Chapter 22
Test
Hindi ko ma-iwasang hind maging masaya nang makita ko kung gaano kasaya si Hunter dahil sa nalaman namin. Natakot pa ako nung una na baka magalit siya, hindi ko alam ang mararamdaman ko kung sakaling iba ang naging reaction niya.
Dumiretso kami sa condo niya imbes na kumain sa labas. Mas maganda daw na ipagluluto niya na lang kami, kung alagaan niya din ako ay para bang takot na takot siya na masaktan ako kahit kaonti.
"Sana hindi ka mawala sa focus sa review dahil dito..." sabi ko habang nasa loob kami ng elevator. Nasa likuran ko siya, ang kanyang braso ay nakapulupot sa bewang ko, his palms stays in my tummy.
Marahan siyang humalik sa ulo ko, kita ko ang reflection naming dalawa sa elevator door.
"Mas lalo akong mag-aaral ng mabuti para maka-pasa," sabi niya sa akin.
Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Hunter, hinawakan ko ang kamay niyang nasa taas ng tiyan ko.
I'm not ready for this, pero dahil sa kanya ay alam kong magiging maayos ang lahat para sa aming tatlo. Hindi ko din ma-explain ang saying nararamdaman ko dahil may nabuo sa pagmamahalan naming dalawa.
"Stay with me for tonight," he said.
Walang pag-aalinlangan akong tumango habang nakatingin sa kanya sa reflection namin s amay elevator door. I want to savor this moment with him.
Ipinagluto ako ni Hunter ng gusto kong pagkain. Habang ginagawa niya 'yon ay naglibot ako sa condo niya kahit ilang beses na akong nakapunta doon.
Puno ng libro at reviewer ang malapad niyang study table, kahit ganoon ay kita pa din ang pagiging organized niya.
"I'll just buy something sa grocery sa baba," paalam niya sa akin.
"Sama ako," sabi ko at kaagad na lumapit sa kanya.
Naglahad siya ng kamay para tanggapin ang paglapit ko.
"Baby, you should stay here. Sandali lang ako," malambing na sabi niya sa akin.
Tumulis ang nguso ko kaya naman bumaba ang tingin niya don at ngumisi.
"Wag ng sumimangot," marahang suway niya sa akin bago tumaas ang kamay niya para marahang haplusin ang buhok ko.
Inalis ko ang pagtulis ng nguso ko bago ako napakapit sa suot niyang tshirt.
"G-gusto ko ng chocolate drink," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti niya.
"Uhm...I should get used to this. Wag kang mahihiyang magsabi sa akin ng kahit anong gusto mo," paalala niya sa akin.
Tipid akong tumango, tama naman siya, kahit pa matagal na ang relasyon namin ni Hunter ay may pagkakataon pa din talaga na nakakaramdam ako ng hiya sa kanya. Hindi na ata magbabago ang parteng 'yon. Minsan kasi ay ramdam ko pa din yung kilig at pagka-ilang na parang kin-crush back ka ng crush mo.
"T-tsaka...gummy bears," paghabol ko pa.
I heard him chuckled bago niya ako hinapit lalo, humilig siya para abutin ang leeg ko at hinalikan ako doon.
Sandaling umalis si Hunter para may bilhin sa grocery sa baba. Inabala ko ang sarili ko sa study table niya. Umupo ako doon at isa-isang tiningnan ang mga reviewer niya. Ngayon pa lang ay parang nalulula na ako sa dami no'n. Paano na lang kaya pag ako na ang magre-review para sa board exam?
Nakita ko ang scratch paper ni Hunter, kinuha ko ang ballpen niya at nag-doodle ako doon. Nang mahusto sa ginagawa ay muli kong na-alala ang sinabi niya sa akin na pagnaka-usap na namin ang parents ko ay papakasalan niya ako.
Nakangiti ako habang isinusulat ang pangalan ko sa papel.
Ahtisia Amelie Salvador-Jimenez
Matapos kong isulat 'yon ay nag-isip naman ako ng signature kung sakali. Natatwa na lang ako sa sarili ko dahil sa ginagawa. Sa huli ay kinuha ko ang recent na handouts na binabasa ni Hunter.
"We're so proud of you. We love you..." sabi ko while writing it on the upper part of his handouts.
"From me...and baby," dugtong ko pa.
I put na lang a smiley face sa dulo. Sometimes I really want to write what I really feel. Hilig kong gumawa ng love letter. Noong bata ako ay may letter na natatanggap si Mommy at Daddy sa tuwing may special occasions.
Kagaya ng sabi ni Hunter ay hindi siya nagtagal. Tumayo kaagad ako para salubungin siya.
"Ang dami nito," puna ko sa binili niyang chocolate drink at gummy bears. May kung ano-ano pa siyang binili na baka daw magustuhan namin ni Baby.
Tahimik ko siyang pinapanuod na magluto habang abala ako sa pagkain. Sa tuwing lumilingon siya sa akin at matamis ko siyang nginingitian.
Nang hindi makapagpigil ay lumapit na siya sa akin, kumuha ng isang gummy bear, inipit sa lips niya bago siya humilig sa akin at inilipat 'yon sa akin.
"You look cute. Uhm...dalawa na ang baby ko," sabi niya sa akin kaya naman namanhid ang buong katawan ko dahil sa nararamdaman.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang makita ko ang pag-ilaw ng phone ko dahil sa message ni Mommy. Hinahanap na niya ako, hindi ko din naman alam kung paano pa ako gagawa ng kasinungalingan para sagutin siya.
"Kakausapin ko na ang parents' mo bukas pagkahatid ko sa 'yo," sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako.
"Uhm...w-wala kasi sila sa bahay," pagsisinungaling ko.
Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"So, pwede kang mag-stay here with me? Wala kang kasama sa inyo."
Tumanggi ako sa alok niya. Ayoko din kasing ma-abala siya sa review niya.
Takot ako. Takot ako sa kung anong pwedeng maging reaction ni Mommy. Kilala ko siya, kahit gaano kaganda ang balitang dala mo, kung hindi sang-ayon sa mga gusto at plano niya ay paniguradong magiging magulo ang lahat.
Napansin ko ang pagtagal ng tingin ni Hunter sa akin, para bang may napansin na siya sa pananahimik ko.
"Hindi ka pa ready sabihin sa parents' mo 'to?" seryosong tanong niya sa akin.
Marahan akong napakagat sa aking pang-ibabang labi.
"Si Mommy kasi..." pag-uumpisa ko, hindi ko din natapos dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Hunter na hindi niya pa kilala si Mommy.
"Hahanap lang ako ng tiempo," sabi ko sa kanya.
Natahimik siya, nanatili ang tingin sa pagkain sa kanyang harapan.
Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang kamay niyang nakapatong sa 'taas ng lamesa.
"I hope you understand..." sabi ko.
Natatakot talaga akong malaman ni Mommy 'to. Hindi ko naman sila itatanggi ng Baby namin. Wala din akong balak na itago sila, I just really need a right time para sabihin kay Mommy 'to.
"Do I need a licence first...bago ako magpakilala sa Mommy mo? So, that matanggap niya tayo?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. Napabuntong hininga si Hunter.
"I'll wait. Just tell me kung kailan ko sila pwedeng maka-usap, pupunta kaagad ako sa inyo kasama ang parents ko," sabi niya sa akin kaya naman tipid akong ngumiti sa kanya.
Doon ako natulog sa condo ni Hunter ng gabing 'yon. Nakahiga ako sa gitna ng kanyang kama, nang masigurado niyang kumportable na ako ay nagpaalam na siya na mag-re-review sa study table niyang halos nasa paanan lang din naman ng kama.
Puno ng message ni Mommy ang phone ko pagkagising ko kinaumagahan. After ng breakfast ay nagpahatid kaagad ako kay Hunter sa labas ng subdivision naming kung saan naghihintay ang driver naming.
"Text me every now and then, pag may kailangan ka...kayo, sabihin mo kaagad sa akin," paalala niya sa akin.
Humalik ako sa kanya bago ako tuluyang nagpaalam. Ramdam ko ang kaba habang nasa byahe kami pa-uwi sa bahay. Mabuti na lang din at maayos ang pakiramdam ko ngayon, hindi katulad ng ibang umaga na kaagad akong naduduwal. Hindi ako pinapahirapan ni Baby.
"Saan ka nanggaling?" galit na salubong ni Mommy sa akin.
"S-sa...kaibigan ko po," sagot ko sa kanya.
Halos mabingi ako nang sampalin niya ako.
"Kailan ka pa natutong hindi sagutin ang mga tawag at message ko sa 'yo?" asik niya sa akin.
Hindi ako nakagalaw, ininda ko ang sakit ng sampal niya sa akin.
"Nagre-rebelde ka na sa akin, ha! Amelie!?"
Hindi kagaya ng ibang pagkakataon na iiyak lang ako, ngayon kaya ko ng pigilan 'yon.
"Sino 'yang punyetang kaibigan mo? Bad influence siya! Layuan mo 'yan!" utos niya sa akin.
Nanatili ang tingin ko sa kanya. Kita ko ang galit sa mukha niya habang nakatingin siya sa akin. Hindi nagtagal ay naningkit ang kanyang mga mata, dahan dahan siyang lumapit sa akin kaya naman napa-atras ako. Takot akong saktan niya kami ng baby ko.
Mas lalong tumigas ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko.
"Wag mo sabihing lalaki 'yan? Malaman ko lang na may boyfriend ka, o may kinikitang ibang lalaki...humanda 'yan sa akin," banta niya.
Isa 'to sa kinakatakot ko.
"Mommy...hinding hindi ko magugustuhan si Everette," matapang na sabi ko sa kanya kaya muling namanhid ang pisngi ko dahil sa sampal niya.
Dinuro niya ako. "Ni hindi mo ngang magawang itaas ang grade mo para sa sarili mo. Pasalamat ka at may paki-alam ako sa future mong bata ka...kung alam ko lang na wala akong mapapala sa 'yo...sana iba na lang ang naging anak ko, Sana isinama na lang kita sa ama mo!" sabi pa niya bago niya ako sinangga para iwanan doon.
Napahawak ako sa sinapupunan ko. So, saang parte magiging madaling sabihin kay Mommy ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Hunter did not fail to ask for an update sa aming dalawa ni Baby. Kahit hindi kami nagkikita sa school ay hindi niya naman ipinaramdam sa amin na busy siya.
I message Hunter na nasa school na ako. Tanghali ang klase ko para sa araw na 'to kaya naman dumiretso muna ako sa cafeteria para maghanap ng pagkain na pwede kong kainin kung sakaling magutom ako sa klase.
Naka-received din ako ng message mula kay Hugo na nasa classroom na siya kaya naman pagkagaling ko sa cafeteria ay umakyat na ako sa building namin.
Napahinto ako sa may bukana ng hallway nang makita ko kung sino ang nakatayo do'n. Para bang hinihintay niya ang pagdaan ko.
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Medyo mabigat pa naman ang pakiramdam ko kaya naman wala akong panahon na makipag-away o makipag-usap man lang sa kanya.
Hindi ko n asana siya papansinin pa nang makita kong mula sa kanyang likuran ay may inilabas siyang papel. Lukot na 'to, may ilang punit din.
"It was you that day, and it's still you today...I will love you like this forever," mapanuyang basa niya sa letter na ginawa ko noon.
Sa paraan ng pagbasa niya ay parang nandidiri pa siya.
"Hindi ka lang pala weird, ang cringed mo din," sabi niya sa akin.
Kaagad akong sumugod sa kanya para agawin ang letter na 'yon.
"Whoa!" natatawang sabi niya nang hindi ko nakuha 'yon sa unang beses ko.
Di hamak na mas matangkad siya sa akin at mas athletic.
"Isabela, ibalik mo 'yan sa akin," mahinahong sabi ko sa kanya kahit nag-iinit na ang ulo ko.
"Sino ka naman para sundin ko? You're just a pest in everyone's life...I wish you gone," sabi niya sa akin.
Sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi na talaga ako makapagtimpi, lalaban ko na talaga siya.
"Ibalik mo 'yan sa akin," seryosong sabi ko.
Mas lalo siyang natawa ng makita niyang hindi ko na ma-control ang emotion ko.
"Come on, Ahtisia. Magalit ka, wag kang magbait-baitan, hindi 'yan uubra sa akin. Kabisado ko na 'yang kagaya mo...nasa loob ang kulo niyo," sabi niya sa akin.
Hindi na ako nakapagpigil at kaagad ko siyang sinampal. Halos mag-echo sa hallway ang lakas ng tunog ng pagtama ng palad ko sa pisngi ni Isabela.
"Inirespeto ko kayo, kahit hindi naging maganda ang trato niyo sa akin. Tapos na ang pagtitimpi ko sa 'yo, Isabela! Nagsisi akong nirespeto pa kita!" asik ko sa kanya.
Nakita ko ang galit sa mukha niya, tangkang susugurin niya ako ng kaagad na humarang si Sovannah sa pagitan namin.
"Bel, enough...tama na," suway ni Sovannah sa kanya.
Uminit ang magkabilang gilid ng mga mata ko dahil sa inis, at sa sobra-sobrang emosyon.
Napahawak si Isabela sa pisngi niyang namumula ngayon, kahit nasa gitna na naming si Sovannag ay nagawa pa niyang duruin ako.
"Hindi ko papalagpasin 'to," banta niya sa akin.
Pinunit niya ang letter na hawak niya, nilamutak bago niya ibinato sa akin.
Tumulo ang luha ko dahil sa inis na nararamdaman. Hindi ko ugaling makipag-away sa ibang tao, pero napuno na ako sa kanya.
Muli akong nakatulog sa klase namin, napansin ni Hugo ang pagiging tahimik ko, hindi siya umimik at sinuportahan pa ako sa pagtulog ko sa klase.
Nagising na lang ako na may side notes na din ang handouts ko para daw hindi ako mahirapang mag-review.
Tahimik kaming nagre-review na dalawa para sa second subject namin nang makarinig kami ng bulungan mula sa mga kaklase naming kararating lang.
"Kaya pala hanggang ngayon...magka-away yung magkapatid. Tirador naman pala ng Jimenez si Isabela," bulungan ng mga 'to.
Hindi ko sana papansinin pero narinig ko ang pangalan ni Isabela at ang apelyido ni Hunter.
Tumunog ang phone ni Hugo, nanggaling ang notification sa group chat ng block section namin. Kumunot ang noo niya kaya naman humilig ako para tumingin doon. Napaawang ang bibig ko ng makita kong litrato 'yon mula sa isang party.
Mas lalo akong natigilan ng makita kong kasama ni Isabela si Hunter sa pictures. Nagtuloy-tuloy ang litrato, maging ang galit ng kapatid ni Hunter ay nakuhanan din.
"Di ba si Sovannah dati meron din? Nawala kasi inayos ng Daddy niya...mawawala din 'to kaagad, tapos bigla na lang din silang mawawalang magpinsan para magtago..." nakangising pag-uusap ng mga kaklase namin.
"Ahtisia..." tawag ni Hugo sa akin.
Napatitig ako sa kawalan, matapos kasi ang pag-uusap nila ay para bang na-alala ng mga kaklase kong nandito ako kaya naman ang lahat ng atensyon nila ay nasa akin na ngayon.
"Kawawa naman..." mapanuyang sabi nila.
"Karma..." sabi pa ng isa.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko, ilang message mula kay Hunter at tawag na din.
"U-uuwi na ako," paalam ko kay Hugo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nalaman.
May nangyari sa kanila ni Isabela? Kaya ba galit na galit siya sa akin? Sino na talaga? Si Isabela o si Sovannah?
Sumunod si Hugo sa akin, hindi ko na napigilan at kaagad na umiyak dahil sa nakita ko. Sumikip ang dibdib ko dahil doon.
"Shh...tahan na," marahang pag-aalo ni Hugo sa akin.
Kaagad niya akong hinila para yakapin. Umiyak ako sa bisig niya hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Bitawan mo ang girlfriend ko," matigas na sabi ng kararating lang na si Hunter.
Nilingon ko siya, nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya pero nanatili ang talim ng tingin niya kay Hugo.
"Ayokong kausapin ka ngayon," pagtataboy ko sa kanya.
Hindi ko siya kayang harapin dahil sa nakita ko.
"Let's talk...ipapaliwanag ko sa 'yo," sabi niya sa akin.
Mukhang nakarating na din sa kanya ang kumakalat na balita.
Marahan akong umiling, nawala ang atensyon ko sa kanya ng makita naming sa kabilang gawi ang mabilis na paglalakad ni Isabela papunta sa parking space para umalis sa campus.
"Iiwan ko na muna kayo...para makapag-usap," paalam ni Hugo.
Nang maka-alis 'to ay tsaka ako nilapitan ni Hunter.
"Walang nangyari sa amin ni Isabela. Set up 'yon. Pareho naming alam na set up 'yon," paninigurado niya sa akin.
Hindi ako naka-imik, hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.
"Shh...makakasama sa 'yo ang pag-iyak. Maniwala ka sa akin..." sabi pa niya.
Sa huli, sumama ako kay Hunter para pakinggan ang side niya.
"And I think, I was drugged..." sabi pa niya sa akin.
Nanatili akong tahimik na naka-upo sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Inabot ni Hunter ang kamay ko para marahang hawakan 'yon.
"Gusto ko munang magpahinga, uuwi na muna ako," sabi ko sa kanya.
Marahan siyang tumango, hindi na nagpumilit pa si Hunter. Tahimik kami habang nasa byahe pauwi sa amin.
"Gising ako buong gabi...tell me kung may gusto ka o may kailangan ka," sabi pa niya bago ako tuluyang nagpaalam para bumaba na.
Nagkulong ako sa aking kwarto. Naka-received pa ako ng text kay Hunter ng sabihin niyang naka-uwi na siya sa condo niya.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa kama ng kumatok si Mommy. Matapos ang tatlong katok ay kaagad siyang pumasok sa kwarto ko, napaayos ako ng upo dahil do'n.
"Really? Humiga ka lang diyan imbes na mag-review?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Mommy...medyo masama po kasi ang pakiramdam ko," sumbong ko sa kanya. Sumakit pa ang ulo ko dahil sa pag-iyak ko kanina.
Buong akala ko ay magpapakita man lang siya kahit kaonting pag-aalala. Inirapan niya lang ako na para bang na-aartehan pa siya sa akin.
"Mag-ayos ka, nasa baba si Everette," sabi niya sa akin.
"Hindi po ako bababa," matapang na sabi ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya, ito halos ang unang pagkakataon na hindi ko siya susundin.
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga," banta niya sa akin.
"Hindi po ako bababa...Mommy," pag-uulit ko nga.
"Punyeta ka talagang bata ka..." sabi niya sa akin at kaagad akong nilapitan.
Hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko, hinarap ko si Mommy. Kahit anong mangyari ay hindi na ako haharap ay Everette.
"Wag mo akong ipahiya...bumaba ka," banta niya sa akin.
"Hindi po ba, mas nakakahiya yung pagpapalapit niyo sa akin sa matatandang lalaki? Mommy, alam niyo po bang kilala ako sa school dahil diyan sa ginagawa niyo? Hiyang hiya na po ako..." sumbong ko sa kanya.
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa panga ko.
"Hindi ka mabubuhay ng hiya mo, Ahtisia. Babain mo si Everette," madiing sabi niya.
Padabog niyang binitawan ang pisngi ko. Lumabas si Mommy sa kwarto ko, imbes na sumunod sa kanya ay kaagad akong tumayo para i-lock ang kwarto ko. Hindi pa ako nahusto, iniharang ko pa doon ang maliit na side table para lang hindi talaga siya makapasok pa ulit.
"Wag niyong dadalhan ng pagkain. Walang kahit ano...punyetang bata, magtatanda siya ngayon. Hayaan iyong mamatay sa gutom," galit na asik ni Mommy mula sa labas ng aking kwarto.
Natiis ko ang gutom buong gabi dahil hindi ko din magawang tumayo dahil sa sama ng pakiramdam ko. Madaling araw ng hindi ko na kinaya at tumawag na ako kay Hunter, ilang ring ang nangyari pero hindi niya kaagad sinagot ang tawag ko.
"Ahtisia...si Daddy 'to," sabi ni Daddy sa akin mula sa labas ng aking kwarto.
Tsaka lang ako tumayo ng marinig ko ang boses niya.
Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap nang buksan ko ang pinto. Umiyak ako sa bisig niya.
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" tanong niya nang sabihin ko sa kanya ang mga pambu-bully na natatanggap ko dahil sa pagsama kay Everette at sa iba pa.
"Kasi po...ayokong mag-away nanaman kayo ni Mommy," sagot ko.
Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mukha ni Daddy.
Hinaplos niya ang buhok ko bago niya ako hinila palapit sa kanya.
"Ahtisia!" sigaw ni Mommy.
Nasa hagdan pa lang ata siya ay sumisigaw na. Kaagad akong natakot kaya naman humigpit ang yakap ko kay Daddy.
Susugurin sana ako ni Mommy nang kaagad na humarang si Daddy sa kanya.
"Wag kang humarang, Arnaldo. Didisiplinahin ko 'yang batang 'yan," pagpupumiglas niya.
"Hindi ko na hahayaang saktan mo ang anak ko, Atheena!" matigas na sabi ni Daddy sa kanya.
Sobrang frustrated si Mommy kaya naman nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.
"Hindi mo anak si Ahtisia kaya walang kang..." natigil ang sigaw niya dahil sa gulat.
"Anong sabi mo?" madiing tanong ni Daddy.
Hindi naka-imik si Mommy.
Hinawakan siya ni Daddy sa magkabilang balikat at pilit na hinarap sa kanya.
"Anong sabi mo, Atheena!?" may diin at puno ng galit na tanong ni Daddy sa kanya.
"Wala, Arnaldo. Nabigla lang ako..." sabi ni Mommy.
Kaagad siyang nagpumiglas sa hawak ni Daddy para lumayo, hindi natinag si Daddy at kaagad na sumunod sa kanya.
Mommy did this to herself once again. Siya nanaman ang gumawa ng paraan para mas lalo siyang iwanan ni Daddy, pagkatapos ay isisisi niya sa iba.
Umalis si Daddy ng makumpirma niyang tama ang nadinig niya, hindi niya ako totoong anak kaya naman ang lahat ng pagtitimpi niya kay Mommy ay sumabog na.
"Arnaldo! Hindi mo ako iiwan!" galit na sigaw ni Mommy.
Lumabas ako ng kwarto para sumilip. Wala ng lumabas na luha sa mga mata ko ng makita ko kung paano humahangos na bumaba si Daddy sa hagdan dala ang isang malaking maleta.
"Iiwan na kita," pinal na sabi ni Daddy sa kanya.
"Magpapakamatay ako," banta ni Mommy.
Banta na laging nagpapabago sa isip ni Daddy dahilan para hindi niya iwanan 'to.
Padabog na binitawan ni Daddy ang hawak niyang maleta para harapin si Mommy.
"Inabandona ko ang sarili kong anak...dahil sa kasinungalingan mo!" asik niya. Naguumapaw ang galit ni Daddy.
Iba talaga pag ang mabait na ang napuno at nagalit.
"Inabandona ko ang sarili kong dugo't laman...para mag-alaga ng batang hindi naman sa akin!" sabi pa niya.
Kumirot ang dibdib ko dahil sa narinig, alam kong nadala lang si Daddy ng galit niya.
Napahikbi ako, dahil don ay nilingon niya ako, mukhang nagising siya at nagsisi dahil sa sinabi.
Sandali akong nakipagsuktan ng tingin kay Daddy bago ako tumakbo pabalik sa kwarto ko para magkulong.
Tuluyang umalis si Daddy ng gabing 'yon. Dahil sa nangyari ay sa akin nanaman ibinunton ni Mommy ang lahat ng galit niya. Kinuha niya ang phone ko at ibinato sa kung saan. Hindi niya ako hinayaang umalis ng bahay at ikinulong sa kwarto ko ng ilang araw.
Halos ilang araw akong walang communication kay Hunter. Inaasahan ko ng ana pupunta siya at hahanapin ako pero walang Hunter na dumating.
"Umalis po ang Mommy niyo papuntang Bicol para sundan ang Daddy niyo," sabi ng isa sa mga kasambahay ng tanungin ko siya.
Kaagad kong kinuha ang pagkakataon na 'yon para umalis. Wala na akong iba pang iniisip, total ay sira naman na ang lahat...sasama na lang ako kay Hunter.
Ilang beses akong nag-doorbell sa condo niya bago niya binuksan 'yon.
Nagulat ako nang makita ko ang pasa sa mukha niya, may sugat din ang gilid ng kanyang labi. Tamad siyang tumingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Hunter..."
Walang kahit anong emosyon ang nakita ko sa tingin niya sa akin.
"Ayoko na sa amin. Dito na lang ako," sumbong ko.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya.
"Para ano? Para gaguhin mo nanaman ako?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"Hindi ko maintindihan..."
Humakbang siya palapit sa akin. "Sabihin mo nga sa akin...sa akin ba talaga 'yang batang dinadala mo?" tanong niya na ikinagulat ko.
"O-oo...ano bang klaseng tanong 'yan?" tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay gusto kong ma-iyak.
Inirapan niya ako. "Wag mong gawin sa akin ang ginawa ng Mommy mo sa Daddy mo," sabi niya.
Bumigat lalo ang dibdib ko. Siguradong kalat na ang balita, may pakpak talaga ang chismis.
"Hunter, dugo't laman mo ang baby na 'to. Hindi ko...hindi ko ipapa-ako sa 'yo ang baby ko kung hindi naman sa 'yo," paliwanag ko.
Nagawa ko pang sabihin 'yon kahit ang totoo ay sobrang sakit n'on sa parte ko.
Tumikhim siya.
"Let's have a DNA test," sabi niya sa akin kaya naman para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro