na ako nasaktan sa mga ganoong klaseng salita. Naiintindihan ko naman, bestfriend niya si Ate Alihilani kaya galit din siya sa akin.

Gamit ang perang nahiram ko kay Kuya Julio, binayaran ko ang ilang utang naming ni Mommy. Hinati ko 'yon para lang mabayaran ang iba't ibang naniningil sa amin.

"We need to talk to Atheena Salvador. Siya ang gusto naming maka-usap."

I told them na hindi kaya ni Mommy na harapin silang lahat ngayon. She's not in a good state of mind.

"Please give us more time..." paki-usap ko sa lahat ng naka-usap ko.

Some of them ay na-iintindihan 'yon. Pero ang iba ay hindi.

"Palugit nanaman?"

"Sabihin mo kay Atheena hindi kami takot sa kanya, siya ang matakot sa amin," banta niya.

I told Mommy about it, pero kagaya ng inaasahan ko, siya nanaman daw ang bahala.

"Hindi ko kayo idadamay dito. Nakakahiya naman...just leave it to me," tamad na sagot niya sa akin.

Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang sitwasyon namin. Hindi ako natatakot sa epekto nito sa akin, natatakot ako sa epekto nito kay Hartemis.

"J-just the small one," sabi ko turo sa maliit na box ng gatas.

Minsan naiisip kong sundin na lang si Mommy, magpakasal na lang ako kay Everette, para matapos na ang lahat ng problema namin. Bahala na.

"Wala din akong tiwala sa kanya," pagkausap ko kay Hartemis.

I'm feeding her habang magkatabi kami sa kama.

Bahala na kung anong mangyari sa akin after kong magpakasal sa kanya. But how about my baby? Anong klaseng buhay ang ibibigay no'n kay Hartemis. One wrong move ay siya ang ma-aapektuhan.

Hindi nga niya natanggap si Hugo as his adopted son kahit gaano niya kamahal si Aster Medrano. How sure na matatanggap niya si Hartemis just because he's attracted to me.

Wala akong tulog ng pumasok ako sa trabaho ng sumunod na araw. Halos titigan ko ang laptop ko kahit gusto kong maging productive.

"You know him? Ang gwapo talaga in person, sa magazine ko lang siya nakikita," rinig kong pag-uusap ng mga kasama ko.

Buti naman at hindi na ako ang topic nila.

"Yung older brother taken na ata...nakita mo yung bagong issue ng brides' magazine? 'Yon daw yung girlfriend. Alihilani daw ang panagalan..." sabi pa nila kaya naman nakuha na nila ang atensyon ko.

Parang bigla akong nagising sa mga narinig ko. Matapos 'yon ay ini-stalk ko sa social media ang mga pangalang nabanggit nila.

Nakita ko ang lahat sa social media ng kaibigan niyang si Chelsea Lopez. Kaibigan na din pala ni Ate si Attorney Thomas Dela Vega na may-ari ng The Vega's.

She looks so happy, living her best life. Yung buhay na ipinagkait namin sa kanya ni Mommy noong hindi siya natuloy sa pag-aaral dito sa Manila ay nararanasan na niya ngayon.

Ipinatawag kami sa conference room para sa isang urgent meeting. Wala pa din ako sa sarili habang iniisip ang buhay na mayroon ngayon si Ate, she deserves it. Pero yung buhay na meron ako ngayon...deserve ko ba 'to?

"Our new investor...new member of the board, Engr. Hundson Terron Jimenez," pagpapakilala sa kanya.

Nag-angat kaagad ako ng tingin dahil sa gulat. Blankong tingin niyan kaagad ang sumalubong sa akin. Anong ginagawa niya dito?

Habang nasa meeting ay panay ang tanggap ko ng message mula sa pinagkakautangan ni Mommy. One of them ay investigator niya na hindi niya nabayaran. Bayolente siya, even his words. Wala tuloy sa meeting ang focus ko.

"We will divide our Engineers for the upcoming projects. One group will be led by Engr. Jimenez himself," anunsyo ng head Engineer namin.

Narinig ko kaagad ang bulungan ng iba naming kasama na gusto nilang mapunta sa grupo ng Jimenez na 'yon.

Isa-isang sinabi ang mga Engr. Na magwo-work under his group. Wala naman sa akin 'yon, mas takot nga ako na mabanggit ang pangalan ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako mapabilang sa grupo niya.

"The rest will be under Engr. Razon's group," anunsyo nila kaya naman nilingon ko si Engr. Razon na nakatingin na kaagad sa akin.

Kinindatan niya ako kaya naman wala sa sarili akong napa-irap sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pero napunta naman ang tingin ko kay Hunter na matalim ang tingin sa akin at sa katabi ko. Inirapan ko din siya, sino ba siya?

"I'll have a request," sabi niya kaya naman natahimik ang lahat.

"Anything, Engr. Jimenez."

Napa-irap na lang ako sa kawalan. Kung bigyan siya ng atensyon ng lahat ay akala mo hari siya.

"I want Engr. Salvador in my group," he said kaya naman nagulat ako, tumalim kaagad ang tingin ko sa kanya.

"She's mine already," giit ni Engr. Razon.

Mas lalong tumalim ang tingin ni Hunter sa kanya.

"I want her in my group," pinal na sabi ni Hunter na para bang 'yon ang batas.

Magpo-protesta pa sana ang katabi ko pero pinigilan na siya. Ngumisi si Hunter habang nakatingin sa katabi ko ng sabihing ililipat ako sa kanila.

"Mine," he said na para bang nanalo siya.

Matapos ang meeting ay umalis kaagad ako doon. Hindi pa man ako nakakalayo ay may humila na kaagad sa braso ko, nagpumiglas ako ng makita ko kung sino ang gumawa no'n.

"Bitawan mo nga ako!"

Hindi siya nakinig, hinila niya ako at dinala papunta sa may fire exit.

"Ano bang kailangan mo?" asik ko sa kanya ng bitawan niya na ako.

"Ang Mommy mo ang may gawa ng set-up sa amin ni Alihilani," akusa niya na ikinagulat ko.

"Hindi 'yan totoo!" giit ko.

"Kailan kayo titigil?" tanong niya sa akin.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

"Lahat na lang ba ng problema sa pamilya niyo ay kami ang may gawa? Hindi mo ba naisip na baka karma mo 'yan?" tanong ko sa kanya, pilit na pinapatapang ang boses ko.

"Anong koneksyon ng Mommy mo kay Yesha Jimenez?" tanong niya na ikinagulat ko.

"S-Sino?"

Sandali siyang tumingin sa akin, hanggang sa pagak siyang tumawa.

"Wag ka ng magmaang-maangan," Akusa niya.

Habang nakikipagsukatan ako ng tingin kay Hunter ay muli ko nanamang nakita ang mukha ng baby ko sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. Nawalan ako ng lakas, wala sa sarili akong napakapit sa suot niyang damit, nakita ko ang pagbaba ng tingin niya doon. Halos malukot ang parte ng damit niyang hawak ko dahil sa higpit.

"Hindi na ako magpapaliwanag...hindi ka din naman maniniwala," pagsuko ko.

Nanatili akong nakayuko habang umiiyak, ramdam ko ang tingin ni Hunter sa akin.

"Tigilan niyo na ang pakikipag-ugnayan kay Yesha...hindi niyo pa siya kilala, delikado siya," sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko, ni hindi ko nga kilala ang pangalang sinasabi niya.

Tiningala ko siya, nanlalabo ang tingin ko dahil sa luha, mas lalong humigpit ang kapit ko sa damit niya dahil sa panghihina.

Miss na miss ko na ang baby ko, muling bumalik ang lahat ng sakit. Kamukhang kamukha niya si Hunter.

"Hermes..." tawag ko sa kanya bago ako tuluyang manghina at dumilim ang lahat.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro