Chapter 27
Important
Nagtaas ng kilay si Mommy habang nakikipag laban ng tingin sa akin. Sa huli ay tumamis ang ngiti niya, tumayo siya ans she gave me a slow clap na para bang isa 'yon sa mga nagawa kong tamang desisyon.
"That is what I am talking about. Fierce Ahtisia Amelie," she said.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, nakangiti niya akong tiningnan kaya naman hindi ko ma-iwasang ngumiti. Minsan lang ako tingnan ni Mommy with that kind of emotion in her eyes...with love and adoration.
Hindi din ako handa sa gagawin ko, pero Mommy helped me. Na para bang sa dinami-rami ng hindi naman napagkasunduan ay ito ang unang beses na nangyari 'yon.
Inilatag niya ang blueprint sa harapan ko. Kaagad kong binuksan ang notebook na hawak ko para mag-take down notes sa mga sasabihin niya sa akin. Habang nakikinig kay Mommy ay mas lalo kong napapatunayan na she's dedicated in her work.
Ano bang aasahan ka? She's one of the top students back in college.
"I made this para sana i-present sa board pero inalis nila ako kaya kawalan nila. But you're here anyway. You should make your own name sa industry, Ahtisia. Make this as your first step," Mommy said bago niya inilapag sa harapan ko ang folder.
Focused ako habang nakikinig kay Mommy. She's like some strict professor na hindi mo gustong magalit sa 'yo.
Hindi ko din ma-iwasang mapatitig sa kanya, seryoso siya masyado. She even wears a reading glass because of her age pero para sa akin ay mas lalo siyang gumanda. She ages like a fine wine.
"That's important..." paalala niya sa akin kaya naman mabilis kong sinulay sa notebook ang sinabi niya tungkol sa naiwan nilang trabaho.
Naputol ang ginagawa namin nang makarinig kami ng pagkatok. Sabay kaming lumingon ni Mommy sa pintuan, nakita namin ang pagsilip ni Ate Let, ang nanny ni Hartemis. Nang tuluyang bumukas ang pintuan ng study room ay doon namin narinig ang iyak niya.
"Ma'am, kanina pa po umiiyak..." she said kaya naman lumingon ako kay Mommy.
Tumango siya sa akin to give me a permission to stand to attend for my baby.
"What's wrong with our Princess?" tanong ni Mommy dito ng lapitan ko si Hartemis para kuhanin sa Nanny niya.
Kaagad siyang yumakap sa akin, nagsumiksik sa leeg ko kaya naman marahan ko siyang isinayaw.
"Ako na po," sabi ko kay Ate Let.
Kinuha ko sa kanya ang feeding bottle nito, bumalik ako sa inuupuan ko kanina. Ramdam ko ang panunuod ni Mommy sa amin. She's worried din sa pag-iyak ng apo.
"Hinahanap niya ang amoy mo," sabi niya sa akin habang abala ako sa pagpapa-dede dito.
Napanguso ako at napa-isip.
"Should I give Ate Let my perfume para magka-amoy na kami?" tanong ko sa kanya.
Magta-trabaho na ako. Kung palagi akong wala, palaging iiyak si Hartemis dahil sa paghahanap sa akin. Kawawa naman ang baby ko.
Tumawa si Mommy at umirap.
"It's not about the perfume, Ahtisia. Alam nila ang amoy ng Mommy nila...kahit hindi ka maligo buong araw," sabi niya sa akin while she's busy with the documents sa taas ng table.
After feeding hartemis ay kinuha siya ni Mommy sa akin para kargahin. Kita ko ang pagmamahal ni Mommy dito. Para bang nabawi ang lahat ng naramdaman kong kakulangan sa kanya, ibinuhos niya 'yon kay Hartemis kaya wala na akong hihilingin pa.
"Mommy will work, kaya you should behave," malambing na pagka-usap niya sa baby ko.
Kahit anong lambing ay ramdam pa din ang pagiging ma-awtoridad sa boses niya. Hindi na ata 'yon ma-aalis sa kanya. She's not Atheena Escuel-Salvador if she's not bossy.
Natapos ang pagtuturo niya sa akin ng araw na 'yon dahil sa presencya ni Hartemis.
"She needs you. Bukas na natin 'to ituloy," sabi niya sa akin.
Ibinalik niya sa akin si Hartemis matapos niyang mahusto sa pagyakap at paghalik dito. She told me na above anything else, I need to attend for my baby's need despite of being busy.
Sandali akong pinagmasdan ni Mommy habang karga ko si Hartemis, na para bang gusto niya kung ano man ang nakikita niya.
I saw the pain in her eyes...and eagerness at the same time.
"I miss Hermes," she said bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.
"I miss him too...so much," sumbong ko kay Mommy.
Humigpit ang hawak ko kay Hartemis.
Hindi na muli pang tumingin si Mommy sa akin. Para bang ayaw niyang makita ko pa ang emosyon na meron siya sa kanyang mga mata.
"I'll do some work. Pumunta na kayo sa kwarto."
Sinunod ko si Mommy. Pareho kong yakap si Hartemis at ang notebook na pinagsulatan ko ng mga itinuro ni Mommy sa akin.
She wants me to start the work na alam ko ang lahat ng dapat kong malaman. I should be loaded, hindi pwedeng sumabak ng laban na walang bala.
Inihiga ko si Hartemis sa gitna ng kama ko, nakatingin ang baby ko sa akin kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko nang dumapa ako para pantayan siya.
"You missed Kuya Hermes too?" malambing na tanong ko.
Nagagawa kong ngumiti sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ng Baby boy ko pero sobra pa din ang nararamdaman kong kirot.
Hartemis starts with her cooings. Para talagang kinakausap niya na ako kaya naman sa tuwing magkasama kaming dalawa ay hindi ko mapigilang mag-kwento sa kanya.
Minsan na-iiyak na lang siya because of irritation dahil sa paulit-ulit kong paghalik sa kanya. Natatawa na lang ako at tsaka siya aaluin.
Ang kabilang side ng kama ko ay puno ng unan para maging harang. Sa akin siya tuwing gabi kaya naman halos sa umaga lang nagagamit ang baby room.
Mommy told me na dapat ko ng ligpitin ang mga gamit ni Hermes doon pero hindi ko kaya. Everytime I missed him ay doon ako pumupunta. Malaya kong nayayakap ang mga gamit niya, malaya akong nakaka-iyak.
Umalis kaming tatlo kasama ang si Ate Let para pumunta sa mall. Even ang mga susuotin ko sa work ay gustong ihanda ni Mommy.
"Iba din talaga 'yang si Alihilani...balak pang maging Jimenez. I'm sure pag nakuha na ni Hobbes ang gusto niya itatapon na din niya ang babaeng 'yon sa basura kung saan siya nababagay," Mommy said while nasa isang boutique kami.
Hindi ako umimik. The idea of my stepsister being a Jimenez...easy as that ay hindi ko kayang tanggapin. Walang kahirap-hirap niyang nakukuha ang pagmamahal ni Daddy at atensyon nito. And now it's easy for her to have one of the Jimenez...just like that?
Life is so unfair.
Nilingon ako ni Mommy dahil sa pananahimik ko.
"Ginawa nga 'yon sa 'yo ng gagong Hundson na 'yon...si Ahtisia Salvador ka na. Sino ba 'yang si Alihilani? Ang taas ng lipad ng gaga..." nakangising sabi ni Mommy.
Napanguso ako. Siguro kung magkakaroon ng story si Ate Alihilani...si Mommy ang evil stepmother, at ako naman ang evil stepsister.
Pumasok kami sa isang salon para magpa-ayos ng buhok. Ibinalik ko sa itim ang mahaba kong buhok, ipinakulot ko din ang dulo nito.
The last part of our shopping ay para kay Hartemis. Halos hindi pa nga niya nasusuot ang mga pinamili ni Mommy last time pero heto't hindi nanaman siya ma-awat sa pagbili ng bago para dito.
Kaagad kaming sinalubong ni Daddy pagka-uwi naming. Kinuha niya si Hartemis kay Ate Let at niyakap ito.
"Hindi mo sinama si Lolo?" pagka-usap niya dito.
Mula kay Hartemis ay lumipat ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya dahil sa bago kong itsura.
Tipid akong ngumiti at lumapit kay Daddy para humalik sa pisngi niya.
Matapos sa akin ay galit siyang tumingin sa nakangising si Mommy.
Nag-away nanaman silang dalawa that night. Mukhang ang hindi magiging normal para sa amin ay ang hindi sila mag-away. It's their daily routine...ang mag-away.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtuturo ni Mommy sa akin, sa pag-aalaga sa baby ko, and do some ballet in my free time. Mabilis na bumalik sa dati ang katawan ko because of ballet. Mas lalo pa ngang na-enhance ang mga curves ko because of gaining weight dahil sa pagbubuntis.
Kinausap din ako ni Daddy before I finally take over their position sa project. Just like Mommy ay may mga ibinilin din siya sa akin.
"I know you can do it..." he said.
Tipid akong ngumiti. Hanggang sa hindi ko ma-iwasang itanong sa kanya ang tungkol sa hidden agenda na sinasabi niya, at kung bakit hindi siya naniwala na walang kinalaman si Mommy sa nangyaring aksidente sa site.
"Nalaman niyang may namamagitan kay Hobbes Jimenez at sa Ate mo. I know your mom, hindi siya papayag na sumaya si Alihilani..."
Sagot niya sa akin. Hindi ako naka-imik. I also want to tell him about Hunter pero hindi ko na lang ginawa. Hindi pa din alam ni Daddy ang tungkol sa nangyari...maybe it's better that way para hindi masira ang plano.
"Alihilani deserves to be happy. Hindi naging madali ang buhay nila simula nang...umalis ako," he said na para bang he wants to gain my sympathy.
Nakaramdam ako ng kirot. Me and my twins deserves to be happy too...si Mommy din. But life is so unfair.
Hindi ako nagpa-epekto sa sinabi ni Daddy. The way he reacted kanina dahil sa pagbabago sa physical appearance ko ay alam kong alam na niya na hindi ang side niya ang pupuntahan ko ngayon.
This past few days, ramdam kong si Mommy lang ang kakampi naming ni Hartemis. She's hundred percent sure about us. Daddy isn't.
"I'm nervous..." sumbong ko kay Hartemis.
I'm all done for my first day of work. Magkakaroon ng meeting para sa mga pagbabago, at isa na ako doon. Nag-apply ako ng light make up and wears the dresses na si Mommy mismo ang namili for me.
"Make me proud, Ahtisia," paalala ni Mommy sa akin bago ako tuluyang umalis.
Naka handa na sa labas ng front door ang kulay puti kong Lexus. The mini cooper stays at the garage and will stay there forever. The Ahtisia with her mini cooper is no longer in my system anymore.
Ilang malalim na paghugot ng hininga ang ginawa ko nang makarating ako sa site. Nanginginig ang kamay ko nang itago ko ang car keys ko sa bag ko.
Paulit-ulit kong inalala ang mga nangyari sa akin at sa mga baby ko hanggang sa mahanap ko yung galit sa puso ko at tsaka ko ginamit 'yon para umpisahan ang araw na 'to.
Nakita ko ang tingin ng mga worker sa akin pagkalabas ko ng sasakyan. Some of them even greeted me a good morning but I didn't greet back.
First impression lasts.
Taas noo akong naglakad paakyat sa second-floor kung saan gaganapin ang meeting. Nandoon na ang mga Engineers and Architect na makakasama ko sa project, may bond na sila together since ako lang naman ang bagong addition sa team.
"Ahtisia," tawag ni Kuya Julio sa akin. He's one of the Arhcitect.
Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi.
He accompanied me papasok sa meeting room para ipakilala sa mga kasama. Kaagad naman akong tinanggap ng buong team kahit ramdam kong I should be ashamed dahil sa mata ng lahat ay kasalanan ng parents ko ang nangyaring aksidente. At nandito ako dahil inalis sila sa project.
"We'll just wait for Engr. Jimenez and Sir Luke Jimenez before we start the meeting."
Kahit katabi ko si Kuya Julio ay naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Sinong Engr. Jimenez ang makikita ko ngayon?
Am I really ready for this?
"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya Julio sa akin nang lingonin niya ako.
"Uhm...Yeah, yeah of course..." sagot ko sa kanya at pilit na itinago sa ilalim ng blazer ko ang nanginginig kong kamay.
"How's your baby?" tanong niya sa akin.
"She's...She's doing fine," wala sa sariling sagot ko.
"She..." nakangiting sambit niya. "Pupunta ako sa inyo soon so I can meet her," sabi niya sa akin na sinagot ko lang ng tango.
Dumating sina Sir Luke Jimenez, and Engineer Hobbes Jimenez. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng sabihing silang dalawa na lang ang hinihintay namin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
No Hundson Jimenez for me today.
Hindi ko ma-iwasang tumingin kay Engr. Hobbes. Para silang kambal na dalawa, medyo strong lang ang features ni Hobbes while the other Jimenez's a bit reserved...liked my Hartemis.
Napansin ko ang ilang beses niyang paglingon sa akin. It's a bit uneasy...alam ba niya ang past namin ng kapatid niya?
Nilingon ako ni Kuya Julio in the middle of the meeting na para bang kanina pa niya gustong sabihin 'yon hanggang sa hindi na niya napigilan.
"Kamukha mo talaga ang Ate mo," he said.
I cleared my throat. Matalik na magkaibigan ang pinsan ko at si Ate Alihilani.
Nagkibit balikat ako. "I have an Escuel blood...so I'm much better," nakangising sabi ko sa kanya.
Hindi umimik si Kuya Julio dahil sa isinagot ko sa kanya pero nakita kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
That answers Hobbes Jimenez stares.
Nagpakilala ako kay Sir Luke Jimenez kahit alam kong na-endorse na ako ni Mommy sa kanya. Diretso ang tingin ko sa kanya kahit ramdam ko ang tingin ng katabi niya sa akin.
"Hob, ikaw na ang bahala kay Engr. Salvador," sabi niya sa pamangkin.
Doon lang ako naglakas ng loob na harapin siya. Matamis ko siyang nginitian kahit ang totoo ay ramdam ko din ang panginginig ng lower lips ko.
Hindi ako pwedeng mag-stutter. Oh no, Ahtisia hindi pwede.
"Engr. Hobbes Jimenez," pakilala niya sa akin at naglahad ng kamay.
Bumaba ang tingin ko doon. Gusto kong tanggihan, ayoko siyang hawakan. Dahil sa presencya niya ay parang kaharap ko na din ang kapatid niya.
"Engr. Ahtisia Salvador," pagpapakilala ko din.
Nagtagal ang tingin niya sa mukha ko bago siya tumango, inaya niya na ako sa office niya para pag-usapan ang naiwang trabaho ng parents ko.
Ramdam ko ang tingin ng ibang lalaking Engineer sa akin, tipid ko lang silang nginitian habang nakasunod ako kay Hobbes papunta sa office niya.
"Nakita mo na ang office mo?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Not yet," sagot ko.
Tumango siya, huminto siya sa tapat ng pintuan at pinagbuksan ako.
"Ladies first," he said.
I noticed na mas' gentleman siya kesa sa kapatid niya.
Engr. Hobbes Jimenez is very professional while we're discussing the new plan for the building.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng may kumatok sa office niya. Sumama ang tingin ko doon ng makita ko ang pagpasok ni Ate Alihilani.
Mabilis na tumayo si Hobbes para salubungin siya. That confirms their relationship.
"Ate Alihilani," tawag ko sa kanya.
Muntik na akong ma-out of balance dahil sa kung ano-anong iniisip pero nagawa ko pa ding tumayo at lumapit sa kanya para bumeso.
Bahagyang tumaas ang kilay ko habang matamis pa din ang ngiti nang mapansin kong pinagmasdan niya ang kabuuan ko.
"Ako ang pumalit kay Daddy sa project. Nag-uusap lang kami ni Engr. Jimenez," sabi ko sa kanya.
I want to sound nice dahil halos matagal din kaming hindi nagkita. But the confirmation na sila nga talaga and everything is east for her...it pains me.
What if naging madali din para sa akin ang lahat? What is naging madali rin para sa amin ng mga baby ko na tanggapin ni Hundson? Baka nandito pa si Hermes? Na sana hindi nagkaroon ng puwang ang galit at inggit sa puso ko.
Bumaba ang tingin ko sa pagpulot ng kamay ni Hobbes sa bewang nito.
"You can call me Hobbes. Kapatid ka naman ng girlfriend ko," sabi niya sa akin kaya naman na-ikuyom ko ang aking kamao.
Kung derserve ng ani Ate Alihilani ang maging masaya...bakit ako hindi? Kung hindi naging madali ang buhay niya...hindi din naman ang sa akin.
Napangisi ako. "Ayoko sa pangalan mo."
"And why is that?" si Hobbes.
I remember everything about that night. Every detail ng ikinwento ni Ate sa akin...na-aalala ko pa.
I'll make Hobbes Jimenez confused hanggang sa masira sila. No one in our family deserves to be happy.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi bago ako sumagot.
This isn't you, Ahtisia. But I'll do it anyway.
"Tunog diapers," sabi ko.
And that hits him hard, I know.
Marami pang itinanong si Hobbes sa akin after kong sabihin 'yon. Some of the information is a bit unsure since wala naman ako sa scene nila ni Ate, kwento lang din niya sa akin ang mga alam ko. I know na may ibang details pa pero gagamitin ko na lang kung anong meron ako.
"Babalik ka na doon after ng project?" tanong ni Hobbes sa akin tungkol sa pagbalik ko sa Manila.
No. baka hindi pa...baka hindi na. Hermes is here, hindi ko iiwan ang baby ko.
"Maybe? But sa ngayon...I think I'll stay," nakangiting sagot ko sa kanya.
Pansin ko ang pananahimik ni Ate, para bang halos magdikit din ang baba niya sa kanyang dibdib.
Nagpaalam na ako sa kanila dala ang blueprint na ibinigay ni Hobbes sa akin. Kahit sa pagbubukas ng pintuan ay halos manginig ang kamay ko. Tsaka lang ako nakahinga ng maayos ng tuluyan na akong makasakay sa sasakyan ko.
Bumuhos ang luha, halos sumubsob ako sa manibela habang umiiyak.
Ang swerte niya...bakit ang swerte ni Ate Alihilani?
I even told Hobbes about the Vanilla lace perfume. Mas lalo kong nakita na na-confused siya.
Why am I doing this? Why am I doing this revenge thing? Simple because I had enough.
Pagod na akong maging second choice ni Daddy, pagod na akong maging mahina sa paningin ni Mommy. I'm so tired waiting for all my dreams...but it never came.
Pagod na akong masaktan para sa mga baby ko. Maybe nangyayari ang lahat ng 'to dahil masyado akong mabait. Na baka kung naging matigas ako noong una...kung hindi ako nagpa-api nung una...wala ako sa sitwasyon na 'to.
"Maaga ang alis natin sa makalawa for Manila?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na ang sagot.
Gusto ko lang ipamukha 'yon kay Ate.
Nakita ko ang pag-iiba ng timpla niya. Serves her right.
Not like she's some saint also. I need to trigger her mood so that magalit siya sa akin, mas lalo akong ganahan na sirain sila. Gusto kong mawala yung guilt, I need her to help me...kailangan ko siyang galitin para mas maging madali ang lahat ng 'to para sa akin.
Mas pagod pa ako sa mga iniisip ko buong araw kesa sa totoong trabaho.
"Mommy needs to change...para mas maging strong ako, para sa inyo ng Kuya mo," paliwanag ko kay Hartemis.
Marahan kong pinadaan ang hintuturo ko sa tungki ng ilong niya. She's already sleeping pero hindi ko maalis ang tingin ko sa baby ko.
"This isn't something to be proud of. This is the version of me na hindi ko gustong makilala niyo," sabi ko pa. Tears keeps rolling down from my eyes.
"I'll make him pay for what he did. I'll make him pay for hurting your feelings...I'll make him pay for disowning you and Hermes," giit ko.
"I'll make him pay for any possible way...I hate him so much," sumbong ko kay Hartemis bago ko siya niyakap ng mahigpit.
Para akong batang nagsusumbong sa anak ko. Na-ipon na ang lahat ng sakit, galit, at inggit.
Late na akong nagising kinaumagahan dahil sa pag-iyak. Nagmamadali tuloy akong nag-ayos para sa biglaang pagpapatawag ng meeting sa site.
Mas lalo akong nataranta dahil sa pag-iyak ni Hartemis. Ayaw niya sa feeding bottle niya, mas' gusto niyang mag-breatfeed sa akin.
"Late na si Mommy sa meeting...pero ayos lang, take your time," malambing na pagka-usap ko sa kanya.
After ko siyang i-breastfeed ay muli nanaman akong nataranta habang nag-aayos. I'm just wearing a black fitted spaghetti strap under my beige-colored blazer, I pair it with my beige trouser, a dior black belt and a pair of high heels.
My hair is on a messy bun since wala na akong time to fix it.
Halos hindi ko na na-ayos ang pagpa-park ng sasakyan ko at kaagad tumakbo paakyat papunta sa meeting room. Nasa loob na ang lahat at nagsisimula na. I used na backdoor sana pero naka-lock yon kaya I had no choice but to use the main door.
Saktong paglapit ko doon ay may kasabay akong Engineer na papasok din, galing siyang comfort room at hindi late kagaya ko.
"I'm late," sabi ko kahit hindi naman niya tinatanong.
Nginitian niya ako pero nakita ko ang sandaling pagpasada ng tingin niya sa kabuuan ko.
Sus, boys!
Siya ang nagbukas ng pintuan. Tahimik lang sana akong susunod sa kanya papasok pero he announced ang pagdating ko.
"Engr. Ahtisia Salvador is here," he said kaya naman gusto ko siyang kutusan.
I remain calm and composed. Inihanda ko kaagad ang ngiti ko kahit ang totoo ay hindi naman ako ganoon, I hate being near a crowd. Hindi ako mahilig makipag-socialized.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang lahat ng nandoon. Muli kong nakita ang pamilyar na mukha ni Hermes sa dulo ng mahabang table.
Gusto kong ma-iyak ng makita ko ang mukha ng baby ko sa kanya. Na para bang nandito ulit siya dahil sa laki ng pagkakahwig nila.
Bumalik ako sa wisyo, hindi pwedeng makita niya na apektado pa din ako. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ako tumingin pabalik. Binati ko ang lahat ng nandoon pwera sa kanya.
Taas noo akong naglakad sa bakanteng upuan para sa akin. Kahit malamig sa loob ay ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo.
Hindi ko kinaya ang init kaya naman hinubad ko ang suot kong blazer. Natira ang suot kong itim na spaghetti strap top.
Ramdam ko ang paglingon ng ilang lalaking Engineer sa gawi ko. What? Girls can wear whatever they want as long as their comfortable about it.
Nanatili ang tingin ko sa nagp-present sa harapan. Pilit kong iniiwasan ang gawi ni Hundson, ramdam ko ang tingin niya pero hindi ko sinuklian 'yon. Ni hindi ko nga siya nagawang pagmasdan ng maayos. Para saan pa?
Bumaba ang tingin ko sa hawak kong phone. Gumaan ang loob ko ng makita ko ang picture nila Hermes at Hartemis na wallpaper ko.
Nagkaroon ng break kaya naman ang ibang Engineer ay lumabas. Halos dumikit ang pwet ko sa inuupuan ko kahit gusto ko ding umalis doon para maka-hinga man lang ng maayos.
"Engr. Salvador. Have you already met Engr. Hundson Jimenez?" tanong sa akin nung lalaki kanina.
Tiningala ko siya.
"Huh?" tanong ko kahit ang totoo gusto kong sabihing manahimik siya.
Nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kay Hunter na nandoon pa din sa pwesto niya. Kung maka-upo sa gitna ay akala mo kung sino siya.
"N-no...not yet" sagot ko na may kasama pang pag-iling.
"Yung project proposal mo ipasa mo sa kanya. He's the one who needs to approve it bago makarating kay Sir Luke," he said kaya naman napa-awang ang bibig ko.
May tumawag sa lalaking kausap ko kaya naman nag-paalam siya sa akin. Doon ko lang na-realize na halos lumabas na ang lahat kaya naman iilan na lang kaming nasa loob ng conference room.
Isang beses kong nilingon si Hundson. Nagulat pa ako ng makita kong nasa akin lang ang tingin niya. Walang kahit anong emosyon sa mga mata niya.
"Engr. Salvador...you're late," seryosong sabi niya.
Nakita ko ang paglingon sa kanya ng ilang natira. Inipon ko ang lahat ng tapang ko para lingonin siya.
"I'm sorry for that Engr. Jimenez...I had an important..." hindi niya ako pinatapos.
"Mas importante pa sa meeting na 'to?"
"Yes," madiing sagot ko.
Nag-taas siya ng kilay sa akin. Iwas na iwas ako na punahin ang mga pagbabago sa kanya.
Umayos siya ng upo at sumandal sa swivel chair.
"What's more important than my meeting?" tanong niya sa akin.
I cleared my throat. Na-ikuyom ko ang aking kamao.
"I need to attend for my baby's need," sagot ko.
"May baby ka na?" sabat na tanong ng ilan sa mga natirang Engineer.
I smiled sweetly. "Yes."
Hindi ako kagaya ng iba diyan na itatanggi ang anak ko.
"May asawa?" pahabol ng isa.
Mas lalong tumamis ang ngiti ko sa kanila.
"Unnecessary," sabi ko bago ako tumingin sa kausap ko kanina.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro