Chapter 29
Hunt
Naramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod habang naglalakad ako palabas ng office niya. Maging ang panginginig ng aking kamay na may hawak na folder ay ganoon din. Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal dahil sa pinuntahan ng pag-uusap naming 'yon ni Hunter.
Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng office ko bago ako dumiretso sa aking table, doon ay hindi ko na napigilang manghina. Bumuhos na din ang aking mga luha.
Anong karapatan niyang alukin ako ng tulong ngayong ayos na ang lahat? Ang tulong na kailangan ko mula sa kanya ay matagal ng nabaon sa limot.
Kung kinailangan ko man ng tulong niya ay 'yon ang mga panahong nagmamaka-awa ako sa Diyos para ibalik si Hermes sa amin. Na kung baka tinanggap niya kagaad ay hindi 'to nawala sa akin. Baka alam ng baby ko na ayaw sa kanya ng Daddy nila kaya naman umalis na lang siya.
Muli akong kinain ng lungkot habang inaalala si Hermes. Nag-alok ng tulong si Hunter kung kailan hindi na namin siya kailangan. Sa kanya na lang ang tulong na 'yon, hinding hindi na ulit kami hihingi ng tulong sa kanya.
"Engr. Salvador."
Nag-angat ako ng tingin nang kumatok siya sa pintuan ng office ko. Na-ikuyom ko ang aking kamao. Sumama ang tingin ko sa pintuan kahit alam kong hindi naman siya makakapasok dahil sa pagkaka-lock ng pintuan ko.
Ilang katok pa ang ginawa niya, hanggang sa huminahon 'yon.
"Ahtisia..." tawag niya mula sa likod ng pintuan.
Mas lalo akong napapikit ng mariin ng maramdaman ko kung gaano ka-mahinahon ang boses niya ng banggitin niya ang pangalan ko.
Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay kaya naman narinig ko ang pakikipag-usap niya mula sa labas.
"Umuwi na ba si Engr. Ahtisia?" tanong niya sa kung sino sa labas.
Hindi ko narinig ang sagot ng kausap niya kaya naman napa-irap na lang ako sa may pintuan. Mula sa uwang sa ilalim ng pinto ay nakita kong nawala ang anino niya.
Pinawi ko ang luha sa aking mga mata. Pinakalma ko ang aking sarili bago ako tumayo at inayos ang mga gamit ko para maka-uwi na. Balak kong dumaan muna kay Hermes bago ako dumiretso pa-uwi.
Tahimik at wala ng kata-tao sa second floor nang bumaba ako. Nag-aagaw na din ang liwanag at dilim. Diretso ang lakad ko papunta sa parking space.
"Ano pang ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya nang makita ko siyang lumabas sa kanyang sasakyan.
Kagaya ko ay wala ding emosyon ang mukha niya, diretso ang tingin at lakad niya papunta sa akin kaya naman halos mag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, imbes na dumiretso sa aking sasakyan ay napahinto pa tuloy ako.
"What's with you, huh?" tanong niya.
Nilabanan ko ang talim ng tingin niya. Hindi ako papayag na magpakain nanaman ako sa emosyon ko lalo na't nasa harapan ko siya.
"I don't know what you're talking about Engr. Jimenez," patay malisya na sabi ko.
Napangisi siya. "You sound too formal this time, huh," mapanuyang sabi niya sa akin.
Nagtaas din ako ng kilay. Pagak akong natawa.
"Na-hurt ba ego mo kasi sinabihan kitang go to hell? My goodness, that's just an expression...para lang 'yang gago ka sa tagalog," nakangising sabi ko sa kanya kaya naman lalong nalukot ang kanyang mukha.
Umigting ang panga ni Hunter. Hindi niya malaman kung lalapit siya sa akin o ano.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko.
Tiningnan lang niya ako, nakita ko nanaman ang pagpinta ng gulat sa kanyang mukha dahil sa mga sinasabi at ipinapakita ko.
Hindi na siya nakapagsalita pa kaya naman inirapan ko siya at dumiretso na ako sa sasakyan ko. Kahit nakatalikod na ako sa kanya ay ramdam ko pa din ang panunuod niya sa bawat galaw ko.
Sumakay ako ng sasakyan na hindi man lang siya nilingon at hindi man lang nagpaalam sa kanya. Sino ba siya?
Nakita ko din ang pagsakay niya sa kanyang sasakyan, naging mabilis ang galaw niya na palabas pa lang ako sa site ay nasa likod na kaagad ng sasakyan ko ang sasakyan niya. Kinabahan pa ako nung una, hindi ako makakapunta kay Hermes kung kasunod ko si Hunter.
Pagdating sa intersection ay nasilaw pa ako ng pailawin niya ang headlight ng sasakyan niya bago kami naghiwalay ng daan. Doon lang ako nakahinga ng maluwag, at dumiretso papunta ay Hermes.
Halos ilang oras ako naka-upo sa puntod ni Hunter. Marami akong kwento sa kanya, habang ginagawa ko 'yon ay hindi ko din talaga mapigilang ma-iyak. I miss him so bad, kung pwede lang talaga na mabalik siya sa akin, gagawin ko ang lahat para makabalik siya. Pero alam kong wala na akong magagawa.
"I'm sorry kung ngayon lang nakadalaw si Mommy. May work na kasi ako...gagawa kami ng mall," kwento ko sa kanya.
Kinakausap ko si Hermes kung paano ako magkwento din kay Hartemis. Ang dami kong kwento sa kanya, pero wala akong lakas ng loob na i-kwento sa kanya ang tungkol kay Hunter.
Baka lalo lang masaktan ang baby ko pag nalaman niyang kung kailan siya nawala ay tsaka naman kami nagkita ng Daddy niya.
"K-kung nagkaroon ako nang pagkakataon..." pagu-umpisa ko habang marahang hinahaplos ang naka-ukit niyang pangalan.
"Ipapakilala kita...kahit galit na galit ako sa kanya noong mga panahon na 'yon, ipapakilala kita. Kasi deserve mong kilalaning anak niya...hindi ko 'yon pagkakait sa inyo ni Hartemis," sabi ko.
"Alam kasi ni Mommy kung ano yung pakiramdam...masakit. Ayokong maramdaman niyo 'yon ng kapatid mo"
Nahirapan akong magpaalam kay Hermes. Kung pwede lang na wag na lang akong umalis sa tabi niya, kung pwede lang na dalhin ko siya hanggang sa pag-uwi ko.
"Uwi na tayo kay Hartemis, anak. Uwi na tayo," umiiyak na sabi ko sa kanya.
Kung saan ganoon kadali, kung saan pwede.
Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na nawala ang baby ko. Hindi ko ata kailanman matatanggap 'yon.
Mahigpit na yakap ang isinalubong ko sa tulog na si Hartemis. Masarap na ang tulog niya habang nakahiga sa gitna ng aking kama. Napangiti ako ng makita kong napapalibutan siya ng unan para hindi mahulog, sobrang liit niyang tingnan sa gitna ng kama ko.
Ilang beses ko siyang hinalikan, paulit-ulit hanggang sa tumigil ako ng makita kong na-irita na siya at na-istorbo ko na ang tulog siya. Gamit ang likod ng maliit niyang kamay ay kinamot niya ang mata niya, dumilat siya at tumingin sa akin.
Pinagmasdan niya muna akong mabuti bago siya sumibi kaya naman inalo ko siya kagaad.
"Mommy's here. Nandito na si Mommy," sabi ko sa kanya.
Marahan kong pinalo ang pwet niya para pabalikin siya sa tulog. Umayos siya ng higa at humarap sa akin. Nakatulog ako ng gabing 'yon na magkayakap kami ng baby ko.
Kahit pa late na ako nakatulog ng gabing 'yon ay maaga pa din akong nagising. Ngayong araw ang schedule ni Hartemis para sa vaccine niya, I should be ready for this dahil para 'to sa baby ko.
"Kahit kami na lang ni Let. You should go to work, Ahtisia," Suway sa akin ni Mommy.
"It's her first vaccine, Mommy. Hindi pwedeng wala ako," giit ko.
Napa-irap na lang si Mommy at sumuko na kakapilit sa akin na pumasok ng maaga sa trabaho. May meeting kami ngayong umaga para sa paghahanda paluwas ng manila.
Sumama ako sa clinic para sa vaccine ni Hartemis. Awang-awa ako sa baby ko nang makita ko kung paano siya mamula dahil sa pag-inject sa kanya. Hindi lang isang beses 'yon kaya naman matapos 'yon ay kaagad ko siyang kinarga at niyakap.
Kahit pa tapos na ang vaccine ni Hartemis ay hindi ko kaagad siya iniwan hangga't hindi ko nasisigurado na ayos na siya.
Late na tuloy akong nakapunta sa site. Ang ibang engineer ay nauna nang bumbyahe papunta ng manila.
"Engr. Salvador," bungad ni Engr. Fontillian sa akin.
"Good morning," bati ko sa kanya.
Makikita ko si Sir Luke Jimenez doon kaya naman dadalhin ko na ang project proposal, I'll see if pwede na akong mag-direct sa kanya ng hindi na dumadaan sa Hunter na 'yon.
"You look pale. Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin ng pigilan niya ako sa pag-akyat sa second floor.
Bumaba ang tingin ko sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Mukhang napansin niya 'yon kaya naman mabilis niya ding tinanggal ang hawak niya sa akin.
"A-ayos lang ako," sagot ko sa kanya.
Nawala ang atensyon niya sa akin nang lingonin niya ang tao sa likuran ko.
"Engr. Jimenez, Good morning," bati ni Engr. Fontillian dito.
Umasa ako na si Hobbes Jimenez 'yon kaya naman lumingon ako kaagad. Sobra ang pagsisisi ko ng makita kong ang ibang Jimenez 'yon. Umagang umaga tuloy ay napa-irap ako sa kawalan.
Nakita ko nanaman ang gulat niya dahil sa naging reaksyon ko pero wala akong pakialam. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa kamay kong hinawakan ni Engr. Fontallian kanina.
"Hindi pa kayo aalis?" si Hobbes Jimenez na kababa lang din mula sa may second floor.
"Paalis na din, Engr. Ang kaso mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Engr. Salvador," sabi ni Engr. Fontallian dito.
Gusto kong suwayin siya at sabihing manahimik na lang siya. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Ganoon ba? Can you still drive papuntang manila?" tanong ni Hobbes Jimenez sa akin.
Tipid akong tumango sa kanya. "Yes," tipid na sagot ko din.
Hindi ko din alam kung bakit na-corner nila akong tatlo. Gusto ko lang namang kunin yung project proposal at umalis ng tahimik dito.
"May kukunin lang ako sa office," paalam ko sana sa kanila.
"Sumabay ka na sa akin. Don't drive, leave your car here," alok ni Hobbes.
Gusto ko sanang tumanggi, hindi naman kailangan. Wala naman dito si Ate Alihilani, pero na-isip kong kung tatangapin ko ang alok niya ay panigurado namang malalaman niya din 'to. This is a great opportunity for our plan.
"Sa amin na lang, Engr. Jimenez," alok naman ni Engr. Fonatallian.
Itinuro niya ang kulay itim na SUV. Ang sabi ay may kasabay din siyang ibang Engr. Nilingon 'yon ni Hobbes kaya naman kumunot ang noo niya bago bumaba ang tingin niya sa akin.
"Sa akin na lang," pinal na sabi niya dito.
Hindi na ako tumanggi pa. Ramdam ko ding baka hindi ko kayanin kung magd-drive pa ako papunta ng Manila.
"Pupunta din ako ng Manila," sabat ng isa pang Jimenez.
Wala namang nagtatanong.
"Sabi ni Tito Luke hindi ka naman kailangan doon. Stay here and look out sa operation," tamad na sabi ni Hobbes sa kanya bago niya tinalikuran ang kapatid.
Nilingon niya ako. "I'll wait for you sa sasakyan," sabi niya sa akin kaya naman tumango na ako.
Dumiretso ako sa second floor papunta sa office ko para kuhanin ang folder na kailangan ko. Pagkalabas ko ng office ay ganoon na lamang ang gulat ko ng makita kong palapit na si Hunter sa gawi ko.
"Sa akin mo dapat ipasa ang proposal bago ka dumiretso kay Tito Luke," seryosong sabi niya sa akin.
"No thanks. I'll ask Hob for help," laban ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang nagalit.
"Anong pinagka-iba ng pagtanggap mo sa tulong ko sa tulong ng Kuya ko?" tanong niya sa akin.
Nilabanan ko ang tingin niya sa akin. "Mas may tiwala ako kay Hobbes," sagot ko sa kanya habang diretso ang tingin ko sa mga mata niya.
I didn't mean that. Wala akong tiwala sa kahit na sino sa kanila. Wala na akong tiwala sa ibang tao. I just really like to hurt his ego.
Hindi nakapagsalita si Hunter. Para bang nabato siya sa kinatatayuan niya. Wala akong paki-alam, kahit magka-ugat pa siya doon.
Nilagpasan ko siya, walang lingon akong umalis doon. Dumiretso ako pababa, nakita kong naghihintay na ang Raptor ni Hobbes sa may bukana ng building at ako na lang ang hinihintay. Wala na din ang itim na SUV nina Engr. Fontillian.
Ilang hakbang na lang ang layo ko sa Raptor ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin.
"Ahtisia..." ma-awtoridad na tawag niya sa akin.
Nakataas ang isa kong kilay nang lingonin ko siya. "Engr. Salvador," pagtatama ko sa paraan ng pagtawag niya sa akin.
Hindi kami close para sa first name basis.
Sumakay ako sa Raptor ni Hobbes. Wala na akong paki-alam kung anong iisipin ni Hunter dahil sumama ako sa Kuya. Who cares with his opinion anyway?
Tahimik lang kami ni Hobbes habang nasa byahe. Hindi ko din naman siy kinakausap dahil abala din siya sa phone niya. Looks like he's texting Ate Alihilani about his whereabouts. Nag-iwas na lang ako ng tingin at inabala ang sarili ko sa dinaraanan namin.
Kung mag-uusap man kami ni Hobbes at mga tanong tungkol kay Ate Alihilani ang tinatanong niya, matapos 'yon ay more on tungkol sa trabaho na at sa pakay namin sa Manila.
Dumating kami sa companya nila sa tamang oras. Napatingala na lamang ako ng makita ko kung gaano kalaki 'yon. Hindi mapagkakailang mayaman talaga ang pamilya nila. Hindi basta basta.
Sinalubong kaagad ako ni Engr. Fontillian pagkadating namin sa venue. Kahit papaano ay magiging maayos naman ang trabaho ko dito dahil walang Hunter Jimenez na nasa paligid.
Maraming iba't ibang businessman ang nandoon, ang iba sa kanila ay pamilyar sa akin. Hindi ko naman kailangang makipag-usap sa kanila kaya naman nagpapasalamat ako sa presensya ni Engr. Fontillian.
Inanunsyo ang pagdating ni Sir Luke Jimenez kasama pa ang ibang matatandang Jimenez. Isang tingin pa lang sa kanila ay hindi mapagkaka-ilang sa kanila nakuha nina Hobbes at ng kapatid niya ang aura nila.
Para akong nanliit ng makita ko ang pagdating ng mga magulang ni Hunter. Madame Carol Jimenez looks very intimidating kahit pa nakangiti siya, o baka ako lang ang nakakaramdam no'n dahil kinakabahan ako. Bakit naman ako kakabahan?
Sa table naming umupo si Hobbes Jimenez, pagka-upo niya ay bumaba ang tingin ko sa phone niyang inilapag niya sa may taas ng lamesa. Umilaw sandali 'yon, nakita kong mukha ni Ate Alihilani ang wallpaper ng phone niya.
Binalot ako ng bitterness at inggit dahil sa nakita. Hindi tuloy ako makapag-focus sa nagsasalita sa harapan. Matapos magsalita ni Attorney Clark Jimenez sa harapan ay nagkaroon ng break. Tinawag ni Sir Sebastian Jimenez si Hobbes. Bumaba ang tingin ko sa naiwan niya phone.
Sa haba ng program at meeting ay halos mag-agaw na ang liwanag at dilim sa harapan. Ni kahit isa nga ata ay wala akong na-intindihan sa naging meeting na 'to.
Lumilipad ang isip ko sa kung saan, hindi ko na din alam.
Nakita ko din ang pagtawag ni Ate Alihilani sa kanya. May kung anong sumapi sa akin, alam kong mali ang gagawin ko, pero ako ang sumagot ng tawag niya at gumawa ng scenario. Walang ibang nasa isip ko kundi ang sirain ang relasyon nila. Masyado na akong kinain ng inggit.
Bakit kay Ate Alihilani? Bakit hindi ko maranasan yung kagaya ng natatanggap niyang pagmamahal galing kay Hobbes...at kay Daddy.
Isang beses na nagtama ang mga tingin namin ni Madame Carol Jimenez, nakita ko ang gulat s mukha niya nang makita niyang malapit ako sa anak niyang si Hobbes, matapos 'yon ay hindi na ulit niya ako tiningnan pa. Pakiramdam ko ay kahit matagal na 'yon ay naaalala pa din niya ako kasama si Evertte.
O baka masyado lang akong nag-iisip? Baka masyado ko lang binibigyan ng kahulugan ang mga bagay bagay. Maybe because I'm guilty.
"You're in a hurry?" tanong ko kay Hobbes habang nasa byahe kami pabalik ng Manila.
"May pangako ako kay Alihilani na uuwi ako kaagad," sagot niya sa akin.
Para akong naputulan ng dila dahil sa isinagot niya sa akin kaya naman hindi na ako nagsalita pa ulit.
Ibinaba niya ako sa site para kuhanin ang sasakyan ko. Matapos 'yon ay umuwi na din naman ako kaagad. Hindi man ako nakakuha ng sagot pa kay Sir Luke tungkol sa proposal ay ang mahalaga...hindi ko na kailangan pang dumaan kay Hunter.
Pinatawag ni Lolo si Mommy sa Manila the next day kaya naman I decided na wag na din munang pumasok sa site. Pwede ko namang gawin sa bahay ang mga hindi ko natapos, wala din namang mga importanteng meeting.
"Magjo-jogging lang ako, Ate Let," paalam ko sa babysitter ni Hartemis.
Bukod sa focus na din ulit ako sa pagba-ballet ko ay mas nagdouble time ako to be fit. Pag may time ay tumatakbo din ako. Maaga pa kaya naman wala pa masyadong tao sa kalsada, hindi pa din ma-init kaya naman hindi masakit ang sikat ng araw sa balat.
I'm wearing a black sports bra, a black cycling short, and a red jacket. I also paired it with my black high-cut converse run star hike.
Tinakbo ko ang papunta sa site, sa bahay ko gagawin ang trabaho at may kailangan akong kuhanin sa office ko. Abala ang mga trabahador sa mga ginagawa nila kaya naman iilan lang din ang nakapansin sa akin.
Diretso kaagad ang lakad ko paakyat ng second floor, wala akong balak na makipag-usap sa kahit na kanino. Mapayapa akong nakapasok sa office ko, hindi na ako nag-abala pang buksan ang aircon kaya naman nang makaramdam ng panlalagkit ay itinaas ko na lang ang buhok ko.
Hindi din naman ako natagal doon, lalo na't nakatanggap ako ng message mula kay Ate Let na gising na si Hartemis.
Saktong paglabas ko ng office ko ay ang pagbukas din ng pintuan sa kabila. Nakatalikod ako sa kanyang gawi at wala ng balak pang lingonin siya ng siya na mismo ang tumawag sa akin.
"Engr. Salvador."
Nilingon ko siya as a sign of being professional, kahit gusto ko siyang ituring na hangin ay wala akong magagawa, we work here as a team para sa project na 'to.
"Dumiretso ka kay Tito Luke nang hindi dumadaan sa akin?" tanong niya. Looks like he's upset.
"No. Kay Hobbes muna bago sa kanya," laban ko.
"I told you na sa akin muna dapat," giit niya.
"I told you na mas may tiwala ako sa kanya," giit ko din.
Umigting ang panga niya.
"Are we making this matter something personal?" tanong niya sa akin.
Nakaramdam ako ng kung ano, pero pinilit kong maging kalmado.
"No, Engr. Jimenez. I have goal. Kung ikaw lang ang hihintayin ko...wala akong mararating," paliwanag ko sa kanya in a very professional way.
Napabuntong hininga si Hunter.
"Look, Ahtisia..."
"Engr. Salvador," giit ko.
Hindi siya nakinig sa akin. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.
"C'mon, Ahtisia. Let's move on from what happened before..." he said.
Sandali akong natigilan hanggang sa matawa na lang ako.
Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi tawa.
"It's easy for you to say that" wala sa sariling sabi ko.
"Ano?" tanong niya. Hindi niya ata narinig.
"Sabi ko gago ka," seryosong sabi ko. Walang bahid ng kahit anong pagsisisi at pag-aalinlangan.
Marahan siyang tumango na para bang tatanggapin niya ang mga sasabihin ko.
"Nakaka-disappoint ka. Mabuti hindi ka niya nakilala," sabi ko tukoy kay Hermes.
How can he be a role model para sa baby boy ko kung ganitong klaseng lalaki siya?
"May conscience hunt you to death," madiing sabi ko.
Matapos kong sabihin 'yon ay mabilis ko siyang tinalikuran.
Mukhang kahit sa kabilang buhay ay hindi ko mapapatawad si Hunter.
Inabala ko ang sarili ko sa trabaho at pagbabantay kay Hartemis hanggang sa nakatanggap ako ng message mula kay Hugo. Hindi pa nga ako naniwala nung una nang sabihin niyang nandito siya sa Sta. Maria hanggang sa tawagin ako ng isa sa mga kasambahay para sabihing may bisita kami.
"Hugo!" tawag ko sa kanya.
Sa sobrang excitement ko ay halos tinakbo ko ang pagitan naming dalawa para lang mayakap siya.
Niyakap din niya ako pabalik, I miss him so much. Si Hugo ang masasabi kong naging totoo sa akin hanggang ngayon.
Kay Kuya Wil daw niya nakuha ang address namin dito sa Bulacan dahil gusto niya kaming i-surprise ni Hartemis.
Wala na akong sinayang na oras at kaagad kong ipinakilala sa kanya ang Baby ko.
"Ang ganda..." sabi kaagad ni Hugo nang i-abot ko sa kanya si Hartemis para ipakarga.
"Kamukha ko?" tanong ko.
Nginitian niya ako bago siya tumango. Pansin ko din ang malaking pagbabago sa katawan ni Hugo, mas lalo siyang naging makisig. Mukhang babad na din sa gym.
Na-ikwento ko sa kanya na halos nakakulong lang kami ni Hartemis sa bahay buong araw kaya naman niyaya niya kaming kumain sa labas. Hindi naman na ako tumanggi pa, sinadya talaga niya kami dito kahit sobrang hectic ng schedule niya.
Karga ko si Hartemis habang nasa passenger seat kami ng sasakyan ni Hugo. Napili naming sa isang Chinese restaurant kumain.
"Ako na," sabi niya sa akin nang pagbuksan niya kami ng pintuan pagkahinto ng sasakyan sa parking space ng kainan.
"Gusto ka niya, hindi siya umiiyak," sabi ko ng kumportableng lumipat si Hartemis kay Hugo.
Gising na gising ang baby ko. Mukhang alam niyang mamamasyal kami.
"After kumain puntahan natin si Hermes," sabi ni Hugo sa akin kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko.
Karga niya si Hartemis pero nagawa pa niyang hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami.
"Hosea Inigo," sabi ni Hugo para sa reservation, tumawag na siya bago pa man kami pumunta.
Habang abala siya sa pakikipag-usap dito ay kinuha ko na muna si Hartemis sa kanya. Malaki ang ngiti ko sa baby ko dahil mukhang nag-eenjoy din siya dahil nakalabas kami.
"You look it here?" tanong ko.
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng restaurant, hanggang sa nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang grupo ng ilang businessman...at isa sa kanila ay si Hunter.
Diretso ang tingin niya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kaagad kong itinago ang mukha ng baby ko sa leeg ko, he doesn't deserve it.
"Anong problema?" tanong ni Hugo dahil sa pananahimik ko.
Sinundan niya ang tingin ko ng hindi ko siya nasagot.
"Shit," sambit niya.
Kaagad niyang iniharang ang kabuuan niya para hindi na kami makita ni Hunter.
"Gusto mong lumipat sa ibang restaurant?" marahang tanong niya sa akin.
Kaagad akong tumango. Walang pagdadalawang isip sana kaming hihilahin ni Hugo palabas doon ng may makakilala sa kanya sa isa sa mga kasama ni Hunter.
"Mr. Medrano," tawag nito sa kanya.
Hindi na ito nakapagpigil pa at siya na mismo ang lumapit kay Hugo para maka-usap ito. Dahil sa ginawa ng lalaki ay nasa amin na tuloy ang atensyon ng mga kasama nila...lalo n ani Hunter.
"May ipapakilala ako sa'yo," sabi ng lalaking kausap ni Hugo.
Nilingon nito ang mga kasama at halos buhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko kung sino ang tinawag niya.
"Engr. Jimenez," tawag niya kay Hunter.
Nilingon ko si Hunter diretso ang tingin niya sa akin at walang pagdadalawang isip siyang tumayo at naglakad palapit sa amin. Humigpit ang yakap ko kay Hartemis, mas lalo kong itinago ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko din ang kamay ni Hugo sa bewang ko.
Saktong pagkalapit niya ay bigla na lang umiyak si Hartemis. Kaagad kong inalo ang baby ko pero hindi siy tumigil. Nakuha tuloy niya ang atensyon ni Hunter.
"Your daughter?" tanong ng kausap ni Hugo sa kanya.
Nalipat ang tingin ko kay Hunter dahil sa isinagot ni Hugo sa kausap.
"Yes." Walang pagtanggi.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro