Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Volleyball





I unblocked and follow back Ahtisia the moment I had my phone back. Nagtagal sandali ang tingin ko sa instagram feed niya. I wanted to hit the message button pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Sus," inis na sambit ni Isabella nang makarinig kami ng bulungan from girls sa kabilang table.

They smiled at me the moment my gazed turned to them. I smiled back, masaya ako ngayon dahil sa pag-unblocked ni Ahtisia sa akin kaya naman everyone can have my smile for today.

Nawala ang ngiti ko ng ibato ni Isabella ang pencil case niya sa akin. Mabuti na lang at alerto ako kaya naman nasalo ko kaagad 'yon bago pa man tumama sa mukha ko.

"Ang landi mo," asik niya sa akin at pinanlakihan pa ako ng mata.

Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa katabi niyang si Sovannah na tahimik na nagbabas ang libro niya na para bang wala siyang pakialam sa paligid niya.

"I just smiled back," laban ko pero inirapan niya lang ako.

Walang makakapagbago ng mood ko ngayon. Ahtisia's follow request made my day.

I'm busy preparing for the last term, ganoon din sina Isabella and Sovannah, but Sov needs to double her preparation lalo na't kasali siya sa University pageant.

"May exam ka tomorrow, pwede naman akong pagpa-drive sa driver namin," sabi niya sa akin.

Nasa labas na ako ng bahay nila dala ang Rover para mging driver niya for today. She needs to prepare sa pageant lalo na't ilang araw na lang. Mangyayari 'yon ilang days before our final exam pagkatapos ay summer break na.

"Andito na ako. I can be your driver for today," sabi ko at nag-taas pa ng kilay sa kanya.

Sinimangutan niya ako kaya naman napangisi ako. Mas lalong gumaganda pag sumisimangot.

Sanay din naman kami ni Sov na kaming dalawa lang ang lumalabas lalo na kung abala si Isabella sa ibang bagay lalo na sa mga date nila ni Kuya Hob.

"May mga bibilhin lang akong ibang gamit then sa salon na," she said habang nasa byahe kami.

Nilingon ko siya at nakita kong may hawak siyang maliit na notebook kung saan nakalista lahat ng kailangan niyang gawin.

"Magpapagupit ka?" tanong ko.

Inirapan niya ako. "Tatambay lang sa salon," mapanuyang sagot niya sa akin kaya naman mahina akong napamura. Barado ka nanaman, Hundson.

Nakasunod lang ako sa Sov while she'e busy with her shopping galore. Ako na din ang ginawa niyang taga bitbit ng mga pinamili niya and I don't mind.

Nasa fitting room siya kaya naman inilabas ko ang phone ko. Unang bungad sa story and account ni Ahtisia kaya naman walang pagdadalawang isip kong binuksan 'yon.

Napangiti ako nang makita kong it's a picture ng ballet shoes niya. The next story ay picture ng paborito niyang frappe and looks like nasa isang cafe siya.

I hit the reply button and asked her kung saan 'yon. Na-seen niya kaagad ang message ko. She was typing pero hanggang doon lang 'yon. Napapakagat ako sa aking pang-ibabang labi while waiting na mag pop-up ang message niya pero wala.

Nag-angat ako ng tingi nang lumabas si Sov sa dresing room. Halos mapako ang tingin ko sa kanya dahil sa suot niyang dress. Bagay 'yon sa kanya at mas lalo siyang gumanda.

"Sa tingin mo?" tanong niya sa akin.

"Bagay sa'yo. Mas lalo kang gumanda," puri ko sa kanya.

Nginusuan niya ako at inirapan. "Sa lahat na lang," puna niya sa akin kaya naman napangisi ako.

"Anong magagawa ko? Bagay naman talaga sayo lahat ng I-sukat mo," laban ko sa kanya kaya naman hindi na siya umimik pa at tinalikuran na ako.

Bumalik ang tingin ko sa phone ko at halos mabitawan ko 'yon nang makita kong may reply na si Ahtisia sa akin.

"Cafe sa labas ng subdivision namin" Sagot niya sa akin.

Mabilis akong nag-reply.

"Busy with your graduation?" tanong ko.

Highschool graduation na nila kaya naman next school year ay college na din siya. I wonder kung anong course ang kukunin niya at kung saang university siya papasok. I hope sa university namin since halos lahat naman ng graduation sa school namin nung highschool ay dito pumasok ng college.

Napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi dahil sa tipid ng reply niya sa akin. Too cute.

"Yup"

After mag-shopping ni Sov ay dumiretso na kami sa salon kung saan siya magpapagupit. Kasama 'yon sa preparation niya for the pageant. Naramdaman ko kaagad ang pagod dahil sa paglalakad namin at halos libutin namin ang buong mall.

Tahimik akong nakaitingin sa may salamin while waiting for her hair done. Halos ilang oras din ang tinagal non hanggang sa sabihin na tapos na.

Napatitig ako kay Sov dahil sa bagong ayos niya. Kung maganda siya kanina ay mas lalo siyang gumanda ngayon.

"Bagay ba?" tanong niya sa akin. She looks hesitant at first kung bagay ba sa kanya ang bagong ayos ng buhok niya.

"Parang wala namang nagbago," pang-aasar ko sa kanya.

Bigla akong nahiyang sabihin sa kanya na mas lalo siyang gumanda. Masyado na akong kota ngayong buong araw.

"Siraulo," she said kaya naman natawa na lang ako.

Inunahan ko siya sa cashier para ako na ang magbayad ng bill niya. Nagkapilitan pa kami habang nasa harapan ng counter kaya naman napapangiti na lang ang mga taong nakakakita sa amin.

"Treat ko na 'to sa'yo," sabi ko sa kanya.

I even gave a huge amount of tip sa umayos ng buhok niya.

"Wala pang pageant pero may nanalo na," pang-aasar ko sa kanya kaya naman kanina pa halos sumabog ang mukha niya dahil sa pamumula.

Hinatid ko si Sov sa kanila after naming pumunta sa mall. Naka-received din ako ng message galing sa mga pinsan ko sa group chat namin na nasa bahay sila and hinahanap nila ako.

"Bakit?" tanong ko nang hindi na sila nakapagpigil at tinawagan na talaga ako.

"Miss ka na namin, Hunter..." si Piero ang tumawag gamit ang phone ni Kuya kaya naman napa-irap ako.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko kaagad dahil alam ko naman na hindi siya tatawag sa akin para lang sabihin na miss niya na ako.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Bili ka ng foods, gutom na kami...maawa ka naman," diretsahang sabi ni Piero kaya naman kaagad ko siyang minura.

"Parang awa mo na, Hunter..." dugtong pa niya kaya naman narinig ko na din ang tawa ni Kuya Hob mula sa kabilang linya.

Imbes na dumiretso sa pag-uwi ay dumaan na muna ako ng drive thru para bumili ng pagkaing order nila. Halos salubungin ako ni Piero pag-uwi ko sa amin na para bang galing akong airport at ilang taon kaming hindi nagkita.

"Makaka bawi din ako sa'yo sa susunod, Hunter," sabi pa niya sa akin kahit alam kong sulat sa tubig 'yon.

Halos umapoy si Jasper at ang grupo niya sa talim at sama ng tingin ko sa tuwing naririnig ko ang sigaw nila paglumalabas si Sovannah sa stage. Nung una ay natahimik siya nang makita ang sama ng tingin ko pero kalaunan ay sumabay na din ang crowd kaya naman wala na akong nagawa.

"Go, Sov!" sigaw ni Isabella nang lumabas ang pinsan niya para sa evening gown competition.

Napapalakpak ako, pero hanggang doon lang dahil hindi ko din maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya sa 'taas ng stage. Aminado naman akong maganda ang kaibigan ko pero mas lalo kong na-a-appreciate lalo na sa mga pagkakataong ganito.

"Ang ganda niya!" kinikilig na sabi ni Isabella.

Kaagad akong tumango. Hindi ko itatanggi.

Dahil sa naisip ay mas lalong sumama ang tingin ko sa grupo nina Jasper. Halos ma-ikuyom ko ang kamao ko dahil sa mga sigawan nila.

Muling bumalik ang tingin ko sa stage kung saan naglalakas si Sov. Mas lalong bumagay sa presencya niya nang sumabay ang instrumental ng kantang Heaven by your sideng A1. Sa suot na puting long gown ni Sov ay parang literal siyang anghel na nahulog mula sa langit.

Nagtama ang tingin naming dalawa kaya naman nginitian ko siya. May kung anong naramdaman ako nang ngumiti siya pabalik sa akin. Damn.

After the whole pageant proper, the question and answer portion ay si Sovannah ang nanalo bilang bagong Miss University para sa school year na'to.

Hindi kaagad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan hanggang sa si Isabella na mismo ang humila sa akin para lang malapitan namin si Sov. Nandoon na ang parents niya kasama niya pagkalapit namin sa kanya.

Sinama nila ako sa family picture nila habang si Isabella ang kumuha ng litrato namin. Napapagitnaan kami ng parents niya habang may hawak siyang bulaklak at nakasuot ang korona sa kanya.

"You did great," puri ko sa kanya.

Nakita ko kung paano mas lalong pumula ang pisngi niya bago siya nag-iwas ng tingin sa akin. Aalis na sana siya sa tabi ko nang pigilan siya ng pinsan.

"Kayong dalawa!" sabi niya sa amin.

Ayaw sana ni Sov kaya naman kaagad kong hinawakan ang bewang niya para hindi siya maka-alis sa tabi ko.

Matapos ang picture taking ay inimbitahan kami nina Tito at Tita na kumain sa labas para I-celebrate ang pagkapanol ni Sov. Hindi naman na ako tumanggi dahil hindi naman na iba ang pamilya ni Sov sa amin.

"Baka may boyfriend na, hindi lang nagsasabi sa atin," sabi ni Tita bago tumingin sa akin.

"Mommy, wala pa po," laban ni Sov dito.

Tumikhim si Tito at tumingin sa akin. "Walang problema sa akin kung magpapaalam ng maayos," seryosong sabi ni Tito habang naka-tingin sa akin.

Parang bigla akong nahirapan na lunukin ang kinakain ko. Ngumisi si Isabella na nasa tabi ko kaya naman nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Naging abala kaming lahat para sa natitirang araw ng last sem namin bilang freshmen. Parang kailan lang ay kakapasok lang namin sa University pero ngayon ay maghahanda na kami para sa second year.

"Saan ka?" tanong ni Kuya Hob sa akin pagkapasok namin sa The Vega's. Isang high-end bar na pagmamay-ari nina Thomas Dela Vega.

Tinuro ko sa kanya ang second floor kung nasaan ang mga classmates ko. Tumango si Kuya ay pumunta din sa kung saan.

"Hunter!" sigaw nila nang makita ako. Inabutan kaagad nila ako ng alak kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tanggapin 'yon.

"Balita ko maraming magagandang freshmen," rinig kong pag-uusap ng mga kaibigan ko.

"Magkaka-girlfriend na next month," kantyaw pa nila kaya naman napangisi na lang ako at napa-iling.

Masyado silang na-bored kaya naman nagkaroon ng truth or dare. Kung ano-ano ang itinatanong nila kaya naman nang mapunta sa akin ang usapan ay dare ang pinili ko.

"Unang babaeng dumaan dito na type mo...halikan mo," utos nila sa akin kaya naman minura ko sila at natawa na lang.

"Gago, baka masampal pa si Hunter," sabi ng isa sa kanila.

Lumagok ako ng isa pang baso ng alak. Hindi naman ako tatakbo sa dare nila dahil hindi ko naman ugaling tumakbo sa mga responsibilidad ko.

"Si Hunter masasampal? Eh halos mag-away away nga yung grupo nila Janelle dahil sa halikan nila."

Sabay sabay kaming naghintay ng babae na dadaan sa table namin na pasok sa tipo ko.

"Hindi pa din?" gulat na tanong nila ng dumaan ang pang-limang babae pero hindi ako tumayo para halikan.

"Aabutin tayo ng umaga. Bagong dare, halikan mo yung susunod na dadaan!" utos nila sa akin at hinila pa ako patayo para makapaghanda na.

Napangisi na lamang ako, pero nawala ang ngisi ko ng makita ko kung sino ang sumunod na babaeng nagpakita sa amin.

Itim na itim ang mahaba niyang buhok na medyo kulot ang dulo, nakasuot din siya ng itim na spaghetti strap dress at kita ko ang tingin niya sa akin bago siya nag-iwas.

Kumunot ang noo ko, anong ginagawa niya dito? It's not that hindi siya pwede sa lugar na'to pero hindi ko inakala na sa lugar na ganito ulit kami magkikita na dalawa.

Nakita ko ang pagbabago ng lakad niya, sinubukan pa sana niyang umiwas pero kaagad kong kinain ang pagitan naming dalawa at humarang sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Napansin ko ang pagkatuliro niya at ang hirap sa pagsagot, pero mas lalo siyang nagulat nang hapitin ko ang bewang niya para ilapit siya lalo sa akin.

"H-Hunter..." gulat na tawag niya sa akin.

"Can I kiss you?" tanong ko.

"Huh? Uhm..." halos tumulis ang nguso niya kaya naman hindi ko na naalis ang tingin ko sa labi niya.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at kaagad na siyang siniil ng halik. Halos gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa ginagawa ko, nag-aalala akong baka matakot siya sa akin dahil sa bilis ng pangyayari.

Pero halos sumabog ang ulo ko sa gulat ng maramdaman ko ang paghalik niya sa akin pabalik. Sinusuklian niya ang halik na ginagawa ko sa kanya kaya naman mas lalo kong pinalalim ang halik naming dalawa.

Naghiyawan ang mga kaibigan ko kaya naman si Ahtisia na ang unag bumitaw sa halik namin. Tangina. I might lose the chance.

"Uhm...aalis na ako," paalam niya sa akin kaya naman hindi ako pumayag. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa parking space.

"Dito..." turo ko at hinawakan ko ang kamay niya para dalhin siya kung nasaan ang sasakyan ko.

"U-uwi na ako," pigil niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

Pagkalapit sa Rover ay kaagad kong inilabas ang jacket ko sa may backseat at isinuot 'yon sa kanya.

Pumayag si Ahtisia na magstay muna sa loob ng sasakyan ko kasama ako. Kahit papaano ay nawala ang takot ko na baka natakot siya sa pagiging mabilis ko.

"Sinong kasama mo?" tanong ko.

"A-ate ko..." sagot niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "May Ate ka?"

Marahan siyang tumango. "Step sister," sagot niya sa akin kaya naman tumango ako. I would love to know more about her.

"Pinayagan kang pumunta dito o tumakas ka?" nakangising tanong ko sa kanya.

Kanina ko pa napapansin ang paglingon lingon niya sa kung saan na para bang may nagbabantay sa kanya. A body guard, I guess?.

Mas lalo akong napangisi ng makita ko ang pag nguso niya at pagyuko.

"Tumakas," pag-amin niya.

"Uhm...Naughty," sambit ko na kaagad ko din namang pinagsisihan dahil nilingon niya ako at sinamaan ng tingin.

Ito na ata ang pinakamahabang conversation na meron kami kaya naman hindi ko 'to sasayangin.

I asked her kung anong course niya at kung saan siyang university papasok.

"Really? Bukas na ang entrance exam ng Engineering," giit ko ng sabihin niya sa aking Engineering din ang course niya at sa University din namin siya papasok.

"Nag review ka na ba?" pang-aasar ko sa kanya.

I want to lighten the mood and our conversation. I want to break the wall between us.

"Hindi masyado," sagot niya sa akin. Atleast aminado.

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Ahtisia. Lately ko lang din napansin na kanina pa hindi maayos ang upo ko para lang makaharap ako sa kanya ng maayos.

I can't even forget the fact that she's a good kisser. First time ba niya 'yon or not? Parang gusto kong manakit kung hindi, sino ang unang nakahalik sa kanya? Ang gagong 'yon.

"Is it your first kiss? Am I your first kiss?" tanong ko kaagad. Bahala na, I want to know.

Mas lalo kong gustong magmura ng marahan siyang tumango sa akin. Tangina, Hunter...ikaw yung gago.

Nagpaalam din siya kaagad sa akin nang maka-received siya ng message mula sa Ate daw niya. I let her go kahit gusto ko pa siyang maka-usap dahil may exam pa siya bukas.

Hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon na humilig para halikan siya sa pisngi.

"Good luck kiss para bukas?" tanong ko na lang dahil baka masampal na ako.

Hindi na siya umimik pa at kaagad na bumaba sa sasakyan ko. Ni hindi man lang hinintay na pagbuksan ko siya. Mas lalo kong nakumpirma na may bodyguard nga siya ng ilang hakbang pa lang ang layo niya sa akin ay may sumalubong na sa kanya.

"Good morning, Kuya..." bati ko kay Kuya Hob ng sumunod na araw.

Hindi niya ako pinansin, nakasimangot pa din ito habang abala sa phone niya.

"Magkaway kayo ni Isabella?" tanong ko sa kanya.

Sila ni Isabella ang magkaaway pero damay ako?

"Sino yung kasama mo kagabi?" tanong niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

"Mga kaibigan ko," sagot ko sa kanya.

"Bukod sa kanila?" seryosong tanong niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. Si Ahtisia ba yung tinutukoy niya?

"Yung babae," dugtong niya.

"H-hindi ko kilala...sinong babae, madami 'yon," sabi ko na lang kahit ang totoo ay umuwi na din ako pagkatapos naming mag-usap ni Ahtisia.

Medyo badtrip si Kuya Hob sa akin ng sumunod na mga araw. Hinayaan ko na lang dahil baka nag-away nanaman sila ni Isabella at wala akong magagwa kundi ang madamay.

"Sophomores!" sigaw ng mga kaibigan ko sa first day ng klase namin ng sumunod na school year.

"Ang daming magagandang freshman," pag-uusap nilang dalawa.

Wala akong pinalagpas na pag-uusap nila. Ilang pangalan din ng mga kilalang nilang freshman ang narinig ko.

"May scandal video ka nanaman!" asik ni Isabella sa akin.

Halos hindi ko sila nakasama ng buong summer break dahil umuwi sila sa Zambales para doon magbakasyon.

Ngumisi ako kaya inirapan niya ako.

May kumalat na video nang paghahalikan namin ni Ahtisia sa bar. Mabuti na lang at likod ko lang din halos ang kita sa video na 'yon. I don't want to drag her sa mga ganuong klaseng video. I told my friends to put that down immediately kahit hindi naman kita ang mukha ni Ahtisia doon.

"Si Sov?" tanong ko kay Isabella.

Abala siya sa pag-aayos ng kneepad niya. Kasali si Isabella sa Volleyball varsity team ng University.

"Class," tipid na sagot niya sa akin.

Sinubukan kong hanapin si Ahtisia sa university sa first day ng klase pero hindi ko siya nakita. Hindi ko din alam kung nakapasa siya sa entrance exam since hindi naman siya active sa mga social media accounts niya.

"Mahilig daw sa matandang mayaman," rinig kong pag-uusap nina Isabella kasama ang ilang teammates niya habang nasa Cafeteria kami. Halos mag-iisang linggo na din simula ng mag-umpisa ang klase.

"Kakapasok lang. Gandang ganda nanaman yung mga varsity player."

"Baka hindi pumasa sa exam...mayaman ata kaya nakalusot," nakangising sabi pa ng isa.

"Sino?" tanong ni Isabella sa mga kasama bago sila parang mga bubuyog na nagchismisa. Girls.

After ng exam namin the next day ay dumiretso ako sa may outdoor court. Nasa indoor court sina Kuya Hob at nagba-basketball kaya naman nasa outdoor ang Volleyball practice.

Itinaas ko ang kamay ko kay Isabella para malaman niyang nandito na ako. Wala pa si Sov dahil may klase pa pero matatapos na din ilang minuto na lang. Umupo ako sa may bench, halos mapamura pa ng muntik kong hindi makita ang basang bahagi ng upuan kaya naman umusod ako.

"Tapos na kayong mag-warm up?" tanong ni Alyssa ang team captain. Halos first year ang nasa court dahil sa PE class nila.

Tumayo si Alyssa sa harapan ng mga nakaupong first year sa sahig para tawagin ang mga maglalaro. Tamad akong nanuod hanggang sa marinig ko ang pangalan na tinawag niya.

"Salvador, Ahtisia."

Halos dumikit sa kanya ang tingin ko ng tumayo siya. Hindi pa nga sana ako maniniwala na siya 'yon dahil sa pagbabago ng kulay ng buhok niya.

Kulay brown at may bangs pa. Nagtaas ako ng kilay ng makita kong nag-iba ang itsura niya...mas lalong gumanda.

"Yan ang suot mo?" tanong ni Alyssa sa kanya.

"Oo," sagot ni Ahtisia sa kanya sa hindi ko malamang tanong.

Hindi siya marunong mag volleyball base sa panunuod ko. Bilang lang sa mga freshmen ang marunong. That's ok, Baby. Kung sa ganda lang...ikaw ang MVP ko.

"Habulin niyo yung bola," giit ng isa sa mga basketball player.

Si Ahtisia ang pinagsasabihan nila ng hindi nito nasalo ang serve ng kabilang grupo.

"Ayaw malukot stan smith niya," kantyaw ng kung sino kaya naman pinagtawanan siya.

Sumama ang tingin ko sa kung sino ang nagsabi noon.

"Alam niyong magvo-volleyball tayo...hindi tayo rarampa dito," parinig ni Isabella. Damn.

Kita ko ang hiya ni Ahtisia dahil sa pagtawa ng mga classmates niya sa kanya. Gusto kong tumayo para sana lapitan siya pero baka mas lalo lang siyang mapansin pag umeksena pa ako.

Bumawi naman si Ahtisia sa sumunod na game. Natataman niya na ang bola yun nga lang ay hindi umaabot sa kabilang side. Dumating si Sov in the middle of the game.

Malaki ang ngiti niya sa akin. She was about to sit next to me nang kaagad ko siyang hinila palayo sa may basang upuan dahilan para halos mapakandong siya sa akin.

"Bwiset ka," sita niya sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa kanya nang marinig namin ang sigawan sa court.

"Sapul sa mukha," natatawang sabi ng ilan.

Halos mapatayo ako ng makita kong katatayo lang ni Ahtisia mula sa pagkaka-upo sa court habang hawak ang mukha niya. Nang makatayo ng maayos ay kaagad siyang tumakbo palayo doon.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro