Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Experience




Hindi nawala ang ngiti sa labi ko, nakita ko din kung paanong ang naka-simangot na mukha ni Hunter kanina ay mas lalong nalukot. Hindi ko na ulit siya binigyan pa ng pansin. Mabuti na lamang din at ang mga sumunod na tanong ng ibang kasama ay tungkol na sa trabaho.

I can't share more about my babies. Hindi ko naman sila itatanggi, never ko silang itatanggi. But I feel like...someone in the room doesn't deserve more information about them.

Nag-procede ang meeting after the break. Pansin ng lahat ang pagiging masungit ni Hunter. Halos kalabanin niya ang lahat ng suggestions ng mga kasama namin.

"What about...let's try to vote about it?" suggestion ng isa sa kanina pa niya kadiskusyon.

Sumang-ayon ang lahat. Lahat ng sang-ayon sa suggestion niya ay mag-taas daw ng kamay. Gumala ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto ng isa-isa silang na-taas, ang botong 'to ay salungat sa gusto ni Hunter.

Nag-taas ako ng kamay. This vote is not something personal...I believe in the decision of the majority.

Naramdaman ko ang pag-lingon ni Hunter sa akin, halos ako kasi ang huling nag-taas ng kamay. Hindi ko sinuklian 'yon. Not everything is about him, for goodness's sake!

"Thank you for today everyone," sabi ng isa sa mga kasama naming pagkatapos ng meeting.

Tumayo na din ako para ayusin ang mga gamit ko. Mabilis kong iniligpit ang dala kong ipad para hindi na ulit ako ma-iwan sa loob ng conference room.

"Yung mga may proposal...bring it to my office," seryosong sabi ni Hunter.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin kasabay nang paglingon ng katabi kong si Engr. Fontillian. Sa kanilang dalawa ay ang lingon ni Engr. Fontillian ang in-acknowledge ko.

"Ipasa mo na," nakangiting sabi niya sa akin.

I smiled back. No way!

"Next time," sagot ko sa kanya. Sapat lang ang lakas no'n para sa aming dalawa.

Naglakad na ako palabas ng conference room, napansin ko pa ang pananatili ng upo ni Hunter sa kinauupuan niya na para bang may hinihintay siya.

Saktong paglabas ko ng conference room ay nakita ko message mula kay Mommy. Tinatanong niya kung pwede niya akong tawagan. Ako na ang nag-video chat sa kanya.

"Mommy..." tawag ko pagkasagot niya ng tawag ko.

Iyak kaagad ni Hartemis ang narinig ko kaya naman nawala ang isip ko sa paligid ko, naka-tuon lahat 'yon sa umiiyak kong baby.

"Kanina pa umiiyak," mommy said kaya naman bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.

Rinig na rinig ang iyak niya. Nasasaktan ako habang naririnig ko 'yon. Gusto kong tumakbo kaagad pauwi para kargahin at halikan siya.

"Hartemis..." malambing na tawag ko.

"Baby, Mommy's here..." dugtong ko pa.

Inilapit ni Mommy ang phone sa kanya para marinig ako. Malambing kong kina-usap ang baby ko. Napangiti ako ng dahan dahan siyang tumahan.

"I told you. She just missed her mom," sabi ni Mommy kay Ate let sa kabilang linya.

Para bang kanina pa sila nag-iisip ng rason kung bakit umiiyak ang baby ko.

"I love you. I miss you too..." malambing na sabi ko pa, pa-ulit-ulit.

Gustuhin ko mang umuwi ay may kailangan pa akong tapusin na trabaho. I promised my self before na uunahin ko si Hartemis above anything else, pero kailangan ko ding tatagan ang loob ko. I'm doing this for her. I'm working for her...hindi pwedeng mahina ang loob.

Saktong pagbaba ko ng tawag ay ganoon na lamang ang gulat ako ng maramdaman kong may taong naglalakad sa aking likuran palapit sa aking gawi.

Kagaya kanina ay wala pa ding emosyon ang kanyang mukha. It brings horror down to my spine, thinking if narinig niya ang mga pag-uusap naming 'yon.

Hindi ko na hinintay pa na makalapit siya, tumalikod na kaagad ako para pumasok sa office ko na ilang hakbang na lang naman ang layo sa akin.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtapos ng blueprint. Napahawak na lamang ako sa leeg ko nang halos ma-ayos ko na ang lahat.

"Almost done..." pagka-usap ko sa sarili ko.

Iniligpit ko ang mga gamit ko at nag-ayos na para maka-uwi. Paglabas ng office ko ay nakita kong inaayos ang bakanteng kwarto sa katabi ko.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at umalis na. Malaki ang ngiti ko habang naglalakad pababa, kailangan din mag-ingat dahil under construction din ang baba ng lumang building.

"Good afternoon po, Engr. Salvador," bati sa akin ng ilang mga workers.

Ngumiti ako sa kanila pabalik, hindi kagaya ng unang araw ko. I can't stop my self from smiling. I'm too excited to go home, miss na miss ko na si Hartemis.

Narinig ko pa ang pag-aasaran nila dahil sa pagpansin ko sa bati nila.

"Nginitian ako," sabi ng isa. Hanggang sa pag-awayan nila kung sino sa kanila ang nginitian ko.

Abala si Mommy sa kausap sa phone pagka-uwi ko sa bahay. Nang malaman kong si Lolo Joaquin ang kausap niya ay hinayaan ko na lang. nasa tawag ang focus niya, hindi siya pwedeng istorbohin lalo na kung tungkol kay Lolo.

"Mommy's here!" malambing na sabi ko kay Hartemis.

Naligo kaagad ako, tiniis ko na hindi dumiretso sa kanya. Iniharap siya sa akin ni Ate Let. Napanguso ako ng makita kong bakas pa din sa mukha niya ang pag-iyak niya kanina.

Yumakap kaagad siya sa akin, isiniksi ang mukha sa leeg ko kaya naman paulit-ulit ko siyang hinalikan sa ulo. Kagaya ko ay kakatapos lang din niyang mag-palit ng damit.

"Sobrang bango ng baby ko," pagka-usap ko sa kanya.

Para bang kahit ilang beses ko siyang amuyin ay hindi na-uubos ang bango niya. She smells like powder and milk, it's so addicting.

Kinuha ko na siya kay Ate Let at dinala sa kwarto ko. Pipilitin kong wag magdala ng trabaho sa bahay para sa tuwing nandito ako ay nasa kanya ang focus ko.

Pagkapasok sa kwarto ay dumiretso ako sa may massage chair malapit sa bintana. Umupo ako doon at binuhat siya patayo, paharap sa akin.

Muli akong naging emosyonal bago ko pa man ma-kwento kay Hartemis ang nangyari sa office.

"I saw Kuya Hermes again..." sabi ko at pumiyok pa.

Na-aalala ko pa din kung paano ko nakita ang mukha ng baby ko sa mukha ni Hunter.

Nanlabo ang aking mga mata dahil sa luha. I don't know if it's a good thing na naaalala ko ang baby boy ko sa kanya o hindi dahil bumabalik lang ang sakit.

"I hate him so much pero I can't help myself...pakiramdam ni Mommy malapit lang si Kuya everytime I look at him," kwento ko sa baby ko.

"What should I do?" tanong ko sa kanya bago ko siya niyakap ng mahigpit.

Kinausap ko si Hartemis, nakatingin siya sa akin na para bang pinapakinggan niya ako. Gumagaan ang pakiramdam ko because of her presence. Of course, her presence is everything to me.

Karga ko si Hartemis sa mga bisig ko, hindi ko din magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Medyo malikot na ang mga mata niya, maging ang kamay at paa ay ganoon din.

Nag video call si Hugo when he asked me kung pwede siyang tumawag. Itinapat ko kaagad ang camera kay Hartemis kaya naman nag-baby talk siya.

"Bumalik na kayo ng Manila, kahit ilang araw lang...I want to meet her," he said.

Napanguso ako. "You want to meet her...ikaw ang pumunta dito," laban ko sa kanya kaya naman natawa siya.

"Baka mabigla ka nandyan na ako bukas," pang-aasar niya sa akin.

Inilipat ko ang phone camera sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata, "Do it, Hugo. Wag mo sabihin...do it!" sabi ko at inirapan pa siya kaya naman mas lalo siyang natawa.

"You are not my sweet Ahtisia anymore," sabi niya sa akin kaya naman natigilan din ako.

She's gone. I need to forget about her...she's too weak for this cruel world.

Tinapos ko ang tawag at nagpaalam na ng makita kong inaantok na si Hartemis. I miss Hugo too, pero may project din siya sa Manila kaya naman kahit gusto niyang pumunta dito sa amin ay puno pa ang schedule niya.

Gising ako halos buong magdamag, pass 12 midnight ay muling nagising si Hartemis at umiyak. Sobra ang naging pag-aalala ko kaya naman hindi na ako halos natulog. Naging maayos din naman siya bandang alas-kwatro ng madaling araw matapos ko siyang i-breastfeed at i-hele.

"She's fine now, Ahtisia. Wag mo kasing sinasanay na sa tuwing iiyak siya ay nandyan ka," pangaral sa akin ni Mommy.

Kinuha niya si Hartemis sa akin dahil kailangan ko ng mag-ayos para pumasok sa trabaho.

"Mommy, kaya ko naman po na mag-attend sa needs niya sa tuwing kailangan niya ako," giit ko. Maybe that's her as a mother. Pero iba naman ang way ko.

Inirapan niya ako. "You're doing her a favor. Mas magiging matapang ang bata habang lumalaki...let her have a sence of being patience and independent," paliwanag niya sa akin.

"But she's too young for that Mommy. Kailangan pa talaga ako ng baby ko..." giit ko.

"Ahtisia, wag mong igaya si Hartemis sa 'yo na mahina. Mararanasan din niya ang mga naranasan mo kung ngayon pa lang hindi mo na siya tuturuan na maging matapang," laban niya sa akin.

That hits me. Hindi an ako nakapag salita pa pagkatapos no'n. Of course, ayokong maranasan ng baby ko ang mga naranasan ko.

Kahit walang tulog at labag sa loob kong pumasok sa work that day ay pumasok ako. Ramdam ko ang pagiging lutang ko habang naglalakad ako. Uminom na din kaagad ako ng gamot dahil ramdam ko na ang pag-atake ng migrane ko dahil sa puyat.

I'm doing some finishing touch sa blueprint na ginagawa ko kahapon, medyo na-bothered lang ako sa ingay ng ginagawa sa kabilang kwarto.

Hindi ko kinaya, hindi ako makapag-concentrate kaya naman lumabas na ako.

"Matagal pa po ba 'yan?" tanong ko.

I might sound rude. Ano naman kasing aasahan kong katahimikan sa paligid, nasa construction kami.

"Pasencya na po, Engr...may inaayos lang po," sabi ng isa sa mga worker na na-abutan ko sa labas.

I hold back kaagad ng ma-realize kong ginagawa lang nila ang trabaho nila.

Tatango na sana ako at susuko na lang nang makita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ng kung sino sa aking gawi. Lakad pa lang alam ko na.

"May problema dito?" seryosong tanong niya, hindi ko alam kung para kanino.

Nanatili ang tingin ko sa worker na kausap ko kanina.

"Please make it fast. Nakaka-istorbo kasi," masungit na sabi ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo, "Sige po, Engineer...pasencya na po ulit," sabi niya sa akin. Bayolene akong napalunok because of guilt.

Ramdam ko ang tingin ni Hunter sa akin. Ano pang ginagawa niya dito?

"What's your problem with my office?" tanong niya sa akin.

"Istorbo," tipid na sagot ko.

Nagtaas siya ng kilay. Mula sa akin ay nilingon niya ang mga worker na kausap ko kanina.

"Mang Dado, take your time... pagpahinga din po kayo. Hindi kailangang madaliin," sabi niya sa mga 'to kaya naman na-ikuyom ko ang kamao ko.

Lalong umaatake ang migraine ko dahil sa kanya. Gusto kong magsalita, pero bigla akong nakaramdam ng hiya. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ako. Some of our workers are at age na, he's right...they should take their time. They need a rest din.

Nagmukha nanaman akong masama because of the situation. You the hell cares anyway? 'Yon naman ang gusto kong ipakita sa lahat.

"Engr. Salvador, Good morning!" bati sa akin ng kararating lang na si Engr. JC Fontallian.

Mula kay Hunter ay inilipat ko ang tingin ko sa kanya at matamis na ngumiti.

"Good morning, Engr. Fontallian," bati ko while I failed to greet the other Jimenez earlier.

Walang good sa morning kung siya ang makikita ko.

Halos hindi din siya napansin nito kaya naman parang bigla siyang naging hangin sa paligid. Tumikhim siya, nakita ko pa kung paano umigting ang panga niya bago siya galit na tumingin sa suot na wristwatch at tuluyang tumalikod para pumunta sa kung saan.

Kinausap ako nito tungkol sa proposal. Saktong nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng dumaan si Engr. Hobbes Jimenez. Tinawag siya ng kasama ko to discuss about the proposal, kumunot ang noo ko ng mapansin kong panay din ang tingin niya sa suot na wristwatch na para bang may hinahabol na oras.

"Lets' discuss it sa office ko. J-just a minute..." paalam niya sa amin bago niya kami tinalikuran.

"Girlfriend daw ni Engr. Jimenez yung tindera ng ulam sa baba...ipapakilala pa nga daw kay Madame Jimenez," kwento ni Engr. Fontallian sa akin.

Nagpaalam ako, may gut says na should run after him. Pakiramdam ko ay may kung ano, nasa baba nanaman si Ate Alihilani?

I confirmed everything ng makita kong nasa may ground floor silang tatlo. Sumama ang tingin ko sa babaeng kausap ng magkapatid na Jimenez. Why is everything's in favor with her?

Mas lalo akong nasaktan ng makita kong nakangiti si Hunter habang kausap siya. Na-inggit ako sa kung paano niya itrato 'to. Na-inggit ako lalo ng malaman ko ipapakilala siya ni Hobbes sa mga magulang nito.

Inggit na inggit ako kasi I deserve that too.

Nangilid ang luha sa aking mga mata, na-ikuyom ko ang aking kamao. Deserve nilang lahat ang galit ko. Tama si Mommy, inaagaw ni Ate Alihilani ang lahat ng dapat ay sa akin.

"Engr. Jimenez, Engr. Fontallian is looking for you," tawag ko kay Hobbes. Tsaka lang ako lumapit ng maka-alis na si Hunter.

"Ate Alihilani," nakangiting tawag ko sa kanya. Napangisi ako ng makita kong inirapan niya ako.

Come on, show me your true color.

"He needs you...now," pagpilit ko kay Engr. Jimenez. He looks bothered kaya naman madali siyang i-manipulate.

Lumaki ang ngiti ko ng napilit ko siyang sumama sa akin pabalik sa second floor. Wala naman talaga akong kailangan talaga, I just need to make Ate Alihilani feel na kaya ko din. I can get everyone's attention too kung gugustuhin ko.

Magkasama kaming pumasok ni Engr. Fontillian sa office ni Hobbes to discuss about the proposal. Tahimik lang ako, wala pa din sa aking sarili kaya naman ang kasama ko ang nagsasalita in my behalf.

Matapos kong gawin 'yon ay heto naman ako ngayon at kinakain ng guilt at halo-halong emosyon. Wala akong gusto kay Hobbes Jimenez, bakit ko naman gugustuhin ang taong magpapa-alala sa akin ng tungkol sa kapatid niya.

I just want to destroy their happiness. I just want to destroy them...dahil 'yon ang ginawa nila sa akin.

Naunang lumabas si Engr. Fontallian kaya naman na-iwan kami ni Hobbes sa office niya.

"I-I should go..." sabi ko.

"Are you ok?" tanong niya sa akin.

Sunod sunod na tango ang ginawa ko. Tumayo na ako para sana talikuran na siya at lumabas na ng maramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Are you sure?" tanong pa niya.

Siya pa mismo ang nagbukas ng office door niya hanggang sa lumabas na din siya ng marinig ang ingay mula sad ulo ng hall papunta sa office ko.

"Bakit ba kasi lilipat pa siya ng office?" tanong ni Hobbes sa kawalan.

"Magandang araw po!" bati ng ilang mga workers galing doon sa ginagawang office.

Tinanguan sila ni Hobbes kaya naman 'yon din ang ginawa ko. Dahil sa paglingon kong 'yon sa kanila ay muntik na akong ma-out of balance kaya naman sinubukan kong kumapit kay Hobbes.

Hindi ko gustong hawakan siya kaya naman naging haplos sa braso niya ang nangyari.

Nakita ko ang gulat niya, bumaba ang tingin niya sa braso.

"I'm sorry. Medyo nahilo lang," pa-umanhin ko.

"Ihahatid na kita pabalik sa office mo."

Tinanggihan ko ang alok niya. Hindi ko naman kailangang tanggapin 'yon dahil wala naman dito si Ate Alihilani. Hindi naman niya makikita 'to kaya hindi kailangan.

Nagawa pang kausapin ni Hob ang mga worker na gumagawa sa kabilang office. Papasok na sana ako ng ma-alala ko ang folder na may proposal sa office niya.

"Naiwan ko ang folder sa office mo," sabi ko sa kanya.

Wala akong nagawa kundi ang sumama ulit sa kanya pabalik. Saktong pagbalik naming ay nandoon na si Ate Alihilani sa loob.

Na-frustrate ako para kay Hobbes ng makita kong natapunan niya ng kape ang pinaghirapang blueprint nito. Hindi ko naman gawa 'yon pero alam ko kung gaano kahirap gawin kaya naman parang ako pa ang nakaramdam ng galit dahil sa nangyari.

"Ang hirap gawin nito...tapos tatapunan lang ng kape?"

Sa huli, pinaburan pa din ni Hobbes si Ate Alihilani. Ni hindi man lang siya nagalit dito kahit na kaonti kaya naman mas lalo akong na-inis.

"Hindi kasi siya Engineer kaya hindi niya alam," sabi ko. I don't want to degrade someone. Pero, I need to look evil, so I need to do this.

Sometimes, madaling panindigan na lang yung tingin ng ibang tao sa 'yo. No need to effort kasi 'yon ka na talaga sa paningin nila. Ang maging masama.

Dumokdok ako sa table ko pagkabalik ko sa office, mas lalong lumalala ang migraine ko. May meeting pa after lunch kaya naman kailangan kong maghanda.

Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto, si Mommy 'yon at hindi man lang kumatok.

"What happened?" tanong niya.

Nagulat ako dahil sa bigla niyang pagpunta. I even asked her about Hartemis. Ang sabi niya sa akin ay kinausap niya si Ate Alihilani, masyado daw siyang nababagalan sa akin.

"Ipasa mo sa kanya," panghihikayat niya.

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagpapasa ng proposal kay Hunter. Ayoko sana, I even suggest na kay Hobbes ko na lang ipasa 'yon since mukhang kaya ko naman siyang kausapin about it.

"Hindi ka talaga nag-iisip? May mapapalapit ka sa gagong 'yon...mas magagawa mo ang plano. Laruin mo ang laro niya. Wag kang titigil hangga't hindi mo siya napapa-ikot sa mga kamay mo," sabi pa sa akin ni Mommy.

Iniwan din niya ako kaagad matapos niya akong kausapin. Medyo mabigat na ang ulo ko dahil sa migraine. Medyo iritado na din kaya naman itinaas ko na ang buhok ko. I'm wearing a plunging neckline top and trouser.

Yakap ko ang ipad ko ng pumunta na ako sa conference room a minute bago ang meeting time. Rinig ko ang tunog ng heels ko sa bawat hakbang ko. Napahawak na lamang ako sa aking leeg dahil sa bigat ng ulo ko.

Marami ng tao sa conference room pagkapasok ko. Ramdam ko ang tingin ng iba sa akin pero hindi ko na lang pinansin dahil sa sama ng pakiramdam ko.

"Engr. Salvador!" tawag ni Engr. Fontallian sa akin.

Itinuro niya ang katabi niyang upuan, tipid ko siyang nginitian at lumapit doon.

Nasa gitna ng mahabang conference table si Hobbes. Nakita ko ang tingin niya sa akin habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen na para bang inip na inip na siya.

Nginitian ko siya bago ako umupo, tumango siya sa akin bago siya umayos ng upo. Nawala kaagad ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang naka-upo sa harapan ko. Hindi ko siya napansin kanina kaya naman wala akong ibang choice kundi ang umupo kaharap ni Hunter.

Humilig si Engr. Fontallian sa akin. "I have a question," seryosong tanong niya kaya naman humilig ako pabalik para marinig 'yon.

"Bakit ang ganda mo palagi?" tanong niya sa akin.

That was so out f the blue kaya naman natawa ako, ramdam ko ang pag-blush ko dahil sa pag-init ng aking magkabilang pisngi.

Tumawa din si Engr. Fontallian kaya naman pabiro ko siyang inirapan.

Ramdam ko ang talim ng tingin ng nasa harapan ko. Dahil doon ay mas lalo kong pinag-igihan ang pakikipag-usap sa katabi ko kahit ang totoo ay gusto ko na lang tumahimik dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Nagsimula ang meeting kaya naman natahimik ang lahat para sa nagp-present sa harapan.

Panay pa din ang paghawak ko sa aking leeg hanggang sa batok. Maka-ilang beses akong napapikit para lang alisin ang pagkangalay na nararamdaman ko doon dahil sa bigat ng aking ulo.

May ilang beses na hindi sinasadyang napapatingin ako sa kaharap, nahuli ko kung paano bumaba ang tingin ni Hunter sa ayos ng buhok ko pababa sa aking leeg. Nanatili ang tingin ko sa kanya para ipaalam sa kanya na nakita ko 'yon.

Muling nagtama ang mga mata naming dalawa pero walang pagsisisi sa mukha niya. Para bang wala siyang pakialam kahit pa nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

Nagtaas ako ng kilay, humilig ako patagilid para ipakita sa kanyang gawi ang leeg ko. I remember na gustong gusto niya ang ganitong ayos ko.

Nakataas ang buhok, at exposed ang leeg.

Bukod kay Hunter ay nakita ko din ang pagsulyap ng ilang Engr. Sa akin, I remain composed, umakto ako na para bang hindi ko pansin na tinitingnan nila ako.

I hate this feeling, ayokong nasa akin ang atensyon nila.

"Hundson, ikaw na ang bahala sa proposal ni Engr. Salvador," paalala ni Hobbes bago nagmamadaling lumabas ng conference room pagkatapos ng meeting.

Nagulat pa ako nung una pero kailangan kong ipakita na hindi ako apektado. Nanatili ang tingin ko sa Ipad ko, at kunwaring inabala ang sarili.

"In my office, Engr. Salvador," sabi niya bago siya tumayo at nauna pang lumabas.

Ayokong tumuloy. Hindi ko kaya na maiwan kaming dalawa sa iisang kwarto. Pero na-alala ko yung sinabi ni Mommy, hindi naman magagawa ang plano kung lalayuan ko siya.

"Good luck, sana ma-approve kaagad," sabi ni Engr. Fontallian sa akin.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad ako papunta sa office ni Hunter. Tatlong katok ang ginawa ko bago ko pinihit ang doorknob. He's expecting me anyway.

"Come in," matigas na sabi niya.

May kung anong bumara sa lalamuna ko. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para maglakad papasok sa office niya. Mas malaki 'yon kesa sa office ko, hindi ko din tuloy alam kung bakit lilipat pa siya sa katabi kong kwarto.

Nanatili siyang naka-upo sa swivel chair niya, hindi siya nagsalita pero itinuro niya ang upuan sa harap ng table niya.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nilabanan ko ang tingin niya.

Doon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan siyang mabuti, wala akong ibang nakikita kundi si Hermes.

Mas lalong gumanda ang katawan ni Hunter, looks like he's still in his training. Mas naging strong din ang feature ng mukha niya. Pero kahit pa ganoon ay nakikita ko pa din ang mukha ng baby ko sa kanya.

Mula sa aking mukha ay nasundan ko kung paano bumaba ang tingin niya sa mga kamay kong nakapatong sa table niya. Nagtagal ang tingin niya sa mga daliri ko na para bang may hinahap siya doon.

"I have a project proposal," pag-uumpisa ko para matapos na din 'to.

Tumaas ang kilay niya, itinaas niya ang kamay niya kaya naman inabot ko sa kanya ang hawak kong folder.

"Halos kakapasa mo lang ng boards?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot.

Nanatili ang tingin ko sa kanya.

"And so?" tanong ko ng hindi ako nakapagpigil.

Ngumisi siya habang nakatingin sa folder na inabot.

"You're still unexperience for this kind of project," he said kaya naman na-ikuyom ko ang aking kamao.

"Try me then, Engr. Jimenez...come on, I've been through a lot," panunuya ko sa kanya. Halos mangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa nagbabadyang pagpapakita ng emosyon.

Sinara niya ang folder bago siya umayos ng upo at hinarap ako.

"I'll help you gain more experience, bago ko i-approve ang proposal na 'to," he said.

Napatayo ako at hinampas ang table, nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"I don't need your help," matigas na sabi ko.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

"That's too late...you're too late," sabi ko at pumiyok pa.

Sobrang bigat ng dibdib ko. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mukha niya, hindi ko napigilan ang sarili ko.

Padabog kong kinuha ang folder ko sa taas ng lamesa niya.

"You're not worth my time," sabi ko bago ko siya tinalikuran.

"Ahtisia," tawag niya sa akin, natigilan ako.

Mariin akong napapikit, mas nangibabaw ang sakit.

"Go to hell." sabi ko bago dumiretso palabas ng office niya.




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro