Chapter 15
Main
"Sovannah..." sambit ko nang makita kong pangalan niya ang lumabas sa phone ko.
Sumakay ako ng taxi pabalik sa may building kung saan ko iniwan ang sasakyan ko. Pagkalapit ay halos ibato ko pabalik sa loob ng back seat ang mga gamit na dala ko. Sobrang bigat sa dibdib na ang lahat ng 'to ay hindi natuloy dahil hindi niya ako sinipot.
Kung sinabi lang sana niya ng maaga na wala naman talaga siyang plano ay hindi na sana ako nag-effort pa at nagmukhang gago na excited na makasama siya kahit kinakabahan.
Ramdam ko din ang inis ni Kuya Hob sa akin base sa mga text message na ipinapadala niya. Mas pinili kong hindi i-priority si Mommy sa araw ng birthday niya.
Tang-ina. Seryoso ako nang sabihin ko sa kanyang kaya kong isuko ang lahat sa pagtatanan naming dalawa.
Masama ang tingin ko sa kalsada at mahigpit ang hawak ko sa manibela habang nagmamaneho ako pauwi sa amin. Ramdam ko ang galit sa buong Sistema ko pero hindi ko magawang ilabas 'yon para man lang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Hindi ko magawang ilabas 'yon dahil wala akong lakas para gawin pa 'yon.
"Tang-ina...Hundson," inis na sabi ko sa aking sarili ng maramdam kong may tumulong luha mula sa aking mga mata.
Hindi ko kailanman na-isip na magiging ganito ako dahil sa isang babae. Damn, ang daming babae...she doesn't deserve my tears. Kung ayaw niya sa akin, pwes, ayoko na din sa kanya.
"What are you thinking?" galit na salubong ni Kuya Hob sa akin.
Kakapasok pa lang ng sasakyan ko at natanaw ko na kaagad siyang aburidong naghihintay sa may front door.
"Nandito na ako," sagot ko sa kanya na para bang mai-sasalba pa non ang nasirang plano para sa araw na 'to.
Inis na ngumisi si Kuya Hob dahil sa naging sagot ko sa kanya. May gusto pa sana siyang sabihin pero hindi na niya nasabi nang marinig namin ang papalapit na boses ni Mommy.
"Hob, nandyan na ba ang kapatid mo?" tanong niya dito.
Hindi na kinailangan pa ni Kuya na sumagot dahil kaagad na lumabas si Mommy mula sa loob at halos yakapin ako nang makita.
"Hundson, pinag-alala mo ako. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo," emosyonal na sabi ni Mommy sa akin. Bago pa ako yakapin ng tuluyan ay tiningnan pa muna niya ang kabuuan ko na para bang sinisigurado niyang nasa mabuting kalagayan talaga ako.
"I'm sorry for ruining your birthday, Mommy..." pagod na sabi ko.
Marahan siyang umiling habang nakayakap sa akin bago niya ako hinarap.
"Ang mahalaga you're safe. Masyado akong nag-alala sa'yo...I know na hindi ka naman ma-lalate ng ganito kung hindi importante ang pinuntahan mo. Ang mahalaga you are safe, Anak," sabi pa ni Mommy kaya naman mas lalo akong na-guilty.
Niyakap ko pabalik si Mommy. I found comfort on her embrace. Isa sa babaeng alam kong hindi ako sasaktan ay ang Mommy ko.
"Come on, we can still have a birthday dinner here at home. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang nandito kayo ng Kuya mo...kumpleto tayo," Yaya ni Mommy sa amin papasok sa bahay.
"Nag-aaral pa lang po, Tito..."
Papasok pa lang kami sa dinning nang marinig ko ang boses ni Sov.
"Sov is here. Tinawagan ko siya kanina, It thought alam niya kung nasaan ka. Nang malaman niyang wala ka pa ay nag-alala kaya pumunta dito. She baked my birthday cake..." kwento at pagbibida ni Mommy sa akin.
Tipid ko siyang nginitian dahil sa sinabi niya sa akin hanggang sa makapasok na kami sa may Dinning.
"Sov...Hundson is here," deklara ni Mommy.
Kaagad niyang binitawan ang mga ginagawa niya para lumapit sa amin. Kagaya ni Mommy kanina ay nakita ko kung paano muna niya tiningnan ang kabuuan ko bago niya ibalik sa mukha ko ang tingin niya.
"Nag-alala kami sa'yo," she said.
Tipid ko siyang nginitian. "I'm sorry..." sambit ko pero nag-iwas na siya ng tingin pagkatapos.
I even saw how disappointed Daddy is nang tingnan niya ako. Hindi na lang ako nagsalita dahil kahit ako ay disappointed din naman sa sarili ko.
"I'm good, Tita. I just wish magustuhan mo yung cake na binaked ko. I want to give you a family time. I can join you next time though..." pag tanggi ni Sov na sumama sa dinner namin.
The first plan was a dinner sa isang hotel where in tanaw mo ang buong city. Memorable ang lugar na 'yon since doon daw ang first date nina Mommy and Daddy.
"I insist, Sov...please join us for dinner," pilit ni Mommy sa kanya.
Halos hindi alam ni Sov kung paano tanggihan ang parents ko. Sa huli ay nagsalita na din ako para naman hindi na siya mahirapan pang mag-decide.
"Dito ka na mag-dinner, Sov..." sabi ko sa kanya kaya naman nilingon niya ako bago siya natigilan.
Nakita ko ang mas malaking ngiti ni Mommy dahil sa sinabi ko dito. Hindi naman linggid sa akin na gustong gusto ni Mommy si Sovannah. Bata pa lang kami ay magkakasama na kaya naman kumportable na siya dito. Siya at si Isabela pa lang kasi halos ang nakikilala niyang malalapit na babae sa amin ni Kuya.
Sov joined us for dinner. Mas lalong natuwa si Mommy ng matikman niya ang cake na ginawa nito para sa kanya. Hindi ko ma-iwasang tipid na mapangiti sa tuwing nagtatawanan silang dalawa sa harapan ko.
Kahit papaano ay nakakalimutan ko ang nangyari kanina.
"Naku, Tita...tinatansya ko pa lang po ang mga measurements..." sabi niya kay Mommy. Halos mamula siya sa papuri ni Mommy at Daddy dahil sa cake na ginawa niya.
"Sov...birthday ko ha, wag mong kakalimutan," sabi pa ni Kuya na kanina pa tahimik dahil sa pagkain.
Habang nakikipagkwentuhan sa parents ko ay ilang beses siyang lumingon sa akin. Tipid ko siyang nginitian para iparamdam sa kanya na I'm thankful that she's here. Mabuti at nandito siya.
"Ihahatid na kita," sabi ko kay Sov after ng wine night pagkatapos ng dinner.
Marahan siyang umiling sa akin. Mula sa maganda niyang mukha ay bumaba ang tingin ko sa suot niyang simpleng dress, halos mapa-awang ang bibig ko ng makita kong naka-suot pa siya ng Black fur flip flops.
"Don't say a word," banta niya sa akin nang makita niya kung saan ako nakatingin.
"I like it," nakangising sabi ko kaya naman kaagad siyang sumimangot at hinampas ako sa braso.
"Nakaka-inis ka. Nag-alala ako sa'yo kaya hindi ko tuloy namalayan na...ito pa yung suot ko," reklamo niya sa akin.
Kaagad kong hinawakan ang kamay niyang pinanghahampas niya sa akin. Natigilan si Sov dahil sa ginawa ko.
"Thank you for saving the day, Sov..." sabi ko sa kanya.
Dumating ang driver nila para sunduin siya. Nagpadala din si Mommy ng food for her parents. Nang umalis si Sovannah ay tsaka lang ako kina-usap ni Daddy tungkol sa nangyari.
Galit sila dahil sa hindi ko pagpansin sa mga text message at tawag nila. Though nagalit sila dahil nasira ang plano ay mas nagalit sila sa akin dahil masyado silang nag-alala kung anong nangyari sa akin.
"If you need me...you can tell me everything, Hundsons. Wag ko lang malaman na may masama kang bisyo dahil I won't hesitate to kick you out of the house," bant ani Daddy sa akin bago siya tipid na ngumiti at hinawakan ako sa balikat.
Kita ko din ang pagod sa mukha niya kaya naman nagpaalam na din siya sa akin. Tsaka ko lang napagpasyahang iakyat ang mga gamit ko mula sa sasakyan ng masigurado kong nasa kwarto na si Mommy.
"So it's true...totoo nga ang sinabi ni Piero," pun ani Kuya Hob habang paakyat ako.
Nasa dulo siya ng hagdanan sa taas at nakahalukipkip na nakatingin sa akin na para bang hinuhusgahan niya ako habang nagpabalik-balik ang tingi niya sa akin at sa mga gamit na dala ko.
"Tang-ina, at talagang sinunod mo si Piero? Siya ang nag-suggest niyan?" tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung inis ba siya, hindi makapaniwala, o natatawa?
Hindi ko sinagot si Kuya sa mga tanong niya pero nanatili ang panunuod niya sa akin na para bang isa akong teleserye hanggang sa makapasok na ako sa kwarto ko.
Pagod kong binitawan ang mga gamit ko, halos ibagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa pinaghalo-halong nararamdaman.
Parang walang nangyari nang sumunod na araw ng pilin kong kalimutan na lang ang lahat ng nangyari. Hindi ako pwedeng makulong lang dahil sa kagagawan ng babaeng 'yon. If she thinks na hindi ko kayang kalimutan siya kagaya ng ginawa niya sa akin...nagkakamali siya.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Mommy sa akin pagbaba ko sa may dinning kinaumagahan.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa naging tanong niya sa akin. Hangga't maaari ay ayoko ing ipahalata sa kanya o kahit na kanino ang nangyari. I'll act like walang nangyari.
"Ofcourse, Mom."
Sandali pang nagtagal ang tingin niya sa akin hanggang sa sumuko na lang siya at tumango. Just like before ay inasikaso ako ni Mommy. Kinuha din niya ang pagkakataon na 'yon na kausapin ako tungkol sa nangyari kina Kuya Hob at Isabela.
"Hindi pa din kayo nag-uusap?" tanong niya sa akin.
Marahan lang akong umiling. Hindi na din umimik pa si Mommy. She keeps on asking for Sovannah, mukhang nagustuhan niya talaga ang presencya nito kagabi. Kahit ako din naman ay thankful dahil sa pagpunta niya.
It's just another school day for everyone. Ganoon din naman sana sa akin, pilit kong pinapabalik sa normal ang lahat by just not thinking about it...most special her.
"Pakiramdam ko talaga sabit ako ngayong midterm," rinig kong pag-uusap ng mga kaibigan ko habang hinihintay naming ang aming professor.
Ngayon lalabas ang result ng naging midterm exam naming. Malaki din ang hatak ng mga quizzes and activities na aminado akong hindi ko nagawa ng maayos.
"Tahimik lang 'tong si Hunter palibhasa sure na..." kantyaw nila sa akin.
Tipid ko lang silang nginisian at inirapan. Akala niyo lang, tahimik lang ako dito sa gilid dahil alam ko sa sarili kong hindi ko nagawa ang best ko para sa term na 'to.
"Shit! Pasang awa pa!" natatawang sabi ng isa sa mga kaklase naming na kaagad na tinawanan ng buong section.
Isa -isa kaming pinapunta sa harapan para kausapin at kuhanin ang exam paper naming. Halos maubos na ang hawak na exam paper ng professor naming hanggang sa mag-iwan siya ng tatlo.
"I have here yung tatlong nakakuha ng highest score," sabi niya.
Kinantyawan na ako ng mga kaibigan ko dahil wala pa akong hawak na test paper.
"Yung last na tatawagin ko ang nakakuha sa pinakamataas na grade sa section na 'to," pahabol pa niya
"Si Jimenez na 'yan," rinig kong bulungan ng iba.
Hindi ko naman 'yon pinansin pa. Ang mahalaga sa akin ay mataas ang grade ko kahit alam kong hindi ko nagawa ang one hundred percent ko.
Tinawag ang pangatlo hanggang sa sumunod na tatawagin ang pangawala sa highest. Halos mapasinghap ang mga kaklase ko ng tawagin ako bilang pangalawa lang sa mataas. They are all expecting na ako ang makakakuha sa highest grade.
"What happened?" tanong din ng professor ko pagkalapit ko sa kanya para kuhanin ang test paper ko.
Hindi ko na lang siya sinagot pa. Alam ko naman ang nagyari...nagkulang ako kaya wala na akong reason pa para i-defend ang grade na nakuha ko.
"Ang yabang nung naka-highest! Nakita mo yung tingin niya kay Hunter?" puna ng mga kaibigan ko pagkalabas naming ng classroom.
Nagulat pa sila ng sumabay akong kumain sa kanina. Tanong sila ng tanong kung nasaan daw ba ang girlfriend ko pero iniirapan ko lang sila.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang makita ko ang pagpasok ni Sov sa cafeteria. Nakasukbit sa kanang balikat niya ang kanyang tote bag habang yakap ang Ipad at mga libro niya. Diretso ang tingin niya sa may counter kaya naman hindi man lang niya ako napansin.
"Counter lang ako," paalam ko sa mga kaibigan ko. Hindi naman nila pinansin 'yon dahil masyado silang abala sa ibang bagay.
"Mineral water lang po," rinig kong order ni Sov.
Walang imik ko siyang tinabihan kay naman nagulat pa siya nung una.
"Hunter..."
"Tapos na ang klase mo?"
Kaagad niya akong tinanguan. Nang malaman kong pareho na kaming walang klase ay inaya niya akong sumama sa kanya sa malapit na coffee shop.
"Ayos pa naman ang mga grades na natatanggapk ko so far...pero kinakabahan talaga ako sa isang major subject," kwento niya sa akin.
"Pasado ka niyan," pagpapagaan ko ng loob niya.
She told me na masyadong busy si Isabella sa training nila sa volleyball since malapit na ang inter-campus.
"She's gone? Like for real?" tanong ni Sov sa akin.
Nagkibit balikat ako bilang sagot bago ako sumimsim ng kape.
"Kamusta ka?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang sincerity and care sa boses niya.
"I'm fine," sagot ko pero hindi nawala ang tingin niya sa akin.
"Hindi, I know. Kilala kita," sabi niya sa akin at umirap pa bago sumimsim sa iced coffee niya.
Natawa ako dahil sa ginawa niya.
Halos si Sov ang nakakasama ko pag nasa campus ako. Kung hindi ko siya kasabay na kumain ng lunch ay nagkikita naman kami sa hapon para punta sa coffee shop at doon mag-aral.
"Ginagawa mong coloring book ang handouts ko," sita ko sa kanya kaya naman natawa siya.
"It's cute. Mas magandang mag-aral kung colorful ang handouts mo," sabi niya sa akin habang abala siya pag-highlight ng mga handouts ko.
I let her do that. Iginala ko ang tingin ko sa buong coffee shop, halos araw araw na din kaming nandito pag may exam kinabukasan. Mula sa labas ay nakita ko ang driver ni Sov na nakabantay sa amin.
"Kamusta ang case ni Tito? Mahigpit pa din sa'yo?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya bilang sagot sa akin habang abala pa din sa pagkakayuko dahil sa paghi-highlight ng handouts ko.
Nanatili ang tingin ko kay Sovannah. Doon ko lang napansin na mahaba ang pilit mata niya, may nunal din siya sa pinakadulo ng kanang bahagi ng mata niya.
"Chris Evans is looking for a lifetime partner niya. I'm so hurt tuloy..." natatawang kwento niya sa akin nang lingonin iya ako at nagsawa na siyang pagtripan ang handouts ko.
"Mas gwapo ako sa kanya," sabi ko kaya naman sinimangutan niya ako.
"Ang kapal mo. Kung si Kuya Hob...Oo, may panlaban. Kamukha niya kaya si Henry Cavill," kwento pa niya sa akin kaya naman nag-poker face ako sa kanya.
"Mukha daw kaming kambal ni Kuya...so kamukha ko din si Henry Cavill?" tanong ko sa kanya.
Tumulis ang nguso niya habang nag-isiip. Sinadyang tagalan para asarin ako. Natawa ako at kaagad na inabot ang ilong niya across the table para pisilin 'yon nang pilit siyang umiwas habang tumatawa.
"Hindi pang-main lead ang itsura mo," pang-aasar pa niya sa akin kaya naman mariin akong napapikit.
Natigil ang pag-uusap naming ni Sovannah ng makita ko ang pagpasok ni Kuya Wil. Nagpalinga linga pa muna siya sa buong coffee shop hanggang sa huminto lang ang paghahanap niya nang magkatinginan na kami.
Diretso ang tingin niya sa akin, tumingin din siya sa kasama ko bago siya sumimangot sa akin.
"Hindi kita ma-tiempuhan sa labas ng eskwelahan," sabi niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kinuha niya mula sa kanyang bulsa, "Nakalimutan mong kuhanain," sabi pa niya sa akin tukoy sa sulat nanaman.
Inirapan ko 'yon. I don't need that. Halos ilang buwan na din ang nakalipas. Alam ko din ang madalas na pagpunta ni Kuya Wil sa campus para hintayin ako o makita man lang pero pilit kong iniiwasan siya.
Para saan pa ang sulat na 'yon? Wala na akong pakialam sa mga umalis. Umalis sila...'yon na 'yon. Wala nang dapat parang hintayin na rason mula sa kanila. The point is, pinili nilang umalis kaya hayaan natin sila.
"Ito na din ang huling beses na magpapakita ako sa'yo...Uuwi na din ako ng probinsya," sabi pa niya sa akin.
Napatitig ako kay Kuya Wil. Kahit sa sandaling panahon ay naging magaan din ang loob ko sa kanya kahit ba palagi siyang nakasimnagot pag nagkikita kami.
Dahil din sa sinabi niyang 'yon ay mas lalo kong napatunayan na hindi na nga siya babalik. Hindi na babalik ang babaeng 'yon kaya kalimutan mo na, Hunter.
"Mag-ingat ka palagi," sabi niya pa sa akin. Muli pang bumalik ang tingin niya sa amin ni Sov bago siya tuluyang nag-paalam.
Iniwan niya sa taas ng lamesa ang sulat na tinitigan ko lang. Ayos na ako nitong mga nagdaang buwan. Sasktan ko pa ba ulit ang sarili ko by just reading that letter na wala naming ibang magagawa kundi ang makaramdam lang ulit ako ng galit?.
After ng finals ay nagkayayaan ang mga kaibigan ko na pumunta sa isang party ng isa sa mga blockmates naming. Imbitado naman kami sa bahay nila kaya naman napagdesisyunan naming pumunta.
"Whoa...ito ang party!" hiyawan ng mga kasama ko.
Malaki ang bahay nila. Nasa labas ka pa lang ay kita mo na kaagad na may party na nangyayari sa loob. Para kang nasa college party sa America kung saan puno ng mga magagarang sasakyan ang labas ng bahay hanggang sa kalsada, ma-ingay din ang malakas na music mula sa loob.
Imbes na sa front door kami pumasok ay umikot kami papunta sa may garden, sa may pool area.
"Hunter...buti naka-punta ka," sabi ni Irene, ang birthday celebrant. Blockmate naming ang pinsan niya na nag-invite sa amin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Naramdaman ko kaagad ang pag-siko ng mga kasama ko sa akin. Siniko ko sila pabalik dahil masyado silang halata. Bukod sa mga blockmates naming at mga taga-ibang section ay may nakita din akong mga lower year at mga student from higher year. Ilan sa mga kaklase ni Kuya ang bumati sa akin kaya naman may malaking posibilidad na nandito o pupunta si Kuya Hob.
"Ikukuha kita ng drinks," sabi ni Irene sa akin.
Natawa ako ng magbulungan ang mga kasama ko na hindi sila ikukuha ng inumin at bakit ako lang daw.
Imbes na hayaan siyang pumasok mag-isa para ikuha ako ng inumin ay sumunod ako sa kanya. Pagkapasok sa loob ng bahay ay mas lalo sumikip ang daan, may ilang bumati din sa akin hanggang sa makita ko ang grupo nina Isabela.
Naka-upo ito sa sofa kasama ang mga teammates niya habang kausap ang ilan sa mga basketball player.
Isang beses na tumingin si Bel sa akin hanggang sa siya na mismo ang nag-iwas ng tingin. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagsunod kay Irene. She's wearing a mini dress na hapit sa katawa niya. Naka-lugay din ang kulot na buhok na sumasabay sa galaw sa tuwing naglalakad siya.
Malapit na kami sa dinning kung saan nakalatag sa mahabang dinning table ang mga inumin at pakain nang mag-vibrate ang phone ko. Nakakuha ako ng message mula kay Sov na hindi siya makakarating sa party na 'to kahit invited din siya since delikado pa din ang kaso na hinahawakan ngayon ni Tito.
Napa-irap ako sa phone ng malaman kong tumakas lang si Isabela sa bantay nila kaya siya nandito ngayon. I told Sovannah na ako ang bahala sa pinsan niya para naman hindi siya mag-alala.
"Some of my friends like you. Ma-iingit sila pag pinakita ko ang pictures natin together," natatawang sabi ni Irene sa akin. She's a bit tipsy...and touchy at the same time.
Naka-inom na din ako pero I still know what I'm doing. Kung hahawakan ko man siya ay para 'yon sumuporta para hindi siya matumba.
Nagtaas ako ng kilay ng mapansin kong masyado niyang idinidikit ang katawan niya sa akin. Itinaas niya ang phone niya para kumuha ng litrato naming dalawa. Tumingin ako doon para pagbigyan siya.
"I think you're drunk...I'll go find your cousin," sabi ko sa kanya ng humilig ako para bumulong dahil hindi din kami magka-intindihan dahil sa lakas ng music.
Ngumisi siya at marahang umiling. "I'm not. Hindi ka ba nag-eenjoy sa company ko?" tanong niya sa akin nang harapin niya ako.
"I need to go...sa mga kaibigan ko. I'll go find your cousins or some of your fri..." halos hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magulat ako dahil sa piglaan niyang pagkabig sa batok ko.
Hindi kaagad ako nakagalaw ng maramdaman ko ang malambot na labi niya sa labi ko. Bago pa man niya igalaw 'yon ay kaagad na akong umiwas.
"I'm sorry...I'm not here to uhm..."
Iniwan ko siya na bitin ang explanation ko. Pumunta ako dito para makipag-party with my friends. I'm not here to make out with someone or even have sex.
Napa-iling na lang ako habang pinapahiran ang labi ko. Didiretso na sana ako palabas ng garden ng may humarang na isang kakilala sa akin.
"Hunter si Isabela...lasing na lasing na," sabi niya kaya naman kaagad akong sumunod sa kanya.
Wala na sila sa may living room. Sa entertainment room ko naabutan si Bel kasama ang ilan sa mga teammate niya na kasama pa din ang mga basketball player kanina.
"Isabela, I'll take you home," matigas na sabi ko sa kanya at tangka siyang kukuhanin patayo doon ng matamis niya akong nginitian.
"Hunter...you're here pala."
Base sa pagsasalita niya at kilos ay nakumpirma kong lasing nan ga talaga siya. Masyado siyang makulit at ayaw magpahila sa akin. May inabot pa siyang baso ng alak na kailangan ko daw inumin para pumayag siyang iuwi ko na siya sa kanila.
"Magd-drive pa ako," suway ko sa kanya para sa pangalawang baso ng alak na iniabot niya sa akin.
"Isa na lang then we'll go...bottoms up!" sabi pa niya sa akin na sinabayan din ng mga kasama niya.
Sumama ang tingin ko sa hawak niyang baso, para matapos na ang pilitan ay kinuha ko 'yon at kaagad na tinungga.
"Let's go," galit na yaya ko sa kanya.
Tumayo siya at muntik pang maout of balance kaya naman kaagad ko siyang hinawakan. Nagpaalam pa muna siyang kukuhanin ang mga gamit niya sa isa sa mga guest room na pinagamit sa team nila para iwanan ang mga gamit.
"Sasamahan ko na si Isabela," nakangising sabi ng isa sa mga basketball player.
Hindi ako nagsalita, tumalim lang ang tingin ko sa kanya kaya naman kaagad din siyang tumiklop.
Para makasiguradong uuwi na talaga kami matapos niyang makuha ang gamit niya ay ako na ang sumama sa kanya sa kwartong sinasabi niya.
Habang naglalakad at nakasunod sa kanya ay halos ramdam ko ang panlalabo ng aking paningin at pagkahilo na din.
"Fuck..." sambit ko.
Umiinom naman ako at naglalasing din pero mukhang hindi naging maganda ang combination ng mga na-inom ko ngayong gabi.
"I'll pee first," paalam ni Bel sa akin pag kapasok naming sa kwarto.
Pumasok siya sa banyo kaya naman dumiretso ako sa kama para sandaling umupo doon. Kailangan ko lang alisin ang hilo para makapag-drive pa ako.
Ilang beses kong hinilot ang sintido ko hanggang sa bumigat ang ulo ko, maging ang katawan kaya wala akong choice kundi ang ihiga ang kalahati ng katawan ko sa kama.
Narinig ko pa ang tunog ng tubig mula sa banyo, masyadong blurry na ang vision ko hanggang sa bumigat ang paghinga ko. Wala na akong lakas ng loob na dumilat pa, ni hindi ko na din maramdaman pa ang katawan ko, ni hindi ko na magalaw ang kamay ko...para akong lantang gulay.
Naramdaman ko na lang na may dumagan sa akin habang hinahalikan ako. Iyon na ang huling naalala ko hanggang sa tuluyan na akong kinain ng dilim.
"Tangina! Buksan niyo 'to!"
Nagising na lang ako kinaumagahan na sobrang bigat ng ulo ko. Kumunot din ang noo ko ng marinig ko ang malalakas na pagkatok sa pintuan. Puro sigaw at mura din ang halos sumira ng pinto.
Nanigas ako ng lingonin ko ang katabi kong si Isabela. Nakayakap siya sa akin, pareho kaming walang kahit anong suot na damit at tinatakpan lang ng puting kumot ang aming mga hubad na katawan.
Kaagad akong bumangon para isuot ang mga damit ko.
"Fuck...fuck," pa-ulit ulit na mura ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Kaka-suot ko pa lang ng pantalon ko ng kaagad na bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang galit na galit na si Kuya Hob.
"Gago!" asik niya sa akin bago niya ako inambahan ng suntok.
Sinubukan kong pigilan siya o awatin man lang pero masyado siyang galit.
"Traydor ka! Hundson...Tangina!" gigil na sabi niya habang sunod sunod ang pagsuntok sa akin.
Dinuro niya ako ng mahusto siya. "Simula ngayon...wala ka ng kapatid," banta niya sa akin bago niya kami matalim na tinignan ni Isabella.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro