Chapter 21
Positive
Tipid ko siyang nginitian nang mapansin kong nahihiya siya, hindi ko alam kung saang parte siya nahihiya, sa pangalan niya ba? Wala naman akong nakikitang mal isa pangalan niya.
Sandaling beses siyang sumulyap ulit sa akin habang nakahawak sa kanyang batok.
"S-sige, una na ako...sorry ulit," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa ipinapakita niya.
"Walang kaso sa akin, Hugo..." sabi ko kaya naman bahagya siyang nagulat.
Magsasalita pa lang sana siya ng kaagad na siyang tinawag sa loob.
"Mr. Medrano."
Dumiretso na ako sa cafeteria pagkatapos no'n. Bago dumating sa cafeteria ay dadaan muna ako sa malaking field ng campus namin. Malayo pa lang ay rinig ko na ang ingay at sigawan dahil sa mga naglalaro ng football, at sa may gilid ay ang volleyball varsity team.
Sa hindi ko malamang dahilan ay kusang hinanap ng mga mata ko si Isabela. Hindi siya enrolled para sa semester na 'to pero malaya naman siyang nakakapasok. Kilala na kasi siya sa campus ay malaki din ang parte niya sa varsity team.
Nagtama ang mga mata naming dalawa, matapos niyang pumwesto para tanggapin ang bola ay nagtaas siya ng kilay sa akin. Lumapit sa isa sa mga kasama at may binulong bago sila nagtawanan.
Hinayaan ko na lang at hindi na pinansin pa. Nasa cafeteria na si Hunter nang dumating ako kasama ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan ang mga kasama niya pero masyado siyang seryoso habang nakatingin sa may entrance na para bang masyado siyang focus sa pagdating ko.
Matamis ko siyang nginitian nang magtama ang tingin naming dalawa. Mula sa pagiging busangot at umaliwalas din ang mukha niya.
Tumayo siya nang tuluyan akong makalapit, humilig kaagad siya para humalik sa ulo ko, ang kanyang kanang kamay ay kaagad na gumapang para pumulupot sa bewang ko.
"Kanina ka pa?" mahinang tanong ko sa kanya. Ayokong makuha ang pansin ng mga kaibigan niyang nagkwe-kwentuhan.
"Hindi naman," marahang sagot niya sa akin.
Iniharap niya ako sa mga kaibigan niya kaya naman natahimik ang mga 'to at kaagad na ibinigay sa amin ang buong atensyon nila.
"Si Ahtisia...nag-iisang girlfriend ko," sabi niya sa mga ito.
Matapos nilang asarin si Hunter ay kaagad silang nagpakilala sa akin. Halos kilala ko na din naman sila at pamilyar na sila sa akin, hindi lang nagkaroon ng ganitong pormal na pagpapakilala.
"Hindi na 'yan kailangan," masungit na suway ni Hunter sa isa sa mga 'to ng iabot niya ang kamay niya sa akin para magpakilala.
Nagtawanan na lang ang mga kaibigan niya, mas lalo akong dumikit sa kanya dahil hindi talaga ako sanay sa tao, lalo na't sanay akong bahay at school lang, o kaya naman ay sa ballet class ko.
"Sa labas kami kakain," paalam niya sa mga 'to.
Inasar pa siya ng mga kaibigan niya tungkol doon pero hindi na siya nagpapigil pa at kaagad akong hinila palabas ng cafeteria.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa akin.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang kahit naglalakad lang kami ay ayaw niyang bitawan 'yon.
"Sa may masarap na soup," sabi ko kaya naman ngumisi siya.
"Ms. Sabaw," pang-aasar niya sa akin bago inabot ng isa niyang kamay ang ilong ko para marahang pisilin.
Nasa akin ang buong atensyon ni Hunter na hindi man lang niya napansin na dumaan kami sa filed kung nasaan ang kaibigang si Isabela. He keeps on telling me about his plan later after naming kumain sa labas.
"Hunter!" sigaw ni Sovannah.
Kaagad kaming napatingin na dalawa sa field, halos mabingi kami sa katahimikan lalo na nang makita namin na papalapit sa amin ang bola ng volleyball.
Humigpit ang kapit ko kay Hunter sa takot na matamaan kaming dalawa, mas lalong nakakabingi ang katahimikan ng yakapin niya ako, napapikit na lamang ako pero ramdam ko ang paggalaw ng katawan niya ng tumama sa likuran niya ang bola.
Tumikhim siya bago humigpit ang yakap niya sa akin.
Sa aking pagdilat ay siya kaagad ang tiningnan ko, kita ko ang inis sa mga mata niya.
"Nasaktan ka?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Ikaw ang tinamaan," nag-aalalang sabi ko.
Matapos sa akin ay galit siyang bumaling sa pinaggalingan ng bola, nang tapunan ko ng tingin 'yon ay nakita ko ang matapang na tingin ni Isabela, nakahalukipkip pa ito na para bang wala siyang pakialam kahit may natamaan siya ng bola.
Hindi umimik si Hunter, tangkang hihilahin na niya ako paalis do'n ay kaagad na lumapit si Sovannah sa amin.
"A-ayos ka lang ba?" tanong niya dito.
Ramdam ko ang pag-aalala niya para dito.
"Ayos lang," matigas na tanong ni Hunter. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito.
"Hunter..." tawag ni Sovannah sa kanya.
Nilingon niya ako, "Let's go..." yaya niya sa akin.
Ang kaninang hawak niya sa kamay ko ay napalitan ng yakap sa bewang na para bang kahit tapos na ay takot pa din siyang matamaan ako o masaktan ng kung ano.
Isang beses kong nilingon si Sovannah na nanatili ang pagkakatayo kung saan naming siya iniwan, kita ko ang lungkot sa mukha niya dahil sa ipinakita ni Hunter sa kanya.
Tahimik kami ni Hunter sa byahe papunta sa restaurant na kakainan naming, hindi na din muna ako umimik pa. Hinayaan ko siyang kumalma at makapag-isip ng mabuti bago ko siya hayaang magsalita.
"We're here," anunsyo niya.
"Ayos ka na?" marahang tanong ko sa kanya.
Nilingon niya ako at tipid na ngintian, matapos ang ngiting 'yon ay ngumuwi siya at humawak sa likuran niya kaya naman natawa ako.
"Namamanhid ang buong likod ko," sumbong niya sa akin.
Napanguso ako bago ako humilig para hawakan ang likod niya kahit alam kong hindi naman makakatulong 'yon.
"Baka kung mapaano ang spinal cord mo...ang lalakas pa naman pumalo ng mga volleyball player," sabi ko sa kanya.
Imbes na mag-alala siya kagaya ko ay nagawa pa niyang tumawa. Humilig siya at kaagad na inangkin ang labi ko.
"Hunter!" suway ko sa kanya. Kahit anong topic ang pinag-uusapan naming, seryoso man o hindi ay bigla-bigla na lang 'tong manghahalik.
Hindi niya ako pinakinggan, muli siyang humilig para halikan naman ang leeg ko. Pansin ko na paborito niyang gawin 'yon, ang halikan ang leeg ko.
"Kung wala lang tayong kikitain...iuuwi na kita," sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang sinamangutan.
"I-I'm...hungry," sumbong ko sa kanya, nahihiya pa.
Napakagat labi muna siya bago pumungay ang mga mata niyang nang tingnan niya ako.
Bumaba kaming dalawa para pumasok sa restaurant, nagulat ako nang makita ko kung sino ang naghihintay sa amin ni Hunter sa loob.
"Kuya Wil!" tawag ko sa kanya.
Tumayo siya nang makita ang pagdating namin, nang tuluyang makalapit ay kaagad akong yumakap sa kanya. Ginantihan ni Kuya Wil ang yakap ko sa kanya, na miss ko siya ng sobra.
Nakakita ako ng father figure mula sa kanya, minsan kaibigan, minsan parang Kuya...pero mas madalas na kaibigan. Halos madalas din niya akong nakikitang umiiyak sa tuwing nag-aaway kami ni Mommy. Pakiramdam ko nga ay kilalang kilala na niya ako.
Kasabay namin siyang nag-lunch ni Hunter, sobrang saya ang nararamdaman ko dahil nakasama ko ulit si Kuya Wil, inaamin kong medyo nakaramdam ako ng tampo ng malaman kong driver na siya ni Sovannah.
"Ilang araw lang 'yon. Pinalitan ko lang sandal yung kaibigan ko na kailangang umuwi ng probinsya," sabi niya sa akin.
"Sasabihin ko kay Mommy I-hire ka po ulit," sabi ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin, ngiti lang isinagot niya, wala ng iba.
"Kumain na tayo, lalamig ang pagkain," sabi niya at hindi na nagsalita pa tungkol sa sinabi kong kukuhanin naming siya ulit.
Ipinagsawalang bahala ko na lang at in-enjoy ang moment na 'yon.
Kuya Wil is still firm about him not liking Hunter for me, and even nga daw kay Sovannah.
"Mabait naman na bata...kahit ilang araw ko lang nakasama," kwento niya sa amin tungkol dito.
Humaba ang nguso ko, nakita kong nakita 'yon ni Hunter kaya naman nagtaas siya ng kilay sa akin, nagtatago ang ngiti sa labi niya na para bang gusto niya akong asarin.
"Pero syempre pinaka mabait si Ahtisia. Ikaw ang paborito ko..." pagbibida niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilan pang ngumiti ulit.
"Matigas ang ulo, e. Kaya nga nagulat ako na binalikan mo pa 'to," turo niya kay Hunter.
Napag-usapan din naming ang tungkol sa nangyari noon. Maging ang hindi pagtanggap ni Hunter sa sulat na ipinadala ko.
Tumikhim si Hunter at tumingin sa akin, nakita ko nanaman sa mga mata niya ang pagsisisi na hindi niya tinanggap ang sulat ko. Tipid ko siyang nginitian para ipakita na ayos lang, ang mahalaga naman ngayon ay maasyos na ulit ang relasyon namin.
Hindi ko din alam ang mararamdaman ko kung sakali ngang mabasa niya 'yon, sobrang nakakahiya ang mga pinagsusulat ko. Masyado kong ipinakita sa sulat na in love ako sa kanya. Baka wala na akong mukhang ihaharap sa kanya pagnagkataon.
"Wala sa 'yo ang sulat...di ba?" tanong ni Kuya Wil sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Pareho kaming natigilan ni Hunter, paano nalaman ni Kuya Wil na nawawala ang sulat?
"N-nawawala po..." sagot ni Hunter sa kanya.
Dahil sa sinagot niya ay kaagad nanaman siyang sinimangutan ni Kuya Wil. Matapos niyang irapan si Hunter at napa-inom siya sa kanyang juice at nag-iwas ng tingin sa amin.
Nagkatinginan kami ni Hunter, sa kinikilos kasi niya ay para bang alam ni Kuya Wil kung nasaan 'yon.
Matapos kumain ay kinailangan na din naming magpaalam kay Kuya Wil dahil driver naman siya ngayon ng Daddy ni Sovannah.
Imbes na sa coffee shop kami mag-aral ni Hunter ng hapon 'yon, we decided na umuwi na lang sa condo niya para makapagpahinga.
"Medyo namumula lang..." puna ko sa likod niyang tinamaan ng bola kanina.
Matapos niyang ipakita ang likod niya sa akin ay hindi na siya nag-abala pang magsuot muli ng pang-itaas kaya naman mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa handouts ko.
Tahimik kaming nag-aral na dalawa, nagtatanong lang ako sa kanya sa tuwing may hindi ako naiintindihan, kaagad naman niyang ibinibigay sa akin ang buong atensyon niya at tinuturuan ako.
"Hunter..." tawag ko sa kanya.
Nag-decide kaming dalawa na matulog na, pero nang magtabi kami sa kama ay halos ramdam kong hindi na din siya nakapagpigil pa.
Nakatukod sa aking magkabilang gilid ang braso niya kaya naman malaya kong nakikita ang ganda ng katawan niya habang gumagalaw siya sa ibabaw ko. Halos dumugo ang pang-ibabang labi ko sa tuwing idinidiin niya ang sarili niya sa akin.
"Ah. Hunter!"
Hindi ko na napigilan at kaagad akong bumangon ng bahagya para yumakap sa hubad niyang katawan, dahil sa ginawa ko ay naramdaman ko kaagad ang init ng katawan naming pareho.
"I love you..." sabi niya bago siya humalik sa noo ko. Matapos doon ay muli siyang nag-iwan ng halik sa aking leeg.
"Aantukin nanaman ako sa exam bukas," reklamo ko sa kanya.
Umayos siya ng higa para tumabi sa akin, hinila kaagad niya ako para ikulong sa braso niya at niyakap. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at yumakap din. Gustong gusto ng katawan ko ang init na dala ni Hunter, halos hindi ko nga maramdaman ang lamig ng buong kwarto.
"Sorry...I can't get enough of you. Magpipigil na ako," sabi niya sa akin.
Tiningala ko siya. "Uhm...H-hindi naman ako nagrereklamo," sabi ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin, naramdaman ko kaagad ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi ko.
Dahil sa sobrang hiya ay kaagad kong isiniksik ang mukha ko sa bandang tagiliran niya para lang magtago. Dahil sa ginawa ko ay mas lalong natawa si Hunter.
"Ah! Naughty Odette," pang-aasar niya sa akin.
Kaagad ko siyang hinampas sa dibdib kaya naman mas lalo siyang natawa. Sinubukan niya akong iharap sa kanya pero nagmatigas ako at mas lalong nagtago sa tagiliran niya.
"Ayoko!" laban ko sa kanya. Wala akong mukhang ma-iharap.
Inaamin kong gusto ko din ang ginagawa namin. Mahal ko si Hunter, siya lang ang gusto kong makasamang gawin ang bagay na 'yon. Hindi kailanman ako magsisisi na sa kanya ko ibinigay ng buo ang sarili ko.
Maaga kaming pumasok kinabukasan para sa last day ng exam. Naging mabilis ang araw kaya naman nakaramdam ako ng lungkot na uuwi na ulit ako sa amin.
"Good luck...kaya mo 'yan," sabi niya sa akin bago kami maghiwalay.
Siniil niya muna ako ng halik bago niya ako hinayaang pumasok sa classroom namin. Umalis na din si Hunter para pumunta sa room nila. Mauunang matapos ang exam namin, may exam pa sila bukas dahil graduating students sila.
Pagkatapos ng exam ko ay dumiretso ako sa building kung nasaan ang ballet room. Nasa may hallway pa lang ako ng muli kong nakita ang pamilyar na mukha. Nakita kong abala ito sa pagtingin sa mga room, mukhang new student na naghahanap ng classroom niya sa susunod na pasukan.
Nagtama ang tingin naming dalawa, hindi niya ako pinansin, hanggang sa muli siyang tumingin at nagulat.
Natawa nanaman ako nang makita kong parang nahiya nanaman siya.
"New student ka?" tanong ko kahit obvious naman. Ito din ang unang pagkakataon na ako ang unang nag-approach sa ibang tao.
Magaan ang pakiramdam ko sa kanya.
"Oo...engineering," sagot niya sa akin.
"Me too!"
Mas lalo akong natuwa ng malaman kong ka-batch ko si Hugo, may chance din na maging classmates kami para sa huling taon ko sa college pag nagkataon.
"Sa Iloilo ako nag college...buti nga at konti lang ang subjects na iba sa mga nakuha ko na," kwento niya sa akin.
Imbes na mag-ballet ay sinamahan ko si Hugo na maglibot sa buong campus, nang matapos na naming ang mga kailangan niyang malaman ay umupo na kami sa field para magpahinga.
Pansin kong panay ang tingin niya sa mukha ko, pag nagtatagal 'yon ay kaagad siyang nag-iiwas ng tingin.
"M-may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at umiling.
"Ang laki kasi ng pagkakahawig niyo ng Mommy ko," sabi niya sa akin kaya nagulat ako.
Nang makabawi ay kaagad na napanguso. "Pick up lines ba 'yan? May boyfriend ako," sabi ko kaagad sa kanya.
Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi ko pero kaagad ding natawa.
"Totoo...hindi ako pumi-pick up lines," laban niya sa akin.
Nalaman kong matagal na ding wala ang Mommy niya dahil sa isang sakit, sa relatives niya sa Iloilo siya nagstay and decided to be independent kaya naman nandito siya ngayon sa Manila.
Masaya ako para sa bagong kakilala. Mas magiging masaya ako kung magiging mag-kaklase kami ni Hugo sa susunod sa school year.
"How was your exams?" tanong ni Mommy nang magkita na kami sa bahay.
"A-ayos naman po," sagot ko sa kanya.
Diretso ang tingin niya sa paghiwa ng steak.
"Ayoko ng pasado lang, Ahtisia...Bigyan mo ako ng mataas na final grade," sabi niya sa akin kaya naman napa-inom na lang ako ng juice ko.
We waited for almost three days until the exam result came out. Just like before pasado lang ako...hindi ganoon ka-taas ang grades ko kagaya ng gusto ni Mommy. Imbes na matuwa ako dahil tutungtong ako ng 4th year college na walang back subject ay natakot pa ako sa kung ano nanamang pwede niyang sabihin sa akin.
"Congrats, Anak. Let's celebrate...mag dinner tayong dalawa," sabi ni Daddy sa akin ng ibalita ko sa kanyang pasado lahat ng subject ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Tayong dalawa lang po talaga?" tanong ko.
Natawa din siya. Alam na kasi ni Daddy na masyadong negative si Mommy. At alam na din niyang kahit pa pasado ang lahat ng subject ko ay maghahanap pa din ito ng higit pa.
"Tayong dalawa lang ang magbo-bonding," giit niya kaya naman kaagad akong yumakap kay Daddy.
Masaya na ako sa mga ganitong klase ng pagkakataon. Na kahit alam kong walang wala ang pagmamahal niya sa akin sa pagmamahal niya kay Ate Alihilani na totoo niyang anak.
Sapat na sa akin ang kaonting atensyon at pagmamahal mula kay Daddy, hindi na ako maghahangad ng higit pa dahil alam ko namang wala akong karapatan na gawin 'yon.
"Celebrate!? Pasang-awa ang grades mo tapos gusto mong mag-celebrate!?" galit na asik ni Mommy pagka-uwi niya.
Nawala lahat ng saya ko dahil sa sinabi niya.
"Atheena, pwede ba. Can't we just be proud sa achievements ni Ahtisia?" si Daddy.
Mas lalong nalukot ang mukha ni Mommy. Halos malukot din ang report card ko dahil sa hawak niya.
"You call this piece of trash...Achievement?" tanong niya sa amin.
Halos wala akong lakas ng loob na mag-angat ng tingin sa kanya.
"Napaka-bobong bata. Ang hina hina ng utak," gigil na sabi niya.
Mas lalo akong nasaktan ng itapon niya sa sahig ang card ko at inapak-apakan 'yon.
Hindi ko na alam ang pwede ko pang gawin para lang ma-meet ang expectations ni Mommy. Hindi ko kayang abutin ang standard na ibinigay niya sa akin.
Na-iyak na lang ako kay Daddy ng yakapin niya ako.
"Ako, proud ako sa 'yo," sabi niya sa akin kaya mas lalong bumuhos ang luha ko.
Halos magkulong ako sa kwarto ko pagkatapos ng nangyaring 'yon. Nagbago ang mood ko ng tumawag si Hunter para ibalita sa akin na pasado siya sa lahat ng subject at kasama siya sa list ng graduating.
Nagkita kami kaagad pagkatapos no'n for a celebration. Nawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko kanina, napalitan ng saya dahil sa achievement na nakuha niya.
"Anong sabi ng parents mo?" tanong ko. I'm sure sobrang proud sila.
Natawa siya. "Hindi ko pa sinasabi."
"Huh?"
"Sa 'yo ko unang sinabi," sabi niya sa akin at humilig para humalik sa lips ko.
Bigla akong nakaramdam ng kung ano dahil do'n. Ako ang una niyang sinabihan.
"At lolokohin ko pa si Daddy..." kwento niya sa akin.
Dinala ako ni Hunter sa isang lugar kung saan pagsapit ng dilim at kita namin ang buong city light.
"Ang ganda dito..." namamanghang sabi ko.
Nag-take out kami ng pagkain at doon piniling kumain.
"Pumupunta ako dito pag gusto kong mapag-isa," kwento niya sa akin.
"Pero ngayon...pupunta ako dito pag gusto kong ma-solo ka," nakangising sabi niya kaya naman sinimangutan ko siya.
Binuksan niya ang backdoor ng kanyang Rover, doon kaming umupong dalawa para kumain habang nakaharap kami sa may city light.
Hunter told me about his plans in life and plano para sa relasyon namin. Sa paraan ng pagkwento niya ay para bang siguradong sigurado na siyang kami ngang dalawa hanggang dulo.
"Congrats..." marahang bulong ko sa kanya.
Lumipat kami sa backseat ng Rover niya, nakita ko ang gulat sa mukha ni Hunter ng kumandong ako paharap sa kanya.
Kaagad ko siyang siniil ng halik, he pulls me closer hanggang sa maramdaman ko ang init sa paligid.
We did it, we made love hanggang sa mapagod kaming dalawa at tuluyang sikatan ng araw.
I'm sure about him too. And I can't wait na ma-achieve naming pareho ang mga plano niya na plano ko na din.
Sa oras na masunod ang mga pinlano naming dalawa...I'm sure it's a dream come true!
Naging abala si Hunter sa pagre-review niya para sa board exam. Nagsimula naman ang last year ko sa college at naging magka-klase nga kami ni Hugo.
I told Hunter about him, noong una ay nagtaas siya ng kilay sa akin, pero sa huli ay hinayaan niya ako dahil may tiwala naman daw siya sa akin.
"Ang balita...Sasama si Sovannah kay Isabela sa America. Dream ko din 'yon," rinig kong pag-uusap ng mga kaklase ko.
Based on their story, after graduation ay doon magsisimula ng career ang magpinsan. Nandito pa naman sila sa Pilipinas, anytime soon ay aalis na din.
"Ayos ka lang?" tanong ni Hugo sa akin pagkadating niya sa classroom namin.
Kaagad akong tumango sa kanya. Medyo mabigat ang pakiramdam ko, ilang araw na din akong ganito.
"Ang hirap pala talaga pag-graduating...magkakasakit pa ata ako," sumbong ko sa kanya.
Sinalat niya ang leeg ko, "Hindi ka naman ma-init. Baka tinatamad ka lang pumasok," sabi niya sa akin kaya naman hinampas ko siya sa braso.
Nakatulog ako sa klase naming. Hindi naman ako sinuway ng professor ko pero sigurado akong may epekto 'yon sa grades ko.
"Ano wala kang napili?" tanong ni Hugo sa akin. Nasa cafeteria kami to take our lunch.
Marahan akong umiling.
"I want something...iba," sagot ko sa kanya.
Natawa siya at napa-iling.
I told Hunter about it nang mag-text siya sa akin kung nag-lunch na daw ba ako. Busy siya sa review for his boards kaya naman nagulat pa ako ng sabihin niya pupuntahan niya ako para lang dalhan ng lunch.
"Kamusta yung kaibigan mo?" tanong niya sa akin.
Alam ko na kaagad ang inisiip niya, hindi man siya ganoon ka possessive and seloso ay alam kong nag-aalala pa din siya dahil sa kaibigan kong lalaki.
"Hugo knows about you...para ko nga siyang Kuya," sabi ko sa kanya.
Kumain kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. I even told him sa narinig ko about Sovannah and Isabela.
"Matagal na nilang plano 'yon..." kwento niya sa akin.
Kahit abala si Hunter sa pagre-review ay hindi niya naman ipinaramdam sa akin na nawalan siya ng oras. Naiintindihan ko din minsan na hindi kami nagkikita dahil pareho kaming busy.
Kaagad akong napatakbo sa banyo ng makaramdam ako ng kung ano pagkagising ko isang umaga. Ilanga raw ko ng nararamdaman 'to.
Napatingin ako sa aking sarili sa may salamin pagkatapos kong maduwal. Ilang araw na pero ipinagsasawalang bahala ko lang. Ramdam ko din ang pagbabago ng mood ko, ang madalas na pagsama ng pakiramdam ko, at pagiging mapili sa pagkain.
Hindi naman kami gumagamit ng kung anong protection ni Hunter sa tuwing may nangyayari sa amin.
Wala ako sa sarili buong araw dahil sa na-isip. Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang makasalubong pa kami ni Mommy sa bahay ng umagang 'yon. Natakot kaagad ako sa kung anong pwede niyag maging reaction kung sakali.
"Hey, kanina ka pa tahimik..." marahang pun ani Hunter sa akin.
Sinundo niya ako after class para sana kumain sa labas.
Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya, masyado siyang busy para sa boards niya. Ayokong mawala siya sa focus.
"Sabihin mo sa akin, anong problema?" marahang tanong niya.
Uminit ang gilid ng aking mga mata dahil do'n.
"Hunter...d-delayed ako," sabi.
"I-I think...I'm pregnant," sabi ko at pumiyok pa.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya at pagkabato. Nang makabawi ay kaagad na nagbago ang ekespresyon ng mukha niya.
"Fuck...We're pregnant?" tanong niya, kita ko ang amusement sa mukha niya kaya naman natigil ang pagiging emotional ko.
"Hindi ka galit?" tanong ko.
Kaagad niya akong hinila para yakapin. Mahigpit ang yakap niya.
"Damn, bakit ako magagalit?" tanong niya sa akin.
Hindi alam ni Hunter kung paano magre-react pero kita ko sa mukha niya na walang pagsisisi o takot dahil sa sinabi ko.
Mas lalong dumoble ang tuwa niya nang subukan naming gumamit ng pregnancy test and confirmed that it was positive.
"Daddy na ako!" sabi niya sa akin.
Gusto kong matuwa kasama siya, pero mas napangunahan ako ng takot.
"Kaya na ba natin?" tanong ko. Ofcourse I love our baby too.
Hinarap niya ako, ikinulong ng kanyang magkabilang palad ang pisngi ko.
"Akong bahala...hindi ko kayo papabayaang dalawa," sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan.
Pinagdikit niya ang noo naming dalawa.
"Kakausapin ko ang parents mo. Papakasalan kita, Ahtisia," sabi niya sa akin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Mukhang kailangan naming paghandaan ang galit ni Mommy.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro