Chapter 25
Angel
Halos patalon akong yumakap kay Daddy nang maglahad siya ng kamay. Natawa kaming dalawa dahil hindi ko siya nayakap nang mabuti dahil sa umbok ng tiyan ko.
"Lumabas na ang result?" tanong ng kararating lang na si Mommy.
Humiwalay kaagad ako ng yakap kay Daddy para salubungin si Mommy.
"May Engineer na tayo," sabi ni Daddy sa kanya.
Nagtaas ng kilay si Mommy. Kinuha niya ang Ipad na hawak ni Daddy.
"Board passer lang? Hindi topnotcher?" dismayadong tanong niya.
"Atheena," madiing suway ni Daddy sa kanya.
Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko, para bang wala akong karapatang maging masaya sa achievement na nakuha ko dahil hindi sapat 'yon para kay Mommy. Kulang pa rin.
"We should celebrate," nakangiting sabi ni Daddy para ibalik yung dating saya na nawala dahil sa sinabi ni Mommy.
"Celebrate," mapanuyang sabi ni Mommy at napa-iling na lang.
Hindi siya pinansin ni Daddy, kaagad niyang sinabi sa akin ang plano niyang celebration para sa pagiging Engineer ko.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng ako na lang mag-isa sa kwarto ko, tahimik na ang buong bahay. Halos tulog na ang lahat, hindi ako makatulog, hindi pa din ako makapaniwala na ito na yung pangarap ko...this is my dream.
Dreams do come true.
"Proud ba kayo kay Mommy?" tanong ko sa mga baby ko. Marahan kong hinaplos ang sinapupunan ko. Ramdam ko...alam kong masaya din sila.
Sa sandaling pananahimik na 'yon...muli ko siyang naalala, sa tagal ng hindi siya sumagi sa isip ko, naalala ko ulit siya ngayon.
"Engineer na ako...Engineer na din ako," sabi ko sa kawalan. Gusto kong makarating 'yon kay Hunter. Gusto kong malaman niyang naabot ko yung pangarap ko...na kaya ko din.
Tipid akong napangiti ng maramdaman ko nanaman yung kirot na hindi na dapat. Wala na dapat, Ahtisia. Hindi ka na dapat masaktan, ang mahalaga ngayon...kami ng mga baby ko.
Natawa na lang ako dahil sa pagiging emosyonal nanaman.
"Hindi malungkot si Mommy ha. Wag kayong malungkot diyan...hindi malungkot si Mommy," pagka-usap ko sa kanilang dalawa.
Iwas na iwas din talaga ako na makaramdam ng kung anong pwedeng maka-apekto sa kanilang dalawa. Gusto kong maging healthy sila, ipinapangako kong ibibigay ko ang lahat ng kakailanganin nila, hindi ako mapapagod na iparamdam sa kanilang dalawa na sapat ng ako lang ang nandito, na hindi namin kailangan si Hunter.
"Mommy..." tawag ko sa kanya isang araw.
Napag-uusapan na din nil ani Daddy kung kailan kami uuwi sa Sta. Maria. Ayaw din kasi ni Mommy na malaman ni Lolo ang tungkol sa pagbubuntis ko, ayaw niyang may masabi nanaman si Lolo sa kanya. Kung mayroon mang kinakatakutan si Mommy...Si Lolo 'yon.
Hinarap niya ako, pero ang kanyang buong atensyon ay nasa hawak na phone.
"Busy ka po?"
"Oo. Tinatanong pa ba 'yan?"
Napanguso ako. "Magpapasama lang po sana ako na mag-shopping para sa mga gamit ng twins. Hindi ko pa po kasi alam kung ano yung mga kailangan..." sabi ko sa kanya.
It's my first time to be a mom. Wala pa akong ideya sa mga dapat gawin, hindi naman lahat ay mababasa ko sa libro. I also need her assistance dahil naranasan na niya. I need her help; I need her to guide me.
Nalukot ang mukha niya na para bang nakaramdam siya ng iritasyon dahil sa sinabi ko.
"Wala din akong alam, Ahtisia. Ni hindi nga ako bumili ng mga gamit mo noon," sabi niya sa akin kaya naman naghalo-halo na ang pakiramdam ko.
Parang isinampal lang ulit ni Mommy sa akin na simula pa lang ay wala na talaga siyang paki-alam sa akin.
"S-sinong pong nag-alaga sa akin?" tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya. "Yaya mo. Sa tingin mo kaya kong alagaan noon yung rason kung bakit nasira ang buhay ko?" tanong niya sa akin.
Para nanamang kutsilyong tumusok sa dibdib ko ang mga salitang binitawan ni Mommy.
Iritado niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
"You did that to yourself. Learn to stand up from your mistakes, hindi habang buhay kasama mo ako," sabi niya sa akin at inirapan pa ako bago nanaman naging abala sa hawak na phone.
Pinilit kong alisin ang sakit at panghihina dahil sa narinig ko. Marahan kong hinawakan ang sinapupunan ko.
"You two are not a mistake...regalo kayo kay Mommy," malambing na sabi ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko ipaparamdam sa mga baby ko yung mga naramdaman ko mula kay Mommy. Hindi ko ipaparamdam sa kanila na ayoko sa kanila dahil lang hindi ako pinanagutan ni Hunter. Hindi nila mararanasan yung mga masasakit na nangyari sa akin, gagawin ko ang lahat para hindi sila matulad sa akin.
"Thank you, Daddy..." malambing na sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa mall.
He cancelled all his works and meeting today para lang samahan ako sa pamimili ng mga gamit para sa babies ko.
"Mas importante kayo kesa sa trabaho," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi.
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko habang namimili ng mga gamit para sa kanilang dalawa. Para bang mas excited pa ako para sa mga baby ko. Gusto ko na silang makita na suot ang mga damit na binili naming para sa kanila.
"Ang cute..." nangigigil na sabi ko habang hawak ang maliit na pair ng shoes na may ribbon, parang pang-ballerina.
"We should buy that," sabi ni Daddy.
Hindi ko alam kung ano yung mga basic needs lalo na pag lumabas silang dalawa. Basta ay binili ko ang mga gamit pang baby na sigurado akong kakailanganin din nila.
Hawak ko ang damit pang baby na para talaga sa twins. Kulay pink and blue ang baby rompers na 'yon. I'm assuming na my twin gender is a boy and a girl.
Napahinto ako nang madaan ako sa magazine section ng department store, napahigpit ang yakap ko sa rompers nang makita ko ang mukha ni Hunter sa isang cover ng magazine, hindi siya nag-iisa, kasama niya ang kapatid niya.
"Reaching new heights," basa ko sa front-page ng magazine.
Sa likod nilang dalawa ang mataas na tower na silang dalawa ang nag-construct. Isang mall napagmamay-ari mismo ng pamilya nila.
Wala akong naramdamang kahit ano nang makita ko siya. He's living his dream...he's living his best life.
"I'm living my best life too..." sabi ko sa mukha niya sa may magazine.
Binitawan ko ang magazine na may tipid na ngiti sa labi ko. Wala na akong maramdaman na kahit ano para kay Hunter, masyado akong masaya dahil sa presencya ng mga baby ko. Even the bitterness...kahit malaman ko pa atang kasal na siya ngayon, wala akong pakialam.
"Uuwi din ako ng Manila. Gusto ko diyan mag-work," kwento ni Hugo sa akin.
Umuwi siya ng Iloilo after lumabas ng result ng board exam naming. He needs to celebrate with his family doon.
"Tell me pag nakabalik ka na. Pupunta na kami ng Sta. Maria the next day."
Isa-isa kong ipinakita kay Hugo ang mga gamit na nabili namin ni Daddy para sa twins. Nakangiti lang siya habang nakikinig sa akin habang ginagawa ko 'yon.
"Ang cute, right? Pang-ballerina. This one is cute also..." sabi ko pa.
Pag walang ginagawa ay ina-arrange ko ang mga gamit nila kahit ilang beses ko nang ginawa 'yon. Excited na talaga ako para sa kanila, gustong gusto ko na silang makita.
"I just need to finish my pending works here. Susunod kaagad ako sa Sta. Maria," sabi ni Mommy.
Abala ang lahat para ikarga sa sasakyan ang mga gamit na dadalhin naming sa pag-uwi doon. May vacation house din kami may house din si Kuya Julio doon.
"Ilang months na lang manganganak na si Ahtisia. Dapat ay nasa tabi ka niya," sabi ni Daddy kay Mommy.
"I'll be there, Ok. Susunod ako," giit ni Mommy.
Hindi na lang ako umimik. Throughout my pregnancy ay mukhang hindi ko makakasama si Mommy. I really need to face this by my self dahil kagaya nga ng sabi niya...I did this to myself.
Lumapit siya sa akin ng magyaya na si Daddy na aalis na kami dahil ready na ang lahat.
"Just...Just drink your milk every day, vitamins, and whatsoever. Maglakad-lakad ka na din," she said.
Tipid akong ngumiti at tumango.
"I'll be there bago ka manganak, Ahtisia..." sabi pa niya.
Ang kamay niyang nakahawak sa akin ay kinuha ko at hinawakan ko din ng mahigpit.
"Please be there with us, Mommy. Kinakabahan po ako," sumbong ko sa kanya.
Tinignan niya ako bago siya napa-irap at napatango.
Hinila niya ako para halikan sa pisngi before she let me go na para bang ayaw niyang may makakita sa soft side niya. Para bang ayaw niyang makita siya na maging ina sa akin, my mommy is not showy...sag alit lang siya showy kaya naman napanguso na lang ako.
Umuwi kami ni Daddy ng Sta. Maria. I thought everything is gonna be fine hanggang sa bigla akong nakaramdam ng inggit dahil sa pagiging pre-occupied ni Daddy.
Para bang ito yung pagkakataon na hinihintay niya para muling mapalapit kina Tita Cleo at Ate Alihilani.
The first days ay ramdam ko pang kasama ko siya sa vacation house, pero the next days ay palagi na siyang wala.
"Si Daddy po?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay.
"Maaga pong umalis ang Daddy niyo," sagot niya sa akin kaya naman tipid akong tumango.
Dumiretso ako sa kitchen para magtimpla ng gatas, kahit kaya ko namang i-utos 'yon sa mga kasambahay ay mas' gusto kong ako ang gumagawa no'n.
"Ang ganda pala talaga nong anak ni Sir Arnaldo...kamukha niya," rinig kng pag-uusap ng mga kasambahay naming sa may dirty kitchen.
"Halos sa sasakyan na nga siya matulog, palagi daw nakabantay sa totoong pamilya niya..." sabi pa nila.
Bumaba ang tingin ko sa tinitimpla kong gatas. I don't have right to demand for his presence this time. Totoong pamilya niya ang kahati ko sa oras niya ngayon...wala akong laban.
Tahimik akong naglakad pabalik sa may dinning room dala ang isang basong gatas. Kahit sa paglalakad ay hirap na din ako, masyadong malaki ang tiyan ko kesa sa normal na buwan nito.
Pinilit kong kumain kahit halos kainin ako ng lungkot. Ilang beses kong pinasadahan ng tingin ang mahabang dinning table, maraming pagkain...pero ako lang naman mag-isa ang kakain.
Mag-isa kong binuo ang baby rocking horse para sa kanilang dalawa. Mag-isa kong inayos ang baby room. Nag-agaw ang baby pink at baby blue na kulay sa wallpaper ng kwarto.
The Doctor confirms my twin's gender. A boy and a girl.
"Aw..." napadaing ako nang sumakit ang balakang ko dahil sa matagal na pagkakatayo.
Dahan dahan akong nalakad para maka-upo sa may sofa. Nilingon ko ang baso ng tubig sa may table ay nakitang wala ng laman 'yon. Halos ma-ubos ko ang pitcher na katabi no'n.
"Manang..." tawag ko sana sa isa sa mga kasambahay para magpakuha ulit ng tubig, nakaramdam na din ako ng gutom kaya naman magpapakuha na din sana ako ng makakain.
Hirap na din akong mag-akyat baba sa may hagdanan kaya naman lately ay panay ang utos ko sa kanila.
Ilang tawag pa ang ginawa ko pero mukhang hindi nila narinig 'yon.
"Gusto ko ng sandwich na maraming cheese..." sumbong ko sa kawalan.
Gumapang ako pa-upo sa may sahig para ayusin naman ang mga laruan para sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko dahil sa buong araw na pag-aayos.
Kung minsan nga ay doon na ako sa nursery room nakakatulog, may pagkakataon na nakakatulog ako sa kalagitnaan ng ginagawa ko.
Hermes Terron & Maria Hartemis
Marahang pinasadahan ng kamay ko ang naka-engrave nilang pangalan sa photo album na hinanda ko. Nauna na doon ang mga ultrasound nilang dalawa. Balak kong punuin 'yon ng lirato nilang dalawa, lahat ng baby steps, kahit yung pinakamaliit na detalye...ilalagay ko doon.
Umuwi si Mommy halos isang buwan bago ang schedule para manganak. Buong akala ko ay nandito siya para sa amin ng mga baby ko pero iba ata ang dahilan ng maaga niyang pagdating.
"Time is up, Arnaldo. Sana naman ay nagsawa ka na kakabantay kay Cleo at sa Anak mo. I can't let that happen...lalo at nandito ako."
Napabuntong hininga na lang ako. Siguradong ganoon nanaman ang mangyayari, mag-aaway nanaman silang dalawa.
Hindi naging madali para sa akin ang mga sumunod na araw, may ilang beses akong umiyak kay Mommy, hindi ako makatulog ng maayos dahil sa laki ng tiyan ko...wala akong mahanap na tamang pwesto.
Gusto kong may humahaplos sa masakit kong likod sa tuwing nakahiga ako sa gabi, walang pwedeng gumawa no'n para sa akin kaya naman mag-isa kong ginagawa 'yon.
"Sobrang sakit po!" umiiyak na sumbong ko sa kanila.
Matapos ang halos nine months na paghihintay ko sa kanilang dalawa ay magkikita ko na din sila.
"Damn it, Arnaldo! Bilisan mo!" natatarantang sabi ni Mommy.
Naghahanda pa lang kami papunta sa hospital, masyado atang excited ang mga baby ko na lumabas kaya naman binigla nila kami.
"I know!" natataranta ding sabi ni Daddy.
Kaagad akong sinalubong ng stretcher ng mga nurse. Chineck kaagad ako ng Doctor para malaman kung lalabas na talaga sila.
"Nasa early phase pa lang tayo...mild contractions pa lang 'yan," the Doctor said kaya naman nagulat ako.
This isn't mild. Sobrang sakit na.
She tapped my knee dahil sa pagkakabukaka ko sa harapan niya.
"You'll experience regular and intense contractions. We should wait 'till the cervix dilates to 10cm," sabi pa niya sa akin.
Panay ang pagtulo ng luha ko habang tahimik na dumadaing dahil sa sakit.
Nilingon ko si Mommy na hindi makalapit sa akin. Para bang ayaw niyang nasa tabi niya ako sa ganitong klase ng pagkakataon.
"Wala akong alam sa ganyan, Arnaldo. I don't know, Ok?" giit niya ng sabihan siya ni Daddy na tabihan ako.
Matagal ang pagla-labor ko, sobrang hirap at sakit, pero nang sabihin ng Doctor na ready na akong manganak ay napalitan lahat 'yon ng saya at excitement. Magkikita-kita na kami.
Halos ilang beses kong naramdaman na malalagutan ako ng hininga dahil sa matinding pag-ire. Namuo ang butil ng pawis sa noo ko dahil sa ginagawa. Walang ibang nasa isip ko kundi ang ma-ilabas ng maayos ang mga baby ko.
Bumuhos ang luha ko at napahagulgol na lang sa kabila ng pagod nang marinig ko ang maliit nilang iyak na dalawa.
"You did well. Congrats, Mommy," the Doctor said bago ako dahan dahang nanghina at unti-unting nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Naalimpungatan na lamang ako nang marinig ko ang boses nina Mommy at Daddy. Pilit nilang hinihinaan na para bang ayaw nilang makalikha ng ingay.
"Gising na si Ahtisia," anunsyo ni Daddy.
Kaagad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa ulo.
"Congrats, Anak..." he said.
Nilingon ko ang pinagkaka-abalahan nila ni Mommy. Muli akong na-iyak nang makita ko ang mga baby ko.
"Ang gwapo at ang ganda..." Daddy said.
Lumipat ang tingin ko kay Mommy. Nanatili ang tingin niya sa mga baby ko.
Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya naman nilingon niya ako.
"Parang ikaw..." she said habang nakaturo kay Hartemis.
Naging tawa ang iyak ko dahil sa sayang nararamdaman. Mommy tried her best na tulungan ako sa pag-aalaga ng twins kahit ang totoo ay parang pareho kaming nangangapa.
"Does it hurt?" tanong niya sa akin.
Lumabas sandali si Daddy para ma-breastfeed ko si Hermes. Sa kanilang dalawa ay mukha siya 'tong masigla. Hartemis is a bit reserved.
Marahan akong umiling kahit ang totoo ay naiilang ako, it's a bit uneasy for me to do that. Pero habang nakatingin ako kay Hermes ay nawala ang lahat ng sakit.
Tumunog ang phone ni Mommy para sa isang tawag kaya naman nagpaalam siya sa akin na lalabas muna.
Tulog si Hartemis sa hospital crib niya. Ngintian ko si Hermes at marahang hinaplos ang ulo niya, busy pa din siyang mag-breastfeed sa akin.
Napanguso ako ng mapagmasdan ko siyang mabuti.
"Hunter, kamukhang kamukha mo siya..." sabi ko.
Inabot ko ang noo niya at hinalikan ang baby ko.
"Kamukha mo si Daddy...di ba dapat si Mommy?" nagtatampong sabi ko sa kanya at napangiti na lang din sa huli.
I named him Hermes, kagaya ng napag-usapan naming noon ni Hunter. Hermes Theron.
Dumating din si Kuya Wil, even him ay 'yon kaagad ang napansin.
Dahan dahang nawala ang ngiti niya nang makita niya si Hermes kaya naman natawa ako.
"Bakit kamukhang kamukha 'to ng Hunter na 'yon?" tanong niya habang dahan dahang binubuhat si Hermes.
Simply because he is the father.
Kaya hindi ko lubos ma-isip na pinagdudahan sila ni Hunter. Pero wala na akong pakialam.
Hindi ko na ipipilit.
Nakangiti ako habang pinapanuod kung paano isayaw ni Kuya Will si Hermes. Karga ko ang tahimik na si Hartemis, ilang beses ko siyang hinalikan para iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Parang hindi sapat na halos minu-minuto kong sabihin sa kanilang mahal ko silang dalawa. Parang hindi sapat na sabihin ko lang 'yon, gusto kong maramdaman nila.
"Andito ka na pala," Puna ni Daddy kay Kuya Wil.
May dala siyang mga pagkain, sa kanyang likuran ay si Mommy. Nakita ko kung paano dahan dahang ibinalik ni Kuya Wil si Hermes sa crib niya dahil sa tingin ni Mommy sa kanya.
"Nag-alcohol ka ba bago mo binuhat ang apo ko?" si Mommy.
"Mommy..." suway ko sa kanya.
Dahil sa ginawa ko ay napa-irap na lang siya sa kawalan at nanahimik.
Lumapit kaagad si Daddy sa amin pagkatapos niyang mag-spray ng alcohol sa buong katawan niya.
"Mag-picture po kayo..." suwestyon ni Kuya Wil.
Kaagad kong inabot sa kanya ang phone ko.
Ayaw pa sana ni Mommy.
"Ang kj ni Lola..." pagka-usap ni Daddy kay Hermes.
"Sinong Kj?" masungit na sabi ni Mommy kaya naman napangiti ako.
Iba talaga ang dalang saya ng mga baby ko. Para bang biglang gumaan ang lahat, ramdam kong may nagbago kay Mommy.
Nilapitan siya ni Daddy para ipakarga sa kanya si Hermes. Nang makalipat kay Mommy ay kaagad siyang umiyak.
"Tingnan mo. Ayaw sa 'yo," sabi ni Daddy sa kanya at natawa pa.
Sumimangot si Mommy, kita ko sa mukha niya na hindi niya din alam ang gagawin niya.
Hinawakan siya ni Daddy sa magkabilang braso para igaya, pinasayaw niya si Mommy hanggang sa tumahan si Hermes.
"Ayan...bagay naman pala sa 'yo," pun ani Daddy sa kanya.
Nakita ko kung paano natigilan si Mommy dahil sa sinabi ni Daddy. Sa isang iglap, parang naging maayos ang lahat para sa amin. My babies are like an angel...hindi lang buhay ko ang binago nila.
We took some photos, may picture na hawak ko silang dalawa. May pictures na si Mommy at Daddy lang...habang hawak ang kambal.
Umuwi din kami sa bahay after ng ilang days sa hospital. Mas masaya dahil pinayagan ni Mommy na dito na din si Kuya Wil sa amin imbes na bumalik sa Manila.
Sa tuwing magkakasama kaming tatlo ay wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan silang dalawa. Halos mapuno ang phone ko ng picture nilang dalawa.
Napangiti ako nang makita ko kung paano gumalaw si Hermes, ang kamay niya ay napunta sa kapatid kaya naman parang nakayakap siya dito.
"My sweet Hermes," sabi ko at kaagad siyang hinalikan sa pisngi.
Ganoon din ang ginawa ko kay Hartemis. Matambok ang pisngi nilang dalawa, namumula pa ang mga 'yon. May mga oras na halos magising silang dalawa dahil sa mga halik ko.
Hindi din ako hirap kung sino ang uunahin na i-breastfeed. Hermes is very patient, para bang tinutulungan niya akong mag-decide. It's ok for him na unahin ko ang kapatid niya, hindi siya umiiyak.
Sa gitna ng kama ko silang pinapatulog na dalawa. Ayokong malayo sa kanila kaya naman hindi ko muna pinapagamit ang crib. Mas gustong tabi kaming tatlo, mas gusto kong palagi kong kasama ang mga baby ko.
Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang naka-dapa sa kama, nakatingin din silang dalawa sa akin na para bang na-iintindihan nila yung mga sinasabi ko.
"My sweet Hermes will protect his baby sister, right?" malambing na sabi ko sa kanya while tracing the tip of his nose. Just like his Daddy's.
Nakatingin siya sa akin, his lips smacked na para bang gusto niyang masalita at kausapin din ako. Hartemis is behave sa tabi niya, para bang nakikinig siya sa pinaguusapan naming ng kapatid niya.
Sa kanila na umikot ang mundo ng mga sumunod pang-araw, wala akong ibang nasa isip kundi silang dalawa lang.
"Medyo matamlay si Hartemis, kesa kay Hermes..." pun ani Kuya Wil.
Sinamahan niya akong ilabas ang twins. Nasa may garden kami para pa-arawan sila.
"Not really, baka moody lang ang baby girl ko," sabi ko sa kanya kaya naman natawa na lang din si Kuya Will.
Humilig siya para kausapin sina Hermes at Hartemis. He randomly talked to them at sinasagot naman siya ng mga baby ko.
"Hindi mo sasabihin sa kanya?" tanong niya out of nowhere.
Ilang beses na ding pumasok 'yon sa isip ko. Gusto ko ulit subukan, gusto kong makita ni Hunter ang mga baby namin. Na baka pag nakita niya ang kambal ay magbago ang isip niya...baka pag nakita niya kung gaano niya kamukha si Hermes ay ma-realize niyang hindi naman talaga ako nagsinungaling.
Mula kay Kuya Wil ay bumaba ang tingin ko sa mga baby ko na nasa stroller nila.
"Hindi ako takot na hindi niya ako paniwalaan. Takot ako na itanggi niya ang mga baby ko kahit pa makita niya. Ayoko silang masaktan, Kuya Wil..." kwento ko sa kanya.
Tumango si Kuya Wil. "Kawalan niya. Hayaan mo 'yon. Minsan lang maging ganito ka-liit ang mga bata. Isang araw magugulat ka na lang ang laki na nila...i-enjoy mo 'to. Hayaan mo si Hunter...darating ang araw na pagsisisihan niya na wala siya sa pagkakataong 'to," sabi ni Kuya Wil.
Healthy ang mga baby ko kaya naman wala akong kahit anong pangamba para sa kanila. Doble din ang ingat ko sa kanila kaya naman alam kong walang magiging problema.
"Kailangan na nating paghandaan ang binyag. Mas maganda kung mabinyagan ang mga bata," sabi niya sa akin.
Kaagad akong tumango. Naging abala din ako sa pag-aasikaso ng binyag para sa kanilang dalawa.
Isang araw ay nagulat na lang ako ng walang ginawa si Hermes kundi ang umiyak. Si Hartemis naman ang patient ngayon, looks like she feels na her brother needs me kaya naman behave lang siya.
"Anong problema? Sabihin mo kay Mommy..." malambing na pagkausap ko sa kanya habang hinihele ko siya.
Magana naman siya ng i-breastfeed ko siya. Tatahimik lang pag karga ko, gusto niyang karga ko siya ng buong araw na 'yon.
"Naglalambing ang baby ko," sabi ko sa kanya habang ilang beses siyang hinalikan sa ulo.
Nakatulog si Hermes kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong i-breastfeed si Hartemis. Kung kaya ko lang na yakapin sila ng sabay habang nag-b-breastfeed ako kay Hartemis ay ginawa ko na.
Halos ayokong mahiwalay sila sa akin, gusto kong iparamdam sa kanila ang presencya ko, ang mga haplos at halik ko.
Mahimbing na ang tulog nilang dalawa kaya naman tinawag ko muna ang isa sa mga kasambahay para tingnan tingnan sila habang nasa shower ko.
Hindi na umiyak si Hermes ng gabing 'yon. Mukhang masarap na din ang tulog niya kagaya ni Hartemis.
Para akong nakalutang sa ere, para akong nakahiga sa ulap dahil sa saying nararamdaman ko dahil sa pagdating ng mga baby ko. They are my angels.
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa mundo para biglang bawiin ang saying nararamdaman ko. Na para bang mula sa ulap kung saan ako nakahiga ay ibinagsak ako sa lupa.
Sobrang sakit.
"Hermes...baby, wag mong takutin si Mommy," paki-usap ko sa kanya.
Maayos siya kagabi, natutulog lang siya matapos ko siyang i-breastfeed.
"Mommy!" umiiyak na sigaw ko.
Hindi siya gumigising, hindi siya gumagalaw.
Nataranta ang buong bahay dahil sa sigaw ko. Bakit hindi gumagalaw ang baby ko?
Kaagad ko siyang kinarga, mahigpit ko siyang niyakap, baka kailangan lang niya ng init, baka kailangan niya lang ang presencya ko.
"Hermes, nandito si Mommy. Hermes..." umiiyak na tawag ko.
Mas lalo akong napahagulgol, para na lang ako may hawak na manika, hindi gumagalaw, hindi umiiyak...walang buhay.
"Anong nangyari?" gulat na tanong nila Mommy at Daddy.
Pumunta kaagad kami sa hospital para dalhin si Hermes. Umiiyak si Hartemis ng iwanan namin siya sa mga kasambahay.
"Please...yung baby ko," umiiyak na sabi ko sa Doctor.
Halos takasan ako ng bait ng tuluyan kong makita ang itsura ni Hermes ng ilapag ko siya sa hospital bed.
Hindi 'yon ang baby ko. Masigla si Hermes, mapula ang pisngi, mapula ang labi. Hindi 'yon ang baby ko.
Kaagad akong hinila ni Daddy para yakapin. Napahagulgol ako dahil sa takot, parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa hindi malamang nararamdaman.
Hindi ko kakayanin pag may nangyaring hindi maganda sa isa sa kanila.
Tumigil ang Doctor sa pagtingin kay Hermes, nilingon niya ang walang imik na si Mommy. Nakatulala lang 'to habang nakatingin kay Hermes.
Humiwalay ako ng yakap kay Daddy.
"Anong wala?" galit na tanong ko sa Doctor dahil sa pag-iling niya.
"I'm sorry...wala na kaming magagawa," she said kaya naman kaagad ko siyang tinabig para lapitan ang baby ko.
Binuhat ko si Hermes, niyakap ko ng mahigpit.
"Hermes...nandito si Mommy. Nandito si Mommy, anong problema...sabihin mo kay Mommy," pagkausap ko sa baby ko.
"I think it's more than an hour na wala ang bata," the doctor said.
"Hindi!" sigaw ko sa kanilang lahat.
Hindi ko matatanggap 'yon.
Kaagad lumapit si Daddy sa akin.
"Kailangan lang maramdaman ng baby ko na nandito ako," umiiyak na sabi ko sa kanila.
Makikita nila, buhay ang baby ko.
Niyakap ko ng mahigpit si Hermes. Hindi siya 'to, masigla ang baby ko.
"Please, Hermes...wag mong iwan si Mommy. Wag mo akong iwan," umiiyak na paki-usap ko sa kanya.
Ayos pa siya kagabi, inaalagaan ko pa siya kagabi.
Halos manghina ako, kung hindi ako nasalo ni Daddy ay baka bumagsak ako sa sahig.
"Hinihintay tayo ni Hartemis, Anak. Hinihintay tayo ng kapatid mo," pagka-usap ko sa kanya.
Hindi ako papayag na uuwi akong mag-isa.
Halos mapaluhod ako sa sahig habang yakap ang wala ng buhay na baby ko.
"Please, Hermes...wag mong iwan si Mommy. Hindi ko kakayanin," sabi ko sa kanya. Umiiyak na paki-usap ko sa kanya.
Marami nang umalis, ilang tao na ang nang-iwan sa akin. Pero ito ang hindi ko tatanggapin. Hindi ko kayang tanggapin.
Lumuhod si Mommy para yakapin ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Wala siyang sinabi, mahigpit niya lang akong niyakap.
Nawala si Hermes na hindi man lang niya naramdaman ang presencya ng Daddy niya. Nawala si Hermes na hindi ko man lang na-ipaglaban ang karapatan niyang kilalanin siya.
Bakit pa ibinigay si Hermes sa akin kung babawiin din naman kaagad? Why can't I have my baby forever?
Nasanay akong dalawang baby ang i-b-breastfeed ko, dalawang baby ang papatahanin ko, dalawang baby ang katabi kong matulog sa kama, dalawang baby ang hahalikan ko...
Si Hermes at Hartemis ang sasalubong sa akin sa umaga. Hindi ko matatanggap 'to.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro